Thesis

32
PAGGAMIT NG UNIVERSAL LANGUAGE (wikang Ingles) NG MGA MARINO BILANG KUMIKASYON PARA SA EPEKTIBONG SEGURIDAD SA PAGLALAYAG (ISANG PAG-AARAL HINGGIL SA) NAPAPANAHON PAPEL NA ISINUMITE Para SA BAHAGING PAGTUPAD SA MGA PANGANGAILANGAN SA KURSONG MARINE TRANSPORTATION AT MARINE ENGENEERING Ni D/CDT. ACEDO, RICARDO B. JR Para sa Filipino 211 , Feati University Helios Street Sta. Cruz, Manila 1st semester S.y. 2010-2011

Transcript of Thesis

Page 1: Thesis

PAGGAMIT NG

UNIVERSAL LANGUAGE (wikang Ingles) NG MGA MARINO BILANG KUMIKASYON

PARA SA

EPEKTIBONG SEGURIDAD SA PAGLALAYAG

(ISANG PAG-AARAL HINGGIL SA)

NAPAPANAHON PAPEL

NA ISINUMITE

Para

SA BAHAGING PAGTUPAD SA MGA

PANGANGAILANGAN SA KURSONG

MARINE TRANSPORTATION AT

MARINE ENGENEERING

Ni

D/CDT. ACEDO, RICARDO B. JR

Para sa

Filipino 211 ,

Feati University

Helios Street

Sta. Cruz, Manila

1st semester

S.y. 2010-2011

Page 2: Thesis

i

PAUNANG SALITA 

Bilang pagtupad sa mga kailangan para sa asignaturang Filipino 211, Pagbasa at Pagsulat,

at bilang relasyon sa aming kursong Marine Transportation ay isinulat ng may akda ang

paksang:”Paggamit ng Universal Language (Wikang Ingels) ng mga Marino bilang komunikasyon

para sa epektibong seguridad sa paglalayag”.

  Dito ibinahagi ng may-akda ang kanyang mga nasaliksik at pinag-aralang mga datos na

nauukol sa mga Pilipinong Marino na naghahap-buhay sa gitna ng karagatan.  Dito ay ibinahagi ng

may-akda ang kanyang malawak na persepsyon na nauukol sa mga kalagayan ng mga Pilipinong

Marino, ang kanilang mga masalimuot at may-galak na mga karanasan, ang kanilang mga dahilan

bakit itong propesyon ang kanilang tinahak, ang kanilang mga isinakripisyo upang makapunta

makasakay ng barko, ang mga magagandang katangian ng Plipinong Marino at ang mga

diskriminasyon at suliranin na kinaharap, kinakaharap at kakaharapin ng mga Pilipinong Marino.

Page 3: Thesis

1

KABANATA I

PANIMULA

Naniniwala ang mananalisik na ang lahat ng kakayahan ng tao ay biyaya ng

pakikipagtalastasan at ito ay pinakamakapangyarihan. Ang pakikipagtalastasan na ito sa tao ay

nabubuhay na may kalinangan ay mawawala lamang ito kung matitigil ang lahat ng nabubuhay. Ito

ay isang sipi sa tula ni

E. Christian Bucker na Credo.

Ang siping ito ang nagbigay sa mga mananaliksik ng pamukaw-sigla upang gawin ang pag-

aaral na ito. Naniniwala ang mananaliksik na ang tao ay gagawa ng paraan upang makausap niya

ang kanyang kapwa kahit ano pa man ang salita nito. Ang tao ay nabubuhay sa

pakikipagtalastasan, at sa pakikipag-usap sa kanyang kapwa. Ang wika ay komunikasyon, ang

komunikasyon ay wika, kadalasan ang komunikasyon ay binibigyang kahulugan na ang pagbibigay

at pagtanggap ng mga kuro-kuro sa kapwa.

Ang tao ay kailangang makitungo sa kaniyang kapwa at makibagay sa kanyang kapaligiran.

Sinasabing pinakamahalaga at pinakamaunlad ang paggamit ng wika sa paraang pasalita upang

magkaunawaan at makamtan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa buhay.

_____________________________________________________________

I believe that of all human functions the gift of speech is the most miraculous, I believe that if

speech were to stop all civilized living would suddenly vanished.

-Halaw sa Credo ni

E. Christian Buckner

Dahil dito ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang pag-aaral o pananaliksik na kung saan

sasagutin kung gaano ka epekto ang komunikasyon sa barko lalo na sa paglalayag. Sinabing ang

epektibong seguridad sa paglalayag ay makukuha lamang kung ang mga tao dito ay

magkakaintindihan at nagkakaunawaan. Mahirap sa mga tripulante ng barko kung hindi mo kayang

makipagtalastasan sa dayuhan na kasama mo. Kaya naman naging intiresado ang mga mananalisik

na ang komunikasyon sa pagbabarko ay napakahalaga. Hindi lamang sa pagbabarko kundi din sa

ibang sector ng buhay.

Page 4: Thesis

2

TEORYA AT KONSEPTONG BALANGKAS

Sa pag-aaral na ito gagamitin ng mga mananaliksik ang modelo ni praymer bilang

balangkas (framework) sa pagpapaliwanag ng buong pag-aaral.

Sa ganitong sitwasyon, ating makikita na may tatlo o higit sa mga tauhan ang naguusap at

nakikipagtalastasan. Makikita rin natin na ang pinakamalaking bahagi sa pigura ay ang saklaw ng

karanasan, na kung saan sa pag-aaral ng wika ito ay ang wikang ginagamit ng tao. At dahilan na

ang wikang English na universal language, ito ang nagsilbing gamit ng mga marino sa

pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa.

Pigura I: modelo ni praymer

NAGPADALA

TUMANGGAppP

SENYAS

Saklaw Ng Karanasan Saklaw Ng Karanasa

PILIPINO INDIANO

WIKANG INGLES

TUMANGGA ppP

NAGPADALA

NAGPADALATUMANGGAP

Saklaw Ng Karanasan

HAPON

TSINOSaklaw Ng Karanasan

TUMANGGAPNAGPADALA

Page 5: Thesis

3

LAYUNIN NG PAG-AARAL

1. Upang maipakita ang kalagayan ng ginagamit na universal language bilang segridad sa

paglalayag, ng mga marino.

2. Upang maipakita kung paano tinanggap ng mga marino ang “English as a universal language”

na mayroong bernakular na wika sa pamamagitan ng kanilang pakikipagtalastasan at

pakikipagkomunika sa kapwa nila marino na may iisang bernakular na wika.

3. Upang malaman na karamihan sa mga marino ay maaaring nakakaalam ng dalawa o higit pang

wika sa pakikipagtalastasan sa kapwa (Bilingguwalismo o multilingguwalismo).

4. Upang malaman kung ang sariling wika ba ng mga marino katulad ng hapon, Croasians,

Pilipino, Indiano at iba pa na hindi nagsasalita ng Ingles.

5. Upang malaman kung ang wikang ginagamit ba na magkakatulad na bernakular ang kanilang

unang wika sa kanilang pakikipagtalastasan ay nakakabuti ba sa seguridad ng paglalayag at mas

naiintindihan ba ng maayos.

Malinaw na isinasaad sa mga layunin na ito na ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa mga

marino ng pag-iisip na kailangan natin ng isang wika ang wikang Ingles. Ito ay makakatulong sa

mga kaligtasan at lalo na sa pag-uugnayan na dapat pang palawakin ang pag-aaral at kaalaman nila

sa wikang Ingles sapagkat ito ang magiging batayan nila ng kanilang pagiging isang tunay na

nakikipagsabayang marino.

Page 6: Thesis

4

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pag-aaral nang English as a universal language na ginagamit ng mga marino ay

siguradong mag-aambag ng kaalaman sa larangan ng komunikasyon sa kontekstong ng mga

marino. Maipakikita sa pag-aaral na ito kung ano kahalagahan ng iisang lingwahe sa pagbabarko,

at mas lalong mapaganda ang relasyon ng mga marino na kung saan ay kinakatawanan ng halos

lahat ng marino ang paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan. Mahalagang malaman ng

mga Marino na ang wikang Ingles ay mabisa sa seguridad lalo na sa paglalayag.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay inilimitahan lamang sa iisang mayoriyang wikang ginagamit ng

mga Marino sa pagbabarko. At ito ay ang wikang Ingles na magkatulad na ginagamit ng mga

Pilipino, Hapon, Indiano, Croatiano, Thai , Tsino, Indonesians, at mga bansang taga-Europa.

Hindi na saklaw ang mga banyagang salita maliban sa Ingles. Ang wikang Ingles ang

siyang naging batayan at pangunahing wikang ginagamit ng mga Marino kaya malinaw na

naipakita sa pananaliksik na ito na ang Ingles ay ginagamit bilang midyum sa komunikasyon sa

barko upang sa ganun ay magkaroon ng interaksyon ng ibat-ibang Marino kahit pa anung lahi nito

at magkaroon ng tamang komunikasyon sa ibang tao.

Sa pag-aaral na ito ang wikang ginagamit ng mga Marino na nasa barko ang sasaklawan

lamang nito at ang mismong mga taong sangkot sa kaganapan walang iba kundi ang mga marino

naglalayag. Ngunit ang lahat ng pag-aaral ay kailangang may limitasyon upang mas maging

tumbok ang kasagutan sa problemang kinakaharap ng mananaliksik. Ang limitasyon sa pag-aaral

na ito ay ibabatay sa seguridad sa paglalayag o ang mismong lugar ang barko, wikang ginagamit,

panahon o oras na sila ay kailangan makipagtalastasan at mga Marino na kasangkot sa

pagsasaliksik. Ang panahon o oras ay ibabatay sa kasalukuyang panahon, at sapagkat ang pag-

aaral ay magaganap sa unang semestre ng taong 2010-2009, ito lamang ang pagbabasehang haba

ng panahon ng pag-aaral at dahil na rin sa kakulangan sa oras ay sinadyang ito na lamang ang

gawing limitasyon sa panahon, at barko na kung saan nagaganap ang ganitong pangyayari,

bagamat sa barko nakalahad lahat ng pag-aaral magaganap ang lahat pananaliksik at pag-aaral sa

lupa na kung saan kasama ang mga marinong kabababa lamang katulad ng kapitan na siyang

komander ng barko, mga engineer, at mga ilang ratings at mga taong eksperto sa pag-gamit ng

“universal language” tulad ng mga guro sa paaralan ng nagtuturo ng wikang Ingles.

Page 7: Thesis

5

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tuwirang sasagutin ang mga sumusunod na mga katanungan

na binuo ng mananaliksik.

1. Bakit Wikang Ingles ang ginagamit sa pangkalahatang talastasan?

2.Bakit ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang personal sa barko?

3. Bakit takot sa ibang taong makipag-usap sa Wikang Ingles Ingles?

DEFINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

1. WIKA Ang salita o lingguwahe na ginagamit ng isang grupo ng tao na kung saan ay madali

silang nagkakaunawaan at nagkakaintindihan. Ang bawat nilalang sa mundo ay may

sariling grupo ng wika na kinabibilangan. Hal. Pilipino(tagalong), Hapon(nihongo),

indiano(Islamic), chino(mandarim) at iba pa.

2. KOMUNIKASYON o pakikipagtalastasan, batay sa katuturan at kahulugang ibinigay ni

Webster, pagpapahayag, pagbabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan,

isang pakikipag-ugnayan pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan. Ang bagong American

College Dictionary nina Barnhart ay nagsasaad ng ganito: ang komunikasyon ay

pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon, o impormasyon sa pamamagitan ng

pagsasalita, pagsulat o pagsenyas.

3. WIKANG INGLES - Wikang ipinakilala sa ating mga Pilipino ng mga Amerikano, at

siyang ginagamit nilang wika at itinuro sa atin sa pamamagitan ng edukasyon at

magpasahanggang ngayon ay ginagamit pa rin wikang batayan ng mataas na katayuan sa

lipunan. Tinatawag natin tung universal language na nagsisilbing daan sa pakikipag-usap sa

mga tao anu man ang lahi nito.

4. BILINGUWAL Ayon sa inihanda ni Jersen (1962) at makikita sa artikulo ni Ramos

(1970) sa dyornal ng Arellano University. Ang Bilinguwal ay

Page 8: Thesis

6

1) ang pagiging lantad sa dalawang wika, halimbawa, kapag may maririnig na

dayuhang wika sa tahanan;

2) ang pag-unawa sa dalawang wika;

3) and kakayahang magsalita sa dalawang wika;

4) ang pagkatutuo ng dalawang wika mula sa kamusmusan (ayon kay Arsenian

(1957); and magkasunod na pagkatuto ng dalawang wika na humantong sa

paggamit nito nang sabay (Leopold 1949);

5) ang pagkatuto ng ikalawang wika matapos masanay nang lubusan sa katutubong

wika;

6) at ang kaalaman sa dalawang wika na katumbas ng kahusayan ng isang katutubo

sa bawat wika (Christophersen 1948).

5. MULTILINGGUWAL - Isang tao na bihasa sa aspeto ng komunikasyon ang pagbabasa,

pagsusulat, pagsasalita at pag-uunawa ng tatlo o higit pang wika.

Page 9: Thesis

7

KABANATA II

Mga kaugnay na pag-aaral

Tatlong artikulong ginamit sa loob ng bansa:

Mahigit 2000 seafarer ang natuto na nagtapos sa Language Learning Program–Plus

Upang mabigyan ng angkop at napapanahong kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wikang

Ingles. Sa layuning ito nakatutok ang pagpapatupad ng Language Learning Program ng

Pamahalaang Pilipinas sa ating mga OFW kabilang na dito ang marinong nagtratrabaho sa ibang

bansa.

Sa nabanggit na bilang, 1779 na marino ang nagtapos na sa Specialized English Enhancement and

others Language Users, 121 sa English Language Proficiency (ELP), Ang Language Learning

Program – Plus ay pinangangasiwaan ng gobyerno at mga sektor na layuning magtaas ng kalidad

ng ating mga marino, hindi lang pangloob hangang sa labas ng bansa upang maging competitive

ang ating mga marino at iba nating mga kababayan lalo na sa paggamit ng wikang Ingles na

nagsisilbing universal language. Mas may bentahe ang ating mga manggagawa kung mayroon

silang sapat at napapanahong kaalaman sa paggamit ng wikang Ingles, lalo na iyong may mga

planong magtrabaho sa ibayong dagat.

Ang Kahalagahan ng Wikang ingles sa Pagbubuo ng Kakayahang Pilipino

Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang Ingles o dayuhan lingwahe na nagsisilbing

daan ng pagkakaintindihan ng mga tao, ay mahalaga sa pagkakaroon ng sariling kakanyahan. Ang

simbolo ng isang mataas na karunungan, isang lipol ng grupong di kilala ang isat-isa bagamat

nagkakaroon ng tulay sa pagkakaintindihan, isang panibangong kasuotan na makabunga ng lahat ng

katuturan sa pagkatuto at tanda ng kakanyahan at pagsasarili.

Page 10: Thesis

8

Wikang Ingles ang ginagamit sa pangkalahatang talastasan

Sa lahat ng lingwaheng pwede namang gamitin bakit wikang Igles pa ang napili? Ito ang

tanung ng mga ibang tao sa kanilang pag-aaral ng wikang Ingles. Kasagutan sa mga tanung ng ilan

sa ating mga kababayaan ang paggamit ng wikang Ingles na syang sentro ng komunikasyon sa

ibang dayuhan. Bukod sa mahirap talagang pag-aralan ang mga ibang salita nito masyado pang

malalalim ang mga kahulugan nito. At mas maganda pa ang wikang kinagisnan. Kung ang lahat ng

tao ganun nalang ang iniisip panu nalang tayo sa pakikipagtalastasan? Mahirap ang ganun kaya sa

pag-aaral ng Ingles ay mapapasabak tayo sa anu mangyayari sa paligid natin. Magiging updated

tayo sa lahat, walang hidwaan sa ibang tao o ibang lahi at magiging maganda ang seguridad ng

ating pamumuhay.

Dalawang artikolung ginamit ng ibang bansa:

Miscommunication Creates Personal Conflict onboard a vessel?

(Ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang personal sa barko?)

Panu nangyayari ang miscommunication sa barko? Isang kadahilanan ay ang pagamit ng “universal

languge” na pinagmumulang ng personal na away sa mga trepulante ng barko. Madami ng ganitong

pangyayari na nababalita sa mga dyaryo o sa panonood ng television. At pinagmumulan ng sakuna

sa ating lugar o sa kadahilanang paglubog n gating barko.

Maling akala ika nga sa Pilipino, mga ibang termenong kasing ginamit sa pakikibag-usap na

iba sa pandinig ng ibang dayuhan sa dayuhan. Minsan kung hindi matimpi ng ibang tao an ung mga

nasabi ay ayaw ang gusto. Ung iba naman ay hindi kana pinapansin hangang matapos ang iyung

trabaho sa pagbabako. Ung iba dinadaan nalang sa pag-eevaluate ng iyong performance sa trabaho.

Page 11: Thesis

9

Fear to communicate with others? ( takot sa ibang taong makipag-usap)

Takot ay isa sa hadlang sa buhay ng tao, takot makipag-usap, nahihiya, pakiramdam ay talo kapag

makikipag-usap, pag-tatawanan, ipapahiya. Isa ito sa hadlang sa buhay marino. Mapapasama ang

buhay o kalusugan mo at ng ibang kasama mo. Isang kaylangan ng competitive seafarer ay ang

kayang makipagtalastasan sa pag-gamit ng wikang engles sa barko. At maari ring magkamali o

magiging malaking sakuna ang mangyayari.

Page 12: Thesis

10

Kabanata III

Metodolohiya

 Paraaan ng Pananaliksik  

     Ang mananaliksik ay gagamit ng diskriptibong pamamaraan ng pananaliksik kung saan siya ang

kukuha ng mga impormasyon sa mga libro, magasin, pamplets, internet at iba pang uri ng

babasahin kung saan siya makakakuha ng mga datos ukol sa kanyang paksa.

     Kukuha siya ng 50 katao sa eskwelahan,agency at sa ibang komunidad upang sumagot sa

kanyang mga katanungan na kaniyang gagawin upang makabuo siya ng datos para sa kanyang

konklusyon at rekomendasyon.

 

Page 13: Thesis

11

KABANATA IV

PRESENTASYON, ANALISASYON AT INTERPRETASYON

Bakit Wikang Ingles ang ginagamit sa pangkalahatang talastasan?

Tsart Blg. 1

Sa tsart blg. 1, ipinakikita rito na 50% o 25 

ang sumagot ng “OO”, para sa kanila na mainam na gamitin pakikipagtalastasan ang Wikang Ingles

sa mga taga ibang bansa para mabilis na magkaintindihan. May 15 o 35% ang sumagot ng

“HINDI” sapat ang kanilang dahilan dahil sa hindi magandang epekto ang paggamit ng Wikang

Ingles para sa pakikipagtalastasan dahil sa bukod na mahirap itong gamitin meron naman daw

tayong sariling lingwahe at karamihan naman daw sa mga seaman ngayon ay mga Pilipino. May

mga nagsabi naman na 10 o 15% ang nagsabing “EWAN” dahil hindi naman daw sakop ng

kanilang propesyon ang paggamit ng Wikang Ingles Bilang Pamantayan ng pakikipagtalastasan.

Page 14: Thesis

12

Bakit ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang personal sa barko?

Tsart Blg. 2

Sa tsart blg. 2,Ipapakita dito Bakit ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang

personal sa barko?.

Dahil sa walang iisang wikang ginagagamit nagkakaroon ng hidwaang personal sa barko.

Sabi nila, sa barko, mahirap magkaunawaan kung ang kakausapin mo ay ibang banyaga dahil dito

hindi makuha ang tamang komunikasyon sa paksang pinaguusapan. May 30 o 80% ang sumagot na

kailangan may Universal Language(Wikang Ingles) na gagamitin para magkaunawaan ang

magkaibang banyaga sa barko. May 10 katao o 10% ang sumagot na hindi naman kailangan ng

Universal Language dahil sa mga hand sign lang at simpleng body movements lang ay

magkakaintidihan sila. May mga pagkakataon daw kasi na ang ginagamit na lingwahe na Ingles ay

mali mali o sa atin ay barok na salita kaya di kailangan ng Universal Language lalu pa kung

mahirap itong matutunan

May 10 katao o 10% ang sumagot ng wala silang pakialam dahil hindi naman daw sakop

Ng kanilang trabaho.

Page 15: Thesis

13

Bakit takot sa ibang taong makipag-usap sa Wikang Ingles Ingles?

Tsart Blg. 3

. ipinakikita sa tsart blg.3 na

may 40% o 20 ang sumagot ng “OO”, na nakaranas sila ng “fear” sa pagsasalita ng Wikang Ingles.

Minsan ay hindi na nila ito pinapansin upang  wala na lang gulo at alam nila na hindi rin sila

papansinin. Natatakot sila na baka ito pa ang sanhi ng kanilang pagkatanggal sa kanilang trabaho

kung hindi mali-mali ang kanilang pahayag. May 25 o 50% ang sumagot ng “HINDI” marahil ay

alam na rin ng kanilang mga kasama na di na rin matawaran ang kakayanan ng mga Pilipinong

magaling sa pagsasalita ng Wikang Ingles.Paminsan mas Nakikita rin ng mga dayuhan kung paano

magtrabaho ang isang Pilipino at minsan ay kahit hindi na nila trabaho ay ginagampanan nila ito

kaysa sa kanilang pagsasalita ng Wikang Ingles. Samantalang 5 o 10% naman ang sumagot ng

“EWAN”, at ang mga ito marahil ay hindi rin nakakaranas pa ng pagsasalita ng wikang Ingles sa

Pakikipagtalastasan.

 

Page 16: Thesis

14

Kabata V

KABANATA V

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

 

BUOD:

 

    Ang Universal Language ay higit na epektibo para sa seguridad ng paglalayag ng barko. Kahit

anong gawin natin ito ay pangalawang linggwahe na sinasalita ng maraming tao sa buong mundo,

ang ating mga ninuno ay nagustuhang gamitin ito hindi lang dahil sa medaling matutunan bagkus

ito ay epektibo sa pakikipagusap sa mga taga ibang bayan. Ang mga seaman ngayon ay

nagsimulang gamitin ang wikang Ingles bilang Midyum sa Pakikipagtalasan. Ito ay sa kadahilanan

Nang pagsimula ng hindi pagkakaunawaan at mga disgrasya sa dagat na parami ng parami, lalong

naging masigasig ang mga Pilipinong seaman na gamitin ang Wikang Ingles Para Sa payapa at

tiyak na pagpapahayag ng saloobin sa mga taong may mga katutubong salita na kagaya natin.

Pero Dahil sa Kakulangan ng mga kaalaman sa pagsasalita ng Lingwahe na to may mga

ibang seaman na nahihiyang gamitin ito dahil sa natatakot na magkamali pero ang iba naman ay

hindi takot salitain ang linggwaheng ito dahil sa sapat nilang kaalaman hinggil dito. 

    May mga pagkakataon din naman na nakakatulong ang pagkakaroon ng Wikang Ingles Bilang Universal Language para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na maaring mauwi sa malaking hidwaang pang personal. 

 

Page 17: Thesis

15

KONKLUSYON:

    

 Bagama’t ang barko ang tahanan ng mga ibat-ibang lahi ng marino, may 195 na mga bansa sa

mundo at may 195 na ibat-ibang wikang ginagamit ng mga marino, ang dahilan kung bakit

mayroon itong universal language ay mas naipapahayag ng mga marino ang kanyang sarili sa

pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iisang lingwahe.

_____________________________________________________________

“Like in any major culture, language is what links one individual to another in the same

social setting.”

-Gigi Galang, (1988, p.70).

(Katulad ng ibang kultura, ang wika ay ang nag-uugnay sa isang indibiduwal sa kanyang

kapwa sa isang magkahalintulad na sosyal na lugar.)

Sa mga pagkakataon may iisang wikang ginagamit naiiwasan ang hidwaan personal na

maaring maging banta sa paglalayag ng barko.

Base sakin pananaliksik ang mga Pilipinong marinong ay hindi din papahuli sa pagsasalita

ng Wikang Ingles ngunit may mga iba din naman na natatakot sa mga kadahilanan hindi pang

personal na aspeto. Sa kabila ng maraming Pilipinong mas epektibo ito kung matuto silang

magsalita ng Wikang Ingles para na rin sa tiyak na pagkakaintindihan lalu na kung ang

pinaguusapan ay ang seguridad ng barko.

_____ REKOMENDASYON:     Marami sa ating mga Pilipinong Marino ang hindi ganun kagaling magsalita ng Wikang Ingles

na sinasabing Universal Language.

     Dapat sana ay magkaroon ng programa ang ating pamahalaan na naglalayong masanay ang mga

Pilipinong Marino na makapagsalita ng tiyak na salita ng wikang Ingles o pambararila na pahayag,

lalung-lalo na kung karamihan sa mga nasakyang nilang barko ay mga banyagang nagsasalita at

nakakaunawa lamang ng salitang Ingles.

Page 18: Thesis

Sa mga pagkakataon na Nagkakaunawaan ang lahat ng banyaga sa ibat-ibang barko sa

iisang wika tiyak ang seguridad ng barko sa paglalayag sa kabilang dako nilalayon din dapat ng

16

mga Marino ang maingat at pasensosyong paguugali na isa rin mahalagang salik sa paglalayag ng

barko.

     Sa mga simpleng programa ng gobyerno at ng ibang mga pribadong sector ang pagpapaigting ng

pagaaral ng Wikang Ingles ay sapat na kaukulang tulong para sa mas produktibong pagtratrabaho

ng mga Pilipinong Marino. Dapat lang na mabigyan sila ng kaukulang pangangalaga dahil sila ang

“dollar earner “ ng ating bansa at dahil na rin sa kanilang angkin kakayanan sa kanilang trabaho,

minsan ay nabibigyan sila ng parangal at ito ang nag-aakyat ng karangalan sa ating bansa.

Page 19: Thesis

ii

PAGKILALA Mataos na pasasalamat

    

     Sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng patnubay habang ginagawa ko ang pananaliksik na ito;   

 

     sa custodian ng silid-aklatan ng Feati University sa pagpapahiram sa akin ng mga sanggunian upang makakakuha ng mga datos; 

     sa aming minamahal na guro, Dr.Emeranciana Angeles, sa walang sawang pag-babahagi ng

kaalaman sa aming mga mag-aaral at sa pasensyang kanyang walang sawang ibinibigay sa amin;

 

     sa aking mga magulang at sa aking mga kapatid mga kapatid,sa kanilang suporta sa paggawa ko

ng pananaliksik na ito; at

 

     sa aking mga kaibigan na tumulong sa ilang mga impormasyon at nagbibigay-saya sa tuwing

ako ay malungkot.

Page 20: Thesis

iii

_____

PAG-AALAY 

     Taos-pusong inaalay ng may-akda ang term paper na ito sa Pilipinong Marino na nais

mangibang bansa. Nawa ay maging inspirasyon ang pananaliksik na ito sa mag-aaral upang

pagsumikapan nila ang kanilang mga pag-aaral upang makamit nila ng kanilang mga pangarap

hanggang sa tugatog ng tagumpay. Inaalay ng may-akda ang ulat pananaliksik na ito sa kanyang

guro sa Filipino 211 na nagbahagi ng kanyang mga kaalaman sa mga mag-aaral. Inaalay ng may-

akda ang term paper na ito sa Panginoon, sa pagbibigay ng gabay sa paggawa ng pananaliksik na

ito; sa mga magulang at kapatid ng may-akda at sa mga kaibigan.

_____

Page 21: Thesis

MGA NILALAMAN

                        I.   Paunang Salita -----------------------     iII.  Pagkilala ----------------------------     iiIII. Pag-aalay ----------------------------     iii 

KABANATA I

I.   PANIMULA -----------------------------     1II. TEORYA AT KONSEPTONG BALANGKAS --------------     2III. LAYUNIN NG PAG-AARAL -----------------     3IV.  KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL -------------     4V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL ---------- 4VI. PAGLALAHAD NG SULIRANAN -------- 5VII. DEFINISYON NG TERMINOLIYA --------- 5 - 6

 KABANATA II

PAG-UUGNAY NG MGA LITERATURAI.   TATLONG LOKAL NA LITERATURA -----------------     7

     A.   Mahigit 2000 seafarer ang natuto na nagtapos sa Language Learning Program–Plus ---- 7

     B.  Ang Kahalagahan ng Wikang ingles sa Pagbubuo ng Kakayahang Pilipino ------ 7

    C.   Wikang Ingles ang ginagamit sa pangkalahatang talastasan -------- 8

II DALAWANG LITERATURA SA IBANG BANSA -------- 8

A. Miscommunication Creates Personal Conflict onboard a vessel?

(Ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang personal sa barko?) ------ 8

B. Fear to communicate with others? ( takot sa ibang taong makipag-usap) ----- 9

Page 22: Thesis

KABANATA III

METODOLOHIYA

I.   PARAAN NG PANANALIKSIK ---------------     10 KABANATA IV

PRESENTASYON, INTERPRETASYON AT ANALISIS NG MGA DATOSI.   PRESENTASYON ,ANALISASYON AT ITERPRETASYON ------ 11 - 13 KABANATA V

BUOD, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYONI.   BUOD ---------------------------------    14 II.  KONGKLUSYON --------------------------     15III. REKOMENDASYON ------------------------     15 - 16

 

Page 23: Thesis

1. Importante ba na Wikang Ingles gamitin para sa pakikitalastasan sa Barko?

OO

Hindi

Ewan

2. Nasubukan mo na bang magkaroon ng hidwaan dahil sa hindi pagkakaintindahan sa

Paggamit ng Wikang Ingles?

OO

Hindi

Ewan

3. Natatakot ka bang magsalita ng Wikang Ingles Lalu na kapag nakikipag-usap sa mga

banyaga?

OO

Hindi

Ewan

4. Napahiya ka na dahil sa kakulangan sa pagsalita ng Wikang Ingles?

OO

Hindi

Ewan

Page 24: Thesis