Yabag 2013, Vol 4: Sinta

18
SINTA 1

description

Yabag 2012-2013, Vol. 4: Sinta Mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Kalihim, Ateneo Gabay

Transcript of Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Page 1: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 1

Page 2: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

2 Sinta

TUNGKOL SA PABALAT

PATNUGUTANpUNONG pATNUGOT

Christabel CORPUS

tagapamahalang patnugot

jeanne claudeen arona

jeanne maureen arona

Katuwang na Patnugot

Angelli camille anchetaCamille Chantal Mallillin

Ma. Jamaica PatigasEana Noelle Puspos

Patnugot ng likha at sining

angelo Gabriel juarez

tagaguhit

Mark Louie Lugue

lapatan

Romano SantosBagani sularte

bantay ng patnugutan

mark louie luguenilalaman

Sinta - isang ngalang ikinakabit sa isang taong iniirog. Isang salitang naisasalamin ng isang rosas, tanda ng pag-ibig na hindi nagmamaliw.

Pira-piraso, hindi lubusang mapagtatanto't madarama. Ngunit sa pagtatagpi-tagpi nabubuo ang isang buong larawan, isang pag-ibig na nagpapakita sa atin ng kabuuan ng buhay.

04 Para kay GAngelo JuarezCamille Mallillin

Kulito's cornerVote[?]10

Chiqui ChismosaGabay Chismis11

Isang balik-tanawMga naganap

sa ikalawang semestre15

Page 3: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 3

Para kay

G ni angelo juarez& Camille Mallillin

Page 4: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

4 Sinta

01Para sa’yo,

Nakita kita kanina sa dagat ng mga taong tila mga galunggong na pinapalibutang ang isang sirenang walang kamalay-malay sa kanyang angking kagandahan. Nasa red brick road ako kasama ang aking kaibigan at nasa paanan ka ng MVP kausap ang mga kaibigan mong hindi kayang pantayan ang kinis ng iyong kutis at ang nakakatunaw mong ngiti. Hindi ko man alam kung ano ang pangalan mo, ngunit tuwing babalikan ko ang mga oras na iyon ay kasing klaro ng himpapawid kung tag-araw ang bawat kilos mong mahinhin. Hindi ko man alam ang pangalan mo, ngunit hindi ko maalis sa isip ko ang mata mong mapungay at ang tawa mong sobrang tamis sa tenga. Huwag kang mag-alala, isang araw malalaman ko rin ang pangalan mo.

Umaasa,

Jun

{ {

Page 5: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 5

02

Para sa’yo,

Nakita na naman kita kanina sa SEC Walk. Nakaupo ka lang malapit sa SEC A at mukhang tutok na tutok ka sa binabasa mo. Nang dumampo ang titig ko sa’yo, tila may mga anghel na biglang lumapit at kumanta ng Aleluya! Tila may mga paru-parong pumalibot sa iyo at hinaharanahan ka ng matatamis na kanta. Hindi ko alam kung anong inaaral mo. Gustong gusto kitang lapitan para tulungan kasi mukhang nahihirapan ka sa ginagawa mo, ngunit hindi pa tayo magkakilala. Balang araw, balang araw. Malalapitan din kita at malalaman ko ang pangalan mo.

Umaasa,

Jun{ {

Page 6: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

6 Sinta

03Para sa’yo,

G! Yun ang pangalan mo! Narinig ko kaninang tinawag ka ng kaibigan mo sa Gonzaga.

G. Ibang-iba ang pangalan mo. Kagaya mong walang kaparis kanino man. Ikaw lang ang nag-iisang taong nagpatibok at nagpalundag sa puso kong hindi kailanman nakaranas ng umaapaw na damdaming ito. Ikaw lang, G. G. G. G. Hindi ko mapigilang sabihin ang pangalan mo ng paulit ulit. Sa pagtulog ko, ito lang ang maiisip ko. Sana mapanaginipan kita para kahit sa panaginip man lamang, tayo’y magkakasama.

Hindi maparisan ang kaligayahan,

Jun

{ {

Page 7: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 7

04

Para sa’yo,

Nakita kita kaninang may kasamang lalaking nakikipagkulitan sa’yo. Nadurog ang puso ko. Tila may biglang humila sa akin sa kaibuturan ng dagat at pinakain sa mga balyena ang puso kong sawi. Tila may dumagit sa puso ko at nilapa ng mga baboy ramo. May kutsilyong tumaga, may martilyong pumukpok, may trak na dumurog. Tila hinampas ako ng malakas na alon at kasama ng duming inalis ng along malakas ay ang pag-asang magiging tayo. Bigla akong namulat sa katotohanang hindi magiging tayo.

Naninibugho,

Jun{ {

Page 8: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

8 Sinta

Para sa’yo,

Hindi ko alam kung bakit palagi pa kitang iniisip. Alam ko namang wala tayong pag-asa. Alam kong maraming may gusto sa iyo. Pero bakit hindi ko pa rin mapigilang hanap-hanapin ka. Hindi ko alam kung anong nag-uudyok sa akin para isiping magbubunga lahat ng paghihintay ko sa’yo. Pinahihirapan mo lang ako. Hindi, hindi. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Pero hindi ko matiis na hindi kita mahalin. Ikaw lang, ikaw lang ang nagpatibok ng puso kong ito. Hindi ko alam kung paano mo iyon nagawa ngunit hindi ko maikakailang wala nang ibang makabubuo ng puso ko kung sakali mang pagdesisyunan kong isuko ang bahagi ng puso kong ikaw lamang ang laman.

Jun

{ {05

Page 9: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 9

06

Para sa’yo G,

Unang sulat ko itong mababasa mo. Nakita kita dati sa MVP nang papunta ako sa klase. Simula nang araw na iyon ay hindi na kita maalis sa isip ko. Dumating ang ilang linggong palagi kitang nakikita sa kung saan-saan. Sa SEC Walk. Sa Gonzaga. Sa Kostka. Matagal na kitang gustong lapitan at magpakilala, ngunit kanina lang ginawan ng parang ng tadhana. Kakilala mo pala si Anna, ang kaibigan kong matalik. Pinakilala niya ako sa’yo kanina, hindi ba? Hindi mo lang alam kung anong laking kaba ang naramdaman ko ng inabot mo ang kamay mo sa akin para kumustahin. Ngunit iyon ang oras na kay tagal ko nang hinintay na akala ko ay hanggang sa panaginip lamang mangyayari. Marahil ay natatakot ka na sa akin dahil sa paghanga ko sa’yo ngunit hindi mo lang alam kung gaano ka kaimportante sa akin. Hindi ko pa ito nasasabi kahit kanino ngunit noong araw nang makita kita ay ang araw na nagdesisyon akong sumuko. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa buhay ko noon. Palagi akong mababa sa mga pagsusulit. Hindi ako makahanap ng mga totoong kabigan. Nalulula ako sa dami ng mga bagong nangyayari sa buhay ko. Naisip kong wala nang dahilan pa para mabuhay pa. Ngunit nang masilayan ko ang kagandahan mong dalisay at walang kung anong palamuti ang makakapagpaganda pa, bumalik ang buhay na halos kumawala sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako.

Huwag ka sanang matakot sa akin. Ngayong kilala mo na ako, sana bigyan mo ako ng pag-asang ipakilala ang sarili ko sa’yo. Ibigay ang sarili ko sa’yo. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong itaya ang sarili ko sa’yo. Muntik man akong sumuko, ngunit mas malakas na ako ngayon dahil sa’yo.

Nagtataya,

Jun{

{

Page 10: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

10 Sinta

VOTE[?]KULITO’S CORNER

I lang buwan na lang eleksyon na muli. Ilang buwan na lang at muli na namang kailangang magdesisyon ang mga Pilipino, mga desisyon na

makakaapekto sa pag-unlad ng bansa. Noong nakaraang isyu, nabanggit ko ang ilang tanong ukol sa pangako ng mga pulitiko – mga pangako ng pagbabago sa lipunan. Pero sulyapan naman natin ang kabilang dulo ng mga pangakong ito: ang lipunan mismo. Ano ba ang responsibilidad natin bilang bahagi ng lipunan? “Paano yun, hindi naman ako [insert politically or socially active course] major?” Bilang mga Atenista na nagmula sa iba’t ibang kurso, posibleng maging malabo ang mga tungkulin na maaari – at kailangan – nating gampanan bilang isang mamamayan at ang saklaw nito. Tingnan natin ang isa sa mga pinakamalaking isyu ngayon sa Ateneo: ang mga nangyari noong nakaraang Sanggunian elections. Maraming nagpahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa kung ano nga ba ang nagdulot ng failure of elections, kabilang dito ang kawalang-bahala ng mga mag-aaral, kakapusan sa presensya ng mga kandidato, kahit kakulangan sa parte ng Comelec mismo. Tingnan natin ang pinakauna sa listahan: ang mga estudyante, ang mga botante mismo. Bakit ba sobrang dami na sa atin ang nawalan na ng interes sa mga

ipinapalagay nating ‘pulitikal’ na desisyon? Tama bang gawin nating katwiran ang hindi pagdama ng presensya ng Comelec at ng mga kandidato para sa hindi pagboto? Sapat na ba na may opinyon tayo ukol sa mga ito, kahit na ‘ah, hindi naman yan mahalaga; hindi naman yan makakaapekto sa pag-aaral ko’ lang ito? Masasabi ba natin na tayo ay mulat na kung ganun?

Hindi nga ba mahalaga ang pulitika, o hindi lang natin nabibigyan ng karapat-dapat na kahalagahan ang proseso ng eleksyon?Kailangan din na magkaroon tayo ng kaalaman kung paano makibahagi sa mga nangyayari sa lipunan; kailangang maging bukas tayo sa pagtulong sa kung saan natin kaya – isa na rito ang pagboto. Kailangan nating maging bukas sa pagiging sangkot sa kung saan tayo pwede at saan tama, sa pag-alay ng sariling oras at kakayahan upang makagawa ng kabutihan sa mundo. May iba’t-ibang anyo ng pagiging mulat, at hindi dapat tayo makulong sa nibel ng isip; kailangan din nating magawang maging mulat ang puso.

...KAILANGANG MAGING BUKAS TAYO SA PAGTULONG

SA KUNG SAAN NATIN KAYA – ISA NA RITO ANG PAGBOTO.

Page 11: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 11

CHIQUICHISMOSA

Hello Gabayanos, Gab-ayanas, and in betweeners! Sa mga oldies, did you miss me? Sa mga bagong members, do you

even know me? Well, let me intro-duce myself. Ako si Chiqui Chismo-

so, ang nag-iisang source ng chismis sa MVP215 at sa extension nito!

Alam kong matagal na rin akong nawala sa eksena. But just because I'm gone doesn't mean I'm gone for good. Ako'y nagbabalik, with juicy and intrigu-ing chismis na sigurado akong mapa-pataas ang kilay niyo sa suspicion. Are you ready? Babala lang: lahat ito'y pawang chismis lamang at maaaring walang halong katotohanan! Kung na-tamaan, deadma na lang!

Page 12: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

12 Sinta

Spotted: Handsome Boy (HB) at Pretty Girl (PG) sa loob ng isang party sa school. Kung akala mong batch thing ito, nagkakamali

ka. Ohhh, are they really friends or are they something more? Kaya, guys, huwag na kayong magmatigas. Amin-amin din 'pag may time.

01 "Street Party"

Spotted: Boy and Girl sa isang Gabay event! Alam kong walang malisya ang holding hands kung lovers kayo pero kung iba ang lover mo, ano na poba ang tawag dun? According sa isang alumni, ahas.

02"great taste"

party!party!

Spotted: Singing love birds sa GR Extension! Alam kong relationships have their fair share of troubles.

What's important is to sit down, and talk about it. Advice ko lang: Just stick together parang tikoy! May one year pa kayong pagsasamahan. ;)

03 "song birds"

Totoo nga bang love knows no boundaries? At si upper class man nahulog sa isang freshman dahil sa angkin niyang innocence at qtness. In fair Verona may op-portunities for landian dahil magkasama sila sa isang project! Huwag lang sanang makaapekto ito sa kanilang professional vibes. #charot

04"age doesn't matter"

Spotted: Hindi sa Christmas Party kundi sa isang non-Gabay event! Sino itong Gabayano na bantay-sarado ang ganap ng

kanyang bufra? No clues will be given kung sino ito, saan sila nagpun-ta at kung anong ginawa nila. Delikado na baka matsugi kami.

05 "date with koya"

Page 13: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 13

Spotted: Gabayano sa hosting day. Natural lang naman na hanapin mo

ang ka-Angkan mo sa Hosting Day, lalo na’t kailangan for attendance points. Pero ibang level yata si Gab-ayano sa paghahanap kay Angkan-mate. Umaga pa lang, hinahanap na. At, heto pa: nang dumating na si Angkanmate, agad namang sinalu-bong ni Gabayano AT ininvite pang makipaglaro ng video game! If you ask me, there’s some-thing fishy going on here. Pero I’ll let you decide. Ano sa PALa-gay niyo?

06 "konnect"

x

Spotted: Gabayano sa Angkan Fun Day. Of course, ginawa ang Fun Day para makapagbond-ing hindi lang ang magkaka-Angkan, pati rin ang mga tao mula sa ibang Angkan. Pero si Gabayano na ito, mukhang pinupush ang limits of ‘bonding’ with this freshie! TEChnically walang mali dito, pero ayon sa aking mga sources, ilang beses daw nilapi-tan ni Gabayano si freshie sa Fun Day (kahit na di interested si freshie). Paki-kipagkaibigan, o pakikipaglandian? The answer might not be out soon...

07"sulyap"

And speaking of out, spotted: fresh-man sa isang outdoor photoshoot! While marami naman ang nakakaki-tang wala talagang possibility of inter-est si freshman kay model, marami sa kanilang friends ang gumogora na baka meron nga! Tunay nga bang binabago ng pag-ibig ang isang tao? Meron nga ba talagang inter-est in freshman’s part? Maybe. I don’t

know. Wala sa akin ang lahat ng kasagutan. ;)08

"fashown"

Spotted: Bidder at Auctioned sa isang date. O date nga bang tatawagin ito? Okay fine, alam kong may karapatan si Bidder na gawin o pagawin ang ka-hit ano kay Auctioned. Pero what was supposed to be a “date” became a photoshoot ni Bidder. At ang photog-rapher? Si Auctioned! Vanity? I don’t

know. Pero mabait naman si Auctioned to complain or say anything about it. Malay natin, baka nag-enjoy din naman siya.

09"1800"

Page 14: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

14 Sinta

Spotted: Angel at Soul, magkadate sa Valen-tine’s??? Kung akala nila di ko sila makikita sa kanilang Valentine’s escapades, nagkakamali sila. After a sumptuous dinner, nakita sila ng aking mga sources sa Gesu. Ano’ng napag-usapan nila? Simpleng kwentuhan? Wedding vows? Tanging si Jesus statue sa Gesu lang ang makakaalam. Pero the real question here is, is there some-thing more than just angels and souls?

10angel soul [confirmed]

Spotted: Isang Artist, kina-iin-love-an ng isang Gabayano. Kahit na receding na ang hairline ni Artist, may genuine feelings pa

rin si Gabayano sa kaniya dahil sa artworks na ginagawa niya. Pero si Artist, iba ang Musa. When will the artist wake up from his fantasy world, and finally see that maybe, what he is looking for is right in front of him?

11 "musa" carpe diem

Ano? May hula na ba kayo kung sino itong mga spotted Gab-ayanos and Gabayanas? Comments? Suggestions? Violent Reac-tions? Thesis statements? Wapakelz ang lola mo! Basta ako at ang aking team sa Chicky Headquarters, we are just doing our jobs.

At ngayong tapos na ang aming trabaho, abangan ako sa mga susunod na issues, where I'll be back with even juicier and even more intriguing revelations sa ating mga controversial orgmates. Muli, bato-bato sa langit, tamaan, huwag majirits! Kung saka-ling ika'y nainis, ipagbigay-alam kay Karis! (Echos lang.) Okay. Time for your resident Chismaker to take some beauty rest. Hanggang sa muling pagchichismis, Gabayano. And keep your eyes peeled and your guard up. I will be watching. ;)

xoxo,CC

++

Page 15: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 15

ISANGBALIK-TANAW

1213

Isang pagbabalik tanaw sa mga na-ganap nang tumungtong ang ikala-wang semestre.

2ndsem

Nagbigay ang Angkan Scheme ng pagkakataon para sa mga miyembro, lalo na sa mga bago, na mas makilala pa ang bawat isa. May apat na Angkan na naglalaban-laban na siyang nagdadala ng kolaborasyon sa pagitan ng mga pangkat at mga miyembro.

ANGKAN LAUNCH(NOVEMBER 12)

Saliw sa temang HUNGER GAMES, ganap na inilunsad ang Angkan ngayong taon at hinati ang mga bagong miyembro sa apat na Angkan. Naganap ito noong 1st GA para sa ikalawang semestre.

ANGKAN SCHEME(NOVEMBER 19 - DECEMBER 17) Isang training program na naglalayong bigyan ang mga pil-ing miyembro ng pagkakataong mas makilala ang Executive Board, ang mga responsibilidad at mga behind-the-scenes ng limang of-ficers. Natutulungan nito ang mga transitters na makapagnilay kung nais nilang tumakbo para sa isang posisyon.

LMP: transit

(NOVEMBER 23) Ang program na ito ay nagkaloob ng technical skills para sa mga Gabayano kung paano gumamit ng Photoshop na siyang nakatulong sa paggawa ng mga propa para sa mga proyekto.

LMP: PHOTOSHOP TRAINING

(NOVEMBER 28) Acads, org, extra-curricular activities: paano nga ba mababa-lanse? Sa tulong ng acad session at ng mga piling tagapagsalita (Gio Alejo ng Sanggu at Mark Calano ng Philo Dept.), nagawang maghatid ng kalinawan at mga pamamaraan sa kung paano nga ba mababalanse ang mga ito.

equilibrium:acad session

(NOVEMBER 30- DECEMBER) "Magandang gabi po! Kami po ang GABAAY!" 23 gabi ng pag-awit at pagdadala ng saya ng Kapaskuhan na siya ring nagbigay ng sapat na pondo para sa pag-papatuloy ng organisasyon!

caroling nights

2012

lMP

Page 16: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

16 Sinta

(DECEMBER 8) Ang amazing race ng mga Angkan! Isang karerang puno ng surpresa sa bawat istasyon. Sa huli, nagtipon ang lahat ang pagsasa-ma-sama ang siyang naging susi sa huling bahagi.

angkan race

(DECEMBER 14) Feliciudad! Pasko sa ciu-dad! Isang gabi ng saya at pag-bibigayan. Mas pinasaya ito ng Mr. and Ms. Gabay at ang tagisan ng bawat Angkan sa kanilang pagpa-pamalas ng husay at talento.

Christmas Party

(DECEMBER 17) Kaagapay ang ACIL, binig-yang ng pakakataon ang miyem-bro na nagnanais tumakbo para sa isang posisyon na makapagnilay sa kung ano nga ba ang gusto nilang tunguhin. Nagsilbi ring itong culmination ng Transit Program.

lmp: pre-discernment talk

(DECEMBER 21-22) Bilang pangwakas sa Car-oling season, nagkaroon ng isang salu-salo para sa mga carolers at binigyang parangal ang nag-pamalas ng kahusayan at mga tumatak sa halos isang buwan ng awitan at pagdadala ng saya ng Pasko!

Carolers' dawn

2013

(JANUARY 11) Sa tulong ng mga pinag-pipitagang mga tagapagsalita, mas napalalim ang pagkakaintindi ng mga miyembro sa kung ano nga ba cybercrime law at ang mga magagawa nito sa lipunan.

kapihan session

(JANUARY 14-18) Isang Linggo ng kwentu-han at kamustahan kasama ang sampung miyembro ng ExeCom. Nagkaroon din ng member delib-eration at pagtugon sa ilang mga bagay na ibinagi sa mga consulta-tion.

midsem ic

(JANUARY 21-FEBRUARY 5) Ang paghalal sa susunod na ExeCom ng Gabay (na kilala na natin ngayon bilang TARGET). Na-hati ang elections sa EB at Council na binuo ng nominasyon, pagpa-pasa ng plataporma, miting de avance, at ang mismong eleksyon.

eb and councilelections

(JANUARY 26) Isang Sabado na nilaan para sa mga bata ng Proj.3 at Balanti upang makapagsaya at matuto ng mga bagay liban sa kanilang mga natutunan sa klase at sa Tutoring.

Erya ACP

(FEBRUARY 2) Muling nagtipon-tipon ang mga batch bilang isang pangkat at nagsagupaan sa isang amaz-ing race at quiz bee. Sa tema ng Dragon Ball nakaayon lahat ng mga aktibidades sa nasabing paligsahan.

batch tba:dragonball G

Page 17: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

Sinta 17

(FEBRUARY 6-15) Isa sa mga huling aktibi-dades ng Angkan, nagpagalingan naman ang apat na pangkat sa paghawak ng dalawang araw na binubuno ng mga palaro, pagkain, at kung ano pa mang makapaghahatid saya sa mga Gabayano.

ANGKAN HOSTING DAYS

(FEBRUARY 16) Ito ang nagsilbing culmia-tion ng buong Erya Program para sa taong ito. Pinagkalooban ng parangal ang mga nagpamalas ng husay at galing sa iba't ibang aspeto na nagmula sa dalawang paaralan (Balanti at Proj.3). Nagka-roon din ng inspirational talk mula kay Ken Abante (2012 Valedicto-rian) at isang campus tour.

erya graduation

(FEBRUARY 15) Isang session na nagtam-pok sa isang documentary na nag-tampok sa kalagayan ng maram-ing kabataan, na sinundan pa ng pagbabahagian sa tulong ng mga speakers mula sa I-Witness Team, Teach for Philippines , at Public Policy Professional on Basic Educa-tion Reform.

lente 2013: alkansya

(FEBRUARY 27) Isang film showing na itintampok ang gawang pelikula ng SF committee na pinamagatang Muli. Sinundan ito ng isang syn-thesis na pinamunuan ni Bro. Mark Puruganan at ng paggawad ng parangal sa mga taong nagpama-las ng husay at lubos na tumatak sa Chill Program.

DWKJ Presents: Muli

(MARCH 1) Isang gabi ng sayahang hatid ng SA Committee. Salu-salo, raffle, awarding, at pagpapakilala sa mga bagong ExeCom - ilan lamang iyan sa mga natampok sa gabing ito. Nagsilbi rin itong Last GA ng organisasyon. Isang angkop na pagtatapos sa ika-36 na taon ng pagtataya!

supernova:year-end party

supernova

Ilan lamang ito sa mga naganapsa isang semestre ng pagtataya ng mga Gabayano. Sa lahat ng pinasamahan at paglilingkod na ibinahagi,salamat sa inyong lahat! Para sa patuloy na pagtataya!

Page 18: Yabag 2013, Vol 4: Sinta

18 Sinta