wika

4
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Mga kagamitan Ito ang pitong kagamitan ng wika: Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Ibang kasagutan: Katangian ng wika may balangkas; binubuo ng makahulugang tunog; pinipili at isinasa-ayos; arbitraryo; nakabatay sa kultura; ginagamit; kagila-gilagis; makapangyarihan may antas; may pulitika; at ginagamit araw-araw. PAGLALAHAD ng mga Katangian ng Wika: 1. Ang wika ay arbitraryo 2. Ang wika ay tunog 3. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag 4. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na sinasalita

Transcript of wika

Page 1: wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. 

Mga kagamitan

Ito ang pitong kagamitan ng wika:

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng

karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang

disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap

kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng

bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang

pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring

kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong

nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang

ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa

pinagmumulang wika.Ibang kasagutan:Katangian ng wika

may balangkas; binubuo ng makahulugang tunog; pinipili at isinasa-ayos; arbitraryo; nakabatay sa kultura; ginagamit; kagila-gilagis; makapangyarihan may antas; may pulitika; at ginagamit araw-araw.

PAGLALAHAD ng mga Katangian ng Wika: 1. Ang wika ay arbitraryo 2. Ang wika ay tunog 3. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag 4. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na sinasalita 5.Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita 6. Ang wika ay laging nagbabago 7. Ang wika ay buhay o dinamiko 8. Ang wika ay nakasandig sa kultura 9. Walang wikang dalisay o puro 10. Walang wikang superyor.

Page 2: wika

Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wikaDing Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Bow Wow - kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa. Pooh Pooh - tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao. Kahariang Ehipto - Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language. Charles Darwin - Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na "On the Origin of Language", sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba't ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran. Genesis 11: 1-9 -Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible. Wikang Aramean - Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Yo-he-ho - pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersa pisikal. Ta-ra-ra-boom-de-ay. ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan. Ta-ta - ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkauto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita. Sing-song - nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao; may melodiya at tono ang pag-usal ng mga unang tao. Hal: paghimno o paghimig. La-la - mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. Hal: mga wika o salita ng mga tula at awitin ng pag-ibig.

Mga Kahalagahan ng Wika   

A. Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang mauunawaan. Ang mahalaga sa komunikasyon ay pagkakaunawaan.   

B. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman - maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat saling-lahi sa pamamagitan ng wika. Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang mahalagang kaalaman, ang kaalamang ito ay sinusulat niya o kaya'y sinasabi sa isang kakilala. Dahil dito ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong nakatuklas ay namatay na. Kung sakaling matapos matuklasan ni Benjamin Franklin ang kuryente siya ay namatay nang hindi man lang nya ito naisulat o hindi man lamang nasabi sa isang kakilala, Marahil ay wala pa tayong kuryente ngayon. Sa ganitong pagkakataon masasabi nating ang wika ay gumanap ng tungkuling pag- iingat sa kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ang kaalaman ay nanatili o napangangalagaan. Wika rin ang ginagamit na midyum upang ang nabanggit na kaalaman ay mapalaganap. Mabisang gamitin ang wika sa pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman sa loob at labas ng paaralan.   

Page 3: wika

C. Nagbubuklod ng Bansa - ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Kung titingnan nating ang mga bansang kalapit natin, mapapansing lahat sila ay nagsisikap na malinang ang kanilang pambansang wika. Ang China na siyang pinakamalaking bansa sa daigdig ay may isang pambansang wika, ang Mandarin. "Ang mga Indonesyan, noong sila ay nakikipaghamok sa mga Olandes upang makamit ang kalayaan ay sumisigaw ng "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir!" (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inangbayan!). Maagang nakilala ng mga Indonesyan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika upang ang kanilang mga mamayan ay mabuklod. Kaya naman ang unang ginawa nila matapos makamit ang kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa kanilang bansa." (Relova: 1973)   

D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela, parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pag- imbento ng mga bagong bagay.