guroako.com · Web viewSa wakas ay biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod...

47
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art Ikatlong Markahan Ikawalong Linggo (Unang Araw) I. Layunin: - Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan tulad ng: - pagsasagawa ng gawain ayon sa wastong pamamaraan. II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order) Aralin 36: Wastong Paraan ng Paggawa Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16 Edukasyon sa Pagpapakatao Teaching Guide pah. 4-8 ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____ Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 151-152 Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang mga paraan kung paano tayo makatitipid sa paggamit sa tubig? 2. Pagganyak: Magpakita ng paikot na yari sa papel. Itanong: Mga bata marunong ba kayong gumawa ng ganitong laruan? 3. Paglalahad: Ngayong umaga, pag-aaralan natin ang pagsasagawa ng isang gawain sa wastong pamamaraan. Makinig na mabuti sa aking kwento. Paggawa ng Paikot Ang aralin sa klase ay paggawa ng paikot. Nagpapaliwanag sa paraan ng paggawa ng paikot ang guro. Ngunit karamihan sa mga mag-aaral ay gumuguhit, nagtutupi ng papel at nagdidikit maliban kay Rogelio. Nang matapos ang paliwanag, pinanood sila ng guro para malaman kung sino ang makagagawa ng paikot. Si Rogelio lamang ang nakagawa nang maayos at pinakamaganda dahil nilagyan pa niya ng kulay. 4. Pagtalakay Ano ang ginagawa ng mga bata samantalang nagpapaliwanag ang guro? Sino lamang ang nakagawa ng pikot? Bakit? Ilarawan ang paikot na ginawa ni Rogelio. C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat: Bakit mahalaga na sundin ang wastong pamamaraan ng pagsasagawa ng isang gawain? Tandaan: Kung may nagpapaliwanag ating pakinggan Nang ating matutuhan ang gawaing kailangan. 2. Paglalapat: Lutasin: Nasa kainitan ng laro sina Rommel ng tinawag siya ng kanyang ina. Tumakbo siya pero ang isip niya ay nasa paglalaro. Ano ang dapat niyang gawin para

Transcript of guroako.com · Web viewSa wakas ay biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod...

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Unang Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan tulad ng:

· pagsasagawa ng gawain ayon sa wastong pamamaraan.

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)

Aralin 36: Wastong Paraan ng Paggawa

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 4-8

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 151-152

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Anu-ano ang mga paraan kung paano tayo makatitipid sa paggamit sa tubig?

2. Pagganyak:

Magpakita ng paikot na yari sa papel.

Itanong: Mga bata marunong ba kayong gumawa ng ganitong laruan?

3. Paglalahad:

Ngayong umaga, pag-aaralan natin ang pagsasagawa ng isang gawain sa wastong pamamaraan. Makinig na mabuti sa aking kwento.

Paggawa ng Paikot

Ang aralin sa klase ay paggawa ng paikot. Nagpapaliwanag sa paraan ng paggawa ng paikot ang guro. Ngunit karamihan sa mga mag-aaral ay gumuguhit, nagtutupi ng papel at nagdidikit maliban kay Rogelio. Nang matapos ang paliwanag, pinanood sila ng guro para malaman kung sino ang makagagawa ng paikot. Si Rogelio lamang ang nakagawa nang maayos at pinakamaganda dahil nilagyan pa niya ng kulay.

4. Pagtalakay

Ano ang ginagawa ng mga bata samantalang nagpapaliwanag ang guro?

Sino lamang ang nakagawa ng pikot? Bakit?

Ilarawan ang paikot na ginawa ni Rogelio.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Bakit mahalaga na sundin ang wastong pamamaraan ng pagsasagawa ng isang gawain?

Tandaan:

Kung may nagpapaliwanag ating pakinggan

Nang ating matutuhan ang gawaing kailangan.

2. Paglalapat:

Lutasin:

Nasa kainitan ng laro sina Rommel ng tinawag siya ng kanyang ina. Tumakbo siya pero ang isip niya ay nasa paglalaro. Ano ang dapat niyang gawin para makasunod sa utos ng nanay? Bakit?

IV. Pagtataya:

Sagutin ang tseklis.

A – Oo B- Hindi C- Minsan

1. Ginagawa ko ba ang gawin ayon sa wastong pamamaraan?_____

2. Masusi ba akong nakikinig sa mga panuto para sa gawain?______

3. Nakagagawa ba ako nang ibang paraan upang higit na mapaganda ang gawain?_____

4. Iniaasa ko ba sa iba ang gawain na para sa akin?______

5. Ibinibigay ko ba ang aking galing sa paggawa ng gawain? ______

V. Kasunduan:

Buuin ang tugma. Isulat ang nawawalang salita.

Kung makakaya, sikaping gumawa nang mag-isa

Para ito ay hindi na _______pa sa iba.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan tulad ng :

· pagtupad sa tungkulin

(pagsasagawa ng mga gawaing bahay)

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)

Aralin 37: Pagsasagawa ng mga Gawaing Bahay

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 4-8

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa I aklat A pah. 17

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Ano ang dapat gawin upang makasunod o magawa ang wastong pamamaraan ng isang gawain? Bakit?

2. Pagganyak:

Ilang araw mayroon sa isang linggo?

Anu-anong araw ang ginugugol mo sa paaralan?

Anu-ano ang mga ginagawa ninyo kapag Sabado?

3. Paglalahad:

Ngayong umaga, pag-aaralan natin ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga gawaing bahay.

Si Amelia ay tumutulong sa bahay tuwing Sabado. Naglilinis siya ng bahay. Inaalagaan niya ang sanggol na kapatid na lalaki Namimitas siya ng sariwang bulaklak sa hardin at inilalagay sa plorera.

Pinakakain niya ang mga baboy at manok. Tumutulong siya sa nanay niya sa pagluluto, nagdadala siya ng pagkain sa tatay niya sa bukid. Nalulugod siyang makatulong sa bahay.

4. Pagtalakay

Sino ang batang nabaggit sa kwento?

Anong katangian ang taglay ni Amelia?

Anu-anong mga gawain ang kanyang ginagampanan sa kanilang tahanan?

Kailan niya ito ginagawa?

Ano kaya ang nararamdaman ng kanyang mga magulang sa pagkakaroon ng anak na katulad niya?

Kaya mo bang tularan si Amelia?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Bakit mahalaga na makiisa sa paggawa ng mga gawaing bahay sa tahanan?

Tandaan:

Tungkulin ng batang tulad ninyo ang makiisa o tumulong sa pagsasagawa ng mga gawaing bahay sa tahanan.

2. Paglalapat:

Ipasadula ang mga gawaing ginagampanan ni Amelia sa kanilang tahanan.

IV. Pagtataya:

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Abala ang lahat sa paglilinis ng bahay samantalang si Lito ay puro panonood ng TV ang inaatupag.

a. Tama b. Mali c. Ewan

2. Nahuli sa paggising si Efren. Ano kaya ang dapat niyang gawin?

a. Iligpit muna ang mga pinaghigaan

b. Pumunta na agad sa kapitbahay.

c. Utusan ang ate na siya na ang magligpit ng higaan.

3. Hindi dapat inuutusan ang bata sa paggawa ng gawaing bahay.

a. Tama b. Mali C. Ewan

4. Kapag sama-sama at tulong-tulong ang mag-anak sa paggawa ang gawain ay

a. lalong babagal

b. matatapos kaagad

c. magiging magulo

5. Ang dapat na gumagawa ng mga gawaing bahay ay ang

a. nanay lang

b. ate lang

c. lahat ng kasapi ng pamilya

V. Kasunduan:

Buuin ang tugma. Isulat ang nawawalang salita.

Anumang gawain ay matatapos kaagad.

Kung ang mga kasapi ay _________.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

( Ikatlong Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan tulad ng:

pagpaparaya

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)

Aralin 38: Pagpaparaya

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 4-8

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Bakit mahalaga na makiisa sa paggawa ng mga gawaing bahay sa tahanan?

Anu-anong mga gawaing bahay ang ginagawa mo sa inyong tahanan?

Masaya ka ba sa paggawa ng mga ito? Bakit?

2. Pagganyak:

Ano ang malimit na iniuuwi ng nanay o tatay kapag sila ay nagtutungo sa malayong lugar?

Ano ang nararamdaman mo kung nakatatanggap ka ng pasalubong?

Paano kung ikaw lamang ang walang pasalubong?

Ano ang gagawin mo?

3. Paglalahad:

Dumating ang Tatay galing sa Saudi Arabia.

Tuwang-tuwa ang buong pamilya. May malaking kahon na inilabas ang tatay. Isa-isa niyang kinuha ang pasalubong ng bawat anak niya.

Robot ang kay Nestor. Bola naman ang kay Willy.

Manika na pumipikit ang kay Jenny.

Naku, nakalimutan ng Tatay na bilhan ng pasalubong ang bunsong si Ron-ron. Nag-iiyak ito at pilit na inaagaw ang bola kay Willy. Agad namang nagparaya si Willy at ibinigay ang bola sa nakababatang kapatid.

Tuwang-tuwa ang tatay sa ipinakitang ugali ni Willy.

4. Pagtalakay

Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?

Saan galing ang tatay?

Anu-ano ang dala niya para sa mga anak?

Bakit umiyak ang bunsong si Ron-ron?

Ano kaya ang mangyayari kung hindi nagparaya si Willy sa kanyang laruan?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano natin maisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan?

Tandaan:

Upang makamtan ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan dapat tayong matutong magparaya.

2. Paglalapat:

May dalang pasalubong na cake ang nanay.

Nasarapan ni Bea ang cake kaya naubos niya halos ang kalahati nito. Pinagpapalo siya ng ate niya.Tama ba ang ginawa ng ate? Bakit?

IV. Pagtataya:

Sagutin: Tama o Mali

1. May dalang tsokolate ang tatay. Kinuha lahat ito ni Gina at hindi hinatian ang mga kapatid niya.

2. Di sinasadya ay nasira ni Lina ang manyika ng ate niya.

Hindi naman nagalit ang ate. Nagparaya na lamang ito sa kapatid.

3. Iiniiyakan ni Tony ang kabibili pa lamang na bisekleta ng kapatid. Pinahiram naman siya ng kuya niya.

4. Gumagawa ng assignments ang ate. Inutusan siya ng nanay na isilong na ang mga sampay.

Nagparaya na si Ellaine dahil wala naman siyang ginagawa.

5. Konti na lamang ang ulam pero gusto pang kumain ni Berto. Hindi siya pinansin ng ate at itinago pa nito ang pagkain sakapatid.

V. Kasunduan:

Pangako: Magpaparaya ako kung kinakailangan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

( Ika-apat na Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan tulad ng:

· pagpapakumbaba

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)

Aralin 39: Pagpapakumbaba

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 4-8

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Ano ang ibig sabihin ng pagpaparaya?

Kailan ka nagpaparaya?

Lutasin:

Hiniram ng kapatid mo ang iyong ruler.

Hindi sinasadya ay naputol niya ito.

Ano ang gagawin mo? Bakit?

2. Pagganyak:

Nakakita na ba kayo ng kambal?

Paano ninyo sila ilalarawan?

Sa iyong palagay, nag-aaway rin kaya ang mga kambal?

3. Paglalahad:

Alamin natin kung bakit nagpadala ng liham si Rufo sa kanyang guro.

Mahal kong Gng. Fajardo,

Hindi po kami nakauwi sa takdang-oras kahapon.

Ito po kasing aking kakambal ay nakipaglaro pa ng patintero pagkatapos ng klase. Hayan, pati tuloy ako ay napagalitan ng nanay. Hindi ko naman kasalanan iyon, hindi po ba? Kaya mula kagabi ay hindi ko na siya kinikibo. Kanina narinig ko siya. Sinabi niya sa nanay ang nangyari. Pagkatapos nakita ko ang sulat na inipit niya sa aking aklat. Nagsosorry po siya sa akin pero masama pa rin ang aking loob.

Patatawarin ko na po ba siya? Ano po ang aking gagawin? Sana po ay matulungan ninyo ako.

Salamat po.

Umaasa,

Rufo

4. Pagtalakay

Sino ang sumulat sa kanyang guro?

Ano ang suliranin niya?

Bakit nagalit siya sa kanyang kakambal?

Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ni Rufo?

Anong ugali ang ipinakita ng kanyang kakambal ng humingi ito sa kanya ng sorry?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano natin maisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan?

Tandaan:

Upang makamtan ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan dapat tayong maging mapagpakumbaba.

2. Paglalapat:

Paano mo ipakikita ang pagpapakumbaba sa mga sumusunod na sitwasyon?

1. May gawain kayo sa Sining. Sinabi ng kaklase mo na mas maganda ang gawa niya kaysa sa iyo.

2. Hiniram mo ang pandikit ng katabi mo. Nagalit siya dahil naubos mo ito.

IV. Pagtataya:

Lagyan ng √ ang gawaing nagpapakita ng pagpapakumbaba X ang hindi.

___1. Biglang sinuntok ni Juan si Jose nang sabihin niyang matakaw ito.

___2. Alam mong nagagalit ang pinsan mo sa iyo.

Nilapitan mo siya at humingi ka ng paumanhin

___3. Bago ang sapatos mo kaya ipinagmayabang mo ito sa mga kaklase mo.

___4. Matalino kang bata ang sabi ng mga guro.

Nakangiti kang nagpasalamat sa kanila.

___5. Sabin g mga kaibigan mo mas matulin daw ang kotse-kotsehan ng kalaro mo.

kaya naiinis ka at sinira mo ito.

V. Kasunduan: Buuin ang tugma

Ang taong may mababang loob ay pinagpapala ng ____.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan tulad ng:

pagpapakumbaba, pagpaparaya atbp.

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)

Aralin 40 : Pagpaparaya

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 4-8

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Magbigay ng mga paraan kung paano ninyo mapananatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.

2. Pagganyak:

Nakakita na ba kayo ng kalapati?

Ilarawan mo ito?

3. Paglalahad:

Ngayong umaga, tayo ay may gawaing-sining

Guguhit tayo ng kalapati na siyang sagisag o simbolo ng kapayapaan.

Ipakita ng guro ang modelo sa klase.

4. Paghahanda ng mga kagamitan sa sining.

5. Paggawa ng mga bata.

IV. Pagtataya:

Ipaskil ang gawa ng bawat bata.

Bigyang papuri ang may pinakamaganda at malinis na gawa.

V. Kasunduan:

Gumuhit ng iba pang bagay na simbolo ng kapayaan sa inyong kwaderno.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Unang Araw)

I. Layunin:

· nakapagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga at diin.

· nakababasa ng batayang salita sa unang kitanakababasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas

· nakagagamit ng salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

II. PaksangAralin: Ang Alamat ni Bernardo Carpio

A. Talasalitaan: Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli(baka at kalabaw- baka’t kalabaw)

B. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas.

C. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin.

D. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento.

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

F. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita.

G. Pagbaybay: Pagbaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan..

H. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian.

I. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t ibang dahilan.

J. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinsabi.

K. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.

L. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 69-78

Kagamitan: tsart ng kuwento

K. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Anyong-Lupa

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Paghahanda:

A. Gawain Bago Bumasa:

Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng larawan/pangungusap./kilos

inaruga- Ang mga batang mahihirap ay inaruga ng mag-asawa.

Binigyan nila ito ng pagkain.

bantog – Si Bernrdo Carpio ay bantog sa pagiging malakas.

Kilala siya sa buong bayan.

himagsikan – Ang himagsikan ng mga Pilipino at Kastila ay nagdulot ng kaguluhan.

mandirigma – Ang aking lolo ay isang matapang na mandirigma.

Nakipaglaban siya laban sa mga Kastila.

engkantado - May kapangyarihan ang engkantado na pagalawin ang dalawang malalaking bato.

2. Pagganyak:

Nakaranas na ba kayo ng lindol?

Ano ba ang nagyayari kapag may lindol?

Ano ang dapat gawin kapag may lindol?

3. Pangganyak na Tanong:

Ayon sa alamat, ano ang sanhi ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.

B. Gawain Habang Bumabasa:

1. Babasahin ng guro ang kuwento sa tsart.

Magtatanong siya tungkol sa nilalaman ng bawat pahina.

ANG ALAMAT NI BERNARDO CARPIO

Noong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila ay mayroong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo,Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag, matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon ng kanilang pagsasama ay hindi sila kaagad nagkaanak. Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalo na sa tulad nilang naghihirap, at sa mga maysakit. Ang mga bata sa kanilang pook ay inaaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang umaasa na baling araw ay magkakaroon din sila ng sariling anak.

Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila ni Bathala at dinig ang kanilang panalangin na magkaroon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod doon, biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.

Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Sa suhestiyon ng Kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya ay pinangalanang Bernardo de Carpio, isang matapang, bantog, makisig, at malaalamat na mandirigma sa bansang Espanya. Tulad ng kanyang mga magulang, si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang loob. Dahil sa kanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si Bernardo na mamuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.

Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa nahuling engkantado na tutulungan sila nito na masupil si Bernardo.

Sa pagdaraanan ni Bernardo patungo sa isang yungib ay naghihintay ang engkantado sa likuran ng magkaparis na naglalakihang bato.

Pagdaan ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-unti siyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas upang pigilan ang mga bato

subalit ang kanyang lakas ay may katapat na laks na nagmumula sa agimat ng engkantado.

Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naipit ng nag-uumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhi ito ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.

2. Talakayan:

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

Anu-ano ang kanyang mga katangian?

Saan naganap ang alamat ni Bernardo Carpio?

Ano ang nagyari kay Bernardo nang magkaharap sila ng engkantado?

Ayon sa alamat, ano ang sanhi ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo?

3. Paglalapat:

Basahin ang may wastong intonasyon, damdamin at bantas ang mga sumusunod na parirala, pangungusap mula sa kuwento.

pambihirang lakas at kisig.

Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig

namimintong himagsikan

Ginamit niya ang kanyang lakas upang pigilan ang mga bato.

Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait

IV. Pagtataya:

Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na magbahagi ng sariling karansan gamit ang mga salitang kilos.

Hal. Nagtago kami sa ilalim ng kama nang lumindol.

Nag-iiyak ako sa sobrang takot.

Tumakbo ako nang tumakbo upang hindi ko maramdaman ang pagyanig.

Nagdasal kami ng aking pamilya sa Diyos.

V. Kasunduan:

Sumulat ng 10 salitang kilos na narinig mula sa kuwentong napakinggan.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:

· nakapagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga at diin.

· nakababasa ng batayang salita sa unang kitanakababasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas

· nakagagamit ng salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

· nakatutugon sa mga kuwento, alamat, pabula sa pamamagitan ng pagtatalakayan, awit, sining.

II. PaksangAralin: Ang Alamat ni Bernardo Carpio

A. Talasalitaan: Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli(baka at kalabaw- baka’t kalabaw)

B. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas.

C. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin.

D. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento.

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

F. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita.

G. Pagbaybay: Pagbaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan.

H. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian.

I. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t ibang dahilan.

J. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinsabi.

K. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.

L. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 69-78

Kagamitan: tsart ng kuwento

K. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Anyong-Lupa

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Muling balikan ang mga mahahalagang detalye sa

kuwentong narinig/nabasa kahapon.

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

Anu-ano ang kanyang mga katangian?

Saan naganap ang alamat ni Bernardo Carpio?

Ano ang nagyari kay Bernardo nang magkaharap sila ng engkantado?

Ayon sa alamat, ano ang sanhi ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo?

2. Pagganyak:

Laro: Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper para sa gawain.

Isulat ang mga katangian ni Bernardo Carpio gamit ang word map.

Bernardo Carpio

B. Panlinang na Gawain:

1. Bigyan ang bawat pangkat ng pagkakataong gumawa ng gawaing nakalaan sa bawat isa:

Pangkat 1 – Iguhit mo

Pagguhit sa isang kartolina ng bundok na tinitirhan ng mag-anak ni Bernardo Carpio.

Pangkat 2 - Artista Ako

Isadula kung paano naipit si Bernardo de Carpio sa dalawang nag-uumpugang bato.

Pangkat 3 – Dalangin

Pasulatin ang pangkat ng panalangin ng mag-asawa na magkaroon sila ng anak.

2. Talakayan:

Tawagin ang lider ng bawat pangkat upang ibahagi ang gawa ng kanilang pangkat.

IV. Pagtataya:

Iguhit ang bahagi ng kuwento na pinakagusto mo.

V. Kasunduan:

Sumulat ng 5 paghahanda na dapat gawin kung may lindol.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Layunin:

nakakikilala ng gamit ng mga salitang pinaikli.

II. PaksangAralin: Ang Alamat ni Bernardo Carpio

A. Talasalitaan: Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli(baka at kalabaw- baka’t kalabaw)

B. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas.

C. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin.

D. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento.

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

F. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita.

G. Pagbaybay: Pagbaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan..

H. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian.

I. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t ibang dahilan.

J. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinsabi.

K. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.

L. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 69-78

Kagamitan: tsart ng kuwento

K. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Anyong-Lupa

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Sino ang pangunahing tauhan sa lamat?

Saan ito naganap?

Anu-ano ang makikita sa bundok?

2. Pagganyak:

Pagtambalin nang wasto ang mga salitang magka-ugnay sa hanay A at Hanay B

A B

nanay pugad

sapatos medyas

tinidor tatay

ibon kutsara

binata dalaga

B. Panlinang na Gawain:

Pag-aralan natin ang dawang hanay ng mga salita.

Buong salita

Pinaikling salita

Aso at pusa

Aso’t pusa

Baka at kalabaw

Baka’t kalabaw

Puno at halaman

Puno’t halaman

C. Pangwakas na Gawain:

1. Pagtalakay:

Paano pinaikli ang dalawang salita?

Kailan ito pinaiikli?

Anong bantas ang ginagamit kapalit ng kinaltas na titik? (‘)

2. Paglalahat:

Paano pinaiikli ang dalawang salita?

Anong bantas ang ginagamit?

Tandaan:

Gumagamit ng kudlit kapalit ng titik (a) na kinaltas sa pagpapaikli ng salita.

aso at pusa – aso’t pusa

3. Pinatnubayang Pagsasanay:

Isulat nang paikli ang pangalan ng mga larawan:

baka at kabayo

ambulansiya at tren

kotse at motor

4. Malayang Pagsasanay:

Pumalakpak kung wasto ang bawat pinaikling salita.

eroplano’t barko

bangka at bangko

tren at motorsiklo

kotse’t motorsiklo

IV. Pagtataya:

Isulat ang katumbas na pinaikling salita.

1. mesa at silya_________

2. kutsara at tinidor_______

3. timba at tabo_________

4. relo at singsing________

5. batya at tubig ________

V. Kasunduan:

Sumulat ng 5 pares ng salitang may pinaikli.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:

· Nakagagamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

II. PaksangAralin: Ang Alamat ni Bernardo Carpio

A. Talasalitaan: Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli(baka at kalabaw- baka’t kalabaw)

B. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas.

C. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin.

D. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento.

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

F. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita.

G. Pagbaybay: Pagbaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan.

H. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian.

I. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t ibang dahilan.

J. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinsabi.

K. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.

L. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 69-78

Kagamitan: tsart ng kuwento

K. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Anyong-Lupa

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Anu-ano ang ginagawa ninyong paghahanda araw-araw?

(Isulat sa pisara ang sagot na ibibigay ng bata)

Hal. Ako ay naliligo tuwing umaga.

Ako ay kumakain ng agahan.

Nag-aaral ako ng aralin.

2. Pagganyak:

Ayusin ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga ito.

(Gumamit ng larawan ng bata sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan)

B. Panlinang na Gawain:

1. Ipabasa ang kwento:

Ang Batang Masipag

Sa bahay nila ay lagi mo siyang makikitang may ginagawa.

Nagwawalis at nagdidilig ng halaman..

Nagpupunas din siya ng mga alikabok sa sopa.

Pagkatapos ng gawain ay hindi niya nalilimutang mag-aral.

Nagbabasa siya ng mga kwento.

Nagsusulat ng pangalan.

At kung minsa’y nagdodrowing at nagkukulay.

Kay sipag talaga ni Tina.

Tuwang-tuwa tuloy ang kanyang ina’t ama.

C. Pangwakas na Gawain:

1. Pagtalakay:

Anu-ano ang ginagawa ni Tina?

Anong uri ng bata siya?

2. Paglalahat:

Ano ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng kilos?

Tandaan:

Ang mga salitang kilos ay tinatawag na pandiwa.

3. Pinatnubayang Pagsasanay:

Sabihin ko Ikilos mo

Magsasabi ang guro ng salitang kilos.

Isasagawa ng mga bata ang kilos.

4. Malayang Pagsasanay:

Pagtambalin ng guhti ang salitang kilos sa larawan.

Larawan Kilos

1. naglalaba umaawit

2. nanonood nanonood

3. naglalakad naglalaba

4. umaawit naglalakad

5. nagbabasa nagbabasa

IV. Pagtataya:

Lagyan ng √ ang salitang kilos at X ang hindi.

____1. natulog

____2. umakyat

____3. ate

____4. aso

____5. umiiyak

V. Kasunduan:

Sumulat ng 20 salitang kilos na ginagawa mo sa araw-araw.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin:

nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan.

II. PaksangAralin: Ang Alamat ni Bernardo Carpio

A. Talasalitaan: Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli(baka at kalabaw- baka’t kalabaw)

B. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas.

C. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin.

D. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento.

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

F. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita.

G. Pagbaybay: Pagbaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan..

H. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian.

I. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t ibang dahilan.

J. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinsabi.

K. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.

L. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 69-78

Kagamitan: tsart ng kuwento

K. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Anyong-Lupa

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Magbigay ng mga halimbawa ng salitang kilos.

Isulat sa pisara ang mga sagot ng bata.

Tumawag ng ilang bata papiliin ng salitang gagamitin sa pangungusap.

2. Pagganyak:

Awit: Magtanim ay Di Biro

B. Panlinang na Gawain:

1. Ipakita ang mga batayang talasalitaan na nasa kuwento at ipabasa ang mga ito.

2. Gamit ang show-me-kit isusulat ng mga bata ang salitang ididkta ng guro.

3. Malayang Pagsasanay:

Kopyahin sa papel ang tamang salitang babanggitin ko.

inaruga bantog bundok yungib

himagsikan ilog bulaklak kaibigan

bundok mandirigma bantog engkantado

yungib gubat bato bantog

IV. Pagtataya:

Isulat nang may wastong baybay ang mga salitang ididkta ko.

1. bantog

2. mandirigma

3. kabundukan

4. engkantado

5. himagsikan

V. Kasunduan:

Gamitin sa pangungusap:

1. nagdilig

2. nagluto

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Unang Araw)

I. Layunin:

· nakikinig at nagtatanong tungkol sa kwentong binasa

II. Paksa: Komunikasyon: cell phone, telepono, radio, warning signal, telebisyon, word of mouth

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 23-26

Kagamitan: aklat na si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna House 2004)

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Ano ang paborito mong laro sa bahay?

2. Tukoy-Alam:

Masaya bang maglaro ng taguan?

Nakapaglaro na ba kayo ng taguan sa loob ng bahay?

Sinu-sino ang inyong kalaro sa taguan?

3. Tunguhin

Ngayong araw ay babasa tayo ng isang kwento tungkol sa isang batang mahilig magtago.

Sinu-sino kaya ang kanyang tinataguan?

4. Paglalahad:

Pagkukuwento ng guro, Si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna House 2004)

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Sinu-sino ang mga tinataguan ni Pilo?

Isa-isang kilalanin ang mga kasapi ng pamilya ni Pilo at ang kanilang ginagampanan sa pamilya.

Hal. Kuya – kalaro ni Pilo ng taguan

6. Paglalahat:

Ano ang dapat gawin para maunawaan ang kwento?

Tandaan:

Makinig na mabuti sa kwentong binabasa para lubos na maunawaan. Ang pagtatanong tungkol sa kwentong narinig o binasa ay pagpapakita ng mabuting pakikinig.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang karanasan tungkol sa paksa.

IV. Pagtataya:

Isulat ang Tama kung tunay na naganap sa kwento at mali kung hindi.

____1.

____2.

____3.

____4.

____5.

V. Kasunduan:

Sumulat ng 3 tanong tungkol sa narinig na kwento.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:

· nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

II. Paksa: Komunikasyon: cell phone, telepono, radio, warning signal, telebisyon, word of mouth

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 23-26

Kagamitan: aklat na si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna House 2004)

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Paano mo ginugugol ang iyong libreng oras?

2. Tukoy-Alam:

May mga gawain bang ginagampananang mga kasapi ng iyong pamilya?

3. Tunguhin

Ngayong araw ay pag-uusapan natin ang mga ginagawa ng inyong mga kasama sa bahay sa buong maghapon.

4. Paglalahad:

Iparinig ang kuwento:

Ang Masayang Mag-anak

Nakatira kami sa isang maliit na bayan.

Ang Itay ko ay nagtatrabaho sa bukid.

Ang aking ina naman ang siyang nag-aasikaso ng aming tahanan.

Si ate ang tumutulong sa paglilinis ng aming bahay.

Si kuya ang katulong ni ama sa pag-aalaga ng aming mga hayop na alaga sa bukid.

Ako naman ang tumutulong sa pag-aalaga ng aking bunsong kapatid.

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Tungkol saan ang kwento?

Anu-ano ang gawain ng bawat isang kasapi ng mag-anak?

Sa inyong mag-anak may mga ginagampanan din bang gawain ang bawat kasapi?

6. Paglalahat:

Ano ang gawaing ginagampanan ng bawat kasapi ng mag-anak?

Tandaan:

Bawat kasapi ng mag-anak ay may kanya-kanyang gawaing ginagampanan.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Pangkatang Gawain:

Pag-uulat ng mga bagay na ginawa ng mga kasama sa bahay noong nakaraang araw.

Hal. Nagpunta sa palengke ang nanay kahapon.

Tinulungan ni kuya si Itay na magsuga ng mga kambing.

IV. Pagtataya:

Ayusin ang mga pangungusap na naglalahad ng isang kaganapan sa loob ng tahanan. Lagyan ng bilang 1-5

____Inalagaan ng ate si bunso.

____Abala ang nanay sa pagluluto sa kusina.

___Dumating ang tatay galing sa opisina.

____Masayang nagsalu-salo ang buong pamilya.

____Tumutulong ang kuya sa paghahanda sa ina.

V. Kasunduan:

Sumulat ng 5 pangungusap tungkol sa naganap na pangyayari sa sariling tahanan ng nagdaang araw.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Layunin:

· nailalarawan ang pamilya sa pamamagitan ng wastong pang-uri

II. Paksa: Komunikasyon: cell phone, telepono, radio, warning signal, telebisyon, word of mouth

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 23-26

Kagamitan: lapis, papel at pangkulay

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Paano mo ilalarawan ang bawat kasapi ng iyong pamilya?

2. Tukoy-Alam:

Anu-anong mga pang-uri ang maari mong gamitin para sa bawat kasapi ng pamilya?

3. Tunguhin

Ngayong araw ay makikilala at mailalarawan natin ang bawat miyembro ng ating pamilya.

4. Paglalahad:

Gumamit ng puppet stick ng pamilya

Isa-isang ipatukoy sa mga bata ang bawat kasapi ng mag-anak.

Ito si Inay, siya ay mapagmahal.

Si Itay naman ay masipag at masinop sa aming kabuhayan.

Si Kuya ay matulungin.

Si ate ay maalalahanin.

Si bunso ay masayahin.

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Anu-anong mga salita ang ginamit upang ilarawan ang bawat kasapi ng pamilya?

6. Paglalahat:

Ano ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan?

Tandaan:

Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Iguhit ang mga kasapi ng pamilya. Sa ilalim ng ginuhit na larawan, sumulat ng isang pang-uri na maglalarawan sa bawat kasapi.

hal. ina – mapagmahal

IV. Pagtataya:

Pasalita:

Tawaging isa-isa ang mga bata,

Hayaang ipakilala ng mga bata ang bawat miyembro ng pamilya. Ipalarawan ang bawat kasapi gamit ang wastong pang-uri.

V. Kasunduan:

Iguhit ang sariling pamilya. Sumulat ng isang pang-uri na maglalarawan sa bawat kasapi.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:

· natutukoy ang mga miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng wastong paglalarawan ng pamilya.

II. Paksa: Komunikasyon: cell phone, telepono, radio, warning signal, telebisyon, word of mouth

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 23-26

Kagamitan: larawang iginuhit ng mga bata noong nakaraang aralin.

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Paano mo ilalarawan ang bawat kasapi ng iyong pamilya?

2. Tukoy-Alam:

Anu-anong mga pang-uri ang maari mong gamitin para sa bawat kasapi ng pamilya?

3. Tunguhin

Ngayong araw ay maglalaro tayo ng “Sino siya?” kung saan huhulaan ninyo ang miyembro ng inyong pamilya na ilalarawan ko.\

4. Paglalahad:

Pangkatang Gawain

Bigyan ang bawat pangkat ng gawain

Itambal ang larawan at ang angkop na pang-uri para sa larawan.

Hal. larawan ng ama – masipag

larawan ng beybi - malusog

4. Pagtuturo at Paglalarawan:

Anu-anong mga salita ang ginamit upang ilarawan ang bawat kasapi ng pamilya?

5. Paglalahat:

Ano ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan?

Tandaan:

Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan.

6. Kasanayang Pagpapayaman:

Ipakitaang larawan. Magbigay ng katangiang pisikal at di-pisikal ng bawat kasapi na nasa larawan.

IV. Pagtataya:

Laro: Pass the message

Ipalarawan ang isang miyembro ng pamilya at maglaro ng “pass the message”

Bumuo ng 5 miyembro ng pangkat. Papilahin ng tig-isang hanay ang bawat pangkat. Magbulong ng mensahe.Kailangang makarating ang mensahe sa pamamagitan ng pagbulong sa kabilang hanay.

V. Kasunduan:

Iguhit ang sariling pamilya. Sumulat ng isang pang-uri na maglalarawan sa bawat kasapi.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin:

· nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan sa bahay.

II. Paksa: Komunikasyon: cell phone, telepono, radio, warning signal, telebisyon, word of mouth

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 23-26

Kagamitan: larawang iginuhit ng mga bata noong nakaraang aralin.

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Nanonood ba kayo ng telebisyon?

Anong programa ang nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa ating paligid?

2. Tukoy-Alam:

Bakit mahalaga ang pakikinig o panonood ng balita?

3. Tunguhin

Ngayong araw ay magkukunwari tayong mga tapagbalita sa telebisyon.

4. Paglalahad:

Muling gamitin ang mga larawan ng mga pamilya na iginuhit noong nakaraang aralin.

Tumawag ng piling bata na magkukunwaring tagapagbalita at ilalarawan ang miyembro ng pamilya.

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Anu-anong mga salita ang ginamit upang ilarawan ang bawat kasapi ng pamilya?

6. Paglalahat:

Ano ang tawag natin sa mga salitang nalalarawan?

Tandaan:

Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Piliin ang paborito miyembro ng pamilya at iguhit ito.

IV. Pagtataya:

Tingnan ang mga larawan. Bumuo ng isang kaganapan tungkol dito.

larawan ng ina na nagluluto

larawan ng ama na nagsisiba ng kahoy

larawan ng mga anak na naglilinis ng bahay

larawan ng batang nagiigib ng tubig

larawan ng batang babaeng nagwawalis ng bakuran

V. Kasunduan:

Iguhit ang sariling pamilya. Sumulat ng isang pang-uri na maglalarawan sa bawat kasapi.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

( Unang Araw)

I. LAYUNIN:

naihahambing ang epekto sa sarili at sa klase ng pagsunod sa mga alituntunin

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Isulat sa tamang hanay ang bawat sitwasyon.

- Tahimik na hinintay ang iyong guro bago magsimula ang klase.

- Nakikipagkwentuhan sa katabi habang nagtuturo ang guro.

- Isinisigaw ang sagot kahit hindi pa tinatawag.

- Pumipila nang maayos.

Pagsunod sa Alituntunin

Hindi Pagsunod sa Alituntunin

2. Pagganyak:

Magpakita ng larawan ng batang binibigyan ng parangal.

Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang karanasan tungkol sa larawan.

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Ano ang naibibigay na buti ng pagtupad o pagsunod sa mga alituntunin?

2. Paglalahad:

Ipabasa muli ang kwento:

Si Ria ay isang huwarang mag-aaral ng kanilang pangkat. Taon-taon siya ay nakatatanggap ng parangal dahil sa kanyang pagiging responsableng mag-aaral.

Tinutupad niya ang kanyang tungkulin bilang isang mag-aaral.

Sinusunod din niya ang mga alituntunin ng kanyang paaralan.

Lahat ng guro ay nalulugod sa kanya.

Sa katapusan ng taon palagi siyang nahihirang na pinakamahusay na mag-aaral sa kanyang pangkat.

Kaya naman ang kanyang mga magulang ay tuwang-tuwa at ipinagmamalaki siya sa lahat.

3. Pagtalakay:

Sino si Ria?

Bakit lagi siyang nakatatanggap ng parangal?

Paano niya ginagampanan ang kanyang mga gawain?

4. Paglalahat:

Ano ang buting naidudulot ng pagsunod sa mga alituntunin?

Tandaan:

May iba’t bang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Malaki ang epekto ng pagsunod sa alituntunin sa pag-unlad ng isang mag-aaral.

5. Paglalapat:

Laro: Bumunot sa Magic Box ng isang alituntunin.

Ipaliwanag nang maayos kung paano mo ito susundin.

IV. Pagtataya:

Sagutin kung tama o mali ang paghahambing ng epekto sa sarili at sa klase ng pagsunod sa alituntunin.

_______Mas maunlad ang pag-aaral ng batang sumusunod sa alituntunin kaysa sa hindi.

_______Maraming tao ang malulugod sa batang tumutupad sa alituntunin kaysa sa batang hindi tumutupad.

_______Laging napapagalitan ng guro ang batang hindi tumutupad sa alituntunin at pinupuri naman ang maayos na tumutupad dito.

_______Ikinahihiya ng magulang ang batang pasaway at ipinagmamalaki ang batang mahusay.

_______Kapag sinusunod ang mga alituntunin ng buong klase, ang pag-aaral ay magiging mabuti.

V. Kasunduan:

Sagutin:

Ano ang nararamdaman mo kapag sumusunod ka sa mga alituntunin? Hindi ka sumusunod sa mga alituntunin?

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:

· naihahambing ang epekto sa sarili at sa klase ng hindi pagsunod sa mga alituntunin

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Ano ang maaring mangyari kung sinusunod nang wasto ang mga alituntunin sa silid-aralan?

Ano ang epekto nito sa iyong sarili bilang isang mag-aaral? sa buong klase?

2. Pagganyak:

Sino sa inyo ang nakaranas nang mapagalitan o mapagsabihan ng guro? Bakit ito nangyari?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Ano ang mangyayari kung hindi susundin ang mga alituntunin?

2. Paglalahad:

Itala sa pisara ang mga karaniwang alituntunin na hindi nasusunod ng mga bata tulad ng:

Pagliban sa klase ng walang mabigat na dahilan

Hindi paggawa ng takdang-aralin

Pangongopya kung may pagsusulit

Pakikipag-away sa kapwa bata

Paglalaro o pagtatakbuhan sa loob ng silid-aralan

3. Pagtalakay:

Ano ang epekto sa iyong sarili at sa buong klase kung ang mga nakatalang alituntunin ay patuloy na malalabag?

Sa iyong palagay, magiging mabilis kaya ang pag-unlad sa pag-aaral ng mga bata?

Magiging maayos kaya ang samahan ng guro at mga bata?

4. Paglalahat:

Ano ang buting naidudulot ng hindi pagsunod sa mga alituntunin?

Tandaan:

May iba’t bang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Malaki ang epekto ng pagsunod sa alituntunin sa pag-unlad ng isang mag-aaral.

5. Paglalapat:

Laro: Bumunot sa Magic Box ng isang alituntunin.

Ipasadula sa mga bata ang bawat paglabag sa alituntunin.

IV. Pagtataya:

Ihambing ang kahihinatnan kung :

Susundin ang mga alituntunin

Lalabagin ang mga alituntunin

V. Kasunduan:

Iguhit ang iyong paaralan sa isang malinis na papel.

Sagutin: Ipinagmamalaki mo ba ang iyong paaralan?

Bakit?

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:

nakagagawa ng kwento o larawan tungkol sa batang nag-aaral .

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.: Pagpapahalaga sa Paaralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga salita.

pials

pials

gamit mo ito sa pagsulat______

ltaka

babasahing nagpapayaman

ng utak______

2. Pagganyak:

Magpakita ng batang may dalang bag.

Itanong: Saan kaya patungo ang batang ito?

Ano kaya ang nadarama niya?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Bakit kailangang mag-aral ang isang bata?

2. Paglalahad:

Gumamit ng larawan ng isang bata habang ipinaririnig ang kwento tungkol sa karapatan ng isang batang mag-aral.

Ang bawat bata na may anim na taong gulang ay dapat na magtasama ng karapatang mag-aral.

Sa paaralan matutugunan ang kanyang mga pangangailangan upang umunlad ang kanyang sarili.

Dito niya matutuhan ang pagbasa, pagsulat, pagbilang at maging ang kabutihang asal.

3. Pagtalakay:

Anu-ano ang mga natutuhan ng mga bata sa paaralan?

Mahalaga ba ang pag-aaral? Bakit?

4. Paglalahat:

Anong karapatan ang dapat tamasahin ng isang bata?

Tandaan:

Karapatan ng bawat bata ang makapag-aral.

5. Paglalapat:

Gumuhit ng isang batang mag-aaral.

IV. Pagtataya:

Ayusin ang mga pangungusap upang makabuo ng kwento tungkol sa batang nag-aaral.

Lagyan ng bilang 1-5

_____Pumapasok si Rica sa paaralan araw-araw.

_____Marami siyang mga kamag-aaral sa paaralan.

_____Ibat-ibang mga bagay ang kanyang natututuhan.

_____Sumusulat, bumabasa, bumibilang, gumuguhit

siya sa paaralan.

_____Masaya ang batang nag-aaral.

V. Kasunduan:

Sumulat ng 10 mahahalagang bagay na natutuhan mo sa paaralan.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

( Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:

· nakagagawa ng kwento o larawan tungkol sa batang hindi nakapag-aral.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.: Pagpapahalaga sa Paaralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Ilarawan ang mga gawain ng isang batang nag-aaral.

2. Pagganyak:

Sino pang ibang bayani ang kilala ninyo?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Bakit hindi nakapag-aral si Andres Bonifacio?

2. Paglalahad:

Talambuhay ni Andres Bonifacio

3. Pagtalakay:

Bakit hindi nakapag-aral si Andres Bonifacio?

Paano niya tinulungan ang kanyang sarili para matuto?

Hadlang ba ang kahirapan para hindi makapag-aral ang isang bata?

4. Paglalahat:

Anong karapatan ang dapat tamasahin ng isang bata?

Tandaan:

Karapatan ng bawat bata ang makapag-aral.

5. Paglalapat:

Isadula ang mahalagang pangyayari sa buhay ni Andres Bonifacio.

IV. Pagtataya:

Punan ng mga angkop na salita mula sa kahon para mabuo ang kwento tungkol sa isang batang hindi nakapag-aral.

naulila masipag mangmang nagtinda nagsikap

Si Andres ay maagang __________.

Bata pa lamang siya ng mamatay ang kanyang ama at ina.

____siyang buhayin ang kanyang maliliit na kapatid .

______siya ng mga pamaypay at baston sa harap ng simbahan at sa mga matataong mga lugar.

Bukod sa pagiging _________masikap din bata si Andres.

Ayaw niyang lumaking__________kaya nanghiram siya ng mga aklat upang matuto ng maraming bagay.

V. Kasunduan:

Punan ang Character Map ng mga angkop na salitang naglalarawan kay Andres.

Andres

Bonifacio

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. LAYUNIN:

· nahihinuha ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.: Pagpapahalaga sa Paaralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Muling ipakwento sa mga bata ang kwento ni Andres Bonifacio

Ano ang naging dahilan kung bakit hindi nakapag-aral si Andres?

2. Pagganyak:

Laro nang pangkatan.

Maguunahan ang mga bata sa pagbuo ng puzzle.

(Larawan ng paaralan)

Anong larawan ng lugar ang nabuo ninyo?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Alin ang tinatawag na ikalawang tahanan ng isang bata? Bakit?

2. Paglalahad:

Pag-usapan ang mga karanasan ng mga bata tungkol sa kahalagahan ng paaralan sa kanilang buhay.

Itala sa pisara ang mga pagbabahgi na ibinigay ng mga bata:

Bakit ba mahalaga ang paaralan sa iyong buhay?

-pangalawang tahanan

-dito ako natututo ng maraming kaalaman

-nakakasama ang aking mga kamag-aaral

-nabibigyan ng pagkakataong maipakita ang aking

talento o likas na galing

-nahuhubog bilang isang mabuting tao

3. Pagtalakay:

Bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang bata?

4. Paglalahat:

Ano ang kahalagahan ng paaralan sa isang bata?

Tandaan:

Mahalaga ang paaralan sa buhay ng bata dahil ang paaralan ang:

-pangalawang tahanan

-dito ako natututo ng maraming kaalaman

-nakakasama ang aking mga kamag-aaral

-nabibigyan ng pagkakataong maipakita ang aking

talento o likas na galing

-nahuhubog bilang isang mabuting tao

5. Paglalapat:

Isadula ang mahalagang pangyayari sa buhay ni Andres Bonifacio.

IV. Pagtataya:

Iguhit ang sariling paaralan. Sa ibaba ng iyong iginuhit na larawan isulat ang kahalagan nito sa iyong buhay bilang isang bata?

V. Kasunduan:

Sumulat ng isang maikling tula tungkol sa iyong paaralan.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ikawalong Linggo

(Unang Araw)

I. Mga layunin:

· nasasabi at naisusulat ang oras (by an hour)

II. Paksa

A. Aralin 36: Paggamit ng Orasan

Pagsasabi at Pagsulat ng Oras

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 59-62

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: orasan

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Pagsasabi at pagsulat ng oras

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Pabilangin ang mga bata gamit ang natutuhang skip counting by 5’s

2. Pagganyak:

Ipakita ang larawan ng isang batang babae na naghahanda para sa eskwela.

Sabihin: Ito si Pamela. Naghahanda siya sa pagpasok sa paaralan.

Kailangan ni Pamela na makarating sa paaralan isang oras mula ngayon.

Ika-anim ng umaga ang oras ngayon. Anong oras siya dapat na nasa paaralan?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Ngayong umaga, pag-aaralan natin ang pagsasabi at pagsulat ng oras gamit ang orasan.

Ngayon ay ika-anim ng umaga. Pupunta si Pamela sa paaralan isang oras mula ngayon.(Ituro sa orasan ang 6) Paikutin nang kumpletong ikot ang mahabang kamay ng orasan.(Ipaliwanag na sa bawat bilang ay may katumbas na 5 minuto at ang kabuuang bilang ng kumpletong ikot ay 60 na minuto)

Ano ang bilang pagkatapos ng 6?

Anong oras dapat na nasa paaralan si Pamela?(7)

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Paano natin nakuha ang wastong sagot.

Ano ang napansin ninyo sa orasan?

Ilan ang mga kamay ng orasan?

Magkasinghaba ba ang kamay ng orasan?

Ilan ang bilang sa mukha ng orasan?

Alin ang nagsasabi ng oras? minuto? Segundo?

D. Paglalahat

Ilang minuto ang katumbas ng isang oras?

Tandaan: Ang isang oras ay may katumbas na 60 minuto.

Ang maikling kamay ang nagsasabi ng oras.

Ang mahabang kamay ang nagsasabi ng minuto.

Ang isa pang kamay ng orasan ay nagsasabi ng Segundo. 60 segundo ang katumbas ng 1 minuto.

Ang mahabang kamay ay kumikilos nang mabilis kaysa sa maikling kamay ng orasan.

Ang kumpletong ikot ng mahabang kamay sa orasan ay katumbas ng isang oras.

Sa pagsasabi ng saktong oras ang maikling kamay ang unang titingna kung saan nakaturo na bilang at ang mahabang kamay ay palaging nakaturo sa 12.

E. Paglalapat:

Gamit ang orasan (improvised clock)

Ipakita ang oras na sasabihin ko

11:00

5:00

9:00

IV. Pagtataya:

A. Sabihin ang oras sa orasan na ipakikita ng guro.

B. Basahin at isulat ang oras.

1. 2:00

2. 12:00

3. 9:00

4. 6:00

5. 10:00

V. Kasunduan

Gumawa ng sariling orasan gamit ang mga lumang karton at kalendaryo.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin:

· nasasabi at naisusulat ang oras (by half hour)

II. Paksa

A. Aralin 37: Paggamit ng Orasan

Pagsasabi at Pagsulat ng Oras

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 59-62

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: orasan

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Pagsasabi at pagsulat ng kalahating oras.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Ilan ang kalahati ng:

10?

20?

30?

60?

2. Pagganyak:

Laro: Pabilisan sa pagsabi ng sagot.

Sabihin ang oras na ipapakita ko.

3:00

8:00

12:00

7:00

1:00

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Lutasin ang suliranin:

Nagsimulang mag-aral ng leksiyon si Liza sa ganap na ika-pito ng gabi. Natapos niya pagkatapos ng kalahating oras.

Anong oras natapos si Liza sa pag-aaral ng leksiyon?

Gamitin ang orasan.

Ipakita ang oras sa ika-pito ng gabi.

Unti-unting paikutin ang mahabang kamay habang bumibilang ng limahan:

5,10,15,20,25,30(Ipaliwanag na pag ang mahabang kamay ay nakaturo sa 6 katumbas ito ng 30 minuto.

Natapos si Liza sa ganap na 7:30. Tatlumpong minuto matapos ang ikapito ng gabi.

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Paano natin nakuha ang wastong sagot.

Saan nakaturo ang maikling kamay? (7)

Saan nakaturo ang mahabang kamay?(6)

Ilang minuto ang katumbas ng 6?

D. Paglalahat:

Ilan minuto ang katumbas ng kalahating oras?

Tandaan:

Ang kalahating oras ay katumbas ng 30 minuto.

Nakaturo sa pagitan ng dalawang bilang ang maikling kamay at sa 6 ang mahabang kamay.

E. Paglalapat:

Gumuhit ng orasan. Iguhit ang kamay matapos ang kalahating oras.

2:00______________________

5:00______________________

8:00______________________

IV. Pagtataya:

A. Sabihin kung anong oras ang ipinakikita sa bawat orasan.

11:30

5:30

9:30

1:30

6:30

B. Isulat ang oras sa bawat orasan

3:30 4:30 12:30

5:30 1:30

V. Kasunduan:

Gumuhit ng iba’t ibang hugis ng orasan sa inyong notbuk.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin:

· nasasabi at naisusulat ang oras (by quarter hour)

II. Paksa

A. Aralin 38: Paggamit ng Orasan

Pagsasabi at Pagsulat ng Oras

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 59-62

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: orasan

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Pagsasabi ng sangkapat na oras.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Ilan ang sangkapat ng:

8? 12? 40? 60?

2. Pagganyak:

Iguhit ang mahabang kamay ng orasan para ipakita ang oras na ipinakikita ng orasan.

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Ipakita ang orasan.

Ilang minuto ang katumbas ng bawat bilang?

Ilang minuto ang katumbas ng isang oras?

Pabilangin ng limahan hanggang maituro ang 12 na bilang sa orasan na katumbas ng 60 minuto.

Narito ang orasan.

Basahin ang oras na makikita rito.

2:15 4:45

5:30

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Saan nakaturo ang maikling kamay?

Saan nakaturo ang mahabang kamay?

Ilang minuto ang katumbas kung nakatapat ang kamay sa 3?(15) sa 6(30) sa 9? (45)

D. Paglalahat:

Ilan minuto ang katumbas ng sangkapat na oras?

Tandaan:

Ang sangkapat na oras ay katumbas ng 15 minuto.

Ang mahabang kamay ay nakaturo sa bilang na 3 na katumbas ng 15 minuto, sa 6 katumbas ng 30 minuto, at sa 9 katumbas ng 45 na minuto

(Ipaliwanag na ang 60 pag hinati sa apat ay 15)

E. Paglalapat:

Ipakita sa orasan ang:

5:30 8:15 4:45

IV. Pagtataya:

A. Sabihin kung anong oras ang ipinakikita sa bawat orasan.

3:10 4:05 6:45 12:30

B. Isulat ang oras sa bawat orasan

5:05 12:55 1:10

5:45 2:35

V. Kasunduan:

Gumuhit ng orasan para ipakita ang mga sumusunod na oras:

3:05 6:50 12:00 4:25

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ikawalong Linggo

(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin:

· napaghahambing ang mahaba at maikling bagay

II. Paksa

A. Aralin 39: Paghahambing ng mga Bagay Gamit ang mga Salitang Mahaba at Maikli

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 63-64

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: mga bagay na mahaba at maikli

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Paghahambing ng mga bagay na mahaba at maikli

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Tingnan ang mga hugis.

Alin ang pang-una? Pang-lima? Pang-walo?

Ano ang posisyon ng hugis puso? bilog?

2. Pagganyak:

Laro: Pinakamahabang Uod

(Limang manlalaro sa bawat pangkat)

Magdudugtong-dugtong ang mga bata at magpapahabaan ayon sa kanilang paraang gusto.

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Ipakita ang larawan ng 3 batang babae.

Sabihin: Ito sina Lea, Bea, at Rea.

Kagagaling lamang nila sa parlor at kapapagupit ng kanilang buhok.

Pansinin ang haba ng kanilang buhok.

Rea Bea Lea

maikli mas maikli pinakamikli

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Bakit si Lea ang nasa huli ng pila?

Sino ang may maikling buhok sa tatlo?

Kaninong buhok ang mas maikli kaysa kay Bea?

D. Paglalahat:

Paano natin iniaayos ang mga bagay?

Tandaan:

Ang mga bagay ay maaring ipangkat o iaayos ayon sa haba o ikli.

maikli mas maikli pinakamikli

mahaba mas mahaba pinakamahaba

E. Paglalapat:

Gamit ang mga larawan ipaayos sa mga bata ayon sa haba o ikli ng mga bagay.

IV. Pagtataya:

Paghambingin ang mga bagay ayon sa haba.

Tingnan ang bagay na may √.

Isulat kung :

mahaba mas mahaba pinakamahaba

maikli mas maikli pinakamaikli

1. _________ ____√ ________

2. √

3. √

4. √

5. √

V. Kasunduan:

Gumuhit ng mga bagay na:

mahaba mas mahaba pinakamahaba

maikli mas maikli pinakamaikli

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ikawalong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin:

· napaghahambing ang taas gamit ang katagang : mataas, mas mataas, pinakamataas., matangkad, mas matangkad, pinakamatangkad

II. Paksa

A. Aralin 40: Paghahambing ng mga Bagay Gamit ang mga Salitang Mataas/Matangkad

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 65-68

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: mga bagay na mahaba at maikli

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Paghahambing ng mga bagay na mataas at matangkad

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Magpakita ng tatlong bagay na may ibat-ibang sukat. Ipahambing ang mga ito sa mga bata.

Alin ang bagay na:

mahaba mas mahaba pinakamahaba

maikli mas maikli pinakamaikli

2. Pagganyak:

Nakaranas na ba kayong manguha o mamitas ng bunga ng bayabas?

Paano ninyo ito kinuha o pinitas?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Ipakita ang larawan ng 3 mag-aama.

Si Nilo kasama ang kanyang kapatid at ama ay nangunguha ng bunga ng bayabas.

Si Nilo dahil maliit ay lumulundag.

Ang kapatid niya tumatalon din na nakaunat ang braso para maabot ang bunga. Pero ang tatay nila hindi na lumundag. Inunat lang niya ang kanyang braso para abutin ang bunga.

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Paano ninyo paghahambingin ang taas ng mag-aama?

Sino ang matangkad? mas matangkad? pinakamatangkad sa tatlo?

Gumamit ng cut-out ng 3 tao para ipakita ang taas ng bawat isa.

Sino sa tatlo ang makakapitas ng maraming bunga?

Bakit?

D. Paglalahat:

Paano natin pinaghahambing ang taas ng mga tao/bagay?

Tandaan:

Ang mga tao at bagay ay maaring paghambingin gamit ang mga salitang:

matangkad mas matangkad pinakamatangkad

Ang mga ito ay ginagamit para ilarawan ang mga tao.

mataas mas mataas pinakamataas

Ang mga salitang ito ay ginagamit para ilarawan ang mga pook tulad ng bundok, bulkan o burol.

Gusali, poste at tagdan ng watawat

E. Paglalapat:

Gamit ang mga salitang napag-aralan, paghambingin ang mga bagay tulad ng:

puno ng papaya , puno ng atis at puno ng narra

Paghambingin ang tatlong mag-aaral:

Beatrice, Angel at Miki

IV. Pagtataya:

Gamit ang mga salitang mataas, mas mataas, o pinakamataas sa paghahambing sa mga sumusunod:

1. Mataas si Mario. Si Jose ay kasingtaas ni Mario.

Si Jose ay___________.

2. Mataas ang elepante pero _____ang giraffe kaysa sa elepante.

3. Si Dino ay may 3 kaibigan. Mas matangkad siya sa kanyang mga kaibigan. Sa makatuwid si Dino ang _________sa lahat.

4. Ang Bundok Arayat ay mataas. Ang Bundok Makiling ay mas mataas kaysa sa Bundok Arayat. Ang Bundok Apo ang _____________.

5. Sa tatlong bata sino ang pinakamatangkad?

Bea Lea Rea?

V. Kasunduan:

Gumuhit ng mga bagay at paghamabingin gamit ang:

matangkad mas matangkad pinakamatangkad

mataas mas mataas pinakamataas

Lesson Plan In English

Integration of Math and arts subjects

3rd Rating

Week 8 – Day 1

Theme: Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Appreciate one’s family and its members

Appreciate the events that one goes to

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun

Instructional Objectives:

Oral Language: Listen and share about self

Phonological Awareness: Recognize that words can be broken into onsets and rimes

Listening Comprehension: Listen and share about himself/herself.

Vocabulary and Grammar: Recognize, identify and give examples and classify naming words of events

I. Pre-Assessment:

Draw the members of your family.

Sing a song about a family.

This is mama kind and dear.

This is Papa standing here.

This is brother see how tall.

This is sister not so tall.

This is baby sweet and small.

This is the family one and all.

II. Objectives:

recognize the different members of the family

recognize names of events

appreciate one’s family

III. Subject Matter: Family

Naming Words (Events)

Materials storybook, pictures of family members, puzzle of a birthday celebration, pictures of events

IV. Procedure:

A. Activating Prior Knowledge:

Let’s name the members of the family by writing the names of the members in the concept web

family

family

B. Presentation:

Use a big book (teacher-made book)

I Have a Family (Story)

This is my father. I call him “Papa”.

This is my mother. I call her “Mama”.

This is my sister. I call her “Ate”

This is my brother. I call him “Kuya”

We have fun together.

I love my family.

C. Modeling:

Answer the question:

Who is this?(member of the family)

This is________.

D. Conceptualization:

Who are the members of a family.

Remember:

The members of the family are:

Father, Mother, Brother, Sister, and baby.

E. Guided Practice: :

Reciting Rhyme about a family:

My Home

Mother dear

Baby sweet

A little house

Where we sleep

Brother tall

Father strong

All of these make my home.

IV. Evaluation:

Match the picture to its correct family member.

Picture Member

1. mother father

2. sister brother

3. baby sister

4. father mother

5. brother baby

V. Assignment

Draw the other members of a family.

Lesson Plan In English

Integration of Math and arts subjects

3rd Rating

Week 8 – Day 2

Theme: Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Appreciate one’s family and its members

Appreciate the events that one goes to

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun

Instructional Objectives:

Oral Language: Listen and share about self

Phonological Awareness: Recognize that words can be broken into onsets and rimes

Listening Comprehension: Listen and share about himself/herself.

Vocabulary and Grammar: Recognize, identify and give examples and classify naming words of events

I. Pre-Assessment:

Match the picture to its correct name

Pictures How one is called.

father Mama

brother Kuya

mother Papa

II. Objectives:

share about oneself

name members of the family

identify names of persons

appreciate one’s family

III. Subject Matter: Family

Naming Words (Events)

Materials storybook, pictures of family members, sentence stem

IV. Procedure:

A. Activating Prior Knowledge:

Matching pictures to its correct family member

B. Presentation:

Read again the story to children.

I Have a Family (Story)

This is my father. I call him “Papa”.

This is my mother. I call her “Mama”.

This is my sister. I call her “Ate”

This is my brother. I call him “Kuya”

We have fun together.

I love my family.

Answer these questions about the story:

1. What is the title of the story?

2. Who is speaking in the story?

3. Who are the members of his/her family?

4. What does he call his father, mother, brother, sister?

C. Modeling:

Talk about your own family.

Use these patterns:

I have____. I call him/her____

D. Conceptualization:

Who are the members of a family.

Remember:

The members of the family are:

Father, Mother, Brother, Sister, and baby.

E. Guided Practice: :

Reciting Rhyme about a family:

My Home

Mother dear

Baby sweet

A little house

Where we sleep

Brother tall

Father strong

All of these make my home.

IV. Evaluation:

Call each pupil and let him/her tell about his/her own family.

I have a ______.

I call him/her _____.

I have a _____family.

V. Assignment

Memorize the poem about the family.

Lesson Plan In English

Integration of Math and arts subjects

3rd Rating

Week 8 – Day 3

Theme: Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Appreciate one’s family and its members

Appreciate the events that one goes to

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun

Instructional Objectives:

Oral Language: Listen and share about self

Phonological Awareness: Recognize that words can be broken into onsets and rimes

Listening Comprehension: Listen and share about himself/herself.

Vocabulary and Grammar: Recognize, identify and give examples and classify naming words of events

I. Pre-Assessment:

Recite this rhyme:

My Home

Mother dear

Baby sweet

A little house

Where we sleep

Brother tall

Father strong

All of these make my home.

II. Objectives:

tell about their family members and events they enjoy together

identify different events

III. Subject Matter: Family

Naming Words (Events)

Materials storybook, pictures of family members, sentence stem

IV. Procedure:

A. Activating Prior Knowledge:

Show a picture of a birthday party.

What occasion is celebrated in the picture?

Do you enjoy going to a birthday party with your family?

What other occasions/events do you enjoy going to with your family?

B. Presentation:

Read this story to children.

My name is Maria.

I am from Bacolod.

I enjoy going to the Maskara festival with my family.

Who is talking?

What event is mentioned in the story?

What event does the character enjoy going to with her family?

C. Modeling:

Talk about the events that your own family enjoy going to.

My name is________

I am from_____________

I enjoy going to the ____with my family.

We enjoy doing things together.

D. Conceptualization:

The family enjoys going to some events together like: birthday , fiestas, festival, wedding, Christmas, New Year , etc.

E. Guided Practice: :

Draw an event that you enjoy most to go to with your family.

IV. Evaluation:

Look at the picture/events. Match it to its correct name.

Picture Events

1. birthday party

2. Town Fiesta

3. Christmas

4. Graduation

5. Wedding

V. Assignment

Bring picture to class taken from one of the events that you attended with your family.

Lesson Plan In English

Integration of Math and arts subjects

3rd Rating

Week 8 – Day 4

Theme: Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Appreciate one’s family and its members

Appreciate the events that one goes to

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun

Instructional Objectives:

Oral Language: Listen and share about self

Phonological Awareness: Recognize that words can be broken into onsets and rimes

Listening Comprehension: Listen and share about himself/herself.

Vocabulary and Grammar: Recognize, identify and give examples and classify naming words of events

I. Pre-Assessment:

Guess the event that is being described:

cake, balloons, clowns_________________

Lantern, Christmas tree, caroling_________

II. Objectives:

name the events that they enjoy with their family

name different events

III. Subject Matter: Family

Naming Words (Events)

Materials storybook, pictures of family members, sentence stem

IV. Procedure:

A. Activating Prior Knowledge:

Show pictures of different events. Let the children name them.

B. Presentation:

Have the children listen to another story:

Gifts for Mother

“Happy birthday, mother, said Luz and Aida.

They put a sampaguita necklace around Mother’s neck.

Father and Luis came.

They brought gifts for mother, too.

They all kissed Mother.

“Thank you. I love you all,” said Mother.

Whose birthday was it?

What even is mentioned in the story?

C. Modeling:

Talk about the events that your own family enjoy going to.

I enjoy going to_______with my family.

D. Conceptualization:

The family enjoys going to some events together like: birthday , fiestas, festival, wedding, Christmas, New Year , etc.

E. Guided Practice: :

Act out the event in the story.

Sing a birthday song for mother and kiss and greet her .

IV. Evaluation:

Name different events that your family enjoy to go to.

V. Assignment

Write down 5 different events that you attended this year with your family.

Lesson Plan In English

Integration of Math and arts subjects

3rd Rating

Week 8 – Day 5

Theme: Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Appreciate one’s family and its members

Appreciate the events that one goes to

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun

Instructional Objectives:

Oral Language: Listen and share about self

Phonological Awareness: Recognize that words can be broken into onsets and rimes

Listening Comprehension: Listen and share about himself/herself.

Vocabulary and Grammar: Recognize, identify and give examples and classify naming words of events

I. Pre-Assessment:

Name different events.

II. Objectives:

share about events one enjoys with family

use names of events in a telling sentence

appreciate the events one goes to with the family

III. Subject Matter: Family

Naming Words (Events)

Materials storybook, pictures of family members, sentence stem

IV. Procedure:

A. Activating Prior Knowledge:

Song: My Family

B. Presentation:

Show a model. Picture of a family in an event that they enjoy together.

ex. birthda