Sulat Galing Sa Impyerno

2
SULAT GALING SA IMPYERNO Ang sumusunod ay isang dramatikong presentasyon. Isinulat ito ng isang kabataan para sa kanyang matalik na kaibigan. Kahit na maraming oportunidad si Erika na sabihin kay Hannah ang tungkol kay Jesus, ay hindi nya ito ginawa. Sila ay matalik na magkaibigan. Magkasama sila palagi, sa pagpasok sa eskwelahan, at sa pagpunta sa mga sayawan. Ibinahagi nila ang kanilang buhay sa isa't isa. Pero may isang bagay na ipinagkait ibahagi ni Erika kay Hannah…..ang personal na relasyon nit okay HesuKristo. Ang natitirang bahagi ng kwento ay simple at malungkot… Ilang mga alak…..isang trahedya……isang banggaan…….kamatayan…libing….at isang sulat. At ito ang sulat……sulat na galling sa Impyerno. Dear Erika, Namatay ako ngaung araw na ito. Iba ito kaysa sa inaasahan ko. Palagi kong iniisip date na kapag namatay ako mapupunta ako sa isang lugar na maulap. Pero ang lugar na ito ay malinaw na parang krystal….mas makatotohanan pa ito kaysa sa buhay ko sa mundo. Nakakapagisip ako. Nakakalakad. At nakakadama Pagkatapos ng banggaan naramdaman ko ang aking espiriro na lisanin ang aking katawan. Yun ang pinaka kakaibang bagay na naramdaman ko, Erika. Kala ko nga narinig kitang sinisigaw ang pangalan ko. Baka gguniguni ko lang yun. Nung una nakatayo ako sa isang pila, pinaparehistro kami cguro. Tinanong nila ung pangalan ko tapos tumingin sila sa isang bagay na tinatawag nilang ANG LIBRO NG BUHAY. Siguro hindi nila ito mahanap dahil may isang malaking anghel na tumabi sa akin at hinawakan niya ako sa kamay at sinimulang hilahin paalis dun sa pila. Natatakot ako. Wala akong ideya kung saan kami papunta. Tinanong ko ung anghel kung saaan nya ako dadalhin, pero hindi nya ako sinagot. Kaya tinanong ko ulit….. At sa wakas sinabi nya saking na ang tanging ang mga pangalang na nakasulat sa LIBRO NG BUHAY ang makakapasok sa KALANGITAN at ang mga hindi ay ipapatapon sa impyerno para husgahan magpakailanman. Natatakot ako. Itinapon ako ng anghel sa isang kulungan. Umupo ako at nagisip sa mahabang oras. Alam mo ba kung ano ang iniisip ko? Iniisp KITA. Erika isa kang KRISTYANO

description

filipino

Transcript of Sulat Galing Sa Impyerno

  • SULAT GALING SA IMPYERNO Ang sumusunod ay isang dramatikong presentasyon.

    Isinulat ito ng isang kabataan para sa kanyang matalik na kaibigan.

    Kahit na maraming oportunidad si Erika na sabihin kay Hannah ang tungkol kay Jesus, ay hindi nya ito ginawa.

    Sila ay matalik na magkaibigan. Magkasama sila palagi, sa pagpasok sa eskwelahan, at sa pagpunta sa mga sayawan. Ibinahagi nila ang kanilang buhay sa isa't isa. Pero may isang bagay na ipinagkait ibahagi ni Erika kay Hannah..ang personal na relasyon nit okay HesuKristo. Ang natitirang bahagi ng kwento ay simple at malungkot Ilang mga alak..isang trahedyaisang banggaan.kamatayanlibing.at isang sulat. At ito ang sulatsulat na galling sa Impyerno. Dear Erika, Namatay ako ngaung araw na ito. Iba ito kaysa sa inaasahan ko. Palagi kong iniisip date na kapag namatay ako mapupunta ako sa isang lugar na maulap. Pero ang lugar na ito ay malinaw na parang krystal.mas makatotohanan pa ito kaysa sa buhay ko sa mundo. Nakakapagisip ako. Nakakalakad. At nakakadama Pagkatapos ng banggaan naramdaman ko ang aking espiriro na lisanin ang aking katawan. Yun ang pinaka kakaibang bagay na naramdaman ko, Erika. Kala ko nga narinig kitang sinisigaw ang pangalan ko. Baka gguniguni ko lang yun. Nung una nakatayo ako sa isang pila, pinaparehistro kami cguro. Tinanong nila ung pangalan ko tapos tumingin sila sa isang bagay na tinatawag nilang ANG LIBRO NG BUHAY. Siguro hindi nila ito mahanap dahil may isang malaking anghel na tumabi sa akin at hinawakan niya ako sa kamay at sinimulang hilahin paalis dun sa pila. Natatakot ako. Wala akong ideya kung saan kami papunta. Tinanong ko ung anghel kung saaan nya ako dadalhin, pero hindi nya ako sinagot. Kaya tinanong ko ulit.. At sa wakas sinabi nya saking na ang tanging ang mga pangalang na nakasulat sa LIBRO NG BUHAY ang makakapasok sa KALANGITAN at ang mga hindi ay ipapatapon sa impyerno para husgahan magpakailanman. Natatakot ako. Itinapon ako ng anghel sa isang kulungan. Umupo ako at nagisip sa mahabang oras. Alam mo ba kung ano ang iniisip ko? Iniisp KITA. Erika isa kang KRISTYANO

  • Sinabi mo mismo sakin. At pinag usapan natin ito ng tatlong beses sa araw na ito. Tinanong ka ni Joey tungkol sa pagiging KRISTYANO, pero pinagtawan molang at iniba ang usapan. Tinanong karin ng ating guro pero dika man sumagot. At bago tayo nabangga itinanong din sa iyo ang pagiging KRISTYANO mo. Ang tanong na hindi ko maalis sa utak ko ay KUNG BAKIT KAHIT MINSAN AY HINDI MO SINABI SAKIN KUNG PAPAANO MAGING KRISTYANO? Sinabi mong kaibigan kita, pero kung totoo iyon sinabi mo sana sa akin ang tungkol kay HESUS at kung papaano makatakas sa lugar na papunta ako ngaun. Nararamdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Ang mga anghel na pinili para idala ako sa IMPYERNO ay papunta sa akin, naririnig ko ang kanilang mga yapak. Narining ko na ang tungkol sa IMPYERNO. Tinatawag nila itong ANG ILOG NG APOY. Natatakot ako. Hindi!Ayoko! nandito na ang mga anghel . Wag!Ayoko! papunta na sila sakin, itinuro nila ako. Hinawakan nila ako at inilabas sa kulungan. Ngaun palang naamoy kona ang sunog na asupre at masangsang na amoy. Nakikita kona ang dulo ng bangin kung nasaan ang APOY NG IMPYERNO. Naririnig kona ang sigaw ng mga taong nagdurusa doon. Papalapit na papalapit na kame. Puno ng takot ang aking puso. Hinahawakan nila ako sa ibabaw ng apoy. Sinumpa na ako magpakainlanman. Tulungan mo ako! Ito na. tinatapon na nila ako. APOY.SAKIT.IMPYERNO. Bakit Erika? Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol kay Hesus? Ang iyong kaibigan, Hannah P.S. Sana nandito ka.

    Erika : Hesus! Patawarin mo ako, kung nabahagi lang kita sa aking kaibigan hindi sana mangyayari ito. Tulungan mo sya Panginoon, Iligtaas mo sya, nakikiusap ako, Panginoon. Nakikiusap ako, gagawin ko ang lahat, Panginoon!

    Narattor: Ngunit kahit anong gawing pagmamakaawa at pananalangin ni Erika ay hindi na ito mababago ang sinapit ni Hannah.

    Kabataan, kagaya kaba ni Erika? Na isang KRISTYANO na hindi binabahagi si Hesus sa kanyang mga kaibigan. Ikinahihiya moba ang pagiging KRISTYANO?

    Kabataan, may mahalagang tao ba sa iyong buhay? Mahal mo ba sya?