Una at Huling Tikim

127
CHAPTER 1 Nabubuhay ako sa taon na 2010 Isa akong studyante sa isang paaralan na puro mayayaman at mga mayayabang na kamag-aral. Masasabi mong nasa middle class lamang ako dahil sa paraan ng aking pananamit ay hindi kasing ganda tulad sa mga kaklase ko. Pero sinisigurado ko na maayos at malinis ang damit ko. Binigay lamang ito ng mga kamag-anak ko mula sa US ang mga damit na sinusuot ko at ako mismo ang gumagastos sa mga pangangailangan ko sa pag aaral, pero kung masyado mahal na, sinasabi ko na to sa magulang ko. Binibigyan lamang ako ng limang daang piso ng mga magulang ko kada linggo para kung sakaling may gusto daw akong bilin. Isang ordinaryong studyante lang ako na may ordinaryong katalinuhan at ordinaryong kagwapuhan. Sa madaling salita, isa akong ordinaryong tao na gumagawa ng mga ordinaryong bagay. Naglalaro ng computer at gumagala kasama ang mga kabarkada noong High School. Laging nagsisimula ang araw ko sa paggising ng alas-nueve ng umaga para kumain at mag ayos bago pumasok. Nakatira kami sa bahay na tatlong palapag at sa bahay na ito nabuhay at namatay ang aking lolo at lola. Pero sa ikawalang palapag kami nakatira. Yung mga nakatira sa ikatlong palapag ay ang mga lolo at lola ko na matagal na silang pumanaw. Ito rin ang bunga ng paghihirap ng aking lolo noong nagtatrabaho pa siya, kami na lang ang naninirahan dito. Maliit lamang ang bahay na ito pero sapat na para mabuhay kami ng pamilya ko. Di namin kelangan ng magagarbong palamuti o kaya mamahaling gamit, gaganda nga ang loob ng bahay pero sa totoo lang wala itong maitutulong sa buhay namin. Apat lang kami sa Pamilya. Tatay ko na siya na lang ang nagtatrabaho, nanay kong nag-retire sa trabaho dahil gusto lang niya at ang nakakatanda kong kapatid na babae na nagtatrabaho na rin. Tinuturing pa rin siyang bata at bantay sarado sa mga lakad.

TAGS:

description

A story written by Edrick C. EspañaIt's about love, It's about me.

Transcript of Una at Huling Tikim

Page 1: Una at Huling Tikim

CHAPTER 1Nabubuhay ako sa taon na 2010 Isa akong studyante sa isang paaralan na puro mayayaman at mga mayayabang na kamag-aral. Masasabi mong nasa middle class lamang ako dahil sa paraan ng aking pananamit ay hindi kasing ganda tulad sa mga kaklase ko. Pero sinisigurado ko na maayos at malinis ang damit ko. Binigay lamang ito ng mga kamag-anak ko mula sa US ang mga damit na sinusuot ko at ako mismo ang gumagastos sa mga pangangailangan ko sa pag aaral, pero kung masyado mahal na, sinasabi ko na to sa magulang ko. Binibigyan lamang ako ng limang daang piso ng mga magulang ko kada linggo para kung sakaling may gusto daw akong bilin. Isang ordinaryong studyante lang ako na may ordinaryong katalinuhan at ordinaryong kagwapuhan. Sa madaling salita, isa akong ordinaryong tao na gumagawa ng mga ordinaryong bagay. Naglalaro ng computer at gumagala kasama ang mga kabarkada noong High School.

Laging nagsisimula ang araw ko sa paggising ng alas-nueve ng umaga para kumain at mag ayos bago pumasok. Nakatira kami sa bahay na tatlong palapag at sa bahay na ito nabuhay at namatay ang aking lolo at lola. Pero sa ikawalang palapag kami nakatira. Yung mga nakatira sa ikatlong palapag ay ang mga lolo at lola ko na matagal na silang pumanaw. Ito rin ang bunga ng paghihirap ng aking lolo noong nagtatrabaho pa siya, kami na lang ang naninirahan dito. Maliit lamang ang bahay na ito pero sapat na para mabuhay kami ng pamilya ko. Di namin kelangan ng magagarbong palamuti o kaya mamahaling gamit, gaganda nga ang loob ng bahay pero sa totoo lang wala itong maitutulong sa buhay namin.

Apat lang kami sa Pamilya. Tatay ko na siya na lang ang nagtatrabaho, nanay kong nag-retire sa trabaho dahil gusto lang niya at ang nakakatanda kong kapatid na babae na nagtatrabaho na rin. Tinuturing pa rin siyang bata at bantay sarado sa mga lakad. Sa tingin ko, pano matututo ng pagiging responsableng tao ang ate ko kung bantay sarado pa rin siya. Tatanda siyang nakasalalay sa mga magulang ko dahil sila mismo ay ayaw pang bitawan ang kanilang babaeng anak.

Pagkatapos ko kumain at maligo, agad agad na akong maghahanap ng jeep papunta sa paaralan na papasukan ko. Makakakita nanaman ako ng mga mayayamang tao walang ginawa kundi mag-ingles at mag inarte sa harap ng iba't ibang tao. Mga nakukulangan sa pansin. Dun sa ospital maraming papansin sayo. Onti lang ang mga kaibigan ko dito, kung ilan lang ang nakakapagsalita pa ng Filipino sa klase ay ganun din kadami ang mga kaibigan ko pero marunong di naman ako mag ingles, mas pinili ko lang na gamitin ang Filipino.

"Ano Ed? Bakit ang asim ng mukha mo?" sabi ng lalakeng payat at may katangkaran.

Page 2: Una at Huling Tikim

Ang panglan niya ay Alex Rio. May katangkaran na sa 5’8’’, payat na payat pero sinusubukan na magpataba at singkit ang mga mata, ang balat ay katamtaman lamang. Siya ang pinakaunang kaibigan ko dito simula noong unang taon pa lang ako dito. Nagkakasundo kami sa maraming bagay, tulad ng pananaw sa buhay at galit sa mga taong kulang sa pansin. Kahit matatawag mo siyang isang "Atheist", hindi ito hadlang para maging magkaibigan kami dahil nirerespeto naman namin ang mga kanya kanyang pananaw.

"ehh may dumaan kasi sa harapan ko na dalawang babaeng maganda. Mabango pa nga eh. Kaso nga lang nagmumukhang modelo sa ganda ng suot eh. Parang di kayang maging simple lang"

"pabayaan mo na pre, marami pa dyan! Mamaya yung sunod mong makita ehh mabihag agad puso mo! hahaha"

" 'lul! Alam mo naman hanggang tingin lang ako sa mga ganyang bagay"

Pano ba naman, may katabaan ang katawan ko, mga nasa 5'6 ang tangkad, di ganun ang kaputian at di rin ganun ang kaitiman at may katangusan ang ilong. Parang yung ilong sa isang professor sa Harry Potter na palabas, ayon kay Alex. Di rin ako marunong kung pano ngumiti lalo na kapag nagpapapicture. Kaya lahat ng litrato ko, mapa-ID picture, 1x1, 2x2, at graduation picture, ako'y hindi nakangiti.

"ayun oh may papalapit dito, tignan natin kung hihinto mundo mo dito!"

"talaga lang ah"

"o sige ah, tingin ka sa kaliwa mo ngayon"

Paglingon ko sa kaliwa ko, tulad ng kaibigan ko. Aba! Tama nga siya. Akala mong anghel na bumaba sa langit. Di mo akalaing may tao papalang ganyan kakinis na kutis at mukha na nagbibigay lambing sa kahit sino mang tumingin dito. Lahat ng mga lalake sa paligid ay nakatingin lamang sa kanya, pati ang mga mag-syota ay nag aaway dahil sa tagal ng paglingon sa babaeng dumaan. Imposibleng lapitan ang mga ganyang babae. Kung lumapit ka man para lang batiin siya, pakiramdam mo matutunaw ka sa hiya at kaba. Pagpalain na lang tayo ng Diyos na sana siya ay mabait at hindi maldita o kaya sa tinatawag nilang "bitch". Bonus na lang talaga kung mabait siya.

"Saktong limang segundo kang nakatitig ahh" hirit ni Alex

Page 3: Una at Huling Tikim

"Gago ka ba? Di mo ba nakita yung dumaan. Kahit sinong lalake, hindi kayang hindi tumingin ng sandali dun"

"Alam ko, pero masyadong maganda kaya nakakawalang gana na habul-habulin ang mga ganyan"

"Onga noh, maraming kakompetensya"

"Sabihin nating alam mo lahat at magaling ka sa lahat ng bagay pero mahina ka pagdating sa mga babae. Hahaha! TORPE ka pa rin pala!"

Tama ang sinabi ni Alex, na mahina ako kapag kinakausap ko ang mga babae. Oo, aminado ako, isa akong ganap na torpe. Mula noong nasa high school pa lamang ako, di ko na magawang kumausap ng babae kahit alam kong mabait siya at alam kong may gusto rin siya sa akin, base sa mga kinikilos niya at mga sinasabi niya. Nangyari ito noong nasa 4th year kami ni Alex.

*FLASHBACK*

"Ed! Gusto mo sumama sa akin? May kelangan lang akong kitain sa Gateway eh"

"sige! Medyo nakakabagot dito sa bahay eh"

Pagkatapos namin mag usap sa telepono, tinapos ko na ang kinakain kong almusal. Nagpaalam ako sa nanay ko na pupuntahan ko si Alex sa Cubao.

"Alex!" tinawag ko ang kaibigan kong hinahanap

Nakasuot siya ng pantalon na kulay Gray, naka-polo at nakataas ang buhok. Malakas ang amoy ng pabango at mabango ang hininga. Parang napakalaking bagay naman to para pormahan ng lubus-lubusan.

"Oh Ed! Bakit ganyan ang suot mo? Parang pupunta ka sa palengke!" sabay humalakhak.

Nakasuot ako ng kulay Green na cargo shorts, itim na t-shirt na may pangalan ng banda sa harapan at tsinelas. Pambahay lang to para sa akin tsaka parang bahay na lang tong Gateway para sa akin sa lapit.

"Eh gago ka pala eh! Sabi mo magpapasama ka lang naman"

"oo! Mamaya! Darating din SILA"

Page 4: Una at Huling Tikim

" sino ba yang SILA na yan?"

Pagkatapos namin mag antay ng halos 30 minuto

“Ang tagal naman nila”

“Darating rin sila, malay mo traffic lang”

Dumating ang dalawang babae. Ang unang babae;-Nasa tangkad na 5'2-Maputi pero hindi maputla-maliliit ang mga mata dahil ito ay singkit. -mahaba ang buhok, mga abot dibdib at may kulay na dark brown-may kaliitan ang ilong-nakasuot ng braces ang mga ngipin-nakasuot na puting t-shirt na nakalagay ang "I <3 NY" sa harap at naka-skinny jeans at nakasuot ng Vans na sapatos. May kapayatan ang kanyang katawan pero may nananatiling laman parin at may dibdib naman.

Ang kasama niya;-nasa 5'3 ang tangkad-katamtaman ang kulay ng balat-mahaba rin ang buhok pero may pagkakulot sa dulo at natural na itim lang an kulay-makinis ang mukha niya, halatang inaalagaan-bilog ang kanyang mga mata at may kinang ito kapag tinitignan mo, parang malapit na siyang umiyak-maliit din ang ilong-makinis ang legs-nakasuot siya ng blue na t-shirt at shorts na nagpapakita na makinis at maganda ang kanyang legs. Nakasuot rin ng Vans na sapatos. Nagmumukha siya may katabaan ng onti dahil sa k

anyang dibdib na mas malaki kumapara sa isang babae.

Tinatantya na parehas silang nasa 17 lamang.

Nakikita ko sa paligid pa lang na maraming lalakeng nagsisitinginan sa kanila. Kahit ito ay maging tatay man o isang nagbibigay ng Flyer ng isang Condo sa mga tao ay nagagawa nilang tumigil dahil may isang Anghel at Diyosa na dumaan sa harapan nila. Yung iba nakabukas na ang bibig pero ang iba may mga masasamang intensyon na nakapinta sa mukha nila. Parang ginagahasa na sa loob ng kanilang malilibog na isip. Si Alex ay nakangiti at kumakaway tila

Page 5: Una at Huling Tikim

kinukuha ang atensyon ng dalawa. Di ako makapaniwala na makikilala ko itong dalawang magagandang babae na papunta sa direksyon namin.

"Hi Alex!" bati ng babae na naka-Blue

"Alex!" bati naman ng babaeng naka-Puti

"Uy! Ngayon na lang pala ulet tayo nagkita! Parang isang taon na yun ah!

"Di naman! Naging busy lang kaya!" sagot ng babaeng naka-puti

"may papakilala ako sa inyo!bestfriend ko nga pala! Si Ed"sabi ni Alex habang nakangisi sa akin para ipakilala sa mga babae

Tumigil nanaman ulit ang oras. Nanlalabo ang akin paningin, napapawisan ang kilikili at kamay na nanlalamig at naninigas sa lamig. Malalaki ang butil ng pawis na lumalabas sa aking noo.

Inabot ng babaeng naka-blue ang kanyang kamay sa harapan ko para magpakilala.

"Hi Ed! I'm Ashley!"

Lumunok ako ng laway sa nanunuyo kong lalamunan at sabay ding inabot ang kamay ko sa kamay niya. Oh jusko! Napakalambot ng mga kamay! Isa to sa mga pinakamalalambot kong mahawakan maliban sa unan na gawa ss feather ng mga pato. Wala na lang ako nasabi sa pangyayari.

"I'm Stella pala!"

Inabot din niya ang kamay niya sa harapan ko para magpakilala. Lumunok ulet ako at inabot ang kamay ko. Mainit ang kamay nila at patunay lang yun na nanlalamig na talaga ang kamay ko.

"Ed! Okay ka lang? Ang lamig ng kamay mo! May sakit ka ba ngayon?" nagaalalang tanong ni Ashley

Page 6: Una at Huling Tikim

CHAPTER 2Hanggang ngayon, nananatili akong tuliro sa mga nangyari lang kanina. Walang nagawa kundi nakatulala. Ngayon lang nangyari sa akin ang ganitong pangyayari. Nagbubulungan si Alex at Stella at sabay na tumawa ng malakas. Parang may pinaplanong masama ang dalawa.

"Tara na nga! Kain muna tayo sa Taco bell! Kanina pa ako nagugutom ehh!" sabi ni Alex para umalis na sa kinatatayuan

Magkasamang naglalakad si Alex at Stella sa harap at kami naman ni Ashley sa likod. Tila parang double-date. Nagtatawanan ng malakas ang dalawa sa harap namin, siguro nagkwento nanaman tong si Alex tungkol sa mga natututunan niya jokes sa internet at sa TV. Pero ako, tahimik lang di alam kung anong sasabihin. Nablanko ang isip ko sa pangalawang pagkakataon. Yung una ay noong exam sa Biology na di ako nakapag aral dahil nakatulog ako pagkatapos namin manood ng Minsan Lang Kita Iibigin. Napatingin na lang ako bigla kay Ashley, baka kasi di lang rin ako ang nahihirapan sa sitwasyon na to.

"ay sorry!" sabi niya sa akin dahil nakita ko siyang nananalamin, tila inaayos ang sarili.

Sa lamesa magkatabi kami ni Alex at katapat niya ang kasama kanina bago pumunta dito. Parang iba na ang kinkilos ni Alex ngayon. Naging mas malapit siya ngayon dahil parehas nakasandal ang kanilang ulo sa lamesa at nakatingin sa isa't isa. Habang inaantay ang pagkain, pinaglalaruan ni Stella ang buhok ni Alex at nakahawak naman si Alex sa kamay niya at nilalaro ang mga daliri nito. Sana ako kayang gawin yan.

Sana may babae na gagawa niyan kasama ako. Mga gusto ko mangyari sa buhay na mahirap gawin dahil sa sakit ko. Sakit ng pagiging Torpe. Walang mangyayari sa akin kung hayaan ko na lang walang mangyari sa buhay ko at kung takot ako magbago.

"Ashley! anong favorite food mo? Sinong artista ang crush mo ngayon? Anong klaseng music ang pinapakinggan mo? Paano kayo nagkakilala ni Stella?"

Nanlaki ang mga mata ni Ashley at gulat na gulat sa mga pangyayari. Tinakot ko yata siya at iisipin niya na isa akong wirdong tao. Taong walang chansang magkagusto sa akin.

"uhh Ed, okay ka lang ba talaga?"

"oo! Okay lang ako! Nahihirapan lang ako himinga at masakip yung dibdib ko"

Page 7: Una at Huling Tikim

"Calm down, okay?"

"Ano Ed? Gusto mo labas muna tayo ng saglit?" alok sa akin ni Alex

Habang nasa labas ng mall

"Hahahaha! Sabi na nga ba eto mangyayari sayo ehh" banat ni Alex

"alam mo naman pala ehh! Gusto mo bang atakihin ako sa puso?!?"

"kaya nga kita tinutulungan ehh, para mawala yang pagkatorpe mo"

"oo na!"

Sabay na kami bumalik sa kainan. Baka nandun na yung pagkain. Kelangan ko na lang lakasan ang loob ko, wala na akon pake kung anong mangyari sa akin! Bahala na si Batman!

"a-a-ahsley! Sorry nga pala dun sa nangyari kanina kung natakot kita"

"it's okay!" sabay ngiti niya, makikinang ang mga ngipin niya at parang may nangingiliti sa tyan kaya pati ako napangiti na lang.

"Uy! Yung dalawa! Nagkakadevelopan!” Banat ni Stella at sinira ang moment. Shet.

Pagkatapos nun, di ko na nagawang magsalita, nakafocus na lang ako sa pagkain ko. Di ko na kayang matignan ang mga babaeng nasa harapan ko.

"Bye Guys! Mauna na kami!" sabi ni Stella

"Bye! ingat kayo!" sagot ni Alex

"Bye!" paalam ni Ashley

Umalis na ang dalawa

"Ano pre masaya ba?"

"makakabitin pero nakakakaba"

Page 8: Una at Huling Tikim

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep, may tumapik sa likod ko. Si Ashley pala.

"oh bakit?"

Hinila niya ang balikat ko papalapit sa kanya

"alam mo Ed, gusto kitang tulungan mawala yang pagkatorpe mo. Next time tatawagan kita. Magkita ulit tayo" bulong niya sa akin at umalis

"alam mo, crush ka ni Ashley" sabi ni Alex

"ehh pano mo nalaman?"

"kung nakita mo lang mga kinikilos niya. Pinapanood ka nya nung tapos na siya kumain, naglagay ng lipstick sa harapan mo at nahihiya siya sa harap mo"

"talaga? Ehh di naman ako kagwapuhan para mangyari yun"

"paminsan talaga di yun hinahanap ng babae, bonus na lang yung gwapo"

"eh ano ba hinahanap nila?"

"dalawang bagay lang naman eh. Una hindi manloloko at pangalawa pakiramdam nila ligtas sila at walang mangyayaring masama sa kanila. Kays bonus na lang talaga ang gwapo"

*END OF FLASHBACK*

"naaalala mo papala yun!"

"oo naman! Minsan lang mangyari ang ganun sa buhay ko"

“kasi nga hinahayaan mong lumipas ang mga ganyang pangyayari”

Napaisip ako sa mga sinabi niya nya na yun. Kung hahayaan kong walang mangyari sa buhay ko, siguro wala talagang mangyayaring maganda o kaya wala akong matututunan. Parang pano ka makakapagbigay ng advice tungkol sa mga broken hearted kung hindi mo pa nararanasan ang maheart broken. O kaya pano ka magtuturo ng isang lesson kung hindi mo naman alam kung ano yung ituturo. Kaya siguro ayos lang din kung may mangyaring bago naman sa buhay ko kahit papano. Magandang experience man to o masama, basta naranasan mo na. Kung mananatili lang akong hindi kumikibo, kung mananatili lang ako sa mga paulit ulit kong ginagawa sa buhay, wala talagang mangyayari, Kung magbabago man ako, siguro meron ngang darating sa buhay ko.

Page 9: Una at Huling Tikim

“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” Tanong sa akin ni Alex, malaking malaki ang mga mata at nakanganga sa direksyon kung san siya nakatingin

“Isara mo nga yang bunganga mo! Naamoy ko yung kinakain mo eh”

“Tignan mo na kasi itong nakikita ko” pilit niya

“ano ba kasi yan!”

“hindi ano! Sino!”

Iginalaw ako ang ulo ko patungo sa direksyon kung saan siya nakatingin at naiwan na lang akong tuliro nanaman sa nakita ko“Sabi sayo ehh! Matutuwa ka sa makikita mo” payabang na sabi ni Alex

Nakita ko muli ang isang babae na hinayaan kong pinalipas sa buhay ko. Si Ashley. Anong ginagawa niya kaya dito sa kolehiyo na kung san ako nag aaral.

“ASHLEY!!!” pasigaw na tawag ni Alex

“HOY! GAGO! ANONG GINAGAWA MO?!?!”

“Edi tinatawag si Ashley! Ang tagal na nating siyang hindi nakikita eh”

“Ehh gawin mo yun kung wala na ako!”

“Ayy pucha! Torpe ka pa rin ba? May mga kaklase kang babae tapos torpe ka pa rin”

“Ehh nakakausap ko lang naman sila kung may kelangan ako sa kanila”

Inayos ko agad ang mga gamit ko sa lamesa at nagmadaling umalis.

Sana hindi na niya ako nakikilala

Sana hindi na niya ako naaalala

Wala naman akong nararamdaman sa kanya para umiwas ehh.

Bakit ba ako natatakot?

Natatakot ako dahil kung anong mangyayari sa akin?

Natatakot akong alalahanin na ako ay isang torpe pa rin?

Page 10: Una at Huling Tikim

Wala akong dahilan para kabahan

Isipin na lang natin isang panaginip to

Masyadong maganda para maging totoo at isang panaginip lang to

Hindi ko matatanggap na kilala niya ako

“ED!!!!!!!”

Patay.

Page 11: Una at Huling Tikim

Chapter 3Nakatigil ulit ang oras. Kasalukuyan akong nakatayo at may babaeng tumatawag sa akin. Nararamdaman kong palapit na siya sa akin, nararamdaman ko ang mga pagtapak niya at nakikita ko ang anino niya sa sahig. Siya nga! Walang duda. Lumapit siya sa akin para tapikin ako sa balikat ko. Siguro eto na nga ang pagbabagong kelangan kong gawin.

Umaandar na ulit ang oras

“ED!!!!”

“Oh Ashley! Ang tagal na nating hindi nagkikita ah! Hahaha!” pekeng tawa at may kasamang pekeng ngiti

“Onga ehh! Halos 2 years na tayong hindi nagkikita!”

“Ahh ganun ba! Sige mauna na ako ahh, may mga kailangan pa akong gawin”

“Ang KJ nito kahit kelan!”

Eto na nga talaga ang pagbabago na hinahanap ko

“O sige na nga, mamaya na lang ako mag aaral”

“Usap muna kasi tayo ng sandal!”

“O sige guys! Maiwan ko muna kayong dalawa dyan ahh! Hehehehe” Sabi ni Alex sabay ngiting demonyo

Bakit Alex! Bakit mo to ginagawa! Wala akong atraso sayo!

“Bakit parang ngayon lang kita nakita dito?” tanong ko sa kanya

“Ha? Ehh matagal na kaya ako nag aaral dito! Baka ikaw yung ngayon ko lang nakita! Hahaha!”

“Ahh kasi aral-uwi ang inaatupag ko, minsan lang ako tumambay”

“Hmmm sa tingin ko kelangan mo lang mag-relax kahit onti”

“Panong relax?”

“Labas tayo paminsan!”

“. . . .”

Sampung segundo akong walang masabi sa narinig ko. Tama! Pagkakataon ko na to

Page 12: Una at Huling Tikim

“Huy! Okay ka lang? May ba dumi sa mukha ko?!?!”

“Sorry sorry! Nag-zone out lang ako”

“So ano? Game ka sa Friday?”

“Oo! Sama din natin si Alex”

“Ayy may lakad ata siya sa Friday ehh”

“Ahh sige! Game sa Friday!” Kinakabahan kong sinabi sa kanya

“Bago ka umalis! Ano pala number mo?” Tanong niya

“ehh di ko memorize ehh, sorry!”

“ano ba yan! Sige na nga bibigay ko na yung akin”

Sinulat niya sa isang pirasong Sticky Post it ang kanyang numero at may pangalan pa. May smiley ring kasama!

“Text na lang kita para makuha mo yung number ko”

“Sige! Medyo late na ehh. Bye!”

“Bye!”

Kumaway siya sa akin at umalis na sa harapan ko. Parang ang sigla sigla ng buhay niya. Bago yun din ang kelangan ko para magbago. Maging masigla. Bukas subukan kong maging masigla pero kelangan ko na talaga mag aral! Ay shit onga pala. Itetext ko pala muna siya, baka inaantay niya yung text ko.

Kapal ng mukha mo gago!

Namura tuloy ako ng konsyensya ko.

Habang sa text:

“Ashley! This is my number!

-Ed”

*message sent*

Pagkatapos ng ilang minuto

Page 13: Una at Huling Tikim

“Hi Ed! I saved your number na! :) go pa rin on Friday?”

Teka, mukhang kelangan ko muna magpaalam sa magulang ko

“Ma! Alis ako sa Friday! Baka gagabihin ako!” Pasigaw kong pinaalam sa nanay ko dahil nasa labas siya ng kwarto

Pumasok ang nanay at tatay ko sa kwarto ko nang nakangiti. Parang may mali sa mga ngiti nila

“Syempre! Pwedeng pwede ka Ed!” sabi ng tatay ko

“Oo! Basta behave ka lang kung san ka pupunta ahh” masayang sinabi ng nanay ko.

Bukas magpapaturo ako kay Alex kung anong bang mga gagawin dito. Tama! Marami nang nagging syota si Alex. Taon-taon nagpapalit yata siya ng syota ehh, parang collectibles lang eh noh. Siguro mabilis lang siya magsawa. Pag nalaman na niya nag ganito pala ang babae na to, magsasawa na ata siya. Pero hindi na nagawang ipakilala sa mga kaibigan niya o sa akin, baka daw kasi masulot. Pero sa wakas! May magagawa na akong pagbabago sa buhay ko! Mawawala na rin ang pagkatorpe ko sa mga babae.

Kinaumagahan.

“Alex! Kelangan ko ng tulong mo!”

“Para san ba?”

“Ehhh, ano ba ang kelangan gawin para hindi maging torpe”

Ayan nasabi ko na rin, sana naman tulungan ako ng kaibigan ko

Tumigin siya sa akin na may demonyong ngiti

Alam ko yang ngitinng yan ehh. May binabalak tong masama. Malamang may kapalit to. Isusugal ko na kaluluwa ko para naman rin to sa akin eh.

“Yun ba ang gusto ng aking munting kaibigan? Hehehehe”

Meron pa ring ngiting demonyo sa kanyan mukha.

Umoo na lang ako sa kanyang tanong

“Ngayon, gamitin mo tong pabango na to, lagyan mo ng wax ang buhok mo at maghimalos ka gamit ‘to”

Page 14: Una at Huling Tikim

Inabot sa akin ni Alex ang isang lata ng isang brand ng Wax, bote ng pabango, at tube ng isang pangsabon sa mukha. Dumiretso kami sa CR at di ko alam kung anong gagawin ko sa buhok. Oo! Namistulang bakla tong kasama ko dahil inaayusan ako ng buhok. Pero wala na akong pake sa sinasabi ng mga tao sa mga ganitong pangyayari. Makalipas ng halos kalahating oras, natapos na rin. Nagsisimula talaga ang pagbabago sa sarili at sa itsura.

“Wow! Edi nagmukha ka nang tao sa itsura mo ngayon!” Pangasar ni Alex

“Tignan mo, ang daming lumilingon na chix sayo ngayon” dagdag niya

“Oh ngayon dahil umayos na itsura mo, may papagawa ako sayo”

Sana madali lang tong papagawa niya

“Lahat ng mga makita nating babae….”

“ano? Anong gagawin?”

“ay….”

“dali! Sabihin mo na! pinapatagal mo pa ehh. Kitang kinakapalan ko na nga mukha ko ngayon ehh”

“batiin mo ng ‘Hi!’ o kaya ‘Hello! Miss!’, ganon!”

“sige! Wala na akong pake kung anong mangyari sa akin! Basta sa ikabubuti ko rin to!”

Naghanap muna kami ng may mga babaeng may potensyal para sa gagawin ko. Dapat yung babae, magbibigay ng positibong reaksyon.

“Eto Ed,nakikita mo tong naka-black na jacket at skinny jeans. Mukhang rockers to ohh, sa tingin ko madali lang yan.”

Ayun nga. Nakakita kami ng babaeng magisa at tumitingin sa malayo. Mukhang madali lang siyang lapitan.

“Game!” yan na lang ang nasabi ko

Presentable ba ako tignan ngayon? Oo

Mabangon ba ang hininga ko? Oo

Wala na akong pake sa mundo nang Tatlumpong Segundo? Oo

Kinakabahan ba ako? Oo

Page 15: Una at Huling Tikim

Eh sasabihin ko lang naman ay ‘Hi’ o kaya ‘Hello Miss’, yun lang, tapos aalis na.

Ilang segundo na lang at makakarating na ako sa harapan ng babae.

20 segundo.

Malapit na.

15 segundo

Lumilinaw na ang itsura nya sa akin

10 segundo

Nakatingin siya sa direksyon ko

5 segundo

Napansin niyang palapit ako sa kanya

3 segundo

Di ko magawang matignan sa mukha niya sa sobrang kaba

“Anong problema mo?” tanong sa akin ng babae

Lunok ng laway, hinga ng malalim at buksan ang bibig.

“ahhh ehh, Hi Miss!” yun na lang mga nasabi ako

Tangina! Badtrip yata sa akin

Nagmadali akong tumilikod at pumunta kay Alex.

Alex! Ikaw lang ang makakapagligtas sa akin ngayon! Nasan ka na!

Page 16: Una at Huling Tikim

Chapter 4Di ko nakita ang mukha nya dahil tinatago ito ng hoadie sa kanyang jacket. Pero hindi na importante yan sa akin.

Ang lakad kong 30 segundo papunta sa babae ay naging 10 segundo paalis sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang epekto na kaba sa katawan ko. Nanlalamig mga kamay, nanunuyo ang lalamunan, pinagpapawisan ang noo, naluha-luha ang mga mata at nang hihina ang mga tuhod.

Takte! Sumusunod pa rin ba siya sa akin? Nakakatakot lumingon ehh. Basta deretso lang maglakad. Kahit simple lang yung pinapagawa, napaka-hirap gawin. Ang mga babae talaga ang kahinaan ko. Kahit gusto ko silang makausap o kaya makipagkwentuhan sa kanila. Napakahirap gawin nun para sa akin.

Iba talaga ang tingin ko sa mga babae. Tila parang mga Dyosa sila para sa akin. Mahirap lapitan at nawawala ka sa sarili mo. May mga bagay kang hindi nagagawa ng natural pag may kasama kang babae o kaya kung ano ano ano na lang nasasabi mo sa kanya. Pero ito naman ata ay para sa mga naghahanap ng malalim na relasyon sa isang babae. Sa kondisyon ko ngayon, kahit makausap lang ay hindi ko pa magawa. May pumipigil sa akin na gawin yun. Siguro yung utak ko na rin, sinasabi niya: ‘Cannot Process Infromation’. Di gumagana ang bibig ko ng sandaling panahon o kaya pag wala nang babae sa harapan ko. Ganun katindi ang epekto sa akin ng mga babae. Para sa akin, kelangan ko pang pag aralan kung anong meron sa babae. Anong nakakapagpabaliw sa kanila o kaya kung ano ang mga kahinaan o kalakasan nila. Bawat kilos at galaw, gusto ko matutunan. Isang araw talaga, magagawa kong alamin lahat yan.

Pagkatapos ng halos 10 minutong paglalakad na kita ko na rin si Alex at malayo pa lang alam ko nang may kasama siya. Malamang isa nanaman to sa mga chix niya. Haaaay Mabuti pang umiwas na ako at kunyaring hindi ko sila nakita.

Buti ka pa Internet, hindi mo ako iiwan.

Kasalukuyan akong nasa isang social networking site at tinitignan ang notifications kong umabot ng 20 dahil bihira lang ako magbukas nito. Blah blah blah has tagged you in a photo, blah blah blah has commented on your status. Haaay paulit ulit.

Pero ano to.

Kakaiba tong notification na to ahh.

Ashley Kreto has sent you a friend request.

Page 17: Una at Huling Tikim

Wala naman akong dapat ikatakot sa kanya ehh. Mabait naman siya pero natatakot lang ako kung anong mangyari sa akin kapag magkasama kami. Baka pag hindi ako nagsasalit dahil sa sobrang kaba ay isipin niya na boring siya, pero sa totoo lang talaga wala akong maisip na pwedeng mapag-usapan. Sayang ang pagkakataon na to, kahit sa isang social networking site.

Confirm.

Matignan nga ang mga litrato niya.

*click*

Photos

*click*

Wow! Ang daming albums! Mga lagpas 40 ang albums na meron siya! Pero dito muna ako sa Profile Pictures.

*click*

…….

Wala akong maisip na sabihin sa mga litrato niya. Genuine talaga ang kanyang pagkaganda. Kahit may mga wacky pictures siya, grabe! Ang ganda pa rin! Maraming likes ang mga litrato niya at maraming lalakeng nagcocomment. Tulad nito: Ayon kay Mike ******** (Feb 12, 2009, 5:10 pm): will you be my valentine?

Ashley Kreto (Feb 12, 2009, 5:13 pm): Not in a million years.

Grabe! Maraming gustong maging ka-date siya sa Valentine’s Day. Pero lahat tinatanggihan niya.

*click*

Ang laki ng pinagbago niya sa 2 dalawang taon ahh. Parang sa unang litrato niya ay bata pa lang siya pero dito sa pinakabago ay masasabi mong nagmature siya pero ang ganda pa rin. Wow lang.

Magpost nya ako sa profile niya.

Page 18: Una at Huling Tikim

Ashley Kreto

*click*

*Type*

Hi Ashley! :D

Share

*click*

Ayan! Sa tingin ko naman okay na yan. Pag wala talaga sa harapan mo ang babae, ang daling kausapin. Sana ganito na lang palagi. Walang kabang nararamdaman. Sana ang buhay ay parang Internet. Kaso mahirap yun, maraming manloloko sa internet at baka nakawin ba ang buhay mo. Kaya wag na lang pala.

Teka.

Binigay niya pala yung numero niya sa akin!

Nasan na pala yun!

Tae!

Alam ko nilagay ko dito sa bag ehh.

Kung kelan may hahanapin ako dun nawawala ang mga gamit. Napaka-daya ng buhay

Pagkatapos ng ilang minutong pagkakalkal sa mga gamit ko. Nahanap ko na rin ang papel na binigay niya sa akin.

Mailagay na nga sa cellphone baka kung anong mangyari sa papel na to.

Pucha! Onga pala! Magkikita kami bukas! Magkikita lang naman ehh. Bakit kaya bigla ko na lang naaalala tong mga bagay na to ngayon.

Siguro tama rin to para sa akin. Puro aral-laro na lang ginagawa ko. Napapabayaan na ang social life ko. Kelangan talaga maging mature kahit papano. Kung hindi naman para sa akin, siguro para sa ibang tao na rin para magmukha akong kagalang galang o kaya respetado sa harapan nila.

Dapat ngayon nag iisip na ako ng mga ikekwento ko sa buhay ko. Meron nga ba?

Teka.

Page 19: Una at Huling Tikim

Pwede ko kayang ikwento yung nung binawasan ako ng gilagid kasi sabi ng dentista malaki daw yung gilagid ko. hmmm pwede naman siguro

Tsaka nung tinaggalan ako ng ingrown. Pwede rin siguro yon.

Yun lang ata pwede ehh. Lintik yan.

Wala talaga akong maikekwento yung aral-laro lang ginagawa ko sa buhay ko. Hinding hindi ko namana pwedeng ikwento kung anong nangyari sa laro ko kanina. Malamang ayaw ng mga babae sa mga ganun bagay. Kaya kelangan ko talagang “i-level up” ang social life ko. Siguro eto na nga talaga yon solusyon o kaya ang simula patungo sa tamang pagbabago sa buhay. Ipagpapalit ko na ang paglalaro ng computer sa social life. Kahit gagastos ako ng onti, kahit papano matutulungan ko sarili ko sa katorpehan ko.

Kelangan ko nang itulog to nang hindi ako kabahan para bukas.

“Mr. Castillo! Bakit tingin ka ng tingin sa iyong orasan. Ipinagmamalaki mo bang mahal yan?” pinutol ng guro ang kanyang pagtuturo dahil sa akin

“Maam, hindi naman po, may pupuntahan kasi ako ehh” paliwanag ko

“kung ganun din naman, mabuti nang umalis ka na. Baka ma-late ka pa” pilosopong sagot ng guro

Di na lang ako sumagot baka magkagulo pa at hindi ko na tinignan ang orasan ko. Kung makikinig ako, bibilis ang oras kesa sa iniintay mong dumating sa gusto mong oras.

Makatulog na nga muna.

.

..

Page 20: Una at Huling Tikim

….

…..

Lintik yan! Kinakabahan ako na excited! Text ko na nga si Ashley

“Ashley! Si Ed to! San nga pala tayo magkikita?”

*Message sent*.

“Wow ah! Antagal mong hindi ako tinext sa binigay kong number. Anyways, I’ll meet you up at Mcdo muna. Tapos alis na tayo! Okay? ” May smile pa talaga sa dulo eh. Sa totoo lang, napangiti ako dun

Ayun, ginawa ko na muna yung sinabi niya bago kung anong isipin.

“Sir! Welcome to McDonald’s!” sabi ng babae sa counter

“ahh isang medium fries at yung green na float!”

“70 po lahat sir!”

Pucha ang mahal.

Inabot ko sa babae ang buong isang daan at binigay ang sukli an gang inorder kong pagkain.

Habang inaantay ko si Ashley, nagmamasid masid muna ako sa loob ng mcdo na to. Parang ngayon lang ako nakarating dito ahh. Ganun na ba kalungkot ng buhay ko? Ngayon lang ako nakakarating sa mga lugar na madalas puntahan ng mga tao? Ano bang ginawa ko sa buhay ko? Parang ngayon lang ako nabuhay.

Hmmm 5:30PM na ahh. Ang tagal niya.

Siguro binigay ng Dyos tong oras na to para makapaghanda ako.

Dapat maging makapal mukha ko yung tipong walang hiya. Walang hiya as in yung hindi kayang mahiya. Yung kayang gawin o sabihin lahat nang hindi nakakasakit ng damdamin. Haay mabuti ngang ganto ako. Ang ibang tao kasi kung makapagsalita ay parang pinapatay na yung

Page 21: Una at Huling Tikim

sinasabihan ng mura. Kung tutuusin, hindi ko kayang magmura. Sabihin ko man ang gago, tangina, tarantado, fuck o kung ano pang mura ay sa isip ko lang nagagawa at sa salita hindi ko kayang gawin.

Brrrrrrrrt brrrrrrt

Nagtext siya!

“I’m on the way na to Mcdo. Sorry talaga! I’ll explain everything when I get there ” may smiley ulet at sa di inaasahan pangyayari. Nagmukha akong tanga kasi ngumingiti ako magisa dito.

6:15PM na ang oras sa cellphone ko

Wow! Ang tagal niya!

Okay, bakit may kamay na nakatakip sa mga mata ko ngayon. Pwedeng bigyan nyo ako ng sagot kung bakit may kamay sa mga mata ko. Ang lalambot pa at medyo malalamig ang mga kamay.

“Sino ako?” pilit maging lalake ang boses pero alam kong boses babae ‘to

“Uy Alex!”

“Baliw!” naging boses babae na

“Ikaw kaya baliw dyan!”

Tinanggal na niya yung mga kamay niya sa mukha ko at pumwesto sa harap ng ko.

“Kanina ka pa nag aantay sa akin?” tanong niya sa akin

“uhmm. Oo. Mga 5:30 nandito na ako”

“Ang aga!!

“Teka, san ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya

“It’s a big secret!!!” sabay labas dila. Tila inaasar ako.

Akalain mo yun, may pagka-isip bata rin pala ‘to. Ang cute niya tignan pag ganito siya kumilos.

“Let’s Go! Hanap tayo taxi!”

Pinara niya ang taxi, kinausap ang driver at pumasok na ako sa taxi kasama siya.

“Nagpaalam ka ba sa parents mo? Baka tumakas ka lang ahh”

Page 22: Una at Huling Tikim

“Onaman noh. Sinabi ko sa kanila baka Late ako makakauwi”

“Wow! Binata na tayo ahh!”

“Hahaha! Syempre! Ehh ikaw?”

“Oo! Nagbibinata na rin ako! Hahaha”

Kung ano ano na lang mga sinasabi niya at magcomment na ako sa mga sinasabi niya. Parang himala talaga. Nagagawa kong kumausap ng babae sa isang natural na paraan. Baka sa simula lang to. Eh meron kasi akong ningas-kugon attitude. Tsaka mabilis pa namana ako magsawa. Mga kantang pinapakinggan ko sa iPod ko. Wala pang tatlong buwan sawa na ako. Baka ganito rin ako pagdating sa mga babae.

At sa wakas nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. Ang lugar kung saan niya ako dinala ay maganda. Nagtataasan ang mga gusali at may mga makukulay na ilaw sa mga dingding ng mga kainan. May mga lamesa sa labas at malayo pa lang maririnig mo na ang mga kantang malalakas ang Bass. Pagbaba naming sa taxi, marami na agad akong nakitang mga tao sa isang lugar. Mahaba ang pila, iba iba ang porma ng mga babae at lalake. Yung ibang babae naka-shorts yung iba naman naka-skinny jeans. Yung mga lalake, naka-jacket at pantalon yung iba naka-shorts lang at longsleeves na polo. Buti na lang di sila nakasuot ng cap na nakapatong sa ulo na tipong pag hinangin ay liliparin na.

Maraming magagandang mga babae. Makikinis ang kutis, mapuputi ang balat, mahahaba ang legs, malaki ang dibdib at matatangos ang ilong. Nakakalibog sila sa madaling salita, kaya kung naghahanap ka ng panandalian ligaya ay etong mga klaseng babae ang hanapin mo. Bigyan mo lang ng alak, panigurado maya maya ehh lumiligaya ka na ng buong gabi. Ingat lang baka may ‘aksidenteng’ mangyari. Pag nangyari yung aksidente nay un, panigurado hindi ka na magiging maligaya sa buhay mo. Pero kung gusto mo ng pangmatagalang ligaya. Nahanap ko na yata ang hinahanap ko. Kasama ko pa. Sana talaga hindi ako magsawa sa kasama ko ngayon.

Pumunta kami sa isang lugar medyo may kadiliman ang loob. Ang pangalan ay “Bed Room”. Sinusudan ko na lang siya. Ayos tong setup na to ahh. May mga kama o sofa beds sa loob. Kinausap niya yung babae at kinuha ang kamay ko para pumunta sa ikalawang palapag ng lugar.

“Wow! Ang dilim naman dito!”

“kaya nga tinawag na Bed Room ehh. Hahaha! Gusto mo ba matulog ng may ilaw?”

“Ako gusto ko…..”

“Ang totoy mo pa rin!”

Page 23: Una at Huling Tikim

Sabay tawa siya ng malakas.

“Pili ka muna ng gusto mo kainin, CR lang muna ako”

Habang wala siya, nagmasid masid muna ako sa lugar. Madilim talaga, malakas ang mga tugtog, mausok dahil may mga naninigarilyo at malakas rin ang amoy ng alak sa paligid. Sa harap ko ay may couple na naguusap. Sa tabi nila may couple ulet na naghahalikan. Yung iba naman ay umiinom, yung iba naman nagyoyosi. Sa katabi naming lamesa ay puro babae. Mukhang naglalaro sila ng Truth or Dare kasi yung dalawang babae ay naghalikan lang. Mukhang masama ang tingin sa akin kasi nakita ko lang na naghalikan sila. Umiwas na lang ako sa kanila at kunyaring kinuha ang cellphone para mag text. Di pa rin ako makapili ng gusto kong i-order kasi di ko rin naman alam kung ano tong mga nandito. Kaya eto na lang pinili ko.

“Boss! Isang Nachos with Cheese!” sabi ko sa waiter

“May toppings po ba sir?!”

“Anong toppings?!”

“Beef Giniling sir!”

“Sige! Kunin ko yun!”

“Baka gusto nyo sir ng beer?”

“Baka mamaya na lang!”

“Shots? Sir baka gusto nyo?”

“Mamaya na lang din!”

Lahat ng usapan naming ay pasigaw dahil talaga sa lakas ng tugtog. Bumabayo ang buong paligid dahil sa lakas ng tugtog

Ilang minuto ang makalipas, dumating ang pagkain at sakto dumating rin si Ashley. Nagpalit pala siya ng damit. Nagpalit siya sa isang “party outfit” na hindi ko alam kung ano ang mga tawag sa damit.

Nakasuot siya ng:

Long sleeves na polo na 1 size mas malaki sa kanya

Naka-short shorts na natatakpan ng polo

Naka-high heels na sa tingin ko ay 3 inches ang taas

Page 24: Una at Huling Tikim

May necklace at magaan na make-up at pulang pula ang kanyang mga labi

Lahat ng mga lalakeng dinaanan niya ay napapalingon at napapatigil sa kwentuhan. Malamang, pagkatapos niyang dumaan sa harapan nila ay hinubaran na siya sa isip o kaya ni-rape na pero sa isip lang din. Pati rin yung mga babae, napapalingon at gusto malaman kung sino yun. Malamang maraming babaeng ma-iinsecure sa nakita lang nila. Sa madaling salita, talbog sila kay Ashley.

Napaka-swerte ko naman yata para makasama ng ganitong kagandang babae. Ang lipstick niya ay ineemphasize ang kanyang maputing mukha at maputi talaga ang kanyang kutis. Ang shorts niya ay talaga ay pinapakita na walang peklat ang kanyang legs at ang polo naman niya ay nagpapakita sa kanyang masiyahin na personalidad. Ngayon lang ako nagkaron ng ganitong pagkakataon na makasama siya at mas kilalanin pa. Gagamitin ko rin to para malaman kung ano/sino ba ako? Bilang isang anak at studyante, ano pa ba ang mga kaya kong gawin at mga kalakasan at kahinaan ko. Magandang pagkakataon to, para makilala ko ang tunay na ako.

“Huy! Okay ka lang?” tanong ni Ashley

“……”

“OKAY KA LANG?” sigaw ni Ashley, sabay batok sa akin.

“Ahhh! Sorry! Oo! Okay lang ako!”

Shit! Malakas ang dating niya. Napatulala nanaman ako.

“Maganda ba suot ko?” tanong ulit niya

Magandang maganda pero masyadong revealing

“Sakto lang!” sabay ngisi

“Hmph! Sakto lang?! Edi panget?”

“O sige! Maganda na!”

“Ayan! Nag order muna ako ng Nachos! Libre ko!”

“Nice! Sana bumili ka na rin ng beer!”

“Hahahaha!”

“Anong nakakatawa?”

“Di kasi ako umiinom ehh…”

Page 25: Una at Huling Tikim

Binuksan niya yung bag niya at may hinahanap

“Siguro ikaw ang lakas mong uminom” patuloy kong sinabi

Naglabas siya ng pakete ng sigarilyo mula sa bag niya

“Gusto mo?” Alok niya sa akin

“No thanks!”

Kumuha siya ng isang stick, sinindihan, humithit at bumuga.

“Gosh! Ngayon na lang ulet ako nakapag-yosi!”

“I was planning to stop naman last two months pero ang hirap ehh”

“bakit hindi ka nag-stop?”

“Iba talaga ang feeling kapag nagssmoke ka. Nakakabawas ng stress”

“Ikaw? Ayaw mong itry?”

“Ayoko talaga ehh. Mas gusto kong uminom kesa magyosi eh”

“Really? One on One tayo ahh! No backing out!”

Anong pinaplano nitong babaeng to?

“sige”

“promise?”

“oo nga! Swear to God!”

“tawagin mo na yung waiter”

Habang ngumunguya ako ng isang piraso sa Nachos ay kinukuha ko ang atensyon ng waiter.

“ano yon Sir?” tinuro ko si Ashley kasi siya yung mag-oorder

“Kuya, pwede isa muna nito? And this for the chaser?”

May binabalak talaga to ehh. Nararamdaman ko

“Sige Maam!”

Umalis na ang waiter para kunin na ang inorder

Page 26: Una at Huling Tikim

“Almost 2 years na yung last time natin nagkita”

“Onga ehh”

“Sooooooo?”

“Anong soooo”

“So nagka-girlfriend ka na?”

Page 27: Una at Huling Tikim

Chapter 5Ano ba tong tinatanong niya? Kinabahan ako bigla ahh. Kahit alam kong sagot sa tanong niya, kinabahan ako bigla.

“uhhhhh… Hindi pa”

“I knew it! HAHAHA”

“Bakit nanaman?”

“Torpe ka pa rin! Like last time!”

Naaalala pa niya yun?

“Kasi nung last time, sobrang shy mo! Parang first time mo lang makakita ng girl!” patuloy niya at tumawa ng malakas

“Hindi na ako nahihiya ngayon ehh”

“Really?”

“Oo naman!”

“Sige nga, I dare you to go to that table and ask that girl in blue kung pwede kang humingi ng beer. Mga at least ¼ sa glass”

Teka teka teka. Pinagtitripan mo ba ako? Sinusubukan mo ba ako? Hahaha! Mukha diyan ka nagkakamali.

Naglakad ako papunta sa mga grupo ng babae na tinuturo niya, habang hawak ko sa isang kamay ang baso at nakasara ang kamao sa kabila.

“uhmmm Miss?”

Habang tinatapik ko siya sa kanang balikat niya.

Lahat sila nagtatawanan at nung dumating ako parang sumama ang tingin nila lahat sa akin.

“Oy Bea!” sabay turo sa akin ng isang babae sa akin

Lumingon ang babaeng tinatapik ko

“Sino ka? Kilala ba kita? What do you need?”

Page 28: Una at Huling Tikim

Lasing na tong babae to. Maliliit na ang kanyang mga mata at amoy alak at yosi ang kanyang hininga.

“ummm pwedeng humingi ng beer? Kahit ontin lang? Mga ganito karami” sa pamamagitan ng mga daliri ko, sinukat ko ang dami ng alak na hihingin ko.

“Yun lang pala ehh!”

Biglang lumapit sa akin yung babae at hinalakan ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya na dumidikit sa katawan ko.

Mahalay ang paraan ng kanyang paghalik. Pilit niyang gustong ipasok yung dila niya sa bibig ko. Frech Kissing ata tawag dun. Ang pinakauna kong halik ay nawala sa isang babaeng lasing sa loob ng bar. Hindi naman siya panget para kalimutan ang pangyayari na ‘to ehh. Parang tumama ako sa lotto at ngayon kinuha ko na ang premyo sa lotto.

Wala na akong nagawa kaya sinabayan ko na rin siya sa trip niya. Hinalikan ko na rin tsaka magkadikit pa rin naman ang mga labi namin ehh. Lasang alak at sigarilyo ang bibig niya. Pero sa mga pagkakataon na to’ wala na akong pake kung anong lasa. Basta ginawa mo na, mabuti pang sulitin na. Hinihila niya yung buhok ko sa likod ng ulo ko at tuloy pa rin ang pag lalabanan ng aming dila sa loob ng mga bibig namin.

Ano ba dapat maramdaman ko sa mga ganitong sitwasyon? Syempre masaya na kinakabahan. Masaya kasi may magandang babaeng humalik lang sa akin at nakipag-French Kiss pa sa akin. Sino bang hindi matutuwa dun? Di ka lang naman matutuwa dun kung panget ang gumawa sayo ehh. Pangalawa kinakabahan ako kasi kung anong mangyari sa akin pag nalaman kong may BF to. Malay mo nagCR lang pala yung BF nito tapos nakita niya sa malayo kung ano yung ginawa ko sa GF nya. Patay. Pero sa tingin ko wala naman tong BF ehh. Mga ayaw pang magka-relasyon. Tila sinusulit muna ang buhay single. Kasi kung magka-BF yan iisa lang ang pwedeng halikan niyan. Kaya mabuti na lang at single ako dahil sakit sa ulo lang yang mga babae pag sinasakal ka na.

Pagkatapos ng halos dalawang minuto tumigil na siya at lumayo na sa akin. Nanghina ang mga tuhod ko, nanghina ang kamay ko, nanghina ang buong katawan ko at pinagpapawisan ang noo.

Tangina totoo ba to?

“Go! Take the bottle with you”

“uhhh. Thanks!”

“Wow! Ang swerte mo naman, ang cute cute ng guy tapos nakipag-FK ka!! Next time ako naman ahh” sabi ng babaeng nakasuot ng Animal print na damit

Page 29: Una at Huling Tikim

“NO WAY!!! Yung next na guy akin yun!” sagot ng babaeng naka-black

Naririnig kong nagtatalo yung mga babae at dahan dahan akong umaatras sa lamesa.Kinuha ko na ang bote ng alak at dinala na to kung saan ako nanggaling. Di ko mapigilaang ngumiti ng abot tenga. Magmukha man akong tanga, wala na akong pake.

“Oh! Ayan na yung bote mo!”

Nilapag ko sa lamesa namin yung bote na may onting laman ng alak

“HAHAHAHAHA!!!”

“Anong nakakatawa?”

“You should have seen the look on your face!”

“Ehh first kiss ko nawala”

“Okay lang yan! Gusto mo mawala ulit?”

Ano daw? Mawala ulit first kiss ko?

“Anong sabi mo?”

“WALA!”

Dumating na yung waiter at may dalang isang bote na parang tubig ang laman at isang pitchel ng four seasons na inumin. May nakatatak na ‘Absolute Vodka’ yung bote, pero di naman ito kalakihan.

“Kuya pwede pabukas?”

Binuksan nung waiter yung ‘Absolute’ na bote at nilagay ito sa dalawang maliliit na baso. Sinu bang gustong uminom ng ganung kaonti. Gago ata gumawa nung ganong baso ahh.

“Gayahin mo na lang ako ahh”

Kinuha niya ang maliit na baso sa isang kamay at yung baso na may laman ng ‘four seasons’ sa kabilang kamay. Ininom niya yung sa maliit na baso at sinunod agad yung isang baso.

“Fuck! “

Yun na lang nasabi niya

“ohhh ikaw naman!”

Page 30: Una at Huling Tikim

Lunok laway.

“Di ko alam talaga kung pano ehh”

“Ganito, inumin mo agad yung Vodka then inumin mo agad yung chaser”

“chaser?”

“yung juice! Gawin mo na lang”

Ininom ko agad yung sa maliit na baso at sobrang pait ng lasa! Sa lahat ng natikman kong inumin, eto yung pinakamapait na natikman ko. Kitang kita sa mukha ko ang pag-panic dahil sobrang pait at may onting luha na lumabas sa mga mata ko.

“Inumin mo na yung chaser!!! Dali!”

Sinunod ko na lang yung sinabi niya at medyo napawi ang mapait na lasa.

“Teka. Isa pa nga. Take Two”

Alam ko na talaga gagawin ko. Pagsasabayin ko na lang yung dalawa. Maiiwan ng sandali yung Alak sa bibig ko at iinumin ko na kasabay ng juice.

Ginawa ko nga yun pero parang nagsisimula nang uminit ahh. Parang nilalagnat ako at naririnig ko nang pumupulso ang aking ulo.

Sampung beses naming ginawa to at nakakapagtaka kasi di naman pala ako yung tipong nalalasing na nawawala sa sarili. Alam ko pa rin kung nasan ako, alam ko pa rin kung sino ang nasa harapan ko at may malay pa rin ako sa mga ginagawa ko. Pero ewan ko lang kay Ashley kasi tawa na lang siya ng tawa mag isa.

”Okay ka lang Ashley?”

“HAHAHAHA!!! Sinong hindi okay?”

Lasing na yata to pero meron pa ring natitirang alak. Walang uubos nito kundi kaming dalawa lang

Nilagyan ko siya sa maliit na baso ng alak at binigyan ng juice. Ininom niya agad nang di nagdadalawang isip.

“Ikaw din! Madaya ka ahh!”

Uminom din ako tulad ng ininom niya.

Page 31: Una at Huling Tikim

Takte! Ang sama talaga ng lasa. Ramdam na ramdam ko na umiinit talaga yung paligid, rinig ko na rinig ko yung pulso ko sa aking ulo. Ginawa naming to ng limang beses.

“Alam mo ba….”

Nanliliit na ang mga mata ko na parang inaantok pero dahil sa sakit ng ulo nawawala ang antok ko.

“Ano?” sabi niya

“Ever since I laid eyes on you, I think I have a big crush on you”

“Really?”

“No joke! Cross my heart and hope to die! I really do have a crush on you”

“What makes you say that?”

“Well, I think I like being with you. I feel comfortable and plus you’re really beautiful”

“I’m not surprised!” sabi niya

“Why?”

“’Cuz when you’re not drunk you get quiet and don’t talk much”

“That’s true” sagot ko

Tinungga niya ang bote

“Can I tell you something?”

“What?”

Page 32: Una at Huling Tikim

Chapter 6“Come closer. It’s a big secret”

Lumapit ako

“Wag mo akong sukahan ahh?” tanong ko

“Fuck You! No!”

“Good!”

Kinuha niya ang kanang tenga ko at inurong ang ulo ko sa direksyon nya.

Tumigil nanaman ang oras.

May magandang babae na nasa harapan ko at hawak niya ang mukha ko ngayon. Nakatingin kaming isa’t isa sa mga mata. Namumula-mula ang mata ko dahil masakit na ito at siya parang naaantok ang mga mata. Nakakagat siya sa kanyang mga labi. Unti-unting gumagalaw ang oras at kinuha niya ang kamay ko at nilagay ito sa kanyang likod sa may bandang waist at siya naman ang lumapit sa akin. Yumakap siya sa akin at may binulong sa tenga ko

“Please don’t leave me”

Di ko alam kung anong gagawin ko sa mga ganitong mga pangyayari. Ang malala pa dito ay sobrang nahihilo ako at masakit na masakit ang ulo ko. Ano kayang ibig sabihin nung mga sinabi na niya yun? Don’t leave me. Wag mo akong iwan. Baka lasing lang talaga siya kaya kung anong anong sinasabi niya. Wag na lang seseryosohin yung mga ganitong bagay.

*CRASH!!!*

May mga nag sisigawan at di alam kung anong gagawin. Tinawag ng isa ang mga waiter at yung iba ay tuloy pa rin sa mga ginagawa nila na parang walang nangyari.

“Sir! May dala po ba kayong kotse?”

“Wala ehh, tumawag ka na lang ng taxi”

Inaalalayan ko na si Ashley dahil nawalan siya ng malay habang nakakapit siya sa akin at hindi ko nagawang hawakan siya ng maigi. Nahulog siya sa lamesa at nabasag ang bote na iniinom namin. Nagpatulong ako sa waiter na alalayin siya habang dinadala namin pababa at papunta sa sakayan ng taxi.

Page 33: Una at Huling Tikim

Inililapag namin ang isang babaeng parang patay na dahil nanlalamig ang kanyang mga kamay at naninigas ang mga paa. Kinumutan ko siya sa pamamagitan ng polo na suot ko at yung iba pa niyang damit na pinangpalit.

“San po tayo sir?” tanong ng driver ng taxi

“di ko pa po alam pero magmaneho ka na lang ng mabagal”

“sige sir ahh! Kaso baka tumaas ang metro nyo.”

“Okay lang”

Teka. Hindi ko alam kung san ‘to nakatira. San ko dadalin to’? Hindi naman pwede sa Sogo Hotel dahil ang mga tao dun ay malilibog at mapagsasamantalahan siya pag dun ko dinala. Tsaka ang mga ginagawa ng mga tao dun ay walang iba kundi mag-sex.

“Ashley! San ka nakatira?”

“…”

Walang sagot

“Ashley!”

“ang ingay mo” yun na lang ang nagawa niyang sabihin

Kay Alex kaya? Pero parang tulog na ata yun ngayon ehh. Tsaka isa pang malibog yun ehh. Kaya hindi pwede. Isang lugar na lang ang pwedeng pwede sa mga ganitong sitwasyon

“ahhh kuya, dun na lang tayo sa may Anonas”

.

..

Page 34: Una at Huling Tikim

….

…..

Sa bahay ko…

Buti na lang tulog na sila. Wala na yung tatay ko sa garahe, hindi na nagtatahi ng mga damit ang nanay ko at wala nang kausap sa telepono ang kapatid ko. Ayos! Kelangan ko na lang binuksan ng tahimik ang gate, buksan ang pinto at wag gumawa ng ingay. Pero san ko siya papatulugin? Kasi kung sa kwarto ko, nandun ang nanay ko at ate ko. Oo! Sa iisang kwarto kami natutulog at ang tatay ko naman sa kabilang kwarto na konektado sa kwarto namin. Kaya hinding hindi talaga siya pwedeng matulog dun. Sa sofa pwede naman kaso, magugulat na lang sila pag gising nila ay may babaeng lasing sa sofa at halos makitaan na ang kaluluwa ang suot. Siguro dito na lang nga sa computer room naming sa ikaunang palapag. May CR pang malapet, kaya pwedeng pwede.

“Kuya dun na lang sa may poste”

“Kelangan mo ba ng tulong dyan sir?”

“ahh oo! Alalayan lang natin siya sa pagbaba”

Ihininto ni kuya driver ang taxi at ang babayaran na metro ay nasa P300. Buti na lang may pera pa akong natitira mula dun sa kanina. Sa mga ganitong pangyayari talaga wala na akong pake sa pera mas importante ang kapakanan ng kaibigan ko kesa sa pera.

Ang bigat naman nito! Kala ko ba magagaan ang mga payat na babae pero iba to. Payat na nga mabigay pa o ba sadyang mahina pa lang ako. Habang inalalabas ko siya sa kotse iniingatan ko na wag tumama ang ulo niya sa semento.

“Sir! Ano bang nangyari dito?” tanong nung driver

Page 35: Una at Huling Tikim

“Lasing na lasing ehh”

“Ang swerte ng babae na yan sayo”

“bakit?”

“yung mga naging pasahero ko noon, dinederetso sa Sogo ehh”

“Sinasamantala noh?”

“Tumpak ka dyan sir!”

“siguro okay na muna siya dito. Salamat sa tulong mo kuya”

Pucha.

Wala akong susi.

Kalma lang Ed, kalma lang. Ganito ang gagawin ko:

Tawag sa telepono sa amin

May sasagot at sasabihin ko na pakibukas ang pinto

I-eexplain ko sa kanila kung bakit may dinala akong babaeng walang malay

Madali lang naman at mula sa awa nila papatuluyin nila ako at hindi itataboy dahil ginawa ko naman yun para talaga sa kapakanan ng kaibigan ko.

Wow. Ang talagang hindi mo na siya magigising. Pero kung titignan mo siya ng maigi at sa kahit anong anggulo ang ganda pa rin niya. Kahit hindi nakaayos ang buhok niya, kahit may mga alikabok ang mukha niya, maganda pa rin. Pero ganito na lang ba ang basehan kung bakit ka nagkakagusto sa isang tao o kaya bakit mo siya crush. Dahil ba to sa kinis ng mukha at kutis? o Sa malaking dibdib? Sa tingin ko hindi naman ganun nangyayari yun ehh. Nakakakita ako ng mga babaeng magaganda pero yung mga boyfriend nila ay kasing gwapo ng talampakan ng kabayo. Seryoso, mga lalakeng hindi mo aasahan na ganun ang magiging girlfriend. Baka bulag ang babae o may diskarte lang yung lalake. Siguro matututunan ko rin kung pano dumiskarte ng ganyan.

*ring* *ring*

Mula dito sa baba rinig na rinig mo ang tunog ng telepono

*ring* *ring*

Page 36: Una at Huling Tikim

Pagkatapos ng halos dalawang minutong pag tatawag

“Hello?”

“Ma! Pabukas yung pinto sa baba”

Ngayon sinisimulan na akong kabahan dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Una may lagpas hating gabi akong umuwi na ang dapat ay mga alas- onse lang. Pangalawa, amoy alak at pangatlo may inuwi akong babaeng walang malay. Di na ako makakalabas ng buhay.

“EEEEDDDD!!! Sino yan!!! San na yung tatay mo at..”

“Ma! Hayaan mo muna akong magpaliwanag”

“Kasi kanina nasa Eastwood kami, oo aaminin ko, nakipag-inuman ako kasama siya at napasobra ang inom niya”

“Ohh bakit siya nandito?”

“Kasi hinimatay siya, siguro ngayon natutulog na at di hindi ko siya magising. Di ko na natanong kung saan siya nakatira para dun dalin”

“ahhhh ganun ba”

“Ma! Wag mo munang sabihin kay Pa. Ako na magpapaliwanag sa kanya”

Dinala namin ng nanay ko si Ashley at inihiga muna dito sa sofa.

“Kukuha lang ako ng mga damit” sabi ng nanay ko

Habang ako dumiretso sa banyo para maligo at para na rin mawala ang mabahon amoy na naghalong alak at pawis.

“Ed! ….” Di ko na naintindihan ang mga sinasabi ng nanay ko

“ano yon?”

Nabibingi na yata ako

Shit.

Dapat ko bang paniwalaan ang mga nakikita ko sa harapan ko ngayon. Baka isang ilusyon lang to. Nananaginip lang ba ako? Tinataksil yata ako ng mga mata ko.

“Sabi ko wag ka munang lumabas kasi papalitan ko ng damit siya” inulit ng nanay ko

Page 37: Una at Huling Tikim

Nanghihina nanaman katawan ko sa mga nakikita ko ngayon.

“ANO BA ED!!!! WAG KANG TUMIGIN DITO!!! SABING WAG MUNA LALABAS EHH!”

Page 38: Una at Huling Tikim

Chapter 7

“Sorry na! di ko narinig”

Sabihin na lang natin ang mga nakita ko ay ang ‘Hubad na Katotohanan’. Masyado nang masakit ang ulo ko para matuwa dito at respeto na rin sa kanya. Di ko kayang pagsamantalahin ang ganitong babae habang walang malay. Kakalimutan ko na lang yung mga nakita ko para hindi ako mahirapan makatulog. Eto ang natutunan ko ngayon. Ang mga nangyari, mga emosyon, mga damdamin na nangyari ng lasing ka ay dapat iwan mo yun sa nakaraan. Siguro pwede pa yung mga nangyari para may maikwento ka pero yung mga emosyon at damdamin ay dapat wag i-take home. Kung masaya ka nung party, masaya ka, pero kung badtrip ka nung party, iwan mo na yun dun.

Makatulog na lang nga sa aking kamang bato na nagiging parang ulap kapag pagod na pagod ang katawan.

Kinaumagahan.

Alas diyes na pala ng umaga. Anong nangyari kagabi? Onga pala tinulungan ko si Ashley.

“Goodmorning Ed!”

Pag-ikot ko sa kanan magkadikit na halos ang mga mukha namin. Parang yung mga sa pelikula. Gigising ang bida ng palabas na katabi ang babaeng pinakaimportante sa kanya. Siguro di pa naman siya ganun kaimportante sa akin kasi di pa kami naganun ka-close at tsaka tinulungan ko lang naman siya sa oras na kelangan niya ng tulong.

Nailang na ako kaya lumayo na ako sa kanya

“Ashley! Bakit nandyan ka? San natulog si Ma?”

“Natulog mommy mo dun sa kwarto ng Dad mo”

“Ibig sabihin magkatabi tayong natulog?!?!”

“Yes!”

“…”

“Don’t worry! Parang baby ka nga matulog ehh”

Page 39: Una at Huling Tikim

“…”

“Tignan mo ang panghi ng bed mo ngayon at bad breath ka”

“ANO!?!”

“Joke lang! Di tayo natulog ng magkatabi noh. Pero kanina pa ako nandito”

“So gising na sila Ma at Pa?”

“oo! Ako na nag-explain sa kanila yung nangyari kagabi”

“ganun ba? Thank you na rin kasi tinulungan mo ako sa problema ko ngayon”

“no worries!”

“Ed!! Gising ka na ba?”

“Babangon na ako Ma!”

“May pagkain na dito! Pasigaw na sinabi sa akin ng nanay ko mula sa kusina

Nakakailang ang sitwasyon ngayon dahil unang beses pa lang ako nagdala ng bahay ng babaeng kaibigan at nakitulog pa dito. Ayokong tignan sa mga mata ang mga magulang ko at lalo na si Ashley sa harapan ng mga magulang ko. Alam kong pagkaalis ni Ashley dito ay papagalitan ako, pagbabawalan ako na magkita ulit kami at papalipatin ng ibang eskwelahan. Eto nga siguro yung mga pagkakataon na lahat ng mga ginagawa natin ay may kapalit. May ginawa kang mali at ginawang tama pero may kapalit na hindi mo magugustuhan. Ihahanda ko na sarili ko sa matinding pagsesermon mula sa aking tatay.

*Flashback*

“Ed, maiiwan ka na lang ba?”

“Oo! Wala rin naman akong bibilin dun ehh”

“O sige! Basta i-lock mo lang yung pinto”

Umalis na ang mga magulang ko at kapatid ko para mag-grocery sa Cubao

Ayos! Walang tao dito sa bahay! Ano kayang pwedeng gawin.

Salpak ipod sa stereo

Page 40: Una at Huling Tikim

Ilagay sa Maximum ang volume

Tanggalin ang short at sando

At maging rakista ng maikling panahon.

“…PLEASE DON’T WALK AWAY AND PLEASE TELL ME YOU’LL STAY…YEAAAAHH…. STAYYY.. WHOOAAAAA… USE ME AS YOU WILL … PULL MY STRINGS JUST FOR A THRILL AND I KNOW I’LL BE OKAY … THOUGH MY SKIES ARE TURNING GRAY….”

Habang tumutugtog ang stereo at nakasuot lamang ng brief dahil matagal ko nang gustong gawin to! Naka-brief lang at kumakanta na pabirit. Wala nang makakapagpigil sa akin. Ako may ari ng bahay na to ngayon! Hahaha! Grabe akalain mo yun! Nakakaantok rin palang bumirit. Itutulog ko muna nga to ng sandali.

*ring* *ring*

*ring* *ring*

*ring* *ring*

Takte! Ang ingay naman! Sino ba yang tumatawag nay an

“Hello?”

“Ed! Buksan mo yung pinto!”

Galit ata tatay ko sa akin.

Shit! Ang tagal ko pala nakatulog. Alam ko darating sila ng mga 5pm pero napatagal tulog ko. Nagising na ako ng 6pm! Pucha! Papatayin ako.

Sumilip ako sa bintana sa kwarto.

May itim na kotse at kotse namin yun

May butas sa salamin sa bintana

Tumakbo na ako para buksan ang pinto at galit na galit sa akin ang tatay ko. ramdam mo sa mga mata niya ang init ng kanyang dugo sa akin. Natulala na lang ako sa mga susunod na pangyayari dahil naglabas siya isang revolver mula sa bulsa niya at tinutok ang dulo nito sa harapan ng kaliwang mata ko.

“magsimula kang tumino at alam mo na ang mangyayari kapag hinila ko to”

Page 41: Una at Huling Tikim

*click*

“NAPAKA-WALANG KWENTA MONG ANAK! PUTANGINA!”

Di na lang ako nakapagsalita

“ALISIN MO YAN SA MUKHA NI ED!”

Sigaw ng nanay ko

“Sabi ko sayo ng wag na wag mong gagawin yan sa anak natin. Kahit kelan hindi mo yun dapat gawin”

Umalis na lang ang tatay ko sa bahay at pumunta kung san

Ang una kong ginawa pagkatapos nun ay dumiretso sa kwarto at inalala kung ano ang nangyari. Habang naririning mo pa rin yung mga salitang W A L A K A N G K W E N T A! Napakasakit lang! at dahil sa sakit na yun biglang may tumulong luha mula sa aking mga mata at sunod sunod na. hanggang sa humagulgol na ako sa kakaiyak. Ito ang unang beses na umiyak ako ng ganitong katanda. Kahit siguro turukan mo ako ng karayom di ako iiyak pero ang sabihan ka ng walang kwenta ng isa sa mga magulang mo ay sobrang sakit.

“Ed! Wag ka na umiyak. Ganun lang talaga yung tatay mo na yun. Maluwag luwag lang talaga turnilyo nun”

“Ma! Gusto kong umalis sa bahay na to!”

“Oo sige. Aalis tayo. San mo gusto pumunta?”

“Kahit san. Basta wag lang dito”

“Punta na lang tayo sa David’s”

Habang papunta kami ng nanay ko sa Timog,dun sa may bilog kung sa yung mga Boy Scouts, sa David’s Teahouse ay pinaguusapan namin kung anong talagang nangyari kanina.

Sinabi ko na nilagay ko ang isang lock kasi matutulog ako at baka may pumasok. Napatagal yung tulog ko kaya hindi ko na nabuksan.

“Alam mo Ed, ganyan lang talaga yan. Mabilis uminit ang ulo sa mga maliliit na bagay. Pero pinakanais ako nung pipapanganak ko na yung ate mo”

“Bakit Ma?”

Page 42: Una at Huling Tikim

“kasi nung sinabi ko sa kanya na manganganak na ako. Sabi niya; ‘pwede bang makapaghintay yan sa umaga?’ nung narinig ko yun sobrang nainis ako”

Simula ng araw na yun, nagtanim na ako ng galit sa tatay ko. Kahit rin pala nanay ko kaya niyang gawin yun. Sarili lang ang kaya nyang isipin at kung makikinabang lang ba siya sa tao na yun ang habol niya.

*End of flashback*

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakikita ko na ang anino ng tatay ko. Nakatayo at nakatiklop ang mga braso.

“Lalabas ba yan?” tanong niya

“Pinapatawag ko na nga ehh” sabi ng nanay ko

Lunok laway.

Pinulot ko ang sarili ko sa kama at kinakabahan sa mga nangyayari

“tara Ed! Tinatawag ka na ohh”

Lumabas na si Ashley sa kwarto

Nagsisimula nang maluha-luha ang mga mata ko.

“ANO BA? DI KA BA LALABAS DYAN?”

“Lalabas na” mahina kong sinagot habang nakaharap sa pinto

Inikot ang door knob

Hinila ang pinto para bumukas

At humakbang palabas.

Nakapikit ang mga mata ko at inaasahang nasa harapan ko ang tatay ko

“Wala naman akong ginagawang masama ehh”

Bumibilis ang pagtibok ng puso

Nanginginig ang mga tuhod

Pasmado ang mga kamay

Page 43: Una at Huling Tikim

Chapter 8“Di ka pa naman kumakain ehh” sabi ng isang lalakeng mababa ang boses

Alam kong tatay ko yun

Binuksan ko ang mga mata ko

Di ko akalain na magiging ganito

Parang lahat ng sama ng loob ay nawala

“Ang tagal kasi ni Ed bumangon ehh!” Sabi ng isang babaeng boses. Sa nanay ko ang boses na to.

Pagkabukas ko ng mga mata ko. Ang una kong nakita ay lahat sila nakatingin sa akin at nakahain sa lamesa ang mga pagkain.

Piniritong Itlog, Itlog na Pula, Hotdog, Bacon, Pancakes, Fried rice, Pandesal at isang pitsel ng Orange Juice. Ngayon na lang ako ulit nakasabay sa magulang ko na kumain ng almusal. Kadalas kasi ay hindi kami sabay sabay. Ako kasi pagkagising ko dumederetso ako agad sa computer. Pag nagutom na lang ako dun ko na lang naiisipang kumain. May mga pagkakataon na iniiwasan ko talagang makasama sa hapag-kainan ang aking tatay dahil sa kanyang ugaling hindi ko maintindihan. Paminsan kasi maraming malabong moments kaya nakakainis sya. Tulad nung dati, magagalit siya sa isang bagay na inaako niya ang responsibilidad. Kung ayaw mo gawin ang isang bagay edi wag mo gawin. O kaya yung pagkakaron niya ng OCD (Obssesive Compulsive Disorder) dahil nauubos ang oras niya kakalaba ng damit at pagpaplantsa ng halos isang oras humigit at mga kung ano ano pang nakakainis. Di ako makapaniwala nakayanan ng nanay ko mabuhay kasama siya. Siguro kasi di na lang umalis yung nanay ko para lang sa amin ng kapatid ko. Maaaring mahal niya kaming magkapatid pero hindi yung tatay ko.

“O kainan na!” inalok ng tatay ko

“Ashley! Kuha ka lang ng gusto mong kainin” Sabi ng nanay ko

Makalipas ang ilang minutong habang kumakain ng almusal.

“Ed, gano ka tagal na kayo ni Ashley?”

*ubo* *ubo*

Nabilaukan ako sa tinanong ng tatay ko. Biglang sumara ang lalamunan ko sa tanong na yun.

Page 44: Una at Huling Tikim

Lahat sila nagtawanan

Di ko na lang pinansin ang tanong at nakatutok ako sa pagkain ko.

Halatang umiiwas kahit wala naman akong dapat iwasan kasi wala naman talagang meron sa aming dalawa ehh.

“Oh Ed, bakit hindi ka makasagot? Hahaha! Pero buti na lang na alam kong hindi bakla ang anak ko”

“Ehh magkaibigan lang naman kami. Yun lang”

Napatingin ako bigla sa kaliwa kung saan katabi ko siya.

“Ma, sa tingin ko bagay sila ni Ed” banat ng Ate ko

Nabilaukan nanaman ulit ako sa tanong nay un

“Magtitimpla ako ng juice”

Dahil naubos ko sa aking nanunuyot na lalamunan.

Tumayo ako at dumiretso sa kusina

“San ka nag aaral Ashley?” tanong ng nanay ko. Mahilig talaga mang-intriga to ehh

“Kung san rin po nag aaral si Ed”

“Ahh! Anong course naman?”

“Uhm, Communication Arts po”

“Bagay na bagay ka dun!!! Baka pag-agawan ka ng channel 2 at channel 7”

“Gano katanda ka na?” Tanong nanaman ng nanay ko

“17 po”

“OH MY GOD!! 17 KA LANG?!?!” halata naming nagulat talaga dun yung ate ko

“opo! Marami pong nagsasabing na mukha na akong 19 pero sa totoo 17 lang po ako. Pero next month na po ako magigng 18”

Napatigil ako sa ginagawa ko sa kusina at napatingin sa kanya

Mga ilang segundo nakatingin ako sa kanya at biglang pumasok sa isip ko kung anong ireregalo ko sa kanya

Page 45: Una at Huling Tikim

“Saan naman nagtatrabaho magulang mo?” tanong naman ng tatay ko

“Ahh nagtatrabaho po sila sa abroad, sa mga Auntie ko po ako nakatira”

“Ahhh. Ano trabaho nila?”

“Di ko po alam kasi bihira ko lang nakakausap.”

Bumalik na ako sa upuan ko at patuloy pa rin sila sa pag iintriga sa amin

Makikita mo na talagang di siya ganun kakomportable na siya ang pinag uusapan

Halos isang oras nila kami iniintriga at buti na lang natapos na

Natapos na rin siyang ayusin yung mga gamit niya

“Tita! Tito! Ate! Mauna na ako! Thank you very much for having me here!”

“No problem! You’re always welcome!” Sabi ng nanay ko

“Balik mo na lang yung clothes ko kapag magkita ulet kayo ni Ed sa school ha” Bilin ng ate ko sa kanya

“Sure! Thanks talaga ate!”

“Oh mag ingat ka ahh!” Sabi naman ng tatay ko

“Ed! Hatid mo na si Ashley!”

“ahhh sige”

Umalis na kami at muling nagpaalam ulit sila kay Ashley

“San ka nakatira?”

“Hmmm? Sa Timog. Alam mo yun?”

“Ahh oo! Malapet lang yun dito. Sakto may jeep dito na isang sakay lang”

Sinamahan ko siyang itawid sa kabilang dulo ng kalsada

Nagpara ng jeep

“Bye Ed! See you next time! Thank you so much for everything!”

“Okay lang yun!”

Ngumiti

Page 46: Una at Huling Tikim

Sumakay sa jeep

Umalis

Wow. Ang daming nangyari sa loob ng dalawang araw. Isa na to sa mga pinakamasayang araw na nangyari sa akin. Pero di ako sigurado kung may gusto ako sa kanya o madali lang akong mahulog sa isang tao pag napakitaan ako na may gusto ang tao na yun sa akin. O baka matindi lang talaga ang crush ko sa kanya. Ang dapat kong gawin talaga ay kilalanin siya ng mabuti. Nabasa ko noon sa internet na mas madaling maging girlfriend mo ang isang babae kung kilala nyo ang isa’t isa ng mabuti at hindi ka nagsasawang kausapin siya. Lahat ng bagay nagpaguusapan nyo. Mga ganung bagay, sana nga magawa ko.

Pero ngayon, kelangan ko nang ikwento kay Alex to habang sariwa pa sa alaala ko.

“Alex! Busy ka ba ngayon? May ikekwento ako!”

“Teka lang ahhh. May pinapagawa pa sa akin. Tawag ka na lang mamaya”

“Sige sige”

At binaba ang telepono

Patuloy pa rin bumabagabag sa isip ko ang mga nangyari. Mukhang panaginip na ginawang pelikula pero ang pinagkaiba lang ay totoong nangyari sa akin. Mahihirapan akong matulog nito mamaya kung patuloy ko pa rin tong iniisip.

Dumating ang Lunes.

“Di ka na tumawag nung sabado ahh”

“Sorry! Naisip ko lang kasi na mas maganda kung ikwento ko ng harap harapan”

“Ohh ano ba yung kwento mo? Di ka na birhen? Magiging tatay ka na?”

“Gago! Hindi! Kasi nung Friday, dinala ako ni Ashley sa Eastwood , Bedroom ang tawag ng lugar at nandun kami sa 2nd floor. May dalawang mangyari, isang mabuti at isang masamai”

“ano yung masaya?”

Page 47: Una at Huling Tikim

“Di ko lang alam kung mabuti to, ginawa ko yung dare nya sa akin na kumuha ako ng beer sa lamesa ng iba, yung sa harapan yung napili niya at nung hihingi ako na ako. Biglang hinalikan ako nung hinihingan ko”

“PUCHA!!! HAHAHAHAHAHA! Anong lasa?”

“Lasang alak at sigarilyo? Parang ganun”

“Tama yan! Binate ka na! May mga kung anu anung nangyayari sa isang totoy para maging ganap na binata. Eto yung isa sa mga nangyayari”

“I agree!”

“Ano naman yung masamang nangyari?”

“Kasi inubos naming yung isang buong bote ng alak. As in hindi beer. Gets?”

“Ahh! Hard drink?”

“Oo, yun ata yung tawag. Nung inubos ni Ashley yung natitira ehh halos 1/8 yun. After ilang seconds bigla na lang siyang lumapit sa akin!!! May malay pa ako sa mga nangyayari at hindi ko nanaman alam kung anong gagawin ko”

“Anong ginawa niya sayo?”

“May binulong lang at yinakap…”

“anong binulong niya?”

“Hindi ko gano naintindihan ehh, malakas yung music sa paligid”

Isang kasinungalingan. Rinig na rinig ko yung mga eksaktong sinabi niya.

“Wow! Ehh anong masama dun?”

“teka lang. Kasi pagkatapos niya gawin yun, bigla na lang siya nawalang ng malay. As in akala ko patay na siya kasi ang lamig ng kamay niya. Kumuha agad ako ng taxi para hatid siya pauwi. Ang problema hindi ko alam kung saan siya dadalin kasi di ko naman alam yung address niya. Edi no choice, sa bahay ko siya dinala”

“FUCK YOU!!!! Totoo yan?”

“Ayaw mong maniwala? Tanong mo pa sa magulang ko at kapatid ko.”

“Nagalit magulang mo sayo?”

Page 48: Una at Huling Tikim

“Hindi. Kasi pinaliwanag ko ng maayos sa kanila at tinulungan pa ako”

“I must say bro, ganap na binate ka na nga. I’m so proud of you”

*RING* *RING* *RING* *RING*

Ang tunog na yun ay ibig sabihin kelangan nang pumasok sa klase

Page 49: Una at Huling Tikim

Chapter 9“Sige! Mauna na ako bro!”

“Ako rin!”

Nag-bro fist muna bago mag kanya kanya na

Monday nga pala ngayon. Biology pala next subject.

Pumasok na ako ng kwarto at buti wala pa ang prof.

“Gene! May nakaupo dito?”

“Wala”

“Yown, dito muna ako”

“Alam mo na ba yung balita?”

“ano yun?”

“Kumuha ng early retirement si Prof. Cortes. Kasi may nagka-Breast Cancer. Ehh ayaw na siguro ng doctor na palalain pa yung condition niya kaya nag early retirement”

“Ahh ganun ba? Sana talaga gumaling siya. Sayang, mataas pa naman magbigay ng grades yun at magaling pa magturo”

“so true”

“So magkakaron tayo ng substitute na prof. ngayon?”

“Oo daw ehh. Ms. Galvez daw yung panglan?”

“Miss? Siguro kakatapos lang mag-MA”

Magulo gulo ang klase ngayon. Yung iba sa likod nag iingay yung sa kabilang dulo nagpapatugtog. Yung iba naman may PDA moment. Basta magulo.

Tumayo na kami ni Gene dahil pumasok na yung substitute na prof pero maingay pa rin ang buong klase.

Napanganga na lang kami ni Gene sa mga nakita naming.Di mo akalain na isang professor pala siya. Maliit lang siya at akala mong kasing edad mo lang. Nakatali ang kanyang buhok at nakasalamin. Mukha siyang mahinhin at isang book worm pero yung maganda siya. Parang bata

Page 50: Una at Huling Tikim

talaga at nung nilagpasan niya kami may iniwan siyang amoy na nakakapagpakiliti sa tyan mo. Mukha na akong tanga dito dahil nakangiti ako mag isa. Parang isang patikim kung ano ang langit.

“uhmm is this room 203?”

“Yes ma’am!” sabi ni Gene

Pinakilala niya yung sarili niya sa harapan

“Class! I will be substituting for Professor Cortes”

Wala. Maingay pa rin ang klase at magulo

“GUYS! SHUT UP!” sigaw ni Gene para tumahimik ang klase

“Thank you!” sabi niya kay Gene

Naging epektibo nga dahil lahat sila nagsibalikan sa mga upuan nila

“Like what I said earlier, I will be substituting Professor Cortes and my name is…”

Sinulat niya sa white board ang pangalan niya.

Wow.

Prof. Jasey Galvez

Ang ganda ng pangalan niya.

“I’m Professor Jasey Galvez and I just graduated from the University of Philippines and currently taking my MA here.”

“Ma’am!”

“Yes?”

“How old are you?” Tanong nung kupal

“Well, that’s a secret”

At nagtawanan ang lahat.

“Okay then, The topic for today is the different species of Invertabae Species…” pagpatuloy niya

Wow. Mas ginaganahan na akong pumasok ngayon. Kumpleto nanaman araw ko. Mahirap magconcentrate sa lagay ko ngayon. Nakakranas ako ang tinatawag nilang 'Raging Hormones'.

Page 51: Una at Huling Tikim

Parehas kami ni Gene ang nararanasan. Saktong sakto itong lugar namin dahil lahat ng anggulo nya ay kitang kita namin. Sa buong oras na pakikinig sa kanya ay nakanganga na lamang kami. Buti na lang nangyayari 'to kundi mapagkakamalan akong bakla.

Natapos rin ang klase niya nang wala akong naiintindihan. Nasayang ang isa't kalahating oras ng mataas na kalidad ng edukasyon ngayon dahil sa nagtuturo. Pero sulit na sulit at busog na busog ang mga mata namin.

"Gene, labas nga muna tayo. Init dito eh"

"Tara bro! Pinagpapawisan na talaga ako dahil sa prof. Na yan"

Lumabas muna kami sa building at lumabas sa campus. Pinuntahan namin ang lugar kung san maraming upuan at maraming halaman. Onti lang ang mga tao dito at puro mga couples pa.

"Gusto mo?" alok sa akin ni Gene. Isang stick ng sigarilyo na galing sa isang kaha na may nakasulat na 'Menthol'

"Sorry bro, di talaga ako nagyoyosi eh"

"okay""Shit talaga bro, di ako makapaniwala sa sub kanina"

"sobrang nag iinit talaga ang katawan ko dahil lang dun"

"biruin mo, lahat ng curves sa kanya perfect at sobrang bonus pa yung ganda niya"

"magandang katawan + magandang mukha = Perfect 10"

"I agree! Gusto ko nang i-mmmmm" may kasamang aksyon na pelvic-thrust at nakapikit ang mga mata

"Gago! Hahahaha! Hanggang imagine na pang ako sa kanya"

Lahat ng lalake, bata o matanda, maitim o maputi, matalino o tanga, may kakayahabg hubaran ang isang babae sa pamamagitan ng kanilang isip. Mga sampung segundo lang kayang kayang gawin ng lalake yun. Kaya kelangan talagang mag ingat ang mga babae sa mga ganitong lalake na hirap i-control ang imahinasyon at baka magawa pa nila sa totoong buhay yun.

Page 52: Una at Huling Tikim

"tara balik na tayo"

"tapusin ko lang to"

Binilisan niya ang paghithit ng sigarilyo at tinapon ang upos ng sigarilyo sa kanal

"tara, parang uulan na ehh"

Bumalik na kami sa kwarto at saktong may prof. Bakit?!?! Bakit sa lahat ng prof. Eto pa ang nasakto. Napakaboring nito. Takte.

Sunod sunod ang mga boring na prof sa aming mga subjects. Walang excitement tulad ng kaninang 1st subject. At sa wakas natapos na rin ang araw na to. Napakalakas ng ulan. Sana wag masira tong payong ko na halos tatlong-daan ang binayad ko. Sana wag naman yung mala-Ondoy na ulan at baha.

Kulog kulog kulog

Kahit nakapayong na ako nababasa pa rin ang bag ko at sapatos ko sa ulalim ng paying. Shit. Ganun na pala ako kataba.

Habang naglalakad ako sa ulan papunta sa sakayan. Nakikita mo lahat ng mga taong nagtatakbuhan para makapaghanap ng masisilungan. Huminto nanaman ang oras. May nakita ang mga mata ko. Sa dami ng taong nakita ko sya pa ang namatahan ko.

Si Ashley.

Nasa 'waiting shed' sya at wala siyang payong at mukhang nagmamadali siya base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Tingin sya ng tingin sa relo tila nagmamadali, kinakabahan at di mapakali. Di nag iisip, bigla ko na lang siyang nilapitan.

"Ashley!"

"oh Ed!"

Page 53: Una at Huling Tikim

Chapter 10"pauwi ka na ba?"

" oo! Ehh wala akong payong tapos kelangan ko nang makauwi. My dad's gonna kill me!"

"gusto mo sabay ka na sa akin?"

"ehh di tayo magkakasya sa payong"

"kasi mataba ako?"

"oy ikaw na nagsabi nyan"

At sabay kaming nagtawanan

"oh tara na nga, sabay ka na sa akin, samahan na lang kita hanggang sa sakayan"

"sige na nga"

Habang naglalakad kasama sya sa ilalim ng isang payong, nakahawak siya sa braso ko na pinangdadala ko ng payong at mabagal ang bilis ng paglakad namin. Nagmimistulang couple kami ngayon. Ngayon lang.

Mahigpit ang hawak niya sa braso ko at nararamdaman mo yung haba ng kanyang kuko.

"Ay shet! Sorry! Masakit ba?"

Tuwing nadadaan kami sa medyo mataas taas ang baha. Mas lalong humihigpit ang kanyang hawak sa aking braso.

"Uy ang lambot!"

"Wag! Shit wag talaga! Alam ko yang binabalak mo"

“Anong wag? Hahaha”

Page 54: Una at Huling Tikim

Pinisil niya ng sobrang sakit at kinurot ng sobrang sakit. Sa tingin ko may sugat na o kaya pasa. Baka nga natanggal pa yung balat ehh.

"AAAAAAAAAHHHHH!!! shit ang sakit!!"

"sorry! Nanggigil lang ako bigla" sabay nginitian niya ako at nailang na lang ako sa pagtingin niya.

Pagkatapos nun nanahimik na kami at naghahanap ng masasakyan niya. Kahit nababasa na yung kalahti ng katawan ko at lamig na lamig. Ayus lang sa akin,basta mapayungan ko lang sya. Dumating kami sa harapan ng malapad na kalsada at abot tuhod na ang baha.

"san ka nga pala nakatira?"

"sa may Fairview ehh”

“Ahhhh! Isang sakay ka lang pala dito ehh”

“Yeah! And I really need to go home na!”

Grabe napakaraming nakasakay ngayon. As in bumuhos lang ang ulan, naging ganito na. Maraming sumasabit sa jeep, pati na rin mga studyante. Wala na talagang pake kung mabasa sa ulan basta makauwi lang ehh. Sana wag muna syang umalis. Kahit ganito lang masaya na ako.

“Ed! I just remembered something”

“Ano yun?”

“Can you still remember the day when we first met?”

Naalala niya pa yun?

“Medyo”

Sinungaling! Simula nung nangyari yun, hindi na naalis sa isip ko. Malinaw na malinaw pa rin yung sa alaala ko parang nangyari lang kahapon.

“God! Napaka-torpe mo nun! As in you look really pale!”

“Gusto mo malaman kung bakit?”

“Bakit?”

Page 55: Una at Huling Tikim

Ano ba? Sasabihin ko ba yung totoong dahilan kung bakit? Para talagang mapatunayan ko na hindi talaga ako torpe o kaya magsinungaling nanaman para itago sa sarili ko ang tunay na pagkatao ko. Kasi kung sabihin ko yung totoo na: “Kasi may crush ako sayo, sobrang kinakabahan ako”, edi sobrang maiilang sya sa akin at baka masaktan lang ako sa mga susunod na sasabihin niya pagkatapos niyang malaman yun. Kapag sinabi kong: “Kasi may sakit ako nun ehh”, masyado ko naman tinatago sarili ko sa kanya na tipong magkakilala lang kami. Syempre gusto ko pa siyang makilala. Pero yung pagsabi ng crush mo ang isang tao sa tao na yun ay parang sugal talaga. Hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo. Kung matalo man ako, kelangan ko na lang na tanggapin ang pagkatalo na yun. Kung manalo man ako, matutuwa ako pero di ko alam ang premyo ko. Nagsusugal nang hindi alam ang premyo, yan ang naglalaro sa isipan ko ngayon. Ayon sa mga naririnig kong kwento ni Alex, sabi niya ang babae hindi nagpapakita ng motibo o kaya hindi nagsasabi na crush ka hangga’t may gawin ka para sabihin niya yun. Kahit rin daw na sabihin mong crush mo siya hindi niya agad agad sasabihin to sayo. Siguro hindi pa sapat ang nararamdaman ko sa kanya para sabihin na crush ko siya. Siguro nagandahan lang ako sa kanya at kelangan ko talaga siyang kilalanin pa. At sa desisyon ko na yun, magsisinungaling ako. Pang iwas sa sakit na madadama sa mga susunod na sasabihin niya. Dun muna ako sa ‘Safe Side’.

“Kasi…”

Ano sasabihin ko na ba talaga? Magsusugal ba ako? Isusugal ko ba tong pagkakataon na to. Alam kong marami pang ganitong pangyayari. Sana.

“Kasi?”

Kahit ganitong kasimpleng bagay nagagawang pasakipin ang dibdib ko dahil sa kaba at takot. Takot san? Takot na baka magkailangan kami sa isa’t isa o kaya kung pano niya tatanggapin ang mga sinabi ko kung positibo ba o negatibo.

“Kasi may sakit ako nun ehh”

Ayan nasabi ko na. Malamang walang mangyayari sa akin ngayon kasi hindi sapat ito para makapaggawa ng isang pangyayari sa buhay. Kelangan kong isugal ang mga gusto ko para may mangyari sa buhay ko.

“Ohhh,So that’s why you were acting weird”

“Yeah! Sorry if I did something weird back then”

“It’s okay! Past is past! Hahaha”

Page 56: Una at Huling Tikim

Di naming namamalayan huminto na pala ang ulan at umaraw na at nagkatraffic na pala. Ilang segundo lang ang lumipas pero parang isang oras na tinagal nun.

“Ayun! Maluwag luwag dun oh!”

Kinuha ko ang atensyon ng driver ng FX at pinara ito. Kung sana lang pwede siyang samahan pauwi. Lagi ko nang ginawa. Balang araw. Mapupunta rin tayo dyan.

“Sige Ed! Bye! Ingat!”

“Bye!!! Mag ingat ka ahh!”

Binayaran niya ako ng matamis na ngiti at sinuklian ko rin siya ng ngiti. Sa sandaling mga panahon na yun ay parang nawala yung torpe ko. Parang kapag kasama ko sya nawawala lahat ng hiya na nararamdaman ko. Pero may onting kaba pa rin dahil sa mga salitang binibitawan niya. Di ko kasi alam kung pano ba mag isip ang mga babae o kung anong mga gusto nila, unpredictable ika-nga.

Nakarating na rin ako sa bahay at dumiretso agad sa computer.

Sa Chat.

Edrick – “ Alex!”

Alex – “Bakit?”

Edrick – “Ehh tatanong ko lang sana kung pano ba ako magugustuhan ng isang babae?”

Alex – “Tae, may pinopormahan ka noh? Si Ashley ba? Hahahaha”

Edrick – “Takte! Hindi naman! Bigyan mo lang ako ng tips”

Alex – “Seryoso bro, simula nung nagkakasama kayo ng madalas ni Ashley, parang di ka na naiilang sumama sa babae. Parang nagsisimula ka nang magbago”

Edrick – “Siguro kung magbabago man ako. Para sa akin na lang yun”

Alex – “I agree bro!”

Alex – “Teka may nahanap na ako kanina ehh. Hanapin ko lang ulit”

Edrick – “Sige sige”

Pagkatapos ng dalawang minuto

Page 57: Una at Huling Tikim

Alex – “Eto tignan mo to; http://fs-shuvit.tumblr.com/post/8897757440/my-three-basis-of-attraction-by-fs-shuvit”

Edrick – “Ahh sige sige! Basahin ko na muna”

Ang nasa loob ng link:

“My three basis of attraction” by fs-shuvit

I shouldn’t force myself to be attracted to a person. Maybe being friends really is enough and there are so many girls to choose from. I mean, really, there are a lot. I just eliminate the least attractive for me and leave the most. So attraction starts with the eyes, the brain and heart which for me are the three basis of attraction.

- Sexually Stimulating- Mentally Stimulating- Emotionally Stimulating

1. Our eyes are capable of judging and rating body of the opposite sex. This not stimulating in a sense that when you see her BOOM! You pop out a boner. No. This means your body reacts when you see her. Your body scent changes, sweat and oil glands being active, heart rate speeding up, having a flushed faced and stuff like that. The worst case is popping a boner which only means that you’re looking for sex. So her physical appearance triggers our testosterone and thus being attracted at first sight. Her cup- size a C or D? More or less a C or B would be fine. Does she have a fair white skin? Yes. Should her nose be pointed? Yes. Her waist line is between 23 - 27? Somewhat a 24 would be okay. Does she have twinkling eyes? Yes. Well, there you go. Society dictates that someone who is sexually stimulating is a woman who is very pleasant to see.

Remember, somehow who is pleasant to see. I mean, who would go out with a woman who’s more untidy than you? Girls or should i say Women, should know how to “bring” themselves. Flashing your too much skin in the public will get you noticed, like having a big “PLEASE FUCK ME HARD!!!” sign. Then, when a guy approaches the girl, she’ll totally turn him down because she doesn’t do fucks during the first meets. Dressing up like having that sign and not doing it. What the fuck. Women really are hard to predict. So maybe she could show some skin but not too much.

Also, she doesn’t have to be pale white, she can be tanned, a mixture of white and brown. As long as she’s fairer than me. If I like her face then probably or most of the time i would like her body too. It’s okay to have a beautiful face, rather have a beautiful body ONLY. That’s a damn

Page 58: Una at Huling Tikim

nightmare! Hot body + ugly face. Even if a do 10 shots of the hardest drink, she’s still ugly. Putting on little makeup is fine with me, not the “Joker” like makeup. Unless if it’s Halloween.

It doesn’t matter how long her hair should be as long as it fits her style, no big deal.

The body size? Damn. Ranging skinny to chubby, ONLY. Beyond those two ends is not my type. Only my eyes can determine what I see. Her may be pointed. I seldom see women who possess this. I don’t know why. Lastly, her bust size? Well i must accept the fact that someone who is small in height and in body size has a small chest someone who’s big would larger chest size. In fact i like someone who has larger chest size but i would get distracted and she might see me looking at it. So somewhere in the middle, not too big and not too small.

I have been thinking this for a long time. There are somewhat, combinations of attraction because attraction happens a first stage and develops. The only problem is you can only pick 2 as your asset. 1st Is your main asset, 2nd is your back up asset and the last one is your flaw.

Looks-attitude-money or attitude-looks-moneySo people will have the initiative to talk to you if you look good. If you don’t look good, people will stay away from you. Women would be attracted to you if you a good-looking. These kinds of people somehow possess looks and attitude but they don’t have money. People will recognize you as a beautiful being who came down to from the heavens or you are a magnet that attracts women around you and making their heads turn. Women would be attracted to you as a person who is okay to be with at the same time you’re pleasing to their eyes but the problem is, you’re broke as a beggar.

Attitude-Money-Looks or money-attitude-looksPeople can see your actions and the find it to be good. Also people around you have fun because of which you are and what you do. Someone might be attracted to what you do and who you are and not what you look like. People like you because of your sense of humour, probably. You can also reinforce you main assets using money, like in a party. You approach a woman in a bar. You buy her a drink to distract her from your looks and work yourself through your humorous stories and go straight for the kill.

Money-looks-attitude or Looks-money-attitudeNow this is the worst! Your Genuine Douche. You have lots of money. That’s it! Most people will think that you’re arrogant and an asshole to some. You meet someone at the bar; you offer her to your car and get laid. Women are attracted to this kind of people if the women too are like them. Materialistic people, when the money is gone and the looks had worn off, the attraction also fades.

Page 59: Una at Huling Tikim

So for me, the Looks-attitude-money and attitude-money-looks are the two combinations for me. I’ll just have to rate people on where they belong. Stereotyping? No. It’s evaluating.

So basically looks play a major or minor role in attraction depending on the person. Well, too much beauty can lead to unwanted competencies.

2. Someone who is mentally stimulating is a person who you can learn from. At least she knows something that i don’t know and i know stuff that she doesn’t know. So basically we learn from each other. I love learning but having a quiz or testing on what I’ve learned is a big no for me. She doesn’t have to be Einstein smart but she has to push my learning button ON. Learning is sometimes not read through books, articles or newspapers; it is also sharing experiences or giving out opinions. Thus, truly stimulating one’s mind and the “learning” wouldn’t stop.

The mental stimulation, for me, should trigger my interest but knowledge has no boundaries and being able to learn is beyond our “comfort zone”. So in short, she shouldn’t bore me. I won’t bore her either. There should be open-mindedness between us as a sign of being mature individuals in terms of talking about sensitive topics or topics that are really awkward to talk about.

3. There must be a bond or connection when we do things together. She values the friendship rather than the benefits she’ll gain through the friendship. Not the sexual benefit but the new experiences or memories we share together. Having a close bond with each other is something I’ll treasure the most. So someone who can understand me is fine and being everyone’s girls.

I barely get to experience the last one; emotionally stimulating. Most likely it would end in the 1st one because of the countless barriers between. There are lots of guys aiming for that girl, so i don’t want to join in the journey to victory. If someone is in the 2nd part, they would get stuck there and there only. Again, because of unwanted competencies, I decided to end it in the 2nd stimulus and stayed as being a friend. Just friends. One day, the 3rd stimuli will be fulfilled and be truly attracted to HER. Someone who possess the three and develop it in something big.

A Sexually Stimulating person is someone who looks good from your own perception

A Mentally Stimulating person is someone who doesn’t need to be a nerd, that person must trigger your brain

Page 60: Una at Huling Tikim

An Emotionally Stimulating person is someone who can “capture your heart” through what she does.

Be attracted using your Eyes, Mind and Heart

Wow! Yun lang talaga. Sa tingin ko saktong sakto tong nabasa ko. Kelangan maging kaakit-akit ako sa mga mata nila, dapat hindi boring at may pinagsamahan. Kasi medyo tama nga naman na kaya crush ng isang babae ang lalake dahil sa kanyang kagwapuhan. Siguro yun na muna ang pagkakaabalahan ko. Kasi pano nga naman ako kakausapin ng mga babae kung hindi ako kanais nais na kausapin. Baka mapagkamalan pa akong magnanakaw.

Simulan ko muna sa ngiti, tignan natin kung ayos ba o ano. Marami rin akong pwedeng pagpilian ehh.A. Ngiting walang ngipin pero kita mataB. Ngiting walang ngipin at maliit ang mataC. Ngiting kita ang ngipin at mataD. Ngiting kita ang ngipin pero maliit an mata

Yung unang dalawa mukha lang akong tanga at mas lumalapad mukha ko. Di pwede, di pwede. Sa tingin ko yung C. At D. ang okay, kasi maayos naman ngipin ko dahil naayos naman to ng pinasuot ako ng braces nung elementary pa lang ako. Lahat mga litrato ko nakasimangot o kaya mukhang badtrip. Maiba naman. Ipapaalam ko sa buong mundo: “Ako si Edrick at nais kong magdala ng saya sa inyo!” pag nakita ang litrato ko.

Nagmumukha na akong tanga dahil ngumingiti ako mag isa dito at nakikita ata ako ng nanay ko. Di ko pa nagawang mag intay ng oras ng pagligo para gawin to at wala talagang makakakita sa akin kundi ako. Pagmakita ulit kami, talagang gagamtin ko ang kapangyarihan ng isang ngiti. Wala nang hiya hiya, bawal na maging torpe sa panahon ngayon. Kung gusto kong may mangyaring bago sa buhay ko, kelangan sigurong simulan sa katorpehan ko o sa sobrang pagiging mahiyain ko. Pero syempre may mga limitasyon pa rin yung mga gagawin ko. Limitado ako sa hindi nakakabastos o hindi nakakasakit ng damdamin, yung mga gagawin ko o kaya mga sasabihin.

Kinabuksan.

Inaya ko si Ashley na makipagkita ngayon. Naalala nyo yung mga sinasabi ng mga tao sa inyo dati na ‘Hindi nag babago agad ang isang tao ng overnight’. Sa totoo lang kayang kaya naman

Page 61: Una at Huling Tikim

ehh, biglain mo na lang sarili mo at magugulat ka hindi totoo yung mga sinasabi nila na yun. Kung gusto mo talagang magbago, magbago ka agad. Hindi na kelangan ng magdalawang-isip sa mga ganitong pagkakataon. Para sa akin, ngayon hindi na ako magiging torpe.

Pagkatapos ng klase, tinawagan ko siya at kampanteng kampante ang boses ko. Walang pagdududa sa mga gagawin.

“Hi Ashley! Kita tayo sa Mcdo!”

“Sure ka?”

“Oo! Kita lang tayo”

“O sige, I’ll meet you there na lang”

Dumiretso na ako sa Mcdo tulad ng sinabi niya at naglalakad talaga ako ng tuwid at parang may pupuntahang ‘meeting’. Parang gusto ko tong pagbabago na to ahh. Wala akong nararamdamang takot at kaba.

“Goodevening Sir!”

“Uhhmm Miss, isang coke float, chicken fillet sandwich at medium fries”

“Yung lang sir?”

“Yes”

“109 pesos po lahat sir”

“Eto” at inabot ko ang bayad ko

Naghanap ng lamesa at upuan at umupo. Parang minamadali ko mga ginagawa ko ngayon ahh. Sana magustuhan niya yung bagong ako na nangyari ng overnight. Dumating si Ashley at ang dami niyang dala. Nakabackpack na siya pero may mga bitbit pang bag. Di na ako nagdalawang-isip at dumiretso sa kanya at tinulungan siya sa mga dinadala niyang gamit.

“Thanks Ed!”

“No prob!”

“Gosh! Parang lalayas na ako sa bahay sa dami ng dala!”

“Onga eh, buong bahay mo na ata nandyan”

Page 62: Una at Huling Tikim

“Kasi may ginawa kaming two video projects! As in one bag for each projects”

“Sobrang nakaka-stress yan! So right now, chill ka muna”

“You’re right! I should relax a bit”

“Diba? Sige papanget ka kapag stressed out ka. Tignan mo bangs mo oh, nagugulo na”

“Shit! Ganun na ba ako kahaggard?”

“Hindi ah”

Kahit haggard ka maganda ka para sa akin.

Kung nasabi ko lang yun, ano kaya mangyayari? Subukan ko nga.

“Maganda ka parin kahit ganyan ka” tinuloy ko pero mahina at pabulong

“Ano?”

Page 63: Una at Huling Tikim

Chapter 11“Hindi, wala wala”

“May sinabi ka ehh”

“Wala, kinakausap ko nanaman sarili ko”

“Pag hindi mo sinabi, hindi kita kakausapin”

Sabihin ko na nga

“Fine! Sasabihin ko na”

“Makikinig na lang ako”

Lumapit pa sya lalo sa akin at gusto talaga marinig

Nawala bigla ang sinasabi kong pagbabago sa sarili ko. Nawala ang kampante sa buong katawan ko. Bumalik ang torpe. Bumalik ang mahiyain.

“Kasi maganda ka parin kahit haggard ka” pabulong kong sinabi sa kanya at ngumiti siya.

Mukhang nawala talaga lahat ng mga pinagpagagawa ko sa bahay kahapon. Yung pagpili ng tamang ngiti, nabalewala lahat sa isang ngiti niya. Mahirap tumingin sa mga mata niya ngayon pagkatapos sabihin yun. Di ko na magawang magsalita pagkatapos nun. Tama lang tong ginagawa ko. May matututunan rin ako dito sa ginawa ko. Sinubukan kong magsalita pero tuyong tuyo lang ang bibig ko dahil sayo.

“Uy! Kelangan ko na pala umuwi, medyo late na ehh”

“Tulungan na kita dalin yung iba mong gamit”

“Thank you so much Ed!”

Binigay ko na ang mga gamit niya, sumakay at umalis na. Ako rin sumakay na ako pauwi para lang makapagpahinga na. Parang mali yata na sinabi ko yun sa kanya. Parang nailang siya lalo sa akin o baka parte lang to ng pagbabago ng gusto kong matamo. Pati yung tingin sa akin ng mga tao nagbababgo. Baka nga bahagi ito nun.

Mag isa nanaman ulit ako uuwi. Walang kahawak na kamay habang naglalakad. Walang nakahawak sa braso ko kung magkatabi kami. Walang nagpapalitan ng matatamis na ngiti. Isa

Page 64: Una at Huling Tikim

lang ibig sabihin nito. Mabubuhay kang mag isa at mamamatay ka ring mag isa. Walang sasama sa atin sa kamatayan natin. Siguro nandito tayo para mabuhay, magiging masaya, magiging malungkot at mamamatay rin.

Ganadong ganado ako pumasok ngayong araw dahil kilala ko kung sino ang magtuturo sa amin sa first period. Si Ms. Galvez. Nakapwesto kami ulit ni Gene tulad nung sa Lunes. Di ko masisisi yung mga ganitong ginagawa namin. Sisihin ang Testosterone.

“Ed! Ayan na! papasok na si Maam”

“Kelangan swabe ang bati natin ahh”

Pumasok nga ang tinutukoy naming guro at kahit anong gawin mo walang kupas ang kanyang ganda. Maganda siya kapag tiningnan mo sa harap, likod, gilid , kabilang gilid at pataas.

“Ano kaya tuturo ni maam ngayon?” tanong ko kay Gene

“Ewan basta ako gusto ko makinig sa kanya. Kaya wag kang magulo”

“Ulul! Nakatingin ka lang sa kanya pero hindi ka nakikinig! Hahahahaha!”

Pagkatapos ng halos isa’t kalahating oras kaming nakatulala sa kanya ni Gene. Patuloy pa rin kami magiging ganito kung hindi kami binatukan nung mga nasa likuran naming dalawa. Pero nagmumukha na talaga kaming manyak kasi yung mga tingin namin sa kanya parang hinuhubaran na siya.

“Gene, siguro wag na natin gawin yung kay Maam”

“Yung alin?”

“Yung titigan siya ng parang nakikita natin yung likod ng damit niya”

“Sige, medyo nahihiya ako para sa kanya ehh. Wala na ngang nakikinig sa kanya tapos tayo, hindi pa makikinig. Next time talaga makinig na tayo”

Sawakas natapos na rin tong araw na ‘to at inaya ako ni Ashley na makipagkita ngayon sa kanya. Sabi daw niya may papakilala siya sa akin. Sana wag naman yung magulang niya. Pero sa tingin ko kaibigan lang naman niya ito. Pumunta ako sa sinabi niyang lugar kung san kami magkita at umupo muna sa mga batuhan upuan. Makalipas ang ilang minuto dumating na si Ashley at may kasama. Isang babae. Wow lang talaga. di ako makapaniwala may dalawang magagandang babae sa harapan ko ngayon. Yung isa madalas kong nakakasama at yung isa kaibigan niya.

“Ed! Bestfriend ko nga pala, si Amber!”

Page 65: Una at Huling Tikim

“Hi Ed! Ang dami nang kinekwento sa akin si Ashley tungkol sayo”

“Anong marami? Isa lang noh”

“…”

Natulala nanaman ako. Kasi yung ‘bestfriend’ niya di naman kasing ganda niya pero maganda pa rin. Yung buhok abot balikat lang, mas matangkad ng onti sa kanya, medyo maitim ng onti sa kanya, maliliit ang mga mata, at naka-suot ng braces. Pag ngumingiti siya, nagiging singkit ang kanyang mga maliliit na mata at lumalabas ang dimples niya.

“Yung Ashley! Okay lang ba yung friend mo? Baka mamaya patay na yan. Patay na patay sayo!”

“Gaga to!”

At nagsitawanan ang dalawang naggagandahan mga babae.

"okay ka na Ed? Nakabalik ka na sa lupa?" sabi ni Ashley

"ang tagal ko palang nag zone out"

"oo! As in akala namin zombie ka na! Hahaha!" sabi ni amber

"wait lang guys! I'll go to the bathroom"

Umalis si Ashley at biglang lumapit si Amber.

"Birthday ni Ashley next week, sama ka sa pagprepare ng surprise namin sa kanya"

"oh? Sige sama ako, update mo na lang ako, kung may mga papabili kayo sabihin nyo lang sa akin"

"kunin ko na number mo para matext kita. Next week saturday yun ahh. Don't forget it! Papatayin talaga kita pag hindi ka tumulong!"

Kinurot niya ng sobrang higpet ang braso ko. Talagang binaon niya yung kuko niya at hinila para lang manigurado.

“ARAAAAAAAAY!!! OO! Tutulong talaga ako!”

“Good!”

Page 66: Una at Huling Tikim

“Ano balak nyong gawin sa birthday nya?”

“Later na lang. Tatawagan kita para mas madaling iexplain”

“Guys! Uwi na tayo?”

“Sabay na tayo Ashley!” sabi ni Amber

“Bye Ed!” sabi nung dalawa

“Bye! Mag-ingat kayo!”

Ano kayang pwedeng iregalo kay Ashley? Siguro matutulugan rin ako dito ni Amber. Pero gusto ko naman yung regalo ko yung pinakamagugustuhan niya. Gawin ko na rin to para kahit papano may chance ako sa kanya. Kahit sabihin nating hindi pa ako in love sa kanya at least ipapakita ko na lang sa regalo ko na may gusto ako sa kanya. Si Amber lang ang makakatulong sa akin sa kanya.

*ring* *ring* *ring*

“Hello?”

“Ed! Si Amber to!”

“Amber! Ano yung plano nyo sa birthday ni Ashley?”

Page 67: Una at Huling Tikim

Chapter 12“Kasi ganito, sa weekend pupunta ako ng mall. Bibili ako ng mga stuff, mga pang decorate sa room, samahan mo na lang ako maghanap.”

“Sure! Maghahanap na rin ako ng gift para sa kanya ehh”

“Yon! Kita tayo sa Trinoma? Kung wala kang mahanap na gift dun, lipat tayo sa SM”

“Sige! Kita kita na lang sa Saturday! Bye!”

“Bye! Don’t forget ahh! Trinoma. Saturday. Mga 1pm”

“Oo! Hindi ko malilimutan yan”

“Bye!”

Binuksan ko ang aking computer at ang tinatawag nilang Facebook. Hinanap ko dito kung ano bang meron kay Amber. Hanapin ko na lang sa friends ni Ashley, tutal magkaibigan naman sila ehh. Hmmmm ang buong pangalan pala niya ay Amber Marasigan. Ma-add nga siya. Pwedeng pwede tignan yung mga nakaraang litrato na ginamit nya para sa Profile Picture.

*click*

Marami siyang litrato at mga nasa 60 at lagpas kalahati puro half body pics at yung natitira may kasama siya o kaya naka-zoom sa mukha nya. Cute nga siya kung tutuusin. Parang isang High School lang yung itsura nya pero matangkad. Halos maabutan niya nga ako sa tangkad niya ehh.

*click*

Magkasama si Ashley at Amber sa iisang litrato. Syempre mas maputi si Ashley kumpara kay Amber pero parehas silang maganda at cute. Sa tingin ko mas loka si Amber kesa kay Ashley. Pero si Ashley mas mahinhin naman kesa sa kanya. Parehas ko na yata silang crush kasi parehas silang nakuha ang atensyon ko.

*click*

Yung pinakaunang litrato ni Amber simula nung gumamet siya ng Facebook. Kahit medyo malabo makikita mo pa rin yung linaw ng kanyang ngiti. Pero pag nakikita ko ng yung mga litrato niya pataas onti onti siya nagbabago. Yung suot niya paikli ng paikli. Hanggang naging shorts na lang ang suot niya at naka sleeveless.

Page 68: Una at Huling Tikim

*click*

Mahilig siguro siya mag-party. Yung ibang litrato niya mauusok at maraming tao sa likuran. May mga bote rin ng alak sa lamesa at medyo namumula mula yung kanyang mukha. Pero sana ngayon nagbago na siya. Sige i-add ko na siya, wala naman masama kung i-add mo siya ehh. Nakikipagkaibigan ka lang naman ako sa kanya eh.

Di na ako makapaghintay ng sabado. Ewan ko ba kung excited ako na maghanap at bilan ng regalo si Ashley o dahil buong araw ko makakasama si Amber. Sa tingin ko parehas, naging kumportable na yata ako kasama ang mga babae ngayon, di tulad dati na hanggang tingin na lang ako sa kanila. Ngayon may onting kaba pa rin pero kahit papano nakakausap ko sila ng maayos. Siguro torpe pa rin ako pero yung hindi masabi yung nararamdaman. Isa pa yung hindi ako basta basta nakakapag isip ng kwento sa mga babae. Baka kasi hindi ito makabuluhan para sa kanila. Sa sabado kikilalanin ko na lang muna siya pero pagkatapos nun, ano na? Wala, tatahimik nanaman ulit ako, kahit gusto ko baguhin sarili ko, mahirap rin palang gawin yun. Sa wakas dumating na rin ang Sabado. Di ko na kelangan magpaporma, magpapasama lang naman siya at hindi ito counted na isang Date.

"Punta ka sa Starbucks sa 2nd floor" text ni Amber sa akin

Ayun nga nandun nga siya. Nakasuot siya ng shorts na lagpas ng onti sa tuhod, sneakers, longsleeves na checkered at may dalang backpack. Maganda siya pumorma kahit may onti pagtomboy. Di naman nabawasan ang pagka-cute niya, sa totoo lang nakadagdag pa nga eh. Samantalang ako, naka suot ng cargo shorts, vans na low cut, green na shirt at black na cap.

"Tara Ed! Simple lang naman yung surprise namin sa kanya. Lahat ng mga close friends niya invited at may kainana lang bahay niya pero dapat nandun na tayo sa bahay niya bago siya dumating para maayos na yung mga decorations."

"Pano ako makakatulong sa inyo?"

"ikaw na yung magdadala ng cake, kasi diba kami yung makakasama niya buong araw so kelangan ikaw talaga. Okay lang?"

"okay na okay lang sa akin"

"Today maghanap tayo ng mga decorations at ngayon ikaw ang PA ko. hahahaha!"

"wala na ako magagawa, nandito na ako ehh. Tsaka para kay Ashley naman"

"onga pala. anong gift mo kay Ashley?"

Page 69: Una at Huling Tikim

"sa totoo lang, wala pa akong naiisip. Ano ba yung mga gusto niya?"

"hmmm okay lang naman sa kanya basta useful at tsaka magugutuhan niya yun kapag nakita niyang pinaghirapan talaga"

"may naisip na ako pero secret na lang yun"

"andaya naman nito! Siguraduhin mo magugustuhan niya ahh"

"basta ako na bahala"

"so ngayon, mag order tayo nung cake, medyo short ako sa pera para sa cake, so kung okay lang sayo yung half"

"okay lang"

Nakarating kami sa pinakamalapit na Red Ribbon at dun alam kong masasarap talaga ang cakes. Pero masakit nga sa bulsa an presyo.

"anong cake yung bibilin natin?"

"yung dark chocolate caramel mousse"

"tangina! Seryoso! 650 yung buong cake?

"sige na! Hati lang naman tayo ehh"

"o sige na nga basta para kay Ashley"

"yes! Uy ikaw ahh! Crush mo si Ashley noh"

Oo At ikaw

"di ahh!"

"tayong dalawa lang naman makakaalam ehh"

"..."

"Promise! Di ko sasabihin sa kanya"

"sasabihin mo ehh"

"Promise talaga! Di ko nga sasabihin."

Page 70: Una at Huling Tikim

"oo"

"oo ano?"

"oo. Crush ko si Ashley"

"hahahaha! Kaya mo yan, gusto mo tulungan kita sa kanya?"

Ang hirap nang tumingin sa mga mata niya. Tsaka wala naman masama pag malaman ng isang tao na crush mo siya ehh. Pwede nating sabihin ang isang crush ay matinding paghanga sa isang tao dahil sa itsura niya o sa mga ginagawa niya. Para sa akin, si Ashley ay meron nung dalawang nun. Maganda siya at mabait siya.

"tig-325 tayo, tsaka ikaw na rin magtago ng resibo"

"sige"

Pagkatapos ng halos tatlo at kalahating oras ng paglalakad, nakarating kami sa bawat palapag ng Trinoma, SM North, The Block at SM Annex. Nakabili naman siya ng mga kailangan niya pero nagtagal talaga kami sa paghahanap ng regalo sa kanya at pero ako wala pa ring nahanap. Kasalukuyan nakabalik kami ng Trinoma at nasa garden kami sa 4th floor. Kahit hindi kami gano nagkausap o nakilala ang isa't isa kahit papano nakukuha ko ang tiwala niya.

"Ed! Dito na ako, bye! Sa Friday kunin mo na yung cake ah! Gugulpihin talaga kita kung pag hindi mo ginawa"

"oo! Magiisip pa ako ng pwedeng iregalo"

"basta sa friday ah! Sige! Bye!"

"bye!"

Kinakubakasan

“Amber! Anong favourite color ni Ashley?” tanong ko sa text

“Red. Kahit anong red”

“Ganun ba. Sige salamat”

Nagpaalam muna ako sa magulang ko na pupunta ako sa isang lugar pero hindi ko sinabi kung saan. Ang sinabi ko lang may bibilin lang ako para sa birthday ng kaibigan ko at binigyan nila ako

Page 71: Una at Huling Tikim

ng tatlong-daang piso. Naisipan ko na kung ano ang ireregalo ko. Buti na lang may maliit na kahon sa di naman nila ginagamit at pwede ko rin tong gamitin para sa regalo ko.

Dumating na ako sa Dangwa, isang lugar kung san nagbebenta raw sila ng murang bulaklak kumpara sa mga mall. Parang palengke pero puro mga bulaklak ang mga binebenta. Sari-saring bulaklak ang mga binenbenta nila dito. Kaya ang bango ng paligid. Marami rin kotseng nakaparada dito at mga kargador na ang buhat ay mga bulaklak na para sa burol, yung iba mga bouquet at yung iba mga berdeng halaman.

“Ate meron po kayong binebentang rose petals. As in yun lang po, yung mismong petals”

“Ay iho, wala kaming ganun dito”

“Sige salamat po”

Nagtanong ako sa kabilang nagtitinda

“Ate, Meron kayong binebentang rose petals?”

“Wala iho, san mo ba gagamitin?”

“Kasi po yung ireregalo ko sa kaibigan ko, gusto ko ibalot sa Rose petals”

“Hahaha! Magandang idea yun ahh. Pasensya na talaga ahh, kung bibilin mo yung petals kasama na dapat yung stem”

“Mga magkano po isang piraso?”

“Para sayo iho gagawin ko na lang sampung piso isa”

Teka di ko pa alam kung ilan ang gagamitin ko ehh. Maliit lang naman yung kahon na pwede mong paglagyan ng isang maliit na stuffed toy. Sabihin natin sa isang side ng kahon apat ang magagamit kong rosas. So 4 times 6 equals 24, 24 roses times 10 pesos equals 240 lahat ang magagastos ko. gagawin ko nga pala yung panglan niya na nakasulat gamit ang mga rosas. Natatakpan ng rose petals ang labas ng kahon, ang nasa loob naman ay hanggan ngayon palaisipan parin sa akin.

"sa tingin nyo po, anong magandang ilagay dun sa loob?"

"depende, ano ba intensyon ng regalo mo?"

"intensyon?"

Page 72: Una at Huling Tikim

Chapter 13"nako iho! Yan ang pinakaimportante. Ang intensyon ba ng regalo mo ay panliligaw? Pagpapahalaga ng relasyon nyo? Pagpapakita ng salamat? O paunmanhin?"

"ahhh. Sa akin kasi, yung intensyon ay gusto ko ipadama ang nararamdaman ko pero hindi pa ako handa manligaw. Gusto ko lang parating sa kanya na gusto ko siya."

Para sa ngayon gusto ko lang pakita sa kanya ng crush ko siya at gusto ko siya pero ayoko pa siyang ligawan. Yung stage na bago manligaw. Tsaka gusto ko tatatak ako sa isip nya. Kapag nakakita siya ng roses, ako kaagad ang maaalala niya.

"sa tingin ko iho, bigyan mo na lan sya ng tsokolate. Alam mo naman kaming mga babae, gustong gusto ang mga matatamis na bagay. Hihihi"

"tama nga ho siguro kayo, tsokolate na lang lagay ko sa loob"

"ipadama mo na sa regalo mo ang Valentine's Day"

"hahaha! Sige po. Siguro kukuha po ako ng 24 na rosas"

"maibibigay ko sayo yan ng 240 pesos"

"sige okay na po yun! Tsaka bibili rin po ako ng 12 na white roses"

“Bale ganun lang din yung presyo pero 360 pesos lahat”

“Maraming salamat mo Ate”

"salamat rin sayo iho! Balitaan mo ako kung kayo na ahh. Hihihi"

Umalis na ako sa lugar na yun at bitbit ko sa isang braso ko ang 24 na rosas. Nakakailang kasi maraming nakatingin sa akin. Mapa-lalake man o babae at may nagtanong sa akin na isang bata.

"Kuya Kuya! Malayo pa Valentine's Day ahh. Bakit ang dami mong flowers?"

Napangiti na lang ako dun. Parang may nililigawan nga ako sa dami ng dala ko. Pati yung nanay ng bata napangiti na lang din.

"kasi araw araw gagawin kong Valentine's Day"

Natawa na lang yung nanay nung bata at bumaba na ako sa jeep.

Page 73: Una at Huling Tikim

Ay pucha napakatanga ko. Pano ko to ipapasok sa loob ng bahay. Malamang iintrigahin ako ng magulang ko tungkol dito. Imposible na umalis sila ng bahay ngayon kasi Linggo at lahat sila nasa bahay. Di ko agad naisip yun ahh. Ang una nilang tatanungin ay kung para kanino yung mga bitbit kong bulaklak. Iisipin nila may nililigawan na ako. Wala naman masama dun pero yung ayoko lang ay sinasabihan ako na: “Ang bata mo pa tapos nanliligaw ka na. Magtapos ka muna ng pag aaral” yung mga ganung usapan. Ayoko lang talaga marinig yung ganung usapan.

Nasa harapan na ako ng gate ng bahay namin. Maingat ko tong binuksan nang hindi makagawa ng malakas na tunog. Salamat sa Diyos at hindi sila sumilip ngayon sa bintana kasi pag gumagawa ng tunog ang gate naming kadalasan tumitingin sila mula sa bintana kung sino ba yung nagbukas.

Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto ng bahay at umiiwas talaga sa kahit anong klaseng tunog. Teka, eto nanaman ulet ang problema ko.

Wala nanaman ulit akong susi.

Pucha.

Lagi na lang ganito

Lahat naaalala ko, yung cellphone ko, wallet ko, pera sa wallet, panyo at mp3 player pero susi hindi ko magawang dalin. Takte nakakainis. Bahala na

“Ma! Pabukas yung pinto!” sigaw mo mula ground floor

Naririnig ko na ang tapak ng nanay ko na pababa sa hagdan.

Binuksan ang pinto

Shit

“Ohh Ed! Para kanino yan? Malayo pa birthday ng mama mo”

Tatay ko nagbukas

“Ahh kasi pinapatago lang sa akin to”

“Hahaha! Luma na yang palusot na yan. Ma! Tignan mo tong dinala ni Ed”

Shit nanaman

Page 74: Una at Huling Tikim

Sige sasabihin ko na lang kung para kanino talaga to at kung anong gagawin ko. At least alam nila na may ginagawa ko lahat ng bagay ayon sa mga desisyon ko at hindi sa iba. Hahayaan ko ang sarili ko ang humarap sa kahit anong problema. Parte na rin to ng pagtatanda. Nagiging mas responsable.

“Ed! Ang sweet mo naman!”

“Ma, Pa, Etong dala ko ngayon may gagawin ako para sa birthday ng kaibigan ko”

“teka lalake ba yan o babae?” tanong ng tatay ko

“Pa! Malamang babae”

“Kasi ngayong week yung birthday nya at yung roses ipangtatakip ko sa regalo”

“Yun lang ba? O sige, tutulungan na kita” Sabi ng nanay ko

Di ko akalaing makakakuha ako ng suporta mula sa nanay ko. Parang wala lang sa kanila, hindi man lang sila nagulat o ano.

“San yung tatakpan natin?”

“Nandun sa kwarto, may maliit na box. Yung box na yun gusto ko sana naka-cover ng petals. Kasi sabi nung kaibigan niya favourite color daw niya, red”

“Ahh magmumukha siyang box na gawa sa roses. Magandang idea yun ah”

“tapos bumili ako ng mga white para ilagay yung name naman niya pero gugupitin muna natin yung name niya sa papel tapos ididikit na lang yung white petals. Pagkatapos nun ididikit sa cover or sa harapan”

“Wow! Ed, I’m sure matutuwa yung pagbibigyan mo nito. Pero anong pangalan nung pagbibigyan mo?”

“Ashley”

“Ashley? Yung babae na kasama mo nung isang gabi na walang malay?”

“Siya nga yun Ma”

“Di ko akalain na nililigawan mo siya”

“Anu ba yan Ma!”

“Hihihi Joke lang yun Ed pero crush mo siya?”

Page 75: Una at Huling Tikim

Ang hirap sagutin yung tanong niya. Ngayon lang ako nakapag-open up ng ganito sa nanay ko.

“Oo na Ma, crush ko siya kaya ngayong birthday niya, gusto ko lang magbigay ng special sa kanya. Okay?”

“Sige Ed! Tulungan na talaga kita. Para sa crush mo! Hihihi”

Pagkatapos ng halos dalawang oras ng paggupit at pagdikit natapos na yung regalo ko. Mukha nga talagang kahon na gawa sa mga roses at yung pangalan nya magandang nakasulat.

Dumating na rin ang Biyernes ang araw ng pagtutuos. Ang araw kung san pangalawang beses kong makakasama sa labas si Ashley at unang beses si Amber. Gumising pa ako ng mas maaga kumpara sa dati. Kelangan kong paghandaan ng mabuti ang araw na to. Bawat kilos at salita dapat swabe, walang mintis. Nakatanggap ako ng text kahapon kay Amber na nagpapaalala na ngayon ko na kukunin yung cake sa Trinoma, dadaanan ko yung regalo ko sa bahay na iniwan ko sa loob ng ref namin ng ilang araw para lang wag malanta agad ang mga petals at nakabili na rin ako ng tsokolate at nakalagay sa loob para di mapagkamalang pasalubong at baka makain. So handa na ako sumabak sa giyera ngayon, handa na ang mga armas ko.

Pinakiusapan ni Amber na daanan ko siya sa Gateway at sabay na kami pumunta dun. Buti na lang wala yung huling prof namin kaya maaga ako makakaalis at magagawa yung plano agad. 12PM na at kelangan ko nang umalis.

1PM - nakarating na ako sa Trinoma at nagmadaling pumunta sa Red Ribbon para kunin ang cake. Di na akong nagdalawang isip at kumuha ako ng taxi papunta sa amin para kunin ang regalo ko.

1:45PM - Pinahintay ko muna ang taxi sa harap ng bahay ko. Kumuha agad ako ng malaking supot at dito nilagay ang kahon na may lamang tsokolate sa loob. Pumapatak ang metro.

2:30PM - naging mabilis naman ang biyahe kasi iniwasan ni kuya yung ruta ng jeep at nakaratin agad ng Gateway. Sabi ni Amber kakasimula pa lang na pinapanuod nila Ashley kaya marami pang oras. Agad kong nahanap si Amber na nakatayo sa harapan ng Araneta. Mula dito ang metro ko umabot sa P300 at binayaran ko na. Si Ambe na yung magbabayad nung papunta kela Ashley.

"mukha okay naman lahat noh?" tanong ko kay Amber

"oo naman! Wala pang nahahalata si Ashley except yung hindi ko pagsama sa kanila sa movie"

"okay lang yun"

Page 76: Una at Huling Tikim

"yeah"

Nagkaron ng ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita ulit

"Ed"

"bakit?"

"gusto mo ba si Ashley?"

Mga tanong na kahit sino hirap sagutin.

"uhh panong gusto?"

"gusto as in gusto mong maging girlfriend"

Page 77: Una at Huling Tikim

Chapter 14Bakit? Bakit ito ang mga tanong mo? Bakit hindi mo na lang tanungin kung naniniwala ako na may Diyos? Bakit eto pa? Kaya ko pa sagutin yun pero eto hindi ko agad masasagot.

"sorry kung natanong ko"

"napag isip isip ko rin ehh. Oo gusto ko siya maging girlfriend ko pero hindi pa"

"bakit?"

"ehh gusto ko munang madevelop yung friendship namin bago ko planuhin kung pano sya ligawan. Marami kasi akong nababalitaang mga relationship na ilang months or weeks lang tinatagal. Ehh ako naman ayoko mangyaro yun"

"wow. Kung maging boyfriend ka ni Ashley, napakaswerte niya. Magnet kasi ako sa mga gago ehh. Yung mga lalakeng paglalaruan ako. Yun yung mga lumalapit sa akin and unforuantely mabilis ako ma-in love mga ganun"

"bakit?"

"kapag naging sweet lang sila sa akin na-ffall na ako sa kanila. Eventually makikipagbreak sila. Hanggang ngayon hindi ko na mabilang kung ilan na naging BF ko or ilang beses na akong nakipaghalikan sa iba't ibang guy"

Nagsisimulang mag iba ang tono ng boses niya. Parang iiyak siya dahil sa mga sinasabi niya. Mukha namang pinagsisisihan na niya yung mga nagawa niya na yun.

"tapos alam mo ba, i lost my virginity when i was still in high school..." pagpatuloy niya

May mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Di niya na mapigilang umiyak at tuluyan na siyang humagulgol. Siguro yung sakit na naramdaman niya, lahat bumabalik at naalalala. Parang sugat na binuksan ulit.

"Napakagago ko nung High School. Wala akong kwenta!"

"Amber, tama na..."

Inalok ko sa kanya ang panyo ko para punasan niya ang mga luha niya. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya. Naligaw siya ng landas at ngayon tinutuwid niya ito.

"thanks Ed!"

Page 78: Una at Huling Tikim

4:30 - nakatulog pala kami at ginising na lang ng driver. Nakasandal siya ang ulo niya sa balikat ko at nakayakap sa akin. Di ko kayang ipaliwanag kung pano to nangyari. Hindi ko alam kung saan to pero siguro alam to ni Amber.

"Amber!"

Buti naman agad siyang nagising pero namumula mata niya dahil sa paghagulgol niya kanina.

"sige kuya dito na lang kami" tapos inalok niya ang bayad. Umabot sa P325 ang metro.

Bumaba na kami ng taxi at kumuha ng tricycle. Sinabi niya kung saan kami ibababa. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin yung mga sinasabi niya. Mas mabuting wag na lang i-open up yun sa kanya, tanga lang gagawa nun. Di pa rin nagbabago tingin ko sa kanya dun sa mga sinabi niya. Para sa akin, ang mahalaga pinagsisihan niyang gawin yun at gusto niyang magbago at dahil dun mas lalo ko siyang naging crush. Iwanan na kung anong nangyari nung nakaraan kasi ang mahalaga kung anong meron ngayon.

4:46PM -nakarating kami sa isang bahay na dalawang palapag at malaki ang gate. Kulay puti ang pintura ng bahay at mataas ang bakod. Nag-doorbell si Amber at sumalubong sa amin ang isang babae mestiza. Ang nanay ni Ashley.

"Hi Amber! Siguro eto yung friend ni Ashley na tumulong sa kanya noon. Anong name mo iho?"

"Edrick po pero Ed na lang tawag nyo sakin"

"alam mo Ed, napakaswerte ni Ashley na may kaibigan siyang tulad mo"

"ahh salamat po"

"Tita! Ilalagay na po natin yung decorations! Para sa surprise natin kay Ashley!"

" ayy onga pala iha, dali dali pasok kayo"

Kakaiba ang loob ng bahay nila. Parang 'out of this world' ang mga nasa loob. Di pangkaraniwan ang mga design ng mga imahe at iba iba ang pattern ng wallpaper. Masarap tignan ng matagal ang mga dingding at kisame.

5:00PM - siguro papunta na sila dito at may mga nagsisimulang nagpuntahan ngayon sa bahay niya. Hindi ko na sila kilala, ang kilala ko na pang dito si Amber at Ashley. Nakakaintimidate at nakakainis ang kanilang pagsasalita dahil English na may halong kaartehan. Pero di ko na gano binigyan ng pansin yun, si Ashley lang naman pinunta ko dito. Siya nga lang ba? Oo, pati Amber.

Page 79: Una at Huling Tikim

"Ed, kelangan ka daw ni Amber. Nagpapatulong"

Pumasok ako sa isang kwarto, kung san sinabi ng nanay ni Ashley na nandun si Amber. Isang kwarto na may mahabang lamesa at may mga lalagyan ng pagkain na bakal. Yung tulad sa mga catering, siguro wala pa yung mga pagkain. May apat na bilog na lamesa na may tig-lilimang upuan na may puting table cloth. Natagpuan ko si Amber sa bandang sulok ng kwarto at nasa taas ng hagdan, may inaabot.

"Ed! Di ko maabot!"

"ano ba yun?"

"yung ilaw, hindi pant..."

Nahulog siya mula sa hagdan at buti na lang malapit ako sa kanya. Nasalo ko naman siya pero naibaba ko siya ng medyo mabilis sa sahig dahil nabigla ako sa bigat niya na hindi papala kaya ng katawan ko. Pero bago pa magawa yun nahawakan ko agad yung likod ng ulo niya. Okay nang madaganan tong kamay ko kesa naman tumama sa sahig yung ulo niya. Napakalapit namin sa isa't isa. Ramdam ko sa mukha ko kung gano kabigay ang kanyang paghinga. Tinignan ko siya ng deretso sa mata, tinignan niya rin ako. Walang umaalis sa amin patitinginan. Kinuha niya yung isa ko pang kamay at hinawakan to ng mahigpit.

Mabagal kong nilapit ang ulo ko papunta sa kanya. Parang iiyak ulit siya dahil namamasa nanaman ang mga mata niya at ipinikit.

Mabagal din niyang nilapit ang kanyang mukha papunta sa akin. Umiinit ang batok at ang buong leeg ko hanggang sa mapunta sa mukha ko. Napakainit na.

Ilang segundo na lang at ilang inches ay magdidikit ang mga labi namin. Nararamdaman ko na ang init ng kanyang labi nang biglang...

*Slap*

Page 80: Una at Huling Tikim

Chapter 15Di ko napansin may mga tao na pala sa loob ng kwarto. Lahat nandun, mga kaibigan ni Ashley, magulang niya, kapatid niya, mga kamag-anak, mga katulong, mga tao

sa Catering at pati si Ashley nandun. Sobrang panget na ng tingin sa akin ng mga tao sa loob ng kwarto na to. Masakit ang kaliwang pisngi ko at ang mga mata ni Amber na mamasa masa ay napalitan ng nagbabagang apoy.

"Ano ba?!?! Wag mo akong hawakan!!!"

Kinuha ako ng tatay niya at sinampal sa kabilang pisngi. Di ko na alam ang mga nangyayari. Wala ako sa mundo ngayo kaya kahit ano gawin ay sabihin nila sa akin di ko agad to magkakaepekto sa akin. Intinayo ako ng dalawang lalake, siguro tito niya to at pinsan. Yung isa sinuntok ako sa tyan at yung isa ganun din ang ginawa. Sobrang sakit nga pero wala akong magawa para pumalag.

"Ano?!? Uulitin mo pa ba yon?!"

"ipatawag mo nga yung tanod" utos ng tatay ni Ashley

Nagkamalay na ulet ako at tinignan ko si Ashley at Amber. Di ko alam kung kanino ako unang hihingi ng tawad.

"Dad! Wag na! Hayaan muna natin magexplain siya"

"Dali! Magpaliwanag ka na ngayon!"

"kasi... nahulog si Amber at sinalo ko siya"

"totoo ba to Amber?"

"hindi! Balak pa nga ako hubaran ehh"

"Sinungaling!!!" yun na lang nasigaw ko

Pero sa punto na to ako ang nagmumukhang may kasalana kasi lalaki ako. Nagmumukha ako talaga ang may kasalanan kasi lalaki ako. Kahit anong anggulo ang tignan ako talaga magmumukhang may sala. Sarado isip nila kasi nahubulag sila sa mga nakikita ng mata nila at hindi na kayang mabuksan ulit.

Page 81: Una at Huling Tikim

Kinaladkad ako ng tatay at tito niya palabas ng bahay.

"kung tigang na tigang ka na, pumunta ka sa Q. Ave! Marami dun"

At ihinagis ako ng dalawa patungo sa kalsada. Wala na akong pake sa mga sinasabi nila, natatakot lang ako kung anong iisipin sa akin ni Ashley ngayon. Ang babaeng gusto ko, ang babaeng gusto kong ligawan balang araw. Mawawala dahil sa maling akala.

*ring* *ring* *ring* *ring*

sinagot ko ang cellphone ko, si Ashley tumawag.

"Ed, sorry talaga sa mga nagawa ng dad at tito ko"

"alam mo, dapat ako yung magsorry na gumawa ng ganung eksena"

"ano ba talaga nangyari?"

"kasi pinatawag ako ng mommy mo na pumunta daw dun sa room, kelangan daw ni Amber yung tulong ko. Tapos inaayos nya yung ilaw, bigla siyang nahulog sa hagdan, ehh sinalo ko naman siya. Di ko inaasahan yung bigat niya kaya pati ako nasama sa pagbagsak. Naniniwala ka ba sa mga sinasabi ko?"

"oo. Naniniwala ako. Pero sila hindi"

"thanks. May isang bagay na hindi ko manintindihan kun bakit. Kasi yun nga, mukhang may gagawin ako kay Amber kasi hawak ko ulo niya, iniiwasan ko lang naman tumama yun sa floor tapos bigla na lang niya akong sinampal. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ginawa yun"

"sige, mamaya tatanungin si Amber kung anong side niya"

"Sorry talaga Ashley! Happy birthday na lang, yung gift ko sayo. Petals na ginawang box."

"Thanks! Sorry talaga"

"okay lang, bye!"

Umalis na ako sa tapat ng bahay niya. Kaso ang problema hindi ko alam kung pano makaalis dito. Mapunta lang ako sa Commonwealth alam ko na kung pano makauwi.

10PM- ligaw ba ligaw na ako at hindi magandang idea na bumalik sa bahay nila Ashley. Akala ko nung una, hahalikan na ako ni Amber. Bakit ganun? Parang naglaro ak ng Dota at binenta ako ng mga kaibigan ko sa mga kalaban. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Tinulungan ko siya para lang magawa tong surprise kay Ashley. Binasag niya ang tiwala ko sa

Page 82: Una at Huling Tikim

kanya at isang sinungaling pa. Di nya inamin na ginusto niyang yun. Nakita lang nyang may mga tao na sa kwarto at sinampal ako para lang magmukhang ako ang may kasalanan. Pag nagawan ko ng paraan ang nangyari kanina hindi to mangyayari sa akin. Palaboy-laboy na ako dito sa lugar na tinatawag nilang Fairview. Buti na lang may bench dito at magpapalipas ng gabi. Totoo nga ang kaligayahan nakasalalay sayo at hindi sa iba. Ikaw lang makakapagsabi kung ano ang makakapagpaligaya sayo. Hindi mo kelangan umasa sa ibang tao. Buti nakahanap ako ng bench na pwedeng pagpahingahan.

"Ed..."

Napakadilim

"Ed..."

May mga naririnig ako tapak papunta sa direksyon ko

"Ed..."

Palakas ng palakas ang boses

"Ed..."

Sa malayo pa lang may anino nang palapit sa akin may onting ilaw na nanggagaling sa direksyon ng boses

"Ed..."

Hugis tao ito at pamilyar ang hugis

"Ed..."

Ilang metro na lang mapupuntahan na ako ng anino. Hindi ko alam kung kelangan kong matakot o hindi. Tatakbo o hindi.

"Ed..."

Nasa harapan ko na ang taong nagtatago sa anino pero sa lapit na to hindi ko makita kung sino. Basta ang ginawa ng nagtatago sa anino ay kinuha ang kamay ko at hinila pa paalis kung san ako nakatayo. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa dating paaralan ko noong Elementary at nasa isang kwarto. Maliwanag ang kinang ng buwan at kitang kita an mga nasa loob nito. May nagbukas ng pinto at dumiretso patungo sa akin. Yung anino kanina. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang leeg ko.

"Ed... Isa lang"

Page 83: Una at Huling Tikim

Hinala niya papalapit sa kanya ang leeg ko. Dama ko ang init ng kanyang katawan at amoy ng hininga nya. Pinosisyon niya ang sarili niya sa liwanag ng buwan para ipakita ang mukha ng taong nagtatago sa dilim. Ngayon ko lang napansin na wala pala akong suot na damit at pati yung nakahawak sa aking leeg. Kilala ko kung sino to. Si Ms. Galvez.

Ipinikit ko na ang mga mata ko para saluhin ang kanyang labi sa pamamagitan ng aking labi. Walang makakapigil sa akin kundi ang sarili ko. Pero biglang lumiwanag ang paligid at nagtapuan ko ang sarili ko sa isang mataas na gusali. Sa baba makikita mo ang itatlong basketball court, may mga naglalaro. Nasa dati kong eskwelahan pa rin ako. Pero di pala ako nag iisa dito. Si Ms. Galvez nandito rin pero parehas na kamin may damit.

"Sundan mo kung san ako pupunta"

"Maam! Huminahon kayo. Di nyo kelangan gawin to"

Papalapit siya ng papalapit sa dulo.

"Sumunod ka sa akin, parehas tayong liligaya!!! Hahaha!"

Naabutan ko sita at hawak hawak ko sa kamay para hindi na magtangkang tumalon.

"Pero kung gusto mo ikaw na lang"

Nakawala siya sa hawak ko at sabay tinulak pababa

Mabilis ang pagbaba

Wala na akong oras

Mabilis

Ilang segundo na lang

Paalam.

*SPLAT*

"Ed! Okay ka lang?!?!"

Page 84: Una at Huling Tikim

Chapter 16Umaga na pala at nasa harapan ko si Ashley at ang alaga niyang aso. Nagmukha na akong skwater sa kundisyon ko ngayon. Natulog sa may kalsada, di naligo, madumi na ang suot at may butas na ang isang parte ng damit ko. Siguro kasi nung inihagis ako palabas.

"Oo okay lang ako. Masakit lang ulo ko"

"Sana tinawagan mo na lang ako para natulungan kita makauwi. Baka kasi kung anong mangyari pa sayo dito"

Kitang kita sa mga mata nya ang pag aalala.

"ehh diba galit sa akin magulang mo?"

"hindi, sinabi ko sakanila yung side mo..."

"ehh si Amber? Wala ako ginagawang masama dun tapos gaganunin nya ako"

"isa pa yun. Sinabi ko sa kanya na magsorry siya sayo eh, ayaw lang niyang i-admit na mali siya"

"wala na akong tiwala sa babae na yun"

Naglakad kami at naglakad at naglakad.

"may idea ka ba kung bakit ginawa yun ni Amber?"

"wala pa ehh. Pero siguro she was just protecting herself? Ata"

"bakit? Kelan ako naging threat? Ikaw, do you consider me as a threat?"

"no! Diba kasi recently lang kayo nagkakilala. Last week lang ata tapos di pa nya siguro alam na may mga guys pa na tulad mo"

"huh? Di ko gets?"

"kasi maraming naging BF si Amber tapos lahat yun pinaglaruan lang feelings niya. One guy after the other. Tulad nitong guy na nakilala niya from Ateneo, 1 month lan sila nagkakilala tapos naging sila. After ilang weeks nagbreak din sila dahil dun na-trauma siya. Mabilis kasi siyang ma-fall"

Page 85: Una at Huling Tikim

"ahhh, kaya pala ganun yung naging reaksyon niya. Ako din pala may mali."

"Pero si Amber din may mali kasi exxagerated kasi reaction nya. Kaya pati parents ko nagulat. Sorry talaga Ed! Sorry talaga sa mga nangyari! Babawi ako sayo!"

"talaga?"

Kahit malungkot na mukha ang nakapinta ngayon. Sa isipan naman ay abot tenga ang ngiti.

“okay na siguro na iwan na kita dito? Kasi pag nilakad mo na lang yan sa Commonwealth ka na”

“Sige okay na ako dito! Thanks Ashley!”

“Sorry talaga sa mga nangyari Ed! Promise babawi ako sayo”

Kinuha niya kamay ko at hinawakan niya to. Kinuha niya yung pinky ko at nilagay ‘to sa pinky niya at hinawakan niya ng mahigpit

“Eto Ed! Nagpinky promise ako sayo na babawi ako sa mga nangyari last night. Promise”

“Sige! Papaalala ko na lang lagi sayo. Hehehe”

“Bye Ed!”

“Bye! Mag ingat ka ah!”

Naglakad na ako patungo sa Hilaga at siya patungo sa Timog.

Sa loob ng sandaling panahon maraming nangyaring bagay. Kahit sa pagtulog ko may mga nangyari ding hindi ko maintindihan kung bakit. Pero sa dulo masaya pa rin ako. Hindi ko pinagsisisihan yung mga nangyari, sa totoo lang gusto ko ulit makaranas ng ganito. Isang panibagong karanasan. Makalipas ng ilang araw. Bumalik na ulit sa normal ang buhay ko. Walang bagong nangyayari, pero sariwa pa ang mga nangyari noon, kahit nabawasan ako ng isang kaibigan. Isang maling akala.

"Free ka this Friday?" - text ni Ashley

Wala naman akong plano nung araw na yun, as usual. Pero ano kaya gawin namin sa araw na yun? date kami? Manunuod ng movie? Papanoorin ang sunset? Nakakahiya naman kung siya lang yung sasagot ng lahat ng nun. Mag- aambag ako ng kahit onti.

"Sige! game lang ako!"

Message Sent.

Page 86: Una at Huling Tikim

Teka ano na nga pala nangyari kay Alex. Nandito lang siguro sya sa canteen. Wala na akong balita sa kanya.

"nandito ka lang pala eh!"

"uy Ed! Tagal na nating hindi nagkikita ahh"

"musta na?" tanong ko pero mukhang matamlay at malungkot siya

"ayus lang"

"parang hindi bro. May nangyari bang masama?"

"sige kwento ko na lang sayo. Tutal bestfriend naman kita eh"

"sige lang"

"last two weeks lang, pumunta ako sa party ng isang kaibigan. Napakasaya kasi lahat talaga umiinom, walang KJ. Tapos yung mga drinking games pa masayang masaya. Yung unexpected nangyari."

"ano?"

"mahirap sabihin ehh"

Huminto siya sa pagkwento at huminga ng malalim.

"sabihin na lang natin"

"na ano?"

"na..."

"wag ka naman mangbitin oh"

"na magiging tatay na ako"

"Tangina! Nakausap ko kasi yung babae tapos sabi niya namiss niya yung period niya at may kakaiba daw siyang nararamdaman. Nung sinabi nya yun, tuwing gabi hirap na hirap ako matulog. Kelangan ko nang mag-stop mag aral at sisimulan ko na maghanap ng trabaho"

"alam ba ng magulang mo yan?"

"syempre hindi pa. Papatayin talaga ako ng magulang nya malamang"

"tignan na lang natin ng ganito. May balak ka bang buhayin yung magiging anak mo?"

Page 87: Una at Huling Tikim

"oo naman"

"ehh yung babae?"

"siguro oo"

"ehh kung ganun din naman, tulungan mo na lang siya sa mga kelangan nya at sabihin mo na rin sa magulang mo at sa kanya. Seryoso."

"ehh pano kung..."

"sabihin mo na! Kasi magiging lalo kang papatayin ng magulang nyo kung papatagalin mo pa"

"oo sige. Sasabihin ko"

"basta pumili ka ng date at dun mo sabihin ng harap harapan"

"sige! Salamat talaga! Napakalaking tulong mo"

Umalis na si Alex na may bakas ng takot at lungkot sa kanyang mukha. Kanina parang iiyak na siya dahil sa mga sinasabi niya sa akin. Di na rin ako magtataka na nangyari to sa kanya, kasi laging nasa party ng kung sino sino. Leksyon na lang to sa mga ginagawa niya. Pero nakakaawa rin kung tutuusin, maaga siyang maghahanap ng trabaho at hindi na nya matataposnang kolehiyo nya. Isa pa, hindi naman siguro nila mahal ang isa't isa. Sa sitwasyon nung babae na yun, wala siyang magagawa kundi alagaan. Tulad nga ng sabi sa TV, mas mahirap maging nanay kesa mabuntis. Kelangan ko nang mag ingat sa mga susunod kong mga gagawin, baka matulad ako. Kay Alex na sa sobrang bigat ng problema ehh mapipilitan talagang huminto ng pagkolehiyo.

Di mo talaga mamamalayan ang mga araw. Bukas n kami magkikita ni Ashley!

"Ashley! Game pa ba bukas?"

Message sent.

"yes! Mauna ka na lang sa Gateway. Mga 5pm. May mga stuff pa akong gagawin eh :)" reply nya

Smiley na kahit ako talaga napa-smile. May panahon ulit ako para magpagwapo at para maging swabe ang mga sasabihin ko. Dapat maghahanda ako ng kwento, isang mind-boggling magic, o kaya random topics. Magpratice pala ulit ako kung pano ngumiti. Takte ang tagaln na nung huli! Labas ngipin, liit mata o kays walang ngipin, liit mata. Okay pa ba?

Page 88: Una at Huling Tikim

Yown! Pwedeng pwede pa. Pabango? Meron pa ba ako. Mukha naubos na, okay naman siguro tong kay Pa. Onti lang naman hihingin ko ehh. Kung mga panget nagiging swabe, pano pa kaya ako? Syempre kayang kaya yan! Aabante na buhay ko, iiwan ko na ang boring na buhay.

Friday

4:30pm - nakarating na ako ng Gateway at kasalukuyang nasa 3rd floor. Sa may entrance ng food court sa harap ng escalator para kitang kita ko na agad siya. Naging excited ata ako. Naging sobrang excited.

"text ka na lang pag nandito ka na ahh"

Message sent.

5:15pm - *ring* *ring* *ring*

"Hello?" si ashley

"okay lang sayo may kasama ako?"

"ha? Ehh okay lang!"

"promise?"

"oo! Okay lang sa akin"

"nandito na rin kami eh, nasan ka ba "

"dito sa may food court"

"papunta na kami"

Ayun nga, nakakita ako ng Dalawang tao. Dalawang babae. Si Ashley. Pero sino yung isa? Nanay nya? Kapatid niya? Kaklase niya?

Hindi. Lahat yun mali.

Si Amber.

Page 89: Una at Huling Tikim

Chapter 17"uy"

"Uy. Kasama pala si Amber"

"uhm about that.."

"look, sumama lang ako kasi kanina pa nagmamakaawa si Ashley na isama ako" sabi bigla ni Amber na may halong irita sa mukha

"okay" yun na lang nasabi ko

"diba Ed sabi ko sayo babawo ako sayo"

"oo"

"so, anong gusto mong gawin? As in anything"

"ikaw bahala! Nakakahiya naman sayo. Kahit kainan lang masaya na ako. Basta sa masarap"

"hahahaha! Eto talaga mukhang pagkain"

"okay guys, let's just find somewhere to eat" naiirita ata si Amber pag naririnig niya akong magsalita, dahil ba dun sa nangyari nung birthday ni Ashley? Dapat nga ako pa yung mairita sa kanya, pero dahil mabilis ako magpatawad. Hinahayaan ko na lang kung anong gusto nyang sabihin.

5:30pm - dumating kami sa isang kainan na pangalan ay Pizza Hut Bistro. Pinaupo kami sa isang lamesa at syempre wala akong katabi at magkatabi ang dalawang babae. Expected na yun.

"what do you want to eat?" tanong ni Ashley

"I'll have a carbonara"

"okay. Ikaw Ed? Anong gusto mo?"

Lahat mukhang masarap talaga ehh. Mahirap pumili. Yung mura na lang siguro para di maging mabigat para sa kanya.

"uhm siguro kung ano na lang kukunin mo"

Page 90: Una at Huling Tikim

"ahh sige. Miss, we'll be having 1 Chicken Carbonara, 2 Meat Spaghetti and a Family Size Meat Lovers Pizza and some Iced teas"

"yun lang po maam?" tanong ng waitress

"Yep"

Umalis na ang waitress at iniwan na kaming tatlo.

"guys, mag usap naman kayo"

"sino kakausapin ko?"

"si Ed, syempre"

"I don't talk to assholes anymore"

Gago tong babae na to ahh.

"ano ba Amber? Wala namang ginagawang masama si Ed"

"wala? Sigurado kang wala?"

"oo!"

"sinubukan nga nya akong halikan ehh"

"Misunderstanding lang yun. Diba Ed?"

"uhhh..." yun na lang ang nasabi ko. Guilty nga ba ako kaya ako tahimik ngayon?

"See! Binalak niya gawin yun" pilit ni Amber

"Amber, gusto namin marinig kung balit ka ganyan kay Ed"

"no! Bakit ko sasabihin? Ehh siya nga tong gustong pagsamantalahan ako"

"sige, si Ed na lang mag explain nung side ng story nya tapos sabihin mo yung sayo"

"fine"

"go Ed. Explain mo na"

Oo. Guilty nga ako na binalak kong gawin yun pero hindi lan nagawa. Parating pa lang dun at pero hindi nakagawa.

Page 91: Una at Huling Tikim

"kasi diba sinabi ng mommy ni Ashley na tulungan kita dun sa kwarto Edi pumunta nga ako, nakita kita sa hagdan, inaayos yung lights. Tapos bigla ka na lan nahulog. Buti nga nasalo pa kita, syempre ang pinaka unang concern ko dun yung ulo mo. Kaya sinuportahan ko agad yun..."

"totoo ba yun Amber?"

"oo..." naiirita pa rin ata siya

"mabilis yung pagbagsak nya kaya pati ako napasama. Kahit muntik nang mabali kamay ko hawak ko ulo pa rin ulo niya...pero"

"pero ano?" tanong ni Ashley

"totoo nga yung sabi ni Amber na binalak ko na halikan siya"

"see! Tama ako!" sabi ni Amber

"pero kahit siya din gusto nya yun"

"totoo ba yun Amber?"

"no! He's lying!!!"

"sa tingin mo ba ilalapit ko yung ulo ko sayo kung hindi ka pumikit."

"Liar!"

"nung nakapikit na ako, dun mo na ako sinampal at saktong sakto kun san maraming tao para paalisin ako"

"..." wala na lan nasabi si Amber. Masakit pero totoo naman. Ayaw lang nuyang aminin. Masyadong masakit ang katotoohanan, kaya pinili niyang magsinungaling.

"Guys! Gusto ko lang naman kasi magin maayos lahat. Now, Amber i-share mo na yung side mo"

"..." wala nanaman ulit siyan maisagot. Kung hindi ko lang to kaibigan, malamang kanina pa ako umalis dito. Pero hindi, nakakahiya naman kay Ashley at tsaka sayang naman ang pagkakaibigan namin ni Amber.

"Amber, to be honest mababaw lang naman yung dahilan na yun para umabot sa ganito. Sorry kung ginawa ko yun. Sorry talaga"

"..." hanggang ngayon wala pa rin siyang masabi sa mga sinasabi namin ni Ashley sa kanya. Bakit ba ganito mga babae? Sadyang malabo talaga sila. Ang hirap intindihin.

Page 92: Una at Huling Tikim

*hikbi* *hikbi*

Nagsimulang maging basa ang mga mata niya.

"Amber, why?" sinubukan ni Ashley na pakalmahin si Amber.

"Sorry talaga! Sorry talaga! I'm so sorry!" kahit medyo mapula pula na mata nya

"okay lang Amber!" medyo nabigla ako sa kanya. Di ko inaasahan na maaapektuhan siya ng sobra sa isang maliit na bagay. Kung para sa akin, pinaalayas ako sa bahay at galit yung magulang ni Ashley sa akin. Maliit na bagay lang yun sa akin.

"simula nung magbreak kami ng last bf ko, na-trauma na ako sa guys. Narealize ko nun na lahat ng lalake, manloloko."

"di naman lahat ganun"

"oo, kelangan mo lang talaga tumigil sa love life and try focusing on something else"

"onga! Try mong makapasok sa Dean's Listers, then sa Cum Laude"

"Ngayon, wag na natin muna pagisipan yun. Ayan na yung food!" excited na sinabi ni Ashley

5:50pm- Dumating na yung inorder na pagkain, masarap, nakakaakit tignan at mabango. Kunyari na lang hindi ako gutom na gutom at mabagal ko na lang kakainin. Magmumukha akong patay gutom sa harap nila kung kumain ako ng natural kong sarili. Nakakahiya at baka pumapanget tingin sa akin ni Ashley. Hindi swabe kung kasing bilis ko kumain ang isang patay gutom na aso na ilang araw hindi pinapakain at ngayon lang binigyan ng isang masarap na pagkain.

“Okay guys? Let’s eat!”

*riiiiiiiiiing* *riiiiiiiiiing* *riiiiiiiiiing*

“uhm. Wait lang guys! Tumatawag Mom ko. Be right back!” Umalis siya sa kainan at iniwan kaming dalawa ni Amber. Ramdam na ramdam mo ang tensyon na bumabalot sa paligid namin. Parehas kaming kumakain at hindi pinapansin ang isa’t isa, nang biglang…

“May gusto akong sabihin sayo” sabi ni Amber

“Ano yon?”

“Please lang, layuan mo na si Ashley”

Page 93: Una at Huling Tikim

“Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ahh”

“Alam kong may balak kang ligawan siya pero wag ka na umasa”

“Ha? Eh bakit? Wala naman syang BF ahh”

“Sa tingin mo, lalake lang ang pwedeng makakuha sa kanya?”

“Ano?”

“Okay, let’s face it, Gusto mo si Amber at gusto ko rin siya. Hindi yung gusto na magbestfriends lang kami” Seryoso ang mukha niya ngayon.

Ano daw?

“Gusto ko akin lang siya” pag patuloy niya.

Page 94: Una at Huling Tikim

Chapter 18“…”

Sa mga binitawan niyang salita, hindi ko na alam kung ano ang katotohanan. Pero eto na rin ang sagot sa mga tanong ko sa sarili ko. Eto na rin ang dahilan kung bakit ayaw na niyang magka-BF at tila galit sa mga lalake. Eto rin kung bakit sinampal niya ako sa harap ng maraming tao at eto na rin kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Sa tindi ng takot na baka masaktan siya ng isang lalake sa mga susunod na panahon, naisipan na lang niyang maghanap ng iba. At ang iba na yun ay ang sarili niyang kasarian. Pumatol sa babae dahil takot na sa lalake.

Iniwan niya akong nakatulala sa mga pinagsasabi niya. Kahit naging malinaw na lahat, mukha pa ring nagloloko lang si Amber. Baka isang joke lang to at hinahayaan niyang dumating si Ashley ulet para sabihin na isang joke lang nga talaga.

“Seryoso?” yun na lang nasabi ko

“Oo”

Naging bukas na lang isip ko at wag magpaapekto sa mga salitang yun. Oo, may kakompetensya ako ngayon kay Ashley pero ang sarili niyang bestfriend ang kalaban ko. Kung titignan mo mas matimbang ang bestfriend sa isang friend lang. Pero ang pinagkaiba ngayon babaeng bestfriend niya yung kakompetensya ko. Magpapatalo lang ba ako sa isang babae na may gusto rin sa gusto ko? Syempre hindi. Pero pano kung maging sila nga?

“Guys! I’m back! Ang kulet talaga ni Mommy. She’s checking on me always. Bati na kayo?”

“Yes! Diba Ed?” sabi ni Amber. Una nakatingin siya ng masaya kay Ashley pero tumigin siya bigla sakin at tignan ng masama.

“uhhhh onaman. Bati na kami” Nagsuot na lang ako ng pekeng ngiti para walang makabasa ng tunay kong nararamdaman ngayon. Pero ano nga ba? Inggit? Selos? Galit? Parang mali naman yata na makaramdam ng mga ganun. Kaso nga lang yung bestfriend na babae talaga ehh, may balak na gumawa ng paraan para lang hindi maging kami o kaya pigilan na ligawan ko si Ashley. Siguro takot na lang yung nararamdaman ko sa mga pwede niyang gawin sa akin.

7:10pm – Sobrang busog na busog na ako sa mga pagkain. Ayaw na nilang iuwi yung natirang Pizza kaya no choice, inubos ko rin. "Ashley! Salamat sa Dinner!"

Page 95: Una at Huling Tikim

"You're Welcome" binayaran niya ako ng isang matamis na ngiti na kahit sino hindi kayang ibabayad sakin kundi siya lang. Pero si Amber kaya nyang matapatan yun. Binalewala ko na muna yung sinabi ni Amber. Kelangan natural pa rin ang mga galaw, swabe dapat!

"uy mga 8pm uwi na ako ah"

"ang KJ ng isa dito, Amber!"

"Ano ba yan! Mamaya ka nang umuwi. Ang totoy nito" sabi ni Amber

"After ng movie, pwede ka nang umuwi? Please?"

"sige na nga!"

"yay!"

Habang paakyat kami papunta sa sinehan, may napansin ako. Magkahawak sila ng kamay. As in yung paghawak kung pano maghawak ng kamay yung mga mag-syota. Ganun na ganun. Baka nga alam ni Ashley yung mga motibo ng Amber na pati siya gusto niya si Amber. Di yan! Masyadong wild lang ang imahinasyon ko.

"Anong movie gusto nyo panoorin?"

"Ash! Panooron natin yung Easy A!" wow! Ang cute ng boses ni Amber. Kaya pati hanggang ngayon crush ko pa rin siya kahit may mga ganun siyang sinabi sa akin. Alam kong mabait naman si Amber.

Nako, poster pa lang parang alam kong di ko magugustuhan pero sayang naman kung hindi ako sasama.

" Wait kuha na lang ako ng tickets. Dyan lang kayo!"

umalis na siya at muling iniwan niya kaming dalawa ni Amber. Tama nga bang iwan kaming dalawa?

"Anong titingin tingin mo dyan"

Napansin ko lang na cute nga talaga si Amber kaya maraming lalakeng naging syota to. Sayang naman. Kahit mataray yung tingi niya sa akin, wala na talagang epekto sa akin. Di na ako nasisindak, parang naging manhid ako sa kanya. Parang dahil sa pagiging crush ko sa kanya kaya siguro wala na akong pake sa mga sinasabi nya o ano man gawin niya. Parang yung crush mo may boyfriend na pero dahil crush lang naman kaya kahit anong gawin niya okay lang sayo.

"ahh sorry"

Page 96: Una at Huling Tikim

Nakatingin sya pababa at pinagmamasadan yung mga tao. Pero ako pasimpleng nakatingin sa kanya naka-focus yung kanto ng kaliwang mata ko sa kanya. Sana di niya mapansin ulet.

"Alam mo Amber, may mga lalake pa rin dyan na matitino. Hindi lahat ng lalake ganun, tulad nung sa isip mo"

"so gusto mo nga si Ashley. Gusto mo lumayo ako sa kanya para maging kayo?"

"Ganun ka ba ka-obsessed kay Ashley Gusto ko lang naman maging magkabigan kami. At ikaw din, gusto lang kita maging kaibigan"

"liar"

Di na lang na ako nagsalita para di na lumala yung gulo. Ilang minuto ang nakalipas, bumalik ns si Ashley na may dalang mga tickets. Ang unang pumasok sa isip ko, kung anong magiging reaksyon ni Amber tungkol dito. Tama nga ang hinala ko, masaya siya at magkahawak sila ng kamay. Di na talaga mawawala sa mga babae yun. Dumiretso na kami sa Cinema 2 at may babaeng tumulong sa amin na hanapin ang upuan namin.

Sino makakatabi ko?

Kung si Amber makakatabi ko malamang di ko na naenjoy yung palabas, parang nanunod ako ng palabas ng mag isa. Pero kung si Ashley ang katabi ko, edi hindi ko na napanuod yung palabas. Siya na lang yung pinanood ko. Sinundan na lang nila kung anong nakalagay sa ticket. Seat number 13, 14 at 15 kami. Ano ba seat number ko?

Shit.

14.

Page 97: Una at Huling Tikim

Chapter 19Uupo ako sa gitna nila? Papayag kaya silang dalawa na ako ang namamagitan sa kanilang pagkakaibigan. Ang magbestfriends pala, pagdating sa mga babae, hindi naghihiwalay. Kung nasan yung isa nandun din dapat yung isa. Nakaupo na silang dalawa. Si Amber sa 13 at si Ashley naman sa 15. Shit. Talagang ako nga uupo sa gitna. Isang torpeng lalake, uupo sa pagitan ng dalawang magagandang babae. Mas matindi ang tensyon dito kesa sa kanina. Kahit sobrang lamig sa lugar na to, pinagpapawisan ako. Namimigas ang mga daliri ko at sobrang natutuyo na ang lalamunan ko. Lintik yan. Hindi swabe tong nangyayari sa akin.

Wala na akong magagawa kundi umupo na lang. Kunyari ayos lang sa akin na sa gitna, ayos lang sa akin na nagkakaganito ako. Wala na nga dapat yung mahiyaan na sarili ko, pagdating sa mga babae. Pero mukhang bumabalik dahil dito. Hindi, hindi ko hahayaan na bumalik sa dati kong sarili.

Dumiretso na ako at umupo sa gitna nila. Tumigil sila sa paguusap tungkol sa mga kaibigan nila at pinanuod na ang palabas. Pagtingin ko sa kaliwa, Ashley pero pag tingin ko sa kanan si Amber. Pero ang di inaasahang mangyari ay nangyari.

Habang nakapatong yung dalawa kong kamay sa dalawang arm rest sa tabi. May nararamdaman akong mga daliring kumakalabit sa akin sa kaliwa. Di ko na lang muna pinansin to, pero pag hindi ko pinapansin mas lalong hindi titigil. Kaya ang ginawa ko inusog ko ng onti ang braso ko palayo sa akin. May kamay na nakabalot sa braso ko at nakayakap. Nagyeyelo sa lamig ang mga kamay at ang lambot, kinis at malamig ang balat. Pasimple akong tumingin sa kaliwa kung totoo nga ba tong nangyayari sa akin.

Oo, di na kayang magsinungaling ng mga mata ko sa akin. Nakaramdam na ako mas matinding pagyakap at pati ngayon yung ulo niya, nakasandal sa braso ko. Parang statwa na ako, di na makagalaw. Di ko inaasahan na mangyari to. Pero asahan nga naman kung anon hindi inaasahang mangyari.

Sa bandang kanan, may kamay rin na malamig na di naman sinasadyang dumaplis. Siguro gusto lang ipatong yung kamay sa arm rest. Kaya inusog ko ng onti palapit sa akin yung kamay ko para mapatungan nya. Tama nga, gusto niyang ipatong yung kamay nya dun. Pero biglang kinuha ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay na nanlalamig. Malambot din ang kanyang mga kamay at di na ako nagdalawang isip na hawakan din to. Palihim akong tumingin sa kanan at hindi na talaga ako kayang lokohin ng mga mata ko. Totoong nangyayari to at nararamdaman kong nangyayari to.

Page 98: Una at Huling Tikim

Shit. Di ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin. Sa kaliwa may nakasandal at nakayakap pero sa kanan may nakahawak. Yung sa kaliwa mas matimbang ginagawa pero sa kanan kahit di ganun katimbang. Parehas silang malakas ang dating. Pano kung naiihi ako bigla? Di na ako aalis sa posisyon ko na to. Isa't kalahating oras ako maiipit sa ganitong sitwasyon o kun kelan ang isa ay naisipan na bumitaw. Pero ang problema parang ayaw ngang bumitaw nung dalawa. Parang may dalawang kumakatok sa puso ko at sabay silang pumasok. Yung isa kahit nagdadalawang isip ay nagawa pa ring pumasok. Kaso mali talagang nasa ganitong sitwasyon ako, pero ang problema sila naman ang gumawa nun at hindi ko ginustong mangyari. Pero sa totoo gusto ko, mali bang magustuhan ko to?

10:10pm - sa wakas na tapos rin ang palabas Natapos na rin ang tensionadong sitwasyon na to. Pwede na akong gumalaw ulet, di ko napansin na wala na palang nakahawak sa akin. Sa kaliwa at sa kanan, wala na. Parang walang nangyari, kung tinitignan ko sila.

"uy, tumayo ka na" sabi ni Amber

"onga! Diba uuwi ka na? Baka paluin ka pa ni Mama mo.hahahaha!"

"grabe naman to. Gusto nang pauwiin ako."

"joke lang kasi. Basta tumayo ka na"

"ang hirap ehh, ansarap umupo"

Bumangon na ako sa kinuuupuan ko, kahit medyo namamanhid yung hita ko. Kaya pa rin. Parang wala talagang nangyari. Ganun pa rin si Amber sa akin, isang masungit at mataray na babae. Pero nung kanina, ibang iba siya. Yung hawak niya, parang nawala lahat ng sungit at taray sa kanya. Ramdam ko ang lambing niya na walang katulad at pati yung kay Ashley. Pero lahat ng kasiyahan ay mapupunta sa isang malungkot na katapusan. Naglakad na kami paalis sa sinehan, palabas ng mall at dumating kami sa may Araneta Center. Medyo maingay pa dito sa labas at mausok dahil sa mga naninigarilyo.

“Guys! Mauna na talaga ako, baka pagalitan na ako ehh”

“Oy hahayaan mo na lang ba kami dito? Pano kung may mangyari sa amin? Pano kung ma-rape kami? Ikaw sisisihin namin ahh” Sabi ni Amber

“Onga Ed, hatid mo na lang kami sa sakayan? Please?” nagmakaawa si Ashley at sino bang hindi makakatanggi at sinimulan na naming maglakad

“Sige na nga”

Page 99: Una at Huling Tikim

“San ba kayo sasakay?”

“sa likod ng Shopwise” sabi ni Amber

“dun rin ako sasakay ehh. Kala ko mag taxi kayo ehh”

“Wala na atang pera si Ashley”

“Meron pa naman noh, di ko lang alam kung abot” sabi ni Ashley

“Onga pala noh, parehas na jeep pala sasakyan natin Ashley. Kasi yung jeep na yun dumadaan sa may amin. Sigurado dadaan rin yun malapet sa inyo”

“Yeah!”

“Ayun, sakay na tayo dito”

“Bye Amber! Thanks!” sabay beso silang dalawa

“Bye din Ash! Sobrang thank you sa day na to!”

“Bye Amber!” paalam ko sa kanya

“Bye.” Isang walang kamalay malay na paalam ang binitawan ni Amber

10:30pm- Nakasakay na kami ng jeep pauwi at di naman gano puno at jeep pero magkadikit ang aming mga braso. Nakakahiya sa kanya kasi medyo may kalakihan ako ng katawan kaya mas mabilis akong mapagpawisan. Kaya ayun, nararamdaman kong nakadikit siya sa akin kahit medyo pinagpapawisan ako. Tsaka kapag medyo may kapawisan ang damit nagkaka-amoy, kaya nakakaconcious talaga. Pero mukhang wala naming siyang inaangal kaya ayos lang siguro sa kanya. Parehas kaming nagbayad at muling nanatili sa bandang dulo ng jeep.

“Ashley…”

“Ed, pwede mo naman akong tawaging Ash na lang” sabay ngiti

“O sige Ash, bakit ang sungit sa akin ni Amber?”

“Di mo nahahalata?”

“Nahahalata?”

“Na crush ka ni Amber”

Page 100: Una at Huling Tikim

Di na talaga ako naniniwala sa mga nangyayari ngayon. Isang panaginip lang to. Natutulog lang ako.

“joke?”

“Nope”

Ayoko na sa panaginip na to. Pwede bang may gumising na sa akin. Isang kalokohan na to. Di talaga pwedeng maging katotohanan to.

"kaya siya masungit sayo kasi crush ka nya"

"ehh may sinabi sya sa akin eh.."

Tama nga bang sabihin ko to

"ano?"

Sabihin ko ba?

"na.."

Kaso baka masita an pagkakaibigan nila

"na ano?"

"na may gusto si Amber sayo"

Siguro di nya yan seseryosohin. Para di kapanipaniwala nga eh.

"matagal ko na alam yun noh"

"ha?"

"oo, matagal ko na alam yun"

"pero ibang 'gusto' yung tinutukoy nya"

"oo, alam ko yun. Pero bestfriend lang talaga tingin ko sa kanya. Yun lang. Tsaka may mas matimbang sa puso ko ngayon"

Bumilis ang takbo ng jeep. Biglang sumigaw ng malakas ang ibang mga pasahero.

Page 101: Una at Huling Tikim

Madilim.

Nakakatakot.

Nakakahilo.

Nakakapagod.

At maingay.

Page 102: Una at Huling Tikim

Chapter 20