Vol. 2 No. 8 | August 2018 TFBMbangonmarawi.com/wp-content/uploads/2018/12/vol-02-no-08.pdf ·...

6
BALITA ATBP : Pahina 3 Pahina 5 KAWIYAGAN TFBM GRUPONG KAAGAPAY INILUNSAD ANG INILUNSAD ng Subcommiee on Business and Livelihood ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Marawi City, World Food Programme (WFP), Food and Agriculture Organizaon (FAO), Community and Family Services Internaonal (CFSI) at Philippine Informaon Agency (PIA), ang Kawiyagan (Kabuhayan) sa Marawi City Hall grounds. Ayon sa temang, "Siyap sa Marawi, Gagaw ko Pagtao" (Pag-aalaga sa Marawi, Pagmamahal sa Kapwa), ang Kawiyagan ay isang serye ng distribusyon ng tulong pangkabuhayan para sa mga internally displaced person (IDP) na gagawin buwan-buwan. Ang akbidad na ito ay nagsisimbolo sa kolaborasyon ng TFBM at ng mga partner nito na masigurong maibigay nang direkta sa mga IDP ang mga tulong pangkabuhayan. Ayon kay TFBM Chairperson at Housing and Urban Development Coordinang Council Secretary Eduardo del Rosario, patuloy pa rin ang pagsuporta ng gobyerno sa mga IDP. Namahagi ang Department of Trade and Industry ng mga food cart na may kasamang bike (donasyon mula sa United Naons Development Programme) at starter kit na naglalaman ng stove, LPG set, gamit pangkusina at mga sangkap panluto. Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program, ang Department of Social Welfare and Development namigay ng P10,000 Seed Capital Fund sa 140 benepisyaryo. Nagsagawa naman ang Technical Educaon and Skills Development Authority ng Scholarship Enrolment at Skills Demonstraon sa paggupit, manicure at pedicure. Ang Department of Agriculture ay namahagi ng 27 bag ng urea ferlizer at 500 na pakete na buto ng gulay habang ang Department of Agrarian Reform naman ay namahagi ng 25 bag ng binhi ng mais at 25 bag na buto ng mga gulay. Namahagi rin ang CFSI ng mga kagamitan para sa paggugupit, paggawa ng browa, paggawa ng mamandiang, slipper vending at Ready-To-Wear (RTW) vending. Ang FAO naman ay namahagi ng 50 hanggang 100 na iba’t ibang buto ng mga gulay para sa mga kababaihang benepisyaryo habang ang WFP naman ay nagbigay ng kagamitan sa pangingisda at pagsasaka, iba’t ibang buto ng mga gulay, at 50 kilong bigas sa 4,380 na pamilya. Ang Naonal Food Authority naman ay nagpabenta ng bigas na nagkakahalaga ng P27 bawat kilo. "Kami po ay patuloy na kasama niyo sa pagtayo at pagndig ng Marawi City," ani ni Del Rosario. Nagpasalamat naman si Assistant Secretary Felix Castro Jr., Field Office manager ng TFBM sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga humanitarian organizaon. Vol. 2 No. 8 | August 2018 PRIBADONG ORGANISASYON, NAMAHAGI NG TULONG PARA SA KABATAAN SA MARAWI NAGPAPATULOY PA RIN REHABILITASYON NG MARAWI CITY,

Transcript of Vol. 2 No. 8 | August 2018 TFBMbangonmarawi.com/wp-content/uploads/2018/12/vol-02-no-08.pdf ·...

BALITAATBP :

Pahina 3 Pahina 5

KAWIYAGAN

TFBMGRUPONG KAAGAPAY

INILUNSAD ANG

INILUNSAD ng Subcommittee on Business and Livelihood ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Marawi City, World Food Programme (WFP), Food and Agriculture Organization

(FAO), Community and Family Services International (CFSI) at Philippine Information Agency (PIA), ang Kawiyagan (Kabuhayan) sa Marawi City Hall grounds.

Ayon sa temang, "Siyap sa Marawi, Gagaw ko Pagtao" (Pag-aalaga sa Marawi, Pagmamahal sa Kapwa), ang Kawiyagan ay isang serye ng distribusyon ng tulong pangkabuhayan para sa mga internally displaced person (IDP) na gagawin buwan-buwan.

Ang aktibidad na ito ay nagsisimbolo sa kolaborasyon ng TFBM at ng mga partner nito na masigurong maibigay nang direkta sa mga IDP ang mga tulong pangkabuhayan.

Ayon kay TFBM Chairperson at Housing and Urban Development Coordinating Council Secretary Eduardo del Rosario, patuloy pa rin ang pagsuporta ng gobyerno sa mga IDP.

Namahagi ang Department of Trade and Industry ng mga food cart na may kasamang bike (donasyon mula sa United Nations Development Programme) at starter kit na naglalaman ng stove, LPG set, gamit pangkusina at mga sangkap panluto.

Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program, ang Department of Social Welfare and Development namigay ng P10,000 Seed Capital Fund sa 140 benepisyaryo.

Nagsagawa naman ang Technical Education and Skills Development Authority ng Scholarship Enrolment at Skills Demonstration sa paggupit, manicure at pedicure.

Ang Department of Agriculture ay namahagi ng 27 bag ng urea fertilizer at 500 na pakete na buto ng gulay habang ang Department of Agrarian Reform naman ay namahagi ng 25 bag ng binhi ng mais at 25 bag na buto ng mga gulay.

Namahagi rin ang CFSI ng mga kagamitan para sa paggugupit, paggawa ng browa, paggawa ng mamandiang, slipper vending at Ready-To-Wear (RTW) vending.

Ang FAO naman ay namahagi ng 50 hanggang 100 na iba’t ibang buto ng mga gulay para sa mga kababaihang benepisyaryo habang ang WFP naman ay nagbigay ng kagamitan sa pangingisda at pagsasaka, iba’t ibang buto ng mga gulay, at 50 kilong bigas sa 4,380 na pamilya.

Ang National Food Authority naman ay nagpabenta ng bigas na nagkakahalaga ng P27 bawat kilo.

"Kami po ay patuloy na kasama niyo sa pagtayo at pagtindig ng Marawi City,"ani ni Del Rosario.

Nagpasalamat naman si Assistant Secretary Felix Castro Jr., Field Office

manager ng TFBM sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga humanitarian organization.

Vol. 2 No. 8 | August 2018

PRIBADONG

ORGANISASYON,NAMAHAGI NG TULONGPARA SA KABATAAN SA MARAWI NAGPAPATULOY PA RIN

REHABILITASYONNG MARAWI CITY,

Lou Ellen Antonio
ani

PATULOY na pinagtutuunan ng pansin ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) ang pagpapalakas sa moral ng mga internally displaced person (IDP) ng Marawi City.

Pinangunahan ng TFBM ang pagsagawa ng Moral Recovery and Psychosocial Intervention Program kamakailan sa Biyaya ng Pagbabago Transitional Shelter Site, Barangay Sagonsongan, Marawi City.

“Layunin ng programa na mapalakas ang mga paniwala ng ating mga kababayan na nasalanta sa paglusob at saka matulungan natin sila at malaman ang kanilang mga hinanaing,” ani ni Mary Joy Juson, executive assistant ng TFBM Field Office.

2

BROADCAST HUB,ITATAYO SA MARAWIPTV

ITATAYO ang isang broadcast hub ng People’s Television Network, Inc. (PTV) sa Marawi City upang magkaroon ng imprastraktura para magbahagi ng impormasyon ukol sa mga pagsisikap ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) para sa rehabilitasyon ng Marawi at ng mga residente nito.

Nakipag-ugnayan ang mga ehekutibo mula sa PTV at Philippine Information Agency (PIA) sa probinsyal na pamahalaan ng Lanao del Sur at Mindanao State University System (MSU) upang pag-usapan ang ukol sa pinaplanong pagpapatayo ng istasyon.

Isinagawa rin ang ocular visit sa mga potensyal na lugar na pagpapatayuan, ang Lanao del Sur provincial capitol complex at MSU.

“Ang mga news cast na gagawin ay in Maranao dialect; gagamitin din ang Tagalog at Bisaya dialect sa pagbabalita para siguradong makukuha kaagad ng ating mga kababayan ang impormasyon,” dagdag pa niya.

Pinaplanong maipatayo ang istasyon ngayong taong 2018 kung saan isa sa mga prayoridad na proyekto ng Information Management and Strategic Communications Support Group (IMSCG) ng TFBM. Ang proyektong ito ay inirekomenda ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang pangunahing ahensiya ng TFBM-IMSCG kasama ang PIA.

“Tinitingnan natin ang provincial capitol complex at ang MSU campus bilang mga potential na mga lugar na mapagpapatayuan ng istasyon dahil ito ang pinakamataas na lugar dito sa Marawi City. Maganda na maipwesto ito sa pinakamatas na lokasyon para sigurado tayo sa signal propagation,” ani ni PIA Director-General Harold Clavite.

TINUTUTUKAN

PAGPALAKAS SA

MORALNG IDP, Sa mensaheng ipinahayag ni Aleem Mansawi Mimbalawag para sa mga IDP, binigyang-diin nito ang importansya ng ‘sabr’ at ang pagbabalik-loob kay Allah.

“Dapat gawin ng mga tao, bumalik sa Islamic faith, kay Allah para magpasalamat. If there is patience in trials, may rewards…forgiveness, mercy and truthfulness [kapag may pasensya sa bawat pagsubok, may

gantimpala na matatanggap tulad ng pagpapatawad, awa at katapatan],” ayon

kay Mimbalawag.

Lou Ellen Antonio
insert - ipagpatuloy sa pahina 3
Lou Ellen Antonio
ani ra diay ya dili ani ni
Lou Ellen Antonio
ng mga IDP
Lou Ellen Antonio
niya
Lou Ellen Antonio
ani

3

KAUGNAY sa temang “Reviving Peace with the Marawi children towards a World in Harmony,” namahagi ng tulong ang mga pribadong organisasyon para sa kabataan sa Marawi na kasalukuyang nananatili sa Biyaya ng Pagbabago Transitional Shelter Site, Barangay Sagonsongan.

Ang programa ay isinagawa ng Rotary Club Uptown Iligan-District 3870, Integrated Philippine Association of Optometrist (IPAO) – Iligan- Lanao Chapter at Fraternal Order of Eagles – PENM region 2 – Tawan-Tawan Hills Eagles Club kasabay ng pagsagawa ng Moral Recovery and Psychosocial Intervention Program ng Task Force Bangon Marawi (TFBM).

Nagsagawa ng libreng pagsusuri sa mata ang IPAO at namahagi ng 200 na salamin sa mata.

“We are wishing them that they are able to get a better life after this; that they will not lose hope; that they should have a mindset na they can always recover,” ani ni Dr. Lilibeth Imperial Dabatos, vice president ng

IPAO-Iligan Lanao Chapter at presidente ng Rotary Club of Uptown Iligan- District 3870.

[Kami ay nagnanais na sila ay makakakuha ng isang mas mahusay na buhay pagkatapos nito; na hindi

PRIBADONG

Sa kabilang dako, siniguro naman ng Philippine Army (12th Civil Military Operations at 82nd Infantry Battalion) ang seguridad habang isinasagawa ang programa. Tumulong rin ang Hijab troopers sa pagsagawa ng psycho-social activity.

Samantala, nagpaabot din ng tulong ang ilang mga pribadong organisasyon tulad ng Rotary Club Uptown Iligan, Department of Tourism thru Iligan City Tourism Office, Integrated Philippine Association of Optometrist, at Fraternal Order of Eagles –Tawan-Tawan Hills Eagles Club.

Namahagi ng relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang namigay naman ang Philippine Information Agency ng mga newsletter.

sila mawawalan ng pag-asa, "sabi ni Dr. Lilibeth Imperial Dabatos, vice president ng IPAO-Iligan Lanao Chapter at presidente ng Rotary Club of Uptown Iligan-District 3870.

Samantala, namahagi naman ang Department of Tourism sa pamamagitan ng Iligan City Tourism Office ng mga laruan, shirt at bag sa mga bata. Namahagi naman ng ice cream ang Fraternal Order of Eagles –Tawan-Tawan Hills Eagles Club.

Ang Philippine Army (12th Civil Military Operations, 82nd Infantry Battalion, Hijab troopers) naman ay tumulong para sa distribusyon.

Siniguro naman ni TFBM Field Office manager, Assistant Secretary Felix Castro Jr. na patuloy pa ring tutugunan ng TFBM ang pangangailangan ng mga IDP.

“Hindi namin sila pababayaan. Habang inaayos natin ang Marawi, hindi rin natin pababayaan ang mga kababayan nating IDP. Tuloy-tuloy ang pagtulong natin sa kanila,” ayon kay Castro.

ORGANISASYON,NAMAHAGI NG TULONGPARA SA KABATAAN SA MARAWI

Lou Ellen Antonio
ani

MULING tiniyak ni Kalihim Eduardo del Rosario, pinuno ng Task Force Bangon Marawi, sa mga mamamayan ng Islamic City of Marawi na determinado ang pamahalaan na matugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga internally displace person (IDP) na naapektuhan ng giyera at tuparin ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling maisaayos ang mga nasira at maibalik ito sa mga mamamayan.

Sa panayam kay Del Rosario matapos ang pagpupulong ng mga ahensiya at organisasyon na bumubuo ng TFBM, inihayag nito na ipinatutupad ng pamahalaan ang “whole of nation approach” kung saan magkakaagapay na tinutugunan ng mga kasaping grupo ang pagbibigay tugon para manumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan at maitaguyod muli ang pagsusulong sa kaunlaran ng Marawi City sa gitna ng epekto at hamon ng idinulot ng halos limang buwan na giyera laban sa mga nanupil na teroristang grupong may kaugnayan sa ISIS.

“Lahat ng kabilang sa TFBM ay nagtutulong-tulong po, kabilang ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, para matulungan ang mga IDP sa kanilang mga pangunahing pangagailangan at hanggang

NAGHAHANDA na ang Commission on Election (Comelec) para sa isasagawang special barangay and SK elections sa Marawi City sa darating na ika-22 ng Setyembre matapos ang huling araw ng pagpapasa ng certificate of candidacy o COC noong nakaraang Agosto 30.

Ayon kay Marawi City election officer Atty. Michael Ignes, umabot sa 234 ang nagsumite ng kandidatura sa punong barangay, 862 sa barangay kagawad, 162 sa SK chairperson and 193 sa SK kagawad para sa 96 barangay na sakop ng Marawi City.

Dagdag pa ni Ignes na 24 na kandidato sa punong barangay ang “unopposed” o walang katunggali habang tatlo hanggang apat na kandidato naman sa ibang mga barangay.

“Maglalaan naman ng special poll centers” ang Comelec sa Marawi City sa mga transitional shelter areas para sa mga residente ng 24 na barangay na nasa loob ng ground zero o most affected area (MAA) na kasalukuyang nakatira sa mga trasitional shelter, evacuation center, at home-based na lumikas sa mga kalapit lugar ng Marawi City,” ayon sa opisyal.

ANG Task Force Bangon Marawi (TFBM), lokal na pamahalaan ng Marawi City at International Organization for Migration (IOM) ay nagtulong-tulungan para sa pagpapabuti sa mahigit 200 na tent sa Sarimanok Site 1 at 2 sa Marawi City.

Layunin ng TFBM na masiguro ang kaginhawaan at seguridad ng mga internally displaced person (IDP) sa mga evacuation center. Sa mga direktiba ng TFBM chair na si Sec. Eduardo del Rosario, ang proyekto ay isinagawa.

Isang camp coordination at camp management workshop naman ang isinagawa noong Hulyo kung saan ang mga IDP sa mga Sarimanok site ay nagbahagi ng kanilang mga rekomendasyon para sa pagpapabuti sa kanilang kalagayan. Sa tulong ng pagsusuri ng IOM, nakita na kinakailangan nang baguhin at pagbutihin ang mga tent dito.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 12 ay nagbigay ng bagong tent at nagpatupad ng cash for work para sa mga IDP na magsasagawa ng pagpapabuti sa tent.

Samantala ang Office of Civil Defense – Autonomous Region in Muslim Mindanao naman ay nagbigay ng mga insulator para maprotektahan ang mga IDP mula sa matinding init.

Ang iba pang materyales ay ibinahagi naman ng DSWD Region 10. Ang lokal na pamahalaan ng Marawi City ay magbibigay rin ng materyales para sa konstraksyon sa paglulutuan ng mga IDP.

Ang implementasyon ng proyektong ito ay pinangangasiwaan ng TFBM sa tulong ng teknikal na suporta ng IOM.

SA SARIMANOK TENT

TFBM, PARTNERNAKIPAGTULUNGAN PARA SA

PAGSASAAYOS1,000

HIGITKANDIDATOTATAKBO

SA MARAWI CITY SPECIALBARANGAY AT SK ELECTIONS

REHABILITASYONNG MARAWI CITY, NASA

ITINAKDANG PANAHON PA RIN

4

sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng iba’t-ibang klase at pamamaraan ng tulong para maibsan ang kanilang suliranin at mga pasanin na kinakaharap sa ngayon,” ani Del Rosario.

Ang iba’t-ibang mga sub-committee ng TFBM ay tuloy-tuloy simula pa nang nagsimula ang giyera hanggang sa kasalukuyan sa pagbigay-tulong sa mga apektadong mamamayan at pamayanan kasama ang pagkain, damit, tirahan, gamot, kabuhayan, trabaho at marami pang iba.

Katulong din ng pamahalaan ang mga tulong na ibinibigay ng mga banyaga at lokal na mga humanitarian organization.

Pangunahing adhikain pa rin ng TFBM ang mabigyan ng sapat at maginhawang tirahan ang lahat ng mga IDP kaya itinataguyod ng task force na maisara ang mga evacuation center at mailipat ang mga nakatira rito bago matapos ang kasalukuyang taon sa mga temporary shelter unit.

“Sa kabuuan ay naisakatuparan at ipinatutupad ng TFBM ang mga istratehiya para matulungan ang mga mamamayan ng Marawi City, kung saan ay kuntento at masaya naman ang tugon ng mga mamamayan sa mga gawain ng task force,” dagdag ni Del Rosario.

Diin pa ni Ignes na mas magiging mahigpit sila sa gagawing special elections dahilan sa nakatuon ang pansin ng mga mamamayan sa buong bansa, maging ng mga nasa ibayong dagat sa Marawi City.

Mahigpit rin ang gagawing pagsubaybay ng Comelec sa panahon ng pangangampanya ng mga kandidato simula sa ika-12 ng Septyembre.

Una nang inihayag ng PSupt. Jamal Christopher Adiong, hepe ng Marawi City Police Office (MCPO), na wala pa silang naitatalang election related incidents mula nang magsimula ang election period.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng opisyal ng Comelec Marawi City sa tanggapan ng kapulisan at kasundaluhan para alamin pa ang ibang mga barangay na maituturing na election hotspot.

Nagpasalamat naman si Ignes sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Education (DepEd), lokal na pamahalaan ng Marawi city at iba pang katuwang na organisasyon sa lungsod dahil sa mga pagsisikap ng mga ito na matiyak na magiging matiwasay, mapayapa at maayos ang gagawing special barangay at SK elections sa darating September 22.

Una nang naisara ang karamihan mula sa 5,000 na mga evacuation center at naibaba sa 800 na lamang matapos maitayo ang mga temporary shelter unit at nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan para mailipat lahat

Binigyan diin rin ni Del Rosario na masisimulan na ang mga paunang hakbangin para maisaayos na ang most affected area (MAA) na maaring sa midweek or ikatlong linggo ng Septyembre ngayong taon.

Kailangan lang na maisaayos ang mga suliranin sa land resource management ng MAA, ayon sa puno ng TFBM, dagdag pa na ang land ownership ang nananatiling isang malaking isyu kung saan maraming mga nagmamay-ari titulo sa mga inaangkin na lupain samantalang mayroon ring mga nakatira pero walang titulo sa kinatitirikan ng kanilangv propyedad.

Kaugnay ng suliraning ito, inihayag ng pinuno ng TFBM na bubuo ang TFBM ng Land Resource Management Committee (LRMC), samantalang ang Marawi City government ay mag-oorganiza ng Local Land Dispute Arbitration Committee (LDAC) at mga respetadong pinuno ng pamayanan upang maresolbahan ang isyung ito.

Lahat ng land disputes issues na saklaw ng LRMC ay isasangguni sa LDAC at sa mga respetadong pinuno ng pamayanan upang maresolbahan ang isyung ito.

Tinitiyak ko sa mga kapatid nating Maranao na ginagawa ng TFBM ang lahat. Hinihiling lang po namin ang inyong pag-unawa at pasensya samantalang patuloy ang adhikain ng pamahalaan upang mapadali ang pagbibigay tulong para sa lahat ng apektadong pamilya at pamayanan,” dagdag pa nito.

SUMAILALIM sa tatlong-araw na Capacity Building on Conflict Sensitivity and “Do No Harm” Program ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon na kaisa sa pagsisikap sa rehabilitasyon ng Marawi City upang masiguro ang “conflict-sensitive approach” sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa lungsod.

CAPACITY BUILDING TUNGKOLSA CONFLICT SENSITIVTY PARA SA

REHABILITASYON SA MARAWI, ISINAGAWA

5

6

Published by:PHILIPPINEINFORMATIONAGENCY

INFORMATION COMMUNICATIONSCOMMAND CENTER

Mahogany Hills, Kaplag Palao, Iligan CityTelephone Number:

0995 356 3965 or 0929 144 9242

bangonmarawiph

www.bangonmarawi.org

Para sa iba Pang Balita atImpormasyon, Bisitahin ang:

IKALAWANG

SA MAA, ISASAGAWA

ISASAGAWA ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) ang ikalawang Kambisita sa Most Affected Area sa Marawi City.

Ang Joint Task Force Ranao (JTFR) of the Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pakikipagkoordinasyon

KAMBISITA

Ang pagsasanay ay napapaloob sa itinataguyod na inisyatibo para sa kapayapaan sa temang “Towards Peaceful and Effective Rebuilding of Marawi City.”

Pinangunahan ng mga trainer ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) at Mindanao Development Authority (MinDA) ang pagsasanay sa mga opisyal at kawani rin ng SHFC, UN-Habitat at lokal na pamahalaan ng Marawi City.

Una na ring nagsagawa ng parehong pagsasanay sa ilalim ng Do No Harm Mindanao Program ng MinDA para sa Task Force Bangon Marawi at mga katulong nito para sa rehabilitasyon ng Marawi City at mga karatig na lugar.

Ang MinDA ay mayroong grupo ng mga DNH trainer para magsagawa ng mga orientation seminar or awareness training sa Conflict Sensitivity and DNH.

Maliban sa DNH training, tinalakay ang paksang ‘The Maranao Culture: History, Structure and Social Dynamics’ at “Islamic Financing” sa mga kalahok upang magkaroon sila ng kaalaman at kasanayan sa epektibong pagsasagawa ng mga kaugnay na proyekto.

Tinalakay din ni Joint Task Force Ranao deputy commander Col Romeo Brawner Jr., ang usapin sa military perspective para sa rekonstruksyon at rehabilitasyon ng Marawi City kasabay ang kasalukuyang ipinatutupad na mga inisyatibo sa seguridad, engineering at civil-military operations.

Bumuo rin ang mga kalahok sa pagsasanay ng mga estratihiya sa resource transfers; pag-alam sa 'potential dividers' at 'connectors' may kaugnayan sa shelter program; pagbalangkas ng mga paraan para makahikayat pa nga mga 'key stakeholders' at 'potential partners.'

sa lokal na pamahalaan ng Marawi City, non-government organization (NGO) at Civil Society Organization (CSO) ay magtitipon-tipon upang tulungan ang mga residente ng 24 barangay na hanapin ang kanilang mga nasirang ari-arian sa MAA.

Magsasagawa rin ang TFBM ng mga workshop at seminar para sa mga residente ng MAA, sa pangunguna ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Assistant Secretary Michelle Go bilang suporta sa isasagawang Kambisita.

Sa panahon ng ikalawang Kambisita, ang mga residente ay kinakailangan na sumailalim sa ‘off-site pre validation phase at onsite validation’ para mairekord ng mga pwersang pangseguridad para sa pagproseso. Ito ay susuporta sa aktwal na resulta ng post conflict needs assessment-damages and losses assessment (PCNA-DALA) at human recovery needs assessment (HRNA) sa Marawi City na pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) noong September-December 2017.

Ang lahat ng ahensiya na kasali sa land resource management (LRM) ay inaasahan na makatulong sa paghahanap ng eksaktong hangganan, pagmamay-ari at pagtatantya ng halagang nasira sa bawat istraktura sa MAA.

Kokolektahin ng LRM team ang bawat impormasyon sa pamamagitan ng social cartography na nagsusukat sa mga lote na pinagmamamay-ari ng mga residente.