Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N...

12
COUNTY NG ALAMEDA C A L I F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante Espesyal na Halalan sa Piedmont Unified School District Martes, lka-5 ng Marso, 2013 ANG MGA LUGAR NG BOTOHAN AY MAGBUBUKAS NG IKA-7 NG UMAGA AT MAGSASARA NG IKA-8 NG GABI BABALA: ANG LUGAR NG IYONG BOTOHAN AY MAAARING NABAGO TINGNAN ANG LIKOD NA PAHINA PARA SA LUGAR NG BOTOHAN AT PAGHILING NG BALOTA SA PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO MARKAHAN NA AT DALHIN ANG HALIMBAWANG BALOTANG ITO SA LUGAR NG BOTOHAN PARA HINDI MAANTALA 001

Transcript of Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N...

Page 1: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

COUNTY NG ALAMEDAC

A L I F O R N I A

CO

UNTY OF ALAM

ED

A

Halimbawang Balota At Librito NgImpormasyon Para Sa Botante

Espesyal na Halalan sa Piedmont Unified School District

Martes, lka-5 ng Marso, 2013

ANG MGA LUGAR NG BOTOHAN AY MAGBUBUKAS NG IKA-7 NG UMAGA AT MAGSASARA NG IKA-8 NG GABI

BABALA: ANG LUGAR NG IYONG BOTOHAN AY MAAARING NABAGO

TINGNAN ANG LIKOD NA PAHINA PARA SA LUGAR NG BOTOHAN ATPAGHILING NG BALOTA SA PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

MARKAHAN NA AT DALHIN ANG HALIMBAWANG BALOTANG ITO SA LUGAR NG BOTOHAN PARA HINDI MAANTALA

001

Page 2: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

~ MGA INSTRUKSIYON KUNG PAANO MABIBILANG ANG IYONG BOTO ~

BUMOTO AT IBALIK ANG IYONG BALOTA NG MAAGA

Ang mga balota ay dapat nasa tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa lugar ng botohan sa County ng Alameda ng hindi lalampas ng ika-8 ng gabi sa Marso 5, 2013

Ipadala ang iyong balota sa/o bago Pebrero 28, 2013 upang makatiyak na ito ay matanggap sa oras at maproseso. Ang mga balota ay maaaring ibalik saan mang lugar ng botohan o sa tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Alameda mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan

s m t w th f s

28

PEBRERO

Sundin Ang Mga Madaling Hakbang Na Ito Upang Matiyak Na Mabibilang Ang Iyong Boto: ØGumamit Lamang ng itim o asul na panulat

ØPara bumoto sa panukala, Ganap na ikonekta ang arrow na tumuturo sa “OO” o “HINDI” na iyong pinili

ØTiyaking malinaw na minarkahan ang iyong balota

Ipinapakita sa ibaba ang mga halimbawa ng mga pagkakamali sa pagmamarka ng balota.

Maling Paraan

oo

1

Tamang Paraan:Ikonekta ang arrow tulad ng ipinapakita

Dapat ba na ang bawat nakarehistrong botante ay kinakailangang bumoto sa bawat halalan?

PARA BUMOTO: Ganap na ikonekta ang arrow na tumuturo sa iyong pinili

OO

HINDI

MGA PANUKALANG ISINUMITESA MGA BOTANTE

Page 3: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

Ang mga sumusunod na pahina ay maaaring maglaman ng: IMPORMASYON SA PANUKALA

BISITAHIN ANG AMING WEBSITE: WWW.ACGOV.ORG/ROV Kung may mga tanong tungkol sa pamamaraan sa pagboto, tumawag sa (510) 267-8683

Ang Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa Alameda County ay nagsisikap gawin ang lahat para humanap ng mga accessible na lugar ng botohan tuwing halalan. Ang accessibility ng iyong lugar ng botohan ay ipinapakita sa likurang pabalat ng Librito ng Impormasyon para sa Botante na ito sa pamamagitan ng mga salitang, “YES” at “NO” na nakasulat sa ibaba ng simbolo ng disability

Para sa mga katanungan tungkol sa accessibility ng iyong lugar ng botohan, tumawag sa (510) 383-1717. Para sa lokasyon ng iyong lugar ng botohan, tumawag sa aming 24-oras na numero sa (510) 267-8683. Iba pang mga paraan kung paano mo maaaring ipatala ang iyong balota kung ang iyong lugar ng botohan ay hindi accessible:

HUMILING NG BUMOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO NA BALOTA Kahit sinong botante ay maaaring humiling ng bomoto sa pamamagitan ng koreo na balota. Para maging permanente na bumoto sa pamamagitan ng koreo na botante, tumawag sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa (510) 272-6973 o bisitahin ang aming website sa: www.acgov.org/rov

HUMILING NG ALTERNATIBANG ACCESSIBLE NA LUGAR NG BOTOHAN Ang botante na hindi makapasok sa kanyang lugar ng botohan dahil hindi ito accessible, ay maaaring humiling ng accessible na lugar ng botohan sa pagtawag sa (510) 272-6971 hindi lalampas sa dalawang linggo bago ang halalan.

BUMOTO SA CURBSIDE Maaaring humiling ng papel na balota para dalhin sa iyo sa labas ng iyong lugar ng botohan. Dadalhin sa iyo ng manggagawa sa botohan ang balota at pagkatapos mong bumoto, ilalagay nya ito sa kahon ng balota

TTY (510) 208-4967

LIBRITO NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

IMPORMASYON PARA SA MGA BOTANTE NA MAY KAPANSANAN

“YES” ang iyong lugar ng botohan ay accessible. “NO” ang iyong lugar ng botohan ay hindi accessible.

MGA PANGANGATWIRAN SUMUSUPORTA SA O SUMASALUNGAT SA IMINUNGKAHING BATAS AY ANG MGA OPINYON NG MGA MAY-AKDA

 

MI-VWD

Page 4: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

1

Trim Trim

PERF

PERF

Trim

PERF

PERF

Trim

Score 1

Score 2

Score

Score

Alameda

RunDate:12/13/2012 15:01:16 aLast Printed:12/14/12

09:31c

Cop

yrig

ht 2

012

DO

MIN

ION

VO

TIN

G

Vers

ion:

80O

ptec

h 3P

E4c

CA01-1--0001280100-1-T

OFFICIAL BALLOT / OPISYAL NA BALOTAPIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL ELECTION /

ESPESYAL NA HALALAN SA PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT ALAMEDA COUNTY / COUNTY NG ALAMEDA

MARCH 5, 2013 / IKA-5 NG MARSO, 2013

INSTRUCTIONS TO VOTERS: USE BLACK OR BLUE BALLPOINT PEN ONLY. To vote on any measure, complete the arrow after the word “Yes” or “No.” MGA TAGUBILIN SA MGA BOTANTE: GAMITIN LAMANG ANG ITIM O ASUL NA BALLPOINT NA PANULAT. Para bumoto sa anumang panukala, kumpletuhin ang arrow pagkatapos ng salitang “Oo” o “Hindi.”

280100 BT:1

VOTER DETACH AND KEEP THIS STUB / BOTANTE TANGGALIN AT ITAGO ANG STUB NA ITO PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL ELECTION /

ESPESYAL NA HALALAN SA PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT ALAMEDA COUNTY, MARCH 5, 2013 / COUNTY NG ALAMEDA, / IKA-5 NG MARSO, 2013

280100 (0001)

CA01-1--0001280100-1-T

“To prevent local school funding from expiring and to maintain the quality of Piedmont's schools, to attract, train and retain qualified teachers, to protect programs in math, science and technology, to continue funding for music, visual and performing arts programs, and to keep textbooks and instructional technology up-to-date, shall the

Piedmont Unified School District continue to levy a special tax as specified in the voter pamphlet, with all funds staying in Piedmont to benefit our schools?”

A

“Upang maiwasan na mawalan ng bisa ang pagpopondo sa lokal na paaralan at upang mapanatili ang kalidad ng mga paaralan ng Piedmont, upang makahikayat, makapagsanay at makapagpanatili ng mga kwalipikadong guro, upang maprotektahan ang mga programa sa matematika, agham at teknolohiya, upang maipagpatuloy ang pagpopondo para sa mga programa sa musika, visual arts at sining ng pagtatanghal, at upang mapanatiling napapanahon o makabago ang mga aklat o textbook at teknolohiya sa pagututuro, nararapat ba na ang Piedmont Unified School District ay patuloy na magpataw ng isang espesyal na buwis ayon sa tinukoy sa librito ng botante, kung saan ang lahat ng pondo ay mananatili sa Piedmont upang pakinabangan ng ating mga paaralan?”

SCHOOLPAARALAN

MEASURES SUBMITTED TO THE VOTERSMGA PANUKALANG ISINUMITE SA MGA BOTANTE

YESOO

NOHINDI

1

TrimTrim

PER

F

PER

F

Trim

PER

F

PER

F

Trim

Score 1

Score 2

Score

Score

AlamedaRunDate:12/13/2012 15:01:16 aLast Printed:12/14/1209:31

c Copyright 2012 DOMINION VOTING

Version: 80Optech 3PE4c

CA01-1--0001280100-1-T

OFFIC

IAL B

ALLO

T / OPISYA

L NA

BA

LOTA

PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL ELECTION / ESPESYAL NA HALALAN SA PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT

ALAMEDA COUNTY / COUNTY NG ALAMEDA MARCH 5, 2013 / IKA-5 NG MARSO, 2013

INSTRUCTIONS TO VOTERS: USE BLACK OR BLUE BALLPOINT PEN ONLY. To vote on any measure, complete the arrow after the word “Yes” or “No.” MGA TAGUBILIN SA MGA BOTANTE: GAMITIN LAMANG ANG ITIM O ASUL NA BALLPOINT NA PANULAT. Para bumoto sa anumang panukala, kumpletuhin ang arrow pagkatapos ng salitang “Oo” o “Hindi.”

280100 BT:1

VOTER

DETA

CH

AN

D K

EEP THIS STU

B / B

OTA

NTE TA

NG

GA

LIN A

T ITAG

O A

NG

STUB

NA

ITO

PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL ELECTION / ESPESYAL NA HALALAN SA PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT

ALAMEDA COUNTY, MARCH 5, 2013 / COUNTY NG ALAMEDA, / IKA-5 NG MARSO, 2013

280100(0001)

CA01-1--0001280100-1-T

“To prevent local school funding from expiring and to m

aintain the quality of Piedmont's schools, to attract, train

and retain qualified teachers, to protect programs in math, science and technology, to continue funding for music, visual and performing arts programs, and to keep textbooks and instructional technology up-to-date, shall the

Piedmont Unified School District continue to levy a special tax as specified in the voter pamphlet, with all funds staying in

Piedmont to benefit our schools?”

A

“Upang maiwasan na mawalan ng bisa ang pagpopondo sa lokal na paaralan at upang mapanatili ang kalidad ng mga

paaralan ng Piedmont, upang makahikayat, makapagsanay at m

akapagpanatili ng mga kwalipikadong guro, upang maprotektahan ang mga programa sa matem

atika, agham at teknolohiya, upang maipagpatuloy ang pagpopondo para sa mga programa sa musika, visual arts at sining ng pagtatanghal, at upang mapanatiling napapanahon o makabago ang mga aklat o textbook at teknolohiya sa pagututuro, nararapat ba na ang Piedmont Unified School District ay patuloy na magpataw ng isang espesyal na buwis ayon sa tinukoy sa librito ng botante, kung saan ang lahat ng pondo ay mananatili sa Piedmont upang pakinabangan ng ating mga paaralan?”

SCHOOLPAARALAN

MEASURES SUBMITTED TO THE VOTERSMGA PANUKALANG ISINUMITE SA MGA BOTANTE

YESO

O

NO

HIN

DI

Halim

bawang B

alota

Page 5: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

1

Trim Trim

PERF

PERF

Trim

PERF

PERF

Trim

Score 1

Score 2

Score

Score

Alameda

RunDate:12/13/2012 15:01:16 aLast Printed:12/14/12

09:31c

Cop

yrig

ht 2

012

DO

MIN

ION

VO

TIN

G

Vers

ion:

80O

ptec

h 3P

E4c

CA01-1--0001280100-1-T

OFFICIAL BALLOT / OPISYAL NA BALOTAPIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL ELECTION /

ESPESYAL NA HALALAN SA PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT ALAMEDA COUNTY / COUNTY NG ALAMEDA

MARCH 5, 2013 / IKA-5 NG MARSO, 2013

INSTRUCTIONS TO VOTERS: USE BLACK OR BLUE BALLPOINT PEN ONLY. To vote on any measure, complete the arrow after the word “Yes” or “No.” MGA TAGUBILIN SA MGA BOTANTE: GAMITIN LAMANG ANG ITIM O ASUL NA BALLPOINT NA PANULAT. Para bumoto sa anumang panukala, kumpletuhin ang arrow pagkatapos ng salitang “Oo” o “Hindi.”

280100 BT:1

VOTER DETACH AND KEEP THIS STUB / BOTANTE TANGGALIN AT ITAGO ANG STUB NA ITO PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL ELECTION /

ESPESYAL NA HALALAN SA PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT ALAMEDA COUNTY, MARCH 5, 2013 / COUNTY NG ALAMEDA, / IKA-5 NG MARSO, 2013

280100 (0001)

CA01-1--0001280100-1-T

“To prevent local school funding from expiring and to maintain the quality of Piedmont's schools, to attract, train and retain qualified teachers, to protect programs in math, science and technology, to continue funding for music, visual and performing arts programs, and to keep textbooks and instructional technology up-to-date, shall the

Piedmont Unified School District continue to levy a special tax as specified in the voter pamphlet, with all funds staying in Piedmont to benefit our schools?”

A

“Upang maiwasan na mawalan ng bisa ang pagpopondo sa lokal na paaralan at upang mapanatili ang kalidad ng mga paaralan ng Piedmont, upang makahikayat, makapagsanay at makapagpanatili ng mga kwalipikadong guro, upang maprotektahan ang mga programa sa matematika, agham at teknolohiya, upang maipagpatuloy ang pagpopondo para sa mga programa sa musika, visual arts at sining ng pagtatanghal, at upang mapanatiling napapanahon o makabago ang mga aklat o textbook at teknolohiya sa pagututuro, nararapat ba na ang Piedmont Unified School District ay patuloy na magpataw ng isang espesyal na buwis ayon sa tinukoy sa librito ng botante, kung saan ang lahat ng pondo ay mananatili sa Piedmont upang pakinabangan ng ating mga paaralan?”

SCHOOLPAARALAN

MEASURES SUBMITTED TO THE VOTERSMGA PANUKALANG ISINUMITE SA MGA BOTANTE

YESOO

NOHINDI

Halim

bawang B

alota

Page 6: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

PSMA-1

“Upang maiwasan na mawalan ng bisa ang pagpopondo sa lokal na paaralan at upang mapanatili

ang kalidad ng mga paaralan ng Piedmont, upang makahikayat, makapagsanay at makapagpanatili ng mga kuwalipikadong guro, upang maprotektahan ang mga programa sa matematika, agham at teknolohiya, upang maipagpatuloy ang pagpopondo para sa mga programa sa musika, visual arts at sining ng pagtatanghal, at upang mapanatiling napapanahon o makabago ang mga aklat o textbook at teknolohiya sa pagtuturo, nararapat ba na ang Piedmont Unified School District ay patuloy na magpataw ng isang espesyal na buwis ayon sa tinukoy sa librito ng botante, kung saan ang lahat ng pondo ay mananatili sa Piedmont upang pakinabangan ng ating mga paaralan?”

PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT PANUKALA A

A OO

HINDI

WALANG PINAPANIGANG PAGSUSURI NG ABUGADONG TAGAPAYO NG COUNTY SA

PANUKALA APAGSUSURI NG ABUGADONG TAGAPAYO NG

COUNTY NG ALAMEDA SA PANUKALANG ESPESYAL NA BUWIS SA PARSELA SA

PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT Ang Panukala A, isang panukala ukol sa espesyal na buwis sa parsela sa Piedmont Unified School District (“Distrito”), ay naghahanap ng pag-apruba ng botante upang maawtorisahan ang Distrito na magpataw ng walong taong espesyal na buwis sa parsela sa halagang itinakda sa panukala sa bawat parsela ng tagapagtasa simula Hulyo 1, 2013, upang pondohan ang mga programang itinakda sa panukala. Ang mga botante ng Distrito ay dati nang nagpahintulot ng isang pagtatasa ng espesyal na buwis sa parsela sa iba’t ibang antas, na mawawalan ng bisa sa Hunyo 30, 2014. Papalitan ng panukalang ito ang mga naturang iba’t-ibang antas ng buwis sa flat rate na antas ng buwis, at magpapahaba sa pagtatasa ng espesyal na buwis sa parsela hanggang Hunyo 30, 2021. Ang isang distrito ng paaralan ay may kapangyarihang magpataw ng mga espesyal na buwis kapag naaprubahan ng dalawa sa bawat tatlo o 2/3 ng mga botong makukuha para sa mungkahing espesyal na buwis. (Tingnan ang Cal. Const. Art. XIII A, § 4; Art. XIII C, §2; Kodigo ng Pamahalaan ng California §§ 50075-50077, 50079, at 53722.) Kung ang dalawa sa bawat tatlong kuwalipikadong manghahalal o 2/3 na bumoboto sa panukalang ito ay boboto para sa pag-apruba, ang kita sa buwis mula sa pagpopondo ay gagamitin para sa mga tinukoy na layuning itinakda sa buong teksto ng panukala na nakalimbag sa halimbawang balotang ito. Kabilang sa mga layunin, pero hindi limitado sa, ang: pagkuha ng guro, pagsasanay at pagpapanatili ng guro; pagpapanatili na nakapanahon at makabago ang mga aklat at ang teknolohiya sa pagtuturo; pagpoprotekta sa mga programa ng matematika, agham at teknolohiya;

at pagpopondo ng mga programa ng musika, visual arts at sining ng pagtatanghal. Ang mga perang nakolekta ay hiwalay na tutuusin at gagastusin para lamang sa mga naturang tinukoy na layunin. Kung papasa ang panukala, ang espesyal na buwis ay tatasahin sa antas na $2,406.00 kada parsela. Aalamin ng Lupon ng Edukasyon (“Lupon”) taun-taon ang halaga ng ipapataw na buwis para sa susunod na taon ng pananalapi nang hanggang sa pinapayagang antas. Sa taunang batayan, maaaring taasan ng Lupon ang pinakamataas na pinapayagang halaga nang hanggang sa 2% mula sa nakaraang taon. Bilang bahagi ng taunang proseso ng badyet, aalamin ng Lupon ang kabuuang halaga ng espesyal na buwis at ang natasang antas nito ayon sa binalangkas sa panukala na nakalimbag sa halimbawang balotang ito. Ang mga panukala ng Kodigo ng Pamahalaan ng California na nasa seksyon 50075.1 at 50075.3 ukol sa pagkakaroon ng pananagutan ay gagamitin sa mga espesyal na buwis na ipinataw sa ilalim ng panukalang ito. Ang buwis ay kokolektahin ng Ingat-Yaman na Kolektor ng Buwis ng County ng Alameda sa kasabay na panahon at sa katulad na pamamaraang ang mga ad valorem na buwis sa ari-arian ay kinokolekta. Ang mga may-ari ng bahay na nakatira sa kanilang mga ari-arian at nagkuwalipika para sa Karagdagang Kita para sa Seguridad (Supplemental Security Income o SSI) ay maaaring hindi na isali. Ang mga indibidwal na naghahanap ng naturang iksemsyon ay kailangang magpatala sa Distrito sa o bago sumapit ang Hulyo 1 ng bawa’t binubuwisang taon. Kung dalawa sa bawat tatlong kuwalipikadong manghahalal o 2/3 na bumoboto sa panukalang ito ay hindi boboto ng para sa pag-apruba, ang panukala ay hindi magtatagumpay, at ang dati nang naaprubahang pagtatasa ng espesyal na buwis sa iba’t-ibang antas ay magpapatuloy hanggang Hunyo 30, 2014.

s/ DONNA R. ZIEGLER Abugadong Tagapayo ng County

Ang pangungusap sa itaas ay isang walang pinapanigang pagsusuri ng Panukala A, na nakalimbag ng buo sa halimbawang balota at libritong ito. Kung gusto ninyo ng karagdagang kopya ng panukala, tumawag sa tanggapan ng Opisyal ng Halalan sa (510) 272-6933 at ang isang kopya ay ipapadala sa inyo sa koreo ng libre. Maaari rin ninyong i-akses ang buong teksto ng panukala sa website ng County ng Alameda sa sumusunod na adres: www.acgov.org/rov.

Page 7: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA AAng mga paaralan ng Piedmont ay kasama sa mga pinakamahusay sa California. Ang magagaling na mga guro, mapanghamon na mga programa at suporta mula sa mga magulang at ng komunidad ay nakakatulong sa pagkamit ng mataas na tagumpay ng estudyante. Mula pa noong 1985, ang mga paaralan ng Piedmont ay nakinabang mula sa matatag na pagpopondong ibinibigay ng ating buwis sa parsela ng paaralan. Ang buwis sa parsela ay awtomatikong mawawalan ng bisa sa takdang panahon. Muli itong pinahintulutan ng mga botante ng Piedmont noong 1989, 1993, 1997, 2001, 2005 at 2009. Ngayon, ang buwis sa parsela ay nakatakda na namang mawalan ng bisa.Ang Panukala A ay nagbibigay ng halos $9.5 milyon sa taunang pagpopondo para sa mga paaralan ng Piedmont – 30% ng badyet ng paaralan. Ito ay katumbas ng 100 guro o 60 araw ng pagtuturo. Kung hindi magtatagumpay ang Panukala A, bawa’t silid-aralan sa Piedmont ay maaapektuhan. Matatanggal sa trabaho ang mga guro, lalaki ang bilang ng mga klase, at maraming mga programa sa pagtuturo ang aalisin.Ayon sa iniaatas na desisyon ng hukuman ang Panukala A ay nagtatakda ng isang pirmihang halaga kada parsela. Noong nakaraan, inaprubahan ng mga botante ang isang taunang pagtaas ng hanggang sa 5%. Lilimitahan ng panukalang ito ang posibleng taunang pagtaas na hindi hihigit sa 2%.Bawat sentimo mula sa Panukala A ay mananatili sa Piedmont upang pakinabangan ng ating mga paaralan at hindi makukuha ng Estado.Ang Panukala A ay hindi magpapalawak sa programang pang-edukasyon, subali’t magpapatuloy ng matatag na lokal na pagpopondo para sa mga komprehensibong programa para sa sining ng wika, matematika, agham at ang mga sining.Mahalaga ang Panukala A upang patuloy na manghikayat, sanayin at panatilihin ang pinakamahusay na mga guro.Pananatilihin ng Panukala A na mas maliit ang laki ng mga klase, mapapanatili ang mga kursong AP na nakakatulong sa mga estudyante na maging karapat-dapat na pumasok sa mga pinakamahusay na kolehiyo, protektahan ang mga serbisyo sa pagpapayo at panatilihin ang mahalagang mga programang akademiko.Ang mga magagaling na paaralan ay tumutulong sa pagtaas ng halaga ng mga ari-arian sa Piedmont. May mga anak man kayo na pumapasok sa mga paaralan o wala, ang Panukala A ay isang magandang puhunan sa ating komunidad at sa mga bata dito.Tulungan po ninyo kami na mapanatili ang mataas na kalidad ng mga paaralan sa Piedmont. Mangyaring bumoto ng OO. s/ Richard Raushenbush

Presidente ng Piedmont Board of Educations/ Nancy McHugh

Presidente, Piedmont Educational Foundation s/ Dana Copeland

Presidente, Associated Parent Clubs of Piedmont (APCP)s/ Jon Elliott

Unang Tagapangulo ng School Parcel Tax Citizens Advisory Committee (CAC)]

s/ Sue Kawaichi Dating Miyembro at Presidente ng Piedmont Board of Education

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA A

Sinusuportahan namin ang mahuhusay na mga paaralan ng Piedmont. Gusto naming magpatuloy ang mga iyon at umunlad at handa kaming bayaran ang mga iyon ng makabuluhang mga buwis. Ngunit, ang halaga ng itataas ng buwis ay kinakailangang patas at gagastusin sa matalinong pamamaraan. Inaalis ng Panukala A ang independiyenteng magbabantay na komite, at sa halip, ay nagmumungkahi ng isang nakapailalim na komite na itinalaga ng mismong Lupon ng Paaralan na siya mismong babantayan. Mali iyon.Ang Panukala B, ang kasalukuyang buwis para sa paaralan, ay magpapatuloy hanggang 2014. May panahon pa upang iwasto ang kasunod na panukalang buwis. Bakit masyadong nagmamadali ang Lupon ng Paaralan sa pagpupumilit ng isang mungkahing buwis na hindi naman maayos ang pagkadisenyo? Ang pagiging patas ng buwis ay isa pang problema. Batid ng mga taga-Piedmont na ang ating mahuhusay na paaralan ay nagpapataas ng halaga ng mga ari-arian. Ang mga may malalaking ari-arian ay mas mataas ang halaga ng binabayarang buwis kaysa sa mga may maliliit na ari-arian. Ang flat rate sa Panukala A ay nagresulta sa mas maliliit na parsela na nagbabayad ng hanggang 80 beses na mas malaki kada kuwadradong talampakan kaysa sa mas malalaking parsela. Ang buwis ay dapat na ipataw sa kada isang kuwadradong talampakang parsela at/o sa batayang may nakatira ba rito o wala. Ang naturan ay magiging patas at pare-pareho.Ang mga nangungunang distrito ng paaralan na maihahambing sa Piedmont ay nagkakaloob ng iksemsyon sa mga nakatatanda. Ang Panukala A ay hindi. Lilikha ito ng isang hindi mapaninindigang pahirap para sa mga nakatatandang taga-Piedmont na may limitadong mga kita.Kung bibigyan pa ng maraming panahon, isang patas na buwis na may malakas na tagapagbantay at iksemsyon sa mga nakatatanda ang mabubuo upang pondohan ang mahuhusay na mga paaralan ng Piedmont. Ang Panukala B ay hindi mawawalan ng bisa hanggang 2014. Bumoto ng HINDI ngayon, upang makaboto tayo ng OO kapag mayroon ng isang mas mabuting buwis na iminumungkahi. s/ James P. McCrea

May-ari ng Bahay sa Piedmont s/ Gregory Jurin

Residente ng Piedmont s/ George D. Childs Jr.

Nagmamalasakit na Mamamayans/ Aaron Salloway

May-ari ng Bahay sa Piedmont s/ Bruce Joffe

Nagmamalasakit na Mamamayan

PSMA-2

Page 8: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

PSMA-3

PANGANGATWIRAN LABAN SA PANUKALA A Kami na mga taga-Piedmont ay malugod na magbabayad ng karagdagan pa para sa mga paaralan, at ang maipagmamalaking resulta ay ang mga mahusay na mga paaralan. Gayunpaman, walang ibang komunidad ang may buwis ng paaralan na malapit sa $2406 na kada parselang halaga ng Panukala A. Kung isasaalang-alang ang mataas na halaga, kailangan ang isang patas at progresibong buwis. Magagawa ito at maibibigay ang hinihinging $9,500,000. Kasama ng 2% na dagdag, ang mga may-ari ng bahay ay hinihingian ng $20,651 sa loob ng 8 taon. Nakasalalay ang mabigat na pinansyal na pasaning ito sa mga may-ari ng maliliit na ari-arian. Ang pinakamatindi dito, ang may-ari ng isang maliit na lote ay magbabayad ng higit sa 80 beses sa bawat isang kwadradong talampakan kaysa sa binabayaran ng may-ari ng pinakamalaking lote. Karamihan na kasama sa mga maliit na lote ang mga nakatatandang may pirmihang kita o fixed income na mas nangangailangang hindi na maisali pa sa pinakamataas na buwis ng estado sa paaralan. Ang pirmihang buwis sa parsela ay paurong, isang pasulong na buwis ang kailangan. Dahil sa ang mga mahuhusay na paaralan ay nakakadagdag sa halaga ng mga ari-arian, ang pinakapatas na solusyon ay isang buwis ayon sa lugar na tinitirahan na kasalukuyang pinahihintulutan para sa mga Kolehiyo ng Komunidad sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaan 50079.1. Ang Piedmont Unified School District ay dapat na makipagtulungan sa ibang mga distrito na apektado ng desisyon ng Hukuman ng Apela sa kasong Borikas v. Alameda Unified School District upang magsagawa ng mga maliit na pambatasang pagbabago na kinakailangan para sa buwis sa kada kwadradong talampakan ayon sa laki ng lugar na tinitirahan. Kasama ang iksemsyon para sa mga nakatatanda sa lahat ng mga nangungunang mga distrito ng paaralan sa California na may suportang buwis sa paaralan. Sa ating rehiyon, karamihan sa mga distrito ng paaralan ay may kasama na iksemsyon para sa mga nakatatanda. Ang Piedmont ay walang iksemsyon para sa mga nakatatanda at dapat mayroon nito. Ang iminumungkahi na iksemsyong SSI para sa mga nakatatanda na may mababang kita ay walang kabuluhan sa Piedmont. Isang tunay na malayang komite ng mga mamamayang nagbabantay ang kailangang isama sa iminumungkahing buwis; sa kasalukuyan, ay wala. Ang mga paaralan ng Piedmont ay mahalagang bahagi ng ating mahusay na komunidad; panatilihin natin itong ganito, nguni’t sa patas na pamamaraan. BUMOTO NG HINDI sa PANUKALA A. Sa halip, bumoto tayo sa Nobyembre ng isang buwis na patas, ganap na mababantayan ng mamamayan at may makabuluhang iksemsyon para sa mga nakatatanda. s/ James P. McCrea

May-ari ng Bahay sa Piedmonts/ Gregory Jurin

Residente ng Piedmonts/ George D. Childs, Jr.

Nagmamalasakit na Mamamayans/ Aaron Salloway

May-ari ng Bahay sa Piedmonts/ Bruce Joffe

Nagmamalasakit na Mamamayan

SAGOT SA PANGANGATWIRAN LABAN SA PANUKALA A

Huwag magkamali, kung ang Panukala A ay hindi magtatagumpay at ang kasalukuyan nating buwis sa parsela para sa paaralan ay mawawalan ng bisa, isa sa bawat tatlong dolyar na kasalukuyang sumusuporta sa ating mga paaralan ay mawawala. Ang boto na hindi ay mangangahulugan na: • Karamihan sa mga guro ay matatanggal sa trabaho • Madadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase • Ang mga pinagdalubhasaang pagtuturo para sa matematika,

agham, pagbasa at pagsulat ay mababawasan. • Maraming mga kursong mawawala para sa pagpaparangal at

paglalagay sa trabaho na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na makapasok sa mahuhusay na kolehiyo.

• Mababawasan ang mga tagapayo ng paaralan at mga katiwala ng aklatanAng mga pagbabawas na ganito kalaki ay ganap na makakasira sa mga paaralan ng Piedmont. Ang isang kamakailan na desisyon sa isang Apela sa Hukuman ay nag-atas sa Piedmont na baguhin ang ating kasalukuyang buwis sa parsela na umiiral na sa loob ng 27 taon. Iniaatas ng desisyon ng hukuman na baguhin ng distrito ng paaralan ang kasalukuyang buwis upang ang lahat ng mga nagmamay-ari ng ari-arian sa Piedmont ay magbayad ng magkakatulad na antas, patas at simple. Sa loob ng halos tatlong dekada, ang mga residente ng Piedmont ay nakapamuhunan na sa pagpapahusay ng ating distrito ng paaralan. Sa ngayon, itinuturing ito na kasama sa mga pinakamahuhusay sa estado. Lumilipat ang mga tao sa Piedmont para sa mga paaralan at ang pagtaas ng halaga ng mga bahay ay isang direktang resulta ng pagkakaroon natin ng de-kalidad na mga paaralan. Ang distrito ay nakapagsagawa na ng mga malalaking pagbabawas sa badyet. Pinanatili ng Panukala A ang kasalukuyang pinakamababang pagpopondo na kailangan upang makapagkaloob ng pinakamahusay na edukasyong inaasahan ng mga taga-Piedmont. Huli sa lahat, pawang mga pagkakamali lamang ang pagka-intindi ng mga kalaban sa mga katotohanan. Libre sa Panukala A ang mga nakatatandang may mababang kita. Isang independiyenteng komite na tagapagbantay ang kinakailangan. Walang pagbabatas na nakabinbin o inaasahan na magpapahintulot ng isang kakaibang kaayusan.May mga anak man kayo o wala sa mga paaralan, ang Panukala A ay isang mahusay na pamumuhunan sa ating komunidad.Mangyari lamang na bomoto ng Oo.

s/ Tamra C. Hege 40-taong Residente, Dating Miyembro ng Lupon ng Edukasyon ng Piedmont

s/ Ann Trutner 57-taong Residente, Dating Miyembro ng Lupon ng Edukasyon ng Piedmont

s/ Bill Drum 40-taong Residente

s/ Sue Smegal Dating Miyembro ng Lupon ng Edukasyon ng Piedmont

s/ Wesley J. Smith Residente ng Piedmont simula pa noong 1978

Page 9: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

KABUUANG TEKSTO NG PANUKALA A SUPORTANG BUWIS SA PAARALAN NG

PIEDMONTAng Panukalang ito ay maaaring kilalanin at tukuying “Suportang Buwis sa Paaralan”, o bilang Panukala “A”.Upang maiwasan na mawalan ng bisa ang pagpopondo sa lokal na paaralan at upang mapanatili ang kalidad ng mga paaralan ng Piedmont, upang manghikayat, sanayin at makapagpanatili ng mga kuwalipikadong guro, upang maprotektahan ang mga programa sa matematika, agham at teknolohiya, upang maipagpatuloy ang pagpopondo para sa mga programa sa musika, visual arts at sining ng pagtatanghal, at upang mapanatiling napapanahon o makabago ang mga aklat o textbook at teknolohiya sa pagututuro, nararapat ba na ang Piedmont Unified School District ay patuloy na magpataw ng espesyal na buwis ayon sa nakasaad sa librito ng botante, kung saan ang lahat ng pondo ay mananatili sa Piedmont upang pakinabangan ng ating mga paaralan? LAYUNINSa loob ng higit sa isang henerasyon, ang mga residente ng Distrito ay nakapag-apruba ng mga buwis sa parsela upang suportahan ang mga programa para sa mga estudyante sa mga paaralan ng Piedmont. Ang mga buwis sa parsela ay nakapagpahintulot sa Distrito upang magtatag at magpanatili ng isang ganap na hanay ng mga pang-edukasyong maipagkakaloob sa mga estudyante, kasama na ang visual arts, sining ng pagtatanghal at musika, pati na ang mga komprehensibong programa sa matematika, agham at teknolohiya. Ang lalim at sakop ng mga programang ito ay nakapagsuporta sa pagkamit ng estudyante at sa paghahanda para sa tagumpay pagkatapos na makapagtapos. Ang mga iskor na nakamit ng mga estudyante ay napabilang sa mga pinakamahuhusay sa Estado at ang mga estudyante ay natanggap sa, at naging matagumpay sa, napakagagaling na mga kolehiyo at unibersidad. Ang mga buwis sa parsela ay napatunayang kailangang-kailangan sa pinansyal na kalusugan ng Distrito, kasalukuyang nagbibigay ng higit sa isang ikatlong porsiyento ng mga kabuuang kita ng Distrito.Ang layunin ng Panukala “A” ay ituloy ang tradisyon ng suporta sa isang panukala na may walong (8) taong termino, na magbibigay sa Distrito at sa mga nagbabayad ng buwis ng parehong katatagan sa at pagkamahuhulaan ng basehang suportang buwis sa parsela. Ang iminumungkahing buwis sa parsela ay tatawagin na “Ang Suportang Buwis sa Paaralan”. Papalitan nito ang lokal na pagpopondo na inaprubahan ng mga botante ng Distrito noong Hunyo 2, 2009, bilang Panukala “B”, na kung hindi ma’y mawawalan ng bisa sa Hulyo 1, 2014. Ang Panukala “A” na ito ang papalit sa pabagu-bagong antas ng buwis na nakita sa Panukala “B”, na may tiyak na buwis upang makasunod sa mga kamakailan lamang na mga pagbabago sa batas ng kaso. Pipigilin ng Panukalang ito na mawalan ng bisa ang kasalukuyang umiiral na pagpopondo sa paaralan sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng lokal na kita mula sa buwis na hindi makukuha ng Estado at magpapanatili ng napakahusay na kalidad ng pampublikong edukasyon sa pamamagitan ng panghihikayat, pagsasanay at pagpapanatili ng mga kuwalipikadong guro, pagmementina ng maliliit na klase, at pagpoprotekta sa mga programa sa pagtuturo at mga serbisyo, kasama na ang sining at musika, wika ng buong daigdig, maitakda ang pagkakaroon ng mapapasukang trabaho nang mas maaga, mga aklatan sa paaralan, teknolohiya sa

silid-aralan at pagpapayo sa estudyante.Ang Lupon ng Edukasyon ang magpopondo sa mga programa at mga layuning nakasaad sa itaas at maliban kung mapag-alaman nito na sa anumang ibinigay na taon na ang pagbabago sa populasyon ng estudyante, mga hadlang sa pananalapi o iba pang mga pagbabago sa pagpopondo ng Estado at Pederal na gagawin ay hindi praktikal at nirerekomenda. Ano man ang mangyari, ang Lupon ng Edukasyon ay hindi magpopondo ng anumang programa, layunin, o pagbabawas, maliban sa mga nakasaad sa itaas, mula sa mga kinita ng mga espesyal na buwis.Ang Suportang Buwis sa Paaralan ay magkakabisa, simula sa Hulyo 1, 2013, sa antas na ipinakita sa ibaba sa bawat parsela ng tagatasa na nakapaloob ng ganap o bahagi lamang sa mga hangganan ng Piedmont Unified School District, at magtatapos sa Hunyo 30, 2021.MGA PAMAMARAAN NG PANANAGUTAN (a) Taunang Pagdinig sa Buwis: Ang Lupon ng Edukasyon ay mamamahala ng nagpapatuloy na buwis na ito nang may katapatan at paglahok ng komunidad na naipakita nito noon. Bawa’t taon, bilang bahagi ng taunang proseso ng pagpapatibay ng badyet, ang Lupon ay una munang magdedetermina ng kabuuang halaga ng mga gastusing kailangan upang makapagbigay ng magaling na programang pang-edukasyon, kasama na ang mga natatanging serbisyo at mga programa na dinetalye sa itaas, at ibabawas mula doon ang inaasahang kita na kokolektahin mula sa mga iba pang pagkukunang espesyal na buwis na ito. (b) Determinasyon ng Ipapataw na Buwis: Ang diperensiya, kung mayroon man, sa pagitan ng halaga ng mga programa at ng pagpopondo mula sa iba pang mga mapagkukunan ay magiging ang pinakamalaking halaga ng mga pondo na makukuha mula sa buwis na inawtorisahan ng Panukala na ito para sa naturang taon. Kung ang mga kailangang pondo ay nagturan na ang mga pinakamatataas na antas na naitakda ay hindi kailangan, babawasan ng Lupon ng Edukasyon ang mga naturang antas nang naaayon sa tamang proposyon upang tanging ang mga kailangang halaga lamang ang makalap. (c) Pabatid ng Pagdinig sa Buwis: Bago ang pagpapataw ng espesyal na buwis sa anumang ibinigay na taon, ang Lupon ng Edukasyon ay magsasagawa ng isang pampublikong pagdinig ukol sa bagay na ito. Ang Pabatid ukol sa oras, petsa, at lugar ng pagdinig ay ilalathala alinsunod sa seksyon 6061 ng Kodigo ng Pamahalaan nang hindi bababa sa isang beses sa isang pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon sa Distrito at hindi bababa sa labinlimang (15) araw bago ang pagdinig. Kasunod ng pampublikong pagdinig bawa’t taon, ang Lupon ng Edukasyon ay magpapatibay ng isang resolusyon na nagtatatag ng halaga ng buwis na kokolektahin para sa naturang taon at ng antas kada parsela, na hindi lalampas sa mga halagang inisa-isa sa ibaba. Anumang ipinataw na buwis ay magiging isang prenda o lien sa mga ari-arian kung saan ang mga naturang buwis ay tinasa at kokolektahin ayon sa itinakda dito. (d) Mga Iniaatas ng Batas: Alinsunod sa mga iniaatas sa mga seksyon ng Kodigo ng Pamahalaan ng California. 50075.1 at 50075.3, ang mga sumusunod na panukala ukol sa pagkakaroon ng pananagutan, kasama na ang iba pa, ay magagamit sa mga espesyal na buwis na ipinataw alinsunod sa Panukalang ito: (a) ang mga tiniyak na layunin ng espesyal na buwis ay ang mga layuning tinukoy sa itaas; (b) ang mga nakolekta mula sa espesyal na buwis ay magagamit lamang

PSMA-4

Page 10: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

PSMA-5

sa mga tiniyak na layuning tinukoy sa itaas; (c) lilikha ng isang hiwalay at espesyal na account kung saan idedeposito lahat ng nakolektang espesyal na mga buwis; at (d) susulat ng isang taunang ulat para sa Lupon ng Edukasyon na nagpapakita nito (i) ang halaga ng mga pondong nakolekta at ginastos mula sa nakolektang espesyal na buwis at (ii) ang kalagayan ng anumang proyekto o programa na kailangan o may awtorisasyong pondohan gamit ang nakolektang pera mula sa espesyal na mga buwis, tulad ng tinukoy sa itaas, at (iii) rekomendasyon para sa Lupon ng Edukasyon tungkol sa halaga ng perang ipapataw sa buwis para sa susunod na taon. (e) Sub komite sa Pagpapayo ng Suportang Buwis sa Paaralan: Isang taunang nakasulat na ulat ang ihahanda at isusumite sa Sub komite sa Pagpapayo ng Suportang Buwis sa Paaralan (“Sub Komite”) ng Komite sa Pagpapayo sa Buwis [Budget Advisory Committee (“BAC”)]. Lahat ng residente ng Piedmont Unified School District ay maaaring magpatala upang maging miyembro ng BAC sa taunang batayan. Ang mga miyembro ng Sub Komite ay dapat nagmamay-ari ng isang bahay sa komunidad ng Piedmont Unified School District at nagbabayad ng Suportang Buwis sa Paaralan at sa kasalukuyan ay hindi empleyado ng PUSD. Bawat taon, hindi dapat magkaroon ng mababa pa sa tatlo (3) at hindi dapat hihigit sa limang (5) mga boluntaryo na tutukuyin sa Nobyembre ng bawa’t taon para maglingkod sa Sub Komite. Ang Sub Komite ay direktang makikipagtulungan sa Punong Opisyal ng Negosyo sa Distrito para suriin ang mga paggamit ng Suportang Buwis sa Paaralan at mag-uulat sa Lupon ng Edukasyon sa unang pampublikong pagdinig na nagaganap bawa’t taon, para mapag-alaman ang ipapataw na buwis sa susunod na taon. Nangangako ang mga miyembro ng Sub Komite na regular na dadalo sa mga pulong ng BAC. Pagtitibayin ng Lupon ang tinukoy na singil ng Sub komite sa Pagpapayo ng Suportang Buwis sa Paaralan nang hindi lalampas sa Mayo 5, 2013, pagkatapos ng dalawang pampublikong mga pagdinig sa mga Regular na pagpulong ng Lupon ng Paaralan. Ang anumang pagbabago sa singil ng Sub Komite ay mangangailangan ng mga pampublikong pagdinig sa Regular na pagpupulong ng Lupon ng Paaralan at dapat itong aprubahan ng Lupon. PANGANGASIWA NG BUWIS(a) Paraan ng Pagbubuwis: Sasailalim sa dalawa sa kada tatlong pag-apruba ng mga botante, ang mga kuwalipikadong espesyal na buwis ay magkakaroon ng bisa sa Hulyo 1, 2013, at ito ay kokolektahin ng Kolektor ng Buwis ng County ng Alameda sa parehong oras, sa parehong paraan, at sasailalim sa katulad na mga multa bilang pangkalahatang ad valorem na buwis sa mga ari-arian na kinolekta ng nasabing kolektor ng buwis. Ang buwis at ang multa ay magkakaroon ng interes sa kaparehong antas ng antas para sa mga hindi pa bayad na ad valorem na mga buwis sa ari-arian hangga’t hindi bayad.(b) Mga Isyu sa Buwis: Bilang pagsasaalang-alang sa lahat ng pangkalahatang bagay-bagay na may kaugnayan sa buwis sa ari-arian sa loob ng nasasakupan nito, ang Tagapagtasa ng Buwis ng County ng Alameda o iba pang naaangkop na opisyal ng buwis ng County ang siyang gagawa ng lahat ng mga panghuling determinasyon ng mga iksemsyon sa buwis o hindi pa nababayaran sa anumang dahilan, at ang desisyon na iyon ay pinal at iiral. Bilang pagsasaalang-alang sa mga bagay-bagay na tinukoy na may kinalaman sa pagpapataw ng espesyal na buwis, ang mga desisyon ng Distrito ay pinal at iiral. Ang mga pamamaraang inilarawan dito, at anumang

karagdagang pamamaraang itinatag ng Lupon ng Edukasyon, ay siyang magiging ekslusibong pamamaraan para sa mga naghahain na naghahanap ng isang iksemsyon, perang ibabalik, kabawasan, o muling pagkakalkula ng espesyal na buwis. Ang Distritio, sa pakikipag-ugnayan sa County, ang tutukoy kung ang Distrito ba o ang County ang tutukoy sa isyu.(c) Mga Karagdagang Regulasyon: Ang Lupon ng Edukasyon ay maaaring magpatibay ng mga karagdagan o pantulong na pamamaraan kung sa kanyang palagay ay kailangan ito o makapagpapadali sa pangangasiwa ng espesyal na buwis.(d) Mga Iksemsyon sa Buwis sa Parsela: Ang mga nagmamay-ari ng bahay na nakatira sa kanilang ari-arian at kuwalipikado para sa Karagdagang Kita para sa Seguridad o Supplemental Security Income (SSI) ay maaaring hindi na isali. Magagamit ito ng mga bulag o may kapansanan na nasa hustong gulang, may limitadong kita at mapagkukunan, pati na rin sa mga tao na 65 taong gulang at mas matanda na walang kapansanan, na nakatugon sa mga hangganan ng kita na nakasaad sa SSI. Ang mga indibidwal na naghahanap ng nasabing iksemsyon ay dapat magsumite ng isang aplikasyon sa Distrito, kasama na ang katibayan na ang indibidwal ay tinukoy na karapat-dapat para sa SSI ng Administrasyon para sa Panlipunang Seguridad, sa o bago sumapit ang Hulyo 1 ng bawa’t binubuwisang taon. Ang Distrito ay magbibigay ng isang listahan sa Kolektor ng Buwis sa isang taunang batayan, sa o bago ang isang petsang itinakda ng Kolektor ng Buwis ng bawa’t taon, para sa mga parselang inaprubahan ng Distrito para sa Eksempsyon sa SSI, ayon sa inilarawan dito. MGA ANTASTatasahin ang espesyal na buwis sa halagang $2,406, kada parsela.Para sa mga parselang ang pagkakahati ay ayon sa Kodigo ng Buwis sa Lugar, ang bayad para sa bahagi ng parsela na nasa loob ng Piedmont Unified School District ay pareho lamang sa itaas.PAG-AAKMA NG HALAGA NG BUWISTutukuyin ng Lupon, sa isang taunang batayan, ang halaga ng ipapataw na espesyal na buwis sa susunod na piskal na taon, hanggang sa pinakamalaking pinapayagang halagang ipinakita sa itaas. Maaari ring taasan ng Lupon ang pinakamalaking pinapayagang halaga ng singil nang hanggang 2% mula sa nakaraang taon. Kung, sa loob ng anumang taon, pinili ng Lupon na magpataw ng buwis sa halagang mas mababa sa pinakamalaking pinapayagang singil, ito ay maaaring, sa mga susunod na taon, ay patawan ng pinakamataas na pinapayagang antas.PROTEKSYON NG PAGPOPONDOIpinagbabawal ng kasalukuyang batas ang anumang pagbaba sa Pagpopondo ng Estado at Pederal sa Distrito dahil sa pagpapatibay ng Distrito ng isang buwis sa parsela. Gayunpaman, kung ang alinmang naturang mga pondo ay nabawasan dahil sa pagpapatibay ng buwis na ito sa parsela, ang halaga ng mga espesyal na buwis ay mababawasan taun-taon ayon sa kailangan upang maibalik ang naturang Pagpopondo ng Estado at Pederal.

Page 11: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

GALING KAY:

DETACH HERE / SEPARE AQUI / P IL ASIN DITO / XÉ R A Ở ĐÂY /

NAPIRMAHAN MO BA ANG IYONGAPLIKASYON?

PLACE1ST CLASS LETTER

POSTAGESTAMP HERE

REGISTRAR OF VOTERSPO BOX 23340OAKLAND CA 94623-2334

IBC

DETACH HERE / SEPARE AQUI / P IL ASIN DITO / XÉ R A Ở ĐÂY /

Page 12: Y O F ALA M E D A COUNTY NG ALAMEDA C ALIF O R N I · COUNTY NG ALAMEDA C A LI F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante

APLIKASYON PARA SA BALOTA NG PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREOALAMEDA COUNTYREGISTRAR OF VOTERSP.O. BOX 23340OAKLAND, CA 94623-2334

NON-PROFIT ORG.US POSTAGE PAID

PERMIT NO. 29OAKLAND, CAPILASIN DITO

ESPESYAL NA HALALAN SA PIEDMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICTMARTES, IKA-5 NG MARSO, 2013

001

I-mail o ihatid ang aplikasyon na ito direkta sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa County ng Alameda. Ang aplikasyon ay dapat na nasa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng ika-5:00 ng hapon ng Pebrero 26, 2013

PAKI-PRINT ANG PANGALAN AT ADRES NG TIRAHAN (HUWAG GUMAMIT NG P.O. BOX) ADRES NG PANGKOREO PARA SA BALOTA (KUNG IBA SA TIRAHAN)

KALYE O P. O. BOX

LUNSOD ESTADO ZIP

Ako ay nag-papatotoo sa ilalim ng parusa sa pagbibigay ng hindi totoong pahayag sa ilalim ng mga batas ng Estado ng California na ang mga nilalaman ng aking aplikasyon ay tama at totoo.

GU

PITIN

DITO

ANG LUGAR NG IYONG BOTOHAN AY

TO:

PILASIN DITO PILASIN DITO

UNANG PANGALAN GITNANG PANGALAN APELYIDO

NUMERO AT KALYE LUNSOD ZIP CODE (MAGTALAGA HILAGA, TIMOG, SILANGAN, KANLURAN)

XPIRMA O LAGDA NG APLIKANTE (HUWAG I-PRINT) PETSA

(i-tsek ang kahon at ilagay ang inisyal ng pangalan)

Oo, Gusto kong maging permanenteng botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo

To request a Voter Information pamphlet in English, Chinese, Spanish, Tagalog or Vietnamese please contact us at:

ENGLISH - (510)272-6973 CHINESE - (510)208-9665 SPANISH - (510)272-6975

TAGALOG - (510)272-6952 VIETNAMESE - (510)272-6956

OR EMAIL US AT: [email protected]

如想索取這選民資料手冊的中文本 - (510)208-9665

: [email protected]

PARA SOLICITAR UN FOLLETO DE INFORMACIÓN PARA VOTANTE EN ESPAÑOL POR FAVOR LLAME AL: (510)272-6975

O MANDE UN CORREO ELECTRONICO AL: [email protected]

PARA HUMILING NG LIBRITO NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE SA WIKANG TAGALOG TAWAGAN KAMI SA : (510)272-6952

O MAG-EMAIL SA AMIN SA: [email protected]

ĐÊ XIN TAÄP SAÙCH HÖÔÙNG DAÃN CƯ TRI BĂNG TIÊNG VIÊT XIN LIÊN LAC VƠI CHUNG TÔI: (510)272-6956

HOĂC EMAIL CHO CHUNG TÔI TAI: [email protected]