Tambalang pagsusulit

4
TAMBALANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2 I. Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung mali. 1. Maraming purong wika sa mundo. 2. Ayon kay Ordoṅez, ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay binabansot ng rehiyonalismo, pinipigilan ang paglaganap at, higit na masama, ibinabasura ng mga “edukado” at elitistang patuloy na sumususo sa wikang Ingles at narerendahan pa ng kaisipang kolonyal. 3. Si Manuel Luis Molina Quezon ang ama ng wikang Pambansa. 4. Nang itadhana na ibatay sa Tagalog ang pagbubuo, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa, tinanggap ito ng mga kinatawan ng rehiyong di-Tagalog. 5. Nakita ng mga tumututol sa pagtatalaga ng wikang tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa ang katotohanan at aral ng kasaysayan. 6. Kailan man ay hindi nagiging dominanteng lengguwahe ng sambayanan ang wikang ginagamit sa sentro ng gobyerno, komersiyo, edukasyon at sibilisasyon. 7. Sapagkat ang Kabisayaan ang sentro ng bansa mula pa sa panahon ng kolonyalismong Kastila, natural na manaig ang bisaya kaysa ibang umiiral na mga diyalekto. 8. Wikang Espanyol ang naging lengguwahe ng Rebolusyong 1896. 9. Hanggang umuunlad ang sibilisasyon, naghihiraman ng mga salita ang mga wika. 10. Marami na ring salitang hiniram sa Ingles, ngunit isinunod lamang ang baybay o ispeling sa sarili nating ortograpiya. 11. Sa Malaysia at Thailand, hinidi nila isinusunod sa kanilang baybay o ispeling ang hiniram nilang mga salitang walang katapat sa kanilang wika. 12. Tinanggap ng walang pagtutol ang mga inembentong mga salitang pansiyensiya at panteknolohiya ni Engr. Gonzalo del Rosario o Ka Along. 13. Sa nilikhang mga salita ni Ka Along, sinadyang binago ang mga salita upang maiangkop lamang sa diumano’y maselang pandinig ng mga moralista’t nagpapanggap na mga banal. 14. Sa akda tinalakay, ang malaswang tinutukoy ay ang malaganap na karalitaan. College of Arts, Sciences, Education and Criminology KAGAWARAN NG FILIPINO Pamantasan ng Lungsod ng

Transcript of Tambalang pagsusulit

Page 1: Tambalang pagsusulit

TAMBALANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2

I. Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung mali.

1. Maraming purong wika sa mundo.2. Ayon kay Ordoṅez, ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay binabansot ng rehiyonalismo, pinipigilan ang

paglaganap at, higit na masama, ibinabasura ng mga “edukado” at elitistang patuloy na sumususo sa wikang Ingles at narerendahan pa ng kaisipang kolonyal.

3. Si Manuel Luis Molina Quezon ang ama ng wikang Pambansa.

4. Nang itadhana na ibatay sa Tagalog ang pagbubuo, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa, tinanggap ito ng mga kinatawan ng rehiyong di-Tagalog. 

5. Nakita ng mga tumututol sa pagtatalaga ng wikang tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa ang katotohanan at aral ng kasaysayan.

6. Kailan man ay hindi nagiging dominanteng lengguwahe ng sambayanan ang wikang ginagamit sa sentro ng gobyerno, komersiyo, edukasyon at sibilisasyon.

7. Sapagkat ang Kabisayaan ang sentro ng bansa mula pa sa panahon ng kolonyalismong Kastila, natural na manaig ang bisaya kaysa ibang umiiral na mga diyalekto.

8. Wikang Espanyol ang naging lengguwahe ng Rebolusyong 1896.

9. Hanggang umuunlad ang sibilisasyon, naghihiraman ng mga salita ang mga wika.

10. Marami na ring salitang hiniram sa Ingles, ngunit isinunod lamang ang baybay o ispeling sa sarili nating ortograpiya.

11. Sa Malaysia at Thailand, hinidi nila isinusunod sa kanilang baybay o ispeling ang hiniram nilang mga salitang walang katapat sa kanilang wika.

12. Tinanggap ng walang pagtutol ang mga inembentong mga salitang pansiyensiya at panteknolohiya ni Engr. Gonzalo del Rosario o Ka Along.

13. Sa nilikhang mga salita ni Ka Along, sinadyang binago ang mga salita upang maiangkop lamang sa diumano’y maselang pandinig ng mga moralista’t nagpapanggap na mga banal.

14. Sa akda tinalakay, ang malaswang tinutukoy ay ang malaganap na karalitaan.

15. Kailangang magdiwang ng Buwan ng wikang Pambansa upang mapahalagahan natin ang pambasang wika.

II. Basahing mabuti at isulat sa sagutang papel ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag:

1. Ito ang tagapagdala ng ideya tungo sa mabisang pakikipag-ugnayan.2. Ang pagkakaroon nito ay tulay upang ang isang bansa ay magkaisa at makamit ang minimithing kaunlaran.

3. Hindi matutumbasan ang papel nito sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

4. Ito ay malaon nang ginagamit ng ating mga ninuno bilang sinaunang sistema ng pagsulat bago pa man dumating ang mga Kastila.

5. Ito ang wika, at di ang wika ng mga dayuhan - ang ibinabandilang tagapagpahayag ng mga mithiin ng Himagsikang Pilipino at naging opisyal na wika ng bagong tatag na Konstitusyon ng Malolos.

College of Arts, Sciences, Education and CriminologyKAGAWARAN NG FILIPINOPamantasan ng Lungsod ng MarikinaNo. 2 Brazil St., Greenheights Subd. Ph. 1, Concepcion Uno,

Page 2: Tambalang pagsusulit

6. Ito ay naitatag noong Ika-13 ng Setyembre, 1936 sa bisa ng Commonwealth Act No. 184.

7. Ang layunin nito ay magsagawa ng pag-aaral upang makapili ng wikang magiging batayan ng  Wikang Pambansa.

8. Ayon kay Constantino, ito ay wikang nakabatay lamang sa Tagalog bilang Pambansang Wika.

9. Ayon pa kay Constantino, ito ay ang kabuuang bunga ng ebolusyon ng wikang Pilipino kasama ang pagbabago dulot ng impluwensiya ng wikang Kastila at Ingles.

10. Ayon sa aklat na  Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2000, Bob Ong )  hanggang ngayon ay mahirap pa ring resolbahin ang isyu  sa wikang ito dahil iba-iba pa rin ang sinasabi sa mga dyaryo, magazine at libro ukol dito.

11. Sa  dating ginawang survey sa Ateneo de Manila University, ilang bahagdan na ng mga Pilipino   ang kayang umintindi ng Tagalog?

12. Ayon pa rin sa survey sa Ateneo de Manila University, ilang bahagdan ang nakakaintindi ng  English?

13. Batay sa Saligang Batas noong 1987, saang alpabeto inihalaw ang ating alpabetong Filipino?

14. Sa kasalukuyan ang Modernong Alfabetong Filipino ay binubuo ng ilang letra?

15. Ito ang taon na nagpalabas ang Komisyon ng Wikang Filipino ng pamantayan sa wastong paggamit ng mga hiram na titik at pagsasalin ng mga salita mula sa ibang dayuhang wika.

16. Ito ang taon na muling ipahinto ng bagong pamunuan ng KWF, ang pagpapalaganap ng mga pamantayan sa pagbabaybay sapagkat maging ang mga dalubwika sa  iba’t ibang pamantasan ay nagtatalo pa ukol dito.

17. Ayon kay Dr. Pamela Constantino, ito ay hindi na bago sapagkat  matagal na tayong nasa ilalim nito sa anyo ng kolonisasyon,  migrasyon at ekonomikong globalismo.

18. Ayon sa SANGFIL, mas mabilis matuto mga bata sa ikalawang wika kapag literado na sila sa anong wika?

19. Ayon sa akda, upang makalangoy sa dikta ng globalisayon, hindi rin naman dapat ipagwalang bahala ang pag-aaral ng wikang ito bilang universal na wika.

20. Ayon kay Satoko Iwasaki,  batay sa istatistiks   noong 1996, ito ang wikang ginagamit ng 999 milyong tao.

III. Punan ang mga patlang sa mga sumusunod na pahayag. Ang mga sumusunod na pahayag ay batay sa dokumentaryong “Don’t English Me”.

A. Sa ilalim ng 1)_______________ ng Pilipinas Grade 1 pa lang kailangan ng pag-aralan ang wikang Ingles kasabay ng pag-aaral ng wikang Filipino. Ginagamit din ang mga wikang ito bilang 2)_______________ sa ibang sabjek tulad ng Math at Science.

B. Ayon sa istatistik, sa 100 na pumapasok sa grade 1, 3)________ lamang ang nakakapagtapos ng Grade 6. Karamihan ay mga lalaki at dahil mahirap maghanap ng trabaho, nagiging tambay o minsan 4)_________ pa.

C. Ayon kay Nolasco, ang isang fundamental na hindi pinapansin ng marami ay yung 5)___________________ ng mga bata yung kanilang mga guro kaya hindi nakakasunod sa mga aralin. Dahil ang 6) ____________ sa eskwelahan ay hindi nila wika… Ang problemang kinakaharap ng mga bata sa pagkatuto, lahat ‘yan makikita sa 7)_________.

D. Mahigit 8)__________ nang itinuturo sa mga Pinoy ang wikang Ingles, tila hanggang ngayon baluktot pa rin ang dila ng mga Pinoy. Kasi raw maging ang sistema ng edukasyon natin walang duda 9)____________ rin.

E. Ayon kay Jovy Peregrino, Mali para sa akin ang kaisipan na kapag ang bata, 10)_____________ mo ng matagal sa wikang Ingles, matututo siya ng wikang Ingles. Mali ito. Hindi ito totoo. Kapag ginamit mo ang Ingles bilang 11) _______________ sa lahat ng sabjek. Gagaling sila sa Ingles. Hindi rin ito totoo.

F. Ayon pa kay Jovy Peregrino, Obserbahan mo ang mga estudyante, bakit sa kasalukuyan, mula pa noon Ingles na ang ginagamit natin, Bakit hindi tayo makabuo ng 12)_________________________?

Page 3: Tambalang pagsusulit

G. Sa pag-aaral ng Philippine Human Development Report, halos magkapantay ang kakayahan ng mga Pilipino at Amerikanong estudyante sa larangan ng 13)_________ at 14)________ noong 15)___________.

H. Kasama sa malaking problema ng bilingual policy ay ang 16)___________ ng mga guro.

I. Ang 17)_______________ sa probinsya ng Kalinga, napabilang sa top 10 non-performing school sa bansa. Ibig sabihin, isa sa mga kulelat. Ang kanilang solusyon ay 18)_____________. Ganyan kasimple ang kanilang formula.

J. Ang 19)________________ ay tawag sa paggamit ng unang wika ng bata sa pagtuturo.

K. Ayon pa kay Peregrino, English vs. Filipino, hindi dapat ito maging debate o kung Multilingual vs. Bilingual Education hindi dapat ito maging debate. Kung edukasyon ay 20)______________ o para sa pagkatuto, kinakailangang maintindihan at malaman natin at tanggapin natin na ang wika na dapat gamitin bilang midyum para matuto ang bata ay yung 21)______________ at hindi ang 22)______________.... Ang Pilipino para matawag na edukado, magaling, sosyal, sophisticated, elite ay kinakailangang magaling mag-Ingles para mapabilang ka sa 23)_____________. Kailangan magaling ka mag-Ingles, kaya ang isang Pilipino na hindi magaling mag-Ingles ay paparatangan ng kapwa Pilipino na 24)_____________.

L. Ayon kay Howie Severino, bilang pagtatapos ng dokumentayon, ano nga ba ang dapat bigyan ng prayoridad, ang dayuhang lengguwahe na tinuturing ng marami na 25) _____________ o ang sariling wika na lalong maaaring magpausbong sa ating sariling pagkakakilanlan?

IV. Ipaliwanag ang pagkakaunawa sa mga sumusunod na pahayag: (ipaliwanag sa maikli at matalinong pahayag)

A. “Hindi kasalanan ang maging mahirap, kasalanan ang manatiling mahirap.”.B. Ayon sa propesor ng UP, “Wikang Ingles, ang itinuro sa utak ko, wikang Filipino ang natutunan ng Puso

ko.”

C. Ayon kay Rogelio Ordoṅez, “Ang wikang malapit sa puso, at nauunawaan ng bayan, ang siyang wikang mananatili at gagamitin ng bayan.”

D. Ayon sa Sentro sa kahusayan sa Filipino, Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon ng DLSU, “Ang English ay hindi solusyon sa problema ng edukasyon sa Pilipinas.”

“Dalawang dekada ka lang mag-aaral, kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko eh walang gugustuhing

umiwas sa eskwela.”

–BOB ONG