A Miracle
By Jessamine
She’s not your ordinary lady,
And she’s no normal girl.
But she’s everything to me...
…My one and only dearest miracle.
***
Prologue
Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa
panimula ko. Gusto ko lang talaga ikwento yung maikli naming storya. Sabi
nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago.
Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala,
alam ko.
Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Ano nga
palang tawag jan? Ayun.
Oxymoron. Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit
nagkatuluyan si babae at si lalake sa isang telenobela, ang masaklap,
tapos na yung kwento.
Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan.
Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman talaga sa kin. Hawak
hawak ko yung laptop at heto, nagtatype. Andito parin yung isa sa mga
himala na bumago sa pananaw ko sa buhay. Unti-unti na nahuhulog yung mga
talulot niya. Ang nakakapagtaka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang
yung mga talulot niya.
Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga… naghihintay parin siya.
Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy… pero may
magic, na kung tawagin niya ay himala. Bakit?
Di ko rin alam eh.
At dito, nagtatapos ang kwento naming dalawa.
***
Chapter 1
[The Living Doll]
Bagong lipat lang kami ng bahay. Palipat-lipat kasi kami. Nagiipon sina
mama at papa para sa isang bahay. Apartment apartment lang nung una
hanggang sa nakaipon. Eto, nakabili na kami ng isang napakagandang bahay
sa isang napakagandang village.
Nagaayos kami ng gamit, kami ng kapatid ko inuna namin yung sa kwarto
namin. Sina mama at papa pinapabuhat yung mga sofa dun sa mga nagbubuhat
ng mga gamit. Basta, yun na yun.
Maya maya, biglang nagring cellphone ko.
“Hello?”
“Nathan!”
“Sino to?!”
“Tae ka ha. Hanggang ngayon ba di mo parin kilala boses ko?! Ethan to!”
Si Ethan yung pinaka “pare” ko mula pa grade school. Kasama sa trip.
Kasama sa kalokohan at kawalangyaan. Halos ipagpalit na kami ng mukha ng
mga taong nakakakilala sa amin. Sa pangalan pa lang, nakakalito na kaming
dalawa.
“Nakalarga na kayo?!”
“Oo. Nagaayos na kami ni Gerald ng gamit.”
1
“Punta ko jan.”
“Sige.”
“Andito na ko.”
“Sabi na nga ba. Anak ka talaga ng hopia oh.”
“Anak ako ng nanay ko. Sige sayang load ko. Lumabas ka na.”
“Ikaw tong tumawag eh. At saka, load?! Nanay mo naman nagbabayad ng
linyang yan. Sige. Baba ko na.”
Bumaba ako. Dinatnan kong nagaayos ng merienda si mama. Nalaman sigurong
andito si Ethan.
Pag labas ko, ayon, nakikipagusap kay dad.
“Naks tol. Ganda ng bahay ah.”
“Magaling lang talaga magulang ko.”
“Tara, basketball tayo.”
“Langya ka. Kita mong nagaayos ako ng gamit eh.”
“Pumunta pa naman ako dito!”
“Di ka man lang nagtext. Sinong tanga?!”
“Ikaw.”
“Hinayupak ka.”
“Sige, punta lang ako kena JR.”
“Sino yun?”
“Taga dito din, na di mo kilala. Text ka pag tapos ka na. Punta kang
basketball court pagtapos mo.”
“Tae ka. Parang ang tagal ko na dito ah.”
“Magbike ka. Lapit lang yun dito. Sige lis’ na ko tol.” Tapos ginawa na
namin yung apir namin.
Bumalik ako ng bahay at nagayos ulit ng kwarto. Mga 4:00 na ko natapos.
Naligo ako saglit tapos nagpaalam na ko kena mama na hahanapin ko yung
court.
Kinuha ko yung bike at umalis.
Ang ganda ng village na to. Sa sobrang daming puno, sigurado akong wala
akong poproblemahin sa baha at sa kung anuman.
Pero may isang lugar dun sa village na to na napatigil ako. May slope, at
sobrang ganda nung nakatanim na… damo? Basta yun. Masarap humiga.
Maraming puno ng Acacia dun sa nakita kong lugar, tapos may swing at
monkey bars.
Tumigil ako at pinark yung bike ko dun sa may puno. Hay. Sarap ng hangin.
Tumingin ako sa langit.
Ganda ng ulap. Ano nga bang tawag dito? Cumulus Clouds? Basta yun na yun.
Hindi nakakasunog ng balat yung araw. Tama lang.
Eto na ata ang ‘haven’ ko.
Napahiga ako sa sobrang ginhawa ng nararamdaman ko. Kasabay ng paghiga ko
ang pagpikit ng mga mata ko. Ang sarap alalahinin lahat ng mga nangyare
mula sa pagkamulat ko hanggang sa dahilan kung bat ako nandito.
Dumilat ako at—
WOAH!!!
Nagulat ako sa nakita ko. Bawal sabihin. Pero ayun nga, sa sobrang gulat
napatayo ako at napatingin sa taas. Saktong pagtingin ko sa taas—
BAM.
Nalaglag yung tao—OO. TAO.
Ang sakit nung pagkabagsak niya sa kin kasi inupuan niya ko. Ako naman,
akala ko eh bata lang ang bumagsak sa kin kasi magaan naman siya kahit
papano. Pagkadilat ulit ng mga mata ko…
Isang manika.
2
Manika lang pala.
“Salamat.”
Ah, isang nagsasalitang manika.
Ngiti.
Tumaas lahat ng balahibo ko. HINDI SIYA MANIKA. TOTOONG TAO SIYA. Parang
nakita ko na siya… hindi ko lang matandaan kung saang lupalop ko siya
nakasalubong.
Nakalugay yung maitim niyang buhok sa likod niya na parang hindi siya
nalaglag. Wala kang makikitang balat sa noo niya dahil takip na takip ng
bangs. Ang suot niya? Isang itim na doll dress. Yung may napakalaking
ribbon sa gilid na sobrang daming lace. Doll shoes din yung sapatos niya,
yung pang elementary ba. Yung headband niya pang manika din.
MANIKA NGA.
“ano ba miss! Magpapakamatay ka ba? Hindi ka naman mamamatay sa pagtalon
jan eh. Mapipilay ka lang!”
“hindi. Sinusubukan kong patuluin yung luha ko. Eh ayaw, nakabara sa
mata. Kaya sinubukan kong tumalon, baka malaglag. May naramdaman ka bang
basa?”
Ha? Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya. Una sa lahat, dahil
walang sense. Sinong tatalon sa puno para lang mahulog yung luha niya?
Tumayo yung babae. Di ko alam kung pano sasabihin… pero muka talaga
siyang manika. O… manikin?
Ang puti puti niya. Nakikita ko na nga yung veins sa leeg niya. May
ganito palang taong nageexist.
Inabot niya yung kamay niya para itayo ako. Kung tutuusin, mabait naman
siya. Kung pagbabasihan ko sa pisikal na kaanyuan, tahimik siya.
Hinawakan ko yung wrist niya, sasabihin ko sana na masarap naman mabuhay.
Kaso pagtingin ko, ang dami niyang hiwa sa kamay. Halatang madaming beses
na niya binalak magpakamatay.
“Akala ko ba di ka magpapakamatay? Bakit ang daming hiwa? Matakot ka
naman sa Diyos. Masarap mabuhay.”
“Hindi ako yung may gawa nung mga hiwa na yan. Isa lang yung akin dahil
inutusan ako. Yung iba, hindi ako yung may gawa. Pano mo nalaman na
masarap mabuhay kung di ka pa naman namamatay?” Sa pananalita niya, alam
kong isa siyang—pessimist. At kung totoo yung sinabi niya tungkol sa mga
hiwa na to, ibig sabihin masokista siya.
“Isa pa, nabubuhay ako kahit na patay ang turing sa kin.”
“Miss, may kakapitan ka pa. Wag kang ganyan—”
“Sa totoo lang… wala na.”
“Meron pa. Impusible namang wala kang kaibigan—“
“Wala nga.”
“Pamilya?”
“Wala din—siguro.”
“Ha? Pano ka nabubuhay?”
“Gusto mo ba malaman muna ang pangalan ko bago ka magtanong sa kin ng
ganyan?” Napatulala ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Hindi ko pa
naitatanong yung pangalan niya.
“Ako si Nathan. Sorry kung—“
“Ako si Mary.”
Hindi ko ba alam kung mamamangha ako o matatakot sa kanya dahil sa paraan
kung pano siya ngumiti.
Maliit lang yung mga labi niya pero pink na pink, yung sa manika nga.
Pero ang pinakanapansin ko talaga ay yung mga mata niya. Sobrang ganda.
Ang haba ng mga pilik mata niya. Kung hindi ko siya nakita ng malapitan,
masasabi kong naka mascara at eyeliner siya. Sa sobrang ganda ng mga
matang yun, parang pwede ka na magsalamin.
Ngumiti siya ulit.
3
“Sa susunod ulit Nathan. Masaya akong nakilala kita.”
Kumaway siya tapos ngumiti ulit. Hindi ko napansin na may hawak hawak
siyang isang teddy bear. Yakap yakap niya yun habang lumalayo siya sa
kin.
***
Chapter 2
[Entrance]
Umpisa na ang pasok, pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung
araw na nakita ko yung manikang yun.
Hindi ko alam. Meron sa kanya na binabagabag ako. Siguro dahil narin,
psychology ang course ko kaya gusto kong tuklasin kung ano man yung nasa
likod ng ganung ugali niya. Uh—ang ibig kong sabihin, wala naman siyang
masamang ugali pero… hindi ko alam. Alam kong may mali sa kanya. Halata
naman diba?
Pumasok ako sa school, first day pa lang naman ng sophomore year ko.
Walang mga prof na pumasok, bad trip dahil sayang pamasahe. Hindi kami
magkauniversity ni Ethan, dun siya sa kapit bahay ng school ko. Ayos
lang, mayaman naman yun.
Umuwi ako ng bahay na pagod. Gusto ko tuloy ulit magbakasyon. Humiga ako
sa kama, binuksan yung aircon at yung laptop ko, maglalaro na lang siguro
ako.
Binuksan ko yung social networks ko para tingnan kung may mga message
tapos saka ko binuksan yung lalaruin ko. Online pala sa Ethan kaya ayon,
bumuo kami ng grupo saka naglaro. Nagimbita muna siya ng mga pwede,
madami naman yun kakilala. Syempre kanya kanya kaming username.
Nung naguumpisa na kami ng laro, may isa sa amin, ang username: dollface.
Bigla ko tuloy naalala yung babaeng una kong nakasalamuha sa village na
to. San kaya siya nakatira dito? Naalala ko bigla na socialite nga pala
tong si Ethan at halos tambay na siya dito kasi nasa kabilang village
lang naman siya, eh andito yung mga ibang ka-liga niya. Pagkatapos naming
maglaro, pinag-online ko siya.
“Tol, tambay ka dito diba?”
“O, baket?”
“May nakita ka na bang babae dito na—“
“Sexy? Oo madami.”
“Patapusin mo nga ako! Hindi. Babaeng mukhang manika.”
“Manika?”
“Oo. Isang babaeng ubod ng puti na pwede na magcamouflage sa white paint.
Tapos may suot na parang pang baroque na—“
“Tae tol. Si Rebecca?”
“Rebecca?”
Rebecca? Pero ang pagpapakilala niya sa kin ay Mary, di ba?
“Oo. Yun yung gumagalang multo jan sa village niyo. Siya ba yung laging
may hawak na teddy bear?
Tatlo tawag sa kanya jan eh. Mangkukulam, the walking manikin at saka
voodoo doll.”
“Seryoso ba yung multo siya?”
“Ewan ko. Para kasi siyang multo, pero nakikita ng lahat ng tao.”
“Bakit daw siya ganun?”
“Ba malay. Weirdo no.”
“Nakita mo na siya?”
“Oo. Daming beses na. Lagi yun nasa park. Bahay niya ata yun eh. Bat mo
nga pala natanong?”
“Naalala ko lang dahil kay dollface.”
“Sino yun?”
“yung kalaro natin kanina. Nakita ko kasi yung babaeng yun nung unang
araw na lumipat kami.”
“yung nagbasketball tayo?”
“oo. Nakalimutan kong ikwento.”
“anong sabi sayo?”
“uh—wala. Para kasing, nakita ko na siya. Di ko alam kung saan.”
“Tsk. Siya na yan.”
“Anong siya na yan?”
“Yung nakatadhana sayo.”
“Tigilan mo ko tol kung gusto mo pa mabuhay!”
4
Di ko parin maisip. Alam kong nakita ko na siya… hindi ko lang talaga
alam kung saan.
Nung susunod na araw, may mga prof na. Kahit boring sila, at least hindi
nasayang ang pamasahe ko.
Pero sobrang boring nung dalawa sa apat kong prof na inattendan ngayong
araw kaya kung cacalculahin, meron akong 3 hours na tulog sa oras ng
pasok.
Bumalik ako sa building ng college ko, titingin lang sana ng mga—ahem—
kung sakaling may mga magagandang freshmen. Titingnan lang naman.
Bumisita din ako sa org ko at ayun. Tawanan.
Bumili ako sa isang malapit na cafeteria ng softdrinks at ng pagkain,
panglamon sa org. Nagulat ako nung may nakita ko siya na nakaupo magisa
sa may mesa. Sinong siya? Sino pa ba.
“Oi.”
Tumingin siya sa kin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Di ko maisip na
makakagawa ang Diyos ng isang nilalang ng ubod ng ganda yung mga mata.
Ang cute niya. Cute… pero weirdo.
“Ano ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang?”
“Nagpasa ako ng mga papers. At, oo mag-isa lang ako.”
“Papers? Para san?”
“Leave.”
“Bakit ka magleleave? Leave na ano?—teka. Ibig sabihin, dito ka
nagaaral?”
“Oo. Third year na dapat ako. Dito ka din pala.”
Ayun. Naalala ko na kung san ko siya nakita.
“College of music ka?”
“Oo. Bachelor of music major in voice-theater and dance. Pano mo
nalaman?” Ayun natatandaan ko na kung saan ko siya nakita. Siya yung bida
dun sa inattendan naming play last year dun sa isang subject ko dahil sa
requirement. Kaso… natulog lang ata ako dun eh. Wala na akong matandaan.
Andun pa ko sa parte ng auditorium na wala kasing laki lang ng langgam
yung mga mukha ng mga characters.
“Sabi na nga ba. Nakita kita sa isa sa mga tarpaulin dun sa may college
niyo. Nagperform ka na pala.”
“Oo. Sabi ng prof.”
“O, e di marami ka nga kakilala—bat sabi mo—“
“wala nga. Kinakausap lang ako ng mga tao pag may performance.”
“Ate ka pala. Third year ka na.”
“Ilang taon ka na ba?”
“19 pa lang ako.”
“mas bata pala ako sayo. 17 pa lang ako.”
17? Ibig sabihin, 15 years old siya nung pumasok siya ng college?
Niloloko ba niya ko?
“Sige, aalis na ko.”
“Teka!”
“Ha?”
“U—uwi narin ako. Sabay na tayo.”
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yung mga salitang yun. Hindi naman
siguro masama na samahan siya, maganda din yung may kakilala sa village
niyo, at maganda din yung may kakilala na parehas ng university. Kung
third year na siya, dapat may alam na siyang mga subject na madaling
kunin. Diba?
Nakasabay na kami pareho ng jeep. Siyempre gentleman din naman ako. Kahit
na siya na ang pinakaweirdong babaeng nakilala ko, dapat maging maganda
parin pakikitungo ko sa kanya.
“Ako na magbabayad.”
“Salamat.”
Nagbayad na ako para sa aming dalawa. Magkatapat kaming dalawa, pareho
kaming nasa dulo ng jeep.
Pero kahit nasa iisa na kaming jeep at kahit magkatapat pa kami, hindi
man lang niya ko nilingon para kausapin ako.
5
Bumaba na kami. Sasakay na sana ako ng bike ko na pinark ko dun sa may
gate at sasabihin sana na
‘gusto mong sumabay’. Pero nung pagkakita ko, ang layo na niya sa kin.
Grabe, ang bilis niyang maglakad.
“Ui! Mary!”
Hindi siya lumingon kaya binilisan ko yung takbo ng bike ko. May mali ba
akong nasabi? Naging masama ba ako? Hindi naman sigurong masama na
kilalanin ko siya… diba?
“Gusto mo makisakay?”
“Hindi na, maglalakad na lang ako.”
“P—pero pwede ka namang—“
“Gusto mo ba talagang pumasok sa buhay ko?”
Napatigil ako. Di ko akalain na may magtatanong sa kin ng ganun. Sa totoo
lang, di ko alam kung anong isasagot ko… bakit nga ba ako pumasok sa
buhay niya?
***
Chapter 3
[Rose seeds]
Ngiti.
Ngumiti siya tapos naglakad na. Ako naman, napatigil lang sa sobrang…
hindi ko rin alam. Basta napatigil na lang ako. Bakit ko nga ba siya
kinakausap? Eh pwedeng hindi naman?
Bumalik ako ng bahay. Hindi ko rin alam. Ang sama sa pakiramdam na
sabihan ka ng ganon. Ako na nga tong kumakausap sa kanya. Buti nga may
kumakausap pa sa kanya eh!
Hinintay ko mag gabi. Nagulat nga ako dahil wala pa yung mga magulang ko
at yung kapatid ko. Siguro naglakwacha nanaman yun. Haynako. makapaglaro
na nga lang ng—
DING DONG.
Nagulat ako nung may nagdoorbell. Yun kaya yung bago naming katulong? Ang
sabi ni dad next week pa naman dadating. Wala naman akong narinig na
sasakyan kaya alam kong hindi yun sina mama. At lalong hindi yun si
Gerald dahil hindi yun marunong kumatok. Dahil wala pang tao sa bahay
kundi ako, siyempre ako yung bumaba para buksan yung gate. Sino kaya to?
“Hi.”
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung papapasukin ko ba siya o
kung itataboy ko siya palabas. Pero, bakit ko siya itataboy—o
papapasukin?
“Uh—anong ginagawa mo dito? At saka, pano mo nalaman yung bahay ko?”
“May ibibigay lang ako sayo. At saka, nakita ko yung bike mo sa labas,
kaya inakala ko na ito na ang bahay mo.”
“Ano to?”
“Isang kahon.”
“Alam kong kahon to. Ang ibig kong sabihin, anong laman nito?”
“Alam mo yung salitang bukas?”
“Oo. Dalawa ang ibig sabihin nun.”
“Mali. Ang sabi ko, bukas at hindi bu-kas.”
Napahiya ako dun, pero tama naman siya. Naramdaman kong gusto niyang
buksan ko yun sa harap niya kaya binuksan ko naman yung kahon.
“Ano to?”
“Alam mo yung salitang buto?”
“Oo alam ko. Anong klaseng buto?”
“Pinakuluang buto ng rosas.”
Buto ng rosas?
6
Una sa lahat, ngayon lang ako nakarinig na may buto pala ng rosas dahil
ang pagkakaalam ko, grinagraft lang yun ni mama. Pangalawa, bakit niya to
binibigay sa kin? Pangatlo, kung gusto niyang itanim ko to, bakit niya ko
binigyan ng pinakuluang buto?
“Hyrbid tea rose pala.”
“Teka—bat mo ko binibigyan ng ganito?”
“Pag namulaklak yan, aalis na ako sa buhay mo. Pero pag hindi, hahayaan
kitang guluhin mo ang buhay ko, at guguluhin ko din naman ang buhay mo.”
Hindi ko makuha yung sinabi niya. Siyempre, siya tong lamang. Natural
lang na hindi tumubo tong mga to dahil pinakuluan yung mga buto.
“Niloloko mo ba ko?”
“Hindi.”
“Eh bakit—“
“Naniniwala ka ba sa mga himala, Nathan?”
“H—ha? Bakit mo naman naitanong?”
“Wala naman. Sige, itanim mo na yan… simula ngayon, pinapayagan na kitang
pumasok sa buhay ko.” Ngiti.
Nakita ko nanaman siyang naglalakad papalayo sa kin, samantalang ako,
hawak hawak ko yung kahon na may mga pinakuluang buto ng hybrid tea rose—
daw.
Ano namang gagawin ko dito?
Sinara ko yung gate tapos pumunta ako sa likod ng bahay. Dun kasi
nakatanim yung mga halaman ni mama. Nakita ko na may bakanteng lupa pa
kaya dun ko na lang kinalat yung binigay niya sa kin.
Pumunta ulit ako sa kama at dun, humiga ako. Hindi ko alam, ano bang
mangyayare sa susunod?
Nagbuntong hininga ako. Bakit nga ba naman kasi ako… pumasok ako sa buhay
niya?!
Yung susunod na araw, hindi ako masaydong mapakali dahil… ewan ko ba.
Hindi ko pa talaga naisasaloob yung mga sinasabi ng babaeng yun. Hindi ko
alam kung nanakot o nakikipagkaibigan.
At dahil sa hindi ako masyadong mapakali, hindi ko na mapigilang pumunta
dun sa park na una kaming nagkita. Kakausapin ko lang dahil nagiging
laman na siya ng utak ko. Hindi sa gusto ko siya o ano. Ayoko lang talaga
na may gumagambala sa kin.
Kinuha ko yung bike ko. Nung malapit na ko, dun lang ako nakatingin sa
side ng park. Nakita ko, wala siya kaya inisip kong bumalik na lang ng
bahay. Pagharap ko…
“MISS TABI!”
Pero kahit ganon ang sinabi ko, ako parin ang tumabi. Kaya boom. Ako ang
bumangga sa may sidewalk.
Ano pa nga ba? Siyempre nagkasugat ako sa may tuhod.
“Aray ko tae.”
“Okay ka lang ba?”
“Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o.”
“Salamat.”
Eto nanaman. Nagpapasalamat siya. Hindi ba dapat ang sinasabi niya ay
sorry at hind salamat? Adik talaga tong nilalang na to. Hindi na siguro
ako dapat maging mabait sa kanya… kasalanan naman niya.
“Ikaw nga tong may kasalanan, hindi ka man lang magsorry.”
“Hinahanap mo ba ko, kaya ka hindi nakatingin sa daan?” Boom. Tumama sa
kin yun. Oo nga naman, may kasalanan din ako. Pero kahit na. Sana man
lang nung sinabi kong tumabi siya, tumabi nga siya.
“San ka naman nakakita ng sisigaw ng ‘miss tumabi ka’ na halos kalahating
metro na lang ang layo niyo?”
“Sana man lang tumingin ka sa dinadaanan mo kung may sasakyan ba o wala—“
“Pedestrian lane yung dinadaanan ko, kaya wala akong kasalanan. Yung
sasakyan dapat ang maghintay para makatawid yung tao sa kabilang dulo ng
kalsada.”
7
Pedestrian lane? Sa isang village?
Tiningnan ko, aba! Meron nga. Ang weirdo. Ngayon ko lang nakita kahit na
dumaan na ko dito. Village?
May pedestrian lane? Sino namang ewan ang gagawa nun diba?
“Ang walastik.”
“Ganon talaga ang buhay. Minsan, hindi mo alam na may nageexist pala na
ganun.” Malaman yung sinabi niya. Sabagay, oo nga naman. Ni hindi ko nga
akalain na may nageexist pala na tulad niya. Bumaba siya para tingnan
yung sugat ko. Tapos may kinuha siya dun sa bag niya.
Bulak at alcohol.
“Anong gagawin mo?!”
“Gagamutin kita.”
“Ayoko! Ayoko ng alcohol! Betadine na lang.”
Tumawa siya.
Eto ata ang unang beses kong nakitang tumawa siya. Natural, eto palang
yung pangatlo naming pagkikita na magkakilala. Pero ewan ko ba, parang
ako ata ang unang taong nakita siyang tumawa ng ganito.
“Bat ka nakatingin?”
“W—wala.”
“Kung nagulat ka dahil nakita mo kong tumawa, ayos lang. Matagal narin
akong hindi tumatawa.”
“Ah… ganon ba—aray!”
Tapos hinipan niya yung sugat ko na nilagyan niya ng alcohol.
“Maghugas ka pagdating mo sa bahay. Eto, bandaid.”
Bago siya tumalikod, inabot niya yung kamay niya at tinayo niya ko… sa
ikalawang beses. tinayo niya din yung bike ko tapos ngumiti siya ulit.
Napatulala lang ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bat siya
kinakatakutan dito sa village eh isa na ata siya sa mga pinakamabait na
nakasalumuha ko.
“Ingat ka.”
Dumerecho na siya dun sa swing. Ako naman, nakatingin parin sa kanya. May
nakita akong mga bata na papalapit sa kanya. Nagbubulungan. Ikinagulat ko
nung isa sa kanila nagbato ng isang… bato.
Tawa sila ng tawa tapos sumigaw yung isang batang babae ng… hindi ko alam
kung bakulaw o halimaw.
Pero alin man sa dalawa, hindi parin magandang pakinggan.
“Hoi! Tama na nga yan! Mga bata pa lang kayo nanakit na kayo!” Tumatawang
lumalayo yung mga bata. Ako naman lumapit sa kanya. Nagulat ako nung may
tumutulong dugo sa may ulo niya. Napatakbo ako papunta sa kanya.
“Okay ka lang ba?!”
“Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o.” Tapos
ngumiti siya.
Dun ko lang napansin na yun yung eksaktong sinabi ko kanina nung
nasugatan ako. Kinuha ko yung alcohol at yung bulak sa bag niya at
hinanap yung sugat sa may ulo niya.
***
Chapter 4
[Behind Her Smiles]
Umuwi ako ng maaga para magluto. Oo. Magluto.
Nagluto ako ng 2 hotdog tapos nilagay sa isang baunan. Kinuha ko yung
isang yakult na babaunin sana ni Gerald para bukas. Kinuha ko yung bike
ko at pumunta sa park.
8
Halos isang linggo narin kaming ganito.
Nakilala ko narin siya ng mas malapit. Nalaman ko na isang beses sa loob
ng dalawang linggo, pumupunta yung mama niya sa bahay nila para magiwan
ng mga groceries. Kaya pala natitiis niya ang ganong pamumuhay.
“O eto.”
“Diba sabi ko sayo wag mo na ko baunan?”
“Ayoko.”
“Pinagalitan ka na ng mama mo kahapon at nung isang araw.”
“Hayaan mo sila.”
“Ayos lang naman.”
“Mula nung sinabi mo sa kin na isang beses ka lang sa isang araw
kumakain, nangako na ko na babaunan kita. Kahit man lang dalawang beses
sa isang araw ka kumakain.”
“Sinabi mo din yan kahapon.”
“Pati yan, sinabi mo din kahapon.”
Tapos ngumiti siya. Ewan ko ba. Sa tuwing ngumingiti siya, pakiramdam ko
ako na ang pinakamabait na tao sa buong mundo. Hindi ko rin alam kung bat
ko to ginagawa.
RING.
“Hello?”
“Tol san ka?”
“Bakit?”
“Basket tayo.”
“May ginagawa ako.”
“Grabe naman. Nung isang linggo ganun din ah. Sige na.”
“Pasensya ka na pero—“
“Hello, Nathan?”
Nung narinig ko yung boses na yun, napatigil ako. Alam ko kung kanino
yun… alam na alam. Siya yung babaeng minahal ko sa nakalipas na 3 taon.
“O, Sam.”
“Asan ka? Pwede ba kita puntahan? Gusto kita makita! Kasama ko si E—“
“Hello? Hello? Wala akong marinig.”
“Nath—“
DIAL TONE.
Binaba ko na. Sa totoo lang, nagkunwari lang naman talaga ako na choppy
yung kabilang linya. Ayoko siyang kausap. Naaalala ko pa yung ginawa niya
sa kin nung huling beses.
“Sino yun?”
“Wala.”
“Girlfriend mo?”
“Wala ako nun. Ikaw, nagkaboy—”
“Salamat sa pagkain ah.”
Naramdaman ko yung pagiwas niya sa tanong ko. Kaya, sumabay na lang ako
sa gusto niyang daloy ng usapan.
“Oo naman. Teka, matagal ko na kasing gusto itanong to eh.”
“Ano yun?”
“Tinanong kasi kita sa kaibigan ko dati. At ang sabi niya… Rebecca daw
ang pangalan mo. Bakit ang pakilala mo sa kin eh… Mary?”
“Pag ipinaliwanag ko sayo ngayon, hindi mo na maiintindihan ang kaibahan
ng tubig at apoy.”
“Ibig sabihin, mahabang kwento?”
“Oo.”
Pinagmasdan ko siya kumain. Siguro, eto na yun. Nakunan kasi si mama dun
sa huli niyang pinagbuntis.
Eh babae yun. Kaya siguro siya dumating sa buhay ko.
“Pwede bang… bumisita sa inyo?”
“Hindi.”
9
“Hindi mo man lang pinagisipan.”
“Ikaw bahala. Gusto mo ba?”
“Oo.”
“Tara.”
Inayos niya yung baunan tapos tumayo na siya. Ngumiti nanaman siya bago
niya inabot yung kamay niya sa kin. Hindi ko naman akalain na ngayon nga
kami pupunta. Hindi man lang ako nakapagayos para man lang pagkakita ng
mga magulang niya sa kin, maayos agad.
Tahimik lang kaming naglalakad. Ako, dala-dala ko yung bike at bag ko.
Siya naman, dala-dala yung baunan na dinala ko para sa kanya at yung
teddy bear. Tinititigan ko yung mukha niya. Hindi ba dapat nakikita niya
na tumititig ako sa peripheral vision niya? Pero kung makatingin siya sa
mga paa niya, parang wala na siyang ibang mundo kundi yun lang.
Gusto kong malaman kung anong nangyare sa kanya. Kung saka-sakali ngang
grumaduate ako bilang isang psychologist, siya ang una kong gagamutin.
“Andito na tayo.”
Hindi ko napansin na sa dinamidami ng nasa isip ko, nandito na pala kami
sa tapat ng bahay nila. Nagulat ako dahil walang bahay sa street nila
kundi yung kanila lang. Ito na ata ang pinakamaliit na bahay sa village
na to.
“Ang tawag sa street na to ay forbidden street. Dahil, andito kami.”
Kami. Ibig sabihin, may kasama siya.
“Gusto mo bang pumasok?”
“Uh—o sige—“
Hindi ko pa tapos yung sinasabi ko dahil may narinig akong hagis ng isang
bote. Nagulat ako, pero siya parang normal lang. Napatanong tuloy ako sa
sarili ko kung sino yun.
Binuksan niya yung gate. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang nakalock.
Ganito ba talaga sila namumuhay araw-araw?
“Pa, andito na ko.”
Sa harap ko, nakakita ako ng isang hindi pang araw-araw na nakikita.
Yinakap siya ng papa niya tapos iyak siya ng iyak.
“Pa, wag kayong umiyak sa harap ng bisita ko.”
Bumitaw yung papa niya sa kanya saka pinunasan yung luha niya at umiinom
nanaman mula dun sa bote.
Ipinunas niya yung mga kamay niya dun sa shorts niya saka hinarap sa kin.
“Pasensya na iho. Ako ang papa ni Mary.”
“Ako po si—Nathan. Kaibigan po niya.”
Nagulat ako nung yinakap niya ko. Amoy alak siya, pero hindi ko
ipinahalata na naamoy ko yun. Nakita ni Mary na nagsalubong yung kilay
ko.
“Pa.”
“Ay, pasensya na iho naamoy mo pa tuloy ako.”
“Ayos lang po.”
“Tuloy ka. Upo ka lang.”
Umupo naman ako dun sa sofa nila. Maliit lang yung bahay nila. Tahimik,
wala man lang maririnig na kahit na ano kundi yung tunog ng electric fan.
Mejo naiilang ako dahil—dahil una sa lahat hindi ko alam kung pano nila
natatagalan yung ganitong buhay. Kung tutuusin, pwede pa nila ayusin…
pero tingin ko, pinili nilang hindi.
“Gusto mo ng juice?”
“Hindi sige. Ayos lang.”
“Teka ikukuha kita.”
10
Mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko.
“Iho, may sinabi na ba sayo ang anak ko?”
“Tungkol po saan?”
“Wala naman. Salamat talaga. Salamat talaga sayo.”
“Bakit naman po?”
“Kasi—“
“Pa, itigil niyo na yan. Eto o, pasensya ka na, eto lang ang meron kami.”
Naghanda siya ng isang cheesecake at orange juice. Para naman hindi
masayang yung ginawa niya para sa kin, kinuha ko at kinain.
Naramdaman kong natuwa ang papa niya dahil ngumiti siya. Siya naman,
pinagmasdan niya kong kumain. Naiilang parin ako dahil sobrang tahimik.
Parang nanonood lang sila ng palabas.
“Gusto mong pumunta sa kwarto ko?”
“Ayos lang.”
“Pa, dun lang kami. Tara.”
Nung tumayo siya, isang signal na yun para tumayo din ako. Hindi ko alam
kung bakit pero parang may iniiwasan siyang malaman ko mula dun sa papa
niya. Nirerespeto ko naman kung ano yun.
Pagdating ko, maayos yung kwarto niya. Mas maayos pa kesa dun sa sala
nila. Yung kama niya parang hindi hinigaan araw araw dahil maayos.
“Ang ayos ng kwarto mo.”
“Ako lang naman ang pumapasok dito. Ikaw na ang sunod.” Sa loob ko,
masaya ko. Oo naman. Pero, ang papa ba niya, hindi pa nakakapasok?
“Papa mo?”
“Hindi pa.”
“Ah.”
“Hindi ka ba nagtataka… kung nasaan ang mama ko?”
“Nag—tataka din. Pero, hindi ko na tinanong dahil, baka personal. Pero
kung gusto mo—“
“Seperado sila.”
“Ah—ganon ba.”
Ayoko na magsalita. Bakit ganon? Lalo ko tuloy hindi maintindihan kung
bakit sila nilalayuan ng mga tao.
Hindi ba dapat, mas maraming umiintindi sa kanila ngayon? Maya-maya,
nakarinig nanaman kami ng isang hampas ng bote.
“Teka lang, lalabas lang ako.”
Pagkalabas niya, tumayo ako. Sinubukan kong tumingin tingin ng mga bagay.
May mga manika siya, pero ayon, center of attraction parin yung teddy
bear na lagi niyang dala dala na ngayon eh nakahiga na sa kama niya. May
acoustic guitar pa siya. Bukas yung cabinet niya. Pagtingin ko,
sandamukal na bestidang itim, pula, puti at violet yung nakita ko. Hindi
na ako magtataka kung bakit yun lagi yung suot niya.
Pambahay at pangalis na niya tong lahat.
Maya maya eh natapilok ako sa isang bagay na hindi ko inaasahang meron
siya.
Pinulot ko, binuksan at sinara. Alam kong hindi tama… pero nilagay ko yun
sa bag ko. Siguro sa sobrang gusto kong malaman ang buhay niya.
“Pasensya ka na. Ganito talaga kami.”
“Laging pagdating mo… umiiyak siya?”
“Isang beses sa isang linggo lang umuuwi si papa.”
“Bakit?”
“Kumikita siya ng pera.”
“Sa?”
“Panghohold-up.”
Nagulat ako nung sinabi niya yun, pero mukhang seryoso siya. Inaasahan
kong iiyak na siya pero hindi.
Hinintay ko yung susunod niyang sinabi.
11
“Ilang beses ko na siya pinagsabihan, pero ayaw niyang tumigil.”
“Pero—mali.”
“Alam ko. Pero para yun—sa akin. Kaya ayaw niyang tumigil.” Narinig ko
yung tigil niya. Siguro nag-ipon pa siya ng lakas ng loob para sabihin
yun. Narinig ko yung mahina niyang buntong hininga kaya napatingin ako sa
kanya.
“Tara, ihahatid na kita dun sa park.”
Gusto ko siyang yakapin… pero sino naman ako para gawin yun? Sumunod na
lang ako sa kanya hanggang sa nakarating na kami sa park. Nagbabay siya
sa kin. At ang finale niya, ang mga ngiti niya.
Pagkauwi ko ng bahay, nilapag ko agad yung bag ko. Kinuha ko yung nakita
kong bagay sa kwarto ni Mary. Alam kong mali, pero saka na ko
magkukumpisal.
Bumuntong hininga ako at inumpisahang basahin. Sinabi ko na ang unang
dalawang salita na nakita ko sa notebook na yun.
Dear Diary.
***
Chapter 5
[Her Miserable Past]
Hindi ako pumasok kinabukasan. Bakit? Ayokong makita ng mga tao na mugto
yung mga mata ko. Bakit mugto yung mga mata ko?
Kasalanan nung diary niya.
Hindi pa ko umiyak ng ganito. Nakakainis dahil umiyak ako. Dalawang beses
pa lang ako umiyak. Yung isa yung libing ng lola ko at yung isa ay yung
naghiwalay kami ni Sam. Nung naghiwalay kami ni Sam at kinanchawan ako ng
barkada ko, nangako na ko na di na ko iiyak. Naalala ko pa yung sinabi ni
Ethan.
“Ano ba tol. Ikaw lang ata tong chikboy na madaling paiyakin eh.”
Yung barkada ko lang naman yung nakakita nun. Ngayon, napaiyak ako dahil
sa diary niya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit.
Dito ko napansin na, nung una pala kaming nagkita… 17th birthday pala
niya. Tae.
7th birthday niya. Ang tawag pa sa kanya ay Rebecca. Yung teddy bear na
lagi niyang hawak, regalo sa kanya ng mama at papa niya. Pero kailangan
nilang umalis para sa isang business trip. Namatay yung mga magulang
niya. First.
Inampon siya ng tita niya. Yung tito niya, lagi siyang binubugbog na
hindi alam ng tita niya. Pag nagsumbong daw siya, papatayin daw siya. Pag
dating ng tita niya at nakitang may pasa, ang sasabihin lang niya, nadapa
siya. Second.
Natuklasan din ng tita niya ilang buwan pagkatapos. Pinagtanggol siya ng
tita niya hanggang sa nagdesisyon sila na maghiwalay na lang sila. Iyak
ng iyak yung tita niya. Yung anak naman nila, sinisisi si Mary kung bakit
nangyare lahat yun. Tapos sinabi niya na ampon lang naman si Mary. Third.
Nung nakumpirma nga ni Mary na ampon lang siya, nakiusap siya sa tita
niya na ikwento ang lahat. Sabi niya, nakita daw siya sa airport ng
tinuring niyang mama at papa na umiiyak dahil nawawala. Nakiusap si Mary
sa tita niya na hanapin nila yung mga magulang niya. Nung araw na nalaman
nila yung address ng tunay niyang ina sa tulong ng ilang corporation at
iba pa, nagpakamatay yung anak ng tita niya dahil tingin niya mas mahal
na daw nung tita niya si Mary. Pinalayas ng tita niya si Mary at sinabi
na hanapin niya yung mga magulang niya mag-isa. Fourth.
Pumunta siya sa address ng tunay niyang ina. Mayaman sila. Pinatuloy
siya. Nung nagpa DNA test, nalaman nga na tunay na ina ni Mary na siya
yung nawawala niyang anak. Yung araw na nawawala siya sa may airport ay
kaka-four years old pa lang niya pala. Pero nalaman din ni Mary na
seperado na pala sila ng tunay niyang ama simula nung nawala siya ng
airport at may asawa na palang bago yung ina niya.
Fifth.
12
Yung step father niya, katulad ng tito niya. Lagi siyang sinasaktan.
Dahil magkaiba yung pangalan niya sa birth certificate, maraming
pinabago. School records at iba pa. Dahil daw sa sakit ng ulo na
binibigay sa kanya, yung mga ‘pananakit’ na lang daw yung sukli sa lahat
ng ginagawa niya. Hindi din alam ng tunay niyang ina yung ginagawa ng
step father niya sa kanya. Sixth.
Nung nalaman ng tunay niyang ina na sinasaktan siya ng step father,
masakit man sa loob niya, nagkita ulit sila ng tunay niyang ama. Binigay
niya sa kanya. Mary na ang pangalan niya. Yung tunay niyang ina, siya
yung nagbibigay ng pera dun sa kanila kaya sila nagkakapera. Dito na sila
nakatira 11 years old pa lang siya. Pero kaya sila nilalayuan ng tao, ex-
convict kasi yung tunay niyang ama. Wala siyang naging kaibigan dahil
dun. Seventh.
Nung 4th year high school siya, nagkaroon siya ng boyfriend, at
bestfriend. Nung birthday niya, kasabay nung 5th monthsary nila, nakita
niya na naghahalikan yung boyfriend at bestfriend niya. Eighth.
Pero ang pinakamasaklap… kaya ako napaiyak…
Second year college siya, nung nalaman nila ng tatay niya na may leukemia
pala siya. Ninth.
Sinong hindi maiiyak sa lahat ng yon? Sa iisang tao, nangyare lahat ng
bagay na yun? Kung sa pusa, nine lives, sa kanya, nine deaths. Katulad
nga ng sinabi niya, hindi ako makapaniwala na may nageexist pala na
ganong storya. Kaya pala siya nagpasa ng mga papeles para sa leave.
Pero sa dulo ng bawat entry sa diary niya... may nakalagay: Pero…
hanggang ngayon… di parin ako marunong umiyak.
Isa nga siyang masokista. Isang taong gustung gusto masaktan. Hindi naman
yun nakakapagtaka.
Kinakaya niyang ngumiti, pero kahit kailan… hindi pa siya umiyak.
Ngayon naiintindihan ko na. Totoo yung sinabi niya na gusto niyang
mahulog yung mga luha sa mata niya. Dahil kahit kailan… hindi pa siya
umiiyak.
Oo alam ko. Alam kong impusible. Pero eto, may isang taong nagpatunay sa
kin na pusible pala yung mga bagay na akala ko hindi pusible.
Ngayon alam ko na kung anong dahilan kung bakit ako dumating sa buhay
niya… yun ay para—
RING.
“Hello?”
“Tol. Bat mo naman binabaan si Sam nung isang araw?”
“Sabi ko naman sayo diba, ayoko na siyang makita.”
“Sabi niya, mahal ka pa rin niya.”
Napatulala ako sa sinabi Ethan.
“Sana matagal na niya yun sinabi.”
“Pare, susko naman. Yung babaeng matagal mo na hinahabol ang naghahabol
na ngayon sayo. Alalahanin mo nga yung mga ginawa mo para sa kanya. Hindi
mo ba naisip na meron ng saysay yung mga yun?” Bigla kong naisip. Tama sa
Ethan. Matagal ko narin minamahal si Sam. MU kami noon, pero wala
talagang relasyon kung san nakakandado kaming dalawa. Siya nga ang first
kiss ko, at siya ang unang babaeng nagpabaliw sa kin. Nafall out siya sa
kin, sa di ko alam na dahilan.
“Tol, debut na ni Sam sa susunod na linggo, sa 16. Gusto niya, maging
escort ka niya.”
“Sige pag-iisipan ko.”
“Wag na tol. Wag mo na pag-isipan. Oo na ha? Sige babay.”
“Teka!”
DIAL TONE.
Nagbuntong hininga ako. Nakaisip agad ako ng lugar kung saan ko
mailalabas yung stress ko. Iniwan ko yung diary niya sa may kama tapos
pumunta ako sa park. Nagbike ako papunta dun, at siyempre, nakita ko
nanaman siya.
“Mary.”
13
“Nathan.”
Umupo ako sa tabi niya, at nagswing. Tapos may binigay siya sa akin.
Isang ticket, ticket ata to ng isang play, Les Miserables. Natuwa naman
ako at binigyan niya ko ng ganito.
“Kasali ka dito?”
“Oo. Hindi naman sa theater talaga yan. Ipapalabas lang namin sa isang
school of arts. Ako si Cosette.”
“Kakanta ka?”
“Oo. May 2 akong kakantahin.”
“Kailan pa kayo nag papractice?”
“Matagal na. Ngayon lang nirelease yung tickets.”
“Astig. Sige pupunta ako.”
“Aasahan ko. Eto na kasi yung—huling performance ko.”
Naisip ko na kung hindi ako magtatanong, pwede siyang magtaka. Siyempre,
kailangan kong magtanong para hindi niya mahalata na alam ko na yung
masaklap na katotohanang mangyayare sa kanya.
“Bakit?”
“Tingin ko lang.”
Ngumiti siya ulit. Binuksan ko yung envelope at tiningnan. Les
Miserables? Eto yung kay Victor Hugo.
Nabasa ko na to. Pagtingin ko sa date, lumaki yung mata ko.
Magkasabay yung debut ni Sam sa play niya. Parehong gabi. Tae. Anong
gagawin ko?
“May problema ba?”
“W—wala.”
“Sabihin mo na agad kung hindi ka makakapunta, para hindi ako umasang may
dadating para panuorin ako.”
“Hindi, pupunta ako, pinapangako ko yan.”
“Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong taon… kaya sana…
makapunta ka.” Hinawakan niya yung kamay ko at dun ko lang naramdaman na
sobrang lambot pala ng mga kamay niya kahit ilang beses narin niya ko
nahawakan. Siguro dahil eto na yung pinakamahabang pagkakahawak niya sa
kin mula nung nagkakilala kami.
Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako. Pero iba tong kabog
ng puso ko. Hindi ko sigurado, pero kinakabahan ako sa kabog na to. Awa?
Siguro nga… awa to.
***
Chapter 6
[Discernment]
Nahihirapan akong mag-isip kung ano ba dapat gawin. Oo, hindi nga ako
nangako kay Ethan na makakapunta sa debut ni Sam. Pero aaminin ko, may
nararamdaman pa ako para sa kanya—ata. Sa tuwing naiisip ko kasi yung mga
alaala naming dalawa, parang gusto kong ibalik ang oras at dun na lang
manatili habang buhay. Pero eto ako ngayon, nahihirapang magdesisyon kung
saan nga ba ako pupunta.
Buti sana kung mauulit yung play na yun. Kung mauulit yun, madali lang
magdesisyon. Kaso hindi eh. Yun na yung huli niyang play. Nakadagdag pa
yung huli niyang sinabi nung isang araw. Ikaw lang ang naging kaibigan ko
matapos ang tatlong taon… kaya sana… makapunta ka.
Tae. Nahihirapan akong magdesisyon.
Tumatakbo ang oras pero nahihirapan parin ako pumili. Nagtoss coin na ko,
nakipagbato-bato pick sa kapatid ko, nagpiring pa ko. Lahat, ang lumabas,
sa debut ni Sam. Pero, nagaalinlangan parin ako.
Ano ba talaga Nathan. San mo ba talaga gustong pumunta?
Lagi kaming nagkikita ni Mary. Ganon parin, binabaunan ko siya. Mejo
nakakailang nga lang pag nawawala yung mga batang naglalaro kasi biglang
tumatahimik. Pag ganon ang nangyayare, magtatanong ako sa kanya ng kahit
ano saka ako magkkwento. Sa konting araw na natitira para magdesisyon
ako, nakwento ko na ata sa kanya ang talambuhay ko. Siya, tahimik na
nakikinig.
14
Isang araw bago ang debut ni Sam at ng play niya, siya na mismo ang
tinanong ko kung anong gagawin niya pag nahihirapan siyang magdesisyon.
“Mary, pag nahihirapan ka magdesisyon, anong ginagawa mo?”
“Nanghihingi ako ng milagro mula sa Taas.”
“Tulad ng?”
“Kunwari pinapapili ako kung cookies and cream ba o rocky road. Dahil
pareho kong gusto, bibilhin ko na lang pareho. Pero pag may dumating na
taong nanghingi ng isa dun sa mga binili ko, ibig sabihin, yung natira
yung nakatakda para kainin ko.”
Astig nung sinabi niya. Pero… hindi ko naman yun magagamit sa
pagdedesisyon ko. Paano ako hihingi ng milagro mula sa Taas kung hindi
naman to kamila-milagro? Titigil ba yung play na yun kung babagyo? Eh
yung debut titigil din ba kung babagyo? Tingin ko kung babagyo, titigil
pareho. Ano pang milagro ang dapat kong hilingin.
Wala na. Bahala na.
Kinabukasan, nagaalinlangan parin ako sa desisyon ko. Eto ang desisyon
ko. Pupunta muna ako sa debut ni Sam. Tapos, pag nagampanan ko na yung
pagiging escort ko, aalis na ko at pupunta dun sa play. Sa tingin ko
naman, matagal lalabas si Cosette—si Mary. 30 minutes lang naman papunta
dun sa school of arts na sinasabi niya.
Parehong 8 pm yung play at yung debut niya. 7 pa lang nagbihis na ko.
Pumunta muna ako sa bahay nina Mary. Kumatok ako pero walang sumagot,
ibig sabihin, umalis na siya. Pagkatapos nun, pumunta na ko dun sa resort
kung san gaganapin yung debut ni Sam. 7:45 nung nakarating na ko sa
resort.
“Tol ang tagal mo!”
Sinalubong ako ni Ethan dun sa gate tapos hinatak niya ko. Nagkita kita
nanaman kaming magkakabarkada sa high school. Siyempre kamustahan.
“Punta ka na daw sa room ni Sam.”
“Ako lang?!”
“Natural. Ikaw escort eh.”
Pumunta ako dun sa kwarto ni Sam. Nakita ko siya, naka blue na gown. Ako
naman, namangha sa kagandahan niya. Pero di ko parin maalis sa isip ko
yung gagawin ko para makaalis papunta dun sa play ni Mary. Naguguluhan na
ko.
“Nathan!”
Yinakap ako ni Sam. Yinakap ko rin naman siya pabalik. Mejo matagal narin
nung niyakap ko siya… at namimiss ko narin yung ganitong mga alaala.
“Akala ko hindi ka na pupunta!”
“Wala naman akong choice eh.”
“Ibig ba sabihin… napilitan ka lang pumunta dito?
“Teka, ano yang nasa mukha mo?”
At yun. Bam. Nagpanic siya. Totoo naman eh. May puting ewan dun sa mukha
niya. Pinapunas naman niya dun sa nanay niya. Oo, tumakas ako sa tanong
niya. Ayoko sagutin, hindi rin naman ako sigurado sa sagot.
Nagumpisa na yung debut. Konting tuksuhan dahil magkasama nanaman kaming
dalawa. Akala ko sa entrance na matatapos—hindi pa pala.
“Ano pang gagawin ko?”
“18 roses tol. Wag kang mag-alala. Magkasama naman—“
“May gagawin kasi ako. Anong oras ba yun?!”
“Easy ka lang. Pagkatapos naman nung mensahe nung pamilya niya, 18 roses
na.” Naisip ko. Maikli lang yun. Pero nagkamali ako. May dinner pa. Konti
lang kinain ko dahil naiinis na ko.
Pinagpapawisan na ko sa mga nangyayare. Sana… sana hindi pa tapos yung
play. Kahit masabi ko man lang na humabol ako.
Pagdating ng 18 roses, at nung ako na ang sumasayaw kay Sam, nagkausap
kami saglit.
15
“Nathan… pwede ka bang… magover night dito—“
“Hindi pwede. May gagawin ako.”
“Please? Debut ko naman.”
“Sorry Sam, nangako na ko sa isang kaibigan eh.”
“Naman. Bahala ka, hindi kita papakawalan.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Matapos yung kanta, babalik na sana ako sa
upuan ko pero hinawakan lang niya yung kamay ko ng sobrang higpit.
Napatingin ako sa kanya, at ganun din naman siya. Gusto ko nang umalis.
Magpupumilit sana ako pero nakita ko bigla yung lahat ng taong nandun sa
okasyon na yun.
ASAR.
Wala na. Hindi na ako makakapunta dun sa play. Alam ko na yun. Tae naman.
Sana, hindi ko na sinabing makakapunta nga ako dun.
12 am natapos yung debut. Sobrang bad trip ako. Paalis na ko nung—
“Nathan!”
“Sam pwede ba, may kailangan pa kong gawin!”
“Bat ka ba galit na galit? Ano ba yung nakaligtaan mong gawin na mas
importante pa sa akin?!”
“Yung play niya.”
“Niya?! Sino?!”
“Aalis na ko.”
“Teka!”
Hindi na ko napigilan ni Sam. Sobrang bad trip. Bad trip talaga. Alam
kong wala na kong aabutan dun sa play na yun, kaya umuwi na ko ng bahay.
Pagkadating ko ng bahay, 12:45 na ng umaga.
Nasa gate na ko nung naisip kong puntahan siya… at magsorry. Mapapatawad
kaya niya ko? Gising pa kaya sila? Sana… sana nga.
Kinuha ko yung bike ko. Tutal may susi naman ako ng bahay kaya ayos lang
kahit bukas pa ko makauwi.
Alam naman nina mama na debut yung pinuntahan ko. Ako naman, nagbike ako
papunta sa kanila. May street lights naman kaya ayos lang, parang 8 lang
ng gabi.
“Tao po! Mary?”
Kumatok ako at sumigaw sa harap ng bahay nila. Kaso wala talagang
sumasagot. Nakabukas yung gate nila pero nakalock yung mismong pinto ng
bahay nila. Wala akong choice kundi lumabas. Dun ko nakita yung tatay
niya. Lasing. Dito na ko magdadasal para sa isang milagro na mapatawad
sana niya ko.
“O, ikaw pala iho.”
“Tito, si Mary po?”
“Hindi mo ba kasama? Sabi niya hihintayin ka daw niya dun.” Dun sa sinabi
niya, nagpanic ako. Takte. Anong oras na ba at wala parin siya sa bahay
nila? Tapos hinintay pa niya ko dahil akala niya darating ako—takte. Lalo
akong nakonsensya sa ginawa ko. Ano bang naisipan niya at ginawa niya
yun?
Nagmadali akong lumabas ng gate. Iniwan ko yung bike ko dun sa ‘bike
parking’ at nagpara ng jeep. Buti na nga lang may jeep pa. Sandali lang
naman papunta dun, mga 10 minutes siguro dahil wala ng traffic.
Sarado na yung gate ng school pag dating ko dun, lalo akong naguluhan
kung anong gagawin ko.
Tumagal ng 20 minutes ang paghahanap ko. Pero wala… hindi ko man lang
siya nakita sa paligid ng school. Naisip ko tuloy, baka nagkasalubong
kami. Baka nga…
Naglakad ako na sobrang lungkot. Hindi ko nga alam kung paano siya
haharapin ngayon. Unang beses kong nangako sa kanya, tapos hindi natupad.
Sabi nga ni mama, ipako mo na lahat ng ipapangako mo sa isang tao, wag
lang yung unang pangako mo sa kanya.
Tae.
Naglakad na ko papalayo. Papara sana ako ng jeep nung may nakita akong
eskinita. May dalawang lalake dun na parang pinagtritripan ang isang—di
ko maaninag. Tumawid ako para makita, nagulat ako nung nakita ko siya.
Ang masaklap… binabastos ata siya.
16
Nagulat ako sa nakita ko. Nakasandal lang siya dun sa may poste at parang
hinahayaan lang niya na nakawan o kung ano mang gawin sa kanya. Sa
sobrang galit ko, sumigaw ako ng sobrang lakas. Yung dalawang lalaki,
napatingin sa kin.
“Tigilan niyo nga siya!”
Binato ko sila ng pinakamalaking batong nakita ko. Tumakbo naman sila
papalayo. Si Mary, napaupo. Pero ang weirdo sa nakita ko, nakangiti parin
siya, at ni di man lang siya umiyak o nagwala o sumigaw.
Pumunta ako sa harap niya. Binigay ko yung kamay ko. Tiningnan lang niya
ko ng direcho sa mata at ngumiti. Hindi ko alam pero masakit… eto ang
unang beses na nasaktan ako kapag nginitian ako ng isang tao… siya lang…
siya lang ang nagparamdam sa kin ng ganito.
“Ano ka ba! Ni hindi ka man lang marunong lumaban!”
Kinuha niya yung kamay ko at tumayo siya. Pinagpag niya yung dress niya
saka siya ulit tumingin sa kin ng derecho sa mata na parang walang
nangyare.
“Pumunta ka. Akala ko hindi ka na pupunta.”
“Wag mong—“
“Hindi mo kailangan magalit. Ayos lang ako—tingnan mo, nakangiti parin
naman ako—“
“Wag ka na kasi magpanggap. Kung ayos ka lang, bakit napakalamig ng mga
kamay mo?! Bakit nanginginig yung mga labi mo?! Sabihin mo nga sa kin?!”
Oo. halatang galit ako. San ka naman nakakita ng ganitong nilalang. Ni
hindi marunong lumaban… ni hindi marunong umiyak?! Pano… pano ko
pagagaanin ang loob ng isang taong… alam kong may taning na?
Ngumiti siya ulit sa kin. Kasabay ng galit ko, kumidlat. Mukhang uulan.
“Wag ka na magpanggap, pwede? Alam ko na lahat. Alam ko na. Alam ko na
kung anong mga pinagdaanan mo mula sa kabataan mo hanggang sa ngayon.
Alam kong hindi ka marunong umiyak. Alam ko! Alam ko lahat, alam kong may
sakit ka. Alam kong isa kang taong naghahanap ng paraan para ilabas ang—“
“Ibig sabihin—ikaw ang kumuha ng—“
“Oo! Ako. Ni hindi ka man lang nagagalit sa kin? Hindi ka man lang—“
“Hindi ako marunong—“
“Marunong ka Mary! Nagpapanggap ka lang na hindi! Nagpapanggap ka lang na
masokista, pero alam mong alam mo sa sarili mo kung anong hinahanap mo.”
“Hindi totoo yan Nathan. Kung alam ko nga—“
“Alam mo. Pero hindi mo ginagawan ng paraan para makita… dahil sa tingin
mo… mamamatay ka na.” Yun ang pinakamasakit na nasabi ko sa isang tao sa
tanang buhay ko. Pero hindi ko na mapigilan.
Kailangan lumabas kung ano yung nararamdaman niya… kailangan.
“Hindi.”
“Oo. Marunong ka umiyak, pero iniisip mo na hindi ka marunong kaya
umaatras yang mga luha mo.
Nasasaktan ka. Marunong kang magalit! Hindi ka masokista Mary! Alam mo sa
sarili mo na—“ Pero bago ko pa gusto sabihin ang gusto kong sabihin,
biglang umulan. Malalakas na patak ng ulan.
Kinuha ko yung kamay niya para sumilong. Naisip ko, kailangan ko munang
isantabi to. Nung kinuha ko yung mga nanlalamig niyang mga kamay, para
siyang nanigas. Hindi siya umaandar. Ayaw niyang magpahila.
“Mary—nababasa ta—“
Nagulat ako nung bigla niya kong yinakap. Pero sa lakas ng impact ng
yakap niya, parang naging tulak yung dapat niyang yakap kaya nawala ang
balanse ko. Nahulog kami sa may basang kalsada.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya hanggang sa—narinig ko yung
matamis niyang hagulgol.
“Oo! Takot ako! Sobrang takot ako! Takot ako sa hinaharap! Takot na
takot! Pero anong gagawin ko Nathan? Ano?! Sa lahat ng mga nangyare sa
buhay ko, ginusto kong umiyak! Pero hindi lumabas ang mga luha ko, kahit
sobrang sakit… sobrang sakit!”
17
Hinayaan ko lang siyang humagulgol. Pinakinggan ko lahat ng mga sasabihin
niya. Sana lang, maunawaan ko lahat ng nasa isip niya… sana, maramdaman
ko lahat ng nasa puso niya…
Humagulgol pa siya ng humagulgol. Unti unti ding tumigil yung ulan. Oo,
basa na kami. Pero masaya ako sa nangyare… masaya ako, kahit hindi ko
siya napanood sa huli niyang palabas.
Napagod ata siya sa kakahagulgol. Nanginginig na kami dahil basang basa
kami. Dahil wala na siyang lakas, binuhat ko siya sa likod ko. Dala dala
ko yung bag namin. Buti na lang may mga taxi pa, at buti na lang may dala
akong pera.
Bago ko napara yung taxi, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan…
“Ikaw ang unang taong nagpaiyak sa kin… masaya ako na ikaw yun.” Tapos,
nakatulog na siya.
***
Chapter 7
[Between the Lines]
Isang buwan na ang nakakalipas mula noon. Isang buwan narin ang nakalipas
nung siya na ang naging matalik kong kaibigan.
“Ikaw madalas ka ba umiyak?”
Nagulintang ako sa tanong niya, siguro dahil… hindi appropriate itanong?
Hindi ko alam kung bakit. Pero natural, sinagot ko na rin.
“Hindi.”
“Kailan ka umiiyak?”
“Pag… may burol?”
Natawa pa ako sa sinabi ko. Pero siya, nakangiti ng tahimik kaya
napilitan akong itigil yung tawa ko.
Nabasa ko kasi sa kanya na may sasabihin siya.
“Bat mo iiyakan ang taong wala na? Iyakan mo ang taong andyan pa o yung
taong andyan pa pero alam mong mawawala na. Buti na yung iyakan mo siya
na may chansang alam niyang may umiiyak dahil sa kanya, kay sa yung
iniiyakan mo siya na wala na talagang chansang malaman niya kung gano
siya kahalaga sayo.”
Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung bawat salitang sinabi niya.
Sinulat ko pa yun sa kamay ko para matandaan ko. Pagkadating ko sa bahay,
sinulat ko ulit sa isang sticky note. Hindi ko alam pero…
parang magagamit ko yun pagdating ng araw.
Mas nakakausap ko siya ng madalas. Paguwi ko galing school, siya agad ang
kinakausap ko. Oo, ako lagi ang nagkkwento. Pero, di bale na. Hindi nga
nakukumpleto ang araw ko pag hindi ko siya nakakausap.
Kahit hindi siya nagkkwento sa kin ng kahit isang katiting ng nangyare sa
kanya... kahit lagi pang may nakasaksak na headphones sa tenga niya, okay
lang sa kin. Kasalanan ko kung bat ko nalaman lahat ng ayaw niyang
malaman ng ibang tao dahil kinuha ko yung pinakatatanging bagay na
pinagtataguan niya ng lahat ng sikreto niya.
Binigay ko na nga rin pala yung diary niya pagkatapos nung araw na umiyak
siya sa kin.
Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung mga huling sinabi niya nung
araw na yun. Para bang, tinubuan na lang ako bigla ng pakpak. Basta ewan.
Di ko maipaliwanag.
Tinitigan ko ulit siya. Pero ngayon, may napansin akong kakaiba.
“Hindi mo dala teddy bear mo?”
“Hindi.”
“Bakit?”
“May sakit siya. Pinaliguan ko kasi siya kahapon.”
“Asan siya?”
“Pinagpapahinga ko. Gusto mo makita?”
“Ah hindi na. Matanong ko lang… May pangalan ba yun?”
18
“Meron. Aki.”
“Bakit?”
“Tag-lagas ang ibig sabihin nun.”
Wow. Ang lalim. Pwede naming autumn. Kaya talaga tuwang tuwa ako sa
kanya. Napangiti ako lalo nung nakita kong isubo niya yung mansanas na
dala ko. Kasing puti niya si snow white—na may mahabang buhok.
“Naisip ko lang.”
“Ano yun?”
“Punta ka kaya sa campus?”
“Bakit?”
“Uh… wala lang. Para lang may mapuntahan ako pagkatapos ng class. Pero—
wag na pala. Baka mapagod—“
“Hindi, sige pupunta ako. 3 andun na ko.”
“Talaga?”
“Oo naman. Para sayo.”
“Teka, eto.”
Binigay ko sa kanya yung cellphone ko. Alam ko naman kasing wala siyang
cellphone eh. Wala siyang e-mail. Wala siyang telephone.
“Para saan?”
“Text mo ko pag andun ka na. Pag tingin mo naman sa contacts yung isang
number ko yung una.”
“Pano ka?”
“May isa pa naman ako sa bahay eh. Wag mo lang yan iwawala.”
“Pano pag may nagtext sayo?”
“Bayaan mo na lang siya. Uh—teka.”
“Ano yun?”
“May iba ka bang suot? Bukod sa… itim na bestida?”
“Dito ako kumportable Nathan. Sa tuwing ganito ang sinusuot ko, tingin ko
may kayakap ako.”
“Bat naman?”
“Di ko rin alam. Basta ganon.”
Ngumiti siya sa kin, at ganon na rin naman ako. Tumayo ako para iswing
siya. Nung panahon na para magpaalam na, hindi ko makakalimutan yung
pipindutin ko yung ilong niya tapos saka ako magbabye.
Nung susunod na araw, excited akong matapos yung mga klase ko, hindi ko
alam kung bakit. Siguro dahil makikita ko siya, yung babaeng sobrang
kakaiba na sa isang pitik, bigla ko na lang siyang naging matalik na
kaibigan. Nagtext siya tapos ang sabi niya eh andun na daw siya. Paalis
na ko ng building nung may narinig akong tumatawag sa kin mula sa likod.
Paglingon ko…
“Nathan!”
“Sam? O, Ethan. Andito ka din.”
Yinakap ako ni Sam pero wala sa mood yung mga kamay ko para yakapin siya
pabalik tulad ng dati. Hindi ko alam kung bakit… hindi ko talaga alam.
Tiningnan ko si Ethan ng masama, dahil alam kong siya ang may pasimuno
nito.
“Pasensya na, nagpumilit eh.”
“Ano ginagawa niyo dito?”
“Punta tayong mcdo!”
“Ayoko. May gagawin pa ko.”
“Ano ba yang mga ginagawa mo na mas importante pa sa kin?!” Ayan nanaman
yung tanong niya. Sa totoo lang, parang wala na kong nararamdaman sa
kanya. Lungkot na lang ata yung nararamdaman ko pag naaalala ko yung
alaala naming dalawa, pero yun na lang yun.
“Kakausapin ko ang isang taong, mahalaga sa kin.”
“Mas mahalaga pa kesa sa min ni Ethan?”
“Isang taong kahit kailan hindi nakaramdam ng pagpapahalaga ng ibang
tao.” Tapos ngumiti ako. Weirdo yung sagot ko na pati si Ethan
nagsalubong yung mga kilay. Inalis ko yung mga kamay ni Sam tapos umalis
na ko at dumerecho sa sunken garden. Umikot na ko pero wala akong
nakitang babaeng nakaitim na bestida hanggang sa may nakita akong babaeng
may nakasaksak na malaking headphones sa tenga niya.
19
Tiningnan ko kung sino yun, at nagulat ako sa nakita ko. Tumayo siya, at
as usual, ngumiti.
“O Nathan.”
“B—bakit ka naka—pula?”
“Sabi mo kasi wag ako magitim.”
“Hindi naman sa sinabi kong wag pero—pero bagay sayo.” Naka pula siya,
bestida parin kaso hanggang tuhod na lang at sleeveless. Hindi talaga
nakabagsak yung buhok niya, nakahalf-pony siya. Ang cute niyang tingnan.
“Sana lagi kang ganyan, para cute ka lagi.”
“Ayoko, magsawa ka pa na cute ako lagi.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Umupo ako na katabi niya tapos tinawag si
manong mang tataho at bumili ng dalawa. Napangiti naman siya sa ginawa ko
kahit na hindi ko talaga alam kung alin yung mga pagkaing bawal sa kanya.
Nagkkwento ako sa mga linyang pinagsasasabi ng prof ko nung narinig ko
yung pangalan niya. Malayo yung boses nung una, hanggang sa papalapit ng
papalapit. Nasorpresa na lang ako nung lumingon siya tapos mabilis na
humarap ulit sa kin.
“Mary, ikaw ba yan?”
Narinig kong bumulong siya ng ‘wala na ata akong magagawa’. Tumayo siya
tapos ngumiti ulit. Tumayo narin ako kahit hindi ko alam kung anong
nangyayare. Hanggang sa—
“Autumn. Kamusta?”
Nabasa ko na to sa diary niya. Autumn. Yun yung pangalan ng boyfriend
niya na pumatol sa best friend niya. Bakit nga ba hindi ko napansin?
Bakit hindi ko agad napansin na sa kanya ipinangalan ni Mary yung teddy
bear niya?
“Ayos lang. Mukhang… gumaganda ka.”
“Salamat.”
Nakaramdam ako ng galit sa loob ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro
dahil naiinis ako sa mga taong pagkatapos mangaliwa eh nakakaharap at
nakakapangbola parin dun sa niloko niya. At eto namang niloko,
nagpapaloko nanaman.
“Si Nathan nga pala. Nathan si Autumn.”
“Boyfriend mo?”
“Oo. Musta tol?”
Tapos binigay ko yung kamay ko, a sign of ‘gusto ko makipaghandshake’.
Ayokong tingnan yung reaction ni Mary, pero sana makisakay na lang siya.
“Ah. Buti naman nakatagpo ka na ng—“
“Cheesecake!”
Mula sa malayo, nakarinig kami ng sigaw ng ‘cheesecake’. Alam ko namang
walang nagbebenta ng cheesecake dito kaya alam ko na kung sino ang
tinutukoy nung sumisigaw na yun.
Unti-unting bumagal yung takbo ng babae nung nakita niya si Mary. Si Mary
naman, nakangiti parin, na parang walang nangyareng gulo sa pagitan
nilang tatlo. Siya, ang ex boyfriend niya at ang ex best friend niya.
“M—mary. Anong ginagawa mo di—to?”
“Alam mo naman na pareho lang tayo ng university na pinapasukan diba?
Pero nag LOA ako.”
“Oh, eh di sana nagpakita ka sa min. Alam mo naman ang course namin.”
“Alam ko. Nakikita ko nga kayo. Iniiwasan ko lang yung pagkakataong
magkitakita tayo sa isang klase o sa isang building.”
Bam. Tiningnan ko siya, nakangiti parin. Hindi ko alam kung nagparinig
siya oh ano, kung galit ba yun o sadyang kaprangkahan lang. Hindi ko kasi
mabasa yung mga emosyon niya.
20
“Boyfriend mo?”
“Ako nga pala si Nathan.”
“Ah, Hi Nathan, I’m Lara.”
“Hi.”
“Ilang araw na kayo?”
Sa tanong niya, hindi ko alam pero nainsulto ako. Ano sa palagay niya,
ilang ARAW? Hindi man lang buwan yung tanong niya. Kung hindi lang talaga
maganda ang pakikitungo ni Mary sa kanya, hindi ko rin siya
pakikitunguhan ng maganda.
“Buwan na kami.”
“Taon na kasi kami ng cheesecake ko.”
“Alam ko, kwinento nga ni Mary paano niyo—“
“Kamusta naman kayong dalawa?”
Alam kong sumingit si Mary dahil alam niyang nawawala na yung pasensya ko
sa isang to. Tae. Pano niya naging kaibigan to?!
“Ayos naman kami, Mary.”
“Uh, gusto niyo mcdo tayo?”
“Ah wag na—may gagawin pa kasi kami ni Nathan.”
“Teka… Nathan? Wala kayong tawagan.”
Napatahimik si Mary, walang maisagot. Alam kong ako ang kailangan sumagot
dahil ako ang nagsabi na kaming dalawa.
“Bakit, kailangan ba?”
“Wala lang. Rare kasi.”
“Oo. Wala kaming tawagan. Dahil para sa min, ang pinakamagandang musika
na maririnig namin ay ung pagtawag ng mga pangalan namin sa isa’t isa.”
Napatahimik silang dalawa. Ngumiti ako kay Mary at siya naman, ngumiti
din sa kin. Hindi ko alam pero tingin ko kailangan ko to gawin… para sa
kanya. Hinawakan ko yung kamay niya tapos tumingin sa dalawang taong
sumira sa buhay niya.
“Sige aalis na kami.”
“Uh—o sige. Salamat sa time tol. At sayo din Mary. Ingat kayo.”
“Lara...”
“Hmm?”
“Maging masaya ka ha?”
Ngumiti nanaman siya, ang pinakasandata niya sa lahat ng kalaban niya.
Dun, umalis na kaming dalawa at naglakad papunta dun sa sakayan ng jeep.
Pumunta kami dun sa playground kung saan maghihiwalay na kami.
“Salamat.”
“Wala yun.”
“Ang init ng mga kamay mo.”
“Gusto mo ba?”
“Oo.”
“Sige, hahawakan na kita lage.”
“Ikaw talaga.”
“May tanong ako.”
“Ano yun?”
“Mahal mo pa ba si, Autumn?”
“Oo. Pero, mas mahal ko si Lara.”
“Ha?! B—bakit?”
“Hindi ako lesbian. Pero, sa tingin mo, kung hindi ko mas mahal si Lara,
ibibigay ko ba si Autumn sa kanya?”
Tama siya. Hinawakan ko yung mga pisngi niya. Kakaiba talaga siyang
babae. Sobrang kakaiba na tingin ko, kaya niya na pasabugin yung katawan
ko. Hindi ko rin alam, pati ako nagtataka… na sa tuwing nahahawakan ko
siya, parang nagkakaroon ako ng boltahe.
“Pero… bakit nga ba?”
21
“Siya ang unang taong nagsabi sa kin na lumaban. Siya ang unang taong
nagbigay sa kin ng lakas ng loob para mabuhay. Hanggang sa malaman ko na…
kahit lumaban pa ako, wala na rin akong mapapala.”
“Mary, wag kang ganyan. May gamot naman yan.”
“Alam ko. Pero, parang nakaguhit na ata sa kapalaran ko na mamatay ng
maaga. Tingnan mo to.” Tiningnan ko yung mga palad niya. Yung guhit, kung
saan sinasabi ng iba na ‘lifeline’ daw, maikli.
Tiningnan ko din yung akin, maikli din.
“Pareho lang tayong maikli.”
“Pero mas maikli yung akin.”
“Wag mo na nga isipin yun. Hindi. Hindi yan.”
Pagkauwi namin, binigay na niya sa kin yung cellphone na bigay ko kanina.
May 2 missed call at 1
message. Galing kay Sam yung dalawang missed call. Tiningnan ko yung
text.
I think I still love you.
Binura ko nang sobrang bilis. Wala na akong pake sa totoo lang. Siguro
nga… blanko na ngayon ang puso ko. At, handang magmahal muli.
***
Chapter 8
[The Shattered Memory]
Ang ganda ng araw ngayon. Hindi masyadong mainit. Tiningnan ko yung mga
ulap. Sabado na ngayon. At sa isang linggo, kaarawan ko na.
Simula nung naging legal na ko, nakasanayan na naming magkakabarkada na
sa tuwing may birthday, magpapainom. Ganon ganon lagi. Pero naisip ko,
gusto ko sana imbitahan si Mary sa 20th birthday ko.
Wala namang masama. Ang tanda ko na para sa isang second year. Eh late
kasi ako pumasok tapos may grade 7 pa ako.
“Ethan, may alam ka bang bar na malapit lang dito sa village.”
“Bakit? Dun na lang ulit kung san nagbirthday si—“
“Gusto ko yung malapit lang dito.”
“Bat naman?”
“May iimbitahan ako.”
“Sino?”
“Sta.”
“Oo meron. Kaso, magttricyle pa ng konti. Kaso, wala namang pumupuntang
chicks dun eh.”
“Ayos lang yun. Para maiba naman. Dadamihan ko na lang ang painom.”
“Kung ganon ang usapan, ayos lang!”
Hindi ko alam kung anong sumapi sa kin pero bumili ako ng kwintas. Mahal
yun, alam ko. Kaya nga mula nung binili ko hanggang sa makarating ako sa
bahay, iningatan ko. Siguro nga regalo ko to para sa sarili ko.
Pero, hindi yung mismong kwintas yung sinasabi kong regalo ko para sa
sarili ko. Ang sinasabi ko ay yung saya na matatanggap ko mula sa kaisa-
isang babaeng nagpahanga sa kin dahil sa tatag niya… ang kaisa-isang
taong nagpapaniwala sa kin na pusible ang lahat.
Basta, crucifix yun. Ipapaalala ko lang sa kanya na may kakapitan pa
siya.
Nung pumunta ako sa park, andun na siya, may binabasang libro. The Little
Prince. Sabi nga nila maganda daw yun, at hindi ka makakalabas ng
university hangga’t di mo pa yan nababasa.
“Mary.”
“O Nathan.”
“Nagbabasa ka?”
“Hindi ba halata?”
Tumawa ako, siya naman, as usual, nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya,
ng mga mata niya, ng maliit pero matangos niyang ilong, at yung maliliit
niyang labi. Mukha talaga siyang manika.
“Little Prince?”
22
“Oo. Nabasa mo na to?”
“Wala akong balak.”
“Kasama to sa 1001 books you must read before you die, yung unang
version.”
“Talaga?”
“Oo. walong libro na lang, pwede na akong mamatay.”
“Wag mong sabihing… nabasa mo na yun lahat?!”
“Seven years old ako nung simulang magbasa ng mga ganun. Accidentally ko
lang nakita sa internet. May nakita ako dati sa library ng mga dati kong
magulang na kasama dun. Kaya, inumpisahan ko na.”
“Hindi ko pa nga ata alam ang salitang ‘reading’ at ‘internet’ nung seven
years old ako.”
“Talaga?”
“Siyempre biro lang.”
Nagalala ako sa sinabi niya. Talaga bang, gusto na niya mamatay? Pero
sinabi naman niya sa kin dati na natatakot daw siya. Pero… bakit pa niya
tinutuloy?
Siyempre, panahon na para ibigay yung spesyal na regalo ko para sa kanya.
Pambawi na rin para dun sa birthday niya. Tumayo ako tapos pumunta ako sa
likod niya. Kinuha ko sa bulsa ko yung kwintas at sinuot sa leeg niya.
Hindi ito katulad sa romantic movies kung saan mamamangha yung babae dun
sa binigay ng lalake.
Hindi ito ganun lang. Itong bibigyan ko ng kwintas ay isang kakaibang
babae. Nagbabasa parin siya nung Little Prince nung tumayo ako, habang
nilalagay ko, hanggang sa napaupo na ulit ako sa swing. Wala siyang
karea-reaksyon habang ginagawa ko yun.
“Salamat.”
“Akala ko hindi mo na napansin na may kinakabit na ko sa leeg mo.”
“Gumagana pa naman ang utak ko kahit papano. Pagkatapos ng ilang buwan,
pag ginawa mo na yun ulit, hindi ko na talaga mararamdaman. Alam ko din
naman na mawawala tong alaala ko. O kung di man mawala, mababago. Kaya
bago pa mangyari yun, sasabihin ko na. Ang mga alaala naman, hindi
tinatago.” Nainis ako ng konti, pero sino ba ako para mainis? Siyempre,
yun ang iniisip niya… na mamamatay na siya. Wala akong magagawa kundi ang
ipagdasal tong babaeng to na parang hindi takot mamatay.
Nagkunwari na lang ako na hindi ko nakuha yung sinabi niya. Iniba ko na
lang yung usapan, ayokong isipin niya na naaawa ako sa kanya.
“Uy, pwede ka ba sa susunod na linggo?”
“Hindi.”
Nalungkot ako. Hindi man lang niya tinanong kung anong meron sa susunod
na linggo. Pag sinabi ko kaya, papayag na siya?
“Bakit? May gagawin ka?”
“May trabaho ako.”
“Trabaho?!”
“Oo.”
“Tutor? Part-time?”
“Hindi. Matagal na namin to ginagawa.”
“Eh ano? May kasama ka?”
“Oo.”
“Ano yun?”
“Magpeperform.”
“Anong klaseng performance?”
“Hindi mo ba napapansin nung isang buwan din, pag sa huling linggo, wala
ako?”
“Eto ba yun?”
“Oo. Sa huling linggo ng bawat buwan.”
“Eh ano ngang klaseng performance?”
“Uuwi na ko.”
“Iniiwasan mo yung mga tanong ko. Tinatanong ko lang naman kung anong
klaseng performance.”
“May bago ba dun?”
“Ang daya naman—”
Nagulat ako nung bigla niya kong hinalikan sa pisngi.
Napatulala ako sa ginawa niya. Wala akong masabi. Bakit niya yun ginawa?
Napatitig ako sa kanya sa sobrang bigla. Sana… sana…
23
“Regalo ko yan. Birthday mo na next week diba? Kaya mo ako tinatanong.”
“Uh—oo—”
“Simula kasi bukas hanggang sa birthday mo, hindi tayo magkikita.”
“B—bakit mo ko hinalikan?”
“Hindi ba pwede?”
Gusto kong sabihin na “Pwede naman... kaso... bakit?”
“Wag mo bigyan ng dahilan yan.”
“Ano ka ba. Natural hindi. Sinabi mo na ngang regalo mo eh.” Ngumiti
siya.
“Nathan…”
“O?”
“Ayoko pang mamatay.”
Nabigla ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin dun.
“Pero kung nangyari na yung himala na hinihintay ko, siguro… siguro pwede
na kong umalis.” Himala?
Hindi na lang ako nagsalita. As usual, ngumiti lang siya. Pinindot ko
yung ilong niya bago siya umalis, pero dahan-dahan. Para kasing… ang
sarap ng pakiramdam nung naramdaman ko na lumapit yung mga labi niya.
Sana, sana maibalik ko yung panahon.
Bumalik ako sa bahay na may malakas na kabog ng puso. Hindi to pwede.
Tama nga ba yung nararamdaman ko? Hindi. Hindi siguro— hindi dapat.
Naging malungkot ako sa mga araw na hindi ko siya nakita. Pero yung
naramdaman ko nung araw na hinalikan niya ko, nawala na. Kaya napanatag
na ko.
Tinext ko na yung mga dapat itext para sa birthday ko. Sabagay, hindi rin
naman makakapasok si Mary dahil seventeen pa lang siya. Pero, mas gusto
ko parin kapag andun siya.
Nung araw ng mismong birthday ko, mga eight ng gabi yung simula nung
salo-salo ng barkada. Hanggang inuman lang yung balak ko. Andun din si
Sam. Mga wala pa sa sampu yung imbitado. Yung ibang nasa bar, mga
ordinaryong bisita na lang.
“Ilan pang bote?! Ilabas mo na nga yang milyon mo!”
“Dami pa. Ikaw lang naman tong kuripot.”
“Orayt. Ang sexy nung dumaan.”
“Tamo. May chicks din kahit papano.”
“Iisa pa nga lang eh.”
“Hi Nathan! Happy birthday!”
Hinalikan ako ni Sam sa pisngi. Tiningnan ko na lang siya at nagpasalamat
sa ginawa niya. Pero nung yun lang ang ginawa ko, hindi ko alam kung
bakit niya binalibag yung upuan sa harap ko.
“Sira ulo ka tol. Alam mo namang malakas ang tama sayo niyang si Sam eh.”
“Pasensya na. Kaso… wala na talaga eh.”
Mukhang nabad trip si Ethan dun, pero alam naman niyang wala na siyang
magagawa.
May kumakanta, may sumasayaw at may nagbibiro sa may stage. Kinantahan na
ako ng happy birthday.
Pinapunta sa stage at tinanong pa nga ako kung saan ako nakatira para
mabisita daw nung baklang naghohost. Mga sira ulo talaga.
Trip na trip nung mga kabarkada kong yung bar kung san kami pumunta.
Siyempre, kahit wala silang trip na babae, libre yung inuman. Habang
umiinom kami, may narinig akong usapan. Hindi masyadong malinaw, pero may
narinig akong ‘banda’.
“May banda? Anong banda?”
24
“All girl band. Puro chicks yun!”
“Pano mo nalaman?”
“Nandun sa labas. Eh pagkakaalam ko, puro chicks yun.”
“Nakita mo na?”
“Hindi pa.”
“Pano mo nalaman na puro chicks?”
“Sa poster. Kaso, lahat sila nakamaskara. Ang sesexy ng legs!”
“Ano daw pangalan?”
“Tears of Midnight.”
Wow. Saludo naman ako sa pangalan nung bandang yun. Maganda para sa isang
all girl band.
Mayamaya, nagpalakpalakan na yung mga tao. Siguro ito yung mga taong
araw-araw na andito. Nakita ko sa stage na may pumasok na dalawang babae.
Pareho silang nakamaskara. Yung isa umupo dun sa may drums. Yung isa,
kinausap ata yung stage manager. Tapos tinono na niya yung gitarang
gagamitin niya.
“Takte! Ang seseksi naman nian!”
“Nathan…”
Tumingin ako. Si Sam pala.
“O?”
“Pwede bang… umupo sa tabi mo?”
“Pwede. Wala namang nakatabi eh.”
Umupo siya sa tabi ko. Maya-maya may tatlo nanamang babaeng nakamaskara
ang pumasok, yung maskarang nakalabas parin yung mukha pero yung bandang
sa mata lang ang tinatakpan. Napansin ko, bukod sa lahat sila
nakamaskara, lahat sila nakaitim.
Mukha namang lahat sila maganda. Yung nagddrums mejo type ko. Layered ang
buhok at naka mini dress. Sabi nga ni Ethan sana siya na lang daw yung
drums.
Yung basista, maikli lang ang buhok, tomboyish. Pagkakamalan ko pa siyang
taga pep squad dun sa university namin. Yung skirt niya yung nagpapakita
na babae siya. Ganda at ang haba ng legs. Sleevless na exposed yung
dibdib.
Yung lead guitarist, naka chun-li na buhok. Naka shorts, collared
sleeveless na may tie tapos naka high heels. Gusto siya ni Sam, ang cute
daw kasi ng damit. Yung nasa rhythm guitar, nakatube na may makintab na
pants. Magkasing tangkad lang sila nung lead. Naka pig tails, nakanet
gloves at nakaboots.
Pero ang pinakanakakuha ng pansin ko, yung nagmimic test.
Nakasimpleng mini skirt siya. Jacket na may black and white stripes. Knee
high socks na itim na may black doll shoes. Nakakumpol yung buhok niya na
may konting lawit sa likod. Siya yung may pinakasimpleng damit, pero yung
may pinakamagandang maskara. Yung apat kasi, nakaputing maskara lang.
Pero etong isang to, kumikintab yung maskara niya.
“Good evening.”
Mary?
Yun ang nasa isip ko nung narinig ko yung boses niya dahil kaboses na
kaboses niya yung babaeng to.
Pero, hindi eh, hindi pwede. Bakit hindi pwede? Ewan ko. Hindi ko rin
alam kung bat nasabi kong hindi pwede. Dahil iba ang suot niya? Dahil
nakikihalubilo siya sa ibang tao?
Ewan.
“Namiss niyo ba kami?”
Alam ko na kung bakit. Oo, magkaboses sila… pero itong babaeng to,
mukhang masaya yung tono niya.
“Kami din, namiss din namin kayo.”
Nagsigawan lahat ng tao. Ngumiti yung babae, isang ngiting… alam kong
nakita ko na. Kinabahan ako nung lumipat yung tingin niya sa amin… sa
akin. Kahit na nakamaskara siya, yung mga mata niya…
Sa kanya na ata ang may pinakamagandang mata na nakita ko.
25
“Mary?”
“Nathan, may sinasabi ka?”
“W—wala.”
Ngumiti ulit yung babae.
“Mukhang may bago tayong barkada dito ah.”
Sumigaw sina Ethan ng sobrang lakas. Tapos nag ‘I love you’ yung iba sa
mga kabarkada ko.
“Sinong may birthday?”
Sabay turo sa kin. Eto talagang mga to.
“Ang tadhana nga naman. Dito ka talaga dinala ng langit no?” Tinutukso
ako ng mga kabarkada ko. Pero ako, eto, nakatingin lang dun sa may hawak
ng mic. Parang may ibig sabihin yung sinabi niya.
“Pangalagaan mo buhay mo, isang himala ang mabuhay sa mundong to.”
Ngumiti siya na walang pakundangan. Naramdaman ko yung lungkot sa mga
matang yun. Sa mga matang alam kong may kahawig… parang nakita ko na…
“Eto na yung huling kanta namin. Eto na ang huling pagtugtog namin.”
Huli? Wow. Eh di maswerte pala kami dahil kahit papano, nakita namin yung
huling performance nila.
Naalala ko tuloy yung rason kung bakit gusto ko malapit lang sa village
namin, si Mary… sino pa nga ba?
Gusto ko magalit dahil hindi siya pumunta sa birthday ko. Pero, masaya
narin ako dahil mukhang may nakita na akong may ipapalit kay Sam.
Wala namang masamang magilusyon diba? Pwede namang after ng performance
nilang yun, hingin ko yung number nung vocalist. Tapos yun na. Type ko
talaga eh. May iba kasi sa kanya na wala yung ibang kabanda niya.
“1 2 3 fall.”
Tapos, nagumpisa na ang tugtugan.
***
Chapter 9
[Miracle]
1, 2, 3…
Fall?
Kaya siguro Tears of Midnight. Tama nga. Fall. Paghulog ng luha. Wow.
Kung ako yung dating Nathan, mawawalan ako ng pakielam dun. Pero dahil
binago ako ng isang buhay na manika, eto… parang kahit yung ibig sabihin
ng mga tagong salita, naiintindihan ko.
Sobrang lakas ng sigawan nung mga tao dito sa paligid. May sigaw, may
pito, may tawa, may tugtog.
Pero ako, heto, inaabangan ko lang yung pagkanta nung vocalist.
I’ve gone for too long
Living like I’m not alive
So I’m gonna start over tonight
Beginning with you and I
Sa unang dalawang linya palang na yun, isa lang ang naalala ko. Si Mary.
Yung una naming pagkikita kung saan sinabi niya na “Nabubuhay ako pero
patay ang turing sa kin.” Paanong hindi tatak ang bawat salitang
sasabihin niya sa kin kung ganito siya kakaiba? Hindi lang siya naiiba
eh. Nag-iisa lang siya.
When this memory fades
26
I’m gonna make sure it’s replaced
Chances taken, Hope embraced
And have I told you?
Habang kinakanta niya yung kantang to, nakikita ko si Mary. Parang,
biglang nagtatransform yung vocalist. Lumulugay yung buhok, humahaba yung
damit… at natatanggal yung maskara. Nakikita ko na ang kumakanta ay si
Mary. Natatawa nga ako eh. Ano ba tong ilusyong ginagawa ng utak ko.
Bukod sa kinakanta niya… may pinaparating siyang mensahe. When this
memory fades, I’m gonna make sure it’s replaced. Naalala ko tuloy yung
sinabi niya nung huli kaming nagusap. “Alam ko din naman na mawawala tong
alaala ko. O kung di man mawala, mababago. Kaya bago pa mangyari yun,
sasabihin ko na. Ang mga alaala naman, hindi tinatago.”
I’m not going ‘cause I’ve been waiting for a miracle And I’m not leaving
I won’t let you, let you give up for a miracle
And it might save you.
Miracle.
Yun ang title ng kantang to. Naalala ko nanaman si Mary, yung mga
salitang iniwan niya nung huli kaming nagkita. “Pero kung nangyari na
yung himala na hinihintay ko, siguro… siguro pwede na kong umalis.” Bigla
kong naalala yung pinakuluang buto ng rosas na binigay niya sa kin. Kung
san tinanong niya yung tanong na gumimbal sa mundo ko. “Naniniwala ka ba
sa mga himala, Nathan?”
We’ve learned to run from anything uncomfortable
We’ve tied our pain below,
And no one ever has to know
Heto, nakaupo parin ako. Hindi ko nga namalayan na hawak na pala ni Sam
yung kamay ko. Hinayaan ko lang siya, wala naman na yun sa kin. Hindi ko
siya pinapaasa… siya tong umaasa.
That inside we’re broken
I tried to patch things up again
To kill my tears and kill these fears
And have I told you, have I?
Heto nanaman, parang si Mary talaga yung kumakanta. Yung mensahe, malinaw
na malinaw. Oo, si Mary… isang kimkimadong babae. Mapalad ako na ako yung
pinili niya nung diary niya na malaman yung katotohanan tungkol sa kanya.
Totoo naman eh. Yung diary niya yung mismong lumapit sa kin. Kung hindi
pa ko tinapilok nung diary niyang yun sa kwarto niya, hindi ko malalaman
ang katotohanan tungkol sa buhay niya. Hindi kami magiging ganito kalapit
ngayon.
I’m not going ‘cause I’ve been waiting for a miracle And I’m not leaving
I won’t let you, let you give up for a miracle
And it might save you.
Palakas ng palakas yung mga sigaw. Lahat ng mata nasa mga magagandang
babaeng nakamaskara sa may stage. Hindi ko nga alam kung bakit si Mary
ang nasa isip ko. Bakit nga ba? Siguro naassociate ko lang dahil
‘miracle’ yung title ng kanta.
It’s not faith if—if you use your eyes, oh why?
We get it right this time
Let’s leave this all behind, oh why?
We get it right this time
It’s not faith if you’re using your eyes, oh why?
Bigla akong napatitig sa mga mata nung vocalist. Na hindi sa hindi ko
alam na dahilan ay nakatingin narin sa kin habang kinakanta niya yung
susunod na verse.
I’ve gone for too long
Living like I’m not alive
So I’m gonna start over tonight
27
Beginning with you and—
I don’t want to run from anything uncomfortable
I just want, no I just need this pain to end right here.
I just need this pain to end right… here.
Tinuro niya yung puso niya nung binanggit niya yung salitang ‘here’. Saka
ko napansin na may nakasabit na kwintas dun sa leeg niya. Pero, di ko
masyado makita dahil hindi din malinaw yung mga mata ko.
I’m not going ‘cause I’ve been waiting for a miracle And I’m not leaving
I won’t let you, let you give up for a miracle
And it might save you.
Hindi ko alam kung bakit—o kung tama nga ba yung nakikita ko. Hinahawakan
niya yung maskara niya—o parang hindi. Parang… sumasakit yung ulo niya.
Pero kahit ganon, nakita ko siyang ngumiti at tinuloy ang palabas.
Yeah it might save you
Oh it might save you
It’s not faith if—if you use your eyes
If you use your eyes…
Saka ko nakita ang isang bagay. Isang bagay na napatayo ako… isang bagay
na nagudyok sa kin na pumunta sa may stage at bitawan ang kamay .
Isang kwintas na may krus.
If you use your eyes.
Habang binabanggit niya yung huling linya, tinanggal niya yung maskara.
Pero habang nangyayare din yun, dumidilim na rin sa may stage. Kaya,
halos wala narin akong nakita sa mukha nung babaeng yun.
Pero…
Parang, may nakita ako. Parang… nakita ko ang isang luhang pumatak sa mga
matang yun… habang tinatanggal ang maskara niya… habang dumidilim sa
entabladong tinatapakan niya.
Tumakbo agad ako papunta sa may stage at kinuha yung maskara na tinanggal
niya. Backstage. Kung san man yun, hindi ko alam. Nung hindi ako
pinapasok nung guard, lumabas ako. Pumunta ako sa likod, kung saan tingin
ko dun sila lalabas.
Naghintay ako ng ilang minuto pero…
“Nathan!”
Narinig ko si Sam na papalapit. Nawalan ako ng pag-asa na lalabas pa yung
bandang yun. Malakas ang kutob ko na si Mary at yung vocalist na yun ay
iisa. Nagtutugma sa lahat ng nangyare.
“Anong problema?”
“Wala. Para kasing—“
“Yung Tears of Midnight nasa loob ah. Nagpakilala na sila.” Kumaripas ako
ng takbo papunta ulit sa loob. Ang tanga ko! Naiinis ako sa sarili ko
kung bakit ako lumabas agad. Pagpasok ko sa loob, humarap agad ako sa may
stage.
Apat na babae lang na nakamaskara ang nakita ko. Wala yung vocalist.
“P*ta.”
“Nathan, anong bang nangyayare sayo?”
“Bat hindi mo sinabing—!”
Nasigawan ko si Sam. Pero… ano bang malay niya kung sino ang hinanap ko?
Hindi ko siya dapat sisihin.
Sabihin mo na Nathan. Humingi ka na ng tawad at gawin mo na ang dapat
gawin.
“Sorry.”
28
Lumabas ako ng bar, hinihiling sa langit na sana tama yung hinala ko. Na
sana nasa labas pa yung babaeng yun, sosorpresahin ako na siya yun.
Paglabas ko…
Hangin ang sumalubong sa kin.
Dinala ako sa ospital, hawak-hawak ang maskarang tumakip sa babaeng
hinangaan ko sa entablado at ang alaala ng kwintas at ng luhang nakita
ko. Naririnig ko parin yung boses ng babaeng yun—na alam kong siya din
ang manikang dahilan kung bakit hindi ako nakahinga nung gabing yun.
***
Chapter 10
[The World of My Blessed Wonder]
Umuwi ako ng bahay matapos dalhin sa ospital. Bwisit. Hindi ko din alam
kung bakit. Basta sumikip ang dibdib ko, at yun na. Dinala na lang ako
bigla sa ospital. Sina Sam ang nagdala sa kin. Siyempre alalang-alala
sila. Birthday ko pa man din. Biniro nga ako ni Ethan na akala daw niya
na sa tuwing birthday ko daw ay magcecelebrate narin sila ng death
anniversary ko. Tae talaga yun.
Isa lang ang nasa isip ko pag uwi ko sa bahay. Hindi ko alam kung
magkaiba silang dalawa—o magkapareho lang sila. Si Mary, at yung babaeng
bokalista ng Tears of Midnight.
Tatlong araw din ako absent kaya maraming kailangan aralin. Pero bukod
dun, gusto ko na pumunta sa park. Nangangati na yung mga paa ko. Ang mga
mata ko, gustung gusto na siya makita. Siguro dahil gusto ko malaman yung
katotohanan. Kung siya ba talaga yung babaeng nakamaskara nung kaarawan
ko.
Kung siya yun…
Bahala na.
Pagkatapos ng klase, nagmadali ako umuwi. O, mas tamang sabihin na, gusto
ko na pumunta sa park at makita si Mary. Gusto ko na makipagkwentuhan sa
kanya, tapos tingnan yung reaksyon niya.
Pagkapunta ko sa park, ayun, kitang kita ko siya na nandun sa may swing.
Parang walang pinagbago. May headphones parin siya na ubod ng laki habang
nagbabasa ng libro. Siyempre, hindi mawawala yung teddy bear. Minsan
nagtaka ako kung paano niya napagsasabay ang pakikinig ng rock music at
ang pagbabasa ng librong halos magdugo na ang ilong ko dahil sa mga
salitang di ko alam.
“Mary!”
Sumigaw ako, pero hindi man lang siya tumingin sa kin. Sumigaw ulit ako,
pero di nanaman niya narinig.
Hindi ko alam kung maiinis ako. Konti, nainis ako. Siya na tong
tinuturing kong pinakamalapit kong kaibigan, pero ni hindi nga niya alam
na naospital ako. Ni di ko man lang alam kung nagalala ba siya sa kin.
Sabagay, hindi nga niya alam.
Ano nga bang pakielam niya sa kin?
Umupo ako sa swing. Nilipat niya yung page saka niya ko binati.
“Hello Nathan.”
Ang sarap tanungin ano ba ako sa buhay mo? Pero alam ko naman ang sagot.
Nung umpisa pa lang, alam mo na kung anong magiging parte mo sa buhay
niya, di ba Nathan?
Tama yan. Kausapin mo lang ang sarili mo.
“Mary, pwede magtanong?”
“Pwede. May kalayaan tayong lahat na magsalita.”
“San ka galing nung birthday ko?”
29
Nilipat niya sa isang page. Naisip ko tuloy kung mag-iisip siya ng sagot
para ipantakip sa kin o aaminin na niya na siya yung babaeng bokalista ng
Tears of Midnight.
“Sa langit.”
“yung seryoso.”
“Seryoso naman yung sinabi ko.”
Tumahimik nanaman siya. At eto ako, nakatingin nanaman sa mukha niya.
Yung mga mata, labi… parehas na parehas dun sa babaeng kumanta nung
kaarawan ko.
“Alam mo ba, nung birthday ko, inatake ako sa puso.”
“Masyado ka atang maraming kinakaing mamantikang pagkain.”
“Hindi yun ang punto ko.”
“O baka tingin mo ako yung babaeng nakamaskarang nakita mo.” Sandaling
napatigil yung hininga ko. Hindi man lang niya hinintay na ako yung
magsabi ng katiting na pahiwatig. Hindi ko alam kung may kapangyarihan
lang talaga siyang magbasa ng isip.
“Oo, ako yun.”
Sinara niya yung libro niya. Sa sinabi niyang yun, parang nabinge ako.
Unti unting nawala sa alaala ko yung boses ng babaeng bokalista ng Tears
of Midnight—yung boses niya—habang kumakanta sa entabladong yun.
Bigla ko tuloy gustong marinig ulit yung boses niya.
Ngumiti siya. Nakita ko yung librong binabasa niya, A Walk to Remember.
Kasama din kaya yun sa 1001
books you must read before you die? Kung kasama, masasabi ko na 0.0999
percent na pwede na akong mamatay.
Nakakatawa talaga ang tao. Bat ba may “standards” pa na kailangan bago
mamatay? O sabihin na nating,
“standards” para masabi mong pwede ka na mamatay?
“Bakit ka pa nagmaskara?”
“Para san ba ang maskara, Nathan?”
“Para…”
“Tinatago naming lima ang totoo naming katauhan sa likod ng mga maskarang
yun.”
“Bakit pa? Pwede namang—“
“Kaming lima na tinalikuran ng buong mundo. Kaya kami nakamaskara, para
tanggapin kami.”
“Pwede namang tanggalin niyo yun. Bakit ba kasi akala niyo hindi kayo
tatanggapin ng mundo?”
“Sa akin pa lang na nakikita ng lahat ng tao kung sino talaga ako, iisa
lang ang lumapit. Ikaw yun. Pero pag naka gintong maskara ako, nagsusuot
ng mga damit na hindi ko talaga gustong suotin, akala mo kung sinong
diyosa ang sinasamba nila.”
Natahimik ako. Alam kong sa loob-loob ko, napahiya ako ng sobra. Imbis na
sa kanya ako naawa, naawa ako sa sarili ko dahil… isa din ako sa mga
taong natuwa. Isa din ako sa mga taong nalinlang ng mga maskara nila.
“Kailan kayo nagumpisa?”
“Nung nakaraang dalawang taon.”
“Bigla na lang kayo nabuo? Kala ko ba hindi ka masyadong nakikihalubilo
sa tao?”
“Isang araw, nakakita ako ng isang pader na may sulat na gusto na niya
mamatay. Nagsulat ako na gusto ko na umiyak. Pagdaan ko nung sumunod na
araw, may tatlong sumunod na nagsulat. Yung isa, gusto ko na mabulag.
Yung isa, gusto ko na pandirihan ng iba. At yung huli, gusto ko na
itakwil ng iba.” Habang pinapakinggan ko yung kwento niya, lalo akong
hindi makapaniwalang nasa Earth ako. 6.8 bilyon na tao na buhay, at may
limang humihiling na bawiin na yung mga buhay nila.
“Si Crimson yung drummer. Kalahating mata niya bulag.” Tumungo na lang
ako. Napamangha dahil dun. Magaling siya magdrums, pero di ko akalain na
magagawa niya yun kahit na hindi makakita yung isa niyang mata.
“Yung kambal, si Iris at Luna, yung parehong gitarista, pareho silang
laki sa hirap na pinandidirian at tinatakwil ng ibang tao. Kaya yung
sinulat nila sa pader ay kabaligtaran talaga nung gusto nilang mangyare.”
30
Dun ako napaisip… sa mundo niya… normal ba ako?
“Yung basista namin na si Velvet, ay katulad ko na nakaranas na ng sakit.
Hindi siya tinuring na anak nung mga magulang niya. Ang masama, pinakuha
yung puri niya sa halagang tatlong libo.” Naguumpisa nanaman na sumikip
yung dibdib ko. Ilang tao pa ba ang ganito sa mundo? Ilang tao pa ang
kakaiba tulad ng babaeng to?
“At ako, isang babaeng minalas… pero sa lahat ng malas na yun, hindi man
lang ako naglakas loob na umiyak. Kaya, nagpapasalamat ako sayo… dahil…
tinuruan mo ko kung pano.”
“Hindi kita tinuruan kung paano. Ikaw mismo ang nagpalaya sa sarili mo.”
“Pero ikaw ang may hawak ng susi sa kulungan ko, kaya ako nakalaya.”
Gusto ko umakyat ng bundok para ipagmalaki yun. Biglang gumaan ang loob
ko, at unti unting humupa yung sakit sa dibdib ko. Isa lang pala ang
kailangan… at yun ay walang iba kundi siya.
“Alam mo tong librong to?”
“Oo naman. Kasama ba yan sa 1001 books?”
“Kakatapos ko lang yung huling libro kahapon, kaya pwede na ako mamatay.”
“Mary—“
“Nalaman na rin ng banda ko na may taning na ko.”
Kung tutuusin, mas marami pa akong magagawa kesa ang makinig sa kwento
niya… kesa paulit-ulit na umikot sa utak ko na may mamamatay na akong
kaibigan… kesa hintayin ko pa na mangyari eh pwede namang kalimutan ko na
lang siya.
Kaya kong iwanan tong nilalang na to ngayon… pero… ayoko lang.
“Bigay to sa kin ni Crimson kaya binabasa ko siya ngayon.”
“Ano, ayos naman?”
“Oo. Gusto ko yung kwento. May leukaemia din pala si Jamie.” Jamie yung
pangalan nung bida sa kwento.
“Pero mas marami kaming pinagkaiba.”
“Tulad ng?”
“Mahal siya ng tao.”
“Ano pa?”
“Pastor yung tatay niya.”
“Ano pa?”
“Mmm… binabawi ko na. Siguro nga mas marami kaming magkakaparehas.” Hindi
na ako nagulat nung sinabi niya yun, dahil alam kong mas marami silang
pagkakaparehas. At yung isa sa maraming yun ay narealize ko nung
tiningnan ko yung mga mata niya.
“Bukod sa pareho kaming may leukaemia, pareho din kaming nagkukunwari na
malakas.”
“Meron pa.”
“Pareho kaming wala sa panahon kung magsuot?”
“Bukod dun.”
“Pareho kaming mahal ng Diyos.”
“Automatic na yun. May isa pa.”
“Ano?”
“Pareho kayong naniniwala sa himala.”
Ngumiti siya.
“Oo nga no.”
Tinuloy niya yung pagbabasa. Hindi ko alam kung napansin niya. Pero ako,
napansin ko.
Napansin ko na tinititigan ko lang siya habang nagbabasa.
Nakita ko yung mga magaganda niyang mata at yung maliit niyang labing
nakangiti na nagiging dahilan kung bakit ayoko palipasin ang araw hanggat
di ako nakakapunta sa park.
31
Narinig ko yung malakas na tunog ng drums mula sa loob ko na halos
patalbugin ako mula sa swing na kinauupuan ko.
Naamoy ko yung amoy ng strawberry cologne niya habang magkasama kami sa
araw-araw na ginawa ng Diyos. Isang amoy na gusto ko maaamoy ko lagi.
Nalasahan ko yung mapaklang lasa sa loob ng bibig ko na nagsasabing wala
ng laway dahil… marahil nalunok ko na lahat—parang nung nangyari lang
nung nasabi kong mahal ko na si Sam.
Naramdaman ko yung pagnanais na alagaan siya habang buhay.
Napansin ko na may isa pa silang pagkakaparehas nung bidang nasa librong
binabasa niya.
Hindi ba…
Minamahal din ng isang lalake ang bidang babae sa kwento?
Kung ano man yung ibig kong sabihin—kahit na makalimutan ko pa yung
mukha, boses, amoy at hawak niya—ay ang isang pakiramdam na alam kong
kahit kailan ay hindi na mawawala.
***
Chapter 11
[When She Starts to be Everything]
Mula nung narealize ko yun, walang araw na maaga ako umuwi para dumerecho
sa park. Pinapakain ko siya at pinapagmasdan ngumiti. Gusto ko maging
ganito habang buhay.
Hindi na siya nagbabasa ngayon. Gumagawa na siya ng mga eroplanong papel.
Para siyang bata, isang batang di ako magsasawang alagaan.
Dun sa mga eroplanong papel, sinusulat niya yung mga dasal niya para sa
mundo. Bago niya yun iniiwan sa ibang lugar, pinapabasa niya sa akin.
Maguusap kami sandali kung bakit yun ang naisip niyang isulat.
Hindi ko nakikita kung san niya nilalagay yung mga eroplanong papel na
yun. Pero ang sabi niya, iniiwan niya sa iba’t ibang lugar.
Eto, hindi ko na alam kung pangilang buwan o linggo o araw na kaming
magkasama. Maaraw pero medyo malamig dahil malapit na magpasko. Gumagawa
parin siya ng eroplanong papel nun. Nagsusulat sa mga papel tapos
tinitiklop nanaman niya. Sa oras na yun tatlo na ata yung nagawa niya.
“Nakakamangha ka talaga.”
“Hindi ako kakaiba para kamanghaan. Tao lang din ako tulad mo.”
“Hindi naman dahil kakaiba kaya ako namamangha sayo eh.”
“Kailangan ko ba tanungin kung ano?”
“Kahit naman hindi mo tanungin, sasabihin ko parin.”
“Ano?”
“Dahil habang tumatagal, nalalaman ko na hindi ka kakaiba.” Ngumiti siya.
Kumuha siya ng papel, pero hindi niya muna sinulatan. Tiniklop niya muna
tapos nagpunit-punit siya.
Nagtaka ako sa ginagawa niya. Akala ko trip lang niya hanggang sa nakita
kong eroplanong papel parin yung ginawa niya.
“Eto para sayo.”
“Talaga?”
“Ayaw mo?”
“Siyempre gusto.”
Kinuha ko. Pero dahil alam kong wala naman siyang sinulat, hinawakan ko
lang.
“Bat hindi mo subukan paliparin?”
“Bakit?”
“Subukan mo lang.”
32
Nakaupo ako sa swing tapos pinalipad ko. Nagulat ako nung biglang
lumanding sa mga paanan ko. Hindi ako matalino para sabihin pusible o di
pusible yun sa phsyics pero, namangha lang ako.
“Talagang alam mo na babalik?”
“Hindi, nagulat din ako.”
Ngumiti siya tapos tumayo. Dinampot niya yung eroplanong papel.
“Ang galing.”
Mukha namang namangha siya sa nangyare. Pero, nakita ko yung sobrang
pagmangha niya dahil sa mga ngiting abot tenga.
“Bat parang manghang mangha ka?”
Tumingin siya sa kin at ngumiti. Saka niya binuksan yung eroplanong
papel. Doon ko nalaman kung bakit nga siya manghang mangha. Papano, yung
pinunit-punit pala niyang parte ng eroplano ay hugis krus.
Ngumiti ako tapos tumayo. Nakatungo parin siya, hawak hawak yung papel.
“Ang ibig sabihin lang niyan, kahit saan ka pa pupunta, sa Kanya ka parin
babalik.” Hinawakan ko yung mga kamay niya. Naririnig ko nanaman yung
drums sa loob ng katawan ko. Tumingin siya sa kin ng dahan-dahan. Handa
na bumuka ang bibig ko at sabihin lahat ng nararamdaman ko nang nangyare
ang hindi inaasahan.
Sa mga sumunod na oras, nakita ko nalang ang sarili kong lumuluha at
naghihintay ng sasabihin ng doctor. Mapalad parin ako dahil may dumaang
taxi sa may parke kaya naihatid ko siya sa ospital agad.
Lumabas yung doctor. Tinanong niya kung sino ako, sabi ko kaibigan.
Mula nung araw na yun, nagbago na ang takbo ng buhay ko.
Dumating na yung papa ni Mary sa ospital, amoy alak. Pero kahit ganon,
halatang nag-aalala parin siya para unica hija niya.
Pagdating na pagdating niya, dinala ko agad siya sa doctor. Silang dalawa
ang nag-usap. Ako, alalang alala parin. Tayo, upo… tayo, upo. Hindi ako
mapakali sa iisang pwesto.
Ngayon ko kinakailangan ng himalang pinaniniwalaan niya.
Pagkatapos nilang mag-usap, pumunta agad ako sa papa ni Mary. Gusto ko
makibalita. Pero nang makita ko yung tulalang mukha niya, parang mas
gusto kong maging bulag at binge para di ko makita ang reaksyon at
marinig ang resulta.
“A—ano daw po yung balita?”
Tumingin sa kin yung papa ni Mary na blanko ang ekspresyon sa mukha. Sana
di ko na lang tinanong.
“Lu—lumalala na daw.”
Tumulo yung luha ko ng walang pakundangan. Ayoko.
“Wa—wala na po b—ba daw p—paraan?”
Ginalaw nung papa ni Mary yung ulo niya mula sa kaliwa papuntang kanan
paulit-ulit hanggang sa humahagulgol na siya. Ako, nakatulala… hindi
makapaniwala…
Bakit kung kelan alam na ng puso ko kung kanino talaga siya nagmamayari…
saka ipamumuka sa kin ang masaklap na tadhana?
Pumunta ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakahiga, natutulog. Yung
mga labi niya hindi na masyadong pink tulad dati, parang pale rose. Bakit
nga ba ngayon ko lang napansin na pumayat siya?
Payat na nga siya, bigla pa siyang papayat.
Hinawakan ko yung mga malamig niyang kamay, saka napaupo.
33
“N—Na—Nathan…”
Bumuka yung mga mga mata ko sa sobrang saya dahil gumising siya. Pinisil
niya yung kamay ko, alam kong madiin na yun para sa kanya, pero kung
tutuusin para lang yun bulak na dumampi sa kamay ko.
“P—p—pabukas ng r—radyo.”
Wala naman akong nakitang radyo sa kwarto niya. Pero dahil sa hiling niya
yun, kinuha ko yung cellphone ko saka niloud speaker. Ang unang kantang
narinig ko ay “Happy”. Napamura ako, natawa siya.
Nilipat lipat ko yung station. Pagkalipat ko sa isang station, ang
naabutan naming ay ‘and here’s awake by secondhand serenade’.
Napamura nanaman ako.
Ililipat ko sana nung pinisil niya ko.
“Jan na nalang.”
Wala namang magagawa ang mahina kong puso, alinsunod sa tunay na
nagmamayari sa kanya. Kahit alam kong maiiyak ako sa kanta, kung yun ang
kantang gusto niyang marinig, wala akong magagawa.
With every appearance by you wandering my eyes
I can hardly remember the last time I fell like I do You’re an angel
disguised
Naalala ko mula nung nagkita kami. Dahil sa kanya, nakalimutan kong
nasaktan ako dahil kay Sam.
Napangiti ako ng konti dahil naalala ko kung pano siya nahulog sa kin.
Para bang, hulog ng langit.
And you’re longing real still, but your heartbeat is fast just like mine
and will movies long over? That’s three that have passed one more’s fine
Habang lumalapit yung chorus, dumadami yung tulong pumapatak sa mata ko.
Pinupunasan nung kaliwang kamay ko dahil yung kanang kamay ko, hawak yung
isa niyang kamay.
Will you stay awake for me?
I don’t wanna miss anything. I don’t wanna miss anything I will share the
air I breathe
I’ll give you my heart on a string….
I just don’t wanna miss anything…
Napamura ako sa isip ko. Ano bang meron sa mga kanta at minsan sobrang
nakakasakit ng damdamin ng tao? Sira ulo tong kumanta.
I’m trying real hard not to shake
I’m biting my tongue, but I’m feeling alive
And with every breath that I take, I feel like I’ve won You’re my key to
survival
Tumingin ako sa kanya. Siya naman, nakapikit at nakikinig sa kanta. Sa
ganito na lang lagi, nakapikit siya… pero at least alam kong humihinga
siya.
That deep inside the hero you want I can save you, just stay here Your
whispers are priceless, your presence is still So please stay near
Will you stay awake for me?
I don’t wanna miss anything. I don’t wanna miss anything.
I will share the air I breathe.
I’ll give you my heart on a string.
I just don’t wanna miss anything…
Dumilat siya pagkatapos nung ikalawang chorus at nakita niya yung
namumula kong mukha dahil sa tuluy-tuloy na luha. Peste. Peste. Peste.
“Nathan…”
34
Say my name. I just want to hear you
Ang sarap pakinggan ng boses niya.
“N—Nathan…”
Say my name so I know it’s true.
“B—bakit?”
You’re changing me. You’re changing me.
You showed me how to live.
“Wala lang.”
So just stay… so just stay.
“Masaya lang akong andito ka.”
Will you stay awake for me?
I don’t wanna miss anything. I don’t wanna miss anything.
Alam kong hindi na ko basta lumuluha dahil umiiyak na ko. Wala man lang
akong dalang panyo. Nahihiya tuloy ako sa kanya dahil nakikita niyang
umiiyak ako, samantalang siya, isang beses palang umiyak sa buong buhay
niya. Yung pangalawang beses ay isang patak lang ng luha.
“Bakit ba kailangan lahat ng sasabihin mo… malakas ang tama sa puso ko?”
I will share the air I breathe
Pinisil ko yung mga malalamig niya kamay. Ayun, nakangiti lang siya sa
kin. Ni hindi ko man lang alam kung naintindihan ba niya yung sinabi ko.
I’ll give you my heart on a string.
I just don’t wanna miss anything…
Alam kong pagod na siya kaya unti unti na siyang umidlip ulit. Natapos na
ang kanta, dumaan na ng dalawang beses yung mga nurse. Ako, hawak-hawak
ko parin yung kamay niya, na kahit kailan, di ko bibitawan. Bago ako
makatulog, bumulong ako sa tenga niya ng isang ‘mahal na mahal kita’.
Tapos natulog na ko.
***
Chapter 12
[Err]
“Alam mo ba nanaginip ako na umiiyak ka daw?”
Hind ako sanay na nakaputi si Mary, at lalong hindi ako sanay na nakahiga
siya. Heto, hawak hawak ko parin yung kamay niya. Kakagising lang niya
mula dun sa tulog niya kahapon. Siyempre tinawagan ko na yung mga
magulang ko. Sabi ko may dinadalaw lang akong kaibigan.
“Talaga? Anong ichura ko?”
“Umiiyak ka. Yun lang.”
“Hayaan mo na nga yung panaginip mo.”
“Ilang araw daw ako dito?”
“Depende.”
“Anong depende?”
“hindi kita palalabasin hanggat di ka magaling.”
“Nathan, alam mong hindi na ko gagaling.”
Buti na lang at biglang bumukas yung pinto. Yung mama niya dumating.
Hindi katulad sa ibang eksena na matutuwa at iiyak ang anak dahil
dumating ang inang minsan minsan lang niya makita. Eto, parang araw-araw
niyang nakikita yung mama niya, na isang maliit na ngiti lang ang
naibigay niya.
35
“Boyfriend ka ba ni Rebecca?”
Rebecca parin pala yung tawag sa kanya nung mama niya. Umiling lang ako.
Nilagay niya yung prutas sa mesa. Akala ko di iiyak yung mama niya dahil
yun nga, hindi naman sila ganun kalapit. Gulat na gulat ako nung bigla
siyang humagulgol.
Tiningnan ko si Mary. Pero kahit isang luha, walang tumulo mula sa kanya.
Nagtataka na ako kung anong kontrol ang meron siya para makontrol ang
luha niya. Bumukas uli ang pinto, papa naman niya ang pumasok. Napaluhod
yung papa niya at humagulgol sa may sahig. Sa pagkakaalala ko, wala pa
akong nakikitang ganitong eksena sa mga napapanood ko. Pero bakit ko ba
kailangang ikumpara? Iba ang totoong buhay.
Lumabas ako dahil alam kong kailangan nilang mag-usap usap. Buti na lang
Sabado kaya wala akong kailangang asikasuhin. Di bale na yang mga exam na
yan. Kakayanin ko yun.
Maya-maya, lumabas na yung mga magulang niya. Nagusap sila sandali tapos
pumasok ulit yung papa niya sa kwarto. Yung mama naman niya, papunta sa
kin.
“Anong pangalan mo iho?”
“Nathan po.”
“Salamat sa pagdala mo dito kay Rebecca.”
“Wala po yun tita. Mahal ko po ang anak niyo.”
Marahil nabigla siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nabigla siya dahil
out of no where eh nasabi ko yun, o dahil nagulat siyang mahal ko ang
anak niya. Halatang halata parin sa boses niya sobra yung paghagulgol
niya kanina.
“Iho, alam mong may taning siya diba?”
“Opo. Alam ko po sa umpisa pa lang.”
“Pero ayos lang sayo?”
“Naniniwala po akong gagaling siya.”
“Himala na lang ang makakapagligtas sa kanya.”
Umiyak nanaman yung mama niya. Hindi ko din mapigilang umiyak sa sinabi
niya. Ayokong maniwalang matatapos nang ganun-ganon na lang. Naniniwala
ako sa himala.
“Limang buwan.”
Tinapik ng mama ni Mary yung mga balikat ko. Nagulitang ako sa dalawang
salitang yun. Limang buwan?
Kung sa isang estudyanteng naghihintay ng bakasyon, mahaba ang limang
buwan ng klase. Pero sa isang taong nagaagaw buhay, sobrang ikli ng
panahong yun.
Umalis na yung mama niya. Ako, halos hindi na pumipikit yung mga mata ko
sa sobrang gulat. Sa loob ng limang buwan, paano ko maipapakita sa kanya
kung gano ko siya kamahal? Paano? Paano?
Pumunta ako sa kwarto niya. Andun yung papa niya na nakaupo. Siya naman
nakapikit, siguro natutulog nanaman. Pagkapasok ko, ngumiti lang yung
papa niya sa kin tapos lumabas din ng kwarto. Pagkarinig na pagkarinig ko
nung tunog ng saradong pinto, dumilat ang mga mata ng babaeng
pinakamamahal ko.
“Buti na lang pala may sakit ako.”
Nabigla ako sa sinabi niya. Pero wala ako sa posisyon para pagalitan
siya. Alam kong bawat salitang sasabihin niya ay may rason. Ang kailangan
ko lang gawin ay alamin.
“Bakit?”
“Kahit tatlong tao lang ang nagmamahal sa kin ngayon sa mundong to… si
papa, si mama… at ikaw…
masaya ako na makasama kayo sa iisang kwarto na binabantayan ako.”
“Baliw ka talaga. Ikaw lang ang babaeng masayang may sakit.”
“Pero ang nakakalungkot lang…”
“Ano?”
“Kung kelan malapit na ako maglaho sa mundong to, saka ko lang makikita
yung totoong pamilya ko ng buo.”
“May rason kung bakit ganun.”
“Nathan…”
“Ano?”
“Gusto ko na umalis.”
36
“Hindi pwede. Kailangan mong magpagaling.”
“Hindi na ko gagaling.”
“Gagaling.”
“Nathan… alam kong alam mo na limang buwan na lang.”
Natahimik ako ng ilang sandali. Kung ibang tao to, gagawa yun ng paraan
para umingay ulit. Pero dahil hindi siya ‘ibang tao’ lang, alam kong
hihintayin niya yung sasabihin ko.
“Saan mo ba hinuhugot yung lakas ng loob mo para sabihin sa kin… at sa
sarili mo… na may taning ka na?”
“Hindi ko makikita ang langit, kung hindi ako mamatay.” Umiiyak nanaman
ako. Bakit ba may abilidad si Mary na paiyakin ako ng paulit ulit?
“Hindi mo naman talaga alam kung may langit.”
“Naaalala mo ba yung parte ng kinanta ko nung birthday mo na… hindi
pananampalataya pag mata mo lang ang gagamitin mo?”
“Oo. Pero—”
“Natatakot ako mamatay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi
ko alam kung mabubuhay ako uli bilang ibang tao, hindi ko alam kung may
langit o impyerno, hindi ko alam kung ano ang purgatoryo.
Pero matagal ko na napaghandaan at natanggap na mamamatay ako. Isa pa,
wala akong kapangyarihang baguhin ang nakaguhit sa mga palad ko.”
“Kung… bibigyan ka ng pagkakataon para lumipat sa ibang katawan… kanino
ka lilipat?”
“Marahil… hindi ako lilipat.”
“Bakit?”
“Kung hindi ako sa katawang to mapupunta… hindi kita makikilala.”
Nagbigay ako ng isang ngiti.
“Maikli na lang ang buhay ko. Ayokong puti lang ang nakikita ko sa ikli
ng panahon na mamamalagi ako sa mundong to.”
“Sige. Sisiguraduhin kong makakalabas ka na within this week.” Yung
susunod na linggo, nakalabas na siya. May wheel chair narin siya, pero
gagamitin lang daw niya yun pag kailangang kailangan lang.
Nahimatay ulit siya dalawang beses matapos nung huli niyang ospital. Pero
dahil nga ayaw niya sa ospital, sa bahay ko lang siya dinadala pag
nahihimatay siya. Usually naman, ako ang kasama niya pag inaatake siya ng
panghihina. Ayoko na nga pumasok, gusto ko na lang bantayan siya.
Matigas parin ang ulo niya. Pumupunta parin siya sa park kahit na ako at
ang mga magulang niya ay may takot na baka habang naglalakad siya eh
bigla siyang manghina o himatayin. Minsan sinasamahan na siya ng papa
niya papunta dun tapos pag nakikita ako, saka na lang siya aalis.
“Tingin mo ba makakagawa parin ako ng eroplanong papel pag nawala na ako
dito?”
“Depende. Kung may papel sa pupuntahan mo.”
Ngumiti siya. Isa akong tanga pag hindi ko parin alam na may rason yung
bawat ngiting ilalabas niya.
“Ayan nanaman yang mga ngiti mo.”
“Natutuwa lang ako.”
“Bakit?”
“Dahil hindi ka na nalulungkot sa tuwing paguusapan natin yung tungkol sa
pagkawala ko.”
“Nalulungkot parin ako, ayoko lang dagdagan yang lungkot na nararamdaman
mo.”
“Gusto ko tanggapin ako ng tao dahil eto ako. Ayokong kaawaan ako ng tao
dahil mamamatay na ko.”
“Alam ko yun.”
“Oo nga pala.”
“Ano?”
“Gusto ko, dito ako mawawalan ng hininga.”
“Dito sa parke?”
“Oo.”
“Bakit naman?”
“Dahil dito kita nakilala.”
Sana nasa isip niya din ang nasa isip ko. Gusto ko marinig mula sa kanya
na mahal niya ko, kahit na sa mga sinasabi niya, yun na rin ang sinasabi.
Ayokong magassume na ganun nga, pero hindi ako manhid 37
para hindi rin maramdaman yung nararamdaman niya para sa kin. Pero sino
ba siya? Isa lang naman siyang kakaibang babae na hindi mo alam kung ano
ang nasa isip.
Sa loob ng maikling panahong nagkakilala kami, natutunan ko siya mahalin.
Kaso, hindi ako makakita ng tamang panahong kung kailan ko sasabihin sa
kanya ang matamis pero masaklap na katotohanan. Ang tanging alam ko lang
ay konti na lang ang panahong natitira, at kailangan ng isang himala para
suwayin ang nakaguhit sa palad niya.
***
Chapter 13
[The Lullaby]
Nagbuntong hininga ako. Mejo malapit na rin ang pasko, pero kung tutuusin
mejo malayo pa. Iniisip ko kung anong pwedeng iregalo sa kanya. Bestida?
Notebook? Headband? Ano bang magugustuhan niya?
“Ano bang gusto mo iregalo ko sayo?”
“Yung kaya kong dalhin sa kung saan man ako pupunta.”
Heto, nasa sofa ako ng bahay nila. Ayoko na kasing mapagod siya kaya ako
na lang tong pumupunta. Buti nga sembreak, kaya mas marami akong panahong
asikasuhin siya.
“Matutulog muna ako.”
“Dito ka na.”
“Hindi ka kama.”
“Pwede din.”
“Gusto mo bang mauna kesa sa kin?”
“Joke lang. Sandal ka na lang.”
“hindi ako nakakatulog pag sandal lang.”
“Ganon. Sige tara.”
Hawak hawak ko yung kamay niya, pumunta kami dun sa kama niya. Kaso,
napapansin ko na mas humihigpit ang hawak niya sa kin habang tumatagal.
Pero, sinasantabi ko na yun. Ang mahalaga yung kasalukuyan.
Ako yung unang pumunta sa kama niya. Nakaupo lang ako dun at nakasandal
dun sa pader. Tinitigan lang niya ko, siguro nagtataka siya kung anong
gagawin ko.
“higa ka.”
Ngumiti siya. Siyempre, nabighani ako sa mga ngiti niyang yun. Humiga
siya sa may hita ko.
Pinagmasdan ko siyang matulog, para talaga siyang manika. Sinusuklay ko
yung buhok niya. Ngumiti ako.
Ano kaya pag nakabestida ulit siyang pula, yung tulad nung nakita niya
yung ex niya? Tapos kulot yung buhok niya. Siguro, pagkakamalan siyang
manika talaga.
Mga dalawang oras ako nagdadaydream. Halos bawat minuto tinitingnan ko
kung humihinga siya dahil natatakot ako na baka hindi na. Sa dalawang
oras na yun, ang iniisip ko ay yung hinaharap naming dalawa, na hindi ko
alam kung makikita ko nga.
Kinuha ko yung iPod niya at yung malaki niyang headphones. Pati yung
teddy bear niyang si Autumn, tinabi ko sa kin. Nilagay ko yung headphones
sa tenga ko, at nagpalipat lipat ng kanta. Puro rock, metal rock, emo
rock, opm rock, meron ding religious rock. Hininaan ko yung volume dahil
baka magising siya bigla.
Habang nagshushuffle ako ng kanta, isa dun, napansin ko. Paano, eksakto
kasi habang natutulog siya, ang sarap ipang lullaby sa babaeng
pinakamamahal ko. Ngumiti ako, at dahan dahang hinaplos yung mukha niya
habang natutulog. Hindi ganon kaganda yung boses ko—sa tingin ko—kahit
sabi ng iba ayos daw. At nang marinig ko na, nagumpisa na ang munti kong
hele para sa prinsesa ko.
gising na
buksan ang iyong mga mata gising na
halina at silipin ang pagdilat ng umaga
tahimik at saksakan ng ganda
Gusto kong umiyak habang kinakanta ang bawat linya. Gusto ko siya
gumising, para makasama ko na ulit siya, para masabi kung gano ko siya
kamahal—kahit na alam kong hindi ko maipapaliwanag sa kanya.
38
gising na
nandiyan na ang umaga gising na
nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha
at pungay ng iyong mga mata
Natawa ako. Habang kinakanta yung pangatlo at pangapat na linya. Dalawa
sa mga napansin ko sa kanya nung una kaming magkita ay yung misteryosa
niyang ngiti… at yung mga mata niyang parang binili pa sa isang diamond
shop.
kanina pa kita pinagmamasdan
kanina pa kita tahimik na binabantayan
hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw
sadyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha
Nagbuntong hininga ako sandali. Hinahaplos ko parin yung mukha niya.
Taimitim siya natutulog, hay. Ang ganda niya. Bat ba ako lang ang
nakakapansin sa ganda niya? Sabagay, ako lang naman tong naglakas loob na
kilalanin siya.
gising na
nandiyan na ang umaga gising na
mayroon sana akong gustong sabihin sa iyo
na di mapaliwanag ng husto
Tumpak. Meron nga. Gusto kong sabihin sa kanya na, gusto ko siya mabuhay.
Gusto ko siya makasama habang buhay. Gusto ko maramdaman ulit yung
katawan niya, na parang yumakap ako sa apoy. Gusto ko maramdaman yung mga
maliliit niyang labi na yun, na parang humahalik ako ng isang anghel.
gising na
nandiyan na ang umaga gising na
hindi ko maintindihan ba't di mapantayan
ang kasiyahan na nadarama tuwing nandyan ka
Bat nga ba? Araw-araw ko siyang kasama, pero kahit kailan hindi ako
nagsawa… kahit ba tahimik lang kaming dalawa habang siya nagbabasa ng
libro at ako gumagawa ng assignment o kung anong pwedeng gawin habang
magkasama kami.
Binabalak ko nang sabihin na minamahal kita
Kasabay ng pagsibol na wala na yatang igaganda pa
Naisama ang ginaw, at ang lamig ng araw
Ngunit dala ng kaba, hindi ko na yata kayang magsalita
Oo nga. Paano ba to. Hanggang ngayon hindi parin niya alam. Gusto ko
siyang gisingin, pero bigla kong natandaan yung huling berso ng kanta.
Nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin
ngunit walang magagawa di pa kayang aminin
ang pagkakataon ay dapat pang palampasin
di na lng kita gigisingin
Ngumiti ako at bumuntong hininga ulit. Oo nga, siguro nga dapat ko munang
palagpasin tong pagkakataon na to. Ayoko siyang mapagod… ayokong isipin
niya kung anong kailangan niyang sabihin.
“Maganda naman pala boses mo.”
Nagulat ako nung sinabi niya yun. Gising na pala siya, hindi man lang
niya sinasabi. Kanina pa kaya siya gising? Narinig kaya niya yung
pagkanta ko?
“Tula nga eh.”
“Maganda parin.”
Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya. Nanlaki yung mga mata ko,
kinabahan bigla. Narinig kaya niya? Aaminin ko na kaya? Eto na kaya? Eto
na ba?
“Mar—”
“Nathan.”
39
“Bakit?”
Tiningnan lang niya ko. Akala ko nga iiyak siya, pero hindi. Kumikislap
lang pala yung mga mata niyang yun. Ano kayang sasabihin niya? Kinabahan
ako.
“Nathan, takot ako magmahal.”
Parang umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko. Takot siya magmahal… paano
ko sasabihing mahal ko siya? Nathan magsabi ka ng kahit ano.
“Bakit? Takot ka bang masaktan?”
“Hindi.”
“Eh ano?”
“Takot akong masaktan yung magmamahal sa kin.”
Mula sa pag-alis ko ng bahay nila hanggang sa pagtulog ko sa kama ko,
iniisip ko yung sinabi niya.
Hanggang sa dulo, iba parin ang iniisip niya. Siya lang ata ang taong
ayaw na mahalin siya, dahil sa takot na baka masaktan yung taong
magmamahal sa kanya.
Wala naman akong pakielam kung masaktan ako eh. Pero, kung eto ang gusto
niya, pipilitin kong sundin.
Ibabaon ko na lang siguro hanggang sa hukay yung pagmamahal ko sa kanya.
Sana… sana nga magawa ko.
***
Chapter 14
[The Con]
Sembreak na namin. Masaya ako dahil mas magkakaroon na ako ng panahon
para asikasuhin siya. Mas magkakaroon ako ng panahon para maiparamdam sa
kanya kung gano ko siya kamahal. Iniisip ko nga kung yayain ko kaya siya
magpakasal tulad nung nasa libro, kaso hindi makatotohanan yun. Sigurado
akong hindi papayag ang mga magulang ko.
Ang saya ng sembreak pag katabi ang mahal mo no? Ang problema… hindi pa
alam ng mahal ko na mahal ko siya. Naalala ko yung libro, kung paano
nagreact yung bidang babae nang sinabi ng bidang lalake na mahal niya
siya. Ganon din kaya ang magiging reaksyon ni Mary? Pero sige na nga, wag
na. Mamahalin ko na lang siya ng tahimik.
Nagalit sina mama at papa nung nalaman nilang madalas ako mag cut sa
klase dahil kay Mary. Tinanong ni mama kung nasa katinuan pa daw ako. Sa
lahat ng babae, bakit daw yung mukang voodoo doll na yun.
Gusto ko sabihing may taning siya. Pero kung nalaman ni Mary na yun lang
ang dahilan kung bakit kinkamusta siya ng magulang ko, siguardong
malulungkot lang yun.
Hinayaan ko na lang sila. Wala naman silang magagawa. Malaki na ko para
magdesisyon sa sarili ko.
Palapit na ng palapit ang pasko. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang
ireregalo ko sa kanya. Ano nga ba? Gusto ko yung magagamit niya araw-
araw. Kung, bestida na lang kaya na itim? Pwede. Kaso, hindi ko nga alam
kung san niya yun binibili. Makukuha niya yung ibig sabihin pag tinanong
ko sa kanya kung san niya binibili yung mga damit niya.
Nakahiga ako sa kama nung tinawag ako ng nanay ko sa baba dahil andun daw
yung dalawa kong kaibigan. Alam ko si Ethan na yung isa, pero sino yung
kasama niya?
Pagbaba ko, nakita ko nga si Ethan. Yung isa, si Sam. Nagulat ako dahil
nagalit si mama kay Sam nung high school ako dahil siya daw ang nagiging
dahilan kung bat mababa yung grades ko.
“Bat kayo andito?”
“Hindi mo ba alam na piyesta niyo na dito?”
“Tumahimik ka Ethan.”
“Ngayong araw yung salu-salo mamayang gabi sa covered court niyo.”
“Seryoso ba yan?”
“Oo. May pacontest pa nga dun ng kantahan eh.”
“Kasali ako.”
“Ha? Bat ka kasali? Eh di ba—“
“Pwede daw sumali kahit sino, basta ba handang magbayad ng 500.”
“So nakapagbayad ka na?”
40
“Oo. Isang libo pa nga eh.”
“Bat isang libo?”
“Wala lang. Sabi ko donation yung isa.”
Weird. Ang weird nung sagot ni Sam. Sinong tanga ang magsasakripisyo ng
isang libo para sa isang singing contest kung wala ka pa naman talagang
pinagkukuhanan ng pera?
“Isama mo naman yung taong mas mahalaga pa sa kin.”
Nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi ni Sam. Marahil kilala na niya
kung sino. Hindi na ko magtataka kung nung mga nakaraang buwan ay
pinasunod o sinundan niya ko para makita yung mga ginagawa ko.
“Baka hindi siya pwede.”
“Bat naman hindi siya pwede?”
“Kasi—“
“Tol, para namang hindi namin alam na kaclose mo na yung babaeng yun.”
Nahalata kong nagiingat si Ethan sa mga sasabihin niya. Wala naman siguro
siyang balak sabihin na ‘yung multong yun’ o yung ‘voodoo doll na yun’ sa
harap ko kung alam na talaga niya na kaibigan ko na si Mary.
“O, ano naman.”
“Wala lang. Malaki na kasi pinagbago mo. Ni hindi ka na sumasama sa mga
trip ng barkada.”
“Pero kahit ganon Nathan, gusto namin siya makita. Gusto man lang namin
makilala kahit konti yung dahilan ng pagiging abala mo.”
Oo nga pala. Hindi nga pala nila alam na may taning na si Mary, at lalong
hindi nila alam yung tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Marahil si
Ethan ang iniisip ay naaawa ako sa kanya. Si Sam naman ang iniisip, gusto
ko lang ng kapatid. Mga ganung kababaw na dahilan.
Pero sabagay, walang masama kung ipakilala ko si Mary sa mga to, tutal
mga kaibigan ko din naman sila.
Naisip ko din na mas matutuwa si Mary kung gusto nila siya makilala dahil
sa kin, kesa makilala siya dahil naawa sila sa kanya.
Pumunta ako sa bahay nila. Natural, hindi nanaman nakalock yung gate
nila. Kumatok ako tapos narinig ko yung sabi nung papa niya na ‘pasok’.
At least hindi na ko nakakarinig ng hampas ng bote.
Malaki yung pinagbago ng bahay nila simula nung nalaman nilang may sakit
si Mary. Lalo na yung papa niya, hindi na siya naglalasing. Naabutan ko
yung papa niya na nagpipintura ng pader, at si Mary naman gumagawa ng
cookies and cream na shake.
“Sakto ang punta mo dito, gumagawa ako ng shake.”
Isang araw lang ang nakalipas pero ang laki ng pinayat niya. Naiiyak
nanaman ako, pero natural alam kong wala ako sa oras para umiyak at
kaawaan ang sarili ko. Oo, sa sarili ko ako naaawa.
Binigyan niya ko nung shake niya. Ang sarap, at halatang halata yung
cookies na ginamit nila.
“Pumunta dito si mama kanina, dinala yung groceries.”
“Sayang di ko naabutan.”
“At alam mo ba, may trabaho na si papa.”
Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Mary na hindi ako nagaalinlangan kung
masaya ba talaga siya o hindi.
Nakita ko sa mga mata niya na maligaya siya dahil nagbago yung papa niya.
Pero alam kong sa saya niyang yun, may nakatagong lungkot dahil alam niya
sa sarili niya na kaya nagbago yung papa niya ay para din sa kanya, para
naman sumaya siya sa mga araw na natitirang magkasama sila sa mundong to.
Ngumiti yung papa ni Mary tapos lumabas muna sa di ko alam na dahilan.
Umupo kaming dalawa sa sofa.
Unang beses ko siya nakitang pagpawisan.
“Ngayon lang kita nakikitang pinagpapawisan. Matanong ko lang, hindi ka
ba nauubusan ng bestida?”
“Matanong ko lang din, bat ngayon mo lang naisipan itanong?”
“W—wala naman. Siguro dahil hindi ako masyadong interesado dati.”
“Hindi ako nauubusan. Dalawang beses lang naman ako kung magpalit sa
isang araw. May labing anim akong bestida kaya hindi ako mauubusan.”
“San mo nakukuha yang mga bestidang yan?”
“Kay mama.”
41
“As in dati mo pa yan sinusuot?”
“1st year high school pa.”
“Wag mong sabihin na di ka naguuniform nun?”
“Naguuniform. Pero pagdating ko sa bahay, ganto agad yung sinusuot ko.”
“Eh diba, 11 years old ka pa lang nun?”
“Oo.”
“Ibig sabihin, hindi ka tumaba at tumangkad?”
“Hindi ako tumaba, pero tumangkad ako ng konti. Kaya nga malalaman mo
alin ang mga una kong bestida dahil mga hanggang tuhod lang yung mga
yun.”
“Paano ba?”
“Aling papaano? Papaano magsuot ng bestida?”
“Hindi. Kung, papano dumating sa buhay mo yang mga bestidang yan.”
“Eto yung regalo sa kin ni mama nung kaka-labing isang taong gulang pa
lang ako. Nung sinabi kong nagustuhan ko, may binigay pa siya sa aking
sampu, pambawi daw sa mga nakalipas kong nakaraawan.
Taon-taon, binibigyan ako ni mama ng ganto.”
“San daw nabibili?”
“Pinapatahi ng mama ko.”
Hindi na pala pwedeng bestida dahil taon taon siya nakakatanggap ng
ganto. Ano pa kayang regalo ang pwede kong ibigay?
“Ngayon ko lang nalaman na may piyesta pala dito pag papalapit na ang
pasko.”
“Oo, meron.”
“Pumupunta ka ba?”
“Hindi.”
“Bakit?”
“Lumalayo lahat ng tao sa kin.”
“Eh kung kasama ako?”
“Pupunta kang kasama ako?”
“Oo.”
“Ayos lang, basta hindi ako nakawheel chair.”
Siyempre, alam kong sasabihin niya yun. Yun ang pinakaayaw niyang
nararamdaman, ang awa.
Nung pumunta kami sa covered court, mukhang may mga nagulat na may kasama
siya. Yung iba nagbulungan, yung iba nakatitig, yung iba natakot, yung
iba walang pake.
“Nathan!”
Yumakap si Sam sa kin. Nananadya kaya to? Hindi ko din alam, si Sam lang
naman ang may alam kung yun ang ginagawa niya. Tiningnan ko si Mary para
tingnan yung reaskyon siya. Pero ayun, mukhang nagenjoy sa ice cream na
binili ko para sa kanya.
“Nakakatakot nga siya.”
“Sam…
“Masaya akong marinig ang katotohanan sayo.”
“Ako si Sam, nakwento na ba ako ni Nathan?”
“Oo.”
Maya-maya, dumating na si Ethan at yung iba pa naming kaibigan.
Naramdaman ko na parang may masamang mangyayari, hindi ko alam kung
bakit. Hinawakan ko yung kamay ni Mary... sana maramdaman niyang andito
lang ako.
“O, ang voodoo doll.”
Pinisil ni Mary yung kamay ko, siguro para sabihing ‘wag kang magagalit,
inaasahan ko na yan’. Nagtimpi ako kahit may narinig na ako mula sa
kanila na ‘bat siya pa’ o mga ganong katanungan. Kahit na nakatingin si
Mary sa ibang lugar, alam kong naririnig niya dahil sa pisil niya sa
kamay ko.
“Uuwi na lang kami.”
“Bat naman?”
Pinisil niya ulit yung kamay ko. Mukhang kailangan ko ibahin ang sagot na
nasa utak ko.
“Parang mas trip ko umuwi.”
“Wag ka naman ganyan. May sayawan mamaya.”
42
“Alam mo namang ayoko ng sayawan diba?”
“Eh di magsayaw kayo ni Sam.”
“Ethan ano ka ba, wag ka ngang ganyan. Kita mong may kasama si Nathan
eh.” Nagmumura na ako sa utak ko. Mukhang pinagplanuhan nila tong mabuti.
Hindi ako tulad ng tatangang bida sa isang eksena na niloloko at
pinagtitripan na siya ng lahat ng tao sa paligid niya, hindi parin niya
alam. Hindi ako ganon, malakas ang pakiramdam ko. Pero yun ang problema
sa kin, sobrang sensitibo ng pakiramdam ko na minsan umaabot ako sa punto
na naghihinala ako kahit wala akong tunay na pruweba.
“Tara, upo na tayo.”
Papaalis na kami nung biglang naramdaman kong buntik na mahulog si Mary.
“Ayos ka lang?”
“Oo. Wag kang magalala.”
“Pwede na tayong umuwi kung gusto mo.”
“Hindi. Ayos lang ako.”
Umupo na kami sa upuan. Pinanood na namin yung singing contest. Halos
alas diyes na ng gabi. Iniisip ko kung nababagot na ba siya o kung may
masama na ba siyang nararamdaman. Ilang beses ko na siya tinanong pero
‘hindi’ at ‘wala’ lang ang sinasagot niya. Pinapakinggan niya ang bawat
kantang kinakanta sa entablado.
Ang kinanta ni Sam ay yung ‘till my heartaches end’. Siyempre, tukso ang
inabot ko mula kay Ethan. Na ang manhid ko daw dahil pinaparating na ni
Sam na mahal parin daw niya ko. Sana mapansin ni Ethan na kanina ko pa
hawak yung kamay ni Mary... na iba na ang mahal ko.
Bumalik si Sam sa may upuan namin at ngumiti, tinanong kung kamusta. Oo,
magaling si Sam kumanta ng mga pambirit. Pero hanggang dun lang.
Nakabaling yung tingin ko sa stage. Hindi ko napansin na huling
contestant na pala na tatawagin.
“Umuwi na kaya tayo?”
“Wag muna. Gusto ko marinig yung huling kakanta. Tapusin na natin. Sayang
ang oras.”
“Siguradong sigurado nga ako na gusto mo nga yun marinig.” Nang narinig
ko si Sam na sinabi yun, kinabahan na ako. Mukhang alam ko na yung
plinano nila. Oo, kaya isang libo yung binayad ni Sam, dahil may isasali
siya. Kaya nila siya inimbita, dahil gusto nilang may mangyareng kahiya-
hiya.
“Tara na Mary, umuwi na tayo.”
Bigla kong narinig ang sumpa sa kanya. Lahat ng tao napatingin sa
direksyon niya, hinihintay ang magiging reaksyon niya, o siguro mas
tamang hinihintay kung ano ang reaksyon ng bawat hipokrito na nasa lugar
na to.
The Voodoo Doll.
Huli na ang lahat. Nakita ko yung gulat sa kanya dahil napainhale siya
pero matagal bago niya nailabas yung hangin. Gusto ko manapak ng tao.
Gusto ko sapakin yung mga tinuring kong kaibigan. Gusto ko patayin yung
ex ko na di matanggap na hindi na siya ang mahal ko. Gusto ko isigaw sa
kanila na mga wala silang kaluluwa dahil hindi nila alam ang ginagawa
nila sa isang taong malapit na mamatay.
Siya si Mary. Ang babaeng nagbago sa buhay ko. Ang himala sa buhay ko.
Preso ng sarili niyang mundong pilit siyang tinataboy papalayo, pero
pilit parin siya nagtitiis. At dahil siya si Mary, tumayo siya at
binitawan ang kamay ko. Kahit ayokong bitawan, wala akong magagawa kung
siya mismo yung gustong kumawala. Hindi ko alam kung anong kakantahin
niya, eh wala siyang instrumentong dala o background music.
Ayun, nakatingin ako sa may entablado. Gusto ko na umiyak. Gusto ko
umiyak dahil sa lakas ng loob niya… na kahinaan niya mismo.
Patnubayan niyo Po siya. Yun na lang ang dinasal ko.
***
43
Chapter 15
[Valentines Day]
I’m listening, yes i’m guilty of this you should know this I broke down
and wrote you back before you had a chance to Forget, forgotten, I am
moving past this killing notice I have to go, yes I know the feeling know
you’re leaving Tahimik ang lahat. Gusto ko siya ipagmalaki dahil
tinanggap parin niya ang hamon. Ang boses niya, sobrang ganda sa isang
tahimik na lugar tulad nito. Alam ko namang pipili siya ng kanta na hindi
malilimutan ng tao.
Calm down I’m calling you to say
I’m capsized staring on the edge of safe
Calm down I’m calling back to say
I’m home now, I’m coming around, coming around
Nakatingin na siya sa kin, hawak ng dalawa niyang kamay ang mic na para
siyang isang batang first time isabak sa isang singing contest. Sobrang
tahimik, na tingin ko gusto ko narin pumunta ng langit kung ganto
katahimik dun, at siya lang ang anghel na kumakanta.
Nobody likes to but I really like to cry
Nobody likes me maybe if I cry
Kitang kita ko yung tumulong luha sa mga mata niya, pero hindi yun
nakaapekto sa pagkanta niya.
Tinuloy niya nang hindi pinupunasan. Tama yan. Yun ang nasa isip ko.
Ipamuka mo sa lahat ng tao kung sino ka. Ipamuka mo na nasusunog na sila.
Iligtas mo sila sa pamamagitan ng kanta mo.
Spelled out your name and list the reasons faint of heart don’t call me
back I imagine you and I was distant non-existant
I followed suit and laid out on my back, imagine that A million hours
left to think of you and think of that Nung bersong yun, nakatingin siya
sa kin. Naramdaman kong para sa kin yun. Naramdaman ko na rin na
kailangan ko na pumunta sa stage at abangan siya. Hindi ko man alam ang
kantang kinakanta niya, alam kong kailangan ko na siya sunduin dahil
matatapos na ang palabas.
Calm down I’m calling you to say
I’m capsized staring on the edge of safe
Calm down I’m calling back to say
I’m home now, I’m coming around, coming around
Nobody likes to but I really like to cry
Nobody likes me maybe if I cry
Akala ko tapos na dahil binaba na niya yung mic. Pero bigla niya ulit yun
tinaas at kinanta ang huling linya na kinabigla ko ng tunay.
Nobody likes me maybe if I die.
Tahimik parin nang ilapag niya sa sahig ng entablado yung mic at dahan-
dahang bumaba. Walang pumalakpak… walang nagsalita hanggang sa nakalabas
na kami ng impyernong yun. Pagkalabas na pagkalabas, nagkaroon na ng
konting ingay. Palakad kami papalyo.
Nung malayo na kami, nanghina siya. Buti na lang hawak ko yung braso niya
kaya nasalo ko siya agad.
Kasalanan ko to, dapat hindi ko na siya pinapunta dito.
“P—patawad Mary.”
“Hindi mo kailangang magsorry.”
Tumayo siya ulit.
“Nathan, sa lahat ng naging mali sa buhay ko, ikaw lang ang naging tama.
Masaya ako dahil… dumating ka sa buhay ko.”
“Mary… may gusto akong aminin sayo.”
“Yang aaminin mo ba sa kin, pipigilan ang pagkamatay ko?” 44
“Hindi.”
Tumulo ang luha mga mata namin.
“Napansin ko lang na namimili ng taong papakitaan yung mga luha ko.”
“Ako ba yung maswerteng yun?”
“Tingin ko kung wala ka dun kanina, hindi din yun tutulo.”
“At least nakaganti ka na rin.”
“Hindi yun ang iniisip ko kanina habang kumakanta ako sa stage.”
“Ano?”
“Iniisip ko na maswerte ako dahil sa mahigit isang daang tao na nandun sa
lugar na yun, may isang nakaabang para saluhin ako pag nahuhulog ako.”
Pinunasan ko yung mga luha niya pero yung luha ko hindi ko pinunasan.
Masyadong masakit yung mga sinasabi niya… masakit dahil alam kong hindi
ko na ulit yun maririnig… na wala na siya sa susunod na kaarawan ko.
“Mary, pwede bang sabihin ko na?”
“Tingin ko, ayoko marinig.”
“Bakit naman?”
“Magkakaroon lang ako ng rason para mabuhay… baka bawiin ko lang yung
sinabi kong handa na kong mamatay.”
“Bigyan mo ko ng pagkakataon… para masabi to sayo ng isang beses lang.”
“Yung isang beses lang na yun ang magiging dahilan ng kirot sa puso ko
araw-araw Nathan. Natatakot akong marinig.”
“Ayaw mo ba talaga?”
“Siguro.”
“M—mahal na… mahal kita.”
“Dagdagan mo ng siguro.”
“Bakit naman?”
“Para pwede mo pang baguhin.”
“Ayoko na baguhin.”
“Pag hindi mo yan babaguhin, tatanggapin ko na ganun lang yun.”
“Tanggapin mo na.”
“Bakit hindi mo piniglan ang sarili mo?”
“Na?”
“Na mahalin ako.”
“Bakit ko pipigilan?”
“Nathan… ayokong masktan ka. Pano pag… mawala na ko?”
“Kaya mo ba maghintay?”
Sana alam niya ang ibig kong sabihin. Sana kaya niya. Kung san man siya
pupunta, sana kaya niya kong hintayin kung san man siya pupunta.
Magtitiis ako… basta alam kong may naghihintay para sa kin.
Kung tutuusin, dapat ako tong tanungin kung kaya ko bang magmadali para
makarating agad sa kahahantungan niya, kung san man yun. Pero, hindi ko
alam kung bakit siya tong tinatanong ko.
“Ako, kaya ko. Sanay ako maghintay.”
Tumutulo parin ang luha naming dalawa habang nakatingin kami sa isa’t
isa. Yung nasa isip ko, tingin ko eto yung tamang gawin, kahit sarili ko
lang opinyon na tama nga yun.
Derecho sa mata, tiningnan ko siya. Kahit isang beses ko lang gawin yung
nangyayare sa tv, ayos lang.
Naalala ko yung ginawa namin yun ni Sam. Si Sam yung lumapit sa kin, at
hindi ko na mapigilan kumawala sa mahikang nilagay niya sa kin.
Pero kahit anong pilit ko na idahan-dahan ang bawat galaw, hindi ko parin
magawa yung sa mga pinapanood ng nanay ko. Hindi siya pumikit, at hindi
rin ako pumikit. Basta lumapit na lang ako sa kanya, habang siya
nakatayo, siguro hinihintay niya kung anong susunod kong gagawin.
Nakalapat lang yung mga labi namin sa isa’t isa, hindi gumagalaw. Sapat
na sa kin ang alaala ng sandaling to para mabuhay ng matagal.
Sandali lang ang hiwagang nangyari sa aming dalawa, pero hinding hindi ko
yun makakalimutan. Umuwi kami na magkahawak kamay, pero hindi kami nag-
usap. Ginawa ulit namin yun bago kami nagkahiwalay.
45
Isang mahikang hindi gawa sa pananabik o sa pagnanasa, pero isang
hiwagang hinubog ng pagmamahal at pag-ibig.
***
Chapter 16
[She Will and She Was]
Niresearch ko yung lyrics nung kinanta niya. Pero sa kanta, wala yung
Nobody likes me if I die. Siguro, sinama lang niya sa kanta niya.
“Alam mo ba kung anong pagkakaiba ng pagmamahal at pag-ibig?” Nabigla ako
sa tanong niya. Mas mahirap pa ata sa mga exam ko. Ano namang ibig
sabihin niya sa pagkakaiba ng pagmamahal at pag-ibig? Parang ngayon ko
lang ata narinig na magkaiba sila.
“Meron ba? Hindi ba yun magkaparehas?”
“Meron.”
“Ano?”
“Pag sinasabi mong iniibig mo ang isang tao, hindi mo kayang mabuhay
kapag wala siya.”
“Ang pagmamahal?”
“Ang pagmamahal naman, kaya mong mabuhay kahit di mo siya kapiling, basta
alam mong masaya yung taong minamahal mo.”
Napaisip tuloy ako. Naisip ko yung mga magiging panahon na di ko siya
kasama. Alam kong hindi ko kayang huminga ng maluwag pag di ko siya
makikita. Pero yung mga binitawan kong mga salita kahapon, tumataliwas sa
naiisip ko.
“Naguluhan ako.”
“Pasensya na. Binasa ko lang yung mga naiwan kong mga readings nung first
year palang ako.” Nasa parke parin kami ngayon, pero ang pagkakaiba,
nakawheel chair na siya dahil nanghihina na daw siya. Tatlong araw na
lang bago ang pasko, pero hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung anong
pwede kong iregalo sa kanya.
May binabasa nanaman siyang libro, chicken soup for the teenage soul ata
yun. Maya-maya nakikita ko siyang ngumingiti, maya-maya seseryoso na.
Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang nagring yung cellphone ko.
“Hello?”
“Nathan.”
Gusto kong ibaba yung telepono ko, pero hindi naman pwede. Kahit papano,
marunong ako rumespeto sa kausap ko sa kabilang linya.
“Bakit?”
“Pwede ba tayong mag-usap?”
“Nag-uusap na tayo.”
“Sa personal?”
“Hindi.”
“Please Nathan, I need to talk to you.”
“Pasensya na. Hindi ako pwede.”
“Nasa bahay niyo ako ngayon. Na saan ka ba?”
“Malayo jan. Sige, bye na.”
“Te—“
Binaba ko na yung telepono. Sige, pupunta ako sa bahay namin para
kausapin siya. Pero sana bigyan ako ng pasensya at pagtitimpi ng Diyos sa
tuwing kaharap ko na siya.
“Uuwi na ko?”
“Oo, kailangan mo na umuwi.”
“May kakausapin ka?”
“Oo, kailangan eh.”
“Sige, ako na—“
“Sira ulo ka ba? Hahayaan ba naman kita umuwi mag-isa?”
“Alam kong hindi. Malay mo lang na pumayag ka.”
46
Hinatid ko tong babaeng nagpapaikot sa mundo ko sa bahay nila. Siguro,
talagang pinaglapit Niya kami ng bahay para makasama ko siya ngayon, at
para mapatunayan na kaya kong baguhin ang sarili ko sa loob ng isang
gabi, yun nga lang, hindi ganun kadali.
Ayoko pang umuwi ng bahay. Gusto ko kasama niya ko sa bawat minutong
lilipas. Sa tuwing kasama ko siya, nakakalimutan ko na may sakit siya, at
nakakalimutan ko na may iba pa akong mundong dapat problemahin. Oo,
siguro nga. Siya lang ang gusto ko problemahin habang buhay.
Nung malapit na ako sa bahay, nakita ko si Sam, nakatayo siya habang
nagtetext. Maya-maya naramdaman kong nagvibrate yung telepono ko. Siguro
ako tong tinext niya.
Kahit na malapit lang ako, hindi niya ako nakikita. Pagtingin ko sa
cellphone ko, ayun, siya nga yung nagtext. Sabi niya sa labas na lang daw
siya maghihintay dahil nahihiya na daw siya sa mama ko.
“Sam.”
Tinawag ko siya, at lumingon naman siya… ang babaeng minsang minahal ko
din. Pero mas pinili niyang saktan ako. Sabagay. Sabi nga, mapagtatanto
mo lang na mahalaga sayo ang isang tao pag tuluyan na siyang nawala sayo.
Siguro, narealize niya yun matapos kong mawala.
Naglakad siya papunta sa kin, dahan-dahan. Ganun din naman ako, dahan-
dahan akong lumakad papunta sa kanya. Yun nga lang, wala na yung drums na
dati kong nararamdaman. Ayoko siyang papasukin sa bahay, unang dahilan ay
dahil kakalabas lang niya. Pangalawa, ayoko lang.
“Ano ba yung pag-uusapan natin?”
“Tayo.”
“Tayo?”
“Alam mo naman ang ibig kong sabihin.”
“Alam mo namang wala na tayo.”
“Wala na ba talaga?”
Umiiyak na siya sa harap ko, siguro nga dahil mahal parin niya ako. O mas
tamang sabihin na, mahal na niya ulit ako. Kaso, ang masaklap, wala na
talaga. Yung mga alaala namin, parang mga litratong nasusunog.
“Wala na. Pasensya ka na Sam.”
Bat nga ba ako nagsosorry? Heto, ang nasa harap ko ay isang babaeng
minsang nagpatibok ng puso ko, isang babaeng nakatakip ng dalawa niyang
kamay yung buong mukha niya habang umiiyak. At heto ako, nakalagay lang
yung dalawa kong kamay sa bulsa. Gusto ko na ulit makita si Mary.
“Bakit siya pa?”
“Dumating siya sa buhay ko nang hindi inaasahan. Hindi mo siya masisisi.”
“Ilang buwan mo lang ba siya nakilala para sabihing mahal mo siya?!”
“Hindi naman panahon ang sukatan eh. Kung ano ang nararamdaman.
Nakalimutan mo na ba, ikaw mismo ang nagsabi sa kin nun.”
“Pero siya?! Ano bang nagustuhan mo dun sa babaeng multong yun?!”
“Wag mo siyang pagsabi—“
“Eh totoo naman eh! Ano bang nagustuhan mo sa—“
“Hindi ko kailangan bilangin yung mga rason kung bat ko siya mahal.”
“Ibang iba ka na talaga.”
“Siguro nga. Hindi na ko tarantado tulad ng dati.”
“Hindi na ikaw si Nathan. Hindi na ikaw ang Nathan ko.”
“Dahil ako na ang Nathan ni Mary.”
Natahimik si Sam. Bakit ba hindi niya maintindihan? Kailangan ba may
rason kung bat mo mahal ang isang tao? Kailangan ba bilangin lahat yun?
“Ano ba Nathan! Gumising ka nga! Naiisip mo ba yang kinabukasan mo?!
Naiisip mo ba ang kinabukasan mo sa kanya?!”
Bigla kong naisip, paano nga ba ang kinabukasan ko kay Mary? Alam kong
mawawala na siya, isa sa mga araw na to. Pero… hindi ko na kasi masyado
naiisip yun. Parang… may habang buhay ang tagal ng pagsasama namin.
47
“Ano?! Eh mukha na ngang kabaong yun eh!”
“Pwede ba Sam!”
“O bakit? Totoo naman. Sige, hindi ako. Pero wag naman siya!”
“Sam mamamatay na yung tao!”
Napatulala si Sam, hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa
nakokonensya siya na sinabi niya yun, Pinunasan niya ng konti yung mga
luha niya, tapos bumalik nanaman yung mga ngiti niya sa kin. Naririnig ko
na yung mga insekto ng gabi, pero hindi pa ganun kagabi.
“Well—wala na kong magagawa dun. Pero… diba… diba yun na? Mamamatay na
siya. What’s the point of loving her?”
Sa sinabi niya, gusto ko siya sampalin. Pero parang may parte sa utak ko
na sinasabing, oo nga, minamahal ko kahit alam kong mamamatay na. Bakit…
bakit nga ba ginagawa ko to sa sarili ko? Ako nagiging masokista narin ba
ko?
Pero natural, ano pa nga ba ang madadaing? Kahit sinasabi nilang nasa
utak ang emosyon, walang pakielamanan. Gano ba sila kasigurado, nakapasok
na ba sila sa lahat ng katawan ng tao?
Tumalikod na lang ako at lumakad papunta sa gate namin. Wala na rin
namang saysay ang kausapin siya.
Kahit naman anong sabihin niya, hindi naman niya mapipigilan yung puso
kong mahalin si Mary.
Lumingon ulit ako sa kanya saglit, bago man lang ako pumasok sa bahay.
“Anong mas gusto mong sabihin ko, paalam o, kitakits?”
“Wag mong ibalik ang mga sinabi ko sayo dati.”
“Yun nga eh, binabalik ko na sayo, para maramdaman mo yung sakit na
naramdaman ko noon.”
“Kung naghihiganti ka lang, nagawa mo na. Kaya… bumalik ka na.”
“Nasa sayo na yun kung yun ang iniisip mo. Kaso, eto talaga. Mahal ko
siya. Yun nga yung nakapasabi sa kin na…”
“Na?”
“Gusto mo talaga marinig? Masasaktan ka lang.”
“Wala na akong pake. Nasaktan mo na ko.”
“Mahal ko siya. Mahal na mahal. Na… nasabi ko sa sarili ko na… parang
hindi pagmamahal yung naramdaman ko sayo.”
Sinara ko yung gate. Narinig ko siyang sumigaw ng mura at kung anu-ano
pang salita. Pumasok ako sa bahay na parang walang nangyare. Si mama
tinanong sa kin, ang sabi ko lang, binusted ko si Sam, tumawa pa nga ako.
Humiga ako sa kama at umiyak. Hindi dahil sa naguilty ako sa ginawa ko si
Sam, pero… dahil sa sinabi ni Sam na nagmamahal ako kahit alam kong may
taning yung minamahal ko. Sa dulo ng araw, nagdasal nanaman ako para sa
isang himala.
***
Chapter 17
[She is a Rose]
Dalawang araw na lang bago ang magpasko pero hanggang ngayon wala parin
akong mairegalo sa pinakaminamahal ko. Kung kaya lang ibalot ang
pagmamahal, yung na lang sana.
“Nathan.”
“O?”
“Alam mo yung kantang, Tears in Heaven?”
“Yung kay Eric Clapton?”
“Oo.”
“Mejo. Di ko kabisado.”
“Kabisaduhin mo.”
“Bakit?”
“Pag nagdrawing ako ng puso sa palad mo, gusto ko kantahin mo yun sa
kin.”
Hinanap ko agad sa internet yung sinabi niyang kanta. Pinakinggan at
kinabisado ang bawat nota. Bakit kaya? Para saan?
48
Hindi ako mapakali. Kailangan bago mag bukas may ibibigay na akong
iregalo sa kanya. Binuksan ko yung radyo nang may narinig akong kanta.
Isang kanta na nagpapaalala sa kin sa kanya… lahat naman ata eh.
Pero eto talaga, hindi ko alam kung bakit, malakas ang tama sa puso ko.
Nagkaroon ako ng ideya. Nagresearch ulit ako sa internet ng chords, kahit
hindi ako masyado magaling, ang mahalaga maramdaman niya yung gusto kong
iparating.
Pumunta ako sa bahay nila nung bandang hapon. Naabutan ko siyang
nakahiga, siguro nagpapahinga.
Hinalikan ko siya sa labi, para gisingin… pero hindi siya nagising.
Ngumiti na lang ako dahil sa ganda niya.
Kahit ang payat-payat na niya at ang putla putla, siya parin ang
pinakamagandang babae para sa kin.
Isang araw bago ang pasko, handa na akong gawin ang mga gagawin ko.
Nagpaalam ako sa mga magulang ko. Sa bahay din naman ako magcecelebrate
ng pasko, pero may kailangan lang ako gawin.
Pumunta ako sa bahay nina Mary mga alas nuwebe ng gabi. Alam mong sa
kanila yun dahil walang dekorasyon ng bahay. Bukas yung ilaw, siguro
kumakain na sila nung tatay niya.
Pumasok ako. Mukhang hindi naman na siya nagulat sa pagdating ko. Ngumiti
lang siya. Nakita ko yung bag ng groceries, mukang kakadala lang ng mama
niya ng mga to kani-kanina lang. May spaghetti na nakahanda, at juice.
“Iho kain.”
“Sige po, kakain din po ako mamaya. Pwede ko po bang mahiram si Mary?
Sobrang saglit lang po.”
“Siyempre naman.”
Ngumiti si Mary. Kinuha ko yung wheel chair niya at yung jacket niya.
Nilabas ko siya ng bahay, papunta dun sa park.
“Ano bang meron?”
“Pasko.”
“May surpresa ka?”
“Hindi ko alam.”
Ngumiti siya. Nung nasa park na kami, kinuha ko yung gitarang tinago ko
sa may mga halaman. Tumawa siya, at masaya akong marinig yun.
“Ano bang gagawin mo?”
Pero ang sagot ko, dinaan ko sa kanta.
And as I look into your eyes, I see an angel in disguise Sent from God
above for me to love to hold and idolize And as I hold your body near, I
see this month through to a year And then forever on till life is gone,
I’ll keep your loving near
Tinitingnan ko siya habang tinutugtog ko tong kanta na to. Gusto ko siya
yakapin. Gusto ko siya dalhin sa langit ko. Kung pwede lang itigil ang
oras… kaso hindi pwede.
Now I finally found my way to lead me down this lonely road All I have to
do is follow you to lighten up my load
Nasa harap ako ng isang manikang may kapangyarihang baguhin ang pananaw
ng buhay ng isang tao… at isa ako sa biktima niya. Heto ako ngayon…
nababaliw na sa kanya.
You treat me like a rose. You give me room to grow.
You’ve shown the light of love on me, and gave me air so I can breathe.
You open doors that close in a world where anything goes.
You give strength so I stand tall within this bed of earth just like a
rose
Binitawan ko yung gitara ko at pumunta sa isang anghel na nakawheel
chair. Tumingin siya sa kin, nalaman kong pinipigilan niyang umiyak.
Nakakatawa nga eh. Dati hindi niya kaya ang pag-iyak, ngayon, hindi naman
niya makontrol.
“Pwede ba kitang… halikan?”
49
Ngumiti lang siya. Bagamat hindi ko alam kung oo o hindi yun, pumunta
parin ako sa kanya. Binaba ko yung katawan ko para maabot ko yung
maliliit niyang labi.
“Itayo mo ko.”
“Bakit?”
“Basta, itayo mo ko.”
Tinayo ko siya ng dahan dahan. Sobrang higpit yung kapit niya sa kin na
para akong maiiyak dahil unti unti na kinukuha yung lakas niya. Bakit?
Bakit niya gusto tumayo?
Hawak hawak ko siya sa braso nang inikot niya yung mga mahihinang brasong
yun sa leeg ko. Hindi ko makakalimutan yung lambot ng pagkakayakap niya
sa kin.
“Bukod sa umiyak, isa to sa mga matagal ko na gustong gawin… ang yumakap
ng isang taong makakaintindi sa pagkakahulma sa kin bilang isang hindi
perpektong tao.” Ang lalim ng sinabi niya na parang malulunod ako. Yakap
namin ang isa’t isa ngayon, isa sa mga pinakamasarap na naramdaman ko sa
tanang buhay ko. Ano bang kailangan ko gawin para mabuhay ka pa ng
matagal?
“Nathan.”
“Ano yun?”
“Salamat sa regalo mo. Alam kong madadala ko ang alaalang to kung saan
man ako pupunta.”
“Dapat lang.”
“Nasabi ko na ba sayo yung sumpa?”
“Anong sumpa?”
“Isang sumpa na pag sinabi mo sa isang tao, hinding hindi mo na yun
matatanggal sa puso at isip niya.
Maghiwalay man kayo, alam niyo parin sa isa’t isa na may sumpang
namamagitan parin sa inyo.”
“Ano nga yun?”
“Mahal kita.”
Ang sarap pakinggan ng sumpang yon.
Ginawa ko na ang mga dapat gawin sa susunod na buwan. Ilang beses siya
labas-masok sa ospital.
Minsan nagtatagal ng limang araw o mahigit pa. Pero sa mga araw na pwede
kaming magkasama pero hindi sa ospital, pinaparamdam ko sa kanya yung
dapat niyang maramdaman habang nabubuhay pa siya.
Natanong ko narin kung bat ayaw niya mag therapy, marami naman na
nagagawa ang siyensya. Pero ang sagot niya ay isang sagot na hindi pwede
kalabanin.
“Nagpagamot ako, pero walang nangyare. Bumalik parin yung sakit ko.
Marahil, eto talaga ang nakatadhana. Tadhanang makasama ko agad ang
Tagapaglikha. Ikaw ba, hindi ka nasasabik na makasama Siya?”
Isa akong tao, isang tao na alam kong hindi pwedeng kalabanin ang sagot
niya.
Nagpatuloy ang oras.
Kakalabas lang niya sa ospital dalawang araw bago mag araw ng mga puso.
Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya, halatang pagod. Kahit wala
siyang ginawa kundi ang humiga, alam kong pagod na ang katawan niya, mas
pagod pa sa katawang kagagaling lang ng eskwelahan tulad ko. Sa tabi niya
ako natulog nung gabing yun. Binulong ko sa tenga niya ang mga salitang
minsan ko lang banggitin…
“Mahal na mahal kita.”
Gumising ako ng mga alasingko ng umaga. Nadatnan ko na nagaayos na ng
agahan yung papa niya.
Nagpaalam na ko dahil kailangan ko pang pumasok.
Habang nasa paaralan ko, isa lang ang nasa isip ko… kung ano ang
ireregalo ko sa kanya sa araw ng mga puso. Ano nga kayang pwede?
Gabi na ako nakauwi. Siyempre umuwi muna ako ng bahay para magbihis.
Bigla kong narinig si mama na sumigaw dahil sa tuwa. May narinig akong
mga salita na ‘maganda’ at ‘pula’.
“Ma ano ba yun at bat ang—”
50
Nagulat ako. May rosas na dala si mama. Nabighani ako hindi dahil sa
ganda ng rosas kundi sa himala na dala nung rosas. Alam ko na ako yung
nagtanim nun sa likod ng bahay namin, at hindi ko aakalain na tutubo ng
ganyang kaganda.
Nagkaroon ako ng ideya kung anong ibibigay ko kay Mary bukas.
Nilagay ko na sa isang palayok. Lalagyan ko pa sana ng mga dekorasyon
nung nagvibrate yung phone ko.
Tumatawag yung papa ni Mary sa kin. Siguro dahil gusto ako makita o
makausap ni Mary. Ngumiti ako.
Hindi ko muna sasabihin sa kanya yung tungkol sa rosas.
“Iho.”
Kinabahan ako. Umiiyak yung tatay ni Mary. Ayoko marinig yung balita.
Dahil, parang hindi ko magugustuhan. Pero kahit hindi ko gusto, alam kong
kailangan kong marinig. Hindi handa ang puso at utak ko tanggapin na
lang. Ayoko.
“Iho… si Mary… bilang na daw ang…”
Buti sana kung araw. Kaso, iba ang narinig ko. Nahulog ko yung rosas na
tanim, nabasag yung palayok.
Dinala ko yung jacket ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ko dala-dala lagi
yung savings na nasa wallet ko ay ito—ang takot na baka maospital siya.
Binilin ko kay mama yung rosas, sabi ko itetext ko siya kung asan ako.
Pero sa ngayon, kailangan kong tumakbo. Kailangan kong abutin ang langit.
Kailangan. Kailangan ko ng himala ngayon. Isang himala.
Bilang na ang oras niya. Bilang na ang oras ng babaeng pinakamamahal ko.
***
Chapter 18
[Tears in Heaven]
Hindi ako mapakali. Wag. Wag ngayon. Wag kahit kailan. Mas gusto ko pang
mauna na lang mamatay kay sa siya. Ayoko. Ayoko. Kahit hanggang bagong
taon… o limang taon pa. O kahit habang buhay. Wag Mo siyang kunin sa kin.
Naiwan ko yung cellphone ko sa bahay, kaya marahil nagaalala na yung mga
magulang ko sa kin. Oo nga pala… yung rosas. Kahit man lang yun, madala
ko sa kanya. Tumawag ako sa bahay gamit yung payphone. Mugto na yung mata
ko.
Isang lugar sa utak ko, naisip ko yung sinabi niya dati. Bat mo iiyakan
ang taong wala na? Iyakan mo ang taong andyan pa o yung taong andyan pa
pero alam mong mawawala na. Buti na yung iyakan mo siya na may chansang
alam niyang may umiiyak dahil sa kanya, kay sa yung iniiyakan mo siya na
wala na talagang chansang malaman niya kung gano siya kahalaga sayo.
Naniniwala ako na hindi pa ngayon… hindi ko alam kung bakit. Sobrang
sikip ng dibdib ko na umabot na inisip kong baka ako maospital din. Kung
ganon nga, sana kuhanin na rin ako kasabay niya.
Hindi. Kailangan niyang mabuhay. Mabubuhay pa siya. Nanalig ako.
Nakakakapit ako sa Kanya. Alam kong may oras pa. Meron pa.
Dumating yung pamilya ko sa ospital matapos ang dalawang oras. Dala-dala
ng papa ko yung rosas na nasa bagong lalagyan dahil nabasag yung una.
Wala parin akong balita dahil nasa emergency room parin si Mary.
Sinabi ko sa mama at papa ko yung katotohanan. Na siya ang mahal ko… na
siya ang gusto kong makasama habang buhay. Naiyak si mama dahil sa
tadhanang nakaabang sa kin. Pinauwi ko na sila, ayoko din naman silang
mapagod.
Ngayon lang ako nakapili ng desisyon ng ganito kabilis. Siguro dahil alam
kong kailangan ako ni Mary sa tabi niya, at baka sa kahit anong segundo
eh magdesisyon siyang iwanan ako at matulog na lang habang buhay.
Umuwi na ang mga magulang ko. Ilang minuto pagkatapos dumating na yung
mama ni Mary. Umiiyak, humahagulgol. Kasama niya yung anak niyang bata sa
isa pa niyang asawa—na kahawig ni Mary. Umiyak na lang ako dahil nakita
ko si Mary sa batang yun. Sana hindi pa huli ang lahat.
51
Tinawag kami ng doctor. Sabi niya may panahon pa daw, pero hindi talaga
namin malalaman kung kailan magdedesisyon si Mary na… ayon. Ayoko na
banggitin, masyadong masakit. Gusto na rin ng doctor na magpatawag na
kami ng pari. Gusto ko siyang murahin dahil parang sinasabi niyang
mamamatay na ang pinakamamahal ko.
Pero nung gagawin ko na yun, biglang lumapit sa kin yung bata na kapatid
ni Mary sa ina. Hinila niya yung t-shirt ko na parang may gusto siyang
kunin ko.
“Kuya.”
Naiyak na lang ako. Binaba ko muna yung plastic na ang laman ay yung
rosas tapos binuhat ko yung bata. Mukang lalaki din siyang mahaba din at
maitim ang buhok.
“Anong pangalan mo?”
“Maria po.”
Maria.
Napatingin ako sa mama ni Mary. Napangiti na lang siya sa kin kahit mugto
na yung mga mata niya.
Halata naman kung kanino kinuha yung pangalan ng batang to.
Hinalikan ko siya sa noo tapos binaba.
“Ilang taon ka na?”
“Five years old po.”
Salitang bata, na ang tunog ng sinabi niya ay ‘payb yeart old po’.
Napangiti ako dahil sa inosenteng mukang yun. Sana ganyan din ako
kainosente ngayon.
“Bisitahin natin ate mo, gusto mo?”
“O…po.”
Sa isang kamay ko, hawak yung maliit na kamay ni Maria. Sa isa naman ay
yung plastic kung saan andun yung rosas. Pumasok na kami dun sa pinto
kung saan nakaupo narin yung tatay ni Mary at hawak hawak yung kamay
niya. Siya naman, parang matutulog lang, hinihintay na gisingin ko.
Umiyak yung mama at papa ni Mary, siyempre ako din. Si Maria naiyak din,
kahit na mukang hindi niya alam kung ano talaga yung iniiyakan niya.
Ayoko siyang makitang nakaratay ng ganyan, na parang ang dami-daming
nakakabit sa kanya para lang mabuhay kahit saglit lang. Ang sakit.
Masakit.
Lumabas yung papa at mama ni Mary, siguro para tumawag ng pari. Kailangan
ko na ba tanggapin?
Kailangan na ba? Ngayon na ba talaga?
Nakaramdam ako ng kalabit. Sobrang saya ko nung naramdaman ko yun.
Tatawagin ko sana yung mga magulang niya pero hinawakan lang niya ko… na
parang sinasabi niya na… may sasabihin ako sayo… sayo lang.
Tumutulo pa rin yung mga luha ko. Nahihirapan akong tingnan siya. Dahan-
dahan niyang nilalapit yung kamay niya sa palad ko… gumuhit siya ng isang
puso.
“Napaghandaan mo na no? Napaghandaan mo na tong araw na to…” Tumutulo ang
luha ko habang sinasabi ko yun. Si Maria naman nasa tabi ko, natutulog.
Nakita kong ngumiti si Mary na parang Oo. Napaghandaan ko na.
“Kung yun ang gusto mo… kahit masakit sa kin… gagawin ko.” At dun,
nagumpisa na ang kanta, isang kanta na hindi ko gustong kantahin sa mga
panahong ganito. Pero dahil sa hiling niya, sige.
Would you know my name
If I saw you in heaven
Will it be the same
If I saw you in heaven
I must be strong, and carry on
52
Cause I know I don't belong
Here in heaven
Naisip ko na parang habang buhay na ata tong tulo ng luha ko. Ang sikip
ng dibdib ko habang kinakanta ko tong kantang to. Paano niya na kayang
mapaghandaan ang araw ng kamatayan niya?
Would you hold my hand
If I saw you in heaven
Would you help me stand
If I saw you in heaven
I'll find my way, through night and day
Cause I know I just can't stay
Here in heaven
Tumigil na ako sa pagkanta, dahil alam kong hindi ko na kaya. Tulo lang
ng tulo yung mga luha ko, at hindi narin maganda yung pagkanta ko. Umiyak
na lang ako… Yun na yung katuloy ng kanta.
“Dinala ko yung rosas, naalala mo pa? Yung binigay mo sa kin dati dati
pa? Yung pinakuluan mo? Himala na namulaklak. Hindi ka ba natutuwa?”
Ngumiti siya. Pero sa ngiti niyang yun, nagsisi ako kung bakit ako naging
masaya sa himalang dinala ko hanggang sa kwartong yun.
Unti-unting bumalik yung oras. Bigla kong naalala yung araw na kumatok
siya sa may pinto namin na dala-dala yung kahon na may mga buto ng
pinakuluang rosas.
Pag namulaklak yan, aalis na ako sa buhay mo. Pero pag hindi, hahayaan
kitang guluhin mo ang buhay ko, at guguluhin ko din naman ang buhay mo.
Tumulo yung luha niya kahit nakangiti. Ako din, tumulo ang luha. Nagising
si Maria na nakatingin sa kin.
Tiningnan niya yung ate niya, at ngumiti.
“Matutulog ka lang ha? Gigisingin kita pag dumating na ko sa kung saan
man tayo pupunta.” Dumating na yung pari maya-maya. Kung ano man yung
kailangang gawin, ginawa na niya. Bakit nga ba ako andito ngayon? Parang
kahapon lang nung nahulog siya sa kin sa may isang puno ng acacia. Parang
kahapon lang ng mabasa ko yung diary niya. Parang kahapon lang nung
nasabi kong mahal ko siya.
“Maghihintay ka ha? Dadating ako agad.”
Pinisil ko yung kamay ni Maria habang naramdaman ko naman yung pag-gaan
ng kamay ni Mary.
Binitawan ko siya at umiyak habang nakatalikod. Yung mama at papa niya
ang huling humawak sa kanya.
Naiinggit ako sa ibang napapanood ko sa tv, nasa dagat pa sila na
magkahawak kamay bago mamaalam habang buhay yung isa. Pero, buti sana
kung ako lang ang tao sa mundo niya. Kaso hindi.
Pero… hindi man ako ang huling humawak sa mga kamay niyang yun… alam kong
dadalhin ko ang hawak na yun habang buhay.
Hindi ko man lang natupad yung sinabi niyang sa parke niya gusto
mamaalam…
Ubos na ang mga luha kong galing pang langit. Umulan sa loob ng kwartong
yun. Tiningnan ko yung oras.
1:43 am. Nagkataon lang ba to, o pati ito napaghandaan niya?
Kung ano man yung sagot, nalaman ko nung nagusap kami ni Maria matapos
ang ilang oras.
“Kuya…”
Kinarga ko si Maria sa mga balikat ko. Mugtong-mugto yung mga mata ko.
Hanggang ngayon di parin natatapos ang pagtulo ng mga luha. Tiningnan
lang ako ni Maria, siguro nagtataka kung bakit patuloy na nahuhulog na
parang walang katapusan.
Pinunasan niya yung mga luha ko… dahan-dahan.
“Six na po ako.”
53
Isang katapusang may simula uli. Sinadya niya kaya? Ewan. Ang daming
himalang nangyare. Isa siya dun. Gusto ko ng isang kwentong walang
katapusan, at marahil, nagawa niya yun.
***
Epilogue
Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy… pero may
magic, na kung tawagin niya ay himala. Bakit?
Kasi—
May pumasok na isang doctor at nurse sa kwarto na pinaghihimlayan.
Nagising tuloy yung mga magulang ko. At heto… habang pasimpleng tinatype
ang bawat salitang nasa isip ko kahit nanghihina na yung mga kamay ko…
nakikinig ako sa sinasabi nung lalake.
Umiyak ang mga magulang ko. Ay mali pala. Humagulgol sila. Ako? Di ko
alam kung hahagulgol o ngingiti. Ngingiti dahil makakasama ko na rin
siya. Naalala ko tuloy yung guhit sa palad naming dalawa.
Parehong maikli, mas maikli lang yung kanya. Napangiti ako… Kahit papano,
nakatadhana parin kami.
Siguro nga, maramot ako. Wala naman talagang may alam kung makakasama nga
ba natin ang minamahal natin sa kabilang buhay diba?—kung meron man.
Hindi na yun mahalaga sa kin. Sabi nga nila… faith na daw natin yun.
Naniniwala akong hinihintay niya ko. Hindi ko kaya na paghintayin siya…
Kaya, eto na… Papunta na rin ako.
Kung ilalagay ko siguro ang pangalan niya sa dictionary, ang ilalagay ko:
one who could make you believe that miracles DO exist.
Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy… pero may
magic, na kung tawagin niya ay himala. Hindi na dapat tinatanong kung
bakit, dahil may mga bagay na walang hanggan ang tanong, kahit na walang
sagot.
This story has a happy ending.
At dito naguumpisa ang kwento naming dalawa.
***
She will never be your ordinary lady,
And she will never be your no normal girl.
But she will always be everything to me...
…My one and only dearest miracle.
A Miracle
By Jessamine
54
Top Related