Term Paper Ex.

43
. . . . . . . . . . [ "Education is the key to success..." ] RESEARCH - Filipino TINEYDS SWISAYD PAUNANG SALITA Iniaalay ko ang pananaliksik na ito sa lahat ng kabataan na nagpasyang sumubok at nag-isip na magswisayd. Lubos ang aking pasasalamat sa tulong na pinansiyal at lakas ng loob na ibinigay ng aking mga magulang. Taos-puso ang aking pasasalamat sa mga kabataang HOMEP AGE Home PSYCH OLOGY HEALT H & BEAUT Y RECRE ATION PIPOL

Transcript of Term Paper Ex.

Page 1: Term Paper Ex.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

[ "Education is the key to success..." ]     

RESEARCH - Filipino

TINEYDS SWISAYD

PAUNANG SALITA

Iniaalay ko ang pananaliksik na ito

sa lahat ng kabataan na nagpasyang sumubok

at nag-isip na magswisayd.

Lubos ang aking pasasalamat sa

tulong na pinansiyal at lakas ng loob na

ibinigay ng aking mga magulang. Taos-puso

ang aking pasasalamat sa mga kabataang

nagbahagi ng kanilang mga istorya.

Nagpapasalamat pa rin ako sa aking magulang

  HOMEPAGE

  Home

  PSYCHOLOGY

  HEALT

H & BEAUT

Y

  RECREATION

  PIPOL

  COMP

UTERS

  MOVIE

S

Page 2: Term Paper Ex.

at mga kaibigan na nakibahagi at naging

inspirasyon sa akin. Sa aking mahal na guro,

sa pagkakataong ibinigay sa pananaliksik na

ito.

Humihingi po ako ng paumanhin

kung may nakaligtaan akong hindi

napasalamatan.

HIGIT SA LAHAT, nagpapasalamat

ako sa POONG MAYKAPAL sa pambihirang

pagkakataon, panahon at kakayahang

ipinagkaloob niya.

iTALAAN NG NILALAMAN

Bahagi ng Pamanahunang Papel

Pahina

                       Paunang Salita

……………………………………………………………

……………

  SOCIO

-ANTHR

O

  DRAMA/THEATER

  Knowi

ng Your

Personality

  LITERA

TURE

  RESEARCH - Englis

h

  RESEARCH - Filipin

o

Page 3: Term Paper Ex.

          I.      Talaan ng Nilalaman

…………………………………………………………….

ii

      II.      Introduksiyon

……………………………………………………………

……………. 1

III.      Saliksik na Nakalap ……………………………………………………….… 2 - 11

A.   Aklat

B.   Internet

     IV.      Konklusyon

……………………………………………………………

…………………… 12

         V.      Bibliograpi

……………………………………………………………

Page 4: Term Paper Ex.

……………………. iii

iiiiiiii

I.               INTRODUKSIYON

Ang panahon ng mga kabataan ay lubhang napakagulo. Maraming bagong natutunan sa lipunan at paggawa ng mga desisyon sa buhay. Kilala ang mga kabataan sa pagiging masayahin, carefree at tinatawanan lamang ang malulungkot na pangyayari sa buhay. Ang tineyds swisayd ay isa sa napakalaking suliranin ngayon ng buong mundo. Ang bilang nito ay patuloy na tumataas taun-taon. Ang kaalaman ukol dito ay lubhang napakahalaga bawat isa sa atin. Karaniwang mga kabataan ang nakakapag-isip na gawin ito dahil sila ay dumadaan sa kumplikadong yugto ng buhay – ang panahon ng pagtuklas sa sarili.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para ipaalam sa lahat lalung-lalo na sa mga kabataan kung ano ang swisayd, ang kadahilanan ng swisayd, ang epekto ng swisayd, ang mga palatandaan ng swisayd at kung paano maiiwasan o masusolusyonan ang swisayd.

Sa pananaliksik na ito, makatulong nawa ito sa lahat at sa mga kabataang pag-asa ng sambayanan upang magamit sa ating lipunan.

1II. SALIKSIK NA NAKALAP

Mula sa Aklat

Page 5: Term Paper Ex.

KAHULUGAN

Ang swisayd (suicide) ay mula sa

Latin na salitang

at “cidium” o pagpatay. Ito ay kusa o sadyang

pagkuha ng sariling buhay o

pagpapakamatay.

KASAYSAYAN AT URI NG SWISAYD

Nagmula ang kasaysayan ng swisayd noong 30 B.C. bansang Ehipto sa pamumuno ni Cleopatra. Siya ang pinakatanyag na nagpakamatay sa kasaysayan ng swisayd. Karaniwang pinapatay ng mga nahatulang salarin ang kanilang sarili. Walang takot ang sambayanan ng Tribo ng Alemanya sa swisayd. Mayroong silang inaasahang kaligayahan sa panibagong mundo. Kaya maagang namatay ang mga naniniwala dito kaya ang buhay noon ay unti-unting umiikli at nakararanas ng paghihirap. Ang mga Tribo ng Aprika ay nagpapakamatay alang-alang sa kanilang hari o pinuno. Naniniwala rin sila na kanilang makakasama ang hari sa kabilang buhay.

1.    HARA KIRI

     Sa bansang Hapon, sumasailalim sa isang ritwal ng pagpapakamatay ang mga Samurai. Ito ay tinatawag na Seppuku (paghiwa ng tiyan o hara kiri, "belly cutting") at kanilang ginagawa kung nailagay nila sa malaking kahihiyan ang amo o ang sarili. Tanda ito upang isalba ang kanilang narumihang dangal.

22, ALTRUISTIC

Page 6: Term Paper Ex.

     Mayroon ding tinatawag na altruistic o heroic suicide. Ito ay paniniwalang makabubuti sa grupo ang kanilang pagpapakamatay. Halimbawa ay ang hunger strike o boluntaryong ‘di pagkain upang ipahayag ang kanilang ipinaglalaban.

3. SUICIDAL BELIEFS

     Ang napabalita naman noong taong 1997 sa Los Angeles, US ay ang pagpapakamatay ng halos 39 katao, na kasapi ng isang kultong Heaven’s Gate. Ang pinuno ng kulto na si Marshall Applewhite ay humikayat ng isang grupo na maglakbay patungong kalawakan sa pamamagitan ng pagpapakamatay.

     Sa Uganda, taong 2000, tinatatayang 235 katao kasama ang mga bata ang nagpakamatay sa nasusunog na gusali sa paniniwalang parating na ang katapusan ng mundo.

4. SUTTE

     Sa India, ito ay isinasagawa ng sapilitan sa isang taong iyong mahal o isang pinuno.

DAHILAN NG SWISAYD

1.    BIYOLOHIKAL

     Ayon sa mga manggagamot, malaki ang kinalaman ng himaymay-buhay (genes) ng isang tao upang siya’y makaisip magpakamatay. Maging ang pag-iisip, ugali at uri ng kapaligiran na kanyang kinalakihan ay may impluwensya sa kanyang pagpapasiya na wakasan ang sariling

Page 7: Term Paper Ex.

buhay.     Ang utak ang siyang namamahala sa

kilos ng isang tao, at ang karunungn naman ang humuhubog sa isipan.

3     Ang Serotonin, ang mahalagang

kemikal sa utak na kumukontrol sa ugali, emosyon, pagtulog at gana sa pagkain. Kapag nagkulang ang pagprodyus nito sa utak, magkakaroon ng suliranin sa utak at pag-iisip ng anumang bagay.

2.    SIKOLOHIKAL     Depresyon, ang pinakaunang dahilan

ng swisayd. Karamihan sa mga tao ay nakakaramdam ng kalungkutan kung minsan at ang mga damdaming ito ay likas na bahagi ng buhay. Subalit, ang isang bata o kabataan na nakakaramdam ng madalas, sobra o pangmatagalang kalungkutan, ay maaaring may pandamdaming sakit na tinatawag na matinding kalungkutan.

     Ang matinding kalungkutan ay umiiral sa mga pamilya na nangangahulugang ang pagkakaroon ng sakit na ito ay maaaring manahin

3. Iba pang mga dahilan:

     Problema sa pamilya, buhay, eskuwela o trabaho

     Matinding karanasan tulad ng troma, pagpanaw ng mga mahal sa buhay o matagal na pagkakasakit.

     Pagkalito o pag-alinlangan sa sarili     Hangaring magtagumpay     Kakulangang pinansiyal     Pagkatakot habang lumalaki     Pagpapakamatay sa pamilya     Pagkadungis ng pangalan     Pagkaranas ng kalupitan, adiksiyon,

Page 8: Term Paper Ex.

kahirapan at sekswal, pisikal at emosyonal na pag-aabuso.

     Pagkakahiwalay sa mga relasyon     Pagtanggi ng mga kaibigan     Midya, maaaring gayahin sa mga

napapanood o naririnig sa loob ng 1-2 linggo.

4

Problema sa lipunan     Madaling pagkuha ng mga

nakakamatay na bagay, tulad ng baril at gamot

     Bayolenteng kultura ng mga kabataan tulad ng video games, musika, telebisyon at pelikula.

     Modernisasyon     Maling pakahulugan o kakulangan ng

kaalaman ukol sa swisayd     Puwersa sa mga kabataan     Kabiguan sa pag-ibig

Mula sa Internet

MGA EPEKTO AT PALATANDAAN NG SWISAYD

Sa pamamagitan ng pagiging malungkot, bugnutin o sobrang maramdamin. Ilan sa mga palatandaan ng swisayd ay ang mga sumusunod:

Patuloy na nakakaramdam ng kawalang-pag-asa , walang halaga, pagkakasala, o mababang pagpapahalaga sa sarili

Nabawasan ang pagkawili sa mga gawaing dating kinagigiliwan

Kulang ng sigla at pangganyak, at laging mayayamutin

Nahihirapang mag-isip Makahulugang pagbabago ng gana sa

pagkain o timbang Paghihiwalay sa mga kasamahan o

Page 9: Term Paper Ex.

mahina ang pakikipagkapwa Laging nasa isip ang kamatayan,

pananakit sa sarili o pagpapakamatay Madalas na dumaraing ng pangkatawang

sakit tulad ng sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, sakit ng tiyan , o pagkapagod

Pagiging magagalitin , bugnutin, pala-away, o mga mapanganib na kilos

Pag-iiyak, pagsisigaw, pagrereklamo, o di-maipaliwanag na pagkamagagalitin

Madalas ang hindi pagpasok sa eskwela o mahina sa mga gawain sa eskwela

5 Pag-iinom ng alak at pag-aabuso ng droga

Ang mga kabataan ay maaring mahirapan sa pagkilala at paglalarawan ng kanilang mga damdamin. Maaaring hindi pa nila maipapahayag ang mga ito sa angkop na pananalita. Maaaring ipakita nila ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng mga kilos. Kung minsan binibigyan ng mga may edad ng di-makahulugang paliwanag ang ganitong pag-uugali tulad ng di-wastong asal o pagsusuway.

MGA KARANIWANG GINAGAWA AT GINAGAMIT SA SWISAYD

Inaabusong Pag-inom, Pagkain, Paghitit at Pag-amoy

1.    Pangkalahatang Lason     Chlorine gas, cyanide, nitrogen gas

at potassium chloride2.    Lasong Pambahay

     Aspirin, paracetamol,sleeping tablets, alkohol at tubig

3.    Nakalalasong Halaman4.    Ilegal na Droga

     Cocaine, shabu at marijuana5.    Nireresetang gamot

Page 10: Term Paper Ex.

Karaniwang Paraan sa Swisayd

1.    Pagbaril sa Sarili2.    Pagbigti3.    Paglaslas ng pulso at leeg4.    Nagpakalunod5.    Pagpapasabog sa sarili6.    Pagtalon sa gusali / tulay7.    Pagpapasagasa sa mga sasakyan8.    Pagkagutom sa sarili9.    Pagkuryente10.6

Pagyeyelo sa sarili

PAG-IWAS AT SOLUSYON SA SWISAYD

Ang swisayd ay naiiwasan.Nararapat gawin sa mga sumubok magswisayd:

Ang pagbanggit umano ng mga taong nais magpakamatay sa kanyang plano ay isang tawag-tulong. Upang mapigilan ang iyong kakilala na tuluyan nang wakasan ang kanyang buhay, mahalagang isaalang-alang ang mga ito:

1. Alamin ang mga senyales ng isang taong nais magpakamatay.

2. Maging kalmado at tanggapin ang nalaman. Ipakita ang inyong simpatya.

3. Bigyan sila ng labis na atensyon at ipakitang siniseryoso mo ang kanilang nais magpakamatay. Huwag tawanan o hamunin kung kaya nga nilang mag-suicide.

4. Huwag silang iwanang mag-isa.

5.Makinig nang mabuti at hikayatin silang ibuhos sa iyo ang nararamdaman

6.Hikayatin silang humingi ng tulong sa isang

Page 11: Term Paper Ex.

propesyunal na manggagamot. Ipaliwanag na ito’y sakit at kayang magamot.

7.Tanungin sila kung nais ba nila talagang magpakamatay at kung ano’ng plano nila. Kung mayroon na, ipaalam kaagad ito sa pamilya .

8. Huwag magtatalo.

9. Tulungang ilabas ang kanilang nararamdaman.

710.Huwag matakot na magtanong.

11.     Huwag matakot sabihin ang salitang “swisayd” o pagpaapkamatay

12.     Tanungin kung may plano pa siyang gawin ulit.

13.     Alisin ang mga armas tulad ng espada, sibat, palaso at baril. Kasama na rin ang kutsilyo, pildoras at mga nakakalasong bagay at ang mga bagay na maaaring gamitin sa pagpapakamatay.

Pagtulong ng pamilyaAng pamilya ang pinakamabisang

solusyon upang maiwasan ang swisayd.

1.    Pagpapamalas ng pagmamahal, interes, at pagpapahalaga sa kanilang kabutihan.

2.    Paghihikayat sa kanila na ipahayag ang kanilang damdamin at lutasin ang mga problema kahit mahirap ang mga ito.

3.    Pagtulong sa kanila kapag sila ay nalilito o nahihirapang magdesisiyon.

4.    Pagbibigay ng oras sa inyong mga anak katulad ng pakikipaglaro sa kanila,

Page 12: Term Paper Ex.

pagbabasa sa kanila bago sila matulog, pagtataguyod ng mga positibong gawain o libangan, at pagiging handang makinig sa kanila o dumamay lalo na kung sila ay may problema.

5.    Palagiang pag-aalaga, hindi mabagsik na pagdidisiplina.

6.    Alamin ang kanilang pangangailangan at kaibahan sa iba’t ibang antas ng kanilang paglaki.

7.8

Ang isang magulang ay kailangang maglaan ng panahon para pangalagaan ang sarili at panatiliin ang pakikipag-ugnay sa mga kaibigan at pamilyang sumusuporta sa kanya. Tandaan na ang malimit na pagtatalo o pag-aaway ng magulang ay nakasasama sa mga bata. Kung kayo at ang inyong partner ay may problema, maaaring makatulong ang pagpapayo mula sa isang propesyonalkatulad ng psychologist, social worker o counsellor

ESTATISTIKA

MAKAPAGMAMALAKI ang mga kababaihang kabataan ngayon sa mga kalalakihan dahil lumalabas na mas matatag sila sa pagharap at pagdadala ng mga problema sa buhay. Sa pag-aaral ng Department of Health, mas malaki ang posibilidad na magpakamatay ang mga kabataang lalaki kaysa mga babae. Sa isang pulong tungkol sa kalusugan ng mga kalalakihan, ibinunyag ng DOH na 4.5 beses na mas posibleng magpatiwakal ang mga lalaki kaysa mga babae dahil ang mga ito ay madaling ma-pressure at mahina "emotionally." At pitong beses na mahigit kaysa kababaihan na nagtatagumpay sa

Page 13: Term Paper Ex.

pagpapakamatay ang mga lalaki.

Kumpara sa mga babae na kumukunsulta sa mga kaibigan o kapamilya kapag problemado, ang mga kalalakihan ay itinatago ang mga dalahin. Para pansamantalang maibsan ang bigat sa dibdib, marami sa kanila ang nalululong sa droga, alak at paninigarilyo na lalong nagiging dahilan ng kanilang kawalan ng pag-asa.

9Ang mga kababaihan ay mas bukas din sa

pagkonsulta sa professional psychiatrist tungkol sa kanilang depression. Bihirang lalaki ang gagawa ng katulad na hakbang sapagkat pagpapakita ito ng kawalan nila ng gulugod at kahinaan ng karakter. Nagkakaroon sila ng insekuridad at takot na mabawasan ang pagtingin ng ibang tao, may pakiramdam ang kalalakihan na walang kuwenta lalo na kung may pressure sa mga magulang, kapatid o nobya. Bahagi rin ng suicidal tendency ng mga kabataan ang pagiging pusong babae na hindi mailantad sapagkat malaking kasiraan sa pamilya. Ang sitwasyong ito ay kabawasan sa macho image ng kalalakihang kabataan sa harap ng matinding pagsubok.

     Pumapangatlo ang dahilan ng pagkamatay ang swisayd sa may edad na 15-24 taong gulang.

     Pumapang-apat ang dahilan ng pagkamatay ang swisayd sa may edad na 10-14 taong gulang.

     Pumapawalo ang dahilan ng pagkamatay ang swisayd sa mga lalaki at Panglabing-siyam naman sa mga kababaihan.

o      

may isang babae ang nagpapakamatay.

Page 14: Term Paper Ex.

     27 % ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang nagplano, 16 % ang nag-isip at 8 % naman ang sumubok na magswisayd.

     80 % ang umulit muli na magswisayd.     8 sa 10 tao ang nagsabi na sila’y

nagbigay ng pahiwatig na sila’y magpapakamatay.

     55 %, ang mga sandatang pang-armas ang nangungunang paraan sa pagpapakamatay.

MALING PAHAYAG SA SWISAYD

1.    “Hiindi ginagawa ng mga kabataan ang

pagpapakamatay kapag kanila itong

pinag-uusapan.”

HINDI TOTOO Halos lahat ng nagpapakamatay ay nagbibigay ng babala.Huwag hayaan ang mga babalang ito. Tulad ng, “Gusto ko ng mamatay”, “Ayoko ng mabuhay”.

2.    “Ang lahat ng nagpapakamatay ay isang baliw”.

HINDI TOTOOAng lahat ng nagpapakamatay ay hindi

baliw. Sila ay maaaring na sa matinding kalungkutan o depresyon.

3.10

“Walang makakapigil sa isang taong nais magpakamatay”.

HINDI TOTOOSa huling pagkakataon,

nagkakahalo-halo ang pakiramdam ng isang nagpapakamatay. Nais ba nilang mabuhay o

Page 15: Term Paper Ex.

mamatay? Hindi lahat ng nagpapakamatay ay gustong magpakamatay; gusto lang nilang mawala ang sakit na kanilang nararamdaman. Hindi pa huli ang lahat para sila ay pigilan.

4.    “Hindi kailangan ng mga nagpapakamatay ng tulong”.

HINDI TOTOOAyon sa pag-aaral, halos kalahati ng

nagswiswisayd ay naghanap ng tulong sa loob ng 6 na buwan bago sila namatay.

5.    “Makapagbibigay ng ideya ang pag-uusap ukol sa swisayd”.

HINDI TOTOOAng pag-uusap ukol dito ay hindi

nakapagbibigay ng ideya bagkus ito’y nakakatulong upang maiwasan ang swisayd.

11KONKLUSYON

Hindi tila tama na ang kabataan na

mabuhay lamang ng maikling panahon, na

Page 16: Term Paper Ex.

mas pinili nilang mamatay. Patuloy silang

nababagabag ng personal, pangkapaligiran

at pambansang suliranin. Karaniwan sa

kanila ay hindi makita ang kabuuan o ang

pangkalahatang anggulo ng problema kaya

nauwi sa pagpapakamatay. Malaki ang

magiging pagbabago sa kalusugan, pag-iisip

ng negatibo at kawalan ng lakas ng loob ang

karaniwang epekto nito. Kung ang mga

magulang, guro at mga kaibigan ay may

sapat na kaalaman sa dahilan at

palatandaan, tiyak na bababa ang bilang nito

sa buong mundo. Magtulungan tayong pigilin

sa pagsasayang ng buhay, tulungan natin

ang ating mga kabataan! Sila ang ating

kinabukasan. Tandaan, maaaring isang araw

iyon na ang ating mga kakilala at kapamilya.

12

Page 17: Term Paper Ex.

BIBLIOGRAPI

Mula sa Aklat

Ayer, Eleanor H. painful to grow up?First Century Books, 1993. 64p.

Chiles, John. Teenage depression and suicideNew York: Chelsea House, 1986. 93p.Colman, Warren. preventing teen suicide.Childrens Press, 1990. 112p.

Gardner, Sandra, & Gary B. Rosenberg. Teenage suicide1985. Englewood Cliffs, NJ: Julian Messner, 1990. 116p.

Klagsbrun, Francine. and suicide1976. 201p.

Kuklin, Susan. speak up. New York: G.P. Putnam's Sons, 1994. 121p.

Madison, Arnold. New York: Seabury Press, 1978. 146p.

Wilkerson, David R. Spire Books, 1978. 123p.

Zeinert, Karen. Berkeley Heights, NJ: Enslow Publishers, 1999. 112p. History, causes, psychology.

Mula sa Internet

www.yahoo.comwww.yahoo.com

www.yahoo.comwww.google.com

www.google.comwww.google.com

iii

Page 18: Term Paper Ex.

Multiple Birth

TALAAN NG NILALAMAN

I. Paunang

salita..............................................

.. i

II.Talaan ng

nilalaman...................................... ii

III.

Introduksyon........................................

...... 1

IV. Mga saliksik na

nakalap...........................2-8

A.   Mula sa aklat

B.   Mula sa mas medya

Page 19: Term Paper Ex.

C.   Mula sa mamamayan

V.

Konlusyon......................................

....................iii

VI.

Bibliograpi......................................

.................iv

PAUNANG SALITA

Ang proyektong ito ay pinaggugulan ng mahabang panahon para sa magandang resulta nito. Hindi ko ito maisasagawa kung wala ang tulong ng mga taong nandiyan para gabayan ako. Ang pag-aaral na ito ay aking iniaalay sa mga mambabasa, studyante, guro,magulang, tambay at wala lang magawa...!! ,sa mga taong gusto ng konting impormasyon tungkol sa pagaaral na ito. Malugod ko ring pinasasalamatan una ang panginoon dahil binigyan nya ako ng sapat na

Page 20: Term Paper Ex.

kakayahan at malawak na pangunawa upang maisagawa ko ng maayos ang proyektong ito. Pinasasalamatan ko rin ang aking butihing magulang sa tulong pinansyal at ang pinakahuli kong pinasasalamatan ang mga taong nandiyan para tulongan ako maga kaibigan , kamagaral at ispesyal na tao.

INTRODUKSYONAng pagkakaroon ng isang anak sa mga mag-asawa ay isang biyaya at kautparan ng kanilang pangarap lalo na kung biniyayaan ka ng isang malusog, maganda at normal na angel. Sa kabila ng paghihirap ng magulang sa pagdadala ng siyam na buwansa kanyang sinapupunan naghalo ang takot,saya at sakit pero pag ito aylumabas na ang angel na kanilang susubaybayan hanggang lumaki ito, walang kapantayang kaligayahan na nadarama ng isang magulang. Pero sadyang mapaglaro ang tadhanasa libo-libong ipinapanganak 30% nito ay may deperensya o di kaya’y kambal.Kung minsan ang kambal ay magkadikit o magkahiwalay sa sitwasyongito masakit sa magulang ang makita niyanaghihirap ang kanilang ina lalo kung magkadikit ito.

Page 21: Term Paper Ex.

SALIKSIK NA NAKALAPMULTIPLE BIRTH

I.                  Kahulugan ng Kambal

Ito ay isang uri o kalagayan ng

pagbubuntis na kung saan nagkakaroon

ng maling proseso sa bahay bata. Mula sa

obaryo ng ina na naglalabas ng selula.

Ang selula ito ay hihiwalay at sanhi nito

ang pagkakaroon ng kambal. Ang kambal

ay hindi naman masyadong dilikado

depende kong ang dinadala mo ay

Siamese Twin.

magkaroon ng koplikasyon dahil sa

dalawang bata ang magkadikit na

isisilang. Madali mo ring malalaman ang

isang kambal dahil sa magkamukhang

magkamukha sila at kung minsan ay

magkadikit.

D.      Ang Tatlong uri ng kambal

1. Identical Twin

Page 22: Term Paper Ex.

Ang Identical Twin ay halos

maypagkakapareho sa itsura maaari

itong babae-babae o lalaki-lalaki. Ang

identical twin ay laging nagkakapareho sa

kasarian.

Ayon sa mananaliksik ang pagkakaroon

ng ganitong pangyayari o ng

twin ay apat na ulit kada isang libong

ipinapanganak sa buong mundo.Mahirap

ding sabihin ang kanilang pagkakaiba

depende na lang kung may ilang marka o

ilang pagkatatanda ito sa katawan gaya

ng pilat, nunal, peklat at balat.

2. Fraternal Twin

Ang Fraternal twin ay may

kunting pagkakahawig sa identical pero

maari itong maging babae o lalaki. Hindi

rin sila pareho sa ugali,pagiisip at

emosyonal na damdamin. Maari rin

magkaroon ng ilang marka o

pagkakatandaan. Ang Fraternal twin ay

karaniwang nangyayari sa mga itim na

tao o sa mga naninirahan sa africa.

Madalang mangyari ito sa mga

Ancestry

Page 23: Term Paper Ex.

mananaliksik wala pa silang naitatala sa

ASIANS.

3. Siamese Twin

Ito ang pinaka dilikado sa tatlong

uri ng kambal dahil sa pagkakadikit nila.

Halimbawa nito ay sa hita, dibdib, ulo,

tiyan at iba pang parte ng kanilang

katawan.

Isang halimbawa nito ay sina

Chang at

Eng

siamese twin

mga ribs cage. Sila ng nagpasimula ng

siamese twin dahil sa pagpuntapunta nila

sa ibat ibang bansa. Ang Siameses twin

ay nag mula sa salitang

lugar( ngayon THAILAND) Karamihan sa

kanila ay naghahati Internal organ

kagaya ng pusa at atay . Ang SIAMESE

TWIN ay parehas ng kasarian at genetics

make-up.

II.               Mga Ilang Eksplinasyo Kung Paano

Sa pagbubuntis nagbibigay ng isang

anak kada pagdadalangtao. Isa sa

Page 24: Term Paper Ex.

mga obaryong ina nagolalabas ng mga

itlog na nahahalo sa semilya ng ama ang

tawag sa pertilisadong itlog ay zygote.

Ang mga sumunod ay paraan kung paano

nagkakakaroon ng kambal.

Ang Identical Twin din ay Tinatawag din itong monozygote. Habang nagbubuntis ito. Ang isang selula na inilabas o zygote. Ay hihiwalay o mahahati sa dalawang parte.

Ang dalawang parteng ito ay magreresulta ng dalawang indibidwal. Ang dalawang indibidwal na ito ay parehas ng Genetics make-up.

tinatawag na Dizygote dahil mula sa

obaryo ng ina naglalabas ito ng

dalawang itlog sa parehong oras.Sa

bawat itlog na Pertilisado mula rin sa

magkahiwalay na semilya. Na

nagbibigay ng dalawang zygote sa

bawat isa doon ay magkaibang

Genetics characteristic.

Ang Siamese Twin ay

tinatawag Conjoined Twins dahil ang

zygote na nabigong humuwalay ng

Page 25: Term Paper Ex.

kompleto at naging resulta ng

pagkakadikit nila sa ibat- ibann parte

ng katawan nito.

III. Mga Sintomas ng pagdadala ng kambal

1.       Ultrasound Confirmation

Ito ay isang paraan para malaman

agad kong ang anak mo ay kambal ito

ay makabagong paraan sa medisina.

2.      Doppler Heart Beat Count

binibilang mo ang bawat pintig ng

iyong puso ang nagpapaanak ay

madali niya itong malaman dahil

hindi lang isang heart beat ang

nagagawa ng pagdadalang tao ng

kambal.

3.      Elevated HCG Levels

saan minomonitor ng Doktor ang

HCG(Human Chorionic

Gonadotropin) Level. Ang HCG

hormone ay madaling malalaman sa

Dugo ng ina o ihi. Ang kambal ay

nagbibigay ng Elevated Level ng

Page 26: Term Paper Ex.

HCG.

4.      Abnormal AFT test results

pagsasala ng Dugo ay ginagawa rin

sa mga buntis. Sa pangalawang

pagdadalang ato kilala rin itong

Maternal Serum Screening o Triple

Marker Screen.

malaman ang pagtaas ng ng bilang

ng mga depekto sa pagbubuntis.

5.      Measuring large for Gesttational

age

ina ang manggagamot ay sinisukat

ang taas ng

Uterine Fundus

pubic bone hanggang sa bahay bata)

para malaman ang Gestational Age.

Ang kambal na pagbubuntis ay

nagiging sanhi ng paglaki ng bahay

bata ng ina kaya lumalaki ito.

6.      Weigth Gain

sukat ng ina dahil sa pagbubuntis

nito ng kambal. Nagreresulta rin

Page 27: Term Paper Ex.

itong pagtaas ng kanyang timbang.

Ang sukat din nito ay depende sa

taas nito. karamihan sa nagbubuntis

ng kambal umaabot sa sampu ang

kanilang timbang.

7.      Excessive Morning si sickness.

Ito ay karaniwang nararamdaman ng nagdadalang tao ang pagduduwal halos 50% ang dumaranas nito naganap ito tuwing umaga .pero hindi sinasabi na kapag dumduwal ka ay kambal ang anak mo. Ayon sa ulat 15% lang sa mga nagdadalang tao ng kambal ang nakararanas nito.

8.     Early/Frequent fetal movemen

Ito naman ay ang maaagang

paggalaw ng bata sa sinapupunan

ng ina dahil fito madaling

malalaman kung ilan ang nasa loob

nito.

9.      Extreme Fatigue

10.  History/hunches

malaman kong ang isang ina ay

nagdadala ng kambal sa

pamamagitan ng pag alam ng

kasaysayan ng pamilya mula sina

una hanggan kasalukuyan.

     MULA SA PANAYAM

Page 28: Term Paper Ex.

nakapanayam ko ang pananaw nila

sa kambal ay “KAINIS” dahil

nagkakaroon ng mistaken identity

yong akala nila ikaw yung kapatid

mo at yung kapatid mo ay ikaw.

Pero may nagsasabi naman ok lang

kasi nakakatulong daw iyon sa

kanila hal. Nito kong may kadate ka

or ka eyeball. Ang iba naman ay

proud dahil sa may kapatid syang

kamukha niya. Ang iba naman ay

merong bad at good sides hal. Nito

lagi silang pinagkakapareho kahit

may pagkakaiba sila.

KONKLUSYON

Sa mahabang panahon ng pag-aaral at pangangalap ng ilang impormasyon tungkol sa Multiple Birth marami akong natutunan dito. Ang pag-aaral na ito ay nakapagbigay ng kaalaman katulad ng mga uri ng kambal, mga sintomas nito at iba pa. Nalaman ko rin na ang pagkakaroon ng kambal sa lipunan ay hindi dapat ikinahihiya at sa halip ay ipagmalaki. Nalaman ko rin na mahirap pala

Page 29: Term Paper Ex.

ang pagkakaroon ng kakakambal lalo na kung lagi kayong pinagkakamalan ng mga taong nakapaligid sayo at nakakakilala. Ang pagaaral na ito ay maituturing na magandang karanasan at ang pinaka huli ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makihalubilo sa mga taong ito.

BibliograpiMula sa AklatWorld book Encyclopedia volume 12, letter MMultiple birth page 199

Mula sa mass Medyawww.yahoo.comsyndrome (TTTS) , Welcome multiple birth,@ twins worldwww.google.comParenting Multiples

Mula sa panayamMelvin Evardone sa Bahay-lingkod community center Dec 27, 2003Roel Cabailo sa kanilang tahanan blk 123 lot 25 phs 3Dec 22-23 2003Richard Bongabong sa aming tahanan blk 123 lot 24 phs 3 Dec 21, 2003

Page 30: Term Paper Ex.

SURING – PELIKULA- FILIPINAS

SURING – PELIKULA

Direktor: Joel C. Lamangan

Ang pelikulang ‘Filipinas” ay tungkol sa bansang Pilipinas. Ang pelikulang ito ay umiikot lamang sa istorya ng pamilya Filipinas: may-kaya, may sariling lupa at may ilang ektarya ng bukirin. Sumasalamin ang mga tauhan ng Filipinas sa iba’t ibang mukha ng bansang Pilipinas na nakakaranas ng matinding suliranin at kaguluhan.

I.      Direksyon / Direktor

Sa pamamagitan ng tao na ito, mabubuo ang isang pelikulang kinagustuhan ng marami. Siya ang taong nagpursiging bumuo ng pelikulang hindi makakalimutan na ang tanim ay dunong at pitak sa puso ninuman. Isa siyang batikang direktor sa kadahilanang marami na siyang nagawang pelikula na pinilahan sa mga sinehan at umani na rin ng mga parangal. Napakaayos at napakaganda ng pagkakagawa ng pelikulang ito. Tiyak na maaantig ang ating puso at makakarelate tayo sa pangyayari sa ating bansa. Ito ang pelikulang ‘Filipinas” sa direksyon ni Joel C. Lamangan.

II.      Istoryang Pampelikula

Narito ang aking pagsusuri at pagbubuod sa mga mahahalagang

Page 31: Term Paper Ex.

pangyayari sa pelikula.

A.     Simula

Ang istorya ay isinalaysay ni Yolanda (Maricel Soriano), ang panganay, isang matandang dalaga, namamahala sa bahay, tapat na nag-aruga sa balo at matandang niyang ina, Florencia (Armida Siguion-Reyna) na dating prinsipal at sa kabila ng pagkanulo nito sa kanya. Tulad sa kasalukuyan na pamilyang Pilipino, ang mga supling ng Filipinas ay nagkawatak-watak dahil sa kanilang sariling ambisyon at prinsipyo. Si Samuel (Richard Gomez), ang paborito ng kanyang ina na may magandang trabaho at dayo galing Amerika. Si Vicky (Aiko Melendez) ang sakim sa lahat ng magkakapatid. Si Clara (Dawn Zulueta) isang Overseas Filipino Worker (OFW) bilang caregiver sa Israel. Si Eman (Victor Neri) ang aktibista sa pamilya. Si Narciso (Wendell ramos) ang sumunod sa yapak ng yumaong ama (isang sundalo na nakipaglaban sa Mindanao), isang opisyales ng military, hindi tipikal, maprinsipyo, matapat at magandang lalaki.

Gusto ng kanilang ina na umuwi ang lahat ng kanyang mga anak upang magsama-sama muli. Masaya ang kanilang pagdaraos ng “reunion” at hindi mapawi ang saya ng kanilang ina. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ito pala ang magiging daan upang magkawatak-watak ang kanilang pamilya.

B.   Madulang Pangyayari

Hindi akalain ni Florencia na ang pagsasama-sama nila muli ang magsisilbing dagok sa kanya.

Nagbalik si Clara sa Pilipinas upang

Page 32: Term Paper Ex.

hanapin ang loob ng napalayong anak, pagkagalit sa umaasang asawa at ang kanyang pagtatrabaho bilang babae sa ibang bansa.

Si Eman, itinaas niya ang kanyang sarili ayon sa kanyang paniniwala at inilaan niya ang kanyg sarili sa manggagawa bilang raliyista.

Si Samuel, hindi matago ang kanyang kayabangan sapagkat siya lamang ang may malayong nakamit sa lahat ng magkakapatid. Kaya lagi silang nagkakabanggaan ni Eman.

Si Vicky ang namamahala sa negosyo nilang sibuyas na bahagya na lamang mamalagi sapagkat sa walang kakayahang makipagkompetensiya sa bumabahang imported na produkto sa bansa. Nagpakasal sa negosyanteng Indian ngunit hindi sila nagkakasundo sa isa’t isa at palaging nag-aaway.

Si Narciso, palihim na nagpakasal at kanyang ibinunyag ang nagaganap na korupsyon sa loob ng military. Bagong taon noon ng siya’y naatasan sa Basilan ngunit siya’y namatay sa kadahilanang kanyang sinugod ang mga rebelde ng nag-iisa bilang pagtatanggol sa nasawing kaibigan.

Nagsaya ng may kalungkutan ang magpamilya. Ang ere ni Samuel at prinsipyo ni Eman ang nag-alab ng araw na iyon. Hundi na din napigilan ni Yolanda ang damdamin ng kanyang inungkat ang nakaraan na si Samuel ang may kasalanan. Ang kasintahan ni Yolanda ay pinagbintangang pumatay sa ama nila ngunit hindi niya iyon sinasadya at siya’y nakulong pa din. Ang paghahadlang nila sa kanilang pag-iibigan ang sinama ng loob ni Yolanda. Palibhasa’y sunud-sunuran kaya wala siya nagawa.

Page 33: Term Paper Ex.

Naghanap ng matiwasay na pagpapahingahan ng sama ng loob si Florencia, tumungo siya ng simbahan at humingi ng payo sa pari. Ngunit ng ibinunyag ng pari na siya’y aalis upang magbakasyon upang alagaan ang kanyang anak , si Florencia ay nasiraan ng loob.

C.    Kasukdulan

Ito ang matinding nagpakatok kay Nanay Filipinas. Ang pag-aaway ng magkasalungatang anak sa pagitan ng may ugaling Amerikanong si Samuel at isang aktibista na laban sa amerikano na si Eman. Sa matinding pagtatalo na nauwi sa suntukan, kanilang nakamao ang butihing ina nila, at lumagpak sa sahig na walang malay. Labis ang takot ng lahat ng dinala nila ito sa ospital. Nasuri ng doctor na ang kalagayan ng kanilang ina ay hindi na maibabalik pa sa dati at kanyang ipinadesisyon ang magpamilya na ang tanging paraan upang manatiling buhay ang kanilang ina ay ayaw man nila o sa hindi ay hindi tatanggalin ang respirator at depende ito sa kakayanan ng kanilang ina. Na-Comatose ang kanilang ina. Labis ag pagsisi ng dalawa sa sinapit ng kanilang ina. Waring pinupusta ang hinaharap sa kapalaran.

D.    Kakalasan

Nang dahil sa pangyayari, ang lahat ay naging maganda. Ang pagtatawaran at pagmamahalan bilang magkakapatid at isang pamilya ang siyang nagsilbing daan. Sila’y nagsama-sama muli sa kanilang tahanan. Inuwi nila ang kanilang ina sa araw ng kaarawan nito sa ganoong kalagayan, ng walang malay. Kanilang napagtanto ang kanilang pagkakamali sa

Page 34: Term Paper Ex.

isa’t isa. Si Florencia ang tumayong mag-isa bilang puno ng pamilya Filipinas, isang uliran, mapagmahal , maalagain, at handing ipaglaban ang mga anak hanggang huli. Maging mapagmahal sa Diyos at Bayan ang kanyang tinuro sa kanyang mga anak upang maging matatag at sama-sama sa anumang pangyayari.

E.     Wakas

Si Samuel ay iniwan ang mga anak sa Pilipinas at bumalik patungong Amerika at nagkaroon ng trabaho. Si Eman ay patuloy na umanib sa kilusan. Natuwa ang ilang kasapi ng pamilya sa pagbasa ng sulat ni Eman, nagpapahiwatig ng kanilang pagsuporta sa kapatid. Si Yolanda ang nagpatiloy sa pag-aalaga sa ina.

Nanatili pa ring nakatayo ang buong pamilya sa kabila ng kinakapaharap na suliranin; iginiit ni Yolanda na “Huwag mawalan ng pag-asa at gawin ang lahat upang manatiling buhay ang kanilang ina”. Sila’y nanatiling nagsama-sama at nagdasal sa ikagagaling ng kanilang ina. Comatose pa rin ang kanyang ina hanggang sa kasalukuyan.

III.      Pagganap

Nakapagpaantig sa aking damdamin ang lahat ng bahaging aking nagustuhan at sinuri. Dahuil napakahusay ng mga nagsipagganap ng mga artista at parang makatotohanan. Kaya napakamakatarungan ang kanilang pagganap at dahil na rin sa pagkabagay ng kanilang ginampanang role. Ang kanilang kanya-kanyang istorya ay hindi mailalahad sa isang tuwid na linya. Waring isang telenobela na unti-unting ipinapakilala sa manonood ang buhay ng bawat karakter.

Page 35: Term Paper Ex.

Ngunit sa kabilang banda, sila’y ipinakilala hindi sa kanilang kayagumpayan o pagkakamali kundi sa kanilang indibidwalidad na pagsisikap at talento. Ang kanilang buhay ay nakaayon sa lipunan na kanilang ginagalawan.

IV.      Sinematograpiya

Masining at napakaganda rin ang aking mga nakikita sa aking pinapanood na bawat lugar at ang kanilang pag-arte ay napakaartestiko kaya ako’y nagigiliwan. Dahil na rin sa kagandahan ng mga lugar na pinangyarihan. Ang anggulo ng ilaw ay akmang-akma sa pelikula. Disenyong Pamproduksyon

Ang mga props na ginamit ay akma sa takbo ng istorya. Ang kanilang pananamit ay akma rin sa gumaganap. Ang set ayangkop sa panahon ng istorya. Ang tagpuan ay napapanahon; makalipas ang ilang segundo- ang nakaw – cellphone scene na akma sa ating bansa. Napakaartestiko ng paggawa. Kaya mas lalo kong naunawaan ang pelikula.

V.      Editing

Masasabi kong tama lang ang haba at ikli ng pelikula sa loob ng isang oras at limampung minuto. Kaya mas lalo kong nasundan ang daloy ng istorya. Napakaganda na nito at wala ng dapat pang naguhin pa dito. Ang pelikula ay sumisimbolo at nagpapahatid ng mensahe na sa kabila ng mga nakakahilakbot na pangyayari sa ating bansa; hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa at gawin ang lahat upang maisalba ang bansang Pilipinas. Si Yolanda ay sumisimbolo sa susunod na henerasyon, na mayroong

Page 36: Term Paper Ex.

pagkukusa na manguna para sa ikabubuti ng lahat.

VI.      Musikal Iskoring

May musical na ginamit sa kwento bukod sa mga tunog o background music na angkop sa pelikula. Ang kaangkupan ng theme song ng pelikula ay siyang nagpaimbabaw sa temang hatid nito sa manonood.

VII.      Paglalapat ng Tunog

Napakalinaw ng kanilang mga dayalogo kaya mas lalo kong naiintindihan ng mabuti ang aking pinanood. Kaya ako at ang aking mga kasama ay nakibahagi sa pelikula na aming pinapanood.

Create a Free Website

MDT© 2006 All Rights Reserved.