ula nga nang maitatag ang Ga- briela Women's Party noong Oktubre ...

4
ula nga nang maitatag ang Ga- briela Women’s Party noong Oktubre 2000, mula sa sinapupunan ng GABRIELA-pinakamalaking alyansa ng kababaihan sa bansa, natamo na nito ang maraming tagumpay. Sa pamamagitan nina Liza Maza, Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus, ang mga nagsilbing kinatawan nito mu- la 2004 hanggang sa kasalukuyan, nai- satinig ang mga adhikain ng mga kaba- baihan kabilang na ang panawagan pa- ra ibaba ang pesyo ng bilihin, singil sa tubig at kuryente; itaas ang sahod at regular na trabaho; abot-kayang ser- bisyo; pagwakas sa karahasan sa kaba- baihan at bata atbp. Nanguna rin sa pagpapasa ng mga batas para sa kababaihan kabilang na ang Anti-Trafficking in Persons Act, Juvenile Justice Act, Anti-Violence Against Wom- en and Children Act, Magna Carta of Women , Pagdeklara ng November 25 bilang National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children at ang Pagtataas ng Salary Grade ng mga guro. Sa kasalukuyan, nakasampa sa Kon- greso ang 30 panukalang batas sa pangunguna ng GWP . Tampok dito ang Regular Employment Bill, Workers Safety and Health Inspection Employers’ Liability (SHIELD) Bill, Divorce Bill, amyenda sa Anti-Rape Law, Solo Par- ents Act, Anti-Sexual Harassment, Anti- VAWC atbp. Sa labas ng Kongreso, naging bahagi ang GWP ng mga dayalogo, martsa- rali at iba pang akitbidad para tulig- sain ang korapsyon, kriminal na ka- pabayaan, pagpapahirap at pagpapakatuta ng Gobyernong Ar- royo hanggang sa kasalukuyang Go- byernong Aquino. Hindi natinag ang GWP sa panlili- galig at pagsasampa ng gawa- gawang kaso at maging sa pagpaslang sa mga lider nito. Sa ka- bila ng panunupil, patuloy na naninindigan, patuloy na lumalaban. Sa 14 na rehiyon ng bansa, nakatindig ang mga balangay na tuloy-tuloy sa pagmumulat, paghahatid ng serbisyo, pagpapakilos at higit na pagpapala- wak. Inspirasyon ang tagumpay at aral ng 15 taon para sa higit pang pagsulong at tuloy tuloy na laban para sa babae, bata at bayan! Official Publication of Gabriela Womens Party Oktubre 2015

Transcript of ula nga nang maitatag ang Ga- briela Women's Party noong Oktubre ...

Page 1: ula nga nang maitatag ang Ga- briela Women's Party noong Oktubre ...

ula nga nang maitatag ang Ga-briela Women’s Party noong

Oktubre 2000, mula sa sinapupunan ng GABRIELA-pinakamalaking alyansa ng kababaihan sa bansa, natamo na nito ang maraming tagumpay.

Sa pamamagitan nina Liza Maza, Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus, ang mga nagsilbing kinatawan nito mu-la 2004 hanggang sa kasalukuyan, nai-satinig ang mga adhikain ng mga kaba-baihan kabilang na ang panawagan pa-ra ibaba ang pesyo ng bilihin, singil sa tubig at kuryente; itaas ang sahod at regular na trabaho; abot-kayang ser-bisyo; pagwakas sa karahasan sa kaba-baihan at bata atbp.

Nanguna rin sa pagpapasa ng mga batas para sa kababaihan kabilang na ang Anti-Trafficking in Persons Act, Juvenile Justice Act, Anti-Violence Against Wom-en and Children Act, Magna Carta of Women , Pagdeklara ng November 25 bilang National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children at ang Pagtataas ng Salary Grade ng mga guro. Sa kasalukuyan, nakasampa sa Kon-greso ang 30 panukalang batas sa pangunguna ng GWP . Tampok dito ang Regular Employment Bill, Workers Safety and Health Inspection Employers’ Liability (SHIELD) Bill, Divorce Bill, amyenda sa Anti-Rape Law, Solo Par-ents Act, Anti-Sexual Harassment, Anti-VAWC atbp.

Sa labas ng Kongreso, naging bahagi ang GWP ng mga dayalogo, martsa-rali at iba pang akitbidad para tulig-sain ang korapsyon, kriminal na ka-pabayaan, pagpapahirap at pagpapakatuta ng Gobyernong Ar-royo hanggang sa kasalukuyang Go-byernong Aquino. Hindi natinag ang GWP sa panlili-galig at pagsasampa ng gawa-gawang kaso at maging sa pagpaslang sa mga lider nito. Sa ka-

bila ng panunupil, patuloy na naninindigan, patuloy na lumalaban. Sa 14 na rehiyon ng bansa, nakatindig ang mga balangay na tuloy-tuloy sa pagmumulat, paghahatid ng serbisyo, pagpapakilos at higit na pagpapala-wak. Inspirasyon ang tagumpay at aral ng 15 taon para sa higit pang pagsulong at tuloy tuloy na laban para sa babae, bata at bayan!

Official Publication of Gabriela Women’s Party Oktubre 2015

Page 2: ula nga nang maitatag ang Ga- briela Women's Party noong Oktubre ...

“Ang mga patalastas ng formula milk at dapat na may kaakibat na pasubali at tinatapatan ng malawakang pagpapalaganap ng mga kaalaman na nag-susulong ng pagpapasuso.”

Ito ang paalala ng mga kina-tawan ng Gabriela Women’s Party sa isang resolusyong layong siyasatin ang pagpapatu-pad ng Expanded Breastfeeding Promotions Act. Sa naturang batas, dapat ay may mga itina-

Pinaka-marahas at pinaka-pahirap! — ito ang naging hatol ng mga kababaihan sa limang taong panunungkulan ni Aquino nang ipahayag nito ang kanyang huling State of the Nation Address o SONA.

Anila ang iniyayabang na pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay pinakikinabangan lamang ng iilang malalaking negosyante habang nanatili sa 25.8M ang bilang ng mahihirap

Higit na naging bulnerable sa karahasan ang kababaihan sa gitna ng kahirapan. Aabot sa 40,000 ang naitalang kaso ng rape habang naghahatid ng ibayong dahas ang militarisasyon at Oplan Bayanihan lalo sa kanayunan.

Free our sisters! Ito ang iginiit ng mga kababaihan sa pag-lulunsad ng naturang kampanya sa Bantayog ng mga Ba-yani kamakailan.

Hiniling ng mga kababaihan ang agarang pagpapalaya kay Sharon Cabusao, dating International Relations Officer ng GABRIELA at ng Crispin B Beltran Resource Center at ang aabot pa sa 47 na kababaihang bilanggong pulitikal.

Giit pa nila, walang batayan ang mga kasong isinampa laban kay Cabusao na iligal na inaresto noong June 1 sa Cavite kasama ang asawa nitong si Adel Silva na isang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at si Isidro de Lima.

Dagdag pa anila, marapat lamang na palayain si Cabusao dahil sa maselang kalagayang pangkalusugan nito. May sakit sa dugo at thyroid si Cabusao.

Hiniling rin ang agarang pagpapalaya kina Miradel Torres, Moreta Alegre at Wilma Tiamzon. Si Torres ay nanganak kamakailan sa kulungan at nagpapasuso ng kanyang san-gol habang si Alegre naman ay 68 taong gulang na.

Si Wilma Tiamzon naman ay NDFP consultant at hindi dapat inaresto batay sa Joint Agreement for Security and Immunity Guarantees (JASIG), isang kasunduan sa ilalim ng usapang pangkapayapaan ng kung saan tinitiyak ang kaligtasan ng mga negosyador at consultant.

Sa huling tala ng Karapatan (June2015) aabot sa 537 ang bilang ng bilanggong pulitikal at 17 sa kanila ang mga con-sultant sa usapang pangkapayapaan. Sa Kongreso ay in-ihapag naman ang House Resolution 2203 na naglalayong imbestigahan ang kalagayan ng mga kababaihang bilang-gong pulitikal. Nauna rito ay dalawang resolusyon na rin ang naihapag para isulong ng usapang pangkapayapaan.

Sina Monique Wilson, Nelia Sancho, Joms

Salvador, Emmi De Jesus at Sr. Mary John

Mananzan kasama si Sharon Cabusao

Inilunsad ng Gabriela Wom-en’s Party sa pakikipagtulungan sa DM9JaymeSyFu at Akap Bata ang aklat na “May Mumu sa Computer”. Layon nitong maipalaganap ang panganib ng cyber prostitution na bumibikti-ma sa mga bata lalo na sa mga maralitang komunidad sa mga lugar na kamakailan lang ang tinamaan ng matinding disaster tulad ng Eastern Visayas. Paliwanag ni Arlene Brosas, tagapagsalita ng Gabriela

Women’s Party Metro Manila, higit na nagiging bulnerable ang mga bata lalo na sa gitna ng tu-mitinding kahirapan. “Hindi sapat ang kasalukuyang mga batas. Mas malaki ang maitutulong kung mamumulat ang mga bata at magulang para masugpo ang cyber prostitu-tion.” Noong 2013, isa ang Pili-pinas sa mga bansang natukoy ng Dutch NGO na Terre Des Hommes na may maraming bilang ng mga biktima ng child cyber prostitution.

May Mumu sa Computer— Isang

aklat na pambata na layong mag-

mulat laban sa cyber pornography

kdang silid sa mga pampub-likong lugar at mga pagawaan kung saan makakapagpasuso ang mga nanay. Binibigyan din dapat ang mga nanay ng oras para mag-ipon ng gatas kung nasa trabaho at malayo sa anak.

Isinusulong din ng GWP ang pagpapahaba ng maternity leave para matiyak ang mas mahabang panahon ng pagpapasuso.

Page 3: ula nga nang maitatag ang Ga- briela Women's Party noong Oktubre ...

Hindi na nakapagtimpi ang mga kababaihan sa salot na

pulbos na karbon na sumalanta sa kanilang kalusugan at

kabuhayan. Kasama si Gabriela Women’s Party Rep.

Emmi De Jesus, nilusob nila ang imbakan ng coal stock-

pile ng Rock Energy sa loob ng Port Area sa Tondo, Ma-

nila noong Hunyo para itulak ang pagsasara nito.

Ipinahayag ng mga kababaihan ang pinsalang dulot ng

karbon sa kanilang kalusugan dahil sa marami nang

nagkakasakit at lumala ang dating mga sakit sa paghinga

at balat. Perwisyo din sa kapaligiran at sa hanapbuhay ng

maliliit negosyanteng gumagawa ng bagoong at nagtitin-

da ng pagkain. Nauna dito, ilang ulit din silang nagpe-

tisyon sa tanggapan ni Manila Mayor Joseph Estrada at

napag-alaman nila na wala pala itong environmental

clearance.

Sa kabila ng aroganteng pagmamatigas ng namamahala

ng Rock Energy na ayaw magpakilala o humarap sa mga

galit na residente, napilitan din ang siyudad ng Maynila

na ipasara nang tuluyan ang coal stockpile sa naturang

lugar. Naging matagumpay ang pagkilos ng mamama-

yan at nagbigay ng lakas para ipaglaban ang marami

pang usapin ng kabuhayan ng mga maralita.

ito ang naging hatol ng mga kababaihan sa limang taong panunungkulan ni Aquino nang ipahayag nito ang kanyang huling

angat ng ekonomiya ng bansa ay pinakikinabangan lamang ng iilang malalaking negosyante habang nanatili sa 25.8M ang bilang ng

Higit na naging bulnerable sa karahasan ang kababaihan sa gitna ng kahirapan. Aabot sa 40,000 ang naitalang kaso ng rape habang naghahatid ng ibayong dahas

Tinuligsa ng Pederasyon ng North-

ville Relocatees (PNR) at Alyansa

ng mga Residente sa Katuparan

(ARK) ang mataas na mga bayarin

sa mga proyektong pabahay ng

gubyerno gayong nailantad na may

badyet naming inilalaan ang pama-

halaan para dito.

“Saan napupunta ang badyet sa

pabahay kung pati interes ay kami

pa rin ang pinababayad? Dinemolis

kami sa aming mga lugar, ngayon

pahihirapan kami sa pagbabayad sa

relokasyon!” ani Melinda Relos,

Presidente ng PNR na binubuo ng

mga samahan sa mga Northville

relocation areas sa Caloocan, Valen-

zuela at Bulacan.

Inirereklamo nila ang 6% interes na

bayad sa pabahay kada taon at 1%

Kasama ang mga Parents Move-

ment Against K-12, hinapag ng

Gabriela Women’s Party sa De-

partment of Education Manila ang

mahigit sa 12,000 pirma sa isang

petisyong tutol sa K-12.

“12K laban sa K-12, at simula

palang ito,” anila. Iginiit nilang

dapat nang isuspinde ang K-12

program at agad papagtapusin ang

Grade 10 students.

“Taun-taon nakikita natin ang mat-

inding kakulangan sa mga silid-

aralan, upuan, textbooks at guro.

Imbes na ito ang paglaanan ng

pondo, uunahin pa ang senior high

school voucher program na

GASTPE na magtitiyak ng tubo

para sa mga pribadong eskwelahan

pero hindi naman magtitiyak sa

pagtatapos ng kabataan," paliwa-

nag ni Rep. Emmi De Jesus.

Sa panukalang badyet ng DepEd

12.8B ang nakalaan para sa senior

high school voucher program.

Inihayag naman ni Rep. Luz Ilag-

an na mahigit sa 55,380 faculty at

guro pati na ang aabot sa 22,838

non-teaching staff sa kolehiyo ang

mawawalan ng trabaho dahil hindi

makakapagtapos at makapapasok

sa kolehiyo ang maraming es-

tudyante.

“Malinaw sa sanga-sangang prob-

lema sa implementasyon ng K-12

na hindi ito pinag-isipan at ni wa-

lang konsultasyong naganap bago

ito mabilisang inaprubahan ng

pangulo,”ani Ilagan.

Nauna na rito ay kabilang ang Ga-

briela Women’s Party sa mga

naghapag ng petisyon sa Korte

Suprema laban sa K-12.

Si Rep. Luz Ilagan sa isang piket-protesta

sa paghahapag ng petisyon laban sa K-12

sa Korte Suprema

Napilitang umatras ang Bureau of Customs sa plano

nitong buksan ang mga ipinapadalang balikbayan box

ng mga OFWs sa kanilang mga kaanak.

Sa isinagawang mga protesta, kabilang ang “Zero-

Remittance Day”, binatikos ng mga OFW ang pamaha-

laang Aquino sa pagtrato nito sa mga OFW na mistu-

lang gatasang baka. Patunay nito ang P600M na target

na koleksyon sa BOC mula sa mga padala ng mga OFW

na di hamak na mas malaki kaysa sa P100M Legal As-

sistance Fund para sa mga OFW.

Iginiit ng mga kinatawan ng Gabriela Women’s Party na

dapat ay patuloy na maging mapagbantay lalupa’t hindi

pa iniaatras ang target sa koleksyon ng BOC. Nakatakda

ring itaas ang clearing fees ng mga container van na ma-

greresulta rin sa dagdag bayarin sa pagpapadala ng

balikbayan box.

penalty buwan-buwan kapag di

nakabayad. Anilaý ginigipit rin

ang mga residente na magbayad

muna sa NHA bago makabitan

ng kuryente ng MERALCO.

Pinatotohanan naman ng mga

taga Katuparan Housing sa Vitas,

Tondo ang kawalang prayoridad

sa mga residente ng NHA. Sa

loob ng 24 na taon, patuloy na

anila ang pagkasira at kabiguang

imintina ng NHA ang kanilang

pabahay.

Kinuwestiyon naman ng GA-

BRIELA kung bakit hanggang

ngayon ay iilang daan pa lang ang

naipapatayong mga pabahay para

sa mga Yolanda victims gayong

may inilaang P11 bilyon noong

2014 para dito.

Page 4: ula nga nang maitatag ang Ga- briela Women's Party noong Oktubre ...

Noong Agosto 18, 5 katu-tubong Manobo sa Mendis, Pangantucan, Bukidnon, kabilang na ang 78-taong gulang na si Hermino Sa-mia at ang menor de edad nitong apo. Sa mga naitalang biktima ng pagpaslang sa ilalim ng gubyernong Aquino aabot na sa 68 ang katutubo, 53 sa kanila ay mga Lumad. Sunod-sunod rin ang panli-ligalig at pagpapasara ng mga paaralang Lumad. Aabot na sa mahigit 200 kaso ng pag-atake sa mga paaralang katutubo ang naitala ng Save Our Schools Network mula nang maupo si Aquino. Maliban sa 9 na paaralan ng ALCADEV sa Surigao del Sur, sapilitan ring ipi-nasara ng AFP ang mga paaralan ng Salugpungan Ta Tanu Igkanugon Com-munity learning Center, ang Center for Lumad Ad-vocacy and Services Inc at Mindanao Interfaith Ser-vices Inc sa iba’t ibang mal-alayong barangay sa mga lalawigan ng Davao Orien-

tal, Davao del Norte, Compo-stela Valley, Agusan del Sur at Bukidnon. Karaniwang gi-nagawang bar-racks ang mga paaralan. Ma-higit 3,000 ba-tang Lumad ang napilitang tumi-gil sa kanilang pag-aaral. Baga-mat labag sa ba-tas, nananatili ang AFP sa mga paaralan. Mistu-

Official Publication of Gabriela Women’s Party #25 K-10 Street Bgy West Kamias, Quezon City Tel # (632) 4341039 Email: [email protected] FB: www.facebook.com/Gabriela.WomenPartylist Twitter: @GabrielaWomenPL

Tumitindi ang pag-atake

sa mga katutubong Lumad

sa Mindanao. Noong Setyembre 1, pi-naslang ng grupong Ma-hagat-Bagani, isang para-military na binuo ng Armed Forces of the Philip-pines (AFP) sina Emerito Samarca, Dionel Campos at Datu Bello Sinzo sa Han-ayan, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur. Si Samarca ay Executive Director ng Alternative Learning Center for Agri-culture and Development o ALCADEV na nanguna sa pagtatayo ng isang paaralan para sa mga batang Lumad. Pinararatangan ng AFP ang ALCADEV na paar-alan ng New People’s Ar-my (NPA). Pinaslang sa di kalayuan sina Sinzo at Campos na tagapangulo ng Mapasu Lumad Organiza-tion. Ang insidente sa Lianga ang huli sa mga operasyon laban sa mga Lumad na isinagawa ng AFP at ng mga grupong paramilitary sa Mindanao.

Ipinakita ng isang Lumad ang larawan ng paaralang ALCADEV,

isang inisiyatiba ng mga katutubo sa Lianga, Surigao del Sur kung

saan pinaslang si Emerito Samarca (ALCADEV Executive Director)

noong Setyembre 1 | @gmanews

lang lisensya nito ang DepEd Memo221 sa panghihimasok sa mga paaralang Lumad. Sa kabila nito, nananatili ang naturang memo. Ang mga kaso ng pagpaslang at panliligalig dulot ng mga operasyong military ay nagresulta sa 54 kaso ng sa-pilitang paglikas ng aabot sa 20,00 katao na nagtitiis sa masisikip na evacuation cen-ters sa halip na mapayapang mamuhay sa kanilang mga komunidad. Itinuturo ang mga grupong paramilitar na responsable sa paglabag sa karapatang pan-tao ngunit di maitatangging ang AFP mismo ang nag-tatag at nagpopondo sa mga naturang grupo. Tukoy ring nasa likod ng pagpopondo sa mga grupong paramilitar ang malalaking korporasyong minahan, ne-gosyong logging at plantasy-on sa Mindanao. Nasa 1.8M ektarya ang Pan-taron Mountain Range na tahanan ng mga Manobo. Sakop nito ang anim na probinsya at mayaman sa ginto at mineral. Ang kagubatan nito ang unti-unting winawasak ng ma-

laking korporasyong logging na Alcantara&Sons (AlSons). Sakop naman ng 60,000 ektaryang Andab Valley na mayaman sa mineral, ang ma-higit 22 munisipalidad ka-bilang na ang Lianga, Surigao del Sur. Sa mahabang panahon ay pinangunahan ni Campos at ng MAPASU ang pagtutol sa pagmimina dito. Sa pag-iimbestiga ni Dr. Chaloka Beyani, Special Rap-porteur for the Rights of Dis-placed Persons ng United Na-tions, hinimok nito ang pama-halaang Aquino na bigyang pansin ang daing ng mga katu-tubong lumilikas dahil sa mili-tarisasyon, malakihan at iligal na logging at pagmimina. Sa pangunguna ng Makabayan bloc at Gabriela Women’s Par-ty ang pag-atake sa mga Lumad ay naging paksa na rin ng mga talumpati at pag-sisiyasat sa Kongreso. Sa kanilang pag-bakwit umaa-sa ang mga Lumad na lumakas pa ang kanilang tinig at umaal-ingawngaw ang kanilang mga panawagang buwagin ang mga grupong paramilitar at paalisin ang AFP sa kanilang upain silaý mapayapang makapamu-hay lupang pamana ng kanil-ang ninuno.

Luis Manzano,

Angel Locsin

para sa mga

Lumad