Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

32
Gumising! MARSO 2011 LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG SA ISYU RING ITO: ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN TUNGKOL SA PANINIGARILYO? PAHINA 26

description

SA ISYU RING ITO: ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN TUNGKOL SA PANINIGARILYO? PAHINA 26

Transcript of Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Page 1: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising!M A R S O 2 0 1 1

LIMANG TIP PARA MAGING

MAS MALUSOGSA ISYU RING ITO: ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN

TUNGKOL SA PANINIGARILYO? PAHINA 26

Page 2: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

LIMANG TIPPARA MAGINGMAS MALUSOG

3 Puwede Kang MagingMas Malusog

4 Tip�1—Kumain Nang Tama

5 Tip�2—Alagaan ang IyongKatawan

6 Tip�3—Maging Aktibo

7 Tip�4—Ingatan ang IyongKalusugan

8 Tip�5—Pasiglahin ang IyongSarili at ang Iyong Pamilya

9 Maging Mas Malusog!

10 Ang Pangmalas ng BibliyaMapapalap

´ıt Ka ba sa Diyos Kung

Pahihirapan Mo ang Iyong Sarili?

12 Ang Book of Martyrs niJean Crespin

14 Ang mga Panugtog saSinaunang Israel

17 Isang Aklat naMapagkakatiwalaan MoBahagi 5—Ulat ng BibliyaTungkol sa Gresya

21 Nagagalak na MagingIsang Pastol

25 May Nagdisenyo ba Nito?Ang Ovipositor ngWood-Boring Wasp

26 Ang mga Kabataanay NagtatanongAno ba ang Dapat Kong MalamanTungkol sa Paninigarilyo?

29 Pagmamasid sa Daigdig

30 Repaso Para sa Pamilya

32 “Salamat at Nakilala Ko angIsang Maibiging Ama”

Gumising!KATAMTAMANG LIMBAG 39,913,000INILATHALA SA 83 WIKA

Page 3: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 3

ABALANG tao si Rustam na taga-Russia.Dati, mayroon siyang mga bisyo

pero naramdaman niyang sinisingilna siya ng mga ito. Kaya inihintoniya ang paninigarilyo at labis napag-inom. Pero dahil buong-arawsiyang nasa harap ng computer,wala siyang sigla.

Bagaman alas otso ng umaganagtatrabaho si Rustam, mgaalas diyes pa siya nabubuhayan ngdugo. Lagi rin siyang may sakit. Kayabinago niya ang kaniyang rutin. Ang resul-ta? “Sa nakalipas na pitong taon, hindi pa akonagkasakit nang mahigit sa dalawang araw ba-wat taon,” ang sabi niya. “Ang ganda ng paki-ramdam ko—gisıng at alerto—at masaya ako!”

Nakatira naman sa Nepal si Ram, ang kani-yang asawa, at ang dalawa nilang dalagita. Wa-lang sanitasyon sa kanilang lugar, at naglipanaroon ang mga lamok at langaw. Dati, madalassilang magkaroon ng impeksiyon sa mata at sa-kit sa palahingahan. Kaya gumawa rin sila ngmga pagbabago at naging mas malusog sila.

Pangalagaan ang Iyong Kalusugan!

Mayaman man o mahirap, hindi nakikita ngmaraming tao ang kaugnayan ng kanilang mgaginagawa at ng kanilang kalusugan. Baka inii-sip nila na ang pagiging malusog ay isang bagayna hindi nila kontrolado. Dahil dito, hindi nasila nagsisikap na maging mas malusog at pro-duktibo.

Pero ang totoo, mayaman ka man o mahi-rap, mayroon kang magagawa para magingmas malusog ka at ang iyong pamilya. Sulitba ito? Oo! Mapagaganda mo ang kalidad ngiyong buhay at mapahahaba ito.

Sa pamamagitan ng salita at halimbawa, ma-tuturuan ng mga magulang ang kani-

lang mga anak na magkaroon ng ka-paki-pakinabang na mga kaugalian.Bilang resulta, magiging mas ma-lusog sila. Sulit din ang panahonat pagsisikap dahil mababawasanang hirap na dulot ng pagkaka-sakit at mas kaunti ang panahon

at salaping mauubos sa pagpapaga-mot. Ayon nga sa isang kasabihan,

“Prevention is better than cure.”Sa sumusunod na mga artikulo, tatala-

kayin natin ang limang tip na nakatulong kinaRustam, Ram, at sa maraming iba pa. Makatu-tulong din sa iyo ang mga ito!

PUWEDE KANG MAGING

MAS MALUSOG

Si Rustam

Si Ram at ang kaniyang pamilyaay kumukuha ng malinis na tubigna maiinom

Page 4: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

4 Gumising! Marso 2011

ANG BABASAHING ITO AY INILALATHALA para sa kapakinabangan ngbuong pamilya. Ipinakikita nito kung paano haharapin ang mga problema sangayon. Iniuulat nito ang mga pangyayari sa daigdig at nagbibigay ito ngimpormasyon tungkol sa mga tao sa maraming lupain. Tinatalakay rin nito anghinggil sa relihiyon at siyensiya. Ngunit hindi lamang iyan. Sinusuri nitong mabutiang kasalukuyang mga pangyayari at sinasabi ang tunay na kahulugan ngmga iyon, subalit lagi itong neutral sa pulitika at hindi nagtatangi ng lahi.Pinakamahalaga, layunin ng magasing ito na patibayin ang pagtitiwala saMaylalang at sa kaniyang pangako na ang kasalukuyang napakasama atmagulong sistema ng mga bagay ay malapit nang palitan ng isang payapa attiwasay na bagong sanlibutan.

Gumising! Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pam-buong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob namga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasula-tan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal naKasulatan.

Awake! (ISSN 0005-237X) is published monthly in the United States byWatchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.; M. H. Larson, Presi-dent; G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY11201-2483, U.S.A., and in the Philippines by Watch Tower Bible and TractSociety of the Philippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila, R.P. PeriodicalsPostage Paid at Brooklyn, NY, and at additional mailing offices. Entered assecond-class matter at the Manila Central Post Office on September 12, 1961.� 2011 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rightsreserved. Printed in R.P.

Vol. 92, No. 3 Monthly TAGALOG

M Kumain ng sariwang pagkain. Kumain ng “to-toong” pagkain—sariwang pagkain na kinakainng mga tao noon pa man—sa halip na processedfood. Karaniwan na, ang mga pagkaing instant atmula sa mga fast food ay maraming asukal, asin,at taba, na maaaring maging sanhi ng sakit sapuso, istrok, kanser, at iba pang sakit. Kapag nag-luluto, subukang mag-steam, mag-bake, at mag-ihaw, sa halip na magprito. Gumamit ng herbs atspices para mabawasan ang konsumo ng asin. Ti-yaking tama ang pagkakaluto ng mga karne, athuwag na huwag kakain ng sirang pagkain.

M Huwag kumain nang masyadong marami. Ini-ulat ng World Health Organization ang nakatata-kot na pagdami sa buong daigdig ng mga taongsobra sa timbang at napakataba, na kadalasa’y re-sulta ng pagkain nang labis. Ayon sa isang pag-aaral, sa ilang lugar sa Aprika, “mas maramingbata ang sobra sa timbang kaysa sa kulang sa nu-trisyon.” Ang mga batang sobrang taba ay posi-bleng magkaroon ng mga problema sa kalusugan,kasama na ang diyabetis. Mga magulang, magingmabuting halimbawa sa inyong mga anak sa pag-kontrol sa dami ng inyong kinakain.

M Kumain ng maraming halaman. Kumain ngsari-saring prutas, gulay, at mga whole grain sa ha-lip na karne at mga produktong gawa sa starch.Makabubuti ring kumain ng mas maraming isdakaysa sa karne. Bawasan ang konsumo ng mga re-fined food gaya ng pasta, puting tinapay, at putingkanin, na wala nang gaanong sustansiya. Iwasanang mga usong diyeta na maaaring makasama sakalusugan. Mga magulang, ingatan ang kalusuganng inyong mga anak—sanayin silang kumain ngmasusustansiyang pagkain. Halimbawa, sa halipna chips o kendi, bigyan sila ng nuts at sariwangprutas at gulay na nahugasang mabuti.

M Uminom ng maraming likido. Araw-araw, angmga adulto at bata ay kailangang uminom ng ma-raming tubig at iba pang likido na walang halongasukal. Damihan ang pag-inom ng mga ito kapagmainit ang panahon at kapag nagtatrabaho nangmabigat o nag-eehersisyo. Nakatutulong ito sa pa-nunaw, nag-aalis ng mga lason sa katawan, nag-papaganda ng kutis, at nakababawas sa timbang.Gaganda rin ang iyong hitsura at pakiramdam.Umiwas sa labis na pag-inom ng alak at matata-mis na inumin. Ang isang soft drink bawat araway makadaragdag ng 6.8 kilo sa iyong timbang saisang taon.

Sa ilang bansa, ang malinis na tubig ay mahalat mahirap makuha. Pero napakahalaga ng pag-inom nito. Ang maruming tubig ay dapat pakulu-an o gamitan ng kemikal. Sinasabing mas mara-mi ang namamatay sa maruming tubig kaysa samga digmaan o lindol. Iniulat na 4,000 bata angnamamatay dahil dito araw-araw. Iminumungka-hi ng World Health Organization na pasusuhinng mga ina ang kanilang sanggol sa unang animna buwan. Pagkatapos, maaari na nila itong sa-mahan ng iba pang pagkain hanggang sa magingdalawang taon ang kanilang anak.

TIP �1Kumain Nang Tama

“Kumain. Huwag masyadong marami. Karami-han ay halaman.” Sa mga salitang iyan, binuod

ng awtor na si Michael Pollan ang simple at

sub´ok na payo tungkol sa tamang pagkain. Ano

ang ibig niyang sabihin?

Page 5: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Mga Wika: Afrikaans, Albanian, Amharic, Arabic, Armenian, Bislama,

Bulgarian, Cebuano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)�(audio Mandarin only), Chitonga, Cibemba, Croatian, Czech,� Danish,�Dutch,�� English,�� Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,� French,��� Georgian,

German,�� Greek, Gujarati, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hungarian, Icelan-

dic, Igbo, Iloko, Indonesian, Italian,�� Japanese,�� Kannada, Kinyarwanda,

Kirghiz, Kirundi, Korean,�� Latvian, Lingala, Lithuanian, Macedonian, Mal-

agasy, Malayalam, Maltese, Myanmar, Norwegian,�� Polish,�� Portu-

guese,��� Punjabi, Rarotongan, Romanian, Russian,�� Samoan, Sepedi,

Serbian, Sesotho, Shona, Silozi, Sinhala, Slovak, Slovenian, Spanish,��Swahili, Swedish,� Tagalog, Tamil, Thai, Tok Pisin, Tongan, Tsonga, Tswana,

Turkish, Ukrainian, Urdu, Vietnamese, Xhosa, Yoruba, Zulu

� Makukuha rin sa CD.

� Makukuha rin sa MP3 CD-ROM.

� Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.

Nais mo ba ng higit pang impormasyon o walang-bayad na pantaha-nang pag-aaral sa Bibliya? Pakisuyong humiling sa mga Saksi ni Jehova ga-mit ang isa sa mga adres na nakatala sa ibaba. Para sa kumpletong listahan ngadres, tingnan ang www.watchtower.org/address. Australia: PO Box 280, Ingleburn,NSW 1890. Britain: The Ridgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, Georgetown,ON L7G 4Y4. France: BP 625, F-27406 Louviers Cedex. Germany: 65617 Selters. Greece:Kifisias 77, GR 151 24 Marousi. Hong Kong: 4 Kent Road, Kowloon Tong, Kowloon. Israel:PO Box 29345, 61293 Tel Aviv. Italy: Via della Bufalotta 1281, I-00138 Rome RM. Japan:4-7-1 Nakashinden, Ebina City, Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33,Pyungtaek PO, Kyunggi-do, 450-600. Malaysia: Peti Surat No. 580, 75760 Melaka. Philip-pines: PO Box 2044, 1060 Manila. Spain: Apartado 132, 28850 Torrej

´on de Ardoz (Madrid).

Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu 32746. United States of America: 25 ColumbiaHeights, Brooklyn, NY 11201-2483.

Gumising! Marso 2011 5

M Magpahinga nang sapat. “Mas mabuti angsandakot na kapahingahan kaysa sa dalawangdakot ng pagpapagal at paghahabol sa hangin.”(Eclesiastes 4:6) Ninanakaw ng mga gawain atpang-abala sa ngayon ang ating panahon sa pag-tulog. Pero napakahalaga nito para sa mabutingkalusugan. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ha-bang natutulog tayo, ang katawan at utak ay nag-kukumpuni kaya tumatalas ang ating memoryaat gumaganda ang ating mood.

Ang tulog ay nagpapalakas ng resistensiya atnagsisilbing proteksiyon laban sa impeksiyon,diyabetis, istrok, sakit sa puso, kanser, sobrangkatabaan, depresyon, at marahil pati sa Alzhei-mer’s disease. Huwag labanan ang antok sa pa-mamagitan ng caffeine, matatamis na pagkain,o iba pang pampagising; dapat itong itulog. Ka-ramihan ng adulto ay nangangailangan ng pitohanggang walong oras na tulog para gumandaang kanilang hitsura, pakiramdam, at pagtatra-baho. Mas mahabang tulog pa ang kailangan ngmga kabataan. Ang mga kabataang kulang sa tu-

log ay mas malamang na magkaroon ng proble-ma sa isip at makatulog habang nagmamaneho.

Lalong kailangan ang tulog kapag tayo’y maysakit para mas mabilis tayong gumaling. Halim-bawa, kapag may sipon, makatutulong ang dag-dag na tulog at pag-inom ng maraming tubig.

M Ingatan ang iyong mga ngipin. Ang pagsisi-pilyo at pagpo-floss pagkatapos kumain, at lalona bago matulog, ay tutulong para maiwasan angpagkasira ng ngipin, sakit sa gilagid, at pagkabu-ngi. Hindi natin mapapakinabangan nang hustoang ating kinakain kung wala ang ating tunay namga ngipin. Ayon sa ulat, hindi pagtanda ang iki-namamatay ng mga elepante kundi unti-unti si-lang namamatay sa gutom kapag nasira na angkanilang mga ngipin at hindi na sila makanguyanang maayos. Kaya naman, ang mga batang na-turuang magsipilyo at mag-floss pagkatapos ku-main ay nagiging mas malusog hanggang sa pag-tanda.

M Magpatingin sa doktor. May mga sakit na ka-ilangang ikonsulta sa doktor. Kung maaagapanmo ang mga ito, makatitipid ka at mas mabiliskang gagaling. Kaya kung masama ang pakiram-dam mo, magpatingin sa doktor para matukoy atmagamot ang iyong sakit, sa halip na remedyu-han lang ang mga sintomas nito.

Maiiwasan ang malulubhang problema kungregular kang magpapa-checkup sa mahuhusay nahealth-care provider, gaya ng pagpapatingin sadoktor sa panahon ng pagbubuntis.� Pero tanda-an na ang mga doktor ay hindi naghihimala. Lu-busan lang tayong gagaling sa lahat ng ating ka-ramdaman kapag ginawa nang “bago [ng Diyos]ang lahat ng bagay.”—Apocalipsis 21:4, 5.

� Tingnan ang artikulong “Malusog na Mommy, Malusog naBaby,” sa Gumising!, isyu ng Nobyembre 2009.

TIP �2Alagaan angIyong Katawan

“Wala ngang napopoot sa sariling katawan,

ngunit pinakakain at inaalagaan niya ito.”

(Efeso 5:29, Biblia ng Sambayanang Pilipi-

no) Gaganda ang iyong kalusugan kung aala-

gaan mo ang iyong katawan.

Page 6: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

6 Gumising! Marso 2011

M Mag-ehersisyo. Kung tayo’y aktibo, magi-ging mas maligaya, masigla, at produktibo tayo.Magiging mas malinaw rin ang ating isip. Kungsasabayan pa ito ng tamang pagkain, makokon-trol din natin ang ating timbang. Hindi namankailangang masakit o sobra-sobra ang ehersisyopara maging epektibo. Ang regular at katamta-mang ehersisyo mga ilang beses bawat linggo aymakatutulong nang malaki.

Ang jogging, brisk walking, pagba-bike, atpagsali sa aktibong isports ay nakapagpapabilissa tibok ng puso at nakapagpapapawis. Mapala-lakas ng mga ito ang iyong katawan at makaii-was ka sa atake sa puso at istrok. Kung isasamamo sa gayong mga ehersisyo ang calisthenics atpagbubuhat ng weights, titibay ang iyong mgabuto, kalamnan, braso, at bin-ti. Mapananatili rin nitong ma-bilis ang iyong metabolismo,na nakatutulong naman sa pag-kontrol ng iyong timbang.

M Maglakad. Ang ehersisyoay kapaki-pakinabang sa lahat,anuman ang kanilang edad.Hindi na kailangang mag-gympara magawa ito. Malaking ba-gay na kung maglalakad ka sahalip na sumakay ng kotse, bus,o elebeytor. Huwag nang mag-

hintay ng masasakyan kung puwede ka namangmaglakad, at baka makarating ka pa nang masmabilis sa iyong pupuntahan. Mga magulang,pasiglahin ang inyong mga anak na maglaro salabas ng bahay hangga’t maaari. Magkakaroonng koordinasyon ang kanilang katawan at magi-ging malakas sila. Hindi ito magagawa ng mga li-bangang gaya ng paglalaro ng video games kungsaan lagi lang silang nakaupo.

Anuman ang iyong edad, makikinabang kakung magsisimula ka sa simpleng mga ehersi-syo. Kung may-edad ka na o may mga sakit athindi sanay mag-ehersisyo, kumonsulta munasa doktor. Pero huwag itong ipagpaliban! Kunghindi bibiglain ang pag-eehersisyo sa simula,makatutulong ito kahit sa mga may-edad paramapanatili ang kanilang bone mass at ang lakasng kanilang kalamnan. Tutulong din ito sa kani-la na makaiwas sa pagkatumba.

Ehersisyo ang nakatulong kay Rustam, na bi-nanggit sa unang artikulo ng seryeng ito. Pitongtaon na ang nakararaan, siya at ang kaniyangasawa ay nagsimulang mag-jogging sandali tu-wing umaga, limang beses sa isang linggo.“Nung una, lagi kaming nagdadahilan,” ang sabiniya. “Pero nakatulong sa amin ang pagpapasig-la sa isa’t isa. Ngayon, nag-e-enjoy na kaming ga-win ito.”

TIP �3Maging Aktibo“Kung ang ehersisyo ay tableta, ito na si-

guro ang pinakamadalas iresetang gamot

sa mundo.” (Emory University School of

Medicine) Sa lahat ng bagay na makabubuti

sa ating kalusugan, isa ang ehersisyo sa tala-

gang kapaki-pakinabang.

Puwede kayong mag-enjoy sapag-eehersisyo

Page 7: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 7

M Panatilihing malinis ang iyong sarili. “Angpaghuhugas ng kamay ang pinakaimportan-teng bagay na magagawa mo para maiwasanang pagkalat ng sakit at para manatiling ma-lusog,” ang sabi ng U.S. Centers for DiseaseControl and Prevention. Sinasabi na 80 porsi-yento ng mga sakit ay naipapasa ng maruru-ming kamay. Kaya laging maghugas ng kamay.Gawin ito lalo na bago kumain, maghanda ngpagkain, maglinis o humawak ng sugat, at pag-katapos humawak ng hayop, gumamit ng pali-kuran, o magpalit ng diaper ng sanggol.

Mas epektibo ang paghuhugas ng kamay ga-mit ang tubig at sabon kaysa sa paggamit ngmga alcohol-based hand sanitizer. Magigingmas malusog ang mga bata kung sasanayinsila ng kanilang mga magulang na maghugasng kamay at huwag hawakan ang kanilang bi-big at mata. Makatutulong din kung araw-arawkang maliligo at kung laging malinis ang iyongmga damit pati na rin ang mga punda at sapinsa higaan.

M Umiwas sa nakahahawang sakit. Iwasanglumapit sa mga taong may sipon o trangka-so at huwag makisalo sa kanilang mga gamitsa pagkain dahil nakahahawa ang kanilang la-way at bahin. Ang mga sakit na nasa dugo gayang hepatitis B at C at HIV/AIDS ay panguna-hing naililipat sa pamamagitan ng pakikipagta-lik, pagtuturok ng droga, at pagpapasalin ng

dugo. Ang bakuna ay makatutulong para mai-wasan ang ilang sakit, pero kailangan pa ringmag-ingat kapag kasama ang mga taong maynakahahawang sakit. Iwasang makagat ng mgainsekto. Huwag maupo o matulog sa mga lu-gar na maraming lamok o iba pang insektongmay dalang sakit. Gumamit ng kulambo, lalona para sa mga bata, at insect repellent.�

M Panatilihing malinis ang iyong tahanan.

Gawing malinis at masinop ang loob at labasng iyong tahanan. Linisin ang lahat ng posi-bleng pamugaran ng lamok. Ang mga walang-takip na pagkain at basurahan ay dinarayo ngmga insekto at daga na maaaring magdala ngbaktirya at maging sanhi ng sakit. Kung wa-lang palikuran, gumawa ng hukay sa halip nadumumi kung saan-saan. Takpan ito para hin-di puntahan ng mga langaw na nagdadala ngimpeksiyon sa mata at iba pang sakit.

M Protektahan ang iyong sarili. Sumunod samga batas pangkaligtasan kapag nagtatrabaho,nagbibisikleta, nagmomotorsiklo, o nagmama-neho. Tiyaking ligtas ang iyong sasakyan. Gu-mamit ng mga proteksiyon sa katawan gaya ngsafety glasses, helmet, at tamang sapatos, ga-yundin ng mga seat belt at earplug. Iwasan angsobrang pagbibilad sa araw, na sanhi ng kanserat maagang pagkulubot ng balat. Huminto sapaninigarilyo. Kung gagawin mo ito agad, liliitang tsansa mong magkaroon ng sakit sa puso,kanser sa baga, at istrok.�� Tingnan ang serye ng mga artikulong itinampok sa pabalat

na “Kapag Nagkalat ng Sakit ang mga Insekto,” sa Gumising!,isyu ng Mayo 22, 2003.� Tingnan ang serye ng mga artikulong itinampok sa pabalat

na “Kung Paano Maihihinto ang Paninigarilyo,” sa Gumising!,isyu ng Mayo 2010.

TIP �4Ingatan angIyong Kalusugan

“Matalino ang nakakakita ng kapahamakan

at nagkukubli.” (Kawikaan 22:3) Ang sim-

pleng mga pag-iingat ay tutulong sa iyo na

makaiwas sa sakit at pagdurusa, pati na sa

gastos at abala.

1.Mganakasulatsaturbante.2.Mgabatongonixsabalikat.3.Mgakampanilyasalaylayan.4.Angnasakaliwa.5.133,000.6.B.

MGASAGOTSAPAHINA30AT31

Page 8: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

8 Gumising! Marso 2011

M Patuloy na mag-aral. Sa maraming bansa,may mga pribado at pampublikong institusyonna nagbibigay ng mga babasahin at nagtuturotungkol sa iba’t ibang paksa sa kalusugan. Sa-mantalahin ang mga ito at pag-aralan kung paa-no mo mapabubuti ang iyong kalusugan at maii-wasan ang pagkakasakit. Panatilihing bukas angiyong isip at maging handa na gumawa ng sim-pleng mga pagbabago.

Ang mabubuting kaugalian na natutuhan at si-nusunod mo ay pakikinabangan ng iyong mgaanak at ng magiging mga anak nila. Kapag angmga magulang ay nagpapakita ng magandanghalimbawa sa pagkain, kalinisan, pagtulog, pag-eehersisyo, at pag-iwas sa sakit, malamang nagayahin ito ng kanilang mga anak.—Kawikaan22:6.

M Magkaroon ng mas matinding dahi-lan para mabuhay. Hindi sapat ang pag-papahalaga sa sarili para maingatanang kalusugan. Mahirap alisin ang di-magagandang nakagawian, at kaila-ngan ng matinding determinasyonpara makagawa ng kahit simplengmga pagbabago. Nariyan man angpanganib na magkasakit nang ma-lubha o mamatay, baka hindi pa

rin gawin ng ilan ang alam nilang makabubuti sakanila. Kung gayon, ano ang kailangan? Kaila-ngan nating magkaroon ng mas matinding dahi-lan para mabuhay.

Kailangang manatiling malusog at malakasang mga mag-asawa para patuloy na matulunganang isa’t isa. Nais ng mga magulang na patu-loy na maalalayan at masanay ang kanilang mgaanak. Kailangang alagaan ng malalaki nang mgaanak ang may-edad na mga kamag-anak. Nariyandin ang pagnanais na makatulong at huwag ma-ging pabigat sa komunidad. Ang lahat ng ito’yudyok ng pag-ibig at pagmamalasakit sa iba.

Ang mas matindi pang dahilan ay ang pasa-salamat at debosyon sa ating Maylikha. Pina-hahalagahan ng mga naniniwala sa Diyos angkaniyang kaloob na buhay. (Awit 36:9) Kung ma-lusog tayo, mas makapaglilingkod tayo sa Diyos.Ito na nga ang pinakamatinding dahilan paraingatan ang ating kalusugan.

TIP �5Pasiglahin ang Iyong Sariliat ang Iyong Pamilya

“Ang bawat matalino ay gagawi nang may kaa-laman.” (Kawikaan 13:16) Ang pagkakaroon ng

kaalaman tungkol sa kalusugan ay magpapa-

sigla sa iyo na gawin ang kailangang mga pag-

babago para maging mas malusog ka at ang

iyong pamilya.

Makinabang samalusog na paraanng pamumuhay

Page 9: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 9

NATATANDAAN mo pa ba si Ram na na-banggit sa unang artikulo ng seryeng ito?

Gaya ng maraming tao sa daigdig, hindi alam niRam kung gaano kahalaga sa kalusugan ang ta-mang pagkain at iba pang pang-araw-araw na ga-wain. Sinabi niya: “Ang artikulo sa Gumising! na‘Masustansiyang mga Pagkain na Madali MongMakukuha’ (Mayo 8, 2002) ay nakatulong saakin na maging palaisip sa nutrisyon.”

Ipinaliwanag pa ni Ram: “Sinikap ng amingpamilya na sundin ang natutuhan namin sa ar-tikulo. Nang maglaon, lumakas ang aming re-sistensiya. Noong hindi pa kami nag-iingat sapagkain, lagi kaming sinisipon. Natutuhan dinnamin ang madali at matipid na paraan sa pag-kuha ng malinis na tubig na maiinom, salamatsa artikulo sa Gumising! na ‘Anim na ParaanUpang Ingatan ang Iyong Kalusugan.’ ”—Set-yembre 22, 2003.

“Ang isa pang artikulo sa Gumising! na naka-tulong sa amin ay pinamagatang ‘Sabon

—Isang “Pambakuna sa Sarili,” ’ saisyu ng Nobyembre 22, 2003. Si-

nunod namin agad ang mga

mungkahi sa artikulong ito pagkabasa namin.Ngayon, hindi na kami nagkakaroon ng impek-siyon sa mata na kasindalas nang dati.

“Sa aming lugar, pinababayaan lang ng mgatao ang napakaraming langaw at lamok. Pero na-tutuhan ng aming pamilya sa video na The Bi-ble—Its Power in Your Life,� na dapat mag-ingatsa mga iyon. Nakatulong din sa amin ang kaala-mang ito para manatiling malusog.”

Huwag sumuko! Anumang pagbabago ang ka-ilangan mong gawin, makabubuting magsi-mula nang unti-unti at huwag magtakdang di-makatuwirang mga tunguhin. Halim-bawa, bawasan muna ang mga pagkaing di-nakapagpapalusog sa halip na tuluyang iwasanang mga ito. Sikaping matulog nang mas maagaat dagdagan pa nang kaunti ang iyong pag-eeher-sisyo. Mas mabuti na iyon kaysa sa wala kang gi-nagawa. Kadalasan, kailangan ng panahon—mgalinggo o buwan—bago makasanayan ang isangmagandang rutin. Samantala, huwag sumukoagad kung wala kang nakikitang resulta sa iyongmga pagsisikap. Kung magtitiyaga ka kahit maymga hadlang, gaganda ang kalusugan mo.

Imposibleng magkaroon ng perpektong kalu-sugan sa di-sakdal na mundong ito. Kapag nag-kasakit ka, baka hindi naman ito dahil sa kapa-bayaan mo kundi dahil sa likas na marupok angkatawan ng tao. Kaya huwag kang masyadongma-stress at mabalisa dahil sa kalusugan o ibapang bagay. “Sino sa inyo ang sa pagkabalisa aymakapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kani-yang buhay?” ang tanong ni Jesus. (Lucas 12:25)Sa halip, iwasan ang mga bagay na makapag-papaikli sa iyong buhay o makaaapekto sa kali-dad ng iyong pamumuhay. Maaari itong maka-tulong sa iyo na maging malusog hanggang sadumating ang bagong sanlibutan ng Diyos kungsaan “walang sinumang tumatahan ang magsa-sabi: ‘Ako ay may sakit.’ ”—Isaias 33:24.

� Ginawa ng mga Saksi ni Jehova.

MAGING MAS MALUSOG!

Page 10: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

10 Gumising! Marso 2011

PARA sa marami, hindi katanggap-tanggapang ideya ng pagpapahirap sa sarili. Ga-

yunman, itinuring na may takot sa Diyos angmga mananambang nagpahirap sa kanilang sari-li sa pamamagitan ng paghagupit, pag-aayuno, atpagdadamit ng balahibo ng hayop na nakaiiritasa balat. Hindi lang noong unang panahon gina-gawa ang mga iyon. Ayon sa isang ulat, magingang prominenteng mga lider ng relihiyon sa nga-yon ay hinahagupit ang kanilang sarili.

Bakit ganito ang kanilang pagsamba? Ayon saisang tagapagsalita ng isang organisasyong nag-aangking Kristiyano, “ang kusang pagpapahirapsa sarili ay isang paraan para maging kaisa niJesu-Kristo at danasin din ang mga pasakit nakusa niyang tiniis para tubusin tayo sa kasala-nan.” Pero ano ba talaga ang sinasabi ng Bibliyatungkol dito?

Pangalagaan ang Iyong Katawan

Hindi inirerekomenda ni pinahihintulutanman ng Bibliya na sambahin ang Diyos sa pama-magitan ng pagpapahirap sa sarili. Ang totoo, la-ging hinihimok ng Bibliya ang mga taong maytakot sa Diyos na alagaan ang kanilang kata-wan. Pansinin kung paano inilalarawan ng Bibli-ya ang pagmamahalan ng mag-asawa. Ginamitnitong halimbawa ang likas na pagtrato ng isanglalaki sa kaniyang katawan. Sinabi nito: “Dapatibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilangasawang babae na gaya ng sa kanilang sarilingmga katawan . . . Walang taong napoot kailan-man sa kaniyang sariling laman; kundi pinaka-kain at inaaruga niya ito, gaya ng ginagawa rinng Kristo sa kongregasyon.”—Efeso 5:28, 29.

Ano ang saysay ng utos na ibigin ang asa-wang babae gaya ng sariling katawan kung sa-saktan din lang pala ng isang mananamba angkaniyang katawan? Malinaw na ang mga umii-big sa mga prinsipyo ng Kasulatan ay inaasa-han na pangalagaan at ibigin pa nga ang kani-

lang sarili. Kaya ganito rin nila dapat ibigin angkanilang asawa.

Kaya naman, maraming prinsipyo sa Bibliyana tumutulong sa mga bumabasa nito para pa-ngalagaan ang kanilang sarili. Halimbawa, bina-banggit sa Bibliya ang pakinabang ng katamta-mang ehersisyo. (1 Timoteo 4:8) Sinasabi rinnito na nakagagamot ang ilang pagkain at ipina-hihiwatig na nakasasama sa katawan ang maling

ANGPANGMALASNG BIBLIYA Mapapalap

´ıt Ka ba sa

Diyos Kung PahihirapanMo ang Iyong Sarili?

Isang debotong umaakyatnang paluhod sasimbahan

�2

01

0p

hoto

libra

ry.com

Page 11: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 11

diyeta. (Kawikaan 23:20, 21; 1 Timoteo 5:23) Hi-nihimok ng Kasulatan ang mga tao na magingmalusog para maging aktibo sila hangga’t posi-ble. (Eclesiastes 9:4) Ang mga bumabasa ng Bi-bliya ay inaasahan na ingatan ang kanilang kalu-sugan sa ganitong mga paraan. Tiyak na hindisila aasahang saktan din ang kanilang katawan.—2 Corinto 7:1.

Dapat Bang Isadula ng mga Kristiyanoang Paghihirap ni Jesus?

Sa ngayon, ginagawang dahilan ng ilang or-ganisasyon ang pagdurusang dinanas ni Jesusat ng kaniyang mga tagasunod para ipagmatu-wid ang pagpapahirap sa sarili. Pero ang mgapagdurusang dinanas ng mga lingkod ng Diyosnoon ay hindi pagpapasakit sa sarili. Nang tuku-yin ng mga Kristiyanong manunulat ng Bibliyaang pagdurusa ni Kristo, ginawa nila iyon parapasiglahin ang mga Kristiyano na pagtiisan angpag-uusig—hindi para usigin ang kanilang sari-li. Kaya hindi si Jesu-Kristo ang tinutularan ngmga nagpapahirap sa sarili.

Isipin ito: Nakita mo na nilalait at sinasak-tan ng mga mang-uumog ang mahal mong kai-bigan. Napansin mong kalmado at payapa siya,ni hindi man lang gumaganti. Kung gusto mongtularan ang iyong kaibigan, sasaktan at lalaitinmo ba ang iyong sarili? Siyempre hindi, dahil pa-rang ginaya mo na rin ang mga mang-uumog. Sahalip, sisikapin mong huwag gumanti kapag na-lagay ka sa gayong sitwasyon.

Kung gayon, maliwanag na hindi inaasahanna pahihirapan ng mga tagasunod ni Kristo angkanilang sarili na para bang kailangan nilang tu-laran ang mga mang-uumog na nagpahirap atgustong pumatay kay Jesus. (Juan 5:18; 7:1, 25;8:40; 11:53) Sa halip, kapag napaharap sa pag-uusig, dapat nilang tularan ang pagiging kalma-do at payapa ni Jesus sa harap ng pagdurusa.—Juan 15:20.

Isang Paglabag sa Kasulatan

Bago pa man ang panahong Kristiyano, ipi-nagbawal na ng Kasulatan, na nagsilbing patnu-bay sa buhay at pagsamba ng mga Judio, angpananakit sa sarili. Halimbawa, ang mga Ju-dio ay tuwirang pinagbawalan ng Kautusan namaghiwa sa kanilang katawan bagaman karani-wan ito noon sa di-Judiong mga bansa. (Levi-

tico 19:28; Deuteronomio 14:1) Kung ayaw ngDiyos na hiwaan ng isa ang kaniyang katawan,tiyak na ayaw rin Niyang masugatan ito ng mgapanghagupit. Malinaw ang pamantayan ng Bibli-ya—anumang sadyang pananakit sa sarili ay hin-di katanggap-tanggap sa Diyos.

Kung paanong gusto ng isang dalubsining naigalang ang kaniyang obra, gusto rin ng Diyos naJehova na igalang ang katawan ng tao na Kani-yang nilikha. (Awit 139:14-16) Sa katunayan, angpagpapahirap sa sarili ay hindi makatutulong sakaugnayan ng isa sa Diyos. Sa halip, nilalabagat pinipilipit nito ang mga turo ng mga Ebang-helyo.

Sa patnubay ng Diyos, ganito ang isinulat niapostol Pablo tungkol sa mapaniil na mga dok-trinang gawa ng tao: “Ang mismong mga bagayna iyon ay mayroon ngang kaanyuan ng karunu-ngan sa isang ipinataw-sa-sariling anyo ng pag-samba at pakunwaring kapakumbabaan, isangpagpapahirap sa katawan; ngunit ang mga iyonay walang halaga sa pakikipagbaka sa pagbibi-gay-lugod sa laman.” (Colosas 2:20-23) Talagangwalang maitutulong ang pagpapahirap sa sarilipara mapalapıt ang isa sa Diyos. Sa kabaligta-ran, ang mga kahilingan ng Diyos para sa tunayna pagsamba ay nakagiginhawa, mabait, at ma-gaan.—Mateo 11:28-30.

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

˘ Ano ang pangmalas ng Diyos sa katawanng tao?—Awit 139:13-16.

˘ Malalabanan mo ba ang malingmga pagnanasa sa pamamagitan ngpagpapahirap sa iyong sarili?—Colosas 2:

20-23.

˘ Dapat bang maging pabigat at malupit angtunay na pagsamba?—Mateo 11:28-30.

Malinaw ang pamantayanng Bibliya—anumang sadyangpananakit sa sarili ay hindikatanggap-tanggap sa Diyos

Page 12: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

12 Gumising! Marso 2011

NOONG 1546, hinatulan ang 14 na lalakingnapatunayang mga erehe sa Meaux, Pran-

siya. Sinunog sila nang buhay. Ano ang ka-salanan nila? Nagtipon sila sa pribadong mgatahanan, nanalangin, umawit ng mga salmo,nagdiwang ng Hapunan ng Panginoon, at nagsa-bing hindi nila kailanman tatanggapin ang “mgaidolatriya ng Papa.”

Sa araw ng kanilang bitay, hinamon ng Roma-no Katolikong guro na si Francois Picard angmga lalaking ito tungkol sa kanilang paniniwa-la sa Hapunan ng Panginoon. Sumagot sila sapamamagitan ng pagtatanong tungkol sa turongKatoliko hinggil sa transubstantiation, na nagsa-sabing ang tinapay at alak na ginamit sa oka-syong iyon ay makahimalang naging katawan atdugo ni Jesus. ‘Naglalasa bang karne ang tina-pay, o dugo ang alak?’ ang tanong ng mga lalaki.

Bagaman hindi ito nasagot ni Picard, itinalipa rin sa tulos ang 14 at sinunog nang buhay.Ang mga hindi naputulan ng dila ay umawit ngmga salmo. Sinikap naman ng mga paring naka-paligid sa kanila na sapawan sila sa pamamagi-tan ng pag-awit nang mas malakas. Kinabuka-san, sa lugar ding iyon, inihayag ni Picard na ang14 na lalaki ay mapapasa-impiyerno magpakai-lanman.

Noong ika-16 na siglo, mapanganib ang Euro-pa para sa mga tumutuligsa sa simbahan. Mara-

mi sa mga sumalungat sa turo nito ang nagkaro-on ng kakila-kilabot na karanasan sa kamay ngkanilang mga mananalansang. Ang isang repe-rensiya tungkol dito ay ang Le Livre des martyrs(Book of Martyrs) ni Jean Crespin. Inilathala itonoong 1554 sa Geneva, Switzerland, at tinawagding Histoire des martyrs.�Isang Abogado ang Sumali sa Repormasyon

Si Crespin ay ipinanganak noong mga 1520,sa Arras, nasa hilagang Pransiya ngayon. Nag-aral siya ng abogasya sa Louvain, Belgium. Ma-lamang na dito niya unang nalaman ang mgaturo ng Repormasyon. Noong 1541, nagtra-baho siya sa Paris bilang kalihim ng isang ki-lalang hukom. Kasabay nito, nasaksihan niyasa Place Maubert, Paris, ang pagsunog kayClaude Le Painctre, na hinatulan bilang ere-he. Humanga si Crespin sa pananampalataya niLe Painctre, isang panday-ginto, na hinatulan satinatawag ni Crespin na “paghahayag ng katoto-hanan sa kaniyang mga magulang at kaibigan.”

Nang panahong iyon, abogado na si Crespinsa Arras. Pero di-nagtagal, inakusahan siyangerehe dahil sa kaniyang bagong paniniwala.Para makaiwas sa paglilitis, nagpunta siya saStrasbourg, Pransiya. Nang maglaon, tumirasiya sa Geneva, Switzerland, kung saan niya na-kasama ang mga tagasuporta ng Repormasyon.Ipinagpalit niya ang pagiging abogado sa pagi-ging tagapaglimbag.

Inilathala ni Crespin ang relihiyosong akdang mga Repormador, gaya nina John Calvin,

� Ang salin ng pamagat ng isang akda ni Crespin ay Bookof Martyrs, That Is, a Collection of Several Martyrs Who EnduredDeath in the Name of Our Lord Jesus Christ, From Jan Hus UntilThis Year, 1554. Ang ilan sa nirebisa at pinalaking-letrang edisyonna may iba’t ibang pamagat at nilalaman ay inilathala noong bu-hay pa si Crespin; ang iba naman ay pagkamatay niya.

Ang

Book of Martyrsni Jean Crespin

Title pageng “Book ofMartyrs” niCrespin(Edisyong1564)

Page 13: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 13

Martin Luther, John Knox, at Theodore Beza.Inimprenta rin niya ang tekstong Griego ng ba-hagi ng Bibliya na karaniwang tinatawag na Ba-gong Tipan, at ang Bibliya—sa kabuuan o mgabahagi nito—sa wikang Ingles, Italyano, Kasti-la, Latin, at Pranses. Pero nakilala si Crespin sakaniyang Book of Martyrs. Itinala niya rito angmaraming binitay dahil sa erehiya sa pagitan ng1415 at 1554.

Kung Bakit Iniulatang Pagdurusa ng mga Martir

Maraming lathalain ng mga Repormador angtumuligsa sa kalupitan ng mga pinunong Katoli-ko. Pinalakas nito ang loob ng mga tao sa pagsa-sabing ang “kabayanihan” ng mga Protestantengmartir ay pagpapatuloy ng pagdurusa ng mgalingkod ng Diyos noon, pati na ng mga Kristiya-no noong unang siglo. Para magkaroon ng mgahuwaran ang mga kapuwa niya Protestante, nag-tipon si Crespin ng isang talaan ng mga nagdu-sa dahil sa kanilang pananampalataya.�

Ang aklat ni Crespin ay naglalaman ng mgarekord ng pagtatanong, paglilitis, at testimonyong mga saksi, pati na ng mga testimonyong isi-nulat ng mga akusado habang sila ay nasa bi-langguan. Kasama rin ang mga liham para pati-bayin ang mga nakabilanggo. Ang ilan dito aypuno ng mga pagsipi sa Bibliya. Naniniwala siCrespin na ang pananampalataya ng mga sumu-lat ng mga testimonyo ay “karapat-dapat sa wa-lang-hanggang pag-alaala.”

Karamihan sa mga doktrinang tinalakay saaklat ni Crespin ay ang mga isyung pinagtatalu-

� Dalawa pang ulat ng pagkamartir ang inilathala noong 1554—kasabay ng paglalathala ni Crespin ng Book of Martyrs—ang isaay kay Ludwig Rabus sa Aleman, at ang isa naman ay kay JohnFoxe sa Latin.

nan ng mga Katoliko at Protestante. Halimbawaay ang paggamit ng imahen sa pagsamba, purga-toryo, at mga panalangin para sa patay, pati narin kung nauulit ang sakripisyo ni Jesus tuwingmisa ng mga Katoliko at kung ang papa ay kina-tawan nga ng Diyos.

Ang Book of Martyrs ay nagpapatotoo sa kon-trobersiya at pagkapanatiko na laganap noongmarahas na panahong iyon. Bagaman nakatuonang pansin ni Crespin sa pag-uusig ng mga Ka-toliko sa mga Protestante, hindi dapat kalimu-tan na may-kalupitan ding inusig ng mga Protes-tante ang mga Katoliko.

Sa buong kasaysayan, nagkasala ang huwadna relihiyon dahil sa “dugo ng mga propeta at ngmga banal at ng lahat niyaong mga pinatay salupa.” Tiyak na sumisigaw ng katarungan angdugo ng mga kinikilala ng Diyos bilang kani-yang tapat na mga martir. (Apocalipsis 6:9, 10;18:24) Malamang na ang ilan sa mga nagdusa atnamatay para sa kanilang pananampalataya no-ong panahon ni Jean Crespin ay taimtim na nag-hahanap ng katotohanan sa relihiyon.

Pagbitay sa mga Protestante sa harap ng hari ngPransiya na si Henry II at ng kaniyang korte

Images,b

oth

pages:

�S

oci´ et

´ ed

el’H

isto

ire

du

Pro

testa

nti

sm

eFra

ncais

,P

ari

s

Page 14: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

14 Gumising! Marso 2011

MAHALAGANG bahagi ng kultura ng si-naunang Israel ang musika. Ang mga

trumpeta at tambuli ay hinihipan para tawa-gin ang mga tao sa pagsamba at para maginghudyat ng mahahalagang pangyayari. Ang mgaalpa at lira ay tinutugtog para pakalmahin angmga hari. (1 Samuel 16:14-23) Ang mga tam-bol, simbalo, at mga rattle ay hinahampas atinaalog sa panahon ng masasayang okasyon.—2 Samuel 6:5; 1 Cronica 13:8.

Sinasabi ng Bibliya na si Jubal, isang inaponi Cain, ang “nagpasimula [ng] lahat niyaonghumahawak ng alpa at ng pipa.” (Genesis 4:21)Maaaring siya ang nakaimbento ng mga panug-tog na de-kuwerdas at mga panugtog na hinihi-pan.

Binabanggit sa Bibliya ang maraming pang-yayari na nagsasangkot ng musika. Pero walaitong gaanong sinasabi tungkol sa ginamit namga panugtog. Sa tulong ng mga tuklas sa ar-keolohiya at sinaunang mga akda, sinubukangalamin ng mga iskolar ang posibleng hitsuraat tunog ng sinaunang mga instrumento. Hindipa napatutunayan ang ilan sa kanilang konklu-syon pero tingnan natin ang ilang halimbawana may sumusuportang ebidensiya.

Mga Tamburin, Sistro, at mga Simbalo

Pagkatapos na makahimalang patawirin ngDiyos si Moises at ang mga Israelita sa Da-gat na Pula, ang kapatid ni Moises na si Mi-riam, kasama “ang lahat ng mga babae,” aylumabas na “may mga tamburin at nagsasaya-wan.” (Exodo 15:20) Walang nakuhang tambu-rin mula sa panahon ng Bibliya na kamukha ngmga tamburin sa ngayon. Pero natagpuan sa

Israel ang sinaunang pigurin ng mga babaingmay hawak na tambol sa mga lugar na gaya ngAczib, Megido, at Bet-sean. Ang panugtog naito, na madalas tawaging tamburin sa mga salinng Bibliya, ay posibleng isang simpleng paikotna patpat na nilagyan ng banat na balat ng ha-yop.

Noong panahon ng mga patriyarka, ang tam-burin ay tinutugtog ng mga babae sa panahonng masasayang okasyon, kasabay ng pag-awitat pagsasayaw. Sinasabi ng Bibliya na pagka-tapos ng isang mahalagang tagumpay sa dig-maan, si Jepte na lider ng Israel ay sinalubongng kaniyang anak na babae na “may pagtugtogng tamburin at pagsasayaw.” Ipinagdiwang dinng mga babae ang tagumpay ni David na “mayawit at mga sayaw” at “may mga tamburin.”—Hukom 11:34; 1 Samuel 18:6, 7.

Nang dalhin ni Haring David sa Jerusalemang kaban ng tipan, ang taong-bayan ay “[nag-diwang] sa harap ni Jehova taglay ang lahat nguri ng mga panugtog na yari sa tablang ene-bro at may mga alpa at mga panugtog na de-kuwerdas at mga tamburin at mga sistro at mgasimbalo.” (2 Samuel 6:5) Nang maglaon, angtemplo sa Jerusalem ay nagkaroon ng sarilingorkestra, na kinabibilangan ng bihasang mgamanunugtog ng simbalo, trumpeta, alpa, at ibapang mga panugtog na de-kuwerdas.

Ngayong may ideya na tayo tungkol sa hitsu-ra ng tamburin, ano naman ang sistro? Paraitong rattle na may maliit na biluhabang ba-langkas na metal at may hawakan. Lumilikhaito ng matinis at kumakalansing na tunog ka-pag inaalog. Minsan lang binanggit ng Bibli-

Ang mga Panugtogsa Sinaunang Israel

Page 15: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

ya ang sistro—noong dalhin sa Jerusalem angkaban ng tipan. Pero ayon sa tradisyong Judio,tinutugtog din ang sistro sa panahon ng kalung-kutan.

Kumusta naman ang sinaunang mga simba-lo? Baka isipin mo na ang mga ito’y malalakingdisk na metal na pinupompiyang. Pero maymga simbalo sa Israel na mga sampung senti-metro lang ang diyametro, kahawig ng mga cas-tanet, at nakalilikha ng kumakalansing na tu-nog.Mga Alpa at mga Panugtog na De-kuwerdas

Ang kinnor, na madalas tukuyin bilang“alpa” o “lira,” ay pangkaraniwan sa sinaunangIsrael. Tinugtog ito ni David para magdulot ngkaginhawahan kay Haring Saul. (1 Samuel 16:16, 23) Di-bababa sa 30 hitsura ng lira ang na-tipon ng mga iskolar mula sa mga paglalara-wan sa sinaunang mga batong dingding, barya,moseyk, plake, at mga pantatak. Nagbagu-bagoang anyo ng lira sa paglipas ng panahon. Kina-karga ito ng manunugtog sa kaniyang bisig atkinakalabit ang mga kuwerdas nito gamit angkaniyang mga daliri o isang pick.

Ang nebel ay kahawig ng kinnor. Di-matiyakkung ilan ang kuwerdas nito, kung gaano ito ka-laki, at kung paano ito tinutugtog. Pero ipinapa-lagay ng maraming iskolar na ang nebel at angkinnor ay parehong nabibitbit ng manunugtog.

Mga Trumpeta at Tambuli

Inutusan ng Diyos si Moises na gumawa ngdalawang trumpeta. Ang mga ito ay yari sa

Ang sistro ayinaalog naparang rattle

Bihasa siHaring Davidsa pagtugtogng alpa

Ginagamit na angtamburin noongpanahon ng mgapatriyarka

Ginagamit ang trumpetapara ipatalastas angmaraming pangyayari

Page 16: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

16 Gumising! Marso 2011

pinukpok na pilak. (Bilang 10:2) Ginamit itong mga saserdote para ipatalastas ang mgapangyayari sa templo at ang iba’t ibang kapista-han. Magkakaiba ang tunog na nililikha nitodepende sa layunin, kasama na rito ang isangmalakas at tuluy-tuloy na tunog o isa na masmaikli. Hindi pa rin alam ang eksaktong hit-sura ng mga trumpetang ito yamang wala na-mang nakuhang trumpeta mula sa panahon ngBibliya. Mga interpretasyon lang ng mga da-lubsining ang taglay natin, gaya ng paglalara-wang nakaukit sa bahorelyebe sa Arko ni Titosa Roma.

Ang tambuli, o shofar, ay mahigit 70 ulit nabinanggit sa Hebreong Kasulatan. Gawa ito sasungay ng kambing o ng barakong tupa. Ayonsa mga reperensiyang Judio, may dalawang uring tambuli—ang isa ay tuwid na may gintongbokilya at ang isa naman ay pakurba na maypalamuting pilak. Madalas gamitin ang tambu-li bilang instrumentong panghudyat dahil na-kalilikha ito ng malagong na tunog na may da-lawa o tatlong tono at malayo ang nararating.

Sa sinaunang Israel, ginamit ang tambuliupang ihudyat ang ilang relihiyosong mga kaga-napan, gaya ng pasimula at pagtatapos ng Sab-bath. Pero ginamit din ito sa ibang paraan—ha-limbawa, sa panahon ng digmaan. Isip-isipinna lang ang dagundong ng 300 tambuli ng huk-bo ni Gideon bago nila sorpresang sinalakay sagabi ang mga Midianita.—Hukom 7:15-22.

Iba Pang mga Panugtog

Ginamit din noong panahon ng Bibliya angmga panugtog na gaya ng kampanilya, plawta,at laud. Binanggit ng propeta ni Jehova na siDaniel, na ipinatapon sa sinaunang Babilonya,na may orkestra si Haring Nabucodonosor atkabilang doon ang sitara, pipa, at gaita.—Da-niel 3:5, 7.

Ang ilang panugtog na ito na binanggit saKasulatan ay patunay na ang musika ay bahaging pang-araw-araw na buhay ng sinaunang Isra-el, at malamang na pati ng iba pang sibilisa-syon noon. Ang musika ng mga ito ay narinigsa maharlikang korte at sa mga lugar ng pag-samba, pati na rin sa mga nayon at tahanan.

Pigurin ng babaingmay panugtogna pinupukpok,ikawalong siglo B.C.E.

Isang barya namay instrumentongde-kuwerdas,ikalawang siglo C.E.

Nakaukit sa batong itona mula sa bakuran ngtemplo sa Jerusalem angmga salitang “sa dakona pinaghihipan ngtrumpeta,” unangsiglo B.C.E.

Potte

ryfigu

rine:Z.R

ad

ova

n/B

PL/Leb

rech

t;coin

:�

20

07

by

David

Hen

din

.A

llrig

hts

reserve

d;

tem

ple

sto

ne:P

hoto

gra

ph

�Is

raelM

useu

m,Je

rusale

m;cou

rtesy

of

Isra

elA

ntiq

uitie

sA

uth

ority

Page 17: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

NOONG ikaapat na siglo B.C.E., pinatanyagng isang kabataang taga-Macedonia ang

Gresya� sa buong mundo. Dahil sa kaniya,ang Gresya ay naging ikalimang kapangyarihangpandaigdig sa ulat ng Bibliya, kasunod ng mgaimperyo ng Ehipto, Asirya, Babilonya, at Medo-Persia. Ang kabataang ito ay si Alejandro, na na-kilala nang maglaon bilang Alejandrong Dakila.

Pagkamatay niya, nahati-hati at humina angkaniyang imperyo. Bagaman nagwakas na angimperyo ng Gresya, nanatiling buhay ang implu-wensiya ng kultura, wika, relihiyon, at pilosopi-ya nito.

Tumpak na Ulat ng Kasaysayan

Hindi binanggit ng Bibliya kung may aktibongpropeta ng Diyos noong kasagsagan ng kapang-yarihan ng Gresya. Wala ring isinulat na kinasi-hang aklat ng Bibliya noon. Pero itinampok angGresya sa mga hula ng Bibliya. Madalas dingbanggitin ang impluwensiya ng Gresya sa Kristi-yanong Griegong Kasulatan, na karaniwang tina-tawag na Bagong Tipan. Sa katunayan, sa Isra-el mismo ay may sampung Helenistikong lunsodna tinatawag na Decapolis. Ito ay mula sa sali-

� Ang Gresya sa artikulong ito ay tumutukoy sa sinaunang Gre-sya bago ang unang siglo at walang anumang kaugnayan sa mgateritoryo ng Gresya sa ngayon.

tang Griego na nangangahulugang “sampunglunsod.” (Mateo 4:25; Marcos 5:20; 7:31) Ilangbeses na binanggit sa Bibliya ang Decapolis, atpinatutunayan ng sekular na kasaysayan at ng ka-hanga-hangang mga labı ng mga dulaan, ampitea-tro, templo, at mga paliguan na umiral nga ito.

Madalas ding tukuyin ng Bibliya ang Grie-gong kultura at relihiyon, lalo na sa aklat ng

ISANG AKLAT NA MAPAGKAKATIWALAAN MO

Bahagi 5

Ulat ng Bibliya Tungkol sa GresyaIto ay ikalima sa isang serye ng pitong artikulo sa sunud-sunod na isyu ng “Gumising!” natumatalakay sa ulat ng Bibliya tungkol sa pitong kapangyarihang pandaigdig. Layunin nito naipakita na ang Bibliya ay nagmula sa Diyos at mapagkakatiwalaan at na ang mensahe nito ayisang pag-asa na matatapos na ang pagdurusang dulot ng malupit na pamamahala ng tao.

Top,ti

me

lin

e:E

gyp

tian

wall

relief

an

db

ust

of

Nero

:P

hoto

gra

ph

taken

by

cou

rtesy

of

the

Bri

tish

Mu

seu

m;P

ers

ian

wall

relief:

Mu

s´ ee

du

Lou

vre

,P

ari

s;b

ott

om

,b

ust

of

Ale

xan

der

the

Gre

at:

Mu

s´ ee

du

Lou

vre

,P

ari

s

Mga 200 taonang kaagahan,tinukoy na sa mgahula ng Bibliya siAlejandrong Dakila

17

Page 18: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

18 Gumising! Marso 2011

Mga Gawa na isinulat ng manggagamot na si Lu-cas. Narito ang ilang halimbawa:

Hinggil sa pagdalaw ni apostol Pablo sa Ate-nas noong 50 C.E., sinabi ng Bibliya na ang lun-sod ay “puno ng mga idolo.” (Gawa 17:16) Pina-tutunayan ng kasaysayan na ang Atenas at angmga karatig-pook nito ay puno ng relihiyosongmga idolo at dambana.

Sinasabi ng Gawa 17:21 na “ang lahat ng mgataga-Atenas at mga banyaga na nakikipamayandoon ay walang ibang pinaggugugulan ng kani-lang libreng panahon maliban sa pagsasabi nganumang bagay o sa pakikinig sa anumang ba-gay na bago.” Pinatutunayan ng mga akda ninaThucydides at Demosthenes na ang mga taga-Atenas ay mahilig makipag-usap at makipag-debate.

Espesipikong binanggit ng Bibliya na “naki-pag-usap [ang mga pilosopong Epicureo at Estoi-co kay Pablo] nang may pakikipagtalo,” at dinalapa nga nila siya sa Areopago para marinig pa angkaniyang mga sasabihin. (Gawa 17:18, 19) Naki-lala ang Atenas dahil sa dami ng pilosopo rito,kasama na ang mga Epicureo at Estoico.

Binanggit ni Pablo ang isang altar sa Atenasna doon ay nakasulat, “Sa Isang Di-kilalangDiyos.” (Gawa 17:23) Posibleng si Epimenidesna taga-Creta ang nagtayo ng mga altar para saisang di-kilalang diyos.

Sa kaniyang talumpati sa mga taga-Atenas, si-nipi ni Pablo ang mga salitang “sapagkat tayorin ay kaniyang mga supling.” Ayon sa kani-ya, ang mga salitang ito ay sinabi, hindi ng ii-sang makata, kundi ng “ilan sa mga makata sainyo.” (Gawa 17:28) Maliwanag na sina Aratusat Cleanthes ang mga makatang Griego na tinu-tukoy niya.

Kaya naman ganito ang naging konklusyonng isang iskolar: “Sa tingin ko, ang ulat tung-kol sa pagdalaw ni Pablo sa Atenas ay isinulatng isa na nakasaksi sa mga pangyayari.” Totoorin iyan sa paglalarawan ng Bibliya sa mga ka-ranasan ni Pablo sa Efeso na nasa Asia Minor.Noong unang siglo C.E., importante pa rin salunsod na ito ang paganong relihiyong Griego,partikular na ang pagsamba sa diyosang si Arte-mis.

Ang templo ni Artemis, isa sa seven wonders

GRESYA

EHIPTO

MEDIA

PERSIA

INDIA

IMPERYO NG GRESYA

May-katumpakang inihula ng Bibliya ang pananakop ni AlejandrongDakila at ang pagkakahati-hati ng kaniyang imperyo

Page 19: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 19

of the ancient world, ay ilang beses na binanggitsa aklat ng Mga Gawa. Halimbawa, sinasabi nitona ikinagalit ng panday-pilak na si Demetrioang ministeryo ni Pablo sa Efeso. Malakas angnegosyo ni Demetrio—ang paggawa ng mga pi-lak na dambana ni Artemis. “Ang Pablong ito,”ang sabi ng galıt na si Demetrio, “ay nakapang-hikayat ng isang malaking pulutong at ibinalingsila tungo sa ibang palagay, na sinasabing angmga ginawa ng mga kamay ay hindi mga diyos.”(Gawa 19:23-28) Pagkatapos, sinulsulan ni De-metrio ang galıt na mga mang-uumog kaya si-la’y sumigaw: “Dakila si Artemis ng mga taga-Efeso!”

Sa ngayon, maaari mong pasyalan ang mgaguho ng Efeso at ng templo ni Artemis. Pina-tutunayan din ng sinaunang mga inskripsiyonmula sa Efeso na iginawa ng idolo ang diyosangsi Artemis at na nagkaroon ng samahan ng mgapanday-pilak sa lunsod na iyon.

Maaasahang mga Hula

Mga 200 taon bago ang panahon ni Alejan-drong Dakila, ganito ang isinulat ni Daniel, pro-peta ng Diyos na Jehova, tungkol sa pamumunosa daigdig: “Narito! may isang lalaking kambing

na dumarating mula sa lubugan ng araw patungosa ibabaw ng buong lupa, at hindi ito sumasayadsa lupa. At kung tungkol sa kambing na lalaki,may isang sungay na kapansin-pansin sa pagitanng mga mata nito. At patuloy itong pumaroonhanggang sa barakong tupa na may dalawang su-ngay, . . . at tinakbo niya ito sa kaniyang ma-tinding pagngangalit. At . . . kaniyang pinabag-sak ang barakong tupa at binali ang dalawangsungay nito, at walang kapangyarihan ang bara-kong tupa upang makatayo sa harap niya. Kayainihagis niya ito sa lupa at niyurakan . . . At anglalaking kambing, sa ganang kaniya, ay lubhangnagpalalo sa kasukdulan; ngunit nang lumakasito, ang malaking sungay ay nabali, at may apatna kapansin-pansing tumubo na kahalili nito, tu-ngo sa apat na hangin ng langit.”—Daniel 8:5-8.

Kanino tumutukoy ang mga salitang ito? Su-magot mismo si Daniel: “Ang barakong tupa naiyong nakita na may dalawang sungay ay kuma-katawan sa mga hari ng Media at Persia. At angmabalahibong kambing na lalaki ay kumakata-wan sa hari ng Gresya; at kung tungkol sa mala-king sungay na nasa pagitan ng mga mata nito,iyon ay kumakatawan sa unang hari.”—Daniel 8:20-22.

Akalain mo! Namamahala pa ang Babilonya,inihula na ng Bibliya na susundan ito ng Medo-Persia at ng Gresya. At gaya ng nabanggit na, es-pesipikong sinabi ng Bibliya na kapag “lumakasito, ang malaking sungay”—si Alejandro—ay ‘ma-babali’ at hahalinhan ng apat na iba pa. Sinabirin ng ulat na hindi niya inapo ang mga hahalilisa kaniya.—Daniel 11:4.

Detalyadong natupad ang hulang iyan. Na-ging hari si Alejandro noong 336 B.C.E., at saloob lang ng pitong taon ay tinalo niya ang ma-kapangyarihang si Haring Dario III ng Persia.Pagkatapos, pinalawak ni Alejandro ang kani-yang imperyo hanggang sa siya’y mamatay nangdi-inaasahan noong 323 B.C.E., sa edad na 32.Hindi siya hinalinhan ng iisang indibiduwal bi-lang hari, ni hinalinhan man siya ng kaniyanginapo. Sa halip, ang apat niyang pangunahingheneral—sina Lysimachus, Cassander, Seleucus,at Ptolemy—“ang nagproklama sa kanilang sarilibilang mga hari” at namahala sa imperyo, ayonsa aklat na The Hellenistic Age.

Estatuwa ng diyosangsi Artemis ng Efeso

Altar para sadi-kilalang diyos

Page 20: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

20 Gumising! Marso 2011

Natupad din kay Alejandro ang ibang hulang Bibliya noong pinalalawak niya ang kaniyangimperyo. Halimbawa, inihula ng mga propetangsina Ezekiel (ikapitong siglo B.C.E.) at Zacarias(ikaanim na siglo B.C.E.) ang pagkawasak nglunsod ng Tiro. (Ezekiel 26:3-5, 12; 27:32-36; Za-carias 9:3, 4) Isinulat pa nga ni Ezekiel na angmga bato at alabok ng Tiro ay ilalagay “sa gitnamismo ng tubig.” Nagkatotoo ba iyan?

Pansinin kung ano ang ginawa ng mga kawalni Alejandro nang kubkubin nila ang Tiro noong332 B.C.E. Kinayod nila ang mga guho ng da-ting lunsod ng Tiro na nasa kontinente, at ini-hagis iyon sa dagat para makagawa ng daananpatungo sa pulong lunsod ng Tiro. Nagtagum-pay ang estratehiyang ito at bumagsak ang Tiro.“Ang mga hula laban sa Tiro ay natupad hang-gang sa kaliit-liitang detalye,” ang sabi ng isangmanggagalugad sa lugar na iyon noong ika-19 nasiglo.�

Pangakong Tiyak na Matutupad

Hindi nagdulot ng kapayapaan at katiwasa-yan sa daigdig ang pananakop ni Alejandro. Ma-tapos pag-aralan ang pamamahala ng sinaunangGresya, sinabi ng isang iskolar: “Walang gaa-nong ipinagbago ang kalagayan sa buhay ng ka-raniwang mga tao.” Paulit-ulit itong nangyayarisa buong kasaysayan. Patunay ito sa sinabi ng Bi-

� Gaya ng inihula ni Ezekiel, si Haring Nabucodorosor ng Ba-bilonya ang unang lumupig sa Tiro. (Ezekiel 26:7) Pagkatapos,muling itinayo ang lunsod. Ito naman ang winasak ni Alejandro,anupat tinupad ang bawat detalyeng inihula ng mga propeta.

bliya na “ang tao ay nanunupil sa tao sa kani-yang ikapipinsala.”—Eclesiastes 8:9.

Gayunman, malapit nang magwakas ang ma-sasamang pamamahala ng tao. Nagtatag angDiyos ng isang gobyerno na lubhang nakahihigitsa mga ito. Tinatawag itong Kaharian ng Diyosat hahalinhan nito ang lahat ng pamamahala ngtao. Magkakaroon ng tunay at namamalagingkapayapaan at katiwasayan ang mga sakop nito.—Isaias 25:6; 65:21, 22; Daniel 2:35, 44; Apoca-lipsis 11:15.

Si Jesu-Kristo ang Hari ng Kaharian ngDiyos. Di-tulad ng mga tagapamahalang sakimsa kapangyarihan at walang malasakit, si Jesusay pinakikilos ng pag-ibig sa Diyos at sa mga tao.Ganito ang inihula ng salmista tungkol sa kani-ya: “Ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tu-long, gayundin ang napipighati at ang sinumangwalang katulong. Maaawa siya sa maralita at sadukha, at ang mga kaluluwa ng mga dukha ay ili-ligtas niya. Tutubusin niya ang kanilang kalulu-wa mula sa paniniil at mula sa karahasan.”—Awit72:12-14.

Gusto mo ba ng ganiyang Tagapamahala?Kung oo, tiyak na magiging interesado ka saikaanim na kapangyarihang pandaigdig sa ulatng Bibliya—ang Roma. Noong namamahala ito,isinilang ang inihulang Tagapagligtas na nag-karoon ng napakahalagang papel sa kasaysa-yan. Pakisuyong basahin ang ikaanim na arti-kulo ng seryeng ito sa susunod na isyu ngGumising!

TIRODaanan niAlejandro

KO

NTIN

EN

T E

Paglapad ngdaanan sapaglipas ngmga taon

MAKABAGONG TIROmga 1/2 kilometro

400 metro

Tinupad ni Alejandro ang hula ng Bibliya nang kayurin nila ang mga guho ng datinglunsod ng Tiro na nasa kontinente para maging daanan patungo sa pulong lunsod

Page 21: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 21

ISINILANG ako noong 1972. Ang amingmalaking pamilya ay mula sa nayon ng

Chyrpykty, sa baybayin ng magandangLake Issyk Kul. Ang lugar sa palibot ng lawa aykilalang pasyalan ng mga turistang nagpupuntasa Kyrgyzstan, na dati’y isang republika ng Un-yong Sobyet. Sa ngayon, kami ng asawa kong siGulmira ay nakatira sa Bishkek, ang kabiserang Kyrgyzstan, mga 200 kilometro mula sa lu-gar na kinalakhan ko.

Ang Pastol at ang mga Tupa

Noong bata pa ako, dinadala namin ang mgatupa sa matataas na bundok tuwing tagsibol.Mahigit 3,000 metro ang inaakyat namin nangilang araw. Pinipili ng ilang pastol ang mas ma-ikling ruta, kaya mas mabilis silang nakakara-ting doon. Pero malapit iyon sa mga bangin,kaya naman ang mga tupa na naliligaw ay nasu-sugatan, at ang iba ay namamatay pa nga.

Marami ring lobo roon na nananakot o su-masalakay sa mga tupa. Inihihiwalay nila angmga tupa sa kawan at pinapatay ang mga ito.Kaya pinili ni Tiyo ang ruta na mas madaliat mas ligtas, bagaman mas matagal ito nang

mga isang araw o higit pa. Kung minsan, gustokong magmadali, pero sinasabihan ako ni Tiyo,“Alymbek, isipin mo ang mga tupa, huwag angsarili mo.”

Sa itaas ng bundok, gumagawa kami ng pan-samantalang mga kural bilang proteksiyon ngmga tupa sa gabi. May mga pastol na tangha-li nang gumising kaya mataas na ang araw ka-pag nagsimulang manginain ang kanilang mgatupa.

Mayamaya lang, magsisiksikan na ang mgatupa, nakayuko at hirap na hirap huminga. Da-hil hindi sila nakakaing mabuti, nanghihinasila at namamayat. Pero gisıng na si Tiyo bagomagbukang-liwayway—mga alas kuwatro ngumaga. Kaya bago pa sumikat ang araw, dina-dala na niya ang kaniyang mga alagang tupa samagandang pastulan. Doon, nanginginain angmga tupa sa nakarerepreskong simoy ng ha-ngin. Gaya nga ng madalas sabihin ng mga tao,“Makikita mo sa tupa kung mahusay ang kani-lang pastol.”

Matapos manginain, magandang panahonito para inspeksiyunin at gamutin ang mga tupa

Nagagalak naMaging Isang Pastol

AYON SA SALAYSAY NI ALYMBEK BEKMANOV

Sa edad na tatlo, nagsimula na akong mag-alaga

ng mga tupa at nagustuhan ko ito. Pagsapit ng

edad na 17, isa na akong makaranasang pastol.

Nang maglaon, natutuhan ko ang tungkol sa isa

pang uri ng pastol, ang pagiging isang espirituwal

na pastol. Hayaan ninyong ikuwento ko kung paano

ako naging mas maligaya dahil sa gawaing ito.

Page 22: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

habang sila’y nagpapahinga. Malaking proble-ma ang mga langaw na nangingitlog sa pusodng tupa. Namumula ang pusod at namamaga.Kapag hindi ito naagapan, nagiging makirot itokung kaya ang tupa ay puwedeng lumaboy atmamatay. Dahil dito, halos araw-araw naminsilang iniinspeksiyon para gamutin. Bagamanmatrabaho ito, natutuwa kami dahil nagigingmalusog at masaya ang mga tupa.

Gabi-gabi pag-uwi namin sa kural, binibilangnamin ang mga tupa. Pumapasok sila sa isangmakitid na pintuan—kung minsan ay sabay-sabay ang tatlo o apat. Daan-daan ang tupa na-min, pero sanay na kami at kaya naming bila-ngin ang hanggang 800 tupa sa loob lang ng15 o 20 minuto. Mahirap iyan pero nagawa na-min!

Kapag may nawawalang tupa, kumukuha siTiyo ng baril at baston para hanapin ang isangiyon—kahit pa maulan at madilim. Tinatawagniya ang tupa sa malakas na tinig. Naitataboynito ang mababangis na hayop. At kapag na-rinig ng tupa ang kaniyang tinig, maiisip-isipmong naramdaman ng tupa na ligtas na ito.

Binibigyan namin ng pangalan ang bawattupa, depende sa kanilang hitsura o ugali. Sabawat kawan, tila laging may matigas ang ulo.Sa di-malamang dahilan, basta ayaw nilang su-munod sa pastol. Kung minsan, ginagaya ngiba ang pasaway na tupa. Kaya sinisikap ng pas-tol na sanayin at disiplinahin ang matigas angulo. Halimbawa, iiwan niya itong mag-isa sa ku-ral. Sa kalaunan, ang ilang tupa ay nagtatandaat sumusunod na sa utos ng pastol. Ang mgatupa na ayaw magbago ay ginagawa naming ha-punan.

Naiibang Uri ng Pastol

Noong 1989, nag-aral ako ng martial arts atnaging mahusay rito. Nang sumunod na taon,sapilitan akong pinaglingkod sa hukbong So-byet. Habang naglilingkod sa Russia, ang mgakasamahan ko sa martial arts ay bumuo ng sin-dikato. Pagbalik ko sa Kyrgyzstan, sinabi nilana kung sasali ako sa kanila, makukuha ko anglahat ng gusto ko. Pero nang panahong iyon,nakilala ko ang mga Saksi ni Jehova.

Sinagot ng mga Saksi ang mga tanong nanaglalaro sa isip ko mula pa sa aking pagkaba-ta, gaya ng Bakit namamatay ang tao? Sa tu-long nila, naunawaan ko na ang kamatayan ayresulta ng kasalanan ng unang taong si Adan.(Roma 5:12) Natutuhan ko rin mula sa Bibliyana isinugo ng tunay na Diyos na si Jehova angkaniyang Anak na si Jesus bilang Manunubosnatin, at kung mananampalataya tayo kay Jeho-va at sa kaniyang Anak, puwede tayong matu-bos mula sa ating minanang kasalanan. Dahildito, maaari tayong mabuhay magpakailanmansa Paraiso sa lupa, gaya ng orihinal na layu-nin ng Diyos para sa mga tao.—Awit 37:11, 29;83:18; Juan 3:16, 36; 17:1-5; Apocalipsis 21:3, 4.

Napakalinaw at napakadaling maintindihanng mga sagot mula sa Kasulatan na ibinigay saakin ng mga Saksi kung kaya nasabi ko, “’Yanang tama!” Ayaw ko na rin sa dati kong mgakasamahan. Ilang beses nila akong kinumbinsina sumama uli sa kanila pero mas matindi angpagnanais kong mag-aral ng Bibliya at isagawaang mga natutuhan ko. Ito ang umakay sa akinsa pagiging isang espirituwal na pastol.

Nang panahong iyon, isang kilalang faithhealer sa aming lugar ang dumadalaw kay Na-nay. Isang araw pag-uwi ko, nagsagawa siya ngsesyon para makipag-ugnayan sa mga espiritu.Sinabi niya na mayroon akong espesyal na ka-loob, at pinapupunta niya ako sa moske paratumanggap ng isang anting-anting dahil matu-tulungan daw ako nito. Muntik na niya akongmapaniwala na magkakaroon nga ako ng ka-pangyarihang manggamot.

Kinabukasan, pumunta ako sa mga Saksingnagtuturo sa akin ng Bibliya at ikinuwento koang pagdalaw ng espiritista. Mula sa Bibliya,ipinakita nila sa akin na ayaw ni Jehova sa la-hat ng anyo ng espiritismo dahil konektado angmga ito sa masasamang espiritu. (Deuterono-mio 18:9-13) Ilang gabi akong hindi makatulogdahil sa mga demonyo. Tinuruan ako ng mgaSaksi kung paano mananalangin ayon sa kalo-oban ni Jehova, kaya hindi na ako binabangu-ngot. Kumbinsido ako na natagpuan ko na angtunay na Pastol, si Jehova.

22 Gumising! Marso 2011

Page 23: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 23

Natutuhan ko na si David, ang sumulat ngmaraming awit sa Bibliya, ay pastol din no-ong kabataan niya. Tinawag niya si Jehova na“aking Pastol,” at napahalagahan ko ang mgadamdamin niya kay Jehova. (Awit 23:1-6) Gus-to kong tularan ang Anak ni Jehova na si Jesus,na tinatawag na “pastol ng mga tupa.” (Hebreo13:20) Sinagisagan ko ang aking pag-aalay kayJehova sa pamamagitan ng bautismo sa tubigsa isang asamblea sa Bishkek noong 1993.

Isang Mahalagang Miting

Marami sa aking mga kamag-anak at kapit-bahay ang nagsimulang magtipon para mag-aral ng Bibliya. Mga 70 katao mula sa amingnayon ang nagtitipon malapit sa Lake IssykKul. Isang kamag-anak ko, na pinuno ng kon-seho sa aming nayon, ang interesadung-interesado. Sinabi niya na magsasaayos siyang isang malaking miting para maipaliwanagnamin ang aming bagong pananampalataya.Pero sinulsulan ng lokal na mga lider ng relihi-yon ang mga tagaroon para salansangin angaming pangangaral. Nagsabuwatan sila na ga-

mitin ang miting na ito para magalit sa aminang mga tao.

Nang dumating ang araw na iyon, mga isanglibo ang nagtipon, kasama ang mga tao mulasa tatlong kalapıt na nayon. May ilang Saksina naroroon, at isa sa kanila ang nagpaliwanagtungkol sa aming mga paniniwalang salig sa Bi-bliya. Pero wala pang limang minuto, may tu-mayo na at nagbangon ng mapanghamong mgatanong. Sumunod na rin ang mga bintang atbanta, kaya nagalit sa amin ang mga tao at gus-to nila kaming saktan.

Sa pagkakataong iyon, tumayo ang isa samga kuya ko, na kamakailan lang nag-aral ngBibliya, para ipagtanggol kami. Takot sa kani-ya ang lahat dahil mahusay siyang makipagla-ban. Pumagitna siya sa galıt na grupo ng mgatao at sa mga Saksi, at nakaalis kami nang wa-lang nangyayaring karahasan. Nang sumunodna mga taon, marami sa mga dumalo sa mitingna iyon ang naging Saksi. Sa mga 1,000 mama-mayan sa aming nayon, mahigit 50 na ang Sak-si ni Jehova.

Ang Anak na Dalaga ng Isang Pastol

Noong Agosto 1993, mga ilang buwan bagoang malaking kombensiyon ng mga Saksi ni Je-hova sa Moscow, Russia, nakilala ko si Gulmi-ra, isang Saksi na mula rin sa isang nayon saKyrgyzstan. Mga pastol din ang kaniyang pa-milya. Noong 1988, nang bawal pa ang gawain

Ang mga tupa namin habang nanginginain

Gabi-gabi, binibilang namin ang mga tupapara matiyak na walang nawawala

Page 24: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

24 Gumising! Marso 2011

ng mga Saksi sa Unyong Sobyet, nakipag-aralng Bibliya ang nanay ni Gulmira sa isang Sak-sing nagngangalang Aksamy. Noong deka-da ’70, si Aksamy ang unang Kirghiz na nagingSaksi ni Jehova sa lugar na iyon.

Sumali rin si Gulmira sa pakikipag-aral saBibliya ng kaniyang ina kay Aksamy. Noong1990, pareho silang naging bautisadong mgaSaksi. Naantig ang puso ni Gulmira, kaya di-nagtagal, pumasok siya sa buong-panahong mi-nisteryo bilang payunir.

Nang sumunod na dalawang taon, bihira kolang makita si Gulmira dahil mga 160 kilome-tro ang layo ng tirahan ko sa kanila. NoongMarso 1995, ipinasiya kong kilalanin siya nanghigit. Kaya isang araw, pumunta ako sa ka-niyang tinitirhan. Nagulat ako nang malamankong kinabukasan ay paalis na siya para mag-lingkod sa tanggapang pansangay sa Russia, namahigit 5,633 kilometro ang layo!

Samantala, naglingkod ako bilang buong-panahong ministro at nag-aral ng wikang Rusodahil wala pa kaming literatura ng mga Saksi sawikang Kirghiz. Tatlong taon kaming nagsula-tan ni Gulmira at nagkasundo kaming basahinang parehong mga talata sa Bibliya na matata-lakay namin sa aming mga liham. Naglingkoddin ako sa unang kongregasyon sa wikang Kir-ghiz, sa bayan ng Balikchi.Paglilingkod kay Jehova Kasama ni Gulmira

Noong 1998, nagbakasyon si Gulmira saKyrgyzstan, at nagpakasal kami. Inanyayahanakong maglingkod sa tanggapang pansangay saRussia kasama niya. Buti na lang at nagsimu-la na akong mag-aral ng wikang Ruso! Nangmaglaon, inatasan akong magtrabaho kasamang mga tagapagsalin ng literatura sa Bibliya sawikang Kirghiz. Nanalangin ako kay Jehova athumiling na magkaroon ako ng karunungan atmaging matiyaga. Siyempre pa, malaking tu-long ang katrabaho kong si Gulmira.

Noong 2004, ang aming pangkat ng mga ta-gapagsalin ay ipinadala sa Bishkek, kung saaninatasan akong maglingkod sa komiteng nanga-ngasiwa sa gawain ng mga Saksi ni Jehova saKyrgyzstan. Doon ay may pitong kongregasyon

sa wikang Kirghiz at mahigit 30 kongregasyonsa wikang Ruso. Sa ngayon, mayroon nang ma-higit 20 kongregasyon sa wikang Kirghiz at ma-raming grupong nagsasalita ng Kirghiz, na bu-mubuo sa mga 40 porsiyento ng 4,800 Saksi saKyrgyzstan.

Ipinasiya namin ni Gulmira na mag-aral ngIngles yamang makatutulong ito sa aming mi-nisteryo. Naging daan ito para anyayahan kamisa punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehovasa Estados Unidos noong 2008. Doon ay du-malo ako sa pantanging paaralan para sa mganangunguna sa gawaing pangangaral sa isangbansa.

Alam namin ni Gulmira na mas matutulu-ngan namin ngayon ang mga tao sa Kyrgyzstanna makilala ang Diyos. Ang mga pinagdaa-nan namin ay nakatulong sa aming maunawa-an na si Jehova ay talagang isang maibigingpastol. Personal kong naranasan ang sinasabing isang awit sa Bibliya: “Si Jehova ang akingPastol. Hindi ako kukulangin ng anuman. Samga madamong pastulan ay pinahihiga niyaako; sa tabi ng mga pahingahang-dako na natu-tubigang mainam ay pinapatnubayan niya ako.Ang aking kaluluwa ay kaniyang pinagiginha-wa. Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwi-ran alang-alang sa kaniyang pangalan.”—Awit23:1-3.

Kasama si Gulmira

Page 25: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

˘ Inilalagay ng babaing wood-boring wasp(isang uri ng putakti) ang mga itlog nito saloob ng mga pine tree. Ito ang naging inspi-rasyon ng mga siyentipiko para makagawang mas ligtas at epektibong mga surgicalprobe.

Pag-isipan ito: Binubutas ng putaktingito ang pine tree gamit ang isang ovipositor—isang tubo na tulad-karayom at may dala-wang balbula na parehong may mga ngipingnakapalabas. Ang mga ngipin ng isang bal-bula ay kumakagat sa kahoy, habang umaa-bante naman nang bahagya ang isa pangbalbula. Pagkatapos, ang mga ngipin na-man nito ang kakagat sa kahoy para maka-abante nang bahagya ang naunang balbula.Magsasalitan ang dalawang balbula sa pag-gawa nito hanggang sa makabutas nangmga 20 milimetro sa ubod ng kahoy nangwalang kahirap-hirap at hindi man lang na-babaluktot o nababali.

Ginaya ng mga siyentipiko ang ovipositorng putakting ito at nakagawa sila ng isangprototype ng neurosurgical probe. Ang sili-con needle nito ay may dalawang balbu-lang nagsasalitan at may napakaliliit na ngi-pin. Nakakapasok ito sa utak nang walanggaanong pinsala. Pero may iba pa itong ma-gagawa. “Di-tulad ng mga surgical probe sangayon, ang instrumentong ito ay malambotkaya makakapasok ito sa pinakaligtas naruta, at maiiwasan ang delikadong mga par-te, ang isang halimbawa ay kapag nag-oopera sa utak,” ang sabi ng magasing NewScientist. Hindi na rin kailangan ng napa-karaming hiwa para sa mga bahagi ng kata-wan na mahirap pasukin.

Ano sa palagay mo? Nagkataon langba ang ovipositor ng babaing wood-boringwasp? O may nagdisenyo nito?

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Ovipositorng

Wood-BoringWasp

Pagsasalitan ng mga balbula

Habang kumakagatsa kahoy ang isangbalbula, umaabantenaman ang isapang balbula

KahoyWasp: David R. Lance, USDA APHIS PPQ, Bugwood.org;diagram: J. F. V. Vincent and M. J. King, (1996). The mechanismof drilling by wood wasp ovipositors. Biomimetics, 3: 187-201

Page 26: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

26 Gumising! Marso 2011

NILAGYAN mo ba ng tsek ang alinman sa na-banggit? Kung gayon, pareho kayo ng dahi-

lan ng ibang mga kabataang naninigarilyo o gus-tong sumubok manigarilyo.� Halimbawa:

� Bagaman ang artikulong ito ay para sa mga naninigarilyo, ka-pit din sa mga ngumunguya ng tabako ang mga problema at pa-nganib na tinatalakay rito.

Pagiging curious. “Curious lang ako kaya ki-nuha ko yung inaalok sa ’kin ng kaeskuwela ko.Saka ako nagtago at nag-yosi.”—Tracy.

Gamot sa stress at para tanggapin ng iba.

“Sinasabi ng mga kaeskuwela ko, ‘Kailangankong mag-yosi.’ Saka nila sasabihin, ‘Hay sala-mat! Kaya ko na ’to!’ Gusto ko ring gawin ’yankapag stressed ako.”—Nikki.

Para pumayat. “Naninigarilyo ang ibang girlspara huwag tumaba—mas madali yun kaysa mag-diet!”—Samantha.

Pero bago ka manigarilyo, mag-isip muna.Huwag kang parang isda na basta na lang kaka-gat sa pain. Totoo, may makukuhang pagkainang isda, pero buhay naman nito ang kapalit!Sa halip, sundin ang payo ng Bibliya, at gamitinang iyong “malinaw na kakayahan sa pag-iisip.”(2 Pedro 3:1) Sagutin ang sumusunod.

Ano ba Talaga ang AlamMo sa Paninigarilyo?

Sagutin ng tama o mali.a. ���� Nakakabawas ng stress ang paninigarilyo.

b. ���� Maibubuga ko naman ang halos lahat ngusok.

c. ���� Wala pang epekto ang paninigarilyo sa ka-lusugan ko ngayon.

d. ���� Mas magugustuhan ako ng di-kaseksokung maninigarilyo ako.

e. ���� Ako lang ang maaapektuhan kung manini-garilyo ako.

f. ���� Ayos lang sa Diyos kung manigarilyo ako.

Mga Sagot

a. Nakakabawas ng stress ang paninigarilyo.—Mali. Bagaman naiibsan ng paninigarilyo angstress na dulot ng mga withdrawal symptom, na-tuklasan ng mga siyentipiko na ang nikotina aynagpapataas ng level ng stress hormone.

ANG MGAKABATAAN AYNAGTATANONG

Ano ba ang dapatkong malaman tungkolsa paninigarilyo?

Lagyan ng I ang dahilan kung bakit

gusto mong manigarilyo.

Q Curious lang ako

Q Dahil sa stress

Q Gusto kong tanggapin ako ng iba

Q Gusto kong pumayat

Page 27: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Gumising! Marso 2011 27

b. Maibubuga ko naman ang halos lahat ngusok.—Mali. Ipinakikita ng ilang pag-aaral namahigit 80 porsiyento ng sangkap ng usok ng si-garilyo na nalalanghap mo ay naiiwan sa iyongkatawan.

c. Wala pang epekto ang paninigarilyo sa kalu-sugan ko ngayon.—Mali. Sa bawat sigarilyong hi-nihithit mo, tumataas ang tsansa na magkasakitka pagtanda mo. Pero kahit ngayon pa lang, maymararamdaman ka nang mga epekto. Ang ilanay naaadik na pagkatapos lang humitit ng isangstick. Hihina ang baga mo at malamang na lagikang uubuhin. Mas mabilis na kukulubot ang ba-lat mo. Nanganganib ka ring magkaroon ng sexu-al dysfunction, panic attack, at depresyon.

d. Mas magugustuhan ako ng di-kasekso kungmaninigarilyo ako.—Mali. Ayon sa mananaliksikna si Lloyd Johnston, ang mga tin-edyer na na-ninigarilyo ay “di-gaanong nagugustuhan ng ka-ramihan sa kanilang di-kasekso.”

e. Ako lang ang maaapektuhan kung mani-nigarilyo ako.—Mali. Libu-libo ang namamataytaun-taon dahil nakalalanghap sila ng usok ng si-garilyo ng iba. Makapipinsala ito sa iyong kapa-milya, kaibigan, at pati sa iyong mga alagang ha-yop.

f. Ayos lang sa Diyos kung manigarilyo ako.—Mali. Kung gusto mong tanggapin ka ng Diyos,dapat kang maging malinis mula sa “bawat karu-ngisan ng laman.” (2 Corinto 7:1) Talagang pi-narurumi ng paninigarilyo ang katawan. Kungpipiliin mo pa ring manigarilyo, pipinsalain moang iyong sarili at ang iba, kaya hindi ka puwe-deng maging kaibigan ng Diyos.—Mateo 22:39;Galacia 5:19-21.

Kung Paano Makaiiwas

Ano ang gagawin mo kung may mag-alok saiyo ng sigarilyo? Karaniwan na, epektibo angisang simple at direktang sagot, gaya ng “Sala-mat, pero hindi ako naninigarilyo.” Pero paanokung mapilit ang nag-aalok sa iyo, o baka kanti-yawan ka pa nga? Tandaan na ikaw ang dapatmagdesisyon sa bagay na iyan. Puwede mong sa-bihin:

˘ “Ayoko, kasi masama ’yan sa kalusugan.”˘ “Marami pa akong gustong gawin sa bu-

hay.”

Pero gaya ng mga kabataang sinipi sa simu-la ng artikulong ito, baka ang pinakamatindingpressure ay galing sa sarili mo. Kung gayon, ta-nungin ang sarili:

˘ Talaga bang makabubuti sa akin ang pani-nigarilyo? Halimbawa, kung maninigarilyo langako para tanggapin ng iba, tatanggapin ba nilaako kahit iyon lang ang pagkakatulad namin?Gusto ko bang tanggapin ako ng mga taong natu-tuwa kahit pinipinsala ko ang aking kalusugan?

˘ Ano ang magiging epekto ng paninigaril-yo sa akin sa pinansiyal? sa aking kalusugan? sapaggalang ng iba sa akin?

˘ Handa ko bang ipagpalit sa isang stick ngsigarilyo ang pakikipagkaibigan ko sa Diyos?

Pero paano kung bisyo mo na ito? Ano anggagawin mo?

ANG SINASABI NG IBANG KABATAAN

“Kung may magtata-nong sa ’kin kung bakithindi ako naninigarilyo,sasabihin ko, ‘Kasi ayawkong dumhan ang bagako at gusto ko pangmabuhay nang mata-gal.’

“Kapag may nag-aloksa ’kin ng sigarilyo, sasa-bihin ko, ‘Ayoko.’ Kungpilitin nila ako, ito na-man ang sasabihin ko,‘Pinagkakaitan mo baako ng karapatan kongmagdesisyon?’

Benjamin

Heather

Page 28: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

28 Gumising! Marso 2011

Kung Paano Hihinto

1. Kumbinsihin ang iyong sarili. Ilista angmga dahilan kung bakit gusto mong huminto, atlagi itong tingnan. Maaaring isa rito ang kagus-tuhan mong maging malinis sa harap ng Diyos.Makatutulong ito sa iyo nang malaki.—Roma

12:1; Efeso 4:17-19.2. Humingi ng tulong.

Kung itinatago mo angiyong paninigarilyo sa mgamahal mo sa buhay, pana-hon na para ipagtapat ito.Sabihin sa kanila na gustomo nang huminto at kaila-ngan mo ang kanilang su-porta. Kung gusto mongmaglingkod sa Diyos, hi-ngin ang kaniyang tulongsa panalangin.—1 Juan5:14.

3. Magtakda ng petsa

kung kailan ka hihinto.

Bigyan ng mga dalawang-linggong palugit ang iyongsarili at markahan sa ka-lendaryo ang petsang napi-

li mo. Sabihin sa iyong mga kapamilya at kaibi-gan na hihinto ka nang manigarilyo sa araw naiyon.

4. Itapon ang lahat ng sigarilyo. Bago du-mating ang petsa ng paghinto mo, halughuginang iyong kuwarto, kotse, at mga gamit kungmayroon ka pang sigarilyo. Itapon ang mga ito,pati na ang mga lighter, posporo, at mga ashtray.

5. Labanan ang mga withdrawal symptom.

Uminom ng maraming fruit juice o tubig, at ma-tulog nang mahaba. Tandaan na pansamantalalang ang hirap, pero permanente ang mga paki-nabang!

6. Umiwas sa tukso. Iwasan ang mga lugarat sitwasyong makatutukso sa iyong manigaril-yo. Baka kailangan mo ring layuan ang mga ka-samahan mong naninigarilyo.—Kawikaan 13:20.

7. Huwag magdahilan. Huwag lokohin angsarili mo sa pagsasabing, “Isang hithit lang.” Da-hil sa ganitong pangangatuwiran, marami angbumalik sa dating bisyo.—Jeremias 17:9.

Huwag Magpadaya

Taun-taon, bilyun-bilyong dolyar ang ginagas-tos ng mga kompanya ng tabako sa advertising.Tiyak na alam nilang maraming kabataan angkakagat sa kanilang pain at magiging bisyo ito sahinaharap.

Huwag payamanin ang mga kompanya ng ta-bako. Huwag kumagat sa kanilang pain. Angmga kompanya ng tabako ni ang mga kasama-han mong naninigarilyo ay hindi interesado sakapakanan mo. Sa halip na makinig sa kanila,pakinggan ang payo ng Bibliya “upang makina-bang ka.”—Isaias 48:17.

TANUNGIN ANGMGA MAGULANG MO

Mas madaling harapin ang panggigipit ngiyong mga kasama kung handa ka. Tanunginang mga magulang mo kung ano ang dapatgawin kapag may nag-alok sa iyo ng sigaril-yo. Praktisin ninyo ang sasabihin mo. Kunwa-ri ang magulang mo ang kaibigan mong na-mimilit sa iyo na manigarilyo. Mungkahi:Para magkaideya kung paano sasagot, ting-nan ang “Plano Ko Laban sa Panggigipit” saaklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2, pahi-na 132 at 133.

˘ ALAM MO BA?

Ang smokeless to-bacco, gaya ng ta-bakong nginunguya,ay mas maramingnaipapasok na ni-kotina sa katawankumpara sa sigaril-yo. Mayroon paitong 25 sangkapna nakakakanser.Kaya mas mala-mang na magkaro-on ng kanser sa la-lamunan at bibigang gumagamitnito.

Mas marami pang artikulo mula sa seryeng“Young People Ask” ang mababasa sa Web site nawww.watchtower.org/ype

Gaya ng isda na bastana lang kumakagat sapain, ang naninigarilyoay nasisiyahan peronapakalaki ngkapalit nito

Page 29: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Pagguho ng Tiwalasa Simbahan

“Wala nang tiwala ang karamihan ng mga taosa Simbahan [ng Katoliko],” ang sabi ng ulo ngbalita sa The Irish Times. Ayon sa ulat, ang Sim-bahang Katoliko ay kapareho ng ibang institu-syon—ang gobyerno at bangko—na hindi na pi-nagtitiwalaan ng mga taga-Ireland. Sa bansangkilalang-kilala sa katapatan nito sa simbahan,mahigit sa kalahati ng ininterbyu sa isang sur-bey kamakailan ang nagsabi na “walang-wala”silang tiwala sa simbahan (32 porsiyento) o ‘hin-di sila gaanong’ tiwala sa simbahan (21 porsi-yento). Isinisisi sa mga iskandalong yumanig sasimbahan ang “pagguho” ng tiwala ng mga taorito.

Tap´

os sa Kolehiyo PeroWalang Trabaho

Garantiya ba ng trabaho ang pagtatapos sakolehiyo? Ayon sa Manila Bulletin, hindi ito to-too para sa marami. Sinipi nito ang sinabi ngalkalde ng Quezon City na si Herbert Bautis-ta: “Taun-taon, milyun-milyon ang nagtatapos saaming mga kolehiyo at unibersidad, pero walangtrabaho dahil hindi bagay ang kanilang kurso samaaaplayang mga trabaho.” Marami ang nagi-ging mga crew sa fast food o mga clerk. Hinihi-

mok ng gobyerno ang mga nagtatapos sa haiskulna kumuha ng maiikling teknikal o praktikal nakurso na mas madaling hanapan ng trabaho.

Kinakalawang na TulayDahil sa Dura

Sa Calcutta, India, ang Howrah Bridge namay habang 457 metro ay nanganganib masiradahil sa pagdura ng mga dumaraan dito. Bakit?Ang gutkha—popular na pinaghalu-halong da-hon ng betel, areca nut, at apog, na nginungu-ya at idinudura ng marami—ay napakabilis ma-kakalawang. Ayon sa pahayagang The Telegraphsa Calcutta, “ang naipong dura ng mga biyaheroay nagpapanipis sa bakal na nakabalot sa mgahaligi [ng tulay], mula anim na milimetro ay na-ging tatlo na lang simula noong 2007.” Mga 500,-000 tao at 100,000 sasakyan ang dumaraan ditoaraw-araw.

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Unang divorce fair sa Italya. Ang mgabisita ay komunsulta sa mga marriage agencypara sa bagong partner, mga travel agencypara sa bakasyon ng mga single, at mga di-vorce-planning agency para sa mga abogado,accountant, psychologist, at mga tagapamagi-tan sa pamilya.—CORRIERE DELLA SERA, ITALYA.

Ang “kawalan ng kredibilidad” ng Sim-bahang Katoliko dahil sa “maling pagharap sakrisis sa pang-aabuso sa sekso ng mga klero”ay humantong sa “pinakamalalang krisis ngsimbahan sa nakalipas na mga siglo, mala-mang na sa buong kasaysayan pa nga ng sim-bahan.”—NATIONAL CATHOLIC REPORTER, E.U.A.

Matapos pagsunud-sunurin ang DNA mulasa nagyelong buhok ng isang taga-Greenlandna namatay mga 4,000 taon na ang nakalili-pas, natuklasang siya ay “tila nagmula saSiberia.”—REUTERS NEWS SERVICE, E.U.A.

Page 30: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

REPASO PARA SA PAMILYA

Ano ang Pagkakaibang mga Larawan?Alam mo ba kung ano angtatlong pagkakaiba ng larawan Aat B? Isulat sa ibaba ang iyongmga sagot. Kulayan ang mga la-rawan. CLUE: Basahin ang Exodo28:9-12, 33, 36, 37.

A. B.

1 ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

2 ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

3 ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

4. Aling larawan ang tama, angnasa kanan o nasa kaliwa?

˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

˘ Nasa pahina 7 ang mga sagot samga tanong sa pahina 30 at 31

PARA SA TALAKAYAN: Anoang ibig sabihin ng salitang “ba-nal”? Bakit mahalagang magingbanal ang mga mananamba niJehova? Paano mo maipakikitana sinisikap mong maging banal?CLUE: Basahin ang 2 Corinto 7:1.

PARA SA PAMILYA: Atasan ang bawat miyembro ng pamilya namagsaliksik tungkol sa papel ng mataas na saserdote sa Israel.Pagkatapos, pag-usapan ang inyong nasaliksik. Halimbawa, anoang ilan sa mga pananagutan ng mataas na saserdote? CLUE: Ba-sahin ang Levitico 9:7; Deuteronomio 17:9-11. Bakit masasabingsi Jesu-Kristo ang pinakamahusay na mataas na saserdote? CLUE:Basahin ang Hebreo 4:14-16; 7:26-28; 9:11-14.

30 Gumising! Marso 2011

Page 31: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Ipunin at Pag-aralan Gupitin, tiklupin, at ingatanR

UT

HB

IBL

EC

AR

D

3

R U T H

MAIKLING IMPORMASYON Isang tapat nabalong Moabita na sumuporta sa kaniyangmay-edad nang biyenan na si Noemi. Dahilsa tapat na pag-ibig ni Ruth kay Noemi at sakagustuhan niyang sambahin si Jehova,iniwan niya ang kaniyang sariling bayan atlumipat sa Betlehem. Ganito ang sinabi ngiba kay Noemi, “Ang iyong manugang . . . [ay]mas mabuti sa iyo kaysa sa pitong anak nalalaki.”—Ruth 4:14, 15.

MGA TANONG

A. Kumpletuhin ang sinabi ni Ruth kayNoemi: “Ang iyong bayan ay magiging . . . ”

B. Bakit mabuting halimbawa si Ruth sa mganag-aalaga ng maysakit at may-edad?

C. Kumpletuhin. Si Ruth ay naging asawa ni��������� at ninuno nina ��������� at ���������.

MGA SAGOT

A. “. . . aking bayan, at ang iyong Diyos ayaking Diyos.”—Ruth 1:16.

B. Si Ruth ay mapagsakripisyo at masipag.—Ruth 2:7, 10-12, 17; 3:11.

C. Boaz, Haring David, Jesu-Kristo.—Mateo 1:5, 6, 16.

Mga Tao at mga Lugar5. Ako si Sha

´e. Nakatira ako sa Britanya na malapit sa

kontinente ng Europa. Mga ilang Saksi ni Jehova ang naka-tira sa Britanya? Ito ba ay 13,300, 133,000, o 333,000?

6. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahanang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano kakalapit sa Britanya.

Mga Bata,Hanapin angLarawanSaang mga pahina makikita angmga larawang ito? Masasabi moba kung ano ang nangyayari sabawat larawan?

40

26

B.C

.E.

Nila

lang

siAdan

Nabuhay

noong

mga

12

00

B.C

.E.

1C

.E.

98

C.E

.

Isin

ula

tang

hulin

gakla

tng

Bib

liya

Lumipat saBetlehem mulasa Moab MOAB

Betlehem

A

B

C

D

Page 32: Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

˘ Ganito ang isinulat ng isang 19-anyos na dalaga mula satimugang Estados Unidos: “Palasimba ang pamilya ko at kilalako si Kristo bilang aking Tagapagligtas. Pero maraming taonakong nabalot ng takot sa paghuhukom ng Diyos dahil bakamasunog ako sa impiyerno, hanggang sa mabasa ko ang aklatna Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

“Pagkabasa ko ng ilang kabanata, talagang gumaan angpakiramdam ko. Para bang nawala ang napakabigat na pa-san sa aking dibdib. Ngayon, alam ko nang ang Diyos na Jeho-va ay maibigin, mabait, at maawain. Gusto niya akong mag-karoon ng kaugnayan sa kaniya pero hindi dahil sa takot. Planokong dumalo sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova ngayongLinggo. Excited na ako! Salamat at nakilala ko ang isang maibi-ging Ama, hindi ang isa na gumawa ng maapoy na impiyerno.”

Tinatalakay rin sa aklat na Itinuturo ng Bibliya ang ibapang mahahalagang paksa. Kasama rito ang tungkol sa kala-gayan ng patay, pag-asa ng pagkabuhay-muli, kung paano ma-pagaganda ang buhay ng pamilya, kung sino ang Diyos at siJesu-Kristo, at kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdu-rusa. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito.Punan lang ang kupon sa ibaba at ipadala sa adres na nasakupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ngmagasing ito.

“Salamat at Nakilala Koang Isang Maibiging Ama”

Q Interesado akong tumang-gap ng isang kopya ng aklatna ipinakikita rito.

Ilagay kung anong wika.

���������������������������������������

Q Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol saisang walang-bayad na panta-hanang pag-aaral sa Bibliya.

Pangalan ������������������������������������������������������������������������������������

Adres �����������������������������������������������������������������������������������������

�������������������������������������������������������������������������������������������������

Lunsod ���������������������������������������������������������������������������������������

Lalawigan ����������������������������������� ZIP Code �����������������������������������

Watch Tower, PO Box 2044, 1060 Manila

www.watchtower.org

ANO BA TalagaANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

g11 03-TG