Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang...

28
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at Climate Change 10

Transcript of Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang...

Page 1: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 3:

Pagkasira ng Likas na Yaman

at Climate Change

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

ii

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at Climate Change Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maricris G. Malang

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Maesie T.dela Peña/ Vincent D. Robles

Tagalapat: Maricris G. Malang /Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3:

Pagkasira ng Likas na Yaman

at Climate Change

Page 4: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkasira ng Likas na Yaman at Climate

Change.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkasira ng Likas na Yaman at Climate Change!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito

ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung

pangkapaligiran ng Pilipinas.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Leksyon 1 – Pagkasira ng Likas na Yaman

Leksyon 2 – Climate Change

Leksyon 3 – Coral Bleaching

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga suliraning pangkapaligirang kinahaharap ng Pilipinas;

2. naipaliliwanag ang dahilan at epekto ng pagkasira ng likas na yaman, climate

change at coral bleaching sa Pilipinas;

3. natutukoy ang mga batas at kautusan ng pamahalaan sa pangangalaga ng

mga kagubatan sa Pilipinas; at

4. nakapagbibigay ng mga paraan kung paano mapangangalagaan ang mga likas

na yaman ng bansa.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

2

Subukin

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang wastong sagot mula sa

mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa matagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot

ng gawain ng tao at natural na kalamidad.

A. Ilegal na pagpuputol ng puno C. Deforestation

B. Pagguho D. Reforestation

2. Natural na pangyayari na dulot ng pagkaubos o pagkakalbo ng kagubatan.

A. Climate Change C. Polusyon

B. Pag-init ng panahon D. El Niño

3. Ang sumusunod ay epekto ng climate change sa Pilipinas maliban sa _________.

A. labis na pag-ulan C. tagtuyot

B. pagkasunog ng kagubatan D. pagtaas ng populasyon

4. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng puno bilang panggatong.

A. Mabilis na pagtaas ng populasyon C. Ilegal na pagmimina

B. Fuel wood harvesting D. Illegal logging

5. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.

A. Reforestation Administration C. Community Forestry

B. Deforestation Administration D. Forest Sector Project

6. Ang illegal na pagpuputol ng mga puno ay ipinagbawal sa bisa ng anong Atas

Tagapagpaganap?

A. Atas Tagapagpaganap 771 C. Atas Tagapagpaganap 772

B. Atas Tagapagpaganap 277 D. Atas Tagapagpaganap 273

7. Ang sumusunod ay mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas

maliban sa _________.

A. Migrasyon C. Ilegal na pagmimina

B. Fuel wood harvesting D. Polusyon sa hangin

8. Sa bisa ng Republic Act na ito, muling sumigla ang mga gawain para sa

reforestation.

A. Republic Act 117 C. Republic Act 171

B. Republic Act 151 D. Republic Act 115

9. Ang sumusunod ay suliraning naidudulot ng walang tigil na pagpuputol ng puno

maliban sa _________.

A. Pagguho ng lupa C. Weathering

B. Pagkasira ng tirahan ng hayop D. Pagbaha

Page 9: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

3

10. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng pook panirahan.

A. Migrasyon C. Caravan

B. Bakasyon D. Lakbay-aral

11. Isa sa mga dahilan ng pagbabago ng klima ay ang patuloy na pag-init ng daigdig

dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng ___________ na naiipon sa

atmosphere.

A. Oxygen C. Carbon Dioxide

B. Hydrogen D. Helium

12. Sa nakalipas na taon unti-unting nasisira ang likas na yaman ng bansa.

Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa na

nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto.

A. Ang una at ikalawang pangungusap ay mali.

B. Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawa ay mali.

C. Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama.

D. Ang dalawang pangungusap ay tama.

13. Ilegal na pagpuputol ng puno: pagguho ng lupa, __________________: tagtuyot at

pagkasunog ng kagubatan.

A. Ilegal na pagmimina C. Global Warming

B. Climate Change D. Migrasyon

14. Ang sumusunod ay deposito ng mineral na matatagpuan at makukuha sa

pagmimina maliban sa _________.

A. dyamante C. nikel

B. limestone D. tanso

15. Ito ay tumutukoy sa Atas ng Pangulo kung saan ipinag-utos sa lahat ng

mamamayang 10(sampung) gulang pataas na magtanim ng 12 seedling bawat

taon sa loob ng limang taon.

A. Presidential Decree 5311 C. Presidential Decree 1153

B. Presidential Decree 3151 D. Presidential Decree 5113

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 10: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

4

Aralin

1 Pagkasira ng Likas na

Yaman at Climate Change

Pagbati! Ang ikatlong paksa sa ating modyul ay tungkol sa pagkasira ng likas

na yaman, climate change at coral bleaching. Iyong naunawaan ang suliraning

kinakaharap ng bansa tungkol sa solid waste o basura. Ipagpatuloy ang iyong

pakikibahagi sa paksa sa pamamagitan ng pag-aaral sa ikatlong paksa.

Hagdan-Ugnayan

Panuto: Upang matiyak kung natutuhan at naunawaan mo ang nakalipas na aralin,

narito ang isang gawain na susubok sa iyong kakayahan. Itala sa hagdanan ang mga

hakbang na maaari mong gawin upang mabawasan ang suliranin sa solid waste.

Kung ang sagot mo sa ladder web ay magtapon ng basura sa tamang tapunan,

waste segregation, magresiklo ng mga bagay o basura na maaari pang gamitin, at

pagkikibahagi sa mga programang ipinatutupad ng barangay ukol sa solid waste

management, ay binabati kita sapagkat tunay ngang naunawaan mo ang nakalipas

na aralin!

Ang patuloy na paglala ng problema sa basura ng Pilipinas ay mas lalong

nagpapalala sa iba pang suliraning pangkapaligirang kinahaharap ng ating bansa.

Bukod sa problema sa basura ay isa rin sa malaking suliranin ng bansa ay ang

pagkasira ng kapaligiran, climate change at coral bleaching.

Balikan

Page 11: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

5

Tuklasin

Suri-Larawan

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat

ang nagawang pagsusuri sa sagutang papel.

1. Ano ang iyong napansin sa una at ikalawang larawan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang posibleng dahilan ng mga ganitong pangyayari?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Paano kaya maiiwasan ang mga ganitong suliranin?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Unang Larawan

Ikalawang Larawan

Page 12: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

6

Magaling! Kung ang sagot mo sa gawain ay pagkakalbo ng kagubatan at

pagbaha na dulot ng walang habas na pagpuputol ng mga puno at pagkasira ng

kagubatan. Ang mga ganitong suliranin ay maiiwasan sa pamamagitan ng pag-iingat

sa ating kalikasan. Handang-handa ka ng matutuhan ang mga araling kaugnay nito.

.

Suriin

Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na mayaman sa likas na yaman.

Ang likas na yaman ay anomang bagay na nagmumula sa kalikasan katulad ng

kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig. Ito ay nagsisilbing batayan ng

lahat ng ating pangangailangan sapagkat ito ang pinagkukunan natin ng pagkain,

hilaw na materyales na pinoproseso upang maging produkto at nagbibigay ng

pangunahing hanapbuhay sa mamamayan ng bansa. Ang mga likas na yamang

nabanggit ay mahalaga rin para sa ekonomiya ng bansa. Ngunit sa kabila ng

biyayang ipinagkakaloob sa atin ng mga likas na yaman, may mga tao pa rin na

inaabuso ang paggamit dito. Ang kapabayaang ito ang nagpapalala sa mga natural

na kaganapan tulad ng pagguho ng lupa, pagkakaroon ng malakas na bagyo at

malawakang pagbaha.

Page 13: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

7

Suliranin sa Yamang Gubat

Ang ating bansa ay sagana sa yamang gubat. Napakaraming benepisyo ang

nakukuha ng mga tao mula rito. Noong 2010, tinatayang 15 % ng kabuuang kita ng

Pilipinas ay nagmula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito

ay ang pangingisda at pagtatanim. Ang kagubatan ang siyang nagsisilbing tahanan

ng iba’t ibang hayop at organismo na nagpapanatili ng balanse sa kalikasan. Dito

rin nagmumula ang iba’t ibang mga produkto tulad ng tubig, gamot, damit at iba

pang pangunahing pangangailangan ng tao. Dahil sa yamang nakukuha mula rito,

mayroong mga industriya na nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan

(Philippine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Ang patuloy na

pagkasira ng ating kagubatan ang siyang pinakamalaking suliraning kinahaharap

ng Pilipinas kung hindi matitigil ang deforestation.

Ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng

kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad

(FAO,2010). Ang deforestation sa Pilipinas ay nagsimula pa noong 1500s kung saan

ang dating 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na

lamang (Philippine Climate Change Commission, 2010). Ayon sa ulat na inilabas ng

European Union Joint Research Centre gamit ang satellite-based image, kanilang

nasabi na mayroon na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country Delegate

to the European Commission, 2009).

Ang mga sumusunod ay dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas ayon

sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests (2013).

Page 14: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

8

Larawan Gawain Epekto

Illegal logging ang tawag

sa ilegal na pagputol sa

mga puno sa kagubatan.

Ito ay pinalubha ng

kawalan ng ngipin sa

pagpapatupad ng mga

batas sa illegal logging sa

bansa.

Nakapagdudulot ng mga

suliranin tulad ng

pagbaha, pagguho ng

lupa at pagkasira ng

tahanan ng mga ibon at

hayop.

Migration- tumutukoy sa

paglipat ng mga tao sa

ibang lugar upang doon

manirahan.

Ang mga lumilipat sa

kagubatan at

kabundukan ay

nagsasagawa ng kaingin

(slash-and-burn farming)

na nagiging dahilan ng

pagkakalbo ng

kagubatan at pagkawala

ng sustansya ng lupain

dito.

Mabilis na pagtaas ng

populasyon.

Dahil sa mabilis na

paglaki ng populasyon ang

mga dating kagubatan ay

ginawang plantasyon,

subdivision, paaralan at

iba pang imprastruktura

upang matugunan ang

mataas na demand sa

pangunahing

pangangailangan.

Fuel wood harvesting o

ang paggamit ng puno

bilang panggatong.

Ang mataas na demand

sa mga uling sa pagluluto

at kahoy sa paggawa ng

produkto ay nagiging

dahilan ng pagputol ng

mga puno sa kagubatan.

Ilegal na Pagmimina

Sa mga kagubatan

kadalasang matatagpuan

ang deposito ng mga

mineral tulad ng

limestone, nickel, copper

at ginto dahil dito

kinakailangang putulin

ang mga puno upang

maging maayos ang

operasyon ng pagmimina.

Page 15: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

9

Ang mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan ang labis na

nakararanas ng epekto ng deforestation dahil nalilimitahan ang kanilang kabuhayan

dulot ng pagliit ng forest cover.

Sa mga nakalipas na panahon ay mayroong iba’t ibang mga batas, kautusan,

programa at proyekto ang pamahalaan na isinagawa sa Pilipinas upang

mapangalagaan ang kagubatan sa tulong na rin ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ang mga datos sa ibaba ay hango sa aklat na pinamagatang One Century of

Forest Rehabilitation in the Philippines (Chokkalingnam et al., 2006), sa ulat na

Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement (Oliva, 2007) at sa opisyal na website

ng Forest Management Bureau.

Panahon ng Pananakop (1940-1945)

1910 Naitayo sa Los Baños, Laguna ang kauna-unahang Forestry School

(College of Forestry and Natural Resources sa ngayon) .

1916 Isinabatas ang Talisay- Minglanilla Friar Lands (Republic Act 2649) na kung saan naglaan ng sampung libong piso para sa reforestation sa Cebu.

1919 Naitatag sa Arayat, Ilocos at Zambales ang Magsaysay Reforestation Project

1927-1931 Itinatag ang Cinchona Plantation sa Bukidnon

1937-1941 Itinatag ang Makiling Reforestation

Kalagitnaan ng dekada 70 hanggang sa kasalukuyan

1975 Ang Presidential Decree 705 ay nilagdaan kung saan ay ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor at ipinagbawal ang pagkakaingin.

1977

Ipinag-utos sa lahat ng mamamayang 10 taong gulang pataas na

magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon sa bisa

ng Presidential Decree 1153.

Panahon matapos ang digmaan (1946-kalagitnaan ng dekada 70)

1946-1948 Hindi gaanong naisakatuparan ang mga programa dahil limitado

lamang ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa reforestation.

1948 Sa bisa ng Republic Act 115 muling sumigla ang mga gawain para sa

reforestation.

1960

Sa bisa ng Republic Act 2706 naitatag ang Reforestation

Administration na ang layunin ay mapasidhi ang mga programa para

sa reforestation ng bansa.

Page 16: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

10

1980s Sinimulan ang people-oriented programs tulad ng Social Forestry

Program (1982) at Community Forestry Program (1987)

1987 Ipinagbawal ang Illegal Logging

Sinimulan ang Forest Sector Projects (FSP) I at II

1992

Isinabatas ang Republic Act 7586 (National Integrated Protected

Area System) na ang pangunahing layunin ay mapangalagaan ang

mga protected areas.

1995

Pinasimulan ang National Forestation Program (NFP) na may

layuning magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya ng

kagubatan sa buong bansa.

1997 Naisabatas ang Republic Act 8371 o Indigenous People’s Right Act

2001 Naisabatas ang RA 9072- National Cave and Resources

Management and Protection Act

2004

Ang Proclamation No. 643 na humikayat sa partisipasyon ng lahat

ng ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO at mga

mamamayan na makilahok sa tree planting activities.

2011

Nilagdaan ang Executive Order No. 23 na nagdeklara sa

moratorium sa pagputol ng puno sa natural at residual na

kagubatan.

2015 Nilagdaan ang Executive Order No. 193 na ang layunin ay

palawakin ang sakop ng National Greening Program

Sa

Kasalukuyan

National Greening Program

National Forest Protection Program

Forestland Management Project

Isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong

sektor, non-governmental organization/s (NGOs) at mga mamamayan sa

kasalukuyan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng bansa.

Noong 2015, ayon sa ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization

(FAO) panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na mayroong malawak na lupaing

napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).

Climate Change

Ang Pilipinas ay naitala bilang pang-apat sa sampung bansa na pinaka-

naapektuhan ng Climate Change ayon sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index

(Sönke, Eckstein, Dorsh, & Fischer, 2015). Dahil sa climate change mas lumakas,

dumalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad

tulad ng bagyo, pagbaha at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas.

Page 17: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

11

Ang climate change ay maaaring

isang natural na pangyayari o kaya ay

maaari ding napapabilis o napalalala dulot

ng gawain ng tao ayon sa Intergovernmental

Panel on Climate Change (2001). Ang

patuloy na pag-init ng mundo o ang global

warming ay isa sa sinasabing dahilan ng

climate change dahil sa mataas na antas ng

konsentrasyon ng carbon dioxide na

naiipon sa atmosphere. Ang mga ito ay

nanggagaling sa mga usok ng pabrika, iba’t

ibang industriya at pagsusunog ng

kagubatan.

Nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change ayon sa pag-aaral

nina Domingo at mga kasama (2008). Ilan sa epekto ng climate change na

nararanasan sa Pilipinas ay ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña,

malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot at forest fires.

Coral Bleaching

Isa sa mga suliraning kinahaharap ng

mga karagatan sa Pilipinas ay ang coral

bleaching. Ito ay ang pagkasira ng mga korales

sa karagatan na nagresulta sa pagkaunti ng

bilang ng mga isdang nahuhuli sa dagat at

pagkawala ng ilang mga species. Ang

pagkatunaw ng iceberg sa Antarctic ay

mayroon ding malaking epekto sa bansa

sapagkat maaaring malubog sa tubig ang mga

lugar na mabababa dahil sa patuloy na

pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat.

Ang panganib sa food security ay isa lamang sa epekto ng climate change sa

Pilipinas dahil sa malalakas na bagyo na namiminsala sa bansa pangunahing

naapektuhan nito ang sektor ng agrikultura. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng mga

pananim, mga kalsada, bodega, mga palaisdaan at maging ang pagkamatay ng mga

mangingisda at magsasaka. At dahil sa matinding init at pabago-bagong panahon

marami ang nagkakaroon ng sakit tulad ng dengue, malaria at cholera. Ang ilan sa

mga mamamayan ay napipilitang lumikas sapagkat ang kanilang mga tahanan ay

sinira ng bagyo o di kaya naman ay natabunan dahil sa pagguho ng lupa. Ang iba

naman ay kinain ng dagat ang lupang kinatatayuan ng tahanan.

Page 18: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

12

Pagyamanin

A. Tsek o Ekis

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang pahayag na nagsasaad ng dahilan ng suliraning

pangkapaligiran at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel.

______1. Pagpapahalaga sa kalikasan

______2. Paglaki ng populasyon

______3. Ilegal na pagpuputol ng mga puno

______4. Pagtatanim at paglilinis kapaligiran

______5. Paglipat ng pook panirahan

______6. Pagsuporta sa mga programang pangkapaligiran

______7. Pag-recycle ng mga basura

______8. Coral Bleaching

______9. Waste segregation

______10. Ilegal na pagmimina

B. Tukuyin Mo

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa kahon ang

mga uri ng konsepto o termino na naaayon sa mga pangyayaring inilalarawan sa

bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_________________ 1. Ito ay natural na pangyayari na dulot ng pagkaubos o

pagkakalbo ng kagubatan.

_________________ 2. Paglipat ng pook panirahan.

_________________ 3. Tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng

kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural

na kalamidad.

_________________ 4. Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan.

Likas na Yaman Climate Change Deforestation

Coral Bleaching Fuel wood harvesting Illegal Logging

Biodegradable Non-Biodegradable Migration

Kaingin

Page 19: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

13

_________________ 5. Tumutukoy sa anomang bagay na nagmumula sa kalikasan

katulad ng kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig.

_________________ 6. Ito ay ang mga basurang nabubulok at ginagamit bilang pataba

sa lupa.

_________________ 7. Ito ay pumapatay sa mga coral reef na tahanan ng mga isda at

iba pang lamang dagat.

_________________ 8. Ang paggamit ng puno bilang panggatong.

_________________ 9. Tumutukoy sa mga basurang di-nabubulok.

_________________ 10. Paraan ng pagsusunog at pagpuputol ng puno at halaman sa

kagubatan.

C. Pagsunurin Mo!

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga batas o programa ayon sa pagkakapasa nito

bilang batas. Lagyan ng kaukulang bilang 1-10 ang patlang. Isulat ang iyong sagot

sa sagutang papel.

______ Makiling Reforestation

______ Presidential Decree 705

______ Forest Sector Project

______ Republic Act 2649

______ Executive Order No. 193

______ Republic Act 115

______ Presidential Decree 1153

______ Republic Act 8371

______ Magsaysay Reforestation Project

______Republic Act 2706

D. Batas Ay Tukuyin

Panuto: Tukuyin ang mga batas at kautusan ng pamahalaan na may kinalaman sa

pangangalaga sa kagubatan na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

_________ 1. Ito ay isinabatas noong 1916, kung saan naglaan ng sampung libong

piso para sa reforestation ng Talisay-Minglanilla Friar Lands Estate

sa Cebu.

_________ 2. Sa bisa nito, itinatag ang Reforestation Administration na layuning

mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.

A. Republic Act 2706 B. Presidential Decree 1153

C. Proclamation No. 643 D. Executive Order 277

E. Republic Act 2649 F. Republic Act 7586

G Republic Act 115 H. Executive Order No. 193

I. Republic Act 8371 J. Presidential Decree 705

Page 20: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

14

_________ 3. Sa bisa nito, ipinag-utos sa lahat ng mamamayang 10 gulang pataas

na magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon.

_________ 4. Ipinagbawal ang illegal logging sa bisa nito.

_________ 5. Hinihikayat ang partisipasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno,

pribadong sektor, paaralan, NGOs at mga mamamayan na

makilahok sa pagtatanim ng mga puno.

_________ 6. Sa bisa nito, muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation.

_________ 7. Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa

kasama ang pribadong sektor at ipinagbawal ang pagkakaingin.

_________ 8. Ang pangunahing layunin nito ay mapangalagaan ang mga protected

areas.

_________ 9. Naisabatas noong 1997, kilala bilang Indigenous People’s Right Act.

_________ 10. Ang pangunahing layunin nito ay palawakin ang sakop ng National

Greening Program.

E. Pagpuno Sa Tsart

Panuto: Punan ang talahanayan ng kinakailangang impormasyon. Isulat ang iyong

sagot sa sagutang papel.

Suliraning

Pangkapaligiran

Dahilan

Epekto

Pagkasira ng Likas na

Yaman

1.

2.

3.

4.

1.

2.

Climate Change

1.

2.

3.

4.

1.

2.

3.

4.

Coral Bleaching

1.

2.

1.

2.

Page 21: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

15

F. Tama O Mali

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang sinasaad ng pangungusap at ang

salitang Mali naman kung ito ay nagsasaad ng hindi wastong pahayag. Isulat ang

iyong sagot sa sagutang papel.

_________ 1. Dahil sa climate change mas lumakas, dumalas, at nagiging

unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad

ng bagyo, pagbaha at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas.

_________ 2. Itinayo ang kauna-unahang Forestry School sa Montalban, Rizal.

_________ 3. Nagsasagawa ng kaingin ang mga lumilipat sa kagubatan at

kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at

pagkawala ng sustansya ng lupa dito.

_________ 4. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming likas

na yaman.

_________ 5. Isa sa mga dahilan ng climate change ay ang patuloy na pag-init ng

daigdig dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng nitrogen na

naiipon sa atmosphere.

_________ 6. Ang Pilipinas ay naitala bilang pang-lima sa sampung bansa na

pinaka naapektuhan ng climate change ayon sa 2016 edisyon ng

Global Climate Risk Index.

_________ 7. Sinimulan ang people-oriented programs tulad ng Social Forestry

Program (1982) at Community Forestry Program (1987).

_________ 8. Pinasimulan ang National Forestation Program (NFP) noong 2015, na

may layuning magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya

ng kagubatan sa buong bansa.

_________ 9. Ang mga mayayaman at mga negosyante ang labis na nakararanas

ng epekto ng deforestation.

_________ 10. Ang mataas na demand sa mga uling sa pagluluto at kahoy sa

paggawa ng produkto ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno

sa kagubatan.

_________ 11. Nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change.

_________ 12. Naitatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos at

Zambales noong 1997.

_________ 13. Napakahalaga ng mga likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa.

_________ 14. Ang patuloy na pag-init ng mundo o ay isa sa sinasabing dahilan ng

climate change.

_________ 15. Naisabatas ang Republic Act 7856, na ang pangunahing layunin ay

mapangalagaan ang mga protected areas.

Page 22: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

16

Isaisip

Punan Ang Patlang

Panuto: Isulat sa patlang ang wastong salitang bubuo sa pangungusap. Piliin ang

sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang _________________ ay anomang bagay na nagmumula sa kalikasan katulad

ng kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig.

2. Mula sa kapatagan lumipat ng tirahan sa kabundukan ang pamilya ni Mang

Pedro. Ang ginawang paglipat na ito ay tinatawag na _________________.

3. Nagpuputol ng puno sa kagubatan ang grupo ni Mang Jose upang ibenta at

gawing uling at panggatong. Ang ganitong gawain ay tinatawag na

_________________.

4. Kakaunti na lamang ang nahuhuling isda ng mga mangingisda sa mga dagat.

Ang isa sa mga dahilan nito ay ang _________________.

5. Si Salome ay 15 limang taong gulang at nakabilang sa utos ng pamahalaang

magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon. Ang kautusang ito

ay ang _________________.

6. Ang bagyong Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyong naranasan sa bansa.

Ang mga ganitong pangyayari ay isa lamang sa mga epekto ng _________________.

7. Si Raul ay isang magsasaka na sa kasamaang palad ay hindi makapagtanim ng

palay dahil sa lubhang pagkatuyot at pagbibitak-bitak ng lupang kaniyang

sinasaka. Ang ganitong pangyayari sa kalikasan ay tinatawag na

_________________.

8. Ang pamilya ni Carmelita ay nakikiisa sa isinagawang programang ng

pamahalaan ang pagtatanim ng mga puno. Ito ay ayon sa bisa ng

_________________.

9. Ang patuloy na pag-init ng mundo o ang _________________ ay isa sa sinasabing

dahilan ng climate change dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon

dioxide na naiipon sa atmosphere.

10. Tuwing gabi itinatapon ni Aling Goreng ang kanilang sa basura sa ilog. Ang

ginawang pagtatapon na ito ay maaaring maging dahilan ng _________________.

El Niño climate change Presidential Decree 1153

likas na yaman water pollution Republic Act 8371

coral bleaching fuel wood harvesting global warming

migration

Page 23: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

17

Isagawa

May Paraan

Panuto: Bumuo ng isang islogan na naglalaman ng mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkasira ng mga likas na yaman at climate change sa Pilipinas. Gawin ang islogan isang bondpaper at idikit sa iyong sagutang papel.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka para sa gagawing islogan:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Malinaw na nailahad ang mensahe. 5

Pagkamalikhain Napakamasining ng pagkakagawa. 5

Kaangkupan sa paksa May malaking kaugnayan sa paksa ang

ginawang islogan. 5

Kalinisan Malinis na malinis ang pagkakabuo. 5

Kabuuan 20 puntos

Tayahin

Maraming Pagpipilian

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang wastong sagot mula sa

mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Sa bisa ng Republic Act na ito, muling sumigla ang mga gawain para sa

reforestation.

A. Republic Act 117 C. Republic Act 171

B. Republic Act 151 D. Republic Act 115

2. Presidential Decree kung saan ipinag utos sa lahat ng mamamayang 10 gulang

pataas na magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon.

A. Presidential Decree 5311 C. Presidential Decree 1153

B. Presidential Decree 3151 D. Presidential Decree 5113

Page 24: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

18

3. Ito ang tawag sa paggamit ng puno bilang panggatong.

A. Mabilis na pagtaas ng populasyon C. Ilegal na pagmimina

B. Fuel wood harvesting D. Illegal Logging

4. Ang sumusunod ay suliraning naidudulot ng walang tigil na pagpuputol ng puno

maliban sa _________.

A. Pagguho ng lupa C. Weathering

B. Pagbaha D. Pagkasira ng tirahan ng hayop

5. Ang sumusunod ay deposito ng mineral na matatagpuan at nakukuha sa

pagmimina maliban sa _________.

A. dyamante C. nikel

B. limestone D. tanso

6. Ang sumusunod ay mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas maliban

sa _________.

A. Migrasyon C. Ilegal na pagmimina

B. Fuel wood harvesting D. Polusyon sa hangin

7. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng pook panirahan.

A. Migrasyon C. Caravan

B. bakasyon D. Lakbay-aral

8. Ang sumusunod ay epekto ng climate change sa Pilipinas maliban sa _________.

A. labis na pag-ulan C. tagtuyot

B. pagkasunog ng kagubatan D. pagtaas ng populasyon

9. Isa sa mga dahilan ng climate change ay ang patuloy nap ag init ng daigdig dahil

sa mataas na antas ng konsentrasyon ng _________ na naiipon sa atmosphere.

A. Oxygen C. Carbon Dioxide

B. Hydrogen D. Helium

10. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.

A. Reforestation Administration C. Community Forestry

B. Deforestation Administration D. Forest Sector Project

11. Sa nakalipas na taon unti-unting nasisira ang likas na yaman ng bansa.

Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa na

nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto.

A. Ang una at ikalawang pangungusap ay mali.

B. Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawa ay mali.

C. Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama.

D. Ang dalawang pangungusap ay tama.

12. Ito ay tumutukoy sa matagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot

ng gawain ng tao at natural na kalamidad.

A. Ilegal na pagpuputol ng puno C. Deforestation

B. Pagguho D. Reforestation

Page 25: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

19

Mga Paraan upang Mapangalagaan ang Likas na Yaman

1.

2.

3.

4.

5.

13. Ilegal na pagpuputol ng puno: pagguho ng lupa, __________________: tagtuyot at

pagkasunog ng kagubatan

A. Ilegal na pagmimina C. Global Warming

B. Climate Change D. Migrasyon

14. Natural na pangyayari na dulot ng pagkaubos o pagkakalbo ng kagubatan.

A. Climate Change C. Polusyon

B. Pag-init ng panahon D. El Niño

15. Ang illegal logging ay ipinagbawal sa bisa ng anong Executive Order?

A. Executive Order 772 C. Executive Order 772

B. Executive Order 277 D. Executive Order 277

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang

ikatlong paksa sa ating aralin. At handa ka ng harapin ang susunod na paksa sa

ating modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang

aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Mga Paraan, Ilista Mo

Panuto: Magtala ng limang paraan kung paano mo mapangangalagaan ang mga likas

na yaman ng bansa upang maiwasan ang pagkasira nito, climate change at coral

bleaching. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Page 26: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

20

SUBUKIN

A.C

B.A

C.D

D.B

E.A

F.B

G.D

H.D

I.C

J.A

K.C

L.D

M.B

N.A

O.C

TUKLASIN

A.pagkakalbo ng

kagubatan at

pagbaha o

malakas na bagyo

B.ginagawang

panggatong ang

mga puno,

deforestation,

climate change

C.magtanim ng mga

puno at

pangalagaan ang

kalikasan

BALIKAN

A.magtapon ng basura

sa tamang tapunan

B.waste segregation

C.mag-recylce ng mga

bagay o basura na

maaari pang gamitin

D.pagkikibahagi sa mga

programang

ipinatutupad ng

barangay ukol sa solid

waste management

TSEK O EKIS

1.

2.X

3.X

4.

5.X

6.

7.

8.X

9.

10.X

TUKUYIN MO

1.Climate Change

2.Migration

3.Deforestation

4.Illegal Logging

5.Likas na Yaman

6.Biodegradable

7.Coral Bleaching

8.Fuel Wood

Harvesting

9.Non-

Biodegradable

10.Kaingin

PAGSUNOD

-SUNURIN

1.3

2.6

3.8

4.1

5.10

6.4

7.7

8.9

9.2

10.5

KARAGDAGANG

GAWAIN

Nasa restriksyon

ng guro ang

pagwawasto

PAGPUNO SA TSART

1.Pagkasira ng likas na yaman

Dahilan: illegal logging, fuel

wood harvesting, forest fire

at illegal na pagmimina

Epekto: Landslide, pagbaha,

global warming, El Niño,

La Niña

2.Climate Change Dahilan: illegal logging, illegal

na pagmimina

Epekto: El Niño, La Niña,

landslide, malakas na

bagyo at tagtuyot

3.Coral Bleaching Dahilan: pag-init ng tubig sa

karagatan, paggamitng

dinamita sa pangingisda

Epekto: kakaunti ang

nahuhuling isda,

pagkawala ng ilang mga

species

TAMA O MALI 1.TAMA 2.MALI 3.TAMA 4.TAMA 5.MALI 6.MALI 7.TAMA 8.MALI

9.MALI 10.TAMA 11.TAMA 12.MALI 13.TAMA 14.TAMA 15.MALI

ISAISIP

1.likas na yaman

2.migration

3.fuel wood

harvesting

4.coral bleaching

5.Presidential

Decree 1153

6.Climate change

7.El Niño

8.Proclamation

No. 643

9.global warming

10.water pollution

TAYAHIN

1. D 6. D 11. D

2. C 7. A 12. C

3. B 8. D 13. B

4. C 9. C 14. A

5. A 10. A 15. B

BATAS AY

TUKUYIN

1. E

2. A

3. B

4. D

5. C

6. G

7. J

8. F

9. I

10. H

Susi sa Pagwawasto

Page 27: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

21

Sanggunian 2020. Climate.Gov.Ph. https://climate.gov.ph/files/NFSCC.pdf.

2020. https://psa.gov.ph/sites/default/files/NSCBTechPaper_GreenGDP.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan Teacher's Guide. 2017. 1st ed. Pasig City: Department of Education.

Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of

Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.

Page 28: Unang Markahan Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at ......mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]