Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin...

19
Music Unang Markahan – Modyul 2: Pulso ay Panatilihin 3

Transcript of Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin...

Page 1: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

Music

Unang Markahan – Modyul 2:

Pulso ay Panatilihin

3

Page 2: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

Music – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Pulso ay Panatilihin Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Johnna D. Mamaril

Editor: Neal Keith Gonzales, Arcel Gacasan, Reynaldo C. Deocampo

Tagasuri: Marivic O. Arro, Ignacio L. Jubahib Jr., Guillesar P. Villarente

Tagaguhit: Leywin P. Luces

Tagalapat: Leywin P. Luces, Djhoane C. Aguilar

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynante A. Solitario

Janette G. Veloso Janwario E. Yamota

Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar

Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto

Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Page 3: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

3

Music Unang Markahan – Modyul 2:

Pulso ay Panatilihin

Page 4: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music sa Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa

araling Pulso ay Panatilihin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong

institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na

ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Music sa Ikatlong Baitang ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pulso ay

Panatilihin!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Page 6: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Page 7: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng

modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain

sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man

sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha

ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

Page 9: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matamo ang

kasanayang dapat mong matutunan sa iyong baitang. Ito ay

binubuo ng gawain na maari mong magamit sa ibat ibang

sitwasyon at panahon. Ang mga salitang ginamit ay naayon sa

lebel ng iyong kaalaman upang madaling maintindihan at

maisagawa ang mga kasanayan at pagsubok. Ito ay naaayon sa

pamantayang kompetensiya sa Ikatlong Baitang.

Ang mga gawain at talakayan ay nababase lamang sa

isang kompetensiya sa unang markahan sa Musika. Ito ay

pangalawang aralin sa unang kwarter. Sinusundan ito ng

maraming gawain at talakayan upang matamo ang ibayong

pagkatuto at kasanayan ng mag-aaral at mapalawak ang

pagkaintindi sa araling ito.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. napananatili ang pulso sa pagsasagawa ng chant, pagtapik,

paglakad, pagpalakpak at pagtugtog ng instrumetong

pangmusika (MU3RH-Ib-h-2).

Page 10: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

2

Subukin

Panuto: Alam mo ba kung ano ang steady beat o ang pananatili

ng pulso sa musika? Alamin natin. Isulat ang titik ng tamang sagot

sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang napananatili ang

galaw?

a. b. c. d.

2. Paghambingin ang dalawang larawan, alin sa mga ito ang

parehong nagpapakita ng steady beat?

a. c.

b. d.

3. Ang larawan ito ay nagpapahiwatig ng martsa. Ano ito?

a. b. c. d.

4. Paano natin mapananatili ang pulso ng isang awitin?

a. Kailangang malakas ang boses sa pag-awit.

b. Dapat mauna sa pagsisimula ng awitin.

c. Pakinggan lamang ang umaawit.

d. Sumabay sa pulso ng awitin.

5. Bakit mahalaga ang pananatili ng pulso sa isang awitin?

a. Maging kaaya-aya ang pag-awit at pakikinig dito.

b. Gaganda ang boses ko sa bawat awit.

c. Mauuna akong matapos sa awitin.

d. Sisikat ako.

Page 11: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

3

Aralin

1 Pulso ay Panatilihin

Balikan

Kinakatawan ng mga sumusunod na larawan ang mga

tunog at pahinga. Isulat ang sa bawat bilang ng mga larawan

na may tunog at kung pahinga. Gawin ito sa iyong sagutang

papel.

1. 2. 3. 4. 5.

Tuklasin

Pagmasdan ang mga sumusunod na mga larawan. Ano

ang kaibahan ng mga larawan sa Hanay A sa mga larawan na

nasa Hanay B batay sa galaw o kilos nito?

Hanay A Hanay B

Page 12: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

4

Suriin

May mga kilos at galaw na napananatili na nakikita at

nararamdaman natin tulad sa mga larawang nasa Hanay A. Ang

iba naman ay pabago-bago ang galaw, maaring biglang mabilis

o marahan tulad ng nasa Hanay B.

Ang pananatili ng bilis o takbo ng pulso ay tinatawag na

steady beat. Maihahantulad natin ito sa pulso ng orasan, pintig ng

ating puso at talbog ng bola. Karaniwan sa mga awitin na ating

naririnig ay nagtataglay ng steady beat. Kapag pabago-bago

ang iyong pulso sa pagkanta maaring mawala ka sa tamang

kumpas.

Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Isulat ang tsek (/) sa bawat bilang kung ang dalawang

pangkat ng mga larawan ay nagpapakita ng steady beat at ekis

(X) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

Page 13: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

5

Gawain B

Panuto: Ipalakpak ang mga sumusunod na rhythmic pattern.

Isagawa ang sumusunod na rhythmic pattern sa bawat bilang.

Isulat sa iyong sagutang papel ang steady beat kapag

magkapareho ang pulso ng dalawang rhythmic pattern at Hindi

kapag magkaiba.

1. 4.

Gawain C

Panuto: Suriin ang chant na “Mang Kiko.” Sundin ang

iminungkahing pulso habang binibigkas ito.

Mang Kiko

(Chant)

Mang Ki, Mang Ki, Mang Ki- ko

Pu-pun ta, pu pun ta sa Quia - po

Bi bi li, bi bi li ng pa- ko.

Ga- ga wa, ga- ga wa, ng bang – ko

3.

5. 2.

Page 14: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

6

Isaisip

1. Ano ang kumpas?

Ang kumpas ay pulso ng musika na nararamdaman natin.

Ang pulso sa musika ay maaaring maipakita, maramdaman, o

maririnig gamit ang mga kilos tulad ng pagmartsa, pagtapik,

palakpak, at pagtugtog ng instrumentong pangmusika.

2. Ano ang steady beat?

Ang steady beat ay ang pananatili ng kumpas hanggang sa

katapusan ng awitin at tugtugin na nagdudulot ng kaayusan sa

isang awitin. Maaari itong mabilis o mabagal.

Isagawa

Panuto: Piliin mula sa sumusunod na mga larawan ang

nagpapakita o nagpapahiwatig ng kilos o galaw na

maihahalintulad sa tinatawag nating steady beat sa musika. Isulat

ang titik ng mga larawang sa iyong sagutang papel.

a. b.

c. d. e.

Page 15: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

7

Isagawa

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang halimbawa na

nagpapakita ng steady beat?

a. b. c. d.

2. Anong kilos at galaw ang HINDI nagpapakita ng steady

beat?

a. b. c. d.

3. Alin sa mga sumusunod na larawan ang angkop na gamitin

bilang pansaliw sa rhythmic pattern na may apat na

kumpas?

a. c.

b. d.

. 4. Paano napananatili ang steady beat sa isang awitin?

a. Ipalakpak ng mabilis ang simula.

b. Simulan sa mabagal na pag-awit, papabilis.

c. Kung ano ang simula siya rin hanggang katapusan.

d. Gawin mo ang nais mong kumpas sa bawat

bahagi.

5. Paano natin aawitin ang Lupang Hinirang sa ating

hanay tuwing umaga?

a. Sumabay sa pagkantang may tamang kumpas.

b. Maaring bilisan ang pagkanta upang matapos na.

c. Tumahimik lamang dahil nakakapagod kumanta.

d. Pabayaang mga kaklase lamang ang umawit

Page 16: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

8

Karagdagang Gawain

Panuto: Kumuha ng dalawang pares ng patpat sa bakuran.

Sundin ang rhythmic pattern sa pagbigkas ng chant at gamitin

ang pares ng patpat bilang pansaliw sa chant.

Ba - ta, ba - ta sun- din ‘to.

E- her- sis- yo sa- bay ta- yo.

U- nat, u- nat ma- sel mo.

Ha- ha - ba bu hay mo.

Mahalaga ba ang pag-eehersisyo araw-araw? Ano ang

maitutulong nito sa ating katawan at isipan? Ginagawa mo ba

ito?

Page 17: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

9

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1.A

2.D

3.B

4.D

5.A

Balikan

1./

2.X

3./

4./

5.X

Pagyamanin

Gawain 1

1.X

2.X

3.X

4./

5./

Gawain 2

1.Steady beat

2.Steady beat

3.Hindi

4.Steady beat

5.hindi

Isagawa

1.A

2.C

3.D

4.E

Tayahin

1.E

2.A

3.D

4.C

5.A

Pagyamanin Gawain 3 at Karagdagang Gawain

Rubrik:

KRAYTERYA MGA PUNTOS

5 3 1

1.Pagbigkas ng chant Tama lahat ang

bigkas

May 1-3 maling

bigkas

May 4 o higit pang

maling bigkas

2.Pananatili ng Pulso Napanatili ang

pulso mula sa

simula hanggang

katapusan

May 1-3 maling

pulso o beat

May 4 o higit pang

maling pulso o beat

Page 18: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

10

Sanggunian

MAPEH 3, Gabay ng Guro pp. 131-133

MAPEH 3, Kagamitan ng Mag-aaral pp. 124-125

Page 19: Unang Markahan Modyul 2: Pulso ay Panatilihin · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]