Virtues ii

15
Birtud at Halaga II Presented by: Arnel O. Rivera www.slideshare.net/ ArnelSSI

description

 

Transcript of Virtues ii

Page 1: Virtues ii

Birtud at Halaga II

Presented by:

Arnel O. Riverawww.slideshare.net/ArnelSSI

Page 2: Virtues ii

Balik-aral:Ano ang pamantayan para sabihin na ang isang kilos ay mabuti o masama?

Page 3: Virtues ii

Balik-aral:

Ano ang birtud (virtues)?– Ito ay tumutukoy sa mga mabubuting

kilos na ginagawa ng tao.

– Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao.

Page 4: Virtues ii

Balik-aral:

Ano ang gawi (habits) ?– Mga kilos na kusang ginagawa ng

tao.– Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na

pagsasagawa ng kilos.– Ang bawat tao ay may makakaibang

gawi.

Page 5: Virtues ii

Balik-aral:

Bakit sinasabi na ang Birtud ay Gawi?

• Ito ay bunga ng mahaba at mahirap na pagsasanay.

Page 6: Virtues ii

Dalawang Uri ng Birtud:

• Intelektuwal na Birtud - pagpapaunlad ng kaalaman na siyang gawain ng ating isip.

• Moral na Birtud - Ang papapaunlad ng ating kakayahang gumawa ng mabuti at umiwas sa masama na siyang gawain ng ating kilos-loob.

Page 7: Virtues ii

Kaugnayan ng Birtud sa Halaga

• Ang paghubog ng gawi ay may kaugnayan sa halaga. Ang pagsasabuhay ng birtud ay bunga ng maingat na paghuhusga.

• Ito ay dahil naniniwala tayo na mayroon itong napakahalagang kontribusyon sa ating pangaraw-araw na pagpapasya.

Page 8: Virtues ii

Kaugnayan ng Birtud sa Halaga

• Kung nakikita natin ang tulong ng mga ito sa ating pagkatao, pagyayamanin natin at pahahalagahan ang mga ito.

Page 9: Virtues ii

Sandaling Isipin:

• Bakit mahalaga sa atin ang ating pamilya?

• Paano natin ipinapakita ang pagpapahalaga sa ating pamilya?

• Anong birtud ang ating ginagawa upang ipadama ang ating pagpapahalaga sa ating pamilya?

Page 10: Virtues ii

Mga Uri ng Halaga

• Ganap na Halagang Moral (Absolute Moral Values)

• Halagang Pangkultura at Gawi (Cultural Behavioral Values)

Page 11: Virtues ii

Ganap na Halagang Moral

• Ito ay nagmumula sa labas ng tao.

• Ito ay pangkahalatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.

• Nararapat na ang kilos ng tao ay naaayon sa pangkalahatang katotohanan.

Page 12: Virtues ii

Halagang Pangkultura at Gawi

• Ito ay nagmumula sa loob ng tao.

• Ito ay maaaring pansarili o paniniwala ng isang pangkat kultural.

• Layunin nito na makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin (immediate goals).

Page 13: Virtues ii

Film Viewing:

• Panoorin ang video at tuklasin ang aral na ipinapahiwatig nito.

Page 14: Virtues ii

Tandaan:“Ang lahat ng tao ay may halaga

ngunit hindi lahat ng tao ay marunong magpahalaga.”

Page 15: Virtues ii

To download this file, go to:

http://www.slideshare.net/ArnelSSI