Mga Kaurian ng mga
Nilalang sa
Mitolohiyang Pilipino
BAMPIRO - nabubuhay sa
paninipsip ng dugo ng tao.
Karaniwan sila ay magagandang
lalaki o babae na mapang-akit, kung kaya’t
madali silang makakuha ng
biktima.
BRUHA -naninirahan bilang ordinaryong tao sa
mga payak na pamayanan. Kadalasan
sila ay mga matatandang babae na
may karaniwang kaanyuan ngubit may kakaibang kakayahan na magpalit ng anyo,
lumipad, maging imbisibol o makasanhi
ng malubhang sakit kapag ginalit.
DEMONYO -nananakot o
nanggugulo ng mga tao sa pamamagitan
ng masasamang panaginip, sakit o
kamalasan. Karaniwan silang naninirahan sa mga malalaking puno, gubat, kuweba o lugar
na walang tao. Nagpapakita sila sa gabi o hatinggabi at
naglalaho sa pagsikat ng araw.
DRAGON - may katawang mala-isda o reptilyo. Ito ay
may ulo at paa ng isang mabangis na
hayop o ibon. Karaniwan ay malaki at
nakapagbubuga ng apoy.
HIGANTE -Malaki at ang anyo’y
maaaring mala-tao, mala-halimaw o mala-ibon. Maaaring mabait sa mga tao, o maaari
ding kumakain ng lamang ng mga
nilalang depende sa uri.
DUWENDE -may dalawang uri. Ang una ay maliit at
depormado ang katawan. Kasingliit ng
isang tatlong taong gulang na bata ngunit mukhang matanda na may malaking bibig at mahabang balbas. Sila
ay mapaghiganti sa kanilang mga kaaway at nagbibigay ng sakit
at kamalasan. Mahihilig sa pagdukot
mgagandang bata at dilag
DUWENDE -ang ikalawang uri ay bata, may maamong mukha at karaniwa’y
mababait. Sila’y tinatawag na lamang
lupa dahil sila ay nananahan sa ilalim ng lupa – sa mga bundok,
burol kuweba kung nasaan naroroon ang kanilang malalaking
tahanan. Sila ay galante at matulungin sa mga taong kanilang
napupusuan.
MULTO - pinaniniwalaang kaluluwa ng mga
namatay na mortal. Maaaring imbisibol,
mala-ulap o may anyong tao.
Nagpaparamdam sa pamamagitan ng pag-iingay, paggalaw ng mga abgay, paglabas
ng malakas na amoy, o biglaang pag-ihip ng
simoy ng hangin.
GHOULS -karaniwang
naninirahan sa mga sementeryo at nag-
aabang ng mga bagong libing na
bangkay/patay. Minsan ay kumakain din ng mga buhay na bata.
VISCERA SUCKERS -karaniwang may anyo ng magandang babae sa araw at nagiging
halimaw na may pakpak at nahahati
ang katawan sa gabi. Nabubuhay sa
paninipsip ng lamang loob, bilig at dura ng
taong may sakit.
OGRO -kahindik hindik na
halimaw na may hawig sa tao. Karaniwang inilalarawan na may
malaking ulo, malagong buhok at balbas, matakaw at
may malakas na katawan. Kadalasan ay may masamang pag-
uugali ngunit dahil sila ay mangmang madali
silang malinang.
MERFOLK -Kalahating tao at
isda, at naninirahan sa tubig. Minsa’y galante
sa kanilang kayamanan at
kaalaman sa mahika. Minsan ay sinasagip nila ang mga taong
sakay ng mga tumaob na bapor o bangka sa
dagat, ngunit nanlulunod din sila ng
mga taong nakapagpagalit sa
kanila.
Top Related