Total Assets OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN … files/Sandiwa Special Issue on Social... ·...

4
Ang St. Martin Musmos Aralan ay naglalayong makapagbigay ng edu- kasyon sa mga batang hindi pa naka- kapag-aral mula edad 4 hanggang 7. Nagkakaroon dalawang beses sa isang linggo ng “learning sessions” kung saan tuwing Sabado ay mga volunteer em- ployees ng Kooperatiba ang nagtuturo sa mga bata at tuwing weekdays naman ay mula sa partner barangay ang siyang nangangasiwa nito. Mula 2013 hanggang 2015 ay may 226 graduates na mula sa mga barangay ng Antipona, Lolomboy, Taal, Duhat, Sulucan at Caingin sa bayan ng Bocaue, Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria, at Tigpalas sa bayan ng San Miguel. Hindi sa Musmos Aralan nagtata- pos ang programang pang-edukasyon ng SMTCDC. Inilunsad din ng Kooperatiba ang Tulong Paaral kay Musmos, kung saan mula sa mga graduates ng Mus- mos Aralan ay pumipili ng mga scholars upang makapag-aral sa elementarya. Ang mga scholars ay binibigyan ng mga gamit sa pag-aaral, uniporme at daily allow- ance. Kinakailangan na ang mga scholars ay mag-aral na mabuti at magkaroon ng general average grade na hindi bababa sa 80%. Gayundin, sila ay dapat magkaroon ng magandang attendance record. Mayroon ding Purposive Feeding Program kung saan ito ay tumatagal ng tatlong buwan at nagbibigay ng masu- sustansyang pagkain sa mga piling mag- aaral dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ang programang ito ay nailunsad na sa Alkikabok Elementary School sa Orani, Bataan noong 2014 at sa Bakod Bayan Elementary School ngayong Enero 2016. Para naman sa kalikasan, masigasig na sumasali ang SMTCDC sa mga tree planting activities, clean-up drive sa komunidad, brigada eskwela at iba pa. Sa katunayan, ang Kooperatiba ay aktibong nakikibahagi sa Lingap Ka- likasan, na isang proyektong pangkalikasan ng simbahan ng San Martin ng Tours na naglalayong mabago at maibalik ang sigla ng ilog ng Bocaue. Ang mga nasabing programa ay isang patunay na ang SMTCDC ay isang kooperatibang may puso. Sama-sama tayo sa pagtulong sa ating kapwa at pagsulong ng ating mga adhikain para sa maganda at may pag-asang bukas. E dukasyon at pagkalinga sa kapaligiran ang mga susi sa tagumpay na hinaharap ng isang bansa. Ang hindi pagkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon ay magiging isang balakid para maabot ang pag-unlad. Nararapat lamang na lahat ng mamamayan ay magkaroon ng oportunidad sa edukasyon na siyang magdadala sa bawat isa sa mga inaasam na mithiin. Sa isang banda, ang pangangalaga sa kapaligiran ay konektado sa hinaharap ng susunod na henerasyon dahil ang pag-aalaga natin dito ay pag-aalaga na rin natin sa kinabukasan, at ang pagsira natin ngayon ay isang tiyak na suliranin sa nalalapit na panahon katulad ng climate change. Sa pagtugon ng SMTCDC sa pangangailangan ng lipunan na may kinalaman sa edukasyon at pangangalaga sa kapaligiran ay inilunsad ang iba’t ibang Corporate Social Responsibility programs. M akatulong at makapagpasaya sa buhay ng mga kasapi. Ito ang adhikain ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) na sadyang pinagtutuunan ng pansin ng Lupong Patnugutan at ng Pangasiwaan upang ito’y lubos na maranasan ng mga kasapi sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang na produkto, serbisyo at benepisyo sa ating Kooperatiba. Kaya, hindi nakapagtatakang naging isang BILYONARYONG KOOPERATIBA ang SMTCDC. At malaking bahagi ng kinikita nito taun-taon ay inilalaan sa higit pang pagpapabuti ng episyenteng operasyon ng Kooperatiba, mga benepisyo para sa miyembro at maging sa pagkakaroon ng mga programang maka- bubuti sa komunidad na ating kinabibilangan. Nais naming umpisahan ang taong ito sa pamamagitan ng paglalabas ng Special Issue ng Sandiwa na nagtatampok ng iba’t ibang benepisyong pang-kasapian upang ipaalala ang buting idinudulot ng pagsali sa ating Kooperatiba. Kung hindi pa ninyo batid kung anu-ano ang mga ito, ito na ang inyong pagkakataon upang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol dito. Umaasa kami na sa pamamagitan nito, patuloy ninyong tatangkilin ang mga programa at paglilingkod ng SMTCDC kasabay ng panghihikayat din sa inyong kapamilya, kaibigan, kamag-anak at mga kakilala na mag-member na upang kanila ring maranasan ang gandang ibinubunga ng pag-anib sa ating Kooperatiba. M ula sinapupunan hanggang huling hantungan - ganyan kung ilarawaran ang ka- buuan ng pagbibigay-benepisyo ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) sa mga miyembro nito. Halos 70% ng kabuuang kasapian ay mga kababaihan. Karamihan sa mga tumatangkilik ng ating serbisyong pautang ay mga kababaihan. Kaya, minarapat ng Pamunuan na magkaroon ng benepisyong para lamang sa mga babaeng kasapi. At ito ay tinatawag na BuntiSuporta. Ipinatupad noong taong 2013, ang BuntiSuporta ay naglalayong makapagbigay ng mater- nity benefits sa mga miyembro para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Ito’y nagkakaloob ng tulong-pinansyal para sa pre-natal care check-up, folic acid supplements, obstetric ultrasound at childbirth education. Nakabatay sa halaga ng Share Capital at credit record ang benepisyo na makukuha dito na ang maximum ay nasa tatlong pre-natal care check-ups, 30 folic acid supple- ments, at isang obstetric ultrasound. Ang childbirth education ay isasagawa lamang sang-ayon sa diskresyon ng Kooperatiba depende sa dami ng makikinabang sa BuntiSuporta. Para makakuha ng benepisyong ito, ang miyembro ay kinakailangang buntis, may hindi bababa sa P2,000.00 sa Share Capital at P500.00 na Savings Deposit sa loob ng isang taon o higit pa, at GP sa pagbabayad ng utang. Ang claim ay dapat suportado ng diagnosis mula sa Obstetrician o Gynecologist at mga resibo ng pinagbayaran ng check-up, ultrasound o folic acid. Ito ay dapat na i-file sa panahon ng pagbubuntis lamang at hindi matapos manganak. Limitado rin sa isang pagbubuntis kada taon sa bawat miyembro ang pagki-claim dito. Kung target n’yo ang maximum benefits sa BuntiSuporta, palakihin na ang inyong Share Capital at ugaliin ang maagap na pagbabayad ng inyong utang. NI: JON-JON M. CELESTINO Vol. XXX Issue 1 Bocaue, Bulacan OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN OF TOURS CREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE OPERATION HIGHLIGHTS As of January 31, 2016 Php 1.549 B Total Assets Php 377.9 B Total Share Capital 38,633 Total Regular Members Sa SMTCDC, todo-todo ang Serbisyo’t Benepisyo! SMTCDC CSR Program NI: KARLO F. GALANG (Itaas) Ang ilan sa mga nagsipagtapos sa Musmos Aralan na nagbahagi ng kanilang natatanging bilang. (Ibaba) Ang mga kawani ng SMTCDC habang nakikilahok sa tree planting sa Bustos. BuntiSuporta: Para sa Ligtas at Maayos na Pagbubuntis Pebrero 2016

Transcript of Total Assets OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN … files/Sandiwa Special Issue on Social... ·...

Page 1: Total Assets OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN … files/Sandiwa Special Issue on Social... · nity benefits sa mga miyembro para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Ito’y

Ang St. Martin Musmos Aralan ay naglalayong makapagbigay ng edu-kasyon sa mga batang hindi pa naka-kapag-aral mula edad 4 hanggang 7. Nagkakaroon dalawang beses sa isang linggo ng “learning sessions” kung saan tuwing Sabado ay mga volunteer em-ployees ng Kooperatiba ang nagtuturo sa mga bata at tuwing weekdays naman ay mula sa partner barangay ang siyang nangangasiwa nito. Mula 2013 hanggang 2015 ay may 226 graduates na mula sa mga barangay ng Antipona, Lolomboy, Taal, Duhat, Sulucan at Caingin sa bayan ng Bocaue, Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria, at Tigpalas sa bayan ng San Miguel. Hindi sa Musmos Aralan nagtata-pos ang programang pang-edukasyon ng SMTCDC. Inilunsad din ng Kooperatiba ang Tulong Paaral kay Musmos, kung saan mula sa mga graduates ng Mus-mos Aralan ay pumipili ng mga scholars upang makapag-aral sa elementarya. Ang mga scholars ay binibigyan ng mga gamit sa pag-aaral, uniporme at daily allow-ance. Kinakailangan na ang mga scholars ay mag-aral na mabuti at magkaroon ng general average grade na hindi bababa sa 80%. Gayundin, sila ay dapat magkaroon ng magandang attendance record. Mayroon ding Purposive Feeding Program kung saan ito ay tumatagal ng tatlong buwan at nagbibigay ng masu-sustansyang pagkain sa mga piling mag-aaral dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ang programang ito ay nailunsad na sa Alkikabok Elementary School sa Orani, Bataan noong 2014 at

sa Bakod Bayan Elementary School ngayong Enero 2016. Para naman sa kalikasan, masigasig na sumasali ang SMTCDC sa mga tree planting activities, clean-up drive sa komunidad, brigada eskwela at iba pa. Sa katunayan, ang Kooperatiba ay aktibong nakikibahagi sa Lingap Ka-likasan, na isang proyektong pangkalikasan ng simbahan ng San Martin ng Tours na naglalayong mabago at maibalik ang sigla ng ilog ng Bocaue. Ang mga nasabing programa ay isang patunay na ang SMTCDC ay isang kooperatibang may puso. Sama-sama tayo sa pagtulong sa ating kapwa at pagsulong ng ating mga adhikain para sa maganda at may pag-asang bukas.

Edukasyon at pagkalinga sa kapaligiran ang mga susi sa tagumpay na hinaharap ng isang bansa. Ang hindi pagkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon ay magiging isang balakid para maabot ang pag-unlad. Nararapat lamang na lahat ng mamamayan ay magkaroon ng oportunidad sa

edukasyon na siyang magdadala sa bawat isa sa mga inaasam na mithiin. Sa isang banda, ang pangangalaga sa kapaligiran ay konektado sa hinaharap ng susunod na henerasyon dahil ang pag-aalaga natin dito ay pag-aalaga na rin natin sa kinabukasan, at ang pagsira natin ngayon ay isang tiyak na suliranin sa nalalapit na panahon katulad ng climate change. Sa pagtugon ng SMTCDC sa pangangailangan ng lipunan na may kinalaman sa edukasyon at pangangalaga sa kapaligiran ay inilunsad ang iba’t ibang Corporate Social Responsibility programs.

Makatulong at makapagpasaya sa buhay ng mga kasapi. Ito ang adhikain ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) na sadyang pinagtutuunan ng pansin ng Lupong Patnugutan at ng Pangasiwaan upang ito’y lubos na maranasan ng mga kasapi

sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang na produkto, serbisyo at benepisyo sa ating Kooperatiba. Kaya, hindi nakapagtatakang naging isang BILYONARYONG KOOPERATIBA ang SMTCDC. At malaking bahagi ng kinikita nito taun-taon ay inilalaan sa higit pang pagpapabuti ng episyenteng operasyon ng Kooperatiba, mga benepisyo para sa miyembro at maging sa pagkakaroon ng mga programang maka-bubuti sa komunidad na ating kinabibilangan. Nais naming umpisahan ang taong ito sa pamamagitan ng paglalabas ng Special Issue ng Sandiwa na nagtatampok ng iba’t ibang benepisyong pang-kasapian upang ipaalala ang buting idinudulot ng pagsali sa ating Kooperatiba. Kung hindi pa ninyo batid kung anu-ano ang mga ito, ito na ang inyong pagkakataon upang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol dito. Umaasa kami na sa pamamagitan nito, patuloy ninyong tatangkilin ang mga programa at paglilingkod ng SMTCDC kasabay ng panghihikayat din sa inyong kapamilya, kaibigan, kamag-anak at mga kakilala na mag-member na upang kanila ring maranasan ang gandang ibinubunga ng pag-anib sa ating Kooperatiba.

Mula sinapupunan hanggang huling hantungan - ganyan kung ilarawaran ang ka-buuan ng pagbibigay-benepisyo ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) sa mga miyembro nito.

Halos 70% ng kabuuang kasapian ay mga kababaihan. Karamihan sa mga tumatangkilik ng ating serbisyong pautang ay mga kababaihan. Kaya, minarapat ng Pamunuan na magkaroon ng benepisyong para lamang sa mga babaeng kasapi. At ito ay tinatawag na BuntiSuporta. Ipinatupad noong taong 2013, ang BuntiSuporta ay naglalayong makapagbigay ng mater-nity benefits sa mga miyembro para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Ito’y nagkakaloob ng tulong-pinansyal para sa pre-natal care check-up, folic acid supplements, obstetric ultrasound at childbirth education. Nakabatay sa halaga ng Share Capital at credit record ang benepisyo na makukuha dito na ang maximum ay nasa tatlong pre-natal care check-ups, 30 folic acid supple-ments, at isang obstetric ultrasound. Ang childbirth education ay isasagawa lamang sang-ayon sa diskresyon ng Kooperatiba depende sa dami ng makikinabang sa BuntiSuporta. Para makakuha ng benepisyong ito, ang miyembro ay kinakailangang buntis, may hindi bababa sa P2,000.00 sa Share Capital at P500.00 na Savings Deposit sa loob ng isang taon o higit pa, at GP sa pagbabayad ng utang. Ang claim ay dapat suportado ng diagnosis mula sa Obstetrician o Gynecologist at mga resibo ng pinagbayaran ng check-up, ultrasound o folic acid. Ito ay dapat na i-file sa panahon ng pagbubuntis lamang at hindi matapos manganak. Limitado rin sa isang pagbubuntis kada taon sa bawat miyembro ang pagki-claim dito. Kung target n’yo ang maximum benefits sa BuntiSuporta, palakihin na ang inyong Share Capital at ugaliin ang maagap na pagbabayad ng inyong utang.

NI: JON-JON M. CELESTINO

Vol. XXX Issue 1Bocaue, Bulacan

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN OF TOURSCREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE

OPERATION HIGHLIGHTS

As of January 31, 2016Php 1.549 B

Total Assets

Php 377.9 BTotal Share Capital

38,633Total Regular Members

Sa SMTCDC, todo-todo ang Serbisyo’t Benepisyo!

SMTCDC CSR ProgramNI: KARLO F. GALANG

(Itaas) Ang ilan sa mga nagsipagtapos sa Musmos Aralan na nagbahagi ng kanilang natatanging bilang. (Ibaba) Ang mga kawani ng SMTCDC habang nakikilahok sa tree planting sa Bustos.

BuntiSuporta: Para sa Ligtas at Maayos na Pagbubuntis

Pebrero 2016

Karlo 01
Text Box
Php 377.9 M
Page 2: Total Assets OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN … files/Sandiwa Special Issue on Social... · nity benefits sa mga miyembro para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Ito’y

2 SANDIWA Pebrero 2016KOOP-BALITA 3SANDIWAPebrero 2016 KOOP-BALITA

Scholarship Program

NI: JEAN ERIZ R. GALANG

Hindi lamang alahas, salapi, sasakyan at kahit anong materyal na bagay ang maaaring ipakahulugan sa salitang kayamanan. Ang edukasyon ay isa ring

kayamanang pangkaisipan na magbibigay sa isang indibidwal ng pagkakataon na magkaroon ng magandang kinabukasan. Sabi nga sa Bibliya, “Give a person a fish and he will eat only for a day but if you will teach a person how to fish, he will eat for a lifetime.” At dahil “Education is a greatest gift one person can give to another”, binuo ng Pamunuan ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) ang Scholarship Program para sa mga kabataang anak ng mga kasapi ng Kooperatiba na naglalayong sila’y mapagtapos ng kolehiyo at maabot ang kani-kanilang mga pangarap.

Ang unang batch ng bagong Scholarship Program na sina Jean, Robin at Sherwin na nagsipagtapos noong 2012.

Para sa mga requirements, kaila-ngan ay high school graduate sa isang pampublikong paaralan na kabilang sa top ten of the class. Magkakaroon ng pagsususulit na kung saan ay dapat makakuha ng at least 90% or above average na rating upang makakuha ng scholarship. Sa huli, ang tatlong maswerteng kabataan na makakapasa sa nasabing pagsusulit ay pagkakalooban ng apat na taong libreng pag-aaral sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc. sa Bocaue, Bulacan sa anumang business-related courses na kanilang nais. Kailangang mapanatili ang 2.0% over-all average grade kada semester sa loob ng apat na taon upang maipagpatuloy ang nasabing scholarship. Magkakaroon din ng training ang mga scholars apat na beses sa isang buwan sa SMTCDC Central Office upang masanay sila sa mga gawain ng Kooperatiba at maging handa sa pagsabak sa tunay na mundo ng pagha-hanapbuhay. Ipinagmamalaki kong sabihin na isa ako sa nabiyayaan ng Scholarship Program ng SMTCDC noong taong 2008. Sa tulong ng SMTCDC, nakapagtapos ako ng aking pag-aaral at sa ngayon ay namamasukan dito. Sa kasalukuyan, anim na college scholars pa ang pinag-aaral ng SMTCDC – tatlong 2nd year at tatlong 4th year. Sa mga magiging scholars pa, umaasa kami na pagbubutihan ninyo ang inyong pag-aaral. At para sa SMTCDC, lubos ang aming pasasalamat sa patuloy na pag-abot at pagsisilbi para sa lahat.

Sinisikap ng St. Martin of Tours Credit and Development Coop-erative (SMTCDC) na tugunan

ang basikong pangangailangan ng mga kasapi. Isa na rito ang paglinang sa kanilang kasanayan at mga kaala-man sa layuning mapataas pa ang kanilang kinikita o dili kaya’y mag-karoon sila ng mapagkakakitaan. Kadalasan, ito ay ibinibigay ng li-bre o dili kaya’y subsidized ng Koope-ratiba ang training costs. Karaniwan na kapag walang bayad ang ating pa-train-ing ay pinalad tayo na maka-tie-up ang training providers na may grant din mula sa TESDA tulad ng Our Lady of Mercy Foundation, Inc. at ng ATEC College. Sa pakikipagtulungan nila, matagumpay nating naidaos ang mga pagsasanay ukol sa Food and Beverage, Visual Graphic Design at Performed Body Scrub. Ang nakatutuwa pa rito, ang mga trainings na ito ay may national certification mula sa TESDA na kinikilala o kinukunsidera

Ang ikaapat na batch ng scholars na sina Camille, Joel at Carlo kasama ang kanilang mga magulang.

Ang ikatlong batch ng scholars na sina Faith, Vincent at Melody.

Ang ikalawang batch ng scholars na sina Daniel, Leah at Emee.

Ang mga estudyante ng Motorcycle Repair Training (itaas) at Bag-Making (ibaba) ay aktibong nakilahok sa mga learning sessions.

Masusing pagsasanay ang pinagdaanan ng mga kumuha ng Visual Graphic Design Training (itaas) at Food and Beverage Services (ibaba) na parehong TESDA Vocational Course. Kumuha ng lab exams ang ilang kamay-ari upang ma-monitor ang kanilang kalusugan.

“Sana cash na lang,” ito ang kadalasang naririnig kapag may okasyon tulad ng Pasko, Bagong Taon, Valentine’s Day at siyempre kapag Birthday!

Kaugnay nito, ipinatupad ng SMTCDC ang pagbibigay ng Birthday GC tuwing sasapit ang kaarawan ng mga miyembro nito na ang classification ng membership ay Gold, Silver at Bronze. Makukuha ang classification na ito sa pamamagitan ng point system sang-ayon sa mga sumusunod na pamantayan: Deposit Habit, Repayment Performance at Pagtangkilik sa mga Produkto ng Kooperatiba, Tagal ng Pagiging Kasapi, Halaga ng Share Capital at Paglahok sa mga Aktibidad tulad ng G.A., Koopulungan at Election.

Ang halaga ng Birthday GC ay P100.00 para sa Gold Member, P75.00 sa Silver Member at P50.00 sa Bronze Member. Maaari itong gamitin bilang pambayad ng loan sa SMTCDC o kaya’y karagdagang deposito sa Share Capital. Ito ay magagamit over the counter sa mismong petsa ng kaarawan ng miyembro o dili kaya’y sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng kaarawan nito.

Bukod sa Birthday GC, ang mga Gold, Silver at Bronze Members ay may kaukulang mga insentibo rin tulad ng diskwento sa livelihood trainings na idinaraos ng SMTCDC, mas mabilis na loan processing, at karampatang kaluwagan sa collateral deposit requirements. Kaya, tunay na makabubuti para sa lahat ang pagpapanatili ng magandang katayuan sa pag-utang, malimit na pagtangkilik sa mga produktong deposito at loans ng SMTCDC, at patuloy na pakikilahok sa mga pulong at iba pang aktibidad na isinasagawa nito upang makakuha ng mas magandang insentibo at mga benepisyo.

May benepisyo ka na,may Birthday GC ka pa!

NI: DICK DC. SOLIS

Livelihood Skills TrainingsNI: JON-JON M. CELESTINO ng mga employers dito man o sa abroad.

Tunay nga, sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, pilit isinasabuhay ng SMTCDC ang tagline nito na “Uplift-ing lives, Building Communities” at asa-han din na hindi maglalaon, gagana na ang Entrepreneurial Center para sa mga kasaping nagnanais na higit pang mapag-buti ang kanilang kabuhayan.

HospitalizationAssistanceNI:

JON-JON M. CELESTINO

Gaano man tayo kaingat upang pangalagaan at panatilihing malusog ang ating katawan, sadyang hindi pa rin natin maiwasan na minsan ay maratay tayo sa banig ng karamdaman. Mahal pa

naman ang gamot pati na ang pagpapaospital. Ngunit huwag mag-alala dahil sa oras ng inyong pagkakasakit, may SMTCDC pa rin na sa inyo’y magmamalasakit. Tama mga ka-may-ari! May tulong pinansyal na ibinibigay ang Kooperatiba sa mga kasaping na-confine sa ospital pati na doon sa out-patient ang kaso ng pagpapaos-pital. Ang halaga ng benepisyo ay mula P200.00 hanggang P3,000.00 depende sa laki ng Share Capital, katayuan sa pag-utang, at halaga ng nagastos sa ospital. Kung Gold Member ang kasapi, maaaring ipagamit ang benepisyong ito sa kanyang immediate family na kinabibilangan ng anak na 7 hanggang 17 taong gulang, asawa, at magu-lang na ang edad ay hanggang 65 taon lamang. May 60 araw na palugit para sa pagki-claim nito at kailangang ipasa ang medical certificate, hospital bill/resibo ng pinagbayaran, at hospital record sa ating opisina. Sa kabilang dako, hindi sakop ng Hospitalization Assistance ang mga sumusunod:

a. Executive check-up b.Self-inflictedinjuries c.Plasticsurgery d.Inducedabortion e.Injuriessustainedinthecommissionofacrime f.Sickness/injuriescausedbyillegalbusiness g.Sickness/injuriesduetodrugabuse h.Sickness/injuriesduetoattemptedsuicide

Hindi rin pinahihintulutan na makakuha ng Hospitalization Assistance iyong mga kasapi na ang Share Capital ay nananatili sa P2,000.00 sa nakalipas na dalawang taon o higit pa. Kaya, hangga’t maaari ay hinihikayat ang kasapian na patuloy na dagdagan o palakihin pa ang kanilang Share Capital sapagkat ito ang karaniwang pinagbabatayan ng halaga ng benepisyong makukuha mula sa ating Kooperatiba. Sa huli, higit na ma-halaga pa rin ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon, regular na ehersisyo, pahinga at pag-iwas sa mga bisyo upang sa anumang sakit ay may laban tayo.

SMTCDC + GEL = P5.00 DiscountNI: JENICA R. JAVIER

Bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay ang pagbyahe, papasok man ng eskwelahan, trabaho o maging sa pamamasyal. Kung kaya naman isang partnership sa pagitan ng German Espiritu Bus Liner at ng ating Koperatiba

ang namagitan para sa mas mura at kumbinyenteng paglalakbay para sa bawat kasapi nito noong ika-14 ng Setyembre 2014.

Sa bawat sakay sa German Espiritu Bus, P5.00 ang diskwentong handog para sa lahat ng miyembro. Ipakita lamang sa kundoktor ang inyong SMTCDC Membership ID na kahalintulad ng larawan sa ibaba. Para naman sa mga wala pang bagong Membership ID, makipag-ugnayan lamang sa sangay ng inyong kinabibilangan.

Tunay nga na hangad lamang ng ating Kooperatiba ang makapagbigay pa ng mas maraming benepisyo para sa mga kasapi sa iba’t ibang paraan sa tulong na rin ng ating mga partner institutions tulad ng German Espiritu Bus.

Discount on Laboratory Tests, Handog ng The Lord’s Hospital

NI: JENICA R. JAVIER

Ang bawat miyembro ng SMTCDC ay makatatanggap ng 10% na dis-kwento sa Ultrasound at X-ray, saman-talang 20% diskwento naman sa lahat ng in-house laboratory tests, in-patient o out-patient man. Kabilang sa mga laboratory tests na isinasagawa nila ang CBC/platelet, HGT, FBS, rbs, Choles-terol, Creatinine, Sodium Potassium, Uric Acid, Triglycerides, Urinalysis, Fecalysis, FA with OB, Dengue Test, Typhidot, Pregnancy Test, Blood typ-ing VDRL, Lipid Profile TSH, SGOT, SGPT, at LDL. Samantala, ang mga kasaping senior citizen ay hindi na kasali sa nasabing diskwento sapagkat sila’y sakop na ng awtomatikong 20% discount sa lahat ng serbisyo alinsunod sa batas. Dalhin lamang ang inyong SMTCDC Membership ID sa oras na kayo ay magpapatingin upang makaku-ha ng discount at magsadya sa The Lord’s Hospital na matatagpuan sa

Meymart Road, Brgy. Calvario, Mey-cauayan, Bulacan. Para naman sa mga wala pang bagong SMTCDC Member-ship ID, makipag-ugnayan lamang sa branch na inyong kinabibilangan.

Tulong pangkalusugan para sa mga nangangailangan -- iyan ang parehong adhikain ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) at ng The

Lord’s Hospital. Kung kaya’t isang kasunduan na epektibo sa loob ng isang taon ang nagpatibay sa pagsasanib ng dalawang institusyong ito noong ika-19 ng Agosto 2015.

Page 3: Total Assets OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN … files/Sandiwa Special Issue on Social... · nity benefits sa mga miyembro para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Ito’y

4 SANDIWA Pebrero 2016KOOP-BALITA 5SANDIWAPebrero 2016 KOOP-ANUNSYO

PROPERTIESFOR SALE

CONTACT US AT (044) 769-9242

Malibong Matanda, Pandi, Bulacan 256 sq.m P 3,000/sq.m

Meadows Exec. Vill., San Jose Patag, Sta. Maria Bul. 241 sq.m Php 8,000/sq.m

Azicate, Lolomboy, Bocaue, Bulacan 66 sq.m Php 5,000/sq.m

Bambang, Bocaue, Bulacan 1,507 sq.m Php400/sq.m

San Juan, Balagtas, Bulacan, 256 sq.m Php 2,500/sq.m

Constantino Subd., Abangan, Marilao, Bulacan 240 sq.m Php 5,000/sq.m

Northfields Exec. Village, Longos, Malolos City 287 sq.m Php 6,800/sq.m

Makapilapil, San Ildefonso, Bulacan 904 sq.m Php 1,200/sq.m

Ang SMTCDC Pension Plan ay isang premium-free plan na ibinibigay sa Senior Members na, noong kanilang kabataan, ay isinabuhay ang kahalagahan ng pagtitipid at pag-iimpok. Ito ay naglalayon na bigyan ng pagpapahalaga at pagkilala ang ating matatanda nang kasapi na permanenteng sumusuporta sa capital build-up program ng Kooperatiba. Upang maging Pensioner ang isang kasapi, kinakailangang siya ay:

• Edad 65 taong gulang pataas at kasapi ng SMTCDC saloobngdalawampung(20)taonohigitpa.

• MayhindibababasaP5,000.00ShareCapitalsanakalipasnalimang(5)taon.

• ACTIVEangmembershipstatus.• Maymagandangkatayuansapagbabayadngutang.

Ang buwanang pension na ibinibigay ay mula P75.00 hanggang P250.00 depende sa laki ng Share Capital Deposit ng bawat Pensioner. Ang iba pang benepisyo ng isang pensionadong miyembro ay ang mga sumusunod:

• WithdrawableanginterestngShareCapitaldeposit.• Hospitalizationassistance.• MaximumShareCapitalProtectionPlan(SCPP)benefito

anghalagang kanyangShareCapital, alinmanangmasmababa.

• PerpetualmembershipsaMortuaryFundPlan(MFP)• ReserbadongupuansaGeneralAssembly• PaanyayasaSeniorMembers’Day• Sandiwanaipapadalasakoreo.

Upang mapanatili ang buwanang pension, kinakailangang pangalagaan ng Pensioner ang kanyang credit record kung siya ay may kasalukuyang pagkakautang sa Kooperatiba at iwasan na bumaba o mabawasan ang kanyang Share Capital. Kung ganito kayo pinahahalagahan ng SMTCDC hanggang sa inyong pagtanda, kayo ba’y lilipat pa? Kaya, ipagpatuloy pa natin ang pagtangkilik sa mga serbisyong pautang at deposit products ng SMTCDC sapagkat tayo rin naman ang makikinabang hanggang sa huli. Tunay nga, kay sarap talagang tumanda sa SMTCDC! c”,)

Kay Sarap Tumanda sa SMTCDC

NI: ROSEL P. VENTURA

Mapapalad ang mga taong umaabot pa sa dapit-hapon ng kanilang buhay. Ang biyaya ng mahabang buhay ay marapat na ipagpasalamat sa Poong Maykapal. Higit

nating ipagpasalamat na sa kabila ng pagiging hindi na natin produktibo sa yugtong ito ng ating buhay, ay may mga tao o samahan pa ring nakahandang umalalay. Tulad na lamang ng SMTCDC at ang Pension Plan nito na para sa mga may edad at matatagal nang miyembro.

Gratuity PayNI: ROWENA DJ. CELESTINO

Hindi biro ang pamamahala at pagpapatakbo ng isang kooperatiba. Lalo na ang SMTCDC na isa na ngayong bilyonaryong kooperatiba. Kaya naman taong 2000 nang simulang ipatupad ang Gratuity

Pay na isang programa na kikilala sa mga naiambag ng mga naging halal na pinuno nito. Ang Gratuity Pay ay benepisyong ibinibigay sa ex-officio officers ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) bilang pagkilala sa serbisyong boluntaryo nilang ipinagkaloob noong sila ay nanunungkulan. Saklaw ng benepisyong ito ang lahat ng ex-officio officers ng SMTCDC na kinabibilangan ng Board of Directors, Audit Committee, Credit Committee at Election Committee na nakapanungkulan ng hindi bababa sa isang taon at umabot sa edad na 60 taong gulang. Ang Gratuity Pay ay ibinibigay ng minsanan lamang tuwing General Assembly at sa lagum na kaparaanan. Ang halaga ng benepisyo ay ang mga sumusunod:

Board of Directors – P2,000.00 sa bawat taon ng panunungkulan Audit/Credit Committee – P2,000.00 sa bawat taon ng panunungkulan Election Committee – P1,000.00 sa bawat taon ng panunungkulan

Hindi man kalakihan ang halagang ito kumpara sa panahon at talentong inilaan ng mga naging halal na pinuno ng SMTCDC, ang Gratuity Pay ay isang paraan ng ating Kooperatiba upang sila’y pasalamatan sa kanilang mga nagawa na naging sanhi ng pag-unlad ito.

Ang mga ex-of ficio na nakatanggap ng Gratuity Pay noong 2012.

FIRE VICTIMASSISTANCE

NI: FELIPE O. YALONG, JR.

Isa sa mga benepisyong handog ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative para sa mga miyembro nito ay ang FIRE VICTIM ASSISTANCE. Ito

ay tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng mula P1,000.00 hanggang P6,000.00 depende sa halaga ng share capital ng miyembrong apektado at sa pinsalang iniwan ng sunog. Upang makatanggap nito, ang miyembro ay kinakailangang isang taon nang member ng SMTCDC, siya ay may hindi bababa sa P2,000.00 Share Capital deposit sa nakaraang anim (6) na buwan at P500.00 sa savings deposit, ACTIVE ang membership status at may magandang katayuan sa pag-utang. Upang makapag-claim nito, kailangan ng certificate mula sa Barangay Hall na nagsasabing siya ay biktima ng sunog. Tatlumpung (30) araw ang palugit na ibinibigay ng Kooperatiba upang makapag-claim nito. Kaya, mangyaring ipaalam kaagad ito sa ating tanggapan upang maproseso ang inyong benepisyo. Higit sa lahat, walang mas mainam pa kung tayo ay hindi masusunugan. Kaya mga kasapi, doble ingat po at laging i-check ang mga maaaring pagmulan ng sunog.

No. Name Contribution

1 BARTOLOME, ANTONIO V. 8.00

2 MARTIN, WILFREDO J. 6.00

3 GONZALEZ, BERNARDA R. 9.00

4 TUAZON, AMPARO J. 10.00

5 NIETO, JULIA E. 8.00

6 GONZALES, JULIO G. 9.00

7 APAYAO, JOSEPH D. 6.00

8 GARCIA, FLOCERFINA G. 6.00

9 ZABAT, MARCELO D. 6.00

10 DELA CRUZ, MARIA C. 3.00

11 PEDRAGOSA, VIRGINIA A. 5.00

12 LIAD, CHARINA N. 5.00

13 JACOBO, FLORENCIO D. 2.50

Kami Po ay NakikiramayIpinaaabot ng pamunuan ng SMTCDC ang taos-pusong

pakikiramay sa mga naulila ng mga sumusunod na namayapang kasapi ng kooperatiba noong

buwan ng January 2016.

NI: ELIZABETH R. AURELIO Ipinababatid ng SMTCDC na ang mga sumusunod na mga kasapi ayawtomatikong tiwalag na sa Mortuary Fund Plan ayon sa inilathalang polisiya ng MF Program. Pinilit naming marating kayo sa pamamagitan koreo ngunit hindi namin matag-puan ang inyong tirahan. Sa mga nais muling makasali sa plano, magsumite lamang ng duly accomplished MF enrolment form at maagbayad ng reactivation fee kaakibat ng iba pang dokumento sa pinakamalapit na sangay ng SMTCDC. Kung kayo ay nakapagbayad na ng kaukulang kontribusyon, maaari nang ipagwalang-bahala ang patalastas na ito.

Balik liham ukol sa Mortuary Fund Plan, IPINABABATID SA MGA KINAUUKULAN

POBLACION BRANCHAGAPITO, RENATO JR. C.ARENZANA, BONN FRANCIS R.BANTA, NARGERY S.BLAS, ARLENE D.BONIFACIO, ARCEO B.CANLAS, MARICEL A.DABALOS, ROSALINA B.DELA CRUZ, ENRIQUE B.DELA CRUZ, MA. SOLIRAZON M.DESIDERIO, MA. TERESA N.FAUSTO, ELMAR S.FAUSTO, VIOLETA Z.FRANCISCO, GLENN M.GARCIA, ANNA LIZA R.GERMAR, MELANIE L.GUZMAN, ANNA RITCHEL B.LAMSIS, JOSEPH S.LAZARO, FELICIDAD C.LIBIRAN, ANGELICA G.ORTIZ, MYRA L.RAMIREA, PERLA M.SALVADOR, REGINALD C.TAN, EUFEMIA C.VALERIANO, ALLAN ANGELO S.VENUS, MARIPAZ A.VILLAFLOR, SHAERMAYNE ANNE D.

BUNLO BRANCHAQUINO, KATRINA MARIE R.BALINGOS, BETHEL JOY T.CAJANDAS, AMELIA L.CASINGAL, MARISSA P.DELA CRUZ, TERESITA D.ENRIQUEZ, SHEINALYN P.ESTIMADA, DONATO JR. B.LAMONTE, MA. CHRISTINA J.LINGO, SUSANA F.MAGBANUA, GLENN B.MARCELO, MARISSA T.MIRANDA, JOMAR S.POLICARPIO, LUCILA A.SANTIAGO, ERNESTO N.SARIO, RONALD A.SEBASTIAN, DANICA R.TABARANGAO, MICHELLE C.VALENCIANO, GILBERT C.

TAAL BRANCHCASIL, JULIETA S.DIGOL, MARIVIC M.ENRIQUEZ, VILMA I.FLORES, ROSEMARY C.FRANCISCO, MA. VICTORIA C.NOLASCO, LUCILA B.SALONGA, ARLENE E.

PULONG BUHANGIN BRANCHCHAN, EILEEN D.HAMBRE, ELIZABETH G.HAMBRE, MA. LIEZEL G.HAMBRE, RAYMOND G.LIBAO, JESS A.SISON, ROCELYN N.

BALIUAG BRANCHCUNANAN, RICO CHRISTOPHER C.FLORES, MYLINE C.HERMINIGILDO, AMELIA P. TELAN, CARLO BRYAN S.VALDEZ, ROSELLA L.VILLAREAL, RAINIER B.

GUIGUINTO BRANCHADRIANO, MARVIN B.BESA, JASMEN M.CALARA, MA. CECILLE R.CALMA, RICO S.CAUILAN, HOMER L.CULALA, MICHAEL JORELL E.DELA CRUZ, ROSELYN G.DIAZ, KAREN B.DIZON, VIRGINIA S.ECALDRE, EVANGELINE M.GARCIA, SENANDO JR. A.JOSON, JAIME G.LAVAPIE, MELODIE P.

LOPEZ, LOURDES F.MACLANG, EVANGELINE S.MARCELO, EUFEMIA P.NOFIEL, RIZA N.TAYAO, EDITHA E.

CABANATUAN BRANCHADSUARA, ERIC V.DICAM, NELLIE B.MORILLO, DESIREE E.PINEDAD, RICHARD R.VELA, EDELYN R.

MEYCAUAYAN BRANCHCASADA, JOSELITO R.FERNANDO, REGINA N.JOSE, SUNSHINE E.LARIN, JOSELYN M.MABANGOS, FRANKLIN B.MADRID, DIGNA C.MIRANDA, EUZEL B.NARVAEZ, MARIFE L.RAÑADA, DOROTHY C.RONQUILLO, ROWENA C.RUBIE, MARIVIC B.SANTOS, CLARISSA MAE D.TOBONGBANUA, MIA S.TUBLE, CARLITO A.VERBOSIDAD, RITCHIE P.

NI: ELIZABETH R. AURELIO

Page 4: Total Assets OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN … files/Sandiwa Special Issue on Social... · nity benefits sa mga miyembro para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Ito’y

6 SANDIWA Pebrero 2016KOOP-BALITA

EDITORIAL BOARDSANDIWA • Opisyal na Pahayagan ng SMTCDC

Editor in Chief: SERAFIN M. CELESTINO, JR., • Associate Editor: KARLO F. GALANG • Managing Editor: JENICA R. JAVIER

Writers and Contributors: JEAN ERIZ R. GALANG, DICK DC. SOLIS, ROWENA DJ. CELESTINO, FELIPE O. YALONG, JR., ROSEL P. VENTURA, ELIZABETH R. AURELIO

PRINTING PRESS: Ascende-Likha Prints & TradingThe SANDIWA is quarterly publication of St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) Poblacion Bocaue, Bulacan.

We welcome contributions from members and depositors. Please send your contribution to: THE EDITOR, Bunlo Central Office, Bunlo, Bocaue, Bulacan, (044)-815-2282 e-mail: [email protected]

SHARE CAPITAL PROTECTION PLAN:Benepisyong Laan sa Namayapang Kasapi

NI: JON-JON M. CELESTINO

Kadalasan, benepisyo sa Mortuary Fund lamang ang alam ng karamihan sa mga miyembro na ibinibigay para sa pumanaw na kasapi. Kaya, malimit ding maitanong kung bakit walang abuloy na galing mismo sa

Kooperatiba. Pero teka, wala nga ba? Ang sagot d’yan ay meron! Opo mga ka-may-ari, mayroong benepisyo mula sa SMTCDC para sa namatay nitong kasapi na ipinagkakaloob kasali ka man o hindi sa Mortuary. Ito ay tinatawag na Share Capital Protection Plan (SCPP). Maaaring hindi ito kasing-popular ng Mortuary Fund sapagkat ito ay libre o walang ibinibigay na anumang kontribusyon ang mga kasapi. Ang SCPP ay isang insurance-type na social service benefit na kung saan, ang bawat kasapi ay nakaseguro batay sa halaga ng kaniyang Share Capital. Ito ay para sa lahat ng kasapi at ang prima ay sagot ng Kooperatiba. Layunin ng serbisyong ito na hikayatin ang mga kasapi na palakihin ang kanilang mga Share Capital at upang maging aktibong muli ang iba nating mga ka-may-ari na sa ngayon ay hindi tumatangkilik sa ating Kooperatiba. Bagama’t ito ay libre, may mga pamantayan o kondisyong kailangan bago mapagkalooban nito. Ito ay ang mga sumusunod:

• Angtagalngpagigingkasapiayhindibababasatatlong(3)taon.• MayminimumnaP2,000.00ShareCapitalsanakalipasnaanimnabuwan.• AngmembershipstatusayACTIVE.• MaymagandangkatayuansapagbabayadngutangsaKooperatiba.

Sa kasalukuyan, ang maximum na halaga ng benepisyong maaaring matanggap ng beneficiaries ng namatay na kasapi ay nasa P15,000.00. Ang benepisyong makukuha dito ay tinutuos batay sa edad ng kasapi sa panahon ng kanyang pagpanaw, tagal ng pagiging kasapi, at average balance ng kanyang Share Capital sa nakalipas na tatlong taon bago ang kanyang pagpanaw. Ang documentary requirements dito ay kapareho ng requirements sa pagki-claim ng Mortuary benefit. Kung miyembro ka rin ng Mortuary at patuloy mong pinalalaki ang iyong Share Capital, GP sa pagbabayad ng utang, malaki ang posibilidad na mas malaki ang iyong maiiwan sa iyong mga mahal sa buhay sapagkat bukod sa Mortuary, may SCPP ding ibinibigay ang SMTCDC.

Ang Mortuary Fund Plan NI:

JON-JON M. CELESTINO

Kung mayroong bagay na tiyak na darating sa ating buhay, iyan ay walang iba kundi ang ating pamamaalam sa mundong ibabaw. Ito ay walang

pinipili. Bata o matanda, mahirap ka man o mayaman, ika’y maganda o mayroon lang angking kabaitan, siyento porsyento na sa huling hantungan din tayo patutungo. Iyon nga lang, una-una lang ‘ika nga ng kaibigan kong sepulturero c”,)

Sa yugtong ito ng ating buhay, mayroon ding benepisyong pang-kasapian na ibinibigay ang SMTCDC. Iyan ay kilala bilang Mortuary Fund Plan (MFP). Ang MFP ay programang abuluyan ng lahat ng miyembro sa Mortuary para sa pumanaw na kasapi rin ng Mortuary. Layunin nito na maitaguyod ang pagmamalasakit ng mga miyembro sa kapwa nila miyembro lalo’t higit sa oras ng kanilang pagdadalamhati. Ang serbisyong ito ay compulsory sa lahat ng regular members ng SMTCDC batay sa mga sumusunod na kwalipikasyon: (a) may edad na 18 hanggang sa hindi lalampas sa 65 taong gulang; at (b) may minimum na P2,000.00 Share Capital at P500.00 Savings Deposit. Ang paunang kontribusyon sa Mortuary ay dalawang daang piso (P200.00) samantalang ang kritikal na halaga na kung saan kailangan nang dagdagan ang kontribusyon sa Mortuary ay itinakda sa isandaang piso (P100.00). Ibig sabihin, kung ang balanse ng inyong MF contribution ay nasa P100.00 na, ito ay kailangan n’yo nang punan. Ang pagdaragdag ng kontribusyon sa Mortuary ay maaaring sa pamamagitan ng awtomatikong pagkaltas sa inyong Regular Savings account o direktang pagbabayad sa sangay na inyong kinabibilangan. Tandaan na tungkulin ng lahat ng MF members na i-monitor ang balanse ng kani-kaniyang MF contribution nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakatiwalag sa kasapian ng MFP dulot ng naubos at hindi napunang kontribusyon. Ang pagkakatiwalag sa kasapian ng MFP ay nangangahulugan na hindi na siya makakakuha ng anumang benepisyong nauukol dito. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang P100,000.00 ang benepisyong nakukuha dito. Ito ay tinutuos base sa bilang ng mga nag-aambag na kasapi sa Mortuary, tagal ng pagiging kasapi sa Mortuary, at credit record sa Kooperatiba. Ang abuloy ay mula P5.00 hanggang P10.00 kada miyembro ng Mortuary sang-ayon sa mga nabanggit na pamantayan. Kung ang namatay na kasapi ng Mortuary ay may hindi kaaya-ayang credit record, kalahati lamang ng itinakdang ambagan ang kanyang makukuha. Ito rin ay awtomatikong ipambabayad sa naiwang utang sa Kooperatiba at tanging ang sosobra lamang, kung mayroon, ang ibibigay sa itinakda niyang benepisyaryo. Kaya kung kayo ay may utang, tiyakin na on-time ang inyong pagbabayad upang ang inyong MF benefit ay hindi maapektuhan. Bukod sa pinansyal na abuloy, nagbibigay rin ng mass card at isang kabang bigas ang SMTCDC. Ang maganda pa sa MFP, kung ikaw ay may 20 taon nang kasapi sa Mortuary, edad 65 pataas, at may hindi bababa sa P5,000.00 Share Capital, hindi ka na mag-aambag sa Mortuary Fund ngunit ikaw ay mananatili pa ring kasapi dito. Bagama’t walang health declaration requirement ang MFP, may itinakdang pre-existing illnesses ang Kooperatiba na hindi covered ng Mortuary benefit sa loob ng isang taon. Ibig sabihin, kung ang isang MF member ay namatay dahilan sa alinman sa mga sakit na iyon sa loob ng isang taon mula sa petsa ng kanyang pagsali sa Mortuary, siya ay hindi makakakuha ng benepisyo dito. Gayunman, ibabalik ng SMTCDC ang halagang kanyang naiambag sa Mortuary. Ang mga sakit na kabilang dito ay ang mga sumusunod:Myocardialinfarction (MI) and its complications, Diabetes Mellitus (DM) and itscomplications,Moderatetoseverehypertensionanditscomplications,Canceranditscomplications,atCongenitalabnormalityanditscomplications. Nakipag-partner din ang SMTCDC sa Nicolas Funeral Home para sa mas pinalawak na serbisyong pang-mortuaryo na kung saan makakakuha ng de-kalidad na serbisyo sa abot-kayang halaga ang pamilya ng namatay na MF member depende sa napili nilang funeral service package.

Sa pakikipagtulungan sa Nico-las Memorial Home, ang Mortuary Fund membersay entitled sa discount-ed rates sa napili nilang funeral ser-vice package, tulong sa pagkuha ng dokumento o pakikipag-usap sa mu-nisipyo, simbahan o sementeryo; dala-wang gabing paninilbihan ng kawani ng Nicolas na nakahandang umasiste sa lamay. Malaking tulong na ito lalo na sa ngayon na lubhang kay mahal ng gastusin sa pagpapalibing. Sa hinaharap, maaaring madag-dagan pa ang partnership na tulad nito para sa kapakinabanganng ating mga kasaping naninirahan sa labas ng Bocaue. Lagi nating tatandaan na hanggang sa huli, kasama n’yo ang SMTCDC.

Funeral CareNI: JON-JON M. CELESTINO

Mahirap mamatayan ng mahal sa buhay. Bukod sa emosyonal na sakit, daragdag pa sa pasanin ang pinansyal na intindihin at iba pang asikasuhin

sa burol o lamay na talaga namang nakakapagod kung iisipin.Sapagkat nais ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) na kahit papaano ay makatulong na mapagaan ang pagdadalamhati ng pamilya ng namatay na kasapi, pinalakas nito ang Mortuary Fund Program sa pamamagitan ng Funeral Care Service.