Z P Araling Panlipunan...B. Maging mayaman ang mga bansang may maraming OFW C. Ang globalisasyon ay...

17
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Ikalawang Markahan – Modyul 8 : EPEKTO NG GLOBALISASYON SA ISYU SA PAGGAWA AT MIGRASYON

Transcript of Z P Araling Panlipunan...B. Maging mayaman ang mga bansang may maraming OFW C. Ang globalisasyon ay...

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Zest for Progress

    Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

    Ikalawang Markahan – Modyul 8: EPEKTO NG

    GLOBALISASYON SA ISYU SA PAGGAWA AT MIGRASYON

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Sherie Aguilor Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Peter Alavanza Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa

    Dr. Jephone P. Yorong

    Florence S. Gallemit

  • Alamin Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisayon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na makikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.

    Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pandarayo ng mga tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kanya ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad ( politika) o maging personal.

    Pagkatapos mabasa at maisagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang :

    • Naipahahayag ang saloobin tungkol sa mga epekto ng globalisasyon

    A. Naipahahayag ang mga saloobin tungkol sa mga epekto ng globalisasyon sa isyu sa paggawa at migrasyon.

    Balikan

    PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. 1. Maaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito? A. Inshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Nearshoring

  • 2. Umaabot sa 800,000 ang mga migranteng walang papeles sa iba’t ibang sulok ng buong mundo. Ano ang maging epekto nito sa buhay ng migrante? A. Malaki ang maipadala sa pamilya B. Panganib sa kaligtasan ng pamilya C. Nakaranas ng iba’t ibang pagmamaltrato D. Magkakaroon ng iba’t ibang identidad at nakatago sa awtoridad. 3. Ang sumusunod ay mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino maliban sa isa. Ano ito? A. Job-mismatch A. Mababang pasahod C. Maraming benepisyong matatanggap D. Kawalan ng siguridad sa pinapasukang kompaniya 4. Marami sa mga nangingibang bansa ay mga de kalibreng mga Pilipino. Ano ang epekto nito sa bansang Pilipinas? A. Malaki ang remittance ng migrante B. Masama sa pamilyang iniwan lalo sa mga anak C. Nagkaroon ng brain drain kaya hirap sa pag-unlad D. Walang epekto dahil marami naming nakapagtapos 5. Sa paglago ng Globalisasyon, tumaas din ang bilang ng mga migrante o OFW sa iba’t ibang sulok ng mundo. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya ng ng bansang pinagmulan ng migrante / OFW? A. Maraming industriya ang ipapatayo ng globalisasyon B. Maging mayaman ang mga bansang may maraming OFW C. Ang globalisasyon ay nagbibigay ng maraming trabaho sa mga tao D. Malaking remittance ang padala ng OFW, tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

    MODYUL 8

    EPEKTO NG GLOBALISASYON SA ISYU SA PAGGAWA

    AT MIGRASYON

  • Tuklasin

    PANUTO: Pakinggan at kantahin ninyo ang awiting pinamagatang : KAHIT KONTING AWA na inawit ni Nora Aunor. At sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon sa sunod na pahina. Bakit ba ang naging wakas Na ang sandata ay luha Bigyan naman ninyo kami Kahit na “ Konting Awa” Mayroon pa bang naghihintay Sa mga katulad ko? Mayroon pa bang Pag-asa Na lumigaya sa mundo? Sana’y huwag nang maulit Ang isang katulad ko Ang sala ng iba’y tinubos ko Sinong mapalad ? Sino ang kaawa-awa? Kaming bang halos ang buhay Ay inialay sa bansa? Bagong Bayani…. Na ang sandata ay luha Bigyan naman ninyo kami Kahit na konting awa….!!! Na ang sandata ay luha Bigyan naman ninyo kami

    Bagong Bayani…… Na ang sandata ay luha Bigyan naman ninyo kami Kahit na “ Konting Awa” Mayroon pa bang naghihintay Sa mga katulad ko? Mayroon pa bang Pag-asa Na lumigaya sa mundo? Sana’y huwag nang maulit Ang isang katulad ko Ang sala ng iba’y tinubos ko Sinong mapalad ? Sino ang kaawa-awa? Kaming bang halos ang buhay Ay inialay sa bansa? Bagong Bayani…. Na ang sandata ay luha Bigyan naman ninyo kami Kahit na konting awa….!!!

    TANONG:1. Ano ang iyong nararamdaman sa mensahe ng awit ni Nora Aunor?

    2. Mayroon ka bang kamag-anak o kakilala na nangingibang bansa bilang

    isang manggagawa ?

  • Suriin

    Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng mga teksto sa ibaba.

    ILAN SA MARAMING NAIDUDULOT NG GLOBALISASYON SA PAGGAWA

    1. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard;

    2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan;

    3. Binago ng globalisasyon ang workplace at ang salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/ IT programs, complex machine at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa at

    4. Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

    Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard na paggawa na naaangkop sa mga kasanayan para sa iak-21 siglo. Ito ay ang Media and Technology Skills, Learning and Innovation Skills, Communication Skills at Life and Career Skills (DepEd, 2012). Upang makatugon sa mga kasanayang ito, Isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sanayin ang mga mag-aaral sa mga kasanayang pang-ika 21 siglo upang maging globally competitive na nakabatay sa balangkas ng Philippine Qualifications framework.

    KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG SEKTOR

  • A. Sektor ng Agrikultura

    Ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal ay isa sa mga hamon ng globalisasyon.

    Naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.

    Suliranin ng magsasaka ang kakulangan ng mga patubig, suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda lalo kapag may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng bagyo , tagtuyot at iba pa.

    B. Sektor ng Industriya

    Ang malayang pagpasok ng mga kompaniya at namumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telecommunication, beverages, mining at enerhiya na kaaugnay ng mga industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabng oras ng pagpasok sa trabaho, mababang sahod , hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado, kawalan ng seguridad tulad ng mga minahan, konstruksiyon at planta na nagpoprodyus ng lakas elektrisidad na kung saan may mga manggagawang naaaksidente o nasawi.

    C. Sektor ng Serbisyo

    Ang sektor na ito ay may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa. Malaking tulong ito sa mga manggagawang Pilipino. Saklaw nito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo,business processing outsourcing (BPO) at edukasyon.

    Ang suliranin bunsod ng globalisasyon ay ang pagpasok sa mga produkto at serbisyo mula sa TNCs nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan.

    MGA EPEKTO NG MIGRASYON

  • 1. PAGBABAGO NG POPULASYON

    * ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon. Sa mga bansang mabilis tumaas ang populasyon, lalo na sa mga naghihirap na bansa, tinataasan ang mga buwis na ipinapataw sa mamamayan para sa imprastruktura, edukasyon, kalusugan at serbisyong panlipunan. Dahil ditto marami sa mamamayana ang mangingibang-bansa. Sa kabilang dako, malugod namang tinatanggap ang mga migrante sa mga mayayamang bansang nakararanas ng pagbaba ng populasyon o pagtanda ng populasyon.( population decline and ageing). * suliranin din ito kung hindi kayang suportahan ng ekonomiya ang pagdami ng populasyon. May mga naulat na kaso kung saan pinabalik ng mga bansa ang mga migrante sa kanilang pinagmulan dahil sa krisis sa ekonomiya. HALIMBAWA: : Ang nagyari sa Nigeria noong 1983 kung saan sapilitan nilang pinaalis ang 2 milyong migranteng karamihan ay mula sa Ghana. :Noong 2008, mahigit 350,000 migrante ang pinauwi ng Estados Unidos ; : at 300,000 migrante ang pinauwi naman ng South Africa mula sa kanilang bansa. 2. KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO * Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon. Sila ay nahaharap sa mapanganib na paglakakbay, pang-aabuso ng mga ilegal na recruiter at smuggler, mahihirap na kondisyon ng pamumuhay at kawalan ng suporta sa pagtapak nila sa ibang lupain at dahil sa ilegal na kalagayan, takot silang humingi ng tulong sa pamahalaan kapag nakararanas ng mga pag-aabuso. * Isa sa malalaking pababago sa migrasyon nitong nakaraang 50 taon ay ang pagdami ng mga kababaihang migrante. Kalahati sa bilang ng mga migranteng internasyonal ay mga babae. Mas madalas na naaabuso ang mga babaeng manggagawa kaysa mga lalaki. Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang magtiis sa mga trabahong mababa ang sahod at hindi ipinagtatanggol ng batas, kabilang na ang pagiging kasambahay o domestic worker.

  • Pang-aabuso sa mga kababaihan: 1. Mababang sahod bilang mga domestic workers 2. Hman Trafficking 3.Sexual Exploitation 3. PAMILYA AT PAMAYANAN * Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya,lalo na sa kanilang mga anak. Nangungulila ang mga anak at naiwan sa panganagalaga ng ibang kaanak tulad ng lolo, lola,tiyo o tiya. * Nagkakaroon ng matibay na ugnayan ng extended family ay nakatutulong upang masiguro ang mabuting pagpapalaki sa kabataan kahit na malayo sa mga magulang. * Sa Kulturang Pilipino ang ama ay nakasanayan na punong tagapaghanapbuhay samantalang ang ina ay ang tagapag-alaga ng mga anak. * Natutong magtaguyod ng pamilya ang asawang lalaki o asawang babae ng OFW at nadedesisyon para sa pamilya. 4. PAG-UNLAD NG EKONOMIYA Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas dahil ang kanilang mga remittance o ipinadadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital para sa negosyo. Napakaraming mga OFW ang nakaahon sa kahirapan ang pamilya at nakapagtapos sa pag-aaral ang mga anak. Ayon sa datos noong 2012, ang perang ipinadala ng mga migrante sa mga papaunlad na bansa kabilang na ang Pilipinas ay nakaabot na sa $406 bilyon . Sa kasalukuyan, patuloy pa ang pagtaas ng remittance ng mga migrante. 5. BRAIN DRAIN Matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t ibang larangan , mas pinili na nilang mangibang bansa dahil sa magandang oportunidad na naghihintay sa kanila. 6. INTEGRATION AT MULTICULTURALISM Sa pagdagsa ng mga migrante sa ibang bansa, tumatanggap ng hamon ng integrasyon at multiculturalism. Ang multiculturalism ay isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.

  • Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga migrante sa ma institusyon sa lipunan. Kabilang ang labor market at edukasyon, habang malaya nilang natatamasa ang karapatang magagamit ang sariling wika, maipagpatuloy ang relihiyon at makabuo ng mga komunidad. Binigyang –halaga ang pagkakaisa ng mga migrante at ng mga tao sa bansang tumatanggap tungo sa pagkamit ng maunlad at mapayapang lipunan.

    Pagyamanin

    Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Lagyan ng HAPPY EMOJI ang puwang kapag tama ang pahayag , at SAD EMOJI naman kapag HINDI.

    ______1. Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon. ______2. Sa mga bansang mabilis tumaas ang populasyon, lalo na sa mga naghihirap na bansa, hindi tinataasan ang mga buwis na ipinapataw sa mga mamayan para sa imprastruktura, edukasyon,kalusugan at serbisyong panlipunan. ______3. Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon kaya sila ay naharap sa panganib sa paglalakbay , pang-aabuso ng mga ilegal na recruiter at smuggler,mahirap na kondisyon ng pamumuhay at kawalan ng suporta sa pagtahak sa ibang lupain. ______4. Sa kulturang Pilipino sa gitna ng isyu ng migrasyon, sa kaso ng amang OFW, ang kaniyang naiwang maybahay ay nanatiling tagapag-alaga ng mga anak ngunit ang pagbabadyet at pangunahing desisyon ay sa amang OFW parin kahit ito’y nasa malayo. ______5. Ang mga babaing nabibiktima sa human trafficking ay nalalantad sa karahasang seksuwal at mga sakit na sexually-transmitted diseases.

  • ______6. Malugod na tinatanggap ang mga migrante sa mga mayayamang bansang nakararanas ng pagbaba ng populasyon o pagtanda ng populasyon (population declining and ageing). ______7. Isa sa mga malalaking pagbabago sa migrasyon sa nakaraang 50 taon ay ang pagdami ng mga kakabaihang migrante. ______8. Nang dahil sa krisis sa ekonomiya, may mga naiulat na Kaso sa kung saan pinabalik ang mga migrante sa kanilang pinagmulang bansa. ______9. Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. _____10. Sa pagdami ng mga Pilipino sa ibang bansa, kasabay ring lumaganap ang mga samahan o organisasyon sa iba’t ibang bahagi ng daigidig sa kung saan sila ay naging aktibo sa pagtulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagpapatayo ng mga paaralan,simbahan,at pagbibigay tulong sa mga mahihirap.

    Isaisip PANUTO: Ibigay ang inyong saloobin/reaksiyon o nadarama sa mga nabanggit na sitwasyon sa ibaba.

    EPEKTO NG GLOBALISASYON SA ISYU NG PAGGAWA AT MIGRASYON

    MGA SALOOBIN

  • 1.Si Anna ay isang dalagang ina na walang ibang hinangad kundi masubaybayan ang babaing anak hanggang sa paglaki nito. Ngunit nang may nag-alok sa kanya na kaibigang OFW ng isang magandang trabho sa isa sa mga bansa sa Kanlurang Asya, tinanggap niya ito at ihinabilin ang anak sa ina’t ama na noon paman ay galit na galit ito sa kanya dahil nabuntis ito at walang asawa. Ano ang masasabi mo kay Anna at sa anak nito?

    2. Sa isang kompaniyang banyaga nagtatrabaho si Erwin. Mababa ang sahod at lampas na sa takdang oras ay nagtatrabaho pa rin dahil hindi pa natapos ang gawain. Higit sa lahat, wala siyang nailagak na pera para sa SSS at Philhealth dahil hindi ito kasali sa kontrata. Kulang ang sahod para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. . Ano ang

  • masasabi mo? 3.Bilang isang mag-aaral at kasapi ng lipunan, napag-alaman mong may sigalot sa pamamagitan ng mga armadong grupo at mga sundalo ng pamahalaan sa Zamboanga City. Lumikas ang mga tao sa sariling bayan at nakarating sa Dapitan. Sila ay tatawaging mga refugees. Ano ang gagawin mo bilang isang Dapitanon?

    Tayahin

    PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang sa inyong sagutang papel. ____1. Bakit sinabing ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa? A. Dahil sa kulang sa kaalaman ang mga Pilipinong manggawa B. Dahil ang mga manggawang Pilipino ay tamad at mahilig sa mga kagustuhan C. Dahil ipinamukha ng mga banyaga na mas nakalalamang sila kaysa mga Pilipino. D. Dahil sa mababang pasahod , kawalan ng seguridad sa pinasukang kompaniya at job-mismatch na nagreresulta sa kontraktuwalisasyon sa paggawa.

  • ____2. Paano nakatutulong ang migrante sa bansang pinagmulan? A. Nakababawas ng populasyon sa bansang pinagmulan B. Maraming mga industriya na maipapatayo ang bansa C. Magiging marangal ang pamumuhay ng mga tao sa bansang pinagmulan D. Malaki ang remittance ng mga migrante sa bansang pinagmulan na makatutulong sa paglago ng ekonomiya. ____3. Bakit tumaas ang bilang ng mga pilipinong migrante? A. Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil karamihan sa mga babae ay makipagkita ng kanilang mga naging nobyong foreigner B. Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil sa pangambang babagsak ang ekonomiya ng bansang Pilipinas dulot ng matinding korapsiyon C. Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil naaakit silang mapuntahan ang mga magagandang lugar sa daigdig at doon na maghahanapbuhay. D.Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil wala silang permanenteng trabaho dito sa Pilipinas at para makahanap ng mas magandang trabaho at mas malaking sahod upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya ____4. Ano ang implikasyon ng brain drain sa bansa? A. Ito’y maging balakid sa pagkamit ng kaunlaran sa isang bansa B. Maging mabagal ang paglago ng ekonomiya ay pagkamit ng kaunlaran C. Hahayaan na lamang sila sa kung ano ang desiyon at aasikasuhin ang mga patakaran na magdudulot ng kaunlaran D. Mauubusan ang bansa ng mga sanay o ekspertong mga manggawa sa iba’t ibang larangan, bagay na hindi nagdudulot ng mabuti sa ekonomiya. ____5. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon? A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan

  • D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.

    Karagdagang Gawain PANUTO: Gumawa ng iskrip tungkol sa pagpapahalaga mo sa buhay ng isang OFW. Pwede mong pagbabasihan ang mga karanasan mismo ng iyong mga kaanak at kakilala na naging migrante o nangingibang bansa bilang mga manggagawa.

    RUBRIK NG PAGMAMARKA

    Tema at Nilalaman : 50 puntos

    Tauhan at Tagpuan : 35 puntos

    Orihinalidad : 15 puntos

    KABUUAN : 100 puntos

  • Balikan 1.A 2.C 3.C 4.C 5.D

    Tuklasin 1.D 2.D 3.D 4.D 5.D

    Susi sa Pagwawasto

    Pagyamanin 1. Happy Emoji 6. Happy Emoji 2. Sad Emoji 7. Happy Emoji 3. Happy Emoji 8. Happy Emoji 4. Sad Emoji 9. Happy Emoji 5. Happy Emoji 10.Happy Emoji Sanggunian: Teacher’s Guide: Araling Panlipunan 10- MGA KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN ( Set 1) DRAFT Pahina :200-216 Learner’s Module: Araling Panlipunan 10-MGA KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN ( Set 1) DRAFT Pahina : 187-239 KAYAMANAN –MGA KONTEMPORARYONG ISYU – Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 10 Pahina :126-129 May Akda: Evangeline M. Dallo Eleonor D. Antonio Consuelo M. Imperial Maria Carmelita B. Samson Celia D. Soriano Pahina :126-129

    Tayahin 1.D 2.D 3.D 4.D 5.D

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.