Talatang Nagsasalaysay
description
Transcript of Talatang Nagsasalaysay
4 Agosto 9, 2011
KOM I & II Propesor Odessa M. Joson
Pagsasalaysay
Ang Misteryosong Pagkamatay ni X
Mainit na araw noon nang kumain sa Luneta Park ni Ginoong X si Propesor
Odessa Joson. Marami silang nabiling pagkain mula sa malapit na Jollibee. Nilagay nila
lahat ng pagkain sa isang picnic basket para magmukhang sila mismo ang nagluto ng
kanin, manok at burger steak.
Malakas silang kumain ng baon nila habang hagakhak nang hagakhak sa mga
nakakatawang istorya ng isa’t isa. Lumaki ang mata ni Ginoong X. Parang hindi na siya
makahinga. Naging kulay lila na ang kanyang balat. Pilit gustong maabot ni Ginoong X
ang kanilang picnic basket. Tumalikod si Odessa para kunin ang picnic basket at
paglingon niya, bigla na lamang niyang nakita ang kanyang kasamang si X na
nakahilata sa tigang na lupa katabi ang picnic basket.
Inisip agad ni Odessa na tumawag ng pulis o ng ambulansya ngunit hindi niya
pala alam ang numero ng mga ito kaya sumigaw na lang siya nang napakalakas.
Dumating ang isang doktor ngunit hindi na siya umabot. Patay na si Ginoong X.
Matagal ding pinag-aralan ng mga doktor ang dahilan sa likod ng pagkamatay ni
Ginoong X. Nakita nila na punong-puno ng manok at kanin ang lalamunan ni Ginoong X
kaya hindi siya nakahinga. Mainit at kulang pala sa tubig ang katawan ni Ginoong X
kaya hindi niya malunok ang kinakain. Tubig lamang mula sa kanyang picnic basket ang
makakasagip sana sa kanya.