Download - Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Transcript
Page 1: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Ni Bienvenido Lumbera

Page 2: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Ayos lang ang buhay sa Maynila.Wala kang paki sa hindi mo pami,At ika’y pababayaanNg ‘yong kapitbahay.Singkipot ng inuupahang entresuweloAng mundo, tamang-tama:May banyo, may kusina

Page 3: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Ma’no kung mayroon mang bendorNa nasagasaan ng dyip sa Espana?Hindi mo alam (di na peryodiko kasi)Ng isang buntis ang naglunod sa Pasig

kahapon.Mabalitaan mo ma’y di mo naman kilala.Basta ligtas ang eskinitang patungo sa

inyo,Malalim man ang baha sa Sta. Cruz, ay

ano?

Page 4: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Nakatanghod ang dalawang bata Sa pagkagat mo ng siopaoO paghigop sa sabaw ng mami.Puwedeng di mo pansinin,Para nung weyter sa sulokNa nagtitiris ng tagihawat.Salabahe’ng mga bata ‘yan-Malimit naaaksidente ka na’yIkaw pa’ng dudukutan.

Page 5: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Para sa’yo, ang pakikisama’yPara nung gripo sa banyo—Tantiyado mo kung kailanHangin lang ang ihahagok,At kung anong oras namanMay tutulong tubigPag kinabukasan.

Page 6: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Ang Mga kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la

Cruz

Ni Jose F. Lacaba

Page 7: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Isang gabing madilimPuno ng pangambang sumakay sa bus Si Juan de la CruzPustrang pusturaKahit walang laman ang bulsaBAWAL MANIGARILYO BOSSSabi ng kundoktoraAt minura si Juan de la Cruz.

Page 8: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Pusturang-pusturaKahit walang laman ang bulsaNilakad ni Juan de la Cruz Ang buong AvenidaBAWAL PUMARADASabi ng kalsadaBAWAL UMIHI DITOSabi ng bakodKaya napagodSi Juan de la Cruz

Page 9: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Nang abutan ng gutomSi Juan de la CruzTumapat sa Ma Mon LukInamoy ang mami, siopao, lumpia,

pansitHanggang sa mabusog.

Page 10: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Nagdaan sa Sina Dalisay Tinitigan ang retrato ni ChichayPASSES NOT HONORED TODAYSabi ng takilyeraTawa nang tawa

Page 11: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Dumalaw sa konggresoSi Juan de la CruzMAG-INGAT SA ASOSabi ng diputadoNagtuloy sa MalakanyangWala namang dalang kamanyangKEEP OFF THE GRASSSabi ng hardineroSabi ng sundaloKay Juan de la Cruz

Page 12: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Nang dapuan ng libogSi Juan de la CruzNamasyal sa CuliculiAt nahulog sa pusali parang espada bali-

baliYOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED

CASHSabi ng bugawSabay higop ng sabaw.

Page 13: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Pusturang-pusturaKahit walang laman ang bulsaNaglibot sa DeweySi Juan de la CruzPAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFYSabi ng neon.Humikab ang dagat na parang leonMasarap sanang tumalon peroBAWAL MAGTAPON NG BASURASabi ng alon.

Page 14: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Nagbalik sa QuiapoSi Juan de la CruzAt medyo kinakabahan Pumasok sa simbahanIN GOD WE TRUSTSabi ng obispoALL OTHERS PAY CASH.

Page 15: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

Nang wala nang malunokSi Juan de la Cruz Dala-dala’y gulokGula-gulanit naang damitWala pa rin laman ang bulsa umakyatSa Arayat ang namayatNa si Juan de la Cruz

Page 16: Ayos Lang Ang Buhay Maynila

WANTED DEAD OR ALIVESabi ng PC At sinisiAng walanghiyang kabataanKung bakit sinulsulanAng isang tahimik na mamamayanNa tulad ni Juan de la Cruz.