Aralin 14: Bugtong na
Anak
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak
ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya
lumaki at nagkaisip.
Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni
Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si
Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol
pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.
Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok
sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya
ang maghapon sa pamamasyal sa burol.
Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba
pang hayop. Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
Aralin 15: Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na
di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa
mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap.
Ang batang nasanay sa
ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng
asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak,
ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-
aral.
Aralin 16: Nahubdan ng
Balatkayo
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa
Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si
Antenor.
Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari
lamang ang kabaitan ni Adolfo.
Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng
panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at
matematika