Thesis ni liz tsu format orig &edited

154
Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO Panimula Ang epektibong pagpapahayag sa sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa isang paksa sa pasulat na anyo gamit ang ating sariling wika ay isang kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral. Ang kasanayang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat kabataan . Subalit sa panahong ito, isang hamon sa bawat guro at mag- aaral ang pagsulat. Bawat mag-aaral ay nakakararanas ng matinding alalahanin kung paano nga ba sisimulan ang pagsusulat. Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999).

description

 

Transcript of Thesis ni liz tsu format orig &edited

Page 1: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Panimula

Ang epektibong pagpapahayag sa sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa

isang paksa sa pasulat na anyo gamit ang ating sariling wika ay isang kasanayan na dapat

malinang sa bawat mag-aaral. Ang kasanayang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili at

kakayahan sa pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat

kabataan . Subalit sa panahong ito, isang hamon sa bawat guro at mag-aaral ang pagsulat.

Bawat mag-aaral ay nakakararanas ng matinding alalahanin kung paano nga ba sisimulan

ang pagsusulat.

Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan

ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya.

Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat.

Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa

pagsulat (Badayos, 1999).

Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa

kasanayang ito ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng pagsulat. Masasalamin ang

kahandaang ito sa maraming gawaing inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat .

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring

magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng ating

kaisipan. Samakatwid ang pagsulat ay bunga ng ating mga karanasan at kaalaman. At ito

ay binibigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng pagsulat.Ang kawalan ng karanasan

at kaalaman sa isang paksa ay isang balakid sa epektibong pagpapahayag at pagbuo ng

Page 2: Thesis ni liz tsu format orig &edited

komposisyon.

Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa wastong gamit

ng mga salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at retorika. Marapat lamang na ang

isang mag-aaral ay maihanda at magabayan sa pagkakamit ng mga kasanayang

nabanggit upang maging magaan at mabisa ang pagsusulat.

Binigyang-diin nina White at Arndt (1991) at Raimes (1983) ang pagsulat bilang

isang proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi nahahati sa iba’t ibang yugto.

Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-

aaral sapagkat habang nagsusulat, natututuhan din nila kung paano mag- eksperimento

gamit ang wika. Dahil sa ganitong kalikasan ng pagsulat, kailangang iparanas sa mga

mag-aaral ang process approach na binubuo ng sumusunod na mga yugto: bago sumulat;

paggawa ng borador; pagrerebisa; pag-eedit at paglilimbag. Ang mga gurong gumagamit

ng ganitong dulog ay nakabibigay sa mga mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta

sa pagbuo ng isang sulatin ito ay ang sapat na oras sa pagsusulat at pagbibigay ng puna.

Pinatutunayan lamang nito na nararapat na maituro sa mga mag-aaral ang process

approach sa pagsulat upang maihanda sila sa isang makabuluhang pagsusulat. Inaalis rin

nito ang mga balakid na maaaring humahadlang upang maging madali ang pagpapahayag

ng saloobin at pananaw tungkol sa isang paksa.

Mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung ang mga mag-aaral ay bibigyan ng

sapat na panahong makapagsulat; binibigyang diin na ang pagsulat ay nangangahulugan

ng eksperimentasyon sa paggamit ng wika, pagsubok ng mga bagong ideya, isang

gawain ng paglikha. Mahalaga ring mabigyan ng angkop na kasangkapan at espasyong

makatutulong sa mas mabilis at epektibong paglinang ng kasanayan sa pagsulat.

2

Page 3: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Pinatutunayan ng mga nabanggit na impormasyon na ang process approach ay

maaring magamit upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay nagagabayan at nalilinang

ang kakayahan sa pagsulat na napakahalaga sa pagkakamit ng pang-akademikong

pagganap. Ito rin ay nagpapatibay ng mga tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong

Sekondarya ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapaki-pakinabang na

Literasi para sa Lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa mithiin ng Edukasyon

para sa Lahat 2015 (Education For All 2015). Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng

Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa

at pagpapahalagang literari ng mga mag-aaral sa antas sekondarya. Lilinangin ang limang

makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng

iba’t ibang dulog at pamamaraan.

Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa ring maling pananaw sa pagsulat ang

umiiral tulad ng: pampalipas oras ang pagsulat, isang parusa at kailangan lamang gawain

o makapagsa bilang kailanganin para magkaroon ng marka kung kaya nawawala ang

tunay na layunin at kahalagahan ng pagsulat. Ang kahirapan sa pagtuturo ng pagsulat ay

mapapagaan sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda sa parte ng guro (Lozano 2002).

Hanggang sa pagtuntong sa sekundarya ay dala-dala nila ang pananaw na ito sa pagsulat

sapagkat hindi nalinang sa kanila ang tamang kasanayan at motibasyon sa pagsulat.

Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay naniniwala sa kahalagahan ng

pakikipagtalastasan na pasulat sa lubos na pagkatuto ng bawat mag-aaral. Nakakatulong

ito sa pag-aangat ng kakayahang pang-akademiko ng bawat mag-aaral at kahusayan sa

pagpapahayag ng sarili.

Ang bawat institusyon ng lipunan gaya ng paaralan ay may responsibilidad sa

3

Page 4: Thesis ni liz tsu format orig &edited

paghubog ng kasanayan sa pakikipagtalastasan maaring ito ay pasalita o pasulat man.

Ang paglinang ng kakayahang ito ay magdudulot ng higit na pakinabang sa bawat

kabataan na nagnanais na marinig ang saloobin, maunawaan ang pagkatao, maibulalas

ang kanyang damdamin at magkamit ng mataas na antas ng karunungan at kaganapang

pantao.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na masukat ang kabisaan ng process approach sa

pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Pampublikong Paaralan

ng Caluluan, Concepcion, Tarlac, Taong Panuruan 2012-2013.

Sa kabuuan, sinikap na tugunan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos

maituro ang process approach bilang isang estratehiya sa pagsulat batay

sa:

1.1 nilalaman

1.2 organisasyon

1.3 talasalitaan

1.4 wika

1.5 mekaniks

2. Gaano kabisa ang paggamit ng process approach sa pagpaunlad ng kasanayan

sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga marka sa kanilang mga

komposisyon?

4

Page 5: Thesis ni liz tsu format orig &edited

3. Ano ang naging kalakasan at kahinaan ng process approach batay sa saloobin

at pananaw ng mga mag-aaral?

4. Ano ang implikasyon ng mga natuklasan ng pag-aaral sa pagtuturo ng

pagsulat sa Mataas na Paaralan ng Caluluan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, magulang,

guro, Punong-Guro at mga gumagawa ng patakaran sa edukasyon.

Sa mga mag-aaral sa high school, ito ay magdudulot ng kamulatan sa

kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsulat ng may prosesong sinusunod upang

higit na mabisa at kawili-wili ang pagsulat.

Sa mga magulang, ito ay magsisilbing hamon upang higit na gabayan

ang kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng kasanayan sa pagsusulat higit lalo na

sa pagbuo ng tiwala at pagtingin sa sarili. Ang pagsusulat ay isang paraan ng

pagbabahagi sa ating kapwa tao ng ating mga pananaw at saloobin batay sa ating

kaalaman at karanasan

Sa mga guro, magbibigay ito ng lubos na kamalayan at kaalaman

upang higit na maging epektibong guro sa Filipino sa pamamagitan ng pagggamit ng

estratehiyang ito sa pagtuturo ng pagsulat. Sa ganitong paraan higit na mas gagaan ang

pananagutan sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat at ang kahalagahan ng pagbibigay

ng puna sa kalagayan ng bawat mag-aaral sa paraan ng pagsulat na lubos na

makakatulong sa paglinang ng kasanayang ito.

5

Page 6: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Sa mga Punong-Guro at tagagawa ng mga Patakaran sa Edukasyon Ito ay

magsisilbing tagapaggising na lalong gabayan at suportahan ang mga guro sa pag-aaral

ng dulog na ito para sa mabisang pakikipagtalastasan tungo sa higit na mataas na kalidad

ng edukasyon at pang-akademikong pagganap.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kabisaan ng pagtuturo ng

process approach sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na

Paaralan ng Caluluan para sa Taong Panuruan 2012-2013.

Ito ay tuwirang nagsuri sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat bago

at matapos ang paggamit ng process approach. Nailarawan nito ang antas ng kasanayan

ng mga sinulat na komposisyon mula sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at

mekaniks. Layunin din nito na maimulat sa mga guro ang paggamit ng process approach

sa pagsulat para sa higit na makabuluhang pakikipagtalastasan ng mga kabataan.

Ang mga pinagmulan ng datos ay galing sa 290 na mag-aaral mula sa mga ito ay

kinuha ang 80 kalahok. Ginamit ang random sampling na fish bowl technique upang

makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling upang ayusin ang mga

kalahok batay sa kanilang marka sa Filipino II mula sa pinakamatas at pinakamababang

marka binigyan ang mga marka ng bilang mula 1-80. Mula sa mga bilang na ito ay

ginamit ang lahat ng odd number bilang control group at ang even number bilang

experimental. Sa pagtala ng iskor sa mga isinulat ang mananaliksik ay gumamit ng

Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat at ang kabisaan ng paggamit ng process

6

Page 7: Thesis ni liz tsu format orig &edited

approach.

Mga Katawagang Ginamit

Upang lubos na maunawaan ang pag-aaral, ang mananaliksik ay gumamit ng mga

terminolohiyang na kanyang binigyang kahulugan konseptwal at batay sa pagkakagamit

nito sa pag-aaral.

Kabisaan.

Di-Pormal na Sanaysay.

Liham na Paanyaya.Ito ay isang uri ng liham pangkaibigan na nagsasaad ng paanyaya

sa isang mahalagang pagtitipon nakapaloob dito ang mahahalagang detalye ng okasyon

tulad ng layunin, kailan at saan. Madalas inilalagay rin ang uri ng kasuotang inaasahan

gayundin ang direksyon papunta sa lugar ng okasyo. Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa

pagsulat ng liham ng paanyaya sa isang kilalang tao upang maging tagapagsalita sa isang

pagpupulong.

Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaatend ng mga klase

sa paaralan.(http//education.yahoo.com/reference). Sa pag-aaral na ito, ito ay tinutukoy

ang mga mag-aaral na nasa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, Taong

Panuruan 2012-2013.

Maikling-kwento. Ito ay salaysay na may ilang tauhan at isang pangyayari sa

kasukdulan.

Mekaniks. Ito ay tumutukoy sa bantas gaya ng tuldok, kuwit, tandang pananong,

tandang padamdam at kudlit na ginagamit sa pangungusap at pagbaybay na tumutukoy sa

katumpakan ng pagkakasulat ng mga salita.

7

Page 8: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Nilalaman.Tumutukoy ito sa kahulugan o kabuluhan ng isang paksang sinulat.

(http.google.com.) Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa kabuluhan ng mga detalyeng

sinulat at pagkakaugnay ng mga kaisipang inilahad.

Organisasyon. Ito ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at pansuportang detalye.Maging

ang paraan ng pagkakabuo ng paksa mula sa panimula, katawan at wakas.

Process Approach (Prosesong Dulog). Ito ay isang estratehiya sa pagsulat na hindi

nakatuon sa produkto ng sinulat kung hindi sa proseso ng pagsulat.Ang mga mag-aaral

ay sasailalim sa tatlong yugto ng pagsulat: ang unang yugto (Prewriting) ito ay

kinapapalooban ng mga panimulang gawain gaya ng pagpili ng paksa,anyo ng

komposisyon, paglilimita sa paksa pangangalap ng mga impormasyon at pag-aayos ng

mga ideya, ikalawang yugto ang pagsulat (Writing) kinapapalooban ng pagsulat ng

unang burador at rebisyon at ang huling yugto ay pagsulat na muli (Post writing)

nakapaloob dito ang proofreading at pagbibigay puna at huling pagsulat.

Sanaysay. Ito ay malayang paraang naglalahad ng kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng

kasiyahan ng sumusulat; upang umaliw, magbigay-kaalaman o magturo.

Talasalitaan. Tumutukoy ito sa angkop na pagpili at paggamit ng salita, idyoma. at

talinghaga sa isang komposisyon.

Tradisyunal na Paraan ng Pagsulat.Tumutukoy ito sa pagtuturo ng pagsulat na

nagsisimula sa pagtalakay sa paraan ng pagsulat ng isang partikular na komposisyon at

saka na magsusulat ng burador,ito ay ipapasa sa guro para sa pagbibigay ng marka.

Wika. Tumutukoy ito sa ugnayan ng aspekto, bilang, salita, pantukoy, panghalip at iba

pang bahagi ng salita na ginagamit sa pagbuo ng isang makabuluhang komposisyon.

8

Page 9: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa bahaging ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

makabuluhang ginamit ng mananaliksik upang lalong maging maliwanag ang paglalahad

ng kasalukuyang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang pagsulat ayon kay Badayos (2001) ay isang kompleks na kasanayan.Ang

isang manunulat ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa

pagbuo ng isang sulatin, gaya ng mga sumusunod:

1. Tapik/Paksa- kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o

impormasyon sa paksang susulatin.Ang kaalaman/impormasyon ay maaring sa

mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa o mga impormasyong nakalap buhat sa

mga pagmamasid at personal na mga karanasan.

2. Layunin- dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit sila

nagsusulat.Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraang ng

pagsulat.Kaya ang kaibhan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatya ng

malaki sa layunin.

3. Interaksyon at Isang Kamalayan ng Awdyens-dapat isaisip ng isang

manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat.Kung minsan, ang

manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa ,kapag nagsusulat sila ng

dyornal pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang

tao.Nagsusulat ka para mangumusta o di kaya’y sa pagsulat ng isang maikling

paalala/mensahe o kung may nais ipagawa sa isang kasambahay.Kailangan ding

9

Page 10: Thesis ni liz tsu format orig &edited

linangin ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na

alamin kung sino ang sinusulatan,ano ang gusto niyang malaman, ano ang lawak

ng kanyang pag-unawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin kung

isasaalang-alang ang kanyang kalagayan sa buhay at antas ng kanyang pinag-

aralan.

4. Wika- ang isang manunulat ay kailangan mayroong kaban ng wikang maaring

gamitin ayon sa pangangailangan.Dapat alam nila ang istilo ng wikang angkop

na gamitin sa lahat ng pagkakataon.Ang wika ay instrumentong ginagamit ng tao

sa pagpapahayag ng kanyang isipan at damdamin maging ito man ay pasalita o

pasulat.

5. Kombensyon- dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa pagsulat na

tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at istilo ng

wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang memorandum.

6. Mga kasanayan sa pag-iisip-ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng

iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa

pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya ang kung alin

ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang

makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang paglawin ang

kanyang imahinasyon at maging malikhain sa isang kawili-wilang

paglalahad;kailangan mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling

pagpapasya at iba pa.Anupa’t totoong masasabi natin na ang pagsulat ay isnag

kompleks na proseso sa pag-iisip.

7. Kasanayan sa Pagbubuo- isa sa mga tungkulin ng manunulat ang makabuo

10

Page 11: Thesis ni liz tsu format orig &edited

nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga

pansuportang detalye.Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na

lohikal na mailahad ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng

isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng mga angkop na pang-

ugnay.

8. May sariling Sistema ng Pagpapahalaga- dapat isaalang-alang sa pagsulat

ang mga pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat at handa niyang

panindigan ang mga ito.Binibigyang-pansin niya sa pagsulat ang mga

sumusunod:

ano ang mahalaga sa paksa

ano ang maganda o mahusay na pagsulat

ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may

edad kaysa sumusulat.

sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin.

9. Mekaniks (pagsusulat, pagbaybay, pagbabantas, kombensyon sa

pagsulat)-dapat isaisip na ang maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay

isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan din na ang

lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin

dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na

gagamitin sa pagsulat.

10. Ang Proseso ng Pagsulat- dapat mabatid ng isang manunulat ang mga

proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa; paglilikom ng mga ideya;

paggawa ng draf o burador; pagrerebisa, pag-eedit, ibayong pagtingin at

11

Page 12: Thesis ni liz tsu format orig &edited

pagpapakinis sa buong manuskrito at paglalathala.

Ayon pa rin kay Badayos (2002) ang kalagayan o kultura sa ating paaralan ay

maaring makalikha ng mga di makatwirang pagpipilit ng mga metodo sa mabisang

pagsusulat.Ilan sa mga ito ang pagtatakda ng bilang ng pormal at di pormal na sulatin

para sa isang takdang panahon na di man isinasaalang-alang ang abilidad ng isang klase o

pangkat.Nariyan pa ang estratehiyang “write – to-a-title-approach” at iba pang gawi na

totoo namang pinaglumaan na ng panahon.Nagpahayag siya ng mga walong (8) batayang

simulaain sa pagsulat na hindi dapat kaligtaan ng mga guro:1. Iba-ibahin ang haba ng

sulatin, 2. Suriin at ipaalam ang kombensyon ng mga uri ng tekstong isinulat, 3. Iugnay

ang pagsulat sa iba pang hati ng mga kasanayang makro sa pagtuturo ng wika, 4. Iplano

ang mga aralin nang may wastong pagkakasunud-sunod, 5. Tiyaking may interaksyong

pang-mag-aaral sa proseso ng pagsulat, 6. Talakayin ang layunin sa pagsulat at ang

awdyens na paglalarawan nito, 7. Ituro ang mga teknik ng pag-eedit ng sulatin at 8. Iba-

ibahin ang pokus ng pagmamarka.Dinagdag pa niya sa kanyang pagwawakas ang mga

mungkahing paraan upang mabago at mapaunlad ang mga kaganapan sa mga

pagtuturo.Nagbigay siya ng mga mungkahi para mahawan ng bagong landas at direksyon

ang pagtuturo ng pagsulat:

1. Bigyan ng masusing pagtaya ang kasalukuyang dulog sa pagtuturo ng pagsulat

batay sa mga simulain sa pagtuturo ng wika.

2. Isaalang-alang ang mga batayang elemento sa pagtuturo at pagkatuto sa pagsulat

maging ito man ay una o ikalawang wika gaya ng manunulat, mambabasa, ang uri

ng teksto, ang konteksto at ang interaksyon ng mga ito sa isa’t isa.

12

Page 13: Thesis ni liz tsu format orig &edited

3. Magkaroon ng pagsusuri sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagsulat upang

maging batayan ng kurikulum sa pagsulat sa bawat antas ng pag-aaral.

4. Bumuo ng isang silabus sa pagsulat na may komplimentasyon ang Ingles at

Filipino upang maiwasan ang duplikasyon ng mga gawain (gaya ng kung naituro

na sa Filipino ang pagbabalangkas hindi na dapat ito ituro sa Ingles).

5. Idokumento ang anumang karanasan sa pagtuturo na sa sariling palagay ay naging

epektibo sa pagkatuto.Maaring nasa loob ng silid-aralan ang mga epektibo at

mabisang pamamaraan at teknik sa pagkatuto.

Ang ikatlong mungkahing nabanggit ang naging batayan ng mananaliksik upang

bigyang diin at magsagawa ng pananaliksik ukol sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo

ng pagsulat ng sa gayon ay makagawa ng isang rekomendasyon na mapapakinabangan ng

mga kapwa guro ko sa Filipino higit lalo na ng mga mag-aaral na siyang sentro ng

pagtuturo.

Ang pagsulat ayon kay Tumangan at iba pa (2001) ay isang paraan ng

pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga

sagisag ng mga tunog ng salita.Ito rin ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa paraang

palimbag upang maipahayag ang kanyang iniisip at nadarama.Sa mga mag-aaral ang

pagsulat ay ay isang paraan ng pagkatuto o pagtaya ng kanilang natutunan.Natututo

silang magsulat ng isang komposisyon bilang paghahanda sa pagsulat ng mahabang

salaysay,sumusulat silat ng ulat upang matuto ng mga bagay at impormasyong isinasama

sa ulat at nagsusulat sila ng isang napapanahong papel na nakadaragdag sa kanilang mga

kaalaman sa iba’t ibang paksa na isinasama sa pananaliksik. Nagsisilbing ebalwasyon ng

pagkatuto ang pagsulat kapag maganda ang ulat na sinulat,higit na malaman at kapaki-

13

Page 14: Thesis ni liz tsu format orig &edited

pakinabang ang napapanahong papel at talagang nagsaliksik at nagbasa ng mga

sangguniang aklat.

Ayon kay Hedge (2002) ang pagsulat ay hindi lamang isang simpleng paraan ng

pagsasalin ng wika sa pasulat na simbolo ito ay isang proseso ng pag-iisip. Ito ay

nangangailangan ng intelektwal na pagsisikap na dapat na mapanatili sa isang takdang

panahon.Sapagkat ang kabisaan sa wika ay hindi sapat upang mapadali ang pagsulat

bagkus dapat ang pangkognitibong kasanayan.

Binigyang pansin ni White (2004) ang ating utak ay hindi lamang nakatuon sa

mga salitang nakalista at nakalinya. Bagamat makikita sa mga talumpati at napapanahong

papel ang mga hanay ng salita ito pa rin ay dumadaan sa proseso ng pagpili na nagaganap

sa ating isip. Ang manunulat ay nakakaranas ng mas mataas na yugto ng pag-iisip.gaya

ng isang kompyuter na nagsasaliksik ng angkop na ideya na angkop sa paksang sinusulat.

Ang kawalan ng aktibong pakikibahagi ng manunulat ay maaring magbunga ng kabiguan

sapagkat ang ideyang ito ay hindi matatamo. Samakatwid, napapadali ang pagsusulat

kapag nararating ng manunulat ang yugto ng kamalayan o “subconscious mind”. Sa kahit

na anong sitwasyon kung saan ang manunulat ay pumipili o binibigyan ng isang paksa o

suliraning bibigyan ng kalutasan, ang paksa ay magiging “felt sense in a vague fussy

feeling within the body created by the images, words, ideas evoked by the topic”.

Samantalang si Edward (1987) ay nagpapatunay na ang pagsusulat ay maaring

maisama bilang pinakamahirap na kasanayan sa wika. Mga kamalian sa pagbaybay at

gramatika ay hindi maiiwasan kahit na maliwanag ang kahulugan at ang pagkakasulat ay

kaakit-akit at maayos.

14

Page 15: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Sa artikulo ni Keh (1990) ipinahayag niya na ang proseso ng dulog sa pagsulat

ay nangangailangan ng mga maraming mga hakbang mula sa paglikha ng

ideya,pagsulat,pagrerebisa at pagkuha ng feedback sa mga bumasa ng iyong sinulat at

pagsulat muli. Siya ay nagdisenyo ng mga hakbanging sa pagsulat na hango sa ganitong

pananaw. Ang kanyang disenyo ay nakabalangkas ng ganito.

Panimulang Pagsulat (Prewriting)

Sa yugtong ito ng pagsulat ang mag-aaral ay nagpaplano ng kanyang

isusulat bago sulatin ang borador.Ito rin ay dumaraan sa mga sumusunod na

proseso.

Pagpili ng paksa-natutuon ito sa pagpili ng paksa batay sa inyong interes

at lawak ng kaalaman.Itala ang lahat ng mga ito,mula sa mga ito ay pumili ng

iyong paksang susulatin.

Pagpili ng anyo ng komposisyon-ito ay nakatuon sa pagdedesisyon kung

ang susulatin ay isang sanaysay, anekdota, talambuhay o maikling kwento.Ito ang

magbibigay sa iyo ng gabay sa pagsulat.

Limitahan ang paksa- kailangan pumili lamang ng isang aspekto o

bahagi ng iyong paksang nais na sulatin.

Pangangalap ng mga impormasyon- una, ay isulat ang mga kaalamang

alam mo na tungkol sa paksa,Pangalawa, maari kang kumuha ng mga

impormasyon sa mga pahayagan,magsin at mga libro.Maari ka ring magkaroon ng

pananyam sa isang tao bihasa sa iyong paksa.Itala ang mga nakalap na

impormasyon.

Ayusin ang mga ideya- basahin ang mga detalye ng iyong nakalap na

15

Page 16: Thesis ni liz tsu format orig &edited

impormasyon.May mga magagamit at mayroong detalye na walang kaugnayan sa

iyong paksa,alisin ito.Ayusin ang mga impormasyon ayon sa pinakamahalagang

ideya.Maari kang gumawa ng banghay na magiging tuntunin mo sa pagbuo.

Pagsulat ng burador (Writing)- nakatuon sa pagsulat ng iyong unang

borador. Magsulat at hayaan muna ang mga maling baybay at bantas.Maari mo

naman itong itama pagkatapos mong basahin muli ang iyong borador.Hayaan mo

ang daloy ng ideya.Sundin mo ang iyong plano o banghay .

Pagsulat na muli (Post writing)

Rebisyon- ito ay ang pagwawasto ng iyong komposisyon.Sinusuri ang

iyong mga ideya at salita.Basahin muli ang sinulat.Maaring itanong ang mga

sumusunod:

May pagkakaugnay ba ang mga ideya?

Nakakapukaw ba ito ng interes?

Angkop ba ang mga salita?

Sa iyong burador markahan ang mga nais na palitan.Isulat ang mga

salitang nais mong ipalit at isama.

Proofreading- ang huling yugto ng pagrerebisa.Ito ang huling

pagwawasto sa bantas, balarila,baybay at pagsulat ng malaking titik.

Pagsulat muli- ito ang huling pagsulat gawin itong malinis at nababasa

nang mabuti.

Binigyan niya ng pansin ang ganitong dulog ay positibo sa pagpapahusay

ng nilalaman, organisasyon at wika.Karagdagan, itong dulog na ito ay nakapagpabago sa

mainipin at bigong pananaw tungo sa pagsulat para magkaroon ng positibong pananaw.

16

Page 17: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Batay sa mga pag-aaral na naisagawa malaki ang nagagawa ng pagsulat sa

paghubog ng damdamin ng isang mag-aaral.Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag

niya ang anumang mga paniniwala, mithiin, layunin sa buhay, pangarap, agam-agam,

damdamin at mga hinaing. Sa pagsulat din nakikilala ng mga mag-aaral ang kanyang

sarili; ang kanyang kalakasan at kahinaan, lalim ng kanyang pag-unawa, ang tayog at

lawak ng kanyang kaisipan at ang naabot ng kanyang kamalayan. Ayon kina Hugney,et.

al(1983), nakatulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin, napapaunlad nito ang iba pang kasanayang

pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye,

pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga impormasyong nakalap bago

ang ganap na pagsulat.

Sa aklat na “Teaching Second Language Composition” (Principles and

Techniques) gumamit sina Hughey, et. al (1981) ng isang pamamaraan upang masuri

ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon sa kanilang

paniniwala na

Important aspect of becoming an independent lifelong writer is developing the ability to evaluate one’s own writing progress and to use feedback from the evaluation as a guide for further growth and improvement.

Bunuo sila ng isang rubrics sa pagtataya ng isang sulatin na kanilang tinawag na

Composition Profile, na nakatuon sa limang aspekto. Ang bawat isa ay nakatuon sa

mahalagang bahagi ng pagsulat,ang bigat nito ay batay sa kahalagahan ng komunikasyon

sa paraang pasulat at ito ay; CONTENT tumutukoy sa pagkakaroon ng sinasabi o

nilalaman ng sinulat, ORGANIZATION tumutukoy sa pag-aayos ng kaisipan,

VOCABULARY , LANGUAGE USE and MECHANICS tumutukoy naman sa

17

Page 18: Thesis ni liz tsu format orig &edited

panlinggwistika at mekanikal na paniniwala para sa epektibong paglalahad ng

talakay.Ang kabuuang bigat ng bawat aspekto ay nahahati sa apat na mastery level-

Excellent to Very Good, Good to Average, Fair to Poor at Very Poor. May tiyak na

katangiang naglalarawan na siyang magiging gabay sa pagtataya ang mga ito.Dahil sa

pawang mga keyword lamang na siyang nagpapakilala na malalaking konsepto ukol sa

komposisyon,ibinigay nila sa kanilang aklat ang mga detalye ng bawat isang mastery

level upang lalong maging malinaw ang pagtataya.Mahusay ang sulatin kung tumutukoy

na matagumpay na napahayag nito ang mensahe sa mambabasa.Samanatalang

kabaligtaran nito ay magulo at tuluyang nawala ang mensaheng ninanais na ipahayag sa

sulatin dahil sa kakulangan ng kasanayan.Ang unang dalawang mastery level ay

nagpapakita na matagumpay ang naging komunikasyon, may pagkakaiba nga lamang sa

digri, at ang dalawang huling mastery level ay pagkakaroon ng pagka-antala ng

komunikasyon.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

A. Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Batin (2000) sa kanyang di nailathalang disertasyong

“Developing Academic Writing Proficiency and Learner Autonomy through the Process

Approach” isang pag-aaral ang kanyang binanggit na nakatuon sa pagtaya ng pagiging

epektibo ng process approach sa pagtuturo sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-

aaral sa elementarya sa National Capital Region. Ang pag-aaral ay lumikha ng

konseptong hulwaran na gaya ng process approach para sa pagsulat ng komposisyon na

binubuo ng tatlong mga salik gaya ng:1. Ang mag-aaral bilang ang manunulat 2. Ang

18

Page 19: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Guro bilang taga facilitator at 3. Mga materyales na gagamitin.Ang implikasyon ng pag-

aaral na ito ay magiging epektibo ang process approach sa edukasyon ng Pilipinas kung

mabibigyan ang bawat guro at mag-aaral ng sapat na materyal at angkop na tekstong

susulatin.

Pinatitibay ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral

sa pagpapatupad ng process approach at ang bahaging ginagamapanan ng bawat guro sa

pagsasagawa nito.Bagamat ipinakikita nito na nararapat na makalikha ang bawat guro ng

matetyal na gagamitin na ang proseso ay dumaraan sa panimulang pagsulat,pagpapaunlad

ng sinulat at huling pagsulat.

Batay sa pag-aaral na ginawa ni Ignacio (2008) “Teaching Writing to Fourth Year

High School Students”na naipamalas ng ebalwasyon sa kasanayan ng mga mag-aaral na

ang process approach ay nakatulong upang malinang ang kanilang kasanayan sa

pagsulat. Dahil ang mga bata ay binigyan ng pagkakataong mapag-isipan at marebisa ang

kanilang ideya kasama ng gabay na ibinibigay ng kanilang guro at kamag-aral sa mga

pulong –panayam, naging mas mahusay ang kinahinatnan ng mga huling sipi ng kanilang

akda.

Ang kabisaan ng paggamit ng process approach sa pagsulat ay pinatunayan sa

kwalitatibong pag-aaral na isinagawa ni Concepcion (2006). Lumabas sa kanyang pag-

aaral na mas mataas ang kalidad ng mga sulating nabubuo ng mag-aaral kung

ginagamitan ng process approach ang mga ito. Napatunayan ding malaking tulong ang

ganitong dulog sa paglinang ng komprehensyon ng mga mag-aaral, lalo pa kung

isinasaalang-alang ang interes, kakayahan at istilo sa pagkatuto ng mga estudyante.

Sa dalawang pag-aaral na isinagawa nina Concepcion at Ignacio pinatutunayan

19

Page 20: Thesis ni liz tsu format orig &edited

lamang na higit na mabisa ang paggamit ng process approach upang matamo ang

kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas. Bagaman lumabas din sa pag-

aaral ni Concepcion na nabubuo ang komprehensyon sa pagsulat dahil sa pagkakaroon ng

lubos na pagkaunawa sa paksa. Kapwa kinakatigan at pinaniniwalaan ng pananaliksik na

ito na mabisa ang paggamit ng estratehiyang process approach sa pagtuturo ng pagsulat

at paglalantad ng kahinaan at kalakasan ng bawat mag-aaral para sa higit na mabisang

paggabay.

Ang kaalaman at kasanayan sa pagsusulat ay maaring bunga ng maagang

paglinang nito sa bawat indibidwal ng ito ay nasa elementary pa lamang.Ito ang

paniniwala ni Soledad Francisco (1991) sa kanyang “Acquisition of Discourse Skills in

Written Narratives of Filipino Students” ang pag-aaral na ito ay nagpapatibay sa

paniniwalang na ang kakayahan ng mga nasa kolehiyo sa pagsulat ay nalilinang sa

kanilang pag-aaral. Ang mga resulta ng pag-aaral ay una, may mga baytang ng pag-unlad

sa pagkamit ng kakayahan sa pagsulat na makikita na dumaan sa natural na proseso.

Pangalawa, ang mga datos ay nagpapakita ng sistematikong pamamaraan ng paglinang ng

kakayahan sa pagsulat at ikatlo, ang pag-unlad sa pagsulat ay naiimpluwesnsiyahan ng

antas ng kanilang gulang dahil na rin sa iba’t ibang pagkatuto natin sa wika sa bawat

yugto ng ating buhay bilang estudyante. Ang pag-aaral ay nagbibigay ng rekomendasyon

na sa kadahilanan na ang pagkakamit ng kakayahan at kasanayan sa pagsulat ay

sumasailalaim sa bawat yugto ng pag-unlad mahalaga na makapagbibigay ang guro ng

angkop na pagsasanay sa pagsulat para maiugnay ang sarili at matapos ang pagsasanay

ng may tiwala sa sarili. Karagdagan, ang bawat mga guro ay nararapat na makalikha ng

kalagayan sa silid-aralan na makahihikayat sa bawat mag-aaral na sumulat at magsalita.

20

Page 21: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Pinatutunayan ng pag-aaral na ito na sa bawat antas ng pag-aaral ang bawat mag-

aaral ay magkamit ng mga kasanayan sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan

upang mahubog ang kakayahan sa pagsulat kaisa ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang

pananaliksik ang makita ng bawat guro ang kabisaan ng process approach para sa

tamang paggabay at positibong pananaw sa pagsulat.

Sa isinulat ni Prof. Ramades M. Doctor na may pamagat na“Teacher Education

Curricula” na matatagpuan sa aklat na Philippine Extension Service Review na nailimbag

noong 1996. Tinalakay niya ang propesyon ng pagtuturo na naaayon sa kurikulum ng

edukasyon na kung saan dapat mapaunlad ang pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng

mag-aaral. Ang tagapagturo ay isa sa tagapagpaunlad ng programang pang-edukasyon at

pangwika.Idinagdag pa niya na ang mga paaralan ay gumagamit ng iba’t ibang

pamamaraan para madaling matuto ang mga mag-aaral. Isa sa pamamaraang ito ay ang

kurikulum na nagiging instrumento sa pagsalin ng pag-asa o inaasahang edukasyon sa

kongkretong realidad. Para magawa na ang kurikulum sa programang pang-edukasyon at

pangwika ay maging totoong epektibo, ang kailangan ay iagapay sa panahon ang sistema

ng edukasyon na kung saan nalilinang ang kaalaman, operasyunal na kakayahan at

pagpapatupad ng katanggap-tanggap na pamamaraan. Sa bawat isa na nagbibigay ng

malikhaing mga karanasan at pagpapaunlad ng pag-iisip kasabay ang paparating na

bagong kaalaman sa pag-usad ng panahon (97-98).

Sa rekomendasyong ito ay pinahihintulutan ang paggamit ng mga estratehiya sa

pagtuturo para sa lubos na pagkatuto.Magkatulad ito sa layon ng pananaliksik na

maipakita ang isang epektibong dulog para magtulungan ang mga mag-aaral na mahubog

ang kasanayan sa pagsulat at ito nga ang process approach.

21

Page 22: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Sa pag-aaral ni Sengseng (1987) ipinahayag niya na “huwag nating asahan ang

ating mga estudyante na makalikha ng isang komposisyon na higit na orihinal at

makabuluhan sapagkat ang kanilang kakayahan ay nakadepende lamang sa uri ng

materyal at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng kanilang mga karanasan upang

makapagsulat kaalinsabay nito ang pagtuturo ng tamang proseso ng pagsusulat.

Kaisa ang mananaliksik sa pahayag na ito na ang kakayahan ng bawat mag-aaral

ay nakadepende sa paraang ng pagbibigay ng tamang estratehiya ng pagsulat upang lubos

na mahubog ang kanilang kakayahan. Ang sapat na panahon at mga panimulang gawain

bilang paghahanda sa kanilang pagsulat ay lubos na nakakatulong upang lalo silang

magkaroon ng lubos na pagkaunawa sa paksang kanilang nais na isulat at ang pagbibigay

ng puna ay makakatulong upang higit na magabayan ang mga mag-aaral.

B.Banyagang Pag-aaral

Sa pag-aaral na ginawa ni Belinda Ho (2006) Effectiveness of using the

process approach to teach writing in six Hong Kong Primary Classrooms”. Napatunayan

ng pag-aaral na ito na epektibo ang paggamit ng prosesong ito sa paghubog ng kasanayan

sa pagsulat. Ang pagtaya ng pagiging epektibo nito ay ang pagsasagawa ng post-

interviews at paghahambing sa pre at post questionnaire, pre-test at post-test. At

pinatunayan nito na positibo ang resulta sa lahat ng klase na may mataas at mababang

antas ng talino. Iminumungkahi niya na maaring ito ay sagot para sa higit na epektibong

paglinang ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pagsulat. Karagdagan, bago isinagawa ang

pag-aaral ang mga guro ay sumailalim muna sa dalawang buwang pag-aaral sa programa.

Ang pag-aaral na ito ay kahalintulad ng kasalukuyang pag-aaral ng

22

Page 23: Thesis ni liz tsu format orig &edited

mananaliksik na epektibong estratehiya ang process approach sa paglinang ng kasanayan

sa pagsulat batay sa mga feedback o puna na ibinigay ng mga kalahok.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Onozawa (2000) na pinamagatang “The Use of

Process Approach : A suggestion for an eclectic writing” tinalakay niya ang mga

kabutihang dulot ng paggamit ng process approach ayon sa kanyang pag-aaral

nagkakaroon ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na magsulat o bumuo ng

komposisyon na nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan sa pagsulat dahil sa

tatlong proseso ng pagsulat na kanilang pinagdadaanan.Nakabubuti rin ang paggamit ng

istratehiyang ito sa paggamit ng wika sapagkat ang mga mag-aaral mismo ang pipili at

lilikha ng mga salita na angkop sa nilalaman at mensahe ng kanilang komposisyon.

Nabibigyang-halaga rin nito ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagbibigay-puna

sa kanilang isinulat.Karagdagan pa,aniya, ang istratehiyang ito ay nakabubuti sa mga

mag-aaral dahil sa iba’t ibang gawain na nakakatulong sa paglinang ng kakayahan sa

paggamit ng wika at ang paggamit ng teknik na “conferencing”.

Bagamat ang naturang pag-aaral ay nakatuon sa mga mag-aaral na eclectic

masasabi ko na ang kinalabasan ng pag-aaral ni Onozawa ay nakakatulong sa pag-aaral

ng kabisaan ng process approach dahil sa bawat mag-aaral ay mayroong eclectic learner,

manapa ay masasabing sa kahit anong uri ng mag-aaral ay maaring epektibong magamit

ang prosesong ito upang malinang ang kakayahan sa pagsusulat na isa sa makrong

kasanayan ng Filipino.

Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Unger (2004) na pinamagatang “Is Process

Writing the, Write Stuff?” batay sa kanyang mga rekomendasyon ay nangangailangan pa

rin ng malawakang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kabisaan ng process approach

23

Page 24: Thesis ni liz tsu format orig &edited

sa pagsulat bagamat ayon sa kanya ay sapat ang mga nalikom na datos para masabing

epektibo ang paggamit ng process approach. Lalo na ang paggamit ng una at ikalawang

yugto ng pagsulat; ang panimulang pagsulat (Prewriting) at pagsulat (Writing) ay

nakatutulong sa paghubog ng kakayahan sa pagsulat. Sa kabuuan ang resulta ng kanyang

pag-aaral ay nagmumungkahi ng paghahanap ng mga tugma at angkop na materyales sa

paggamit ng prosesong ito sa pagtuturo ng pagsulat sa bawat mag-aaral.

Iminumungkahi ng pag-aaral na ito, na kailangan pa ng iba pang pag-aaral upang

higit na mapatunayan ang pagiging epektibo ng paggamit ng process approach. Ang mga

datos na nalikom ng pag-aaral ng mananaliksik ay magsisilbing patunay sa kakayahan at

kabisaan ng prosesong ito sa paghubog ng kakayahan ng bawat mag-aaral sa mahusay na

pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at pananaw sa pasulat upang magkaroon ng

malawak na kaalaman sa paggamit ng wika at organisasyon ng ideya.

Ayon din sa pag-aaral ni Chau ( ) na isinagawa sa Ly Tu Trong Specialized

Upper-Secondary School na may paksang “The impact of Adapting the Process-Oriented

Approach on EFL Learners Writing Performance”. Tinalakay niya sa kanyang

rekomendasyon ang mga lumabas na suliranin na naranasan ng mga ginamit niyang

kalahok sa kanyang pag-aaral. Ang mga nakitang suliranin ay ang mahabang panahon ng

paghahanda ng mga mag-aaral at guro gaya ng brainstorming at pangangalap ng mga

impormasyon sa pagsulat ng paksa, ang oras para sa pagsulat ng unang burador, ang

pagrerebyu at pag-eedit at pagsulat muli.Ang lahat ng mga ito ay hindi magagawa sa loob

lamang ng 45 minuto o isang oras. Kaya iminumungkahi ng pag-aaral na ito kung ito ay

isasali sa kurikulum ay kailangang isaalang –alang ang paglalaan ng sapat na oras para sa

matagumpay na pagpapatupad ng process approach.

24

Page 25: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Ginamit din ng pag-aaral na ito ang English for Second Language Composition

Profile ni Jacobs sa pagtaya ng mga komposisyon ng mga mag-aaral.Tinaya ang bawat

komposisyon sa pamamagitan ng nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at

mekaniks.

Ang mga kinalabasan ng pag-aaral at rekomendasyon ni Chau ay tumutugma sa

nakalap ng mananaliksik. Ito rin ang nagsisilbing kahinaan ng process approach sa

pananaw ng mga kalahok. Bagamat ang mga ito ay hindi nararapat na maging hadlang sa

pagpapatupad ng prosesong ito gaya ng nasabi ni Chau dapat lamang itong isaalang-alang

sapagkat ang bunga naman ng prosesong ito ay higit na mapapakinabangan ng mga mag-

aaral lalo na sa pasulat na pakikipagtalastasan. Bagamat ginamit ng pag-aaral ng

mananaliksik ang ESL Composition Profile ni Hughey at hindi ang kay Jacobs masasabi

pa rin natin na hindi sila nagkaiba sa pagtaya ng komposisyon na sinulat gaya ng

pagsukat sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.

Batayang Konseptwal

Ang pagsulat ay isa sa mga limang makrong kasanayan na nililinang ng

asignaturang Filipino sa bawat mag-aaral na nakatuon sa pagpapahayag ng pananaw,

saloobin o damdamin. Ipinapakita rin nito ang lubos na kabatiran ng bawat mag-aaral sa

paksa na nililinang.

Ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat ay maaring mapadali sa pamamagitan ng

paggamit ng isang dulog o estratehiyang angkop sa pagtuturo ng kasanayang ito.Isang

estratehiyang tutugon sa pangangailangan, interes at estilo ng bawat mag-aaral.

Nagsisimula ang pagtuturo ng estratehiyang process approach sa pamamagitan ng

25

Page 26: Thesis ni liz tsu format orig &edited

pangangalap ng guro ng mga angkop na materyales na gagamitin sa pagtuturo.Matapos

maihanda ang mga ito,sumasailalim ang bawat mag-aaral sa tatlong yugto ng

pagsulat:unang yugto (Prewriting) ang bawat mag-aaral ay nakatuon sa pagpili ng paksa

batay sa kanilang interes at kaalaman,pagpili ng anyo ng komposisyon, paglimita sa

paksa at pangangalap ng impormasyon sa napiling paksa, ang pangalawang yugto ay ang

pagsulat (writing) dito nakapaloob ang pagsulat ng unang burador ito ay nakadepende sa

anong uri ng kombensyon ang napili gaya ng pagbibigay ng wakas ng kwento, sanaysay

at liham paanyaya at ang huling yugto ay ang pagsulat muli (Post writing) nakapaloob

dito ang rebisyon ng mag-aaral, pagbibigay feedback gamit ang isang batayan ng pagtaya

ng marka at ang pagsulat ng huling burador.Ang bawat mga yugto ng pagsulat ay

tumtulong upang mahubog ang kasanayan sa pagsulat. Ang kahusayan at kasanayan sa

pagsulat ay makapagpapabago sa nangingibabaw na konseptong nakababagot ang

pagsulat.Ang pagsulat ay tumutulong sa paghubog ng iba pang kasanayan gaya ng

lohikal na pag-iisip, paglutas ng suliranin at pagiging kritikal at mapanuri. Makakatulong

din ito sa pag-angat ng pang-akademikong pagganap ng bawat mag-aaral. Ang prosesong

ito ay makakatulong sa bawat mga guro upang higit na maging epektibo sa pagtuturo.

Kaalinsabay ng pag-unlad ng bawat mag-aaral any ang pag-unlad din ng paaralan higit

lalo na sa larangan ng pagsulat bilang isa sa mga mahalagang makrong kasanayan.

26

Page 27: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Implikasyon ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro at paaralan

Implikasyon ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro at paaralan

Panimulang Pagsulata.Paghahanda ng mga halimbawa ng pagbibigay wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya.b.Konbensyon ng pagsulat c.Pag-aayos ng mga ideya

Panimulang Pagsulata.Paghahanda ng mga halimbawa ng pagbibigay wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya.b.Konbensyon ng pagsulat c.Pag-aayos ng mga ideya

Unang Pigura: Ang Daloy ng Process Approach tungo sa kasanayan sa Pagsulat

27

Pagsulat (Writing)Pagsulat ng Unang Burador sa wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya .BBBurBrBurador

Pagsulat (Writing)Pagsulat ng Unang Burador sa wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya .BBBurBrBurador

Kabisaan ng paggamit ng process approach

Kabisaan ng paggamit ng process approach

Muling Pagsulat (Post Writing)Rebisyon,Proofreading,feedback,pagtaya gamit ang Second Language Profile ni Hughey (1983)

Pagsulat ng UBurador

Muling Pagsulat (Post Writing)Rebisyon,Proofreading,feedback,pagtaya gamit ang Second Language Profile ni Hughey (1983)

Pagsulat ng UBurador

Pag

-unl

ad n

g an

tas

ng

kasa

naya

n sa

pa

gsul

at n

g m

ga

mag

-aar

al s

a Ik

atlo

ng T

aon

Pag

-unl

ad n

g an

tas

ng

kasa

naya

n sa

pa

gsul

at n

g m

ga

mag

-aar

al s

a Ik

atlo

ng T

aon

Page 28: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Kabanata 3

PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga disenyo ng pananaliksik, lokal ng pag-

aaral,pinagmulan ng datos, instrumentong ginamit sa pag-aaral, pinagmulan ng datos,

instrumentong ginamit sa pananaliksik, pamamaraan ng pagbibigay ng iskor at

grado,pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at estatistikang ginamit sa pagsusuri ng

mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit ng mananaliksik ang eksperimental na pamamaraan ng pananaliksik.

Napili ito sapagkat, ito ang makatutugon sa pagtukoy ng kabisaan ng paggamit ng

process approach sa pagsulat ng mga mag-aaral.Ang pamamaraang ito ay maglalarawan

ng antas ng kasanayan sa pagsulat sa asignaturang Filipino ng Caluluan High School

matapos maituro ang process approach. Nagkaroon din ang mananaliksik ng panayam sa

mga kalahok upang makita ang kalakasan at kahinaan ng istratehiyang ito.

Lokal ng Pag-aaral

Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay matatagpuan sa

Caluluan,Concepcion, Tarlac.Naitatag ito noong 1966 (Taong Panuruan 1966-1967) sa

pamamagitan ng tulong ng Konseho ng Baryo sa pamumuno ng Kapitan ng Barangay na

si Victor Mallari, Pangulo ng Samahan ng mga Magulang na si G. Bienvenido Hipilito at

ni G. Glicerio Zablan na noon ay Punong-Guro ng elementarya ay naipatayo ang

paaralan.Ito ay matatagpuan malapit sa Barangay Parulung mayroon itong halos 25 mga

silid-aralan,kantina, silid-aklatan at mga tanggapan ng guro.

Patuloy sa paglago ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan na may 48 na mga

28

Page 29: Thesis ni liz tsu format orig &edited

guro , 4 na Head Teacher sa Agham, Matematika, Araling Panlipunan at Communication

Arts at humigit kumulang sa 1200 mga mag-aaral na galing sa mga kalapit na

barangay.Ito ay nagpapatupad ng Basic Education Curiculum sa Ikaapat at Ikatlong

Taon,Secondary Education Curriculum sa Ikalawang Taon at K-12 Curiculum sa Unang

Taon.

Pinagmulan ng mga Datos

Ang mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, taong

panuruan 2012-2013 ang ginamit na kalahok sa pananaliksik. Ang mga kalahok ay

binubuo ng 290 na mag-aaral mula sa mga ito ginamit ang random sampling na fish

bowl technique para makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling

upang ayusin ang mga kalahok batay sa pinakamataas at pinakamababang marka na

nakuha nila sa Filipino II bawat mag-aaral ay binigyan ng bilang mula 1-80.Mula sa

mga bilang na ito ay ginamit ang lahat ng odd number bilang control group at ang

even number bilang experimental. Ang mga nabibilang sa control group ay sasailalim

sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng pagsulat samantalang ang experimental ay

sasailalim sa pagtuturo ng process approach.

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Second Language

Composition Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng antas ng

kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat at kabisaan ng process approach.

Ang nabanggit na Composition Profile ay binubuo ng mga iskor na 30 para sa

nilalaman, 20 para sa organisasyon, 20 para sa talasalitaan , 25 para sa tamang

paggamit ng wika/gramatika at 5 para sa mekaniks.Ang kabuuang iskor ay 100.

29

Page 30: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983) ay nagtataglay ng

5 bahagi at bawat bahagi ay nakatuon sa isang aspekto ng pagsulat at may katumbas na

kahalagahan sa pagsulat.

Ang nilalaman ay magbibigay tuon sa kaalaman ng mag-aaral sa paksa ng

pagsulat, maging ang pagiging malikhain nito sa paggamit ng mga salita,talasalitaan at

ng wikang Filipino para sa epektibong paglalahad ng mga ideya.

Ang bawat mga bahagi ay binigyan ng katumbas na bilang upang masukat ito at

nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto (Lubhang Mahusay__Mahusay,

Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan___Mahina at Lubhang Mahina) na binigyan

ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat krayterya ng pagsulat ng

komposisyon.

Ito ay susukatin batay sa bawat iskor na makukuha sa bawat bahagi o krayterya at

ang magiging kabuuang iskor ng bawat kalahok.

Ang mga nilalaman at gawain ng binuong mga aralin na ipapatupad sa

experimental at control group ay isinangguni ng guro/mananaliksik sa kanyang Punong-

guro, Head Teacher sa Communication Arts at sa tatlong mga kasama pa niyang guro na

nagtuturo ng Filipino para sa ebalwasyon. Nagmasid din ang Head Teacher para sa

pakitang turo ng pagpapatupad ng process approach ng mga nasa experimental group.

Para sa aralin ng pagbibigay ng wakas ng kwento ginamit at dinagdagan ng

mananaliksik ang mga gawain na nasa Banghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa

Pagtuturo ng Basic Education Curriculum para sa Filipino III,sa pagsulat ng sanaysay

ay nangalap sa mga aklat sa retorika at internet ng mga datos kung paano ang paraan

ng pagsulat ng sanaysay at sa pagbibigay ng liham ng paanyaya ay ginamit muli ng

30

Page 31: Thesis ni liz tsu format orig &edited

mananaliksik ang Banghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa Pagtuturo ng BEC at

dinagdagan ito ng mga gawain ng mga mag-aaral na lilinang sa kasanayan sa pagsulat.

Samantalang tatayain ang komposisyong ng experimental at control group gamit

ang Second Language ni Hughey. Magkapareho ng aralin ang experimental group gaya

ng pagbibigay ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng Liham ng

Paanyaya. Parehong ituturo ang kombensyon ng pagsulat sa dalawang grupo ngunit

magiging magkaiba sa istratehiyang gagamitin. Kapwa tatanggap ng limang araw na

pagtuturo ang experimental at control group sa bawat komposisyon na lilikhain.Sa

kabuuan ay may labinglimang araw ng pagtuturo sa bawat grupo upang maisakatuparan

ang pag-aaral.

Ginamit din ng mananaliksik ang panayam bilang instrumento upang makalikom

ng mga datos ukol sa kalakasan at kahinaan ng process approach. Tinanong ang 40

kalahok na nasa experimental group tungkol sa kanilang karanasan sa pagsulat, kung

nakatulong ang mga gawain sa paghubog ng kanilang kasanayan sa pagsulat,kung

nakatulong ang puna sa pagpapahusay ng kanilang komposisyon at ng natapos ang

proseso ay higit na naunawaan ang mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon.

Pamamaraan ng Pagbibigay ng Iskor at Grado

Bibigyan ng iskor ang unang burador at pinakahuling burador ng mag-aaral gamit

ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Magsisilbing tagapagwasto

at tagapagbigay ng puna ang Guro/Mananaliksik.Magkahiwalay ang iskor sa nilalaman,

organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. Ang bawat iskor sa pagsulat ng burador at

panghuling burador ay ihahambing upang masukat ang kabisaan ng paggamit ng process

31

Page 32: Thesis ni liz tsu format orig &edited

approach sa pagsulat. Susukatin rin ang kabuuan ng iskor na nakuha sa bawat komponent

upang matukoy ang kanilang antas ng kasanayan.

Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos

Ang mga sumusunod na mga hakbang ang ginamit ng mananaliksik sa

pagsasagawa ng process approach upang makalikom ng datos na magpapatunay ng

kanyang kabisaan.

(Experimental Group)

Pagsulat ng Wakas ng Kwento

Ang bawat mag-aaral ay nagsulat ng wakas ng maikling kwento ni

“Kwento ni Mabuti” .Dalawang mga komposisyon ang isinulat, ang unang burador at ang

panghuling burador.

Panimulang Pagsulat

A. Panimulang Pagsulat (Prewriting)

Nagkwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga hindi makakalimutan na

karanasan sa kanilang mga nagdaang guro sa elementarya at sekundarya.Nagbigay din

sila ng pagpapakahulugan tungkol sa pamagat ng “Kwento ni Mabuti” na sinulat ni

Genoveva Edroza-Matute na hango sa Gabay sa Pagtuturo-Filipino III ng Basic

Education Curriculum.Narito ang mga katanungan:

Ano ang ibig sabihin ng pamagat?

Tungkol saan ang kwento?

Bakit kaya ganito ang pamagat ng kwento?

B. Pagpapabasa sa akda

32

Page 33: Thesis ni liz tsu format orig &edited

C. Pagbibigay ng buod ng kwento

D. Pagsusuri sa maikling kwento ayon sa mga sumusunod:

1. Banghay

2. Paningin

3. Paksang-diwa

4. Himig

5. Tauhan

6. Tunggalian

7. Teoryang Pampanitikan

8. Pag-uugnay sa akda sa mga tiyak na karanasan

(pangkatang gawain)

9. Pangangalap ng impormasyon sa silid-aklatan bilang

paghahanda sa komposisyong isusulat.

II.Pagsulat ( Writing )

A. Pagsasalaysay sa maikling kwento “Estero”.

B. Pagtalakay sa mga tuntunin ng pagsulat ng maikling kwento.

C. Pagbasa sa halimbawa ng pagbibigay ng wakas ng kwento, ang

“Estero”.

D. Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento ng “Kwento ng

Mabuti”.

E. Pagsumite ng output para sa pagbibigay ng puna ng mananaliksik.

III. Muling Pagsulat (Postwriting)

A. Pagsasauli sa sinulat na burador kasama ng mga puna at komento.

33

Page 34: Thesis ni liz tsu format orig &edited

B. Pagpapaliwanag sa mga komento. (One-on-one).Tinalakay sa mga

komento ang nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at

mekaniks.Binigyang-diin din ng mananaliksik ang kalakasan at

kahinaan ng komposisyong sinulat ng bawat mag-aaral para sa higit na

ikagaganda ng kanilang mga komposisyon.

C. Muling pagsulat sa komposisyon.Tinaya muli ng mananaliksik ang

mga panghuling output upang matukoy kung naging mabisa nga ba

ang process approach sa kanilang pagsulat.

Pagsulat ng Sanaysay

Ang mga kalahok ay sumailalim sa mga proseso na inilalalarawan sa ibaba upang

maisulat ang una at huling burador.

I. Panimulang Pagsulat (Prewriting)

1. Pagpapabuod sa maikling kwentong “Ang Kwento ni Mabuti” ni Genoveva

Edroza-Matute.

2. Tinalakay ang mga magagandang mga pananaw ng pangunahing tauhan sa

kwento.

3. Sinuri ang kalakasan at kahinaan ng propesyon ng pagiging guro.

4. Bumasa ang guro ng halimbawa ng isang sinulat na sanaysay tungkol sa guro.

(Ito ay ang isa sa mga sinulat o output ng mananaliksik sa kanyang asignatura

sa (Pagbasa at Pagsulat)

5. Pagpili ng paksa

6. Pangangalap ng impormasyon ukol sa napiling paksa.

7. Tinalakay ang mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng sanaysay.

34

Page 35: Thesis ni liz tsu format orig &edited

a. Tatlong Mahahalagang hakbang sa pagsulat ng sanaysay

b. Gabay sa pagsulat ng sanaysay.

II. Pagsulat

1. Binigyan ng isang oras ang mga mag-aaral upang makapagsulat ng isang

sanaysay na may kaugnayan sa guro.

2. Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na iugnay ang kanilang mga karanasan

maging ang mga tinalakay na impormasyon na isali ito sa pagsulat ng

kanilang sanaysay maging ang resulta ng kanilang pananaliksik.

3. Sinimulang sulatin ang unang burador at ipinasa sa guro para sa pagbibigay

puna.

III. Muling Pagsulat (Post Writing)

1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador batay sa

nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.

2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang iskor at

kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa

kinalabasan ng pagtaya gamit ang Second Language Profile Composition.

3. Matapos ang pagbibigay ng puna sinulat ang huling burador.

4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit pa rin ang

Second Language Composition Profile ni Hughey (1981).

Pagsulat ng Liham ng Paanyaya

I. Panimulang Pagsulat (Prewriting)

1. Palarong pahulaan kung ano ang okasyon ang isinasaad ng mga

larawang ipinakita ng guro.

35

Page 36: Thesis ni liz tsu format orig &edited

2. Pagtalakay sa mga larawan kung kailan, saan ito ginanap, sino ang

tagapagsalita at paano kaya inanyayahan.

3. Pagtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang nalalaman nila sa

pagsulat ng Liham ng Paanyaya.

4. Pagpapabasa sa isang tiyak na halimbawa ng liham na paanyaya.

5. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa nilalaman ng liham.

6. Pagbibigay ng sintesis tungkol sa mga kailangan sa pagsulat ng liham

ng paanyaya.

7. Pangangalap ng iba pang impormasyon ukol sa Liham Paanyaya.

8. Pagtalakay sa mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng liham ng

paanyaya.

II. Pagsulat

1. Binigyang ng isang oras upang matapos ang pagsulat ng “Liham ng

Paanyaya”.

2. Isinumite ang sinulat na unang burador para sa pagbibigay ng puna.

III. Muling Pagsulat (Post writing)

1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador batay

sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.

2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang iskor

at kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa

kinalabasan ng pagtaya gamit ang Second Language Composition Profile

ni Hughey (1983).

36

Page 37: Thesis ni liz tsu format orig &edited

3. Matapos ang pagbibigay ng puna at pagwawasto sa komposisyon ay

sinulat ang huling burador.

4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit ang

Second Language Composition Profile ni Hughey (1983).

Matapos ang tatlong mga komposisyon sa pagpapatupad ng

process approach ay tinanong ng guro/mananaliksik ang mga mag-

aaral ukol sa nakita nilang mga kalakasan at kahinaan nito.Isinulat ng

mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin saka ito tinipon ng

mananaliksik.

(Control Group)

Sumailalim ang grupong ito sa tradisyunal na pagtuturo, ang bawat komposisyon

ay nagkaroon ng limang araw na pagtalakay.Karaniwang pagpapaliwanag sa mga

tuntunin ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. Matapos ang

talakayan ay nagpakita ng modelo o halimbawa ng nasabing komposisyon at hinayaan

na ang mga mag-aaral na magsulat.Matapos ang pagsusulat ipinasa ang papel at saka ito

iniwasto ng guro.Tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang mga komposisyon at

isinulat itong muli upang itama ang mga kamalian.

Narito ang pamamaraan na tinanggap ng mga mag-aaral na nasa control group. Sa

pagsulat ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at liham ng paanyaya, ang mga

sumusunod na hakbang ay isinagawa.

1. Pagtalakay sa kombensyon ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng

paanyaya.

37

Page 38: Thesis ni liz tsu format orig &edited

2. Nagbigay ng isang halimbawa ng naisulat na komposisyon sa pagsulat ng wakas ng

kwento, sanaysay at liham ng paanyaya.

3. Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya.

4. Pagpasa ng output sa guro/mananaliksik.

5. Tinaya ng guro ang sinulat na komposisyon gamit ang Second Language

Composition Profile ni Hughey (1983) para sa pagbibigay ng marka.

Pagsusuring Pang-istatiska

Ginamit ang mga sumusunod na instrumento para sa pagbibigay-kahulugan sa

mga datos na nakalap.

1. Frequency – ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na magkakaroon ng mataas

at mababang iskor sa una at huling pagsulat ng burador.

2. Measure of Central Tendency- ang pagtukoy nito ay ang paggamit ng

Mean.Kukunin ang mean ng iskor ng una at huling borador upang makita kung

naging mabisa ang paggamit ng process approach sa mga kalahok.

X= fm/n

Kung saan: f= frequency m= midpoint n= number of cases

Sa pagtaya ng bawat komposisyong sinulat ay ginamit ang Second Language

Composition Profile (Hughey et. al. 1983).Kung saan ang bawat mga bahagi ay binigyan

ng katumbas na bilang upang masukat ito at nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto

(Lubhang Mahusay_Mahusay, Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan__Mahina at

Lubhang Mahina) na binigyan ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat

38

Page 39: Thesis ni liz tsu format orig &edited

krayterya ng pagsulat ng komposisyon.

39

Page 40: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Kabanata 4

PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga tinipong datos na nasa talahanayan

at tekswal na anyo.Ang mga datos ay inayos,pinag-uri-uri at sinuri gamit ang mga

angkop na instrumentong pang-istatistika at mga proseso na nailarawan sa kabanata 3.

Ang interpretasyon ay naisagawa sa paliwanag ng mga tiyak na sakop at lawak ng

pag-aaral na ito.

Kaugnay ng mga layuning ito, ang mga sumusunod ay maingat na sinuri ng

mananaliksik.

1. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos ituro ang process approach bilang isang istratehiya sa pagsulat batay sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika/gramatika at mekaniks.

Ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon sa una at

huling burador ay sinukat gamit ang limang krayterya na makikita sa Second

Language Composition Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ay binubuo ng nilalaman

(30%), organisasyon (20%), talasalitaan (20%), wika (25%) at mekaniks (5%).Ang

kanilang kasanayan ay makikita sa kanilang mga iskor sa bawat krayterya sa una at

huling burador ng kanilang sanaysay, pagsulat ng Liham ng Paanyaya at pagbibigay

wakas ng kwento. Matapos masukat ay kinuha ang karaniwang iskor sa bawat

krayterya upang mailarawan ang antas ng kasanayan sa pagsulat.

Makikita sa ibaba ang pagsusuri at interpretasyon sa mga datos kaugnay sa

antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kalidad ng kanilang

sinulat na hinati-hati sa limang komponent.

40

Page 41: Thesis ni liz tsu format orig &edited

A. Pagbibigay ng Wakas ng kwento

Talahanayan 1

Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach

Unang Burador Huling Burador

Komponent Kabuuang Iskor

Karaniwang/Mean

DeskripsyongBerbal

Kabuuang Iskor

Karaniwang

Mean

DeskripsyongBerbal

Nilalaman 30%

830 20.75 KaraniwangMahina 1058 26.45

Lubhang Mahusay-Mahusay

Organisasyon 20%

538 13.45 Magaling-Magaling-

Galing700 17.5

Lubhang Mahusay-Mahusay

Talasalitaan20%

450 11.25 KaraniwangMahina

75018.75

Lubhang Mahusay-Mahusay

Wika 25%

690 17.25 Magaling-Magaling-

Galing

86021.5

Lubhang Mahusay-Mahusay

Mekaniks 5%

130 3.25 KaraniwangMahina

180 4.5Lubhang Mahusay-Mahusay

Kabuuan 65.95

88.7

1.1. Karaniwang Iskor ng mga Mag-aaral bago at Matapos ang Pagtuturo

ng Process Approach.

Ipinakikita ng Talahanayan 1 ng karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral

sa pagsulat ng una at huling burador batay sa limang krayterya. Para sa nilalaman ng

unang burador nagkaroon ng kabuuang iskor na 830 na may karaniwang mean na

41

Page 42: Thesis ni liz tsu format orig &edited

20.75 at deskripsyong berbal na karaniwan_mahina samanatalang matapos

maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na

1058 at karaniwang mean na 26.45 na may deskripsyong berbal na Lubhang

Mahusay_Mahusay.

Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor

na 538 na may karaniwang mean na 13.45 at deskripsyong berbal na

Magaling_Magaling-Galing. Samantalang sa pinal na burador ay nakakuha ng

kabuuang iskor na 700 at karaniwang mean na 17.5 na may deskripsyong berbal na

Lubhang Mahusay_Mahusay.

Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang

iskor na 450 at karaniwang mean na 11.25 at Karaniwang_Mahina bilang

deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 750 at 18.75

na karaniwang mean at Lubhang Magaling bilang deskripsyong berbal.

Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor

na 690 at karaniwang mean na 17.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang

deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 860 at 21.5 na

karaniwang mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong berbal.

Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor

na 130 at karaniwang mean na 3.25 at Karaniwang_Mahina bilang deskripsyong

berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 180 at 4. 5 na karaniwang

mean at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.

Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng

42

Page 43: Thesis ni liz tsu format orig &edited

mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral

Francisco (1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi

nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa

kawalan ng interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay ang

kawalan ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto.At ang kawalan

ng puna upang malaman ang mga kamalian.Ngunit nang matapos maisagawa ang

proseso ng process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor batay sa limang

krayterya. Patunay na nagabayan nang tama, nabigyan ng makabuluhang pagpuna at

sapat na kaalaman kung paano isusulat ang ganitong teksto.

1.2. Nilalaman

Ito ang pinakamahalagang krayterya sa pagtaya ng sulatin o komposisyon.

Sapagkat dito makikita ang lawak ng kaalaman at lubos na pagkaunawa sa paksa ng

mga mag-aaral. Sa mga sinulat na komposisyon gaya ng pagbibigay ng wakas ng

kwento. Ang nilalaman ay tumutukoy sa maayos na pagpapaliwanag ng paksa,

pagkakaroon ng mga ebidensya ng pagkaunawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng

mga suportang mga impormasyon na orihinal, kongkretong detalye, paglalarawan,

pagtutulad, pagbibigay ng halimbawa at sanhi at bunga.

Talahanayan 2

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman

Hanay ng Iskor sa Nilalaman

Unang Burador

Pinal na Burador Deskripsyon Berbal

30-26 0 25 Lubhang Mahusay- Mahusay

43

Page 44: Thesis ni liz tsu format orig &edited

21-25 15 15 Magaling-Magaling-Galing20-16 25 0 Karaniwan-Mahina15-11 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Batay sa talahanayan 1, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 ang

nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 (Karaniwan_ Mahina). ito ang nakuha ng

pinakamalaking bahagdan ng mag-aaral na kung saan nasa karaniwan patungong

mahina ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral batay sa nilalaman ng kanilang

sinulat na wakas ng kwento. Samantalang 15 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa

pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing).Bagamat naituro na sa mga mag-aaral

ang paraan ng pagsulat ng wakas ng kwento at nakabasa ng halimbawa nito

masasabing nasa antas pa rin ng Karaniwan patungong Mahina ang mga mag-aaral

sapagkat ang ganitong komposisyon ay hindi karaniwang isinusulat ng mga mag-

aaral sapagkat ang Filipino II ay nakatuon sa paglikha ng tula, balagtasan at dula na

siyang batayan ng pag-aaral sa ikalawang taon sa ilalim ng Secondary Education

Curriculum (SEC). Ipinapakita rin ng resulta nito na nawalan ng pagkakaugnay ang

mga aralin ng SEC sapagkat sa ikatlong taon ang mga mag-aaral ay nasa ilalim sa

Basic Education Curriculum.

Samantalang matapos maituro ang process approach wala ng mag-aaral ang

nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16, labinlima sa mga mag-aaral ang nakakuha ng

iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-galing) at 25 mag-aaral ang

nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan

ng mga datos na ito na nakatulong ang paggamit ng process approach bilang dulog sa

pagsulat ng wakas ng kwento upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng

44

Page 45: Thesis ni liz tsu format orig &edited

komposisyong sinulat. Nagkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral ng Lubhang

Mahusay_Mahusay nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na

isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa

kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang

nilalaman ng kanilang sinulat na siyang diin ng Edukasyong Sekondari ng 2010 ang

paggamit ng iba’t ibang dulog at pamamaraan sa paglinang ng limang makrong

kasanayan sa Filipino.

Sa pagsulat ng huling burador ay hindi nabigyan ng pagkakataon na

magkaroon ng self-correction at peer correction ang mga mag-aaral na dalawang

pamamaraan ng ebalwasyon na iminumungkahi ni Brookes (1990) dahil na rin sa

mababang iskor na nakuha ng mga mag-aaral sa pagsulat ng kanilang unang

burador.Ipinapakita lamang nito na walang kakayahan ang mga mag-aaral na makita

ang kanilang mga kamalian dahil sa mababang marka nila sa nilalaman,

organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks na mga krayterya sa pagbuo ng

komposisyon.Tanging ang guro/mananaliksik o Teacher Correction ang ginamit

bilang batayan ng pagtaya sa mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng wakas

ng kwento, sanaysay at liham paanyaya.

1.3. Organisasyon

Ang organisasyon ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at paraan ng

pagkakabuo ng paksa mula sa simula, katawan at wakas.

Talahanayan 3Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral

Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon

45

Page 46: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Hanay ng Iskor sa Organisasyon

Unang Burador

Pinal na Burador Deskripsyong Berbal

20-17 0 22 Lubhang Mahusay-Mahusay16-13 17 18 Magaling-Magaling-Galing12-9 23 0 Karaniwan-Mahina8-5 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan

ng mga mag-aaral sa una at pinal na burador matapos maituro ang process approach

batay sa organisasyon. Sa unang burador 23 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa

pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) na nagpapakita na ang sinulat ay hindi

maayos at hindi lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Samantalang 17

mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing)

nawala ang pagka-organisado ngunit malinaw pa rin ang paksa. Masasabing ang antas

ng kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan-Mahina

nangangahulugan ito na nahirapan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng wakas ng kwento

dahil sa kawalan ng pagpapakilala sa ganitong uri ng komposisyon, kawalan ng

interes at negatibong pananaw ukol sa pagsulat. Keh (1990)

Sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng nabibilang sa iskor na sa

pagitan ng 12-9 na nasa Karaniwan_Mahina.Nagkaroon ng 18 mag-aaral na ang iskor

ay nasa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing) at 22 mag-aaral ang nakakuha

ng iskor sa pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Ipinapakita nito na

nagkaroon ng pag-unlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong

paglalahad ng mga pangyayari sa wakas ng kwento ang mga mag-aaral matapos na

maisagawa ang process approach at nagkaroon ng Lubhang Mahusay-Mahusay na

46

Page 47: Thesis ni liz tsu format orig &edited

antas ng kasanayan ang mga mag-aaral dahil nabigyan ng pansin ng dulog na ito ang

positibong pagpapahusay sa nilalaman, organisasyon at talasalitaan (Keh 1990).

1.4. Talasalitaan

Ang talasalitaan ay sumusukat sa angkop na pagpili at paggamit ng salita

, idyoma at talinghaga sa pagbibigay ng wakas ng kwento.

Nakatuon ang talahanayang 3 sa kasanayan sa talasalitaan. Sa unang burador

ay ipinakita na 35 na mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan-

Mahina) at 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13

(Magaling_Magaling-galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay nabibilang

sa Karaniwan_Mahina kung talasalitaan ang pag-uusapan batay sa kanilang unang

burador sapagkat ang maikling kwento ay nararapat na mayaman sa mga talinghaga at

idyoma upang maipakita ang pagiging malikhain ng isang manunulat.

Talahanayan 4

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan

Hanay ng IskorSa Talasalitaan

Unang Burador

Huling Burador Palarawang Berbal

20-17 0 20 Lubhang Mahusay-Mahusay

16-13 5 20 Magaling-Magaling-Galing12-9 35 0 Karaniwan-Mahina8-5 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Ipinapakita lamang nito na limitado ang talasalitaan ng mga mag-aaral bunga

ng kawalang ng interes sa pagbabasa.Ang pagsusulat ay pagsasalin sa papel ng

anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,

47

Page 48: Thesis ni liz tsu format orig &edited

simbolo at ilustrasyon (Lozano 2000). Samakatwid nahirapan sa paggamit ng tamang

talasalitaan ang mga mag-aaral dahil sa kawalang ng karanasan at kaalaman.

Samantalang matapos maisagawa ang process approach at maisulat ang pinal

na borador ay nagkaroon ng 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 16-13

(Magaling_Magaling-Galing ) at 20 mag-aaral na may iskor sa pagitan ng 20-17

( Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayang ito na nasa pagitan ng

Magaling_Magaling-Galing at Lubhang Mahusay-Mahusay ang antas ng kasanayan

ng mga mag-aaral at nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang

kaalaman sa mga idyoma, salita at bokabolaryo sa pagtatapos ng pagtuturo ng process

approach sa mga mag-aaral.

1.5. WikaIto ay tumutukoy sa kahusayan ng paggamit ng bahagi ng pananalita,

ugnayan ng aspekto, bilang at salita.

Talahanayan 5

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika

Hanay ng Iskor sa wika

Unang Burador

Huling Burador

Palarawang Deskripsyon

25-21 0 25 Lubhang Mahusay-Mahusay 20-16 20 15 Magaling-Magaling-Galing 15-11 20 0 Karaniwan-Mahina 10-6 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40

Ipinapakita ng talahanayan 4, ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika. Sa

unang borador ng paggamit ng process approach ay may 20 mag-aaral na may iskor

48

Page 49: Thesis ni liz tsu format orig &edited

sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina) at 20 na mag-aaral ang may iskor sa

pagitan ng 20-16 (Magaling_Magaling-galing).Batay sa mga datos ang mga mag-

aaral ay may antas ng kasanayan sa pagitan ng Karaniwan_Mahina at Magaling

_Magaling-Galing sa wika dahil sa may kaalaman na ang mga mag-aaral sa paraan

ng paggamit ng mga bahagi ng pananalit dahil mula elementarya ay itinuturo na ang

mga ito.

Samantalang matapos ang proseso ng process approach ay wala ng mga

mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwang_Mahina sa wika. May mga 15 mag-aaral ang

nabibilang sa iskor na 20-16 (Magaling_Magaling-galing) at 25 ang nakakuha ng

iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na

nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng

paggamit ng mga bahagi ng pananalita ng mga mag-aaral dahil nabibilang na sila sa

kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay.Nabalik-aralan ng mga mag-aaral ang

tamang paggamit ng mga bahagi ng pananalita, aspekto at salita sa pagbibigay ng

puna.

1.6. Mekaniks

Ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa kombensyon na

pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit

ng malaking titik.

Talahanayan 6

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks

49

Page 50: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Hanay ng Iskor sa Mekaniks

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyon Berbal

5 0 20 Lubhang Mahusay-Mahusay

4 10 20 Magaling-Magaling-Galing3 30 0 Karaniwan-Mahina2 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Sa talahanayan 6, mga 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3

(Karaniwan_Mahina) at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4

(Magaling_Magaling-galing). Ipinapakita nito na sa unang borador ang kasanayan ng

mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina naging karaniwang mali ng mga

mag-aaral ang kinaugaliang paraan ng pagsusulat sa pagtetext kaya’t madalas na mali

ang pagbaybay at paggamit ng malaking titik. Hindi masyadong karaniwan ang

ganitong uri ng teksto na nararapat na maituro, masuri at maipaalam sa mga mag-

aaral ang kombensyon ng ganitong teksto.

Matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay wala ng mag-aaral

ang nabibilang sa Karaniwan_Mahina o iskor na 3 at 20 mag-aaral ang nakakuha ng

iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 20 ang nakakuha ng iskor na 5 (Lubhang

Mahusay_Mahusay).

Batay sa mga datos ng huling burador may kasanayan ang mga mag-aaral sa

wika ng Lubhang Mahusay_Mahusay at Magaling_Magaling-Galing dahil sa mabisa

nang naituro at naipaalam ang pamamaraan ng pagsulat sa ganitong teksto at

nagkaroon ng interaksyon ang mga mag-aaral sa kanilang guro,upang ituro ang teknik

ng pagsulat at maitama ang kanilang mga kamalian (Badayos,2002).

50

Page 51: Thesis ni liz tsu format orig &edited

A. Pagsulat ng Sanaysay

B.1. Nilalaman

Talahanayan 7

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral MataposMaituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman

Hanay ng Iskor saNilalaman

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

30-26 0 30 Lubhang Magaling-Magaling25-21 15 10 Magaling-Magaling-Galing20-16 25 0 Karaniwan-Mahina15-11 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Batay sa Talahanayan 7 antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanayasay batay sa

nilalaman, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 mag-aaral ang nakakuha

ng iskor na 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng

iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing).Batay sa mga datos na ito ang

antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa Karaniwan_Mahina bagamat ang

sanaysay ay ang malimit na isulat ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

ipinapakita pa rin na nasa karaniwan patungong mahina ang kasanayan nila

nangangahulugang na sa 25 sanaysay ito ay nagtataglay ng limitadong kaalaman sa

paksa halos ang mga detalye ay kaunti lamang upang mapaunlad ang

komposisyon.Marami pa rin ang mga mag-aaral na nakatatapos ng elementary na

kulang sa kakayahan sa pagsulat.(Bernales at Villafuerte,2008)Kung nakakasulat man

ang kanilang sulatin ay hindi tumutugon sa mga itinakdang krayterya sa kanilang

antas ng pagkatuto.

51

Page 52: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag-

aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 ,sampu sa mga mag-aaral ay nakuha

ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling-Magaling-Galing) at 30 mag-aaral ang

nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Pinatutunayan

ng mga datos na ito na nasa Lubhang Mahusay_Mahusay ang kasanayan ng mga

m,ag-aaral at nakatulong ang paggamit ng process approach bilang estratehiya sa

pagsulat ng sanaysay upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong

sinulat. Nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro

sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at

nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang

sinulat (Badayos, 2002) .

B.2. OrganisasyonTalahanayan 8

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral MataposMaituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon

Hanay ng Iskor saOrganisasyon

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

20-17 0 28 Lubhang Magaling-Magaling16-13 10 12 Magaling-Magaling-Galing12-9 30 0 Karaniwan-Mahina8-5 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Ang talahanayan 8 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan

ng mga ng mga mag-aaral sa una at huling na burador matapos maituro ang process

approach batay sa organisasyon. Sa unang borador 30 na mag-aaral ang nakakuha ng

iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) ang sinulat ay hindi maayos at hindi

52

Page 53: Thesis ni liz tsu format orig &edited

lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye at 10 mag-aaral ang may iskor sa

pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Sa unang burador makikita na nasa

Karaniwan_Mahina ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral nangangahulugan ang

sinulat na sanayasay ay hindi maayos ang kaisipan, walang kaugnayan at hindi

lohikal ang pagkakasunod ng mga impormasyon.

Samantalang sa huling burador 12 mag-aaral nakakuha ng iskor sa pagitan

ng 16-13( Magaling_Magaling-Galing ) at 28 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa

pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nasa Lubhang

Mahusay_Mahusay ang antas ng kasanayan sa sanaysay ng mga mag-aaral nagkaroon

ang mga ito ng pag-unlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong

paglalahad ng mga suporta at detalye ng isang sanayasay matapos naisagawa ang

process approach.

B. 3. Talasalitaan

Talahanayan 9

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan

Hanay ng Iskor sa Talasalitaan

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

20-17 0 20 Lubhang Magaling-Magaling16-13 8 20 Magaling-Magaling-Galing12-9 32 0 Karaniwan-Mahina8-5 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Nakatuon ang talahanayan 9 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng

bokabularyo, salita at idyoma. Sa unang burador ay ipinakita na 32 mag-aaral ang

nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan-Mahina) at 8 mag-aarla ang may iskor sa

53

Page 54: Thesis ni liz tsu format orig &edited

pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos a ng mga mag-

aaral ay may antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina kung talasalitaan ang pag-

uusapan batay sa kanilang unang burador. Ang mga salik na nakaapekto rito ay ang

kawalan ng interes sa pagsulat (Keh,1990). Kasama rito ang kawalan din ng interes

sa pagbabasa upang lalong mapalawak ang kaalaman sa mga bokabularyo at idyoma

na nagpapaganda sa anumang komposisyon.

Samantalang matapos ang proseso ng process approach at maisagawa ang

huling burador 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-

13( Magaling_Magaling-galing ) at 20 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang

Mahusay_Mahusay. Samakatwid ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay kapwa

nasa pagitan ng Lubhang Mahusay-Mahusay at Magaling-Magaling-

Galing.Pinatutunayang ito na nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang

kanilang kaalaman sa mga idyoma, salita at bokabolaryo sa pagtatapos ng pagtuturo

ng process approach sa mga mag-aaral. Nakatulong ang aktibong pakikibahagi ng

mga mag-aaral sa estratehiya ng process approach upang matamo ang yugto ng

kamalayan at mapabuti ang sanaysay..(White, 2004)

B.4. Wika

Talahanayan 10

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika

Hanay ng Iskor Sa Wika

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

25-21 0 30 Lubhang Mahusay-Mahusay20-16 5 10 Magaling-Magaling-Galing15-11 30 0 Karaniwan-Mahina10-6 5 0 Lubhang Mahina

54

Page 55: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Kabuuan 40 40

Ipinapakita ng talahanayang 10 ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika o

kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap.Sa unang

burador ng paggamit ng process approach, 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa

pagitan ng 10-6 (Lubhang Mahina), 30 mag-aaral ay may iskor sa pagitan ng 15-11

(Karaniwan_Mahina) at 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16

(Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may

kasanayan ng Karaniwan_Mahina sa wika na inilalarawan nito na ang sanaysay ng

unang burador ay may mga suliranin sa pagkakabuo at kamalian sa ugnayan ng

aspekto at bahagi ng pananalita. Mauunawaan na ang mga ito ay naituro na mula sa

elemetarya at sekundarya ngunit magpahanggang ngayon ay dala pa ng mga mag-

aaral ang mga ganitong kamalian.(Bersales at Villafuerte,2008).

Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay

wala ng mga mag-aaral ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina

sa wika. May mga 10 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-

16(Magaling_Magaling-galing) at 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng

25-21 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na

kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng

pananalita at aspekto dahil sa nagkaroon ang mga mag-aaral ng antas ng kasanayan

na Lubhang Mahusay_Mahusay na nangangahulugang naging mahusay na

pagkakabuo ng sanaysay at madalang na lamang ang mali sa ugnayan, aspekto at

bahagi ng pananalita na naunawaan matapos ang pagbibigay ng puna.(Ho, 2006)

55

Page 56: Thesis ni liz tsu format orig &edited

B. 5. Mekaniks

Talahanayan 11

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks

Hanay ng Iskor sa Mekaniks

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

5 0 32 Lubhang Mahusay-Mahusay4 10 8 Magaling-Magaling-Galing3 25 0 Karaniwan-Mahina2 5 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Sa Talahanayan 11 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan

sa kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas at

pagtatala at paggamit ng malaking titik.Limang mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 2

(Lubhang Mahina), 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina) at

10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita

nito na sa unang burador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa

Karaniwan_Mahina. Inilalarawan nito na ang komposisyong ay malimit na may

kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit ng malaking

titik. Isang malaking salik sa ganitong suliranin ay ang pagkahilig ng mga mag-aaral

sa pagtetext na kadalasan ay nadadala maging sa pagsulat ng komposisyon kasama na

rin ang kawalan ng interes sa pagsulat.(Concepcion,2006).

Matapos maisagawa ang proseso ng process approach wala ng mag-aaral

ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan-Mahina, 8 mag-aaral na lamang ang

nabibilang sa iskor na 4 na may deskripsyong berbal na Magaling_Magaling-

56

Page 57: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Galing at 32 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 5 na Lubhang Mahusay_Mahusay.

Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral sa wika ay may

antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay_Mahusay sapagkat ito ay nakakuha ng

pinakamalaking bahagdan ng mga kalahok. Ipinakikita nito na naunawaan na ng mga

mag-aaral ang paraan ng pagsulat ng sanaysay maging ang pagkakaroon ng madalang

na kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas ,pagtatala at paggamit ng

malaking titik sa pamamagitan ng tamang paggabay at pagpapapaliwanang ng puna

ng guro .Mahalaga ang guro sa pagpapatupad ng process approach upang maging

totoong epektibo ang pagtuturo (Doctor, 1996).

B. 6. Karaniwang Iskor ng mga mag-aaral sa Pagsulat ng Sanaysay

Talahanayan 12

Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach

Unang Burador Huling Burador

Komponent Kabuuang Iskor

Karaniwang/Mean

DeskripsyongBerbal

Kabuuang Iskor

KaraniwangMean

DeskripsyongBerbal

Nilalaman 30%

831 20.78 KaraniwangMahina

1120 28.00Lubhang Mahusay-Mahusay

Organisasyon 20%

510 12.75 Karaniwang Mahina

735 18.38Lubhang Mahusay-Mahusay

Talasalitaan20%

512 12.8 Karaniwang Mahina

665 16.63 Magaling-Magaling-Galing

Wika 25%

600 15.00 KaraniwangMahina

920 23.00 Lubhang Mahusay-Mahusay

Mekaniks 5%

125 3.13 Lubhang Mahina

192 4.8 Lubhang Mahusay-

57

Page 58: Thesis ni liz tsu format orig &edited

1.1.1.18

Mahusay

Kabuuan 64.46

90.81

Ipinakikita ng talahanayan 12 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral

sa pagsulat ng una at pinal na borador batay sa limang krayterya. Para sa nilalaman

nagkaroon ng kabuuang iskor na 831 na may karaniwang mean na 20.78 at

deskripsyong berbal na karaniwan- mahina samanatalang matapos maiisagawa ang

proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na 1120 at

karaniwang mean na 28.00 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay-

Mahusay.

Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor na 510

na may karaniwang mean na 12.75 na may deskripsyong berbal na karaniwang-

mahina.Samantalang sa pinal na borador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 665 at

karaniwang mean na 16.63 na may deskripsyong berbal na Magaling-Magaling-

galing.

Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang

iskor na 512 at karaniwang mean na 12.8 at Karaniwan- Mahina bilang deskripsyong

berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 665 at 16.63 na karaniwang

mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.

Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na

600 at karaniwang mean na 15.00 at Karaniwang-Mahina bilang deskripsyong berbal

samantalang sa huling burador ay may kabuuang 920 at 23.00 na karaniwang mean

at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.

58

Page 59: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor

na 125 at karaniwang mean na 3.13 at Karaniwan- Mahina bilang deskripsyong

berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 192 at 4.8 na karaniwang

mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.

Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng

mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral

(Francisco) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi nalinang ang

kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa kawalan marahil ng

interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay ang kawalan ng

kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto. At ang kawalan ng puna

upang malaman ang mga kamalian. Ngunit nang matapos maisagawa ang proseso ng

process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor batay sa limang komponent.

Nabigyan nang tamang paggabay,makabuluhang puna at sapat na kaalaman kung

paano isusulat ang sanayasay batay na rin sa kanilang sariling pang-unawa.

B. Pagsulat ng Liham na Panyaya

C.1. Nilalaman

Talahanayan 13

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman

Hanay ng Iskor sa Nilalaman

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

30-26 0 15 Lubhang Mahusay-Mahusay25-21 15 25 Magaling-Magaling-Galing20-16 25 0 Karaniwan-Mahina15-11 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

59

Page 60: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Batay sa talahanayan 13, ipinapakita nito na sa unang burador ng pagsulat ng

liham ng paanyaya batay sa nilalaman ay may 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor

sa pagitan ng 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng

iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing). Makikita na ang antsa ng

kasanayan sa nilalaman ng unang burador ay nasa Karaniwan_Mahina. Ipinakikita

nito na ang sinulat na liham ay limitado ang kaalaman sa paksa at hindi napaunlad

ang kaisipan. Sapagkat kung minsan ang ating mga estudyante ay nahihirapan sa

paglikha ng komposisyon na orihinal at makabuluhan dahil nakadepende ang

kanilang kakayahan sa uri ng matetyal at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng

kanilang karanasan (Sengseng, 1987). Ipinapakita na hindi naging mabisa ang mga

dating materyal na ginamit upang malinang ang kasanayan sa pagsulat ng liham

noong sila ay nasa elementarya at maaring sekundarya.

Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag-

aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan 20-16 (Karaniwan_Mahina),at 25 mag-aaral

ang nabibilang sa iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing) at 15 mag-

aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26. Pinatutunayan ng mga datos na ito

na nakatulong ang paggamit ng process approach bilang estratehiya sa pagsulat ng

liham ng paanyaya upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong

sinulat. Nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro

sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at

nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang

sinulat.

60

Page 61: Thesis ni liz tsu format orig &edited

C.2. Organisasyon

Talahanayan 14

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon

Hanay ng Iskor saOrganisasyon

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

20-17 0 27 Lubhang Mahusay-Mahusay16-13 22 13 Magaling-Magaling-Galing12-9 18 0 Karaniwan-Mahina8-5 0 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Ang talahanayan 14 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan

ng mga mag-aaral sa unang burador matapos maituro ang process approach batay sa

organisasyon. Sa unang burador 18 mag-aaral ang nabibilang sa iskor sa pagitan ng

12-9 (Karaniwan_Mahina) at 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-

13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos na ito, makikita na ang

kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa Magaling_Magaling-Galing na

nangangahulugan na ang liham ng paanyaya ay nawala sa pagiging organisado

ngunit malinaw pa rin ang paksa at limitado ang suporta ng mga detalye.

Samantalang sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng mag-aaral ang

nakakuha ng iskor na 12-9 at 13 mag-aaral na nakakuha ng iskor na sa pagitan ng

61

Page 62: Thesis ni liz tsu format orig &edited

16-13 (Magaling_Magaling-galing) at may 27 mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng

20-17 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan ng mga datos na sa pagtatapos

ng pagsasagawa ng process approach ang mga kalahok ay nagkaroon ng

kasanayan na Lubhang Mahusay-Mahusay sa pagsulat ng liham paanyaya

nangangahulugan lamang na naging maayos na ang pagpapahayag ng paksa at

malinaw na nailahad ang mga suporta at lohikal ang pagkakaayos at may kaisahan ng

kaisipan. Mas mataas ang kalidad ng liham na nabubuo ng mga mag-aaral kung

ginagamitan ng process approach. Malaking tulong ang ganitong dulog sa paglinang

ng pagkaunawa sa mga mag-aaral at kung isinasaalang-alang ang kanilang

interes,kakayahan at estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.(Concepcion 2006).

C. 3. Talasalitaan

Talahanayan 15

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan

Hanay ng Iskor sa Talasalitaan

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

20-17 0 18 Lubhang Mahusay-Mahusay16-13 4 22 Magaling-Magaling-Galing12-9 30 0 Karaniwan-Mahina8-5 6 0 Lubhang Mahina

40 40 Kabuuan

Nakatuon ang talahanayang 15 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng

bokabularyo,salita at idyoma sa pagsulat ng liham na paanyaya. Sa unang burador ay

ipinakita na 6 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 8-5 (Lubhang

Mahina), 30 mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) at 4

62

Page 63: Thesis ni liz tsu format orig &edited

na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-

Galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may antas ng kasanayan sa

Karaniwan_ Mahina. Nangangahulugan lamang na ang sinulat na liham ay limitado

ang kaalaman at may kamalian sa pagpili ng angkop na salita.Ito ay bunsod ng

kawalan ng mga gawain na lilinang sa mga mag-aaral upang mapayaman ang

kanilang kaalaman sa talasalitaan. Malimit ding alang interes sa pagbabasa ang mga

mag-aaral na hadlang sa paglinang ng mayaman na talasalitaan.

Samantalang matapos maisakatuparan ang proseso ng process approach at

maisagawa ang huling burador ay wala ng nabibilang sa karaniwang –mahina. May

22 mag-aaral ang nagkaroon ng iskor sa pagitan ng 16-13 ( Magaling_Magaling-

Galing ) at 18 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay.

Pinatutunayang ito na nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang

kaalaman sa mga idyoma,salita at bukabolaryo sa pagtatapos ng pagsasagawa ng

process approach. Dahil ang mga mag-aaral ay binigyan ng pagkakataong mapag-

isipan at marebisa ang kanilang ideya kasama ng gabay na ibinigay ng guro na naging

dahilan para maging mahusay ang huling sipi ng kanilang liham.(Ignacio,2008)

C.4. Wika

Talahanayan 16

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika

Hanay ng Iskor

Unang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

25-21 0 20 Lubhang Mahusay-Mahusay20-16 15 20 Magaling-Magaling-Galing15-11 20 0 Karaniwan-Mahina

63

Page 64: Thesis ni liz tsu format orig &edited

10-6 5 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40

Ipinapakita ng talahanayang 16 na ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa

wika o kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap. Sa

unang burador ng paggamit ng process approach ay may 5 na mag-aaral na

nakakuha ng iskor sa pagitan ng 10-6 (Lubhang Mahina), 20 mag-aaral ay may iskor

sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay

may kasanayan ng Karaniwan_Mahina sa wika na nangangahulugan na ang liham

na isinulat ay may mangilan-ngilang suliranin sa pagkakabuo at may ilang kamalian

sa ugnayan ng aspekto, salita at bahagi ng pananalita.

Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay

wala ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina sa

wika. May 20 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-16 (Magaling_Magaling-

galing) at 20 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang

Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga

mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalita dahil sa

pagkakaroon ng antas ng kasanayan na kapwa Lubhang Mahusay_Mahusay at

Magaling_Magaling-Galing.

C. 5. Mekaniks

Talahanayan 17

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks

Hanay ng IskorUnang Burador

Huling Burador Deskripsyong Berbal

64

Page 65: Thesis ni liz tsu format orig &edited

5 0 15 Lubhang Mahusay-Mahusay4 10 25 Magaling-Magaling-Galing3 22 0 Karaniwan-Mahina2 8 0 Lubhang Mahina

Kabuuan 40 40

Sa talahanayan 17 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa

kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas,

pagtatala at paggamit ng malaking titik. Walo sa mga mag-aaral ang nakakuha ng

iskor na 2 (Lubhang Mahina), 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3

(Karaniwan_Mahina) at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4

(Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita nito na sa unang burador ang kasanayan ng

mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina na nangangahulugan na ang mga

sinulat na liham ay may malimit na kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas,

pagtatala,paggamit ng malaking titik at may malabong kahulugan.

Matapos maisagawa ang estratehiyang process approach wala ng mag-aaral

ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan_Mahina, 25 mag-aaral ang

nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 15 mag-aaral ang nakakuha

ng iskor na 5 Lubhang-Mahusay-Mahusay.

Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral ay may kasanayan

sa wika ng Magaling_ Magaling-Magaling ang mga liham na isinulat ay nagkaroon

na lamang ng mangilan-ngilang kamalian sa pagbaybay,paglalagay ng bantas ,

pagtatala at paggamit ng malaking titik.Pinatutunayan na nakatulong ang process

approach sa pagpapabuti ng mga liham na sinulat ng mga mag-aaral.

C. 6. Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham Paanyaya ng mga Mag-aaral

65

Page 66: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Ipinakikita ng talahanayan 18 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral

sa pagsulat ng una at huling na burador batay sa limang component .Para sa nilalaman

nagkaroon ng kabuuang iskor na 875 na may karaniwang mean na 21.88 at

deskripsyong berbal na Magaling-Magaling-Galing samanatalang matapos

maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na

1040 at karaniwan mean na 26 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay-

Mahusay.

Talahanayan 18

Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham ng Panyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach

Unang Burador Huling BuradorKomponent Kabuuang

IskorKaraniwang/

MeanDeskripsyong

BerbalKabuuang

IskorKaraniwang

MeanDeskripsyong

BerbalNilalaman

30% 875 21.88 Magaling-Magaling-

Galing

1040 26 Lubhang Mahusay-Mahusay

Organisasyon 20% 568 14.2

Magaling-Magaling-

Galing721 18.03 Lubhang

Mahusay-Mahusay

Talasalitaan20% 457 11.43 Karaniwang

Mahina684 17.10 Lubhang

Mahusay-Mahusay

Wika 650 16.25 Magaling- 870 21.75 Lubhang

66

Page 67: Thesis ni liz tsu format orig &edited

25% Magaling-Galing

Mahusay-Mahusay

Mekaniks 5%122 3.05 Karaniwang

Mahina175 4.38 Magaling-

Magaling-Galing

Kabuuan 66.81 87.26

Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor

na 568 na may karaniwang mean na 14.2 at deskripsyong berbal na Magaling-

Magaling-Galing. Samantalang sa huling borador ay nakakuha ng kabuuang iskor na

721 at karaniwang mean na 18.03 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay-

Mahusay.

Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang

iskor na 457 at karaniwang mean na 11.43 at Karaniwang_Mahina bilang

deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 684 at 17.1 na

karaniwang mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.

Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na

650 at karaniwang mean na 16.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong

berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 870 at 21.75 na karaniwang

mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong berbal.

Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor

na 122 at karaniwang mean na 3.05 at Karaniwan_Mahina bilang deskripsyong

berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 175 at 4.38 na karaniwang

mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.

67

Page 68: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng

mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral

(Francisco, 1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi

nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa

kawalan ng interes sa pagbabasa. Naging sanhi rin ng kahinaan ay ang kawalan ng

kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto maging ang kawalan ng

puna upang malaman ang sariling mga kamalian. Kasama nito ang kawalan ng

istratehiya sa pagsulat na makakatulong sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat upang

makalikha ng mas mataas na kalidad ng mga sulating bububuin (Doctor, 1996)

2. Kabisaan ng process approach sa pagpapaunlad ng kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon batay sa kanilang marka sa iba pang komposisyon.

Talahanayan 19

Mga Marka ng mga Mag-aaral na ginamitan ng Process Approach

Komposisyon Karaniwang Mean ng gumamit ng Process Approach (Experimental Group)

Pagsulat ng Wakas ng Kwento 88.7

Pagsulat ng Sanaysay 90.81

Pagsulat ng Liham ng Panyaya 87.26

Karaniwang Mean 88.92

Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga marka ng mga mag-aaral

na nabibilang sa experimental group ito ang nakatanggap ng proseso ng process

approach. Ipinapakita ng talahanayan 19 ang mga marka ng mga mag-aaral sa

68

Page 69: Thesis ni liz tsu format orig &edited

pagsulat ng wakas ng maikling kwento na may markang 88.7, pagsulat ng sanaysay

na may markang 90.81 at pagsulat ng liham ng paanyaya na may markang 87.26. Ito

ay may kabuuang karaniwang mean na 88 .92. Nangangahulugan lamang na higit na

naging madali sa mga kalahok ang pagsulat ng sanaysay dahil ito ang pinaka-

karaniwang ginagamit sa klase mula sa paggamit ng estratehiyang ito, mas lalo nila

itong naunawaan maging ang mga tuntunin ng pagsulat nito. Samantalang

pumangalawa ang pagsulat ng wakas ng maikling kwento dahil sa naging pamilyar na

sila sa mga tuntunin at nilalaman nito at pinakahuling marka naman ang pagsulat ng

liham.Ito ay may karaniwang mean na 88.92 na nagpapatunay na higit na nakatulong

ang paggamit ng estratehiya ng process approach batay sa mga datos na ito.

Talahanayan 20

Mga Marka ng mga Mag-aaral sa Control Group sa Pagsulat

Komposisyon Karaniwang Mean (Control Group)

Pagbibigay ng wakas ng maikling kwento 82.00

Pagsulat ng Sanaysay 80.00

Liham na Paanyaya 81.00

Karaniwang Mean 81.00

Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga control group ito ang pangkat

na sumailalalim sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo.Ipinapakita ng talahanayan 20

ang mga iskor ng mga mag-aaral sa mga komposisyong sinulat na hindi gumamit ng

estratehiyang process approach. Ipinakikita nito na sa kabuuan ang mga kalahok ay

may pangkalahatang iskor na 82.00 sa pagsulat ng wakas ng maikling kwento, 80.00

69

Page 70: Thesis ni liz tsu format orig &edited

sa pagsulat ng sanaysay at Liham ng Paanyaya na 81.00. Sa kabuuan ito ay nakakuha

ng karaniwang mean na 81.00. Pinatutunayan ng mga datos na ito na mahina ang

kakayahan ng mga mag-aaral kung kasanayan sa pagsulat ang magiging batayan.

Dahil sa kawalan ng estratehiyang ginamit upang mahikayat at maunawaan ng mga

mag-aaral ang kanilang mga gagagawin.Wala rin panimulang gawain upang

maihanda sila sa kanilang isusulat.Ang mga mag-aaral ay nararapat na dumaan sa

maraming hakbang sa pagsulat mula sa paglikha ng mga ideya,pagsulat,pagrerebisa,

pagkuha ng feedback at pagsulat muli.(Keh 1990).

3.Kalakasan at kahinaan ng process approach batay sa saloobin at pananaw ng

mga mag-aaral.

Mula sa mga kalahok na sumailalim sa experimental group ang guro/

mananaliksik ay nagkaroon ng panayam sa mga mag-aaral batay sa kanilang

saloobin at pananaw sa pagsasagawa ng process approach. Tinipon ng mananaliksik

ang mga kasagutan ng mga kalahok at ito ay inilagay sa isang talahanayan.

Talahanayan 21

Kalakasan ng Process Approach batay sa panayam sa mga Mag-aaral

Kalakasan Blg. ng kalahok

Bahagdan

1.Nagkaroon ako ng sapat na panahon para sulatin ang burador at sulating muli ang huling burador. 5 12.50%

1. 2. Nakatulong ang mga paghahanda sa panimulang pagsulat at pagpapakita ng mga halimbawa ng mga komposisyong isusulat para maging malawak ang aking kaalaman sa paksa at masuring mabuti ang sariling komposisyon.

15 37.50%

3.Nagkaroon ako ng pagpapahalaga sa aking sarili lalo na nang mabigyan ng puna ang aking komposisyon nawala

70

Page 71: Thesis ni liz tsu format orig &edited

ang konseptong “hindi binabasa ng guro ang mga komposisyon”.

7 17.50%

4.Angkop ang mga pagsasanay sa pagsulat para maiugnay ko ang aking sariling karanasan at matapos ko ang pagsulat ng may tiwala sa sarili. 5 12.50%

5.Naunawaan at natutunan ko ang mga paraan o panuntunan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon.

8 20%

Kabuuan 40 100%

Ang talahanayan 21 ang naglalarawan ng pagkakahati ng mga pananaw ng bawat

mag-aaral.Habang isinasagawa ng mananaliksik ang pag-aaral ng process approach

ay nagkaroon siya ng panayam sa mga mag-aaral ukol sa kalakasan nito. Makikita sa

talahanayan 20 na 15 (37.50%) sa mga kalahok ang nagsabing nakatulong ang mga

paghahanda sa panimulang pagsulat at pagpapakita ng mga halimbawa ng mga

komposisyong isusulat para maging malawak aking kaalaman sa paksa at masuring

mabuti ang sariling komposisyon, 8 (20%) ang nagsabing naunwaan at natutunan nila

ang mga paraan o panuntunan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon, 7 (17.50%)

ang nagsabing nagkaroon sila ng pagpapahalaga lalo na nang mabigyan ito ng puna

ng guro, 5 ( 12.50%) ang nagsabing angkop ang mga pagsasanay sa pagsuloat para

maiugnay ang sariling karanasan at matapos ang pagsulat ng may tiwala sa sarili at 5

(12.50%) rin ang nagsabi na nagkaroon sila ng sapat na panahon para matapos ang

pagsulat ng una at huling burador.

Talahanayan 22

Kahinaan ng paggamit ng process approach batay sa pananaw ng mga Mag-aaral

Kahinaan ng process approachBilang

Ng Kalahok Porsyento

71

Page 72: Thesis ni liz tsu format orig &edited

1. Mas mahabang panahon ang iniuukol sa pagsulat mula sa panimulang gawain ng pagsulat ng unang burador hanggang sa pagbibigay ng puna ng guro para sa muling pagsulat ng huling burador.

18 45%

2.Sa una ay nahirapan ako sa paghahanap ng mga ibang halimbawa ng mga komposisyong tatalakayin. Ngunit ng magpakita na ang guro ng mga halimbawa ay naunawaan ko na.

17 42.50%

3. Hindi ako sanay na mabigyan ng puna ng harap-harapan at ipinaliliwanag sa akin ang aking kamalian “napaka-awkward ng pakiramdam”.

5 12.50%

Kabuuan 40 100%Samantalang sa Talahanayan 21 tungkol sa kahinaan ng process approach ay

18 (45%) nagsabing kahinaan ng process approach ang mahabang panahon ng

proseso mula sa paghahanda sa panimulang pagsulat, pagsulat at muling pagsulat, 17

(42.50%) ang nagsabing sa una ay nahirapan sila sa paghahanap ng mga halimbawa

ng komposisyon ngunit naunawaan na nila ng magpakita ng halimbawa ang guro at 5

(12.50%) ang nagsabing hindi sila sanay sa pagbibigay ng puna sa sinulat na

komposisyon.

2. Implikasyon ng mga natuklasan ng pag-aaral sa pagtuturo ng pagsulat

sa Caluluan High School

A. Sa mga Mag-aaral

Sa pagsusuri sa mga nakalap na datos ay ipinapakita na maraming

mga mahahalagang ambag ang paggamit ng process approach bilang isa sa mga dulog

sa pagtuturo at paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Batay sa mga iskor ng mga

kalahok sa pagsulat ng sanaysay,pagbibigay ng katewiran at opinyon na hindi

sumailalim sa process approach ay nakita ang mababang iskor ng mga mag-aaral sa

larangan ng pagsulat maging ang antas ng kanilang kasanayan. Subalit nang gamitin

72

Page 73: Thesis ni liz tsu format orig &edited

ang process approach ay tumaas ang kanilang mga marka dahil sa nalaman nila ang

mga tuntunin sa pagsulat ng iba’t ibang komposisyon, nagkaroon sila nang higit na

kaalaman sa paggamit ng talasalitaan at wika at nakatanggap sila ng feedback o puna

tungkol sa kanilang mga kamalian at kung paano nila higit na mapapahusay ang

kanilang sinulat.

Ang mga panimulang paghahanda ng prosesong ito ay nagbigay nang

higit na mas malalim na pagkaunawa at pagsusuri sa paksa. Sapagkat ang malawak na

kaalaman sa paksang isusulat at ang kabatiran sa paraan ng pagsulat ng isang anyo ng

komposisyon gaya ng pagsulat ng sanaysay,wakas ng kwento o maging ng liham ay

nakakatulong para makapagrodyus ng isang makabuluhang komposisyon. Ito rin ay

makakatulong sa pag-angat ng kanilang kakayahang pang-akademiko,ang paghubog

ng tiwala sa sarili sa pagsulat at pagkakaroon ng motibasyon upang magsulat. Higit sa

lahat ay nakikilala ng mag-aaral ang kanyang sarili; ang kanyang kalakasan at

kahinaan, lalim ng kanyang pag-unawa, ang tayog at lawak ng kanyang kaisipan at ang

naaabot ng kanyang kamalayan.

B. Caluluan High School

Bagamat ipinapakita ng mga sinuring datos na mababa ang antas ng

kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat bagay na nakakaapekto sa kakayahan ng

bawat mag-aaral manging ng paaralan.Makakatulong ang process approach sa paaralan

upang maitaas ang antas ng pang-akademikong pagganap ng mga mag-aaral hindi

lamang sa asignaturang Filipino kundi maging sa iba pang asignaturang

73

Page 74: Thesis ni liz tsu format orig &edited

nangangailangan ng pagpapahayag ng damdamin at saloobin lalo sa larangan ng

pagsulat.

C. Sa mga Guro

Nakita ng mananaliksik na sa unang mga buwan ng pagpapatupad ng

process approach ay mangangailangan ng mas maraming panahon ang guro ng

pangangalap ng mga hulwaran na komposisyon na magsisilbing modelo ng mga mag-

aaral gaya ng pagsulat ng sanaysay,wakas ng kwento o ng liham. Mangangailangan

din ng kabisaan ang guro sa pagbibigay ng tuntunin sa paraan ng pagsulat ng mga

nabanggit.Maging ang pagbibigay ng mga gawaing makatutulong nang malaki sa

kaalaman sa gramatika at talasalitaan. Nangangailangan din ang guro na maging

malikhain sa paglikha ng mga panimulang gawain bago ang pagsulat bilang

paghahanda sa mga mag-aaral..Sa madaling salita ay ang guro ang magsisilbing daloy

ng kaalaman sa prosesong ito. Ngunit sa kalaunan ng paggamit nito ay magiging

magaan na ang gawain sa bahagi ng guro sapagkat nabigyan na ng kaalaman ang

bawat mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang komposisyon at maging ang pag;linang ng

kasanayan sa pagsulat ay matatamo na rin. Magkakaroon na rin ng kakayahan ang

bawat mag-aaral na magbigay ng puna sa mga isinulat ng kanilang mga kapwa

kamag-aral. Maging ang pagngongolekta ng mga materyales na ginamit sa unang

buwan o taon ng pagtuturo ay makaktulong para sa muling paggamit..

Anumang bagay na bago sa guro ay magiging mahirap sapagkat

manganngailangan ito ng ibayong paghahanda at pag-aaral ngunit ang pagbabagong

74

Page 75: Thesis ni liz tsu format orig &edited

ito na dulot ng process approach ay mararamdaman at makikita sa pagkakaroon ng

mataas na kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral

Bagamat ang process approach ay isang dulog na sa unang tingin ay

nakakapagod dahil sa mahabang prosesong paghahanda ng guro maging ng mga

mag-aaral mula sa panimulang pagsulat, sa proseso na ng pagsulat at sa muling

pagsulat. Ngunit ang mga benepisyong maibibigay nito mula sa paglinang ng

pagiging kritikal na pagtingin sa paksa hanggang sa paglinang sa kakayahan sa

pagsulat mula sa kaalaman sa organisasyon, nilalaman,talasalitaan,wika at mekaniks

ng isang komposisyon ang siyang minsan ay hindi nabibigyan ng pansin.Tandaan

nating nakakatulongf ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin,napapaunlad nito ang iba pang

kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala ,pagtukoy ng mahahalagang

detalye,pakikipagtalakayan,pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga impormasyong

nakalap.

75

Page 76: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Kabanata 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Matutunghayan sa tsapter na ito ang nagging resulta ng pag-aaral ayon sa

buod, kongklusyon at rekomendasyon batay sa mga nasuring datos.

Lagom

1. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos ituro

ang “process approach” bilang isang pagdulog sa pagsulat batay sa:

Pagsulat ng wakas ng kwento

1.1. Nilalaman

76

Page 77: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Mas maraming mag-aaral ang nabibilang sa antas ng kasanayan na

Karaniwan_Mahina (25) at Magaling_Magaling-Galing (15) sa unang burador.

Samantalang sa huling burador mas marami ang nasa antas ng kasanayan na

Lubhang Mahusay-Mahusay (25) at Magaling_Magaling-Galing (15)

1.2. Organisasyon

Mas maraming mag-aaral ang nasa antas ng Karaniwan-Mahina (23)

kaysa Magaling_Magaling-Galing (17) sa unang burador. Sa huling burador ay mas

maraming nabibilang sa Lubhang Mahusay_Mahusay (22) kaysa sa

Magaling_Magaling-Galing (18).

1.3. Talasalitaan

Mas maraming mag-aaral ang nabibilang sa antas ng kasanayan ng

Karaniwan_Mahina (35) kaysa Magaling_Magaling-Galing (5) sa unang burador .Sa

pagsulat naman ng huling burador ay kapwa nasa antas ng Lubhang-

Mahusay_Mahusay (20) at Magaling_Magaling-Galing (20) ang mga mag-aaral.

1.4. Wika

Kapawa nasa pagitan ng Magaling_Magaling-Galing (20) at

Karaniwan_Mahina (20) ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa unang burador

at sa pagsulat ng huling burador ang mga mag-aaral ay nasa antas ng Lubhang

Mahusay-Mahusay (25) at Magaling-Magaling-Galing (15).

1.5. Mekaniks

Mas maraming mag-aaral ang nasa antas ng Karaniwan_Mahina (30)

kaysa sa Magaling_Magaling-Galing (10) sa unang burador. Samantalang nasa

77

Page 78: Thesis ni liz tsu format orig &edited

pagitan ng Lubhang Mahusay-Mahusay (20) at Magaling-Magaling-Galing (20)

ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa huling burador.

Sa kabuuan ang unang burador ay nakakuha ng marka na 67.21 at ang

huling burador ay nakukuha ng kabuuang marka na 88.41.

Pagsulat ng Sanaysay

1.1 Nilalaman

Mas marami ang nasa antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina

(25) kaysa sa Magaling_Magaling-Galing (15) sa unang burador. Sa pagsulat ng

huling burador ay mas marami ang nabibilang sa Lubhang mahusay-Mahusay (30)

ang antas kayasa sa Magaling_Magaling-Galing (10).

1.2. Organisasyon

Sa pagsulat ng unang burador karamihan sa mga mag-aaral ang nasa

Karaniwan_Mahina (30) kaysa sa Magaling_Magaling-Galing (10). Nang matapos

maisulat ang huling burador nasa Lubhang Mahusay_Mahusay (28) a ng mga mag-

aaral at ang natitira ay nabibilang sa Magaling_Magaling-Galing (12).

1.3. Talasalitaan

Nasa antas ng Karaniwan_Mahina (32) ang malaking bilang ng mga

mag-aaral at Magaling-Magaling-Galing (8) sa unang burador. Nang matapos ang

pagsulat ng huling burador ay nasa pagitan ng Lubhang Mahusay-Mahusay (20) at

Magaling-Magaling-Galing (20) ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral.

1.4. Wika

78

Page 79: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa unang burador ay nasa

Karaniwan_Mahina (30) at ang natitira ay nasa pagitan ng Lubhang Mahina (5) at

Magaling_Magaling-Galing (5) .Sa pagtatapos ng pagsulat ng huling burador ay

nasa antas ng Lubhang-Mahusay-Mahusay (30) at ang nalalabing mga mag-aaral ay

nasa Magaling_Magaling-Galing (10).

1.5. Mekaniks

Nasa Karaniwang_ Mahina ( 25) ang antas ng kasanayan ng mga mag-

aaral sa unang burador at ang nalalabing mag-aaral ay nasa Magaling_Magaling-

Galing (15). Samantalang sa pagsulat ng huling burador ay nasa Lubhang

Mahusay_Mahusay (32) ang antas ng kasanayan ng karamihan sa mga mag-aaral

at Magaling_Magaling-Galing (8) naman ang nalalabing mag-aaral.

Ang kabuuang marka ng mga mag-aaral sa pagsulat ng unag burador ay

64.46 at sa huling burador ay 90.81.

Pagsulat ng Liham na Paanyaya

1.1 Nilalaman

Sa unang burador ang mga mag-aaral ay may antas ng

Karaniwan_Mahina (25) at ang nalalabing mag-aaral ay may antas ng

Magaling_Magaling-Galing (15). Nang matapos maisulat ang huling burador ang

karamihan sa mag-aaral ay nagkaroon ng antas ng kasanayan na

Magaling_Magaling-Galing (25) at ang mga nalalabing mag-aaral ay nagtamo ng

antas ng kasanayan ng Lubhang Mahusay_Mahusay (15).

1.2. Organisasyon

79

Page 80: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkaroon ng

Magaling_Magaling-Galing (22) na antas ng kasanayan at ang mga natitirang mag-

aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina (18). Matapos sulatin ang huling

burador ay nagkaroon ng antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay _Mahusay (27)

at nasa Magaling_Magaling-Galing (13) ang mga natitirang mag-aaral.

1.3. Talasalitaan

Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkamit ng antas na

kasanayan na Karaniwan patungo sa Mahina (30) at Magaling_Magaling-Galing

(10). Matapos sulatin ang huling burador ay nagkaroon ng antas ng kasanayan na

Magaling_Magaling-Galing (22) ang karamihan at nasa Lubhang Mahusay-

Mahusay (18) ang mga natitirang mag-aaral.

1.4. Wika

Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkamit ng antas

na kasanayan na Karaniwan_Mahina (20) , Magaling_Magaling-Galing (15) at

Lubhang Mahina (5). Matapos sulatin ang huling burador ay kapwa nagkaroon ng

antas ng kasanayan na Magaling-Magaling-Galing (20) at Lubhang-Mahusay-

Mahusay (20) ang mga mag-aaral.

1.5. Mekaniks

Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkaroon ng

antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina (22), Magaling-Magaling-Galing (10) at

Lubhang Mahina (8). Matapos sulatin ang huling burador ay nagkaroon ng antas na

80

Page 81: Thesis ni liz tsu format orig &edited

kasanayan na Magaling_Magaling-Galing (25) at Lubhang Mahusay_Mahusay (15)

ang mga natitirang mag-aaral.

Sa kabuuan ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa unang burador ay

66.81 samantalang sa huling burador ay 87.26.

2. Kabisaan ng process approach sa pagpapaunlad ng kahusayan sa pagsulat ng

mga mag-aaral batay sa kanilang marka sa iba pang komposisyon.

Ang kabuuang marka ng mga mag-aaral na hindi sumailalim sa process

approach na nabibilang sa control group ay 82.00 para sa pagsulat ng sanaysay ,

80.00 sa pagpapahayag ng opinyon ay at 81.00 sa pagpapahayag ng katwiran .Ang

mga ito ay may karaniwang mean na 81.00. Samantalang ang kabuuang marka ng

mga mag-aaral na sumailalim sa process approach o tinawag na experimental group

ay 88.7 para sa pagsulat ng wakas ng kwento, 90.81 pagsulat ng sanaysay at 87.26

para sa Liham ng Paanyaya.Ito ay may karaniwang mean na 88.92.

3. Kalakasan at kahinaan ng paggamit ng “process approach”.

Ang mga kalakasan ng process approach ay ang mga sumusunod:

15 (37.50%) ang nagsabing nakatulong ang mga paghahanda sa panimulang

pagsulat at pagpapakita ng mga halimbawa ng komposisyong isusulat para maging

malawak ang kanilang kaalaman sa paksa at masuri nang mabuti ang sariling

komposisyon, 8 (20%) ang nagsabing mas naunawaan at natutunan nila ang mga

paraan o panuntunan sa pagsulat ng iba’t ibang komposisyon, 7 (17.50%) ang

nagsabing nagkaroon sila ng pagpapahalaga sa kanilang mga sarili lalo na nang

mabigyan ng puna ang kanilang mga komposisyon nawala ang konseptong “hindi

81

Page 82: Thesis ni liz tsu format orig &edited

binabasa ng guro ang sinulat na komposisyon”, 5 (12.50%) ang nagsabing

nagkaroon sila ng sapat na panahon para sulatin ang una at

huling burador at 5 (12.50%) ang nagsabi na angkop ang mga pagsasanay sa

pagsulat para maiugnay nila ang kanilang sariling karanasan at matapos ang

pagsulat ng may tiwala sa sarili.

Samantalang ang kahinaan ng process approach sa pananaw ng mga mag-

aaral ay ang mag sumusunod: 18 (45%) ang nagsabing mas mahabang panahon ang

iniuukol sa pagsulat mula sa panimulang gawain ng pagsulat ng unang burador

hanggang sa pagbibigay ng puna ng guro para sa pagsulat ng huling burador, 17

(42.50%) ang nagsabing sa una ay nahirapan sila sa paghahanap ng mga halimbawa

ng mga komposisyong susulatin ngunit ng magpakita na ang guro ng mga halimbawa

ay naunawaan na nila at 5 (12.50%) ang nagsabing hindi sila sanay na mabigyan

ng puna ng harap-harapan at ipinaliliwanag sa akin “awkward ang pakirandam”

Kongklusyon

Batay sa mga resulta ng pagsusuri, ang mga sumusunod ang kongklusyon ng

pag-aaral.

1. Batay sa nilalaman, nabibilang sa antas ng kasanayan na Karaniwan

patungong Mahina ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas ng kwento,sanaysay

at liham paanyaya sa kanilang unang burador.Samantalang nasa antas ng Lubhang

Mahusay_Mahusay matapos ang huling burador.Batay sa organisasyon , nabibilang

sa antas ng kasanayan na Magaling_Magaling-Galing ang mga mag-aaral sa

82

Page 83: Thesis ni liz tsu format orig &edited

pagbibigay ng wakas ng kwento, sa sanaysay ang mga mag-aaral ay nasa antas ng

Karaniwan patungong Mahina at sa liham paanyaya ay nasa antas ng Magaling-

Magaling-Galing sa kanilang unang burador. Samantalang nasa antas ng Lubhang-

Mahusay-Mahusay ang mga mag-aaral matapos ang huling burador.Batay sa

talasalitaan , nabibilang sa antas ng kasanayan na Karaniwan patungong Mahina

ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas ng kwento,sanaysay at liham paanyaya

sa kanilang unang burador . Samantalang nasa antas ng Lubhang Mahusay_Mahusay

sa pagsulat ng wakas ng maikling kwento, Magaling-Magaling-Galing sa sanaysay

at Lubhang Mahusay_Mahusay sa pagsulat ng Liham ng Paanyaya matapos ang

huling burador. Batay sa wika , nabibilang sa antas ng kasanayan na Magaling-

Magaling-Galing ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas ng kwento,

Karaniwang-Mahina sa sanaysay at Magaling_Magaling-Galing sa liham paanyaya

ayon sa kanilang unang burador.Samantalang nasa antas ng Lubhang

Mahusay_Mahusay ang mga mag-aaral matapos ang huling burador. Batay sa

mekaniks , nabibilang sa antas ng kasanayan na Karaniwang patungong Mahina

ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas ng kwento, Lubhang Mahina sa

sanaysay at Karaniwan patungo sa Mahina sa liham paanyaya ayon sa kanilang

unang burador. Samantalang nasa antas ng Lubhang Mahusay_Mahusay ang mga

mag-aaral matapos ang huling burador sa pagbibigay ng wakas ng maikling kwento

at sanaysay at Magaling_Magaling-Galing sa pagsulat ng Liham ng Paanyaya.

2. Matapos maisagawa ang process approach ay nagkaroon ng pag-unlad sa

nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks ang mga mag-aaral na nasa

83

Page 84: Thesis ni liz tsu format orig &edited

experimental group batay na rin sa kanilang mga marka sa pagbibigay ng wakas ng

kwento 88.7, sanayasay 90.81 at Liham ng Paanyaya 87.26.Samantalang ang mga

marka ng mga mag-aaral sa control group sa pagbibigay ng wakas ng kwento ay

82.00, pagsulat ng sanaysay 81.00 at pagsulat ng liham ng paanyaya 80.00.

3. Maituturing na kalakasan ng “process approach” ang pagsasagawa ng mga

paghahanda sa panimulang pagsulat at pagpapakita ng mga halimbawa ng mga

komposisyong isusulat para lumawak ang kaalaman ng mga mag-aaral,nakaramdam

ring ng pagpapahalaga sa sinulat na komposisyon ang mga mag-aaral sa

pamamagitan ng pagbibigay puna at nagkaroon ng sapat na panahon ang mga mag-

aaral upang tapusin ang komposisyon.Nakitang kahinaan ng process approach ay

ang mahabang oras o panahong pag-uukol sa pagsulat mula sa panimulang gawain

ng pagsulat ng unang burador hanggang sa pagbibigay ng puna ng guro para sa

muling pagsulat ng huling burador.

Rekomendasyon

Batay sa pagsusuri ng resulta at kongklusyon, ang mga sumusunod ang

rekomendasyon ng pag-aaral.

Para sa mga Guro

1. Ang pagtuturo at paglinang ng kasanayan sa pagsulat ay nakasalalay sa

estratehiya ng guro, mga angkop at sapat na materyal na gagamitin, ang

mga panimulang gawain sa pagsulat ay mahalaga upang mahawan ang

mga balakid at pagkayamot sa pagsulat ng mga mag- aaral.

1. Ang guro ay nagsisilbing daloy ng kaalaman sa loob ng silid-aralan kaya’t

84

Page 85: Thesis ni liz tsu format orig &edited

kailangan niya ang kabisaan sa paraan ng pagsulat ng iba’t ibang

komposisyon upang maituro nang mabuti ang mga paraan ng pagsulat.

2. Kinakailangan na mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa

kahulugan ng nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks ng

isang partikular na komposisyon upang malinang ang kasanayan sa

pagsulat.

3. Ang pagsulat ay isang proseso na dumadaan sa bawat yugto ng pag-aaral

ng bawat mag-aaral nararapat na makalikha ang guro ng isang kalagayan

sa silid-aralan na makahikayat sa bawat mag-aaral na sumulat.

4. Magkaroon ng pagsusuri sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa

pagsulat upang maging batayan ng pagbibigay atensyon upang

magabayang mabuti ang mga mag-aaral sa paghubog ng kasanayan sa

pagsulat.

Para sa mga Mag-aaral

1. Ang paglinang ng kasanayan sa pagsulat ay hindi lamang nakadepende sa

guro nararapat na tulungan ng bawat mag-aaral ang kanilang sarili sa

pamamgitan ng pagbabasa upang lalong lumawak ang talasalitaan at

magkaroon ng ideya kung paano isinusulat ang isang komposisyon.

2. Maging aktibo sa pakikibahagi sa mga gawaing lilinang sa kasanayan sa

pagsulat upang marating yugto ng kamalayan sa pagsulat

Para sa mga Namumuno ng Paaralan

85

Page 86: Thesis ni liz tsu format orig &edited

1. Bigyan ng sapat na panahon ang mga guro sa pagpapatupad ng istratehiyang

ito para maging epektibo sila sa pagtuturo at paglinang ng kasanayan sa

pagsulat.

2. Suportahan ang mga guro sa pangangalap ng mga angkop at sapat na

materyales na gagamitin sa pagpapatupad ng process approach gaya ng

pagkakaroon ng internet connection at pagbili ng mga libro sa pagsulat.

86

Page 87: Thesis ni liz tsu format orig &edited

TALASANGGUNIAN

Allen, Edward et. al. (1987). Classroom Technique: Foreign Language and English as a Second Language. New York: Hardcourt Brace Jovanovich, Inc.

Badayos, Paquito B. (2006). Worktext sa Komposisyn: Paglikha at Pagsulat IIIQuezon City: Vibal Publishing House.

Badayos, Paquito B. (2001). Retorika: Susi sa Masining na Pagpapahayag.Makati City. Grandwater Publications.

Batin, E. (2000). Developing Academic Writing Proficiency and Laerners Autonomy Through the Process Approach. Unpublished Dissertation.University of the Philippines.Quezon City.

Brookes, Arthur and Peter Grandy. (1990) Writing for Study Purposes.Cambridge University Press.

Doctor, Ramades M. Teacher Education Curricula. Philippine Extension Service Review.

Francisco, Soledad. (1991). Acquisition of Discourse Skills in Written Narratives of Filipino Students.Unpublished Dissertation.University of the Philippines.

Hedge, T. (2002). Writing. New York: Oxford University Press.

Hughey, Jane B., et. Al. (1981). Teaching ESL Composition Profile: Principles And Techniques. Newtoin House Publishing Inc.

Ho, Belinda. (2006). Effectiveness of using the Process Approach to Teach Writing in Six Hongkong Primary Classrooms.www. cityu. edu.hk.

Ignacio, Maria Theresa C. (2008). Teaching Writing to Fourth Year High School Students through the Process Approach.

87

Page 88: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Keh, Claudia L. (1990). Design for a Process Approach Writing Course.English Teaching Forum. No.1.

Krashen, Stephen.(1981). Second Language Acquisition and Second Language Learning. Pergamon Press, Wheaton & Co. Ltd., Exeter.

Lozano, Jennette J. (2002). Mga Gawain sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat para sa mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon sa Mataas na Paaralan. Special Project.Philippine Normal University.

Raimes, Ann (1991). Out of the Woods: Emerging Traditions in the Teaching of writing.TESOL Quarterly.Vol. 255.

Tompkins, G. E. Teaching Writing: Balancing Process and Product.

Tumangan, Alcomtizer. (1997). Sining ng Pakikipagtalastasan. Makati: Gradweyter Publishing.

White, J. (2004). Children’s Writing: Some Findings from Data Collected Longitudinally.Research Paper in Education.

White,R. and Arndt, V. (1991). Process Writing. New York: Longman.

White R. V. (1988). Academic Writing: Process and Product.In P.C. Robinson (Ed.)Academic Writing: Process and Product. ELT Documents 129.

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino III. Basic Education Curriculum

Secondary Education Curriculum 2010

www. yahoo.com.

www.google/seacrh.com.

88

Page 89: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Appendix ASecond Language Composition Profile ni Hughey (1983)

Salin ni Michael Angelo E. dela Cruz

Pangalan ng Mag-aaral:____________ Petsa: ______________ Paksa:_______Iskor: _______________ Antas: _______________ Komponent Iskor Diskripsyong BerbalNilalaman 30 – 27 Lubhang Mahusay-Mahusay

Naipaliwanag nang maayos ang tesis-may kaugnayan sa paksa.

26- 22 Magaling-magaling-galing –may kaalaman sa paksa may sapat na haba-limitadong pagpapalawig sa paksa halos may kaugnayan sa paksa ngunit kulang ng detalye.

21-17 Karaniwan-Mahina-limitado ang kaalaman sa paksa,kaunting nalalaman-hindi napaunlad ang pangunahing kaisipan.

16-13 Lubhang Mahina-kulang sa nilalaman-walang kaugnayan sa paksa at hindi sapat upang masukat ang sinulat-hindi nagpapakita ng kaalaman sa paksa.

Organisasyon 20-18 Lubhang Mahusay-Mahusay-maayos angpagpapahayag-ang paksa ay malinaw na nailalahad at may suporta-direkta sa punto-organisado ,lohikal na pagkakaayos o pagkakasunod-sunod-may kaisahan.

17-14 Magaling-Magaling-galing-maypagkaantala nawawala ang pagka-organisado ngunit malinaw pa rin ang paksa- limitado ang suporta-lohikal ngunit hindi buo ang pagkakasunod-sunod.

13-10 Karaniwan-Mahina-hindi maayos-magulo o Malabo ang mga kaisipan,walang kaugnayan-hindi lohikal ang pagkakasunod-sunod at pagpapaunlad.

9-7 Lubhang mahina- hindi nangungusap-walang organisasyon-hindi sapat upang itaya.

Talasalitaan 20-18 Lubhang Mahusay-Mahusay-epektibong pagpili at paggamit ng talasalitaan,salita at idyoma-may kaalaman sa pagbubuo ng salita-kilalang salita.

17-14 Magaling-Magaling-galing-sapat na kaalaman-mangilang-ngilang kamalian sa pagpili

89

Page 90: Thesis ni liz tsu format orig &edited

at paggamit ng talasalitaan salita/idyoma,ngunit hindi naapektuhan ang kahulugan.

13-10 Karaniwan-Mahina-limitadong kaalaman malimit na kamalian sa pagpili at paggamit ng talasalitaan,salita,idyoma-nawala ang kahulugan.

9-7 Lubhang Mahina-maliit na kaalaman sa pagpili at paggamit ng talasalitaan,salita/idyoma-hindi sapat upang itaya.

Wika 25-22 Lubhang Mahusay-Mahusay- mahusay sa pagkakabuo ng kayarian-madalang na kamalian sa ugnay ng aspekto,bilang,salita,pantukoy,panghalip at sa ibang bahagi ng pananalita.

21-18 Magaling-Magaling-galing- mahusay ngunit simple ang pagkakabuo-mangilan-ngilang suliranin sa pagkakabuo-may ilang kamalian sa ugnayan aspekto,bilang,salita,pantukoy,panghalip at sa ibang bahagi ng pananalita.

17-11 Karaniwan-Mahina- magilan-ngilang suliranin sa pagkakabuo-may ilang kamalian sa sa ugnayanngaspekto,bilang,salita,pantukoy,panghalip at sa ibang bahagi ng pananalita- ang kahulugan ay nawawala.

10-5 Lubhang Mahina- walang kasanayan sa kayarian-pinangungunahan ng kamalian, hindi nangungusap hindi sapat upang itaya.

Mekaniks 5 Lubhang Mahusay-Mahusay-nagpapakita ng kahusayan sa kombensyon sa pagsulat-madalang na kamalian sa pagbaybay,paglalagay ng bantas at pagtatala,paggamit ng malaking titik.

4 Magaling-Magaling-galing-mangilan-ngilang kamalian sa pagbaybay,paglalagay ng bantas at pagtatala,paggamit ng malaking titik,ngunit hindi naapektuhan ang kahulugan.

3 Karaniwan-Mahina-malimit na kamalian sa pagbaybay,paglalagay ng bantas at pagtatala,paggamit ng malaking titik,nawawala

o nagiging malabo ang kahulugan.2 Lubhag Mahina- walang kaalaman sa

kombensyon na pagsulat pinangungunahan ng kamalian-hindi maintindihan ang sulat.

Kabuuan: ___________________ Tagapagwasto:_____________Komento:____

90

Page 91: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Appendix B

Liham ng pahintulot sa Punong-Guro ng Paaralan sa pangangalap ng datos

Punong-GuroCaluluan High SchoolCaluluan,Concepcion,Tarlac

Sir:Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa

paggamit ng process approach sa komposisyon na may pamagat na “KABISAAN

NG PAGGAMIT NG PROCESS APPROACH SA PAGSULAT NG MGA

MAG-AARAL SA IKATLONG TAON SA CALULUAN HIGH

SCHOOL:.Bilang bahagi ng pagtupad sa gawaing kailangan sa pagtatamo ng

titulong Master sa Edukasyon, medyor sa Filipino.

Sa katuparan po ng pag-aaral na ito,humihingi po ako ng inyong

kapahintulutan na masangkot ang walumpung (80) mag-aaral sa ikatlong taon bilang

mga tagatugon.

Ang inyong pagsang-ayon ay nangangahulugan po ng isang kaganapan ng

aking pagtatagumpay.

Mula po sa aking puso,maraming salamat po!

Sumasainyo,

ANA LIZA S. SALAS

Pinagtibay:

(SGD) MARIO M. TAYAG

91

Page 92: Thesis ni liz tsu format orig &edited

Punong-Guro II92

Page 93: Thesis ni liz tsu format orig &edited

93

Page 94: Thesis ni liz tsu format orig &edited

94

Page 95: Thesis ni liz tsu format orig &edited

95

Page 96: Thesis ni liz tsu format orig &edited

96

Page 97: Thesis ni liz tsu format orig &edited

97

Page 98: Thesis ni liz tsu format orig &edited

TALA TUNGKOL SA MANANALIKSIK

PERSONAL NA IMPORMASYON

Pangalan : Ana Liza S. Salas

Tirahan : Concepcion, Tarlac

Kapanganakan : May 17, 1975

Magulang : Mr. Francisco C. Salas

Mrs. Elena S. Salas

EDUKASYONG NATAMO:

Post Graduate : University of St. La Salle

Graduate School

Bacolod City

Master of Arts in Teaching Filipino

Medyor sa Filipino

Kolehiyo : 1992-1996

Tarlac State University

Bachelor of Secondary Education

Medyor sa Araling Panlipunan

Sekondarya : 1988-1992

Benigno S. Aquino Memorial High School

Concepcion, Tarlac

Elementarya : 1982-1988

Concepcion North Central Elementary School

Concepcion, Tarlac

ELIGIBILITY:

Licensure Examination for teachers (LET)

Obtained a General Average Rating 81.00%

98

Page 99: Thesis ni liz tsu format orig &edited

99

Page 100: Thesis ni liz tsu format orig &edited

100

Page 101: Thesis ni liz tsu format orig &edited

101