Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit...

21
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob 10

Transcript of Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit...

Page 1: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1.3(Week 2):

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at

Kilos-Loob

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

ii

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1.3 (Week 2): Ang Mataas na Gamit at Tunguhun ng Isip at Kilos-Loob Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax : (032) 255-6405

E-mail Address : [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruth Angelie S. Carin

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Chona B. Jumao-as, Hipolito Q. Pegarido Jr.

Tagaguhit: Ruth Angelie S. Carin

Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin

Management Team

Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico

Dr. Ester A. Futalan

Dr. Leah B. Apao

Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS Mr. Isaiash Wagas

EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

iii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit

at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,

ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang

pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang

pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding

subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan

ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing

nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang

magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

iv

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip

at Kilos-Loob!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-

aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa

pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

v

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawain para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-unawa

at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay

gamit ang susi sa pagwawasto sa huling

bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang maisalin ang

bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin

ang iyong kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

vi

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na

papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain

at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na

ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.

Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong

kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

1

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ka bilang

mag-aaral. Ito ay para tulungan kang maintindihang-lubos ang konsepto ng isip

at kilos-loob. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay-daan upang magamit

sa iba’t ibang kalagayan ng pagkatuto.

Ang wikang ginagamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng

bokabularyo ng bawat mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang

karaniwang pamantayan ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-sunod kung saan

mo basahin ang mga ito ay maaaring mabago upang magkatugma sa aklat na

ginagamit mo ngayon.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na napatutunayan na ang isip at

kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa

paglilingkod/pagmamahal (MELC EsP10MP-Ib-1.3).

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

2

“Mumunting mga anak, huwag tayong magsi-ibig sa salita o pananalita kundi sa gawa

at sa katotohanan (1 Juan 3:18).” Sa mga katagang ito sa bibliya, pinapatunayan na ang

paghahanap sa katotohanan at pagmamahal ay hindi lamang sa salita. Kundi sa paggawa. At

para makamit ito kailangan ang dalawang konsepto na ating tinatalakay – isip at kilos-loob.

Subukin

Panuto: Ngayon, sagutan iyong kwaderno ang paunang pagsusulit upang matukoy ang

iyon kaalaman ukol sa araling tatalakayin natin.

1. Ito ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa iba.

a. Kamalayan sa sarili b. Pagmamalasakit

c. Pagmamahal d. Kakayahang mag-abstraksiyon

2. Kabilang sa mga paggpipilian, halawain ang hindi kasali sa mga katangian ng kakayahan ng

tao at hayop.

a. Pandama b. Pagkagusto

c. Manghusga d. Paggalaw

3. Ang isinasaad na pananaw ng taong ito na pinakapangunahing kilos ay ang pag-ibig dahil

ito ay batay sa iba't ibang pagkilos ng tao.

a. Sto. Tomas de Aquino b. Max Scheler

c. Mother Teresa d. Fr. Roque Ferriols

Aralin

3

Ang Mataas na Gamit at Tungkulin ng Isip at Kilos-Loob

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

3

4. Ibigay ang ipinapahiwatig sa kaisipan na nagbibigay ang isip ng katwiran bilang isang

kakayahang maimpluwensyahan ang likas na ugali.

a. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

b. Walang sariling paninidigan ang kilos-loob

c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.

d. Hindi maaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.

5. Tinatawag itong kakayahan o karakter upang makaramdam ng pangangalaga sa iba.

a. Umiiral ng nagmamahal

b. Kakayahang mag-abstraksiyon

c. Kamalayan sa sarili

d. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

4

Balikan

Sa nakaraang aralin, ating kinilala ang kahinaan sa pagpapasya at gumawa ng

konkretong hakbang upang malampasan ang mga ito. Upang makagawa ng hakbang,

kailangan natin ng likas na kakayahan at katangian. Gamit ang iyon kwaderno, sumulat ng

salitang kasingkahulugan ng nakapaloob sa graphic organize, at ipaliwanag ang iyong sagot

katulad ng halimbawa:

1.

2.

3.

Sa bawat may akmang sagot sa ay isang puntos at gamitin ang rubriks sa ibaba para sa

gawaing ito:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

5

Tuklasin

Panuto: Balikan ang talatang ginawa mula sa pananaliksik sa takdang aralin at pumili

sa tatlong paksang pagpipilian at gawin ang katumbas na malikhaing paggawa.

Pagpipilian #1: KALIKASAN NG TAO

Gumawa at mag-video record ng isang Talkshow

Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at

materyal na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao (E.

Esteban, 1990, ph.48).

1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kanyang panlabas at panloob na

pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran

2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob

Ipinakita ito ni Esteban (1990) gamit ang tsart sa ibaba:

Nakakaalam ang tao na hindi lang dahil sa kanyang isip kundi dahil din sa kanyang

pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama - ang paningin, pandinig, pandama,

pang-amoy at panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad

ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam. Ang mga panloob na

pandama ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.

Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katuwiran

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

6

Pagpipilian #2 – TAMANG PAGGAMIT NG ISIP

GUMAWA NG ISANG TULA ISULAT SA ISANG LONG BONDPAPER

Ang Isip

Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao.

Nakukuha niya ito sa ugnayan niya sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na

pandama. Samakatuwid, ang kakayahang ito na nakakabit sa materyal na katawan ang

nagbibigay ng kaalaman sa isip. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto

sa isip.

Pagpipilian #3 – KILOS-LOOB

SUMULAT NG ISANG SCRIPT NG RADYO BALITA SA ISANG LONG BONDPAPER

Kilos-Loob

Inilarawan ito ni Santo Tomas ang kilos-loob bilang isang makatuwirang pagkagusto

(rational appetency) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa

isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob.

Upang maunawaan ang kalikasan ng kilos-loob bilang natatanging kakayahan ng tao,

mahalagang ihambing ito sa emosyonal na buhay ng hayop. Sa hayop, anuman ang mapukaw

na emosyon ay kumikilos ito nang naaayon dito. Kung ito ay galit, maaari itong mangagat

(depende sa kalikasan ng hayop). Samantalang sa tao, dahil may kamalayan at may kakayahan

itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaaring ang emosyon at ang

kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang pagkilos (E. Esteban, 1990, ph.48).

Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na

may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kanyang pagkatao sa

pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kanyang kapwa. Sa puntong ito maaaring

sabihing ang ginawang paglikha ng Diyos ay hindi pa tapos, nagpapatuloy ito sa kamay ng mga

taong nagsisikap lilukin ang kanilang kinabukasan, mga taong nagsisikap paunlarin ang

kanilang sarili at abutin ang pagka-sino ng kanilang pagiging tao.

Gamit sa Pagsusuri:

a. Angkop sa Paksa 40%

b. Paggamit ng Salita 30%

c. Orihinalidad 20%

d. Kalinisan ng Paggawa 10%

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

7

Suriin

Isip at Kilos-Loob Tungo sa Paghahanap ng Katotohanan, Paglilingkod at

Pagmamahal

Ating linawin upang maunawaan ang kabuuang kalikasan ng tao. Ayon sa paliwanag ni

De Torre, ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at

inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan (1980). Ipinapahiwatig

ni De Torre na sa kapanganakan simulang gumana ang isip ng tao na isang blankong papel,

walang taglay na ideya. Mayroong epekto sap ag-iisip kung depektibo ang pandama. Sa iyong

nakaraang pag-aaral, ang isip ay may kakayahang umisip, umalam sa ideya at buod, humusga,

mangatuwiran, sumuri, umalala, at unawain ang kahulugan ng mga bagay-bagay. Lalo na sa

kakayahang matuklasan ang katotohanan.

Ayon kay Fr. Roque Ferriols (Dy, 2012), “ang katotohanan ay tahanan ng mga katoto."

Ipinapahiwatig nito na ang isip ay ang kasamang katoto na tumutulong sa tao na makita ang

katotohanan. Ang katotohanan ay hindi hiwalay sa tao at sa mga katoto na nakakabatid dahil

ito ay makasaysayan, ito ay totoo.

Ang pag-arte ng makatwiran ay hinihiling ang pagbabago ng pokus sa buhay. Ang

pagbabago na ito ay ang unahin at pahalagahan ang iba bago ang sarili. Inihiwalay nito ang

sariling mga interes at nakahiwalay sa mga hangarin ng iba para sa iba.

Gamit at Tunguhin ng Isip

Ang isip ay may dalawang kakayahan. Isa na dito ay ang likas na pagiging mulat sa sarili

ay sumasalamin sa pag-unawa sa naiintindihan ng tao. Ito ang kakayahang maghiwalay sa

sarili na makakatulong sa regulasyon sa sarili, pagiging pabigla-bigla, at pagnanasa.

Ang pangalawa ay ang kakayahang magbuod at kunin ang mga mahahalagang katangian

ng umiiral na mga bagay. Dahil sa kakayahang ito, mauunawaan ng tao ang kahulugan at

mabibigyan niya ng kabuluhan ang mga bagay sa mundo.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

8

Gamit at Tunguhin ng Kilos-Loob

Ang kilos-loob ang ininilarawan ni Santo Tomas na makatuwirang pagkagusto. Ito ay

lumalayo sa masama at naaakit sa mabuti. Sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob

sa katuwirang binibigay ng kakayanan ng isip. Nabibigyang kahulugan ang sitwasyon dahil sa

kakayahan na makapagbuod at kunin ang esensiya ng mga umiiral na bagay. Dapat tugunan

ng tao ang tawag kapag nagkakamit na mabigyang kabuluhan ang isaang sitwasyon o bagay.

Tulad ng pagtulong sa kapwa at ang pagtugon sa makatarungang obhetibong hinihingi ng

isang sitwasyon.

Dahil sa likas na katangian ng tao na nabubuhay para sa pagmamahal, ang tao ay may

kakayahang makaramdam at tumulong sa kapwa. Sa palagay ni Scheler na ang pag-ibig ang

pangunahing kilos sapagkat ito ang batayan ng kilos ng tao. Hinahanap ng tao ang

pinagmumulan ng totoong kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig na ipinahayag sa

paglilingkod sa kapwa.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

9

Pagyamanin

Gawaing Pagkatuto

Panuto: Mula sa malikhaing paggawa, sagutan ang mga sumunod na mga tanong sa

iyong kwaderno.

1. Upang mabuo ang katangian ng tao, ano ang mayroon siya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ang isip ay may anong kakayahan? Ang kilos-loob?

3. Ang isip at kilos-loob ay magkaugnay sa anong katangian ng pagkatao ng tao?

Gamit sa Pagsusuri:

a. Angkop sa Paksa 40%

b. Paggamit ng Salita 30%

c. Orihinalidad 20%

d. Kalinisan ng Paggawa 10%

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

10

Isaisip

Gawaing Paglalapat

Panuto: Ngayon, ating linangin pa ang iyong kabihasnan. Gamit ang iyong kwaderno,

gumuhit ng isang simbolo na maglalarawan sa mga katagang ito,”Ang Tao ay Hindi Tapos” at

isulat ang iyong paliwanag.

Gamit sa Pagsusuri:

a. Angkop sa Paksa 40%

b. Paggamit ng Salita 30%

c. Orihinalidad 20%

d. Kalinisan 10%

Isagawa

Panuto: Ating ilapat sa sariling mong karanasan and aralin at sumulat sa iyong

kwaderno ng sanaysay na binubuo ng isang daang salita o higit pa ukol sa mga katagang ito:

“Ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos ng tao” at i-ugnay sa iyong mga karanasan

sa buhay.

Gamit sa Pagsusuri:

a. Angkop sa Paksa 40%

b. Paggamit ng Salita 30%

c. Orihinalidad 20%

d. Kalinisan ng Paggawa 10%

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

11

Tayahin

Panuto: Sa nakahandang graphic organizer, kopyahin ito sa iyong kwaderno at isulat

ang mga kahalagahan ng gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Magbigay ng maikling

paliwanag sa iyong mga sagot sa ibaba.

Gamit sa Pagsusuri:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

12

Karagdagang Gawain

Binabati kita! Malapit mo nang matapos ang lahat ng mga gawain para sa araling ito.

Upang mas mahusay na ipagbagay ang aralin sa iyong kaisipan, inaasahan na gagawin mo ang

huling gawain.

Panuto : Batay sa iyong sariling karanasan o mula sa iyong kilala, lumikha ng isang

komiks strip na sumusuporta na ang isip na purong katotohanan at matayog na kilos-loob ay

para sa pag-ibig at paglilingkod sa iba. Iguhit sa long bondpaper.

Gamit sa Pagsusuri:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

13

Susi sa Pagwawasto

Paunang Pasulit

1. C

2. C

3. B

4. D

5. C

Balikan

1. Damdamin

2. Banal / Pangkaluluwa/ Pandiwa

3. Pagkabatid

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

14

Sanggunian Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao. P.21-41: FEP

Printing Corporation, Pasig City. De Torre, J. (1980) Christian Philosophy. Sinag-Tala Publishers. Manila. Dy, M. Kaisipan, Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya (ISIP).

Vol. No.1 Esteban, E. (1989). Education in Values: What, Why And For Whom. Manila: Sinag-Tala

Publishers (July, 2017). Heart vector created by rawpixel.com - www.freepik.com.

https://www.freepik.com/free-photos-vectors/heart." (October, 2018). Technology vector created by rawpixel.com - www.freepik.com.

"https://www.freepik.com/free-photos-vectors/technology." (2001). The Holy Bible, English Standard Version. 3 John Chapter 3 Verse 18. Crossway Bibles.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Unang Markahan Modyul 1.3(Week 2): Ang Mataas na Gamit ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ia-1...ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark