Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa...

14
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 10 Filipino Pag-uugnay ng kahulugan ng salita batay sa kayarian nito Unang Markahan – Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Transcript of Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa...

Page 1: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

10 Filipino

Pag-uugnay ng kahulugan ng salita batay sa kayarian nito

Unang Markahan – Modyul 2:

MELBA A. CAROLASAN

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

Filipino 10 – Ikasampung Baitang Support Material For Independent Learning Engagement (Smile) Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Melba A. Carolasan, Teacher II – Filipino

Editor: Sheryl C. Deocadez, M.A. Filipino

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS-Filipino

Tagalapat: Leo Martinno O. Alejo

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief, CID

Nur N. Hussien – Chief, SGOD

Ronillo S. Yarag – EPSvr- LRMDS

Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS

Page 3: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

1

Alamin

Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.

(MELCs – F10PT-Ia-b-61)

Ikaw ay inaasahan din na:

1. natutukoy ang kayarian ng salita

2. nagagamit ang mga salita sa pangungusap batay sa kayarian nito

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

1. Ang isang basong tubig ay ginawa niyang pamatid – uhaw. Paano ginamit ang salitang pamatid –uhaw batay sa kayarian ng salita? a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

2. Ang magkaibigang ito ay talaga namang kapit-tuko. Ano ang ibig sabihin ng

salitang ito? a. Laging magkasama b. Laging nag-aaway c. Magkadikit d. Laging naghaharutan

3. Maalab ang pagmamahalan nina Cupid at Psyche. Ang maalab ay ginamit

bilang _____________. a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

4. Anong salita ang kasalungat ng tambalang salita na balat-sibuyas? a. Iyakin b. Matapang c. Maramdamin d. Sensitibo

5. Ang umindak ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin ng salitang umindak?

a. Tumugtog b. Tumula

Page 4: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

2

c. Sumayaw d. Umarte

6. Ang Diyos ang lumikha sa atin. Tukuyin ang salitang-ugat ng lumikha. a. Inilikha b. Likha c. Ikha d. Lumik

7. Hawak-kamay na naglakad ang magkasintahan. Sa anong kayarian ng salita napabilang ang hawak kamay? a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

8. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salita na pag-iisang dibdib? a. Pag-aasawa b. Pagmamahalan c. Pagsasama d. Pagkakaibigan

9. Alin sa mga salitang maylapi ang may naiibang kahulugan? a. Minamahal b. Iniibig c. Sinisinta d. Hinahangaan

10. Hindi tumupad si Psyche sa usapan nila ng kanyang asawang si Cupid. Paano ginamit ang tumupad batay sa kayarian ng salita?

a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

11. Ambrosia ang pagkain ng mga diyos – diyosan? Paano ginamit ang diyos-diyosan ayon sa kayarian ng salita?

a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

12. Nagtataingang – kawali si Cupid nang kausapin siya ng kanyang inang si Venus. Ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na nagtataingang – kawali?

a. Nagdudunong – dunungan b. Nagmamatigas c. Sumasagot –sagot d. Nagbibingi-bingihan

13. Dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kanyang mga kapatid. Ang dumakot ay isang maylapi na nangangahulugang________

a. Kumuha b. Dumukot c. Dumulog d. Nangolekta

14. Agad tumalima si Cupid sa utos ng kanyang ina subalit nang makita niya si Psyche tila ba sarili niyang puso ang kanyang napana. Ang tumalima ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin nito?

a. Sumuway

Page 5: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

3

b. Sumunod c. Sumaklolo d. Sumaludo

15. Sabik na sabik na siyang makita ang kanyang asawa subalit ikinulong siya ng kanyang ina. Batay sa kayarian ng salita, ano ang gamit ng sabik na sabik?

a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

Aralin 1

Pag – uugnay sa kahulugan ng salita batay sa kayarian nito

Balikan

Gawain A. Muling Balikan ang nakaraan! Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang Cupid at Psyche, paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan, lipunan. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

lipunan

sarili

pamilya pamayanan

1. Ano ang pagkakamaling nagawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na

suliranin sa kanyang buhay?

2. Paano natin bibigyang- pagpapahalaga ang mga taong nagmamahal sa

atin?

Mensahe mula sa Cupid at

Psyche

Page 6: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

4

Tuklasin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga Pag- uugnay sa kahulugan ng

salita batay sa kayarin nito.

Gawain B: Kilalanin Ko Nga!

Cupid at Psyche Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae.

Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa mga

magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming imibig sa

kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang

tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang

nakapagpagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng

alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. ang dapat sana na

atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Page 7: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

5

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid

upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay

ang kaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktimang sarili

niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si

Venus sa kanyang anak hondi na rin ito nag – usisa.

Hindi umibig si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring

umbig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay

sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang

dalawang kapatid ay nakapag – asawa na ng hari. Naging malungkot si Psyche sa

mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo

kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang anak.

Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni

Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na

halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.

Nang nagawa ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos

niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si

Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kanyang libingan

papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay

ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walang kamalay – malay ang

magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag –ibig na

si Cupid.

Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal

na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagaya ang hindi masilayan ni

Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na

kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niya na hindi pa niya nasisilayan

ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may

masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche ay

sinulsulan nila ito na suwayin ang kondisyon ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni

Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa aksidente. Nang malaman

ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at dahil dito ay pinahirapan ng husto

Page 8: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

6

ang dalaga. Iba’t ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit ito ay

nalagpasang lahat ni Psyche.

Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa ( Psyche ) ay nagkatagpo sa likod ng

mapait na pagsubok sa kanilang pagsasama. Ito ay hindi na mabubuwag ninuman

maging ng diyosa na kagandahan na si Venus.

Suriin ang katangian nina Cupid ay Psyche. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng

bawat isa. Gawin ito sa sagutang papel.

Suriin

Kayarian ng Salita

1. Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal

na ibang salita.

Halimbawa: Anim, dilim, presyo, langis, tubig

2. Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May limang paraan ng paglalapi ng salita:

a. Inuunlapian – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat

Halimbawa: Kasabay- paglikha, marami

b. Ginigitalipian – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita

Halimbawa:

Sinasabi, sumahod, tumugon

c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita

Halimbawa: Unahin, sabihin, linisan

d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita

Halimbawa: Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan

Page 9: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

7

e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita

Halimbawa:

Pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan

3) Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.

May dalawang uri ng pag-uulit:

a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat

Halimbawa: Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

Halimbawa: Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.

May dalawang uri ng Pagtatambal:

a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang

pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan

Halimbawa: Bahay-kalakal, habing-Ilok, balik-bayan

b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang iba

kysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama

Halimbawa: Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html#.X2MHr2gzbIU

Pagyamanin

A. Ang mga sumusunod na salita ay matatagpuan sa mitolohiyang Cupid at Psyche. Tukuyin kung

Payak, Maylapi, Inuulit at Tambalan ang kayarian ng bawat salita.

1. lumisan - ________________

2. diyos –diyosan - ________________

3. kagandahan - ________________

4. pag-iisang dibdib - ________________

5. tiwala - ________________

6. pagbubukod – bukod - ________________

Page 10: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

8

7. tubig - ________________

8. abot-langit - ________________

9. araw –araw - _______________

10. bahaghari - ________________

B. Nauuri – uri ang mga salita ayon sa kayarian.

kapitbahay puno busilak dalagang bukid pali – paligid balik-bayan kahirapan marumi sama – sama lumitaw bulaklak payapa tatalon-talon maalikabok tumalima ligaya hampaslupa puting-puti ingat-yaman halo-halo

Salitang Payak Salitang Maylapi Salitang Inuulit Tambalang Salita

Isagawa

Bubuo kayo ng isang maikling dayalogo na kakikitaan ng mga salitang payak, maylapi, inuulit at

tambalan. Narito ang halimbawa ng isang dayalogo:

Magkaibigan

Ana: Allyssa, Ba’t nawala kayo ng ilang araw? Allyssa: Nagpunta kami sa bahay ng lolo ko sa Bukidnon. Ana: Wow! Ang saya –saya siguro ng naging bakasyon ninyo. Allysa: Masayang-masaya nga. Babalik kami doon sa susunod na taon. Ana: Ano ba ang mayroon doon?

Page 11: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

9

Allysa: Ang kalikasan. Sariwang –sariwa ang hangin dahil sa dami ng mga punongkahoy. Ang bahaghari ay parang mas maganda roon kaysa dito sa lungsod.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pamantayan Napakahusay 4

Mahusay 3

Nalilinang 2

Nagsisi-mula 1

Puntos

Buo ang diwa ng dayalogo

Kalidad sa pagpapahayag

Pamamaraan sa paggamit ng salita

Tumpak ang pagkakabaybay

Madaling Intindihin

Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Iugnay ang kahulugan

ng salita batay sa kayarian nito. Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa

sagutang papel o kuwaderno.

1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag – iisang dibdib? a. Pag-aasawa b. Pagmamahalan c. Pagsasama d. Pagkakaibigan

2. Alin sa mga salitang maylapi ang may naiibang kahulugan? a. Minamahal b. Iniibig c. Sinisinta d. Hinahangaan

3. Hindi tumupad si Psyche sa usapan nila ng kanyang asawang si Cupid. Paano ginamit ang tumupad batay sa kayarian ng salita? a.Payak b.Maylapi c.Inuulit d. Tambalan

4. Ambrosia ang pagkain ng mga diyos – diyosan? Paano ginamit ang diyos-diyosan ayon sa kayarian ng salita?

Page 12: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

10

a.Payak b.Maylapi c.Inuulit d.Tambalan

5. Nagtataingang – kawali si Cupid nang kausapin siya ng kanyang inang si Venus. Ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na nagtataingang – kawali? a. Nagdudunung – dunungan b. Nagmamatigas c. Sumasagot –sagot d. Nagbibingi-bingihan

6. Dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kanyang mga kapatid. Ang dumakot ay isang maylapi na nangangahulugang________ a. Kumuha b. Dumukot c. Dumulog d. Nangolekta

7. Agad tumalima si Cupid sa utos ng kanyang ina subalit nang makita niya si Psyche tila ba sarili niyang puso ang kanyang napana. Ang tumalima ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin nito? a. Sumuway b. Sumunod c. Sumaklolo d. Sumaludo

8. Sabik na sabik na siyang makita ang kanyang asawa subalit ikinulong siya ng kanyang ina. Batay sa kayarian ng salita, ano ang gamit ng sabik na sabik? a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

9. Binuyo ng magkakapatid si Psyche kaya naipagtapat niya ang sekreto ng kanyang asawang si Cupid. Ang binuyo ay isang maylapi na

nangangahulugang___________. a. Nilait b. Nilinlang c. Nilapastangan d. Nilason

10. Bukang-liwayway nang lisanin ni Cupid ang tahanan nila ni Psyche. Ang bukang –liwayway ay isang tambalang salita na nangangahulugang ______. a. Hatinggabi b. Madaling araw c. Takipsilim d. Tanghaling tapat

11. Ang isang basong tubig ay ginawa niyang pamatid – uhaw. Paano ginamit ang

salitang pamatid –uhaw batay sa kayarian ng salita?

a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

12. Ang magkaibigang ito ay talaga namang kapit-tuko. Ano ang ibig sabihin ng salitang

ito?

a. Laging magkasama b. laging nag-aaway c. Magkadikit

Page 13: Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika

11

d. Laging naghaharutan 13. Maalab ang pagmamahalan nina Cupid at Psyche. Ang maalab ay ginamit bilang

_____________.

a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

14. Anong salita ang kasalungat ng tambalang salita na balat-sibuyas?

a. Iyakin b. Matapang c. Maramdamin d. Sensitibo

15. Ang umindak ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin ng salitang umindak?

a. Tumugtog b. Tumula c. Sumayaw d. Umarte

Karagdagang Gawain

Gawain E. Kakayanin ko..Gagawin ko..kaya go ako! Sa inyong kwadernong pangtakdang-aralin, magtala ng tiglilimang

salita sa payak, maylapi, inuulit, tambalan at gamitin ang mga ito sa

pangungusap. Ang mga salitang ito ay hinango mula sa mitolohiyang Cupid

at Psyche.

Susi ng

Subukin:

1.d 2.a 3.b 4.b 5.c 6.b 7.d 8.a 9.d 10.b 11.c 12.d 13.a 14.b 15.c

Tayahin:

1.a 2.d 3.b 4.c 5.d 6.a 7.b 8.c 9.b 10.b 11.d 12.a 13.b 14.b 15.c