SEKTOR NG
AGRIKULTURA
-Mahalaga ang sektor ng agrikultura sa isang ekonomiya dahil malawak ang
kontribusyon. Ito ang itinuturing na kaban o pinagkukunan ng pagkain ng isang
ekonomiya sapagkat tinutugunan nito ang ating pangangailangan sa araw-araw.
PAGHAHALAMAN
Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing pananim ng bansa tulad ng palay,mais,niyog
tubo,saging, pinya,kape mangga,tabako at abaka.Malaki rin ang produksyon ng
gulay,halamang ugat at halamang yaman sa hibla(fiber) sa gawaing pang agrikultura ng
bansa.Halimbawa nito ay ang mani, kamoteng kahoy, kamote,bawang,
sibuyas,kamatis,repolyo talong , at kalamansi.
PAGHAHAYUPAN
Malawak ang industriyang ng paghahayupan sa bansa.Mga pangunahing inaalagaan ang
mga kalabaw,baka,kambing,baboy, manok at pato.Upang mapigilan ang pagbaba ng
bilang ng kalabaw itinatag ang Batas Republika Bilang 7307 ang Philippine carabao
Center na siyang mangangasiwa sa pagpaparami at pagpapaunlad ng populasyon ng
mga kalabaw bilang katulong ssa pagsasaka at pagkukunan ng karne ,gatas at katad.Ang
Batas Republika bilang 8485 o ang Animal Welfare Act of 1988 ay nagpapahintulot na
katayin ang kalabaw kung ito ay dalawa o tatlong taong gulang na.
PANGINGISDA
Ang Pilipinas ang pinakamalaking prodyuser ng isda sa buong mundo. Nahahati ang
industriya ng pangisdaan sa pangisdaang komersyal,municipal at aquaculture.ang
aquaculture ang pinakamalawak ang kabuuan.Ang hipon at sugpo ang pangunahing
produktong niluluwas sa ibang bansa. Ang carrageenan ang damong dagat na
ginagawang gulaman.
PAGGUGUBAT
Ito ay tumutukoy sa mga yamang gubat kagaya ng torso,plywood,table at iba pang mga
yamang nakukuha sa mga punong kahoy sa kagubatan.Kasama rin ditto ang mga
produktong gubat na hindi kahoy tulad ng rattan,nipa,anahaw,kawayan, pulot-pukyutan
at dagta ng almaciga.
PAGMIMINA
Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamaraming mina sa buong mundo.May mga
yamang mineral,yamang di metal at enerhiya na matatagpuan sa mga
kabundukan,kapatagan,baybayin at maging sa may mga karagatan.
Halimbawa ng mineral, ang cadmium, chromite,cobalt,tanso,
ginto,bakal,manganese,lead,mercury,molybdenum,nickel,palladium,pilak,uranium at
zinc.
Halimbawa naman ng di metal ang
asbestos,barite,fentonite,semento,luwad,karbon,graba,diatomite,dolomite,feldspar,gua
no,gypsum,adobe,magnesite ,marmol,mica,natural na gas,perlite,petrolyo,batong
phosphate,pyrite,aspalto,buhangin,sulfur at talc.
SEKTOR NG
INDUSTRIYA
-Mahalaga ang sector ng Industriya dahil ito ay tagaproseso ng mga hilaw na
materyales,nagsusupply ng mga yaring produkto at kagamitan sa agrikultura,
pinanggagalingan ng dolyar , at nagkakaloob ng hanapbuhay at kabuhayan
PAGMAMANUPAKTURA
-Malaki ang naitutulong ng pagmamanupaktura sa ating bansa. Unang-una na ang
pagkakaroon ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino. Libo-libong tao ang
nabibigyan ng trabaho kung ang mga pabrika ay nandito sa ating bansa namumuhunan.
Ilang pamilya ang natutulungan maisaayos ang pinansyal na pamumuhay. At dahil
dyan, marami ang nagagawa ng mga pamila ng manggagawang Pilipino. Maari nilang
mapag-aral ang kanilang mga anak, matustusan ang araw-araw na pangangailangan,
mabigyan ng tamang tirahan. Napakaming pwedeng magawa talaga kung me pagkaka-
kitaan ang mga manggawa. Hindi lang yan, malaki din ang benepisyo nito sa ating
gobyerno. Habang ang nga tao ay nagta-trabaho at kumita, sila din ay nagbabayad ng
buwis, maliban pa ang buwis na direktang ibinabayad ng mga pabrika sa gobyerno. Ang
buwis na ito, ay malaki ang naitutulong sa pagpapa-ikot ng pinansyal na aktibidades ng
bansa.
PANANALAPI
-Ang pananalapi ay ang kung paano pinag-aaralan ng mga tao at sinusuri kung paano
nagkakamit at gumagamit ng salapi o pera ang mga tao, mga negosyo, at mga pangkat.
Tinatawag din itong pamimilak (mula sa
salitang pilak, pinansiya, panustos, panggugol (mula sa salitang gugol, tulad
ng pondo), at pamuhunan (mula sa salitang puhunan o kapital).
TUBIG
-Anu man ang panahon, ang tao ay tiyak na mangangailangan ng tubig upang mapawi
ang uhaw na nararamdaman. Ang katawan natin ay 70% tubig kung kaya't
napakahalaga ng tubig sa tao. Nagsisimula tayong mauhaw sa pagbawas ng 1% lang
ng body fluids, at maaari tayong mamatay kung umabot sa 10%. Ito man ay walang lasa,
walang amoy, at walang kulay, hindi makakailang importante ang tubig para sa lahat ng
mga kilalang anyo ng buhay. Ngayong panahon muli ng tag-init, mahalaga ang sapat na
pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration o pagtuyo ng tubig sa katawan.
Tiyaking tunay na malinis ang iyong pinagkukunang o binibiling suplay ng tubig na
iniinom at pampaligo.
KONSTRUKSYON
Sa mga larangan ng arkitektura at inhinyeriyang sibil, ang konstruksiyon o paggawa
ng gusali ay isang prosesong binubuo ng paggawa, pagtatayo,
o pagbubuo ngimprastruktura. Malayo sa pagiging iisang gawain, ang isang gawaing
panggusali na malakihan ang sukat ay isang gawain ng paggawa ng maraming mga
tungkulin at gawain na pantao. Sa pangkaraniwan, ang trabahong ito ay
pinamamahalaan ng isang tagapamahala ng proyekto, at pinangangasiwaan ng
isang tagapangasiwa ng konstruksiyon,inhinyero ng disenyo, inhinyero ng
konstruksiyon o arkitekto ng proyekto.
TRANSPORTASYON
Ang transportasyon ay nananatiling mahalaga para sa Asia sapagkat kung magpapatuloy
ang kakulangan nito, maraming mga mamamayan ang maghihirap sapagkat hindi
makararating sa kanilang mga hanapbuhay, mga pamilihan, pagamutan at mga
paaralan.
SEKTOR NG
PAGLILINGKOD
-
Ito ang sektor na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga negosyo at sa mga
konsyumer. Ang serbisyo’y maaaring pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa
konsyumer ng mga produkto mula sa prodyuser, tulad ng nangyayari sa industriya ng
turismo at paglilibang.
TELEPONO
Ang telepono o hatinig ay isang aparatong pantelekomunikasyon na nagtatawid,
hatid o tulay at tumatanggap ng tunog o ingay (na kadalasan ay boses at pananalita)
galing sa dalawang magkalayong lugar o pinagmulan. Karamihan sa mga teleponong ito
ay napapatakbo gamit ang mga elektronikong senyales.
TINDAHAN
Ito ay isang tindahan na pwede tayo makapamili ng pira-piraso o isa-isa.
maaaring makakatipid tayo kung dito tayo bibili kaysa sa iba.
sa totoo lang, sa mga tingiang tindahan, hindi tayo nakatitipid. Ngunit nakabibili tayo sa
halagang kaya lamang ng bulsa. Mga tindahang nakatutulong sa maliliit na
mamamayan. Tulad na lamang ng pagbili ng isang kilong asukal. Sa ngayon nakabibili
tayo nito sa halagang 56 isang kilo. Kung bibilhin ang isang sakong tumitimbang ng 50
sa halagang 250.00 nakatipid tayo.
AHENSYA NG GOBYERNO
Mahalaga ito dahil maaaring dumulog ang mga tao sa mga ahensya at maaari itong
makatulong sa nangangailangan
PAUPAHAN
Ang lease o upa, ay isang kontrata kung saan ang isang may -ari ng ari-arian (tulad ng
apartment) ay nagpapahintulot para sa isang takdang panahon ng pahintulot ng
paggamit ng ibang tao kapalit ang kaukulang buwanang upa o bayad
RELIEF GOODS
-ang kahalagahan nito ay maaaring makatulong sa mga nasalanta ng mga kalamidad
tulad ng bagyo, lindol, etc.
ELEKTRISIDAD
Ito ang nagbibigay nga liwanag sa buhay. Dito kumukuha ng enerhiya ang mga
bumbilya sa bahay, washing machine, refrigerator, electric fan, plantsa, at iba pang mga
appliances na ginagamit sa pang araw araw na buhay.