8/8/2019 Manual- Final Draft Breast Feeding
http://slidepdf.com/reader/full/manual-final-draft-breast-feeding 1/6
8/8/2019 Manual- Final Draft Breast Feeding
http://slidepdf.com/reader/full/manual-final-draft-breast-feeding 2/6
Football/ Clutch
Ang pagiging ina ay napakahalagang
responsibilidad ng babae. Sinasabi ng marami na
sukatan ng pagiging babae ay ang kakayahan
nitong magsilang ng isang sanggol at ang
kakayahan nitong magbigay ng di
mapapantayang pagmamahal sa kanyang anak.
Ang unang gatas ng ina ay tinatawag na
“colostrum”. Ito ay nagtataglay ng mga sustansya
na kailangan ng bata sa mga unang linggo ng
kanyang buhay.
Sa gatas ng ina ay maipadarama ang
kanyang pagmamahal sa kanyang anak, kahalo
ng gatas ng ina ang mga sangkap ng
pagmamahal, pag-aaruga, at lalung-lalo na ang
sangkap sa pagkakaroon ng isang malusog na
katawan ng sanggol.
Nagtataglay ng mga bitamina at mga
sangkap na kailangan upang siya ay maging
8/8/2019 Manual- Final Draft Breast Feeding
http://slidepdf.com/reader/full/manual-final-draft-breast-feeding 3/6
malusog at matalinong bata sa kanyang
paglaki.
Mainam na pagkain dahil madali itong
matunaw at nagbibigay ng malusog na tiyan
upang maiwasan ang mga sakit tulad ng
pagtatae, sipon, at ubo.
Nagbibigay ng pampalakas at resistensya
upang labanan ang mga sakit na hindi kayang
ibigay ng mga ordinaryong gatas.
Nagtataglay ng katamtamang sangkap ngtaba, asukal, tubig, at protina na nakakatulong
sa paglaki.
Pinapatalas nito ang paningin at
pinapaganda nito ang balat.
Nagbibigay ng pakiramdam na siya ay
pinoprotektahan, inaalagaan, at binibigyan ng
lubos na pagmamahal ng kanyang ina.
• Hayaang sumuso ang sanggol mula 10
hanggang 15 minuto, at ilipat naman sa
kabilang suso.
• Kapag busog na ang bata, kusa itong titigil
sa pagdede. Kung tapos ng dumede at
kailangan tanggalin ang bibig mula sa suso,
ilagay ang isang daliri sa isang sulok ng
kanyang bibig at ilayo ng marahan ang
bata. Padighayin ang sanggol pagkatapos
ng pagpapasuso.
Cradle Hold/ Duyan
• Marahang idampi ang iyong suso sa
labi ng bata para maibuka niya ng mabuti
ang kanyang bibig. Kapag naibuka na ang
8/8/2019 Manual- Final Draft Breast Feeding
http://slidepdf.com/reader/full/manual-final-draft-breast-feeding 4/6
kanyang bibig, ilapit at hawakang mabuti at
saka pasusuin. Kapag hindi pa naibubuka ng
bata ang kanyang bibig, ipagpatuloy ang
pagdampi sa kanyang labi.
• Siguraduhing nakalapat ang bibig ng bata
sa paligid ng inyong utong, may
pagkakataon na ang ilong ng bata ay
nakadikit sa iyong suso, huwag mag –alala
dahil normal ito at nakakahinga parin ng
maluwag ang bata.
Ang pagpapasuso ay hindi lamang
mahalaga para sa mga sanggol, kundi na rin para
sa mga ina. May magaganda at mahahalagang
papel itong ginagampanan sa kalusugan.
Mahalaga na magpasuso ang ina hindi lamang
para sa kanyang anak sa kadahilanang:
Nakakatulong ito upang maiwasan ang mga
sakit katulad ng breast cancer, ovarian
cancer, at osteoporosis.
Nakakatulong upang maiwasan ang
pagdurugo at mabilis na naibabalik ang
bahay-bata sa normal nitong laki
pagkatapos ng panganganak.
Tinutulungan nito na makapagbawas ng
timbang at maibalik ang dating
pangangatawan at madaling nasusunog ang
8/8/2019 Manual- Final Draft Breast Feeding
http://slidepdf.com/reader/full/manual-final-draft-breast-feeding 5/6
mga taba sa katawan bunga ng
pagbubuntis.
Bibibigyan nito ng oras para sa kanyang
sanggol. Isa rin itong paraan upang
mapaglapit at magkaron ng magandang
relasyon ang mag-ina.
Ang pagpapasuso sa sanggol ay
nakakatulong din sa pagpapalakad ng pamilya. Di
lamang puro para sa kalusugan ang hatid nito
dahil:
• Mas matipid ang pagpapasuso dahil hindi na
kailangan gumastos para bumili ng gatas.
Mas matipid pero mas higit ang sustansyang
dulot nito..
• Nagsisilbing isang natural na paraan ng
pagpaplano ng pamilya dahil pansamantala
nitong ipinapagliban ang normal na
obulasyon at buwanang dalaw.
• Nagkakaroon ng maganda at masayang
relasyon di lamang sina nanay at ang
sanggol kundi ang buong pamilya. Buo ang
suporta ng pamilya lalo na ang tatay kay
nanay sa kanyang pagpapasuso dahil alam
niyang magiging malusog ang sanggol.
Ang pagpapasuso ay tumatagal ng 15 - 30
minuto, bawat 1 - 3 oras, 8 - 18 beses sa isang
araw. Mahalagang malaman ang tamang
8/8/2019 Manual- Final Draft Breast Feeding
http://slidepdf.com/reader/full/manual-final-draft-breast-feeding 6/6
pagpapasuso sa bata upang makaiwas sa
anumang aksidente.
•
Paglinis ng suso
• Siguraduhing laging nakaupo habang
nagpapasuso. Hawakan ng mabuti ang ulo
ng bata. Suportahan ng inyong mga braso
ang likod at puwit ng bata. Hawakan ang
iyong suso ng isang kamay (huwag hawakan
ang parte kung saan nakadikit ang bibig ng
bata). Pisilin ang suso at itapat sa bibig ng
bata.
Top Related