Smoke Free Home Brochures

download Smoke Free Home Brochures

of 8

description

Smoke Free Home Brochures

Transcript of Smoke Free Home Brochures

  • MAS DELIKADO ANG KALUSUGAN NG HINDI NANINIGARILYO NGUNIT MADALAS NA MAKALANGHAP NG USOK NG SIGARILYO

    Ang tinatawag na SECONDHAND SMOKE

    o usok na ibinubuga ng mga naninigarilyo ay nagtataglay ng:

    higit sa 6,000 na kemikal at higit sa 50 na kemikal na ito

    ay nagdudulot ng kanser

    maraming nakapipinsalang metal na nagdudulot ng pagkasira

    sa utak at bato (kidneys)

    at mga nakalalasong gasna nagdudulot ng pinsala sa

    puso, baga, lalamunan at mata

    FORMALINgamit sa pang-

    embalsamo ng patay

    BENZENEnatatagpuan sa gasolina

    POLONIUM-210isang kemikal na

    radioactive

    VINYL CHLORIDEgamit sa paggawa

    ng tubo

    CARBON MONOXIDEnatatagpuan sa

    tambutso ng sasakyan

    NICOTINEnatatagpuansa insecticide

    TARalketran at

    aspalto

    CYANIDEgamit sa

    chemical weapons

    CHROMIUMgamit sa paggawa

    ng bakal

    ARSENICgamit sa paggawa

    ng pesticide

    LEADpinagbabawal na gamit sa paggawa ng pintura

    CADMIUMgamit sa paggawa

    ng baterya

    TOULENEnatatagpuan sa

    paint thinner

    AMMONIAgamit sa paglinis

    ng kubeta

    BUTANEgamit sa paggawa

    ng lighter fluid

    Mas maraming usok ang ibinubuga ng naninigarilyo kaysa pumapasok sa katawan nito, kaya mas delikado ang lagay ng kalusugan ng mga hinidi naninigarilyo ngunit laging nakakalanghap ng secondhand smoke.

    Ang secondhand smoke ay dalawang (2) beses o higit pa na nagtataglay ng NICOTINE at TAR kaysa sa nilalanghap ng taong naninigarilyo.

    Ito rin ay nagtataglay ng limang (5) beses na dami ng CARBON MONOXIDE na kumukuha ng oxygen sa dugo na nagreresulta sa panghihina ng resistensya ng katawan at nauuwi sa pagkakasakit.

    Ilan sa mga laman ng usok ng sigarilyo...

  • HINDI LIGTAS ANG USOK NG SIGARILYOKONTI MAN O MADAMI ANG MALALANGHAP MOMahigit sa 60% ng kabataang Pilipino ay nakakalanghap ng secondhand smoke sa loob mismo ng kanilang tahanan. (Ito ay ayon sa Philippines Global Youth and Tobacco Survey 2007.)

    Masamang Epekto sa Sanggol

    Masama ang secondhand smoke sa sanggol na wala pang isang taong gulang. Dahil ang katawan ng sanggol ay mahina pa at wala pa siyang sapat na pananggalang laban sa sakit at impeksyon, sadyang napakadali niyang maapektuhan ng mga kemikal at lason na nagmumula sa usok ng sigarilyo.

    Ayon sa mga eksperto, ang SUDDEN INFANT DEATH SYNDROME (SIDS) o ang biglaang pagkamatay ng sanggol sa kanyang pagtulog, ay malamang bunga ng pagbabago sa kondisyon ng utak at baga ng sanggol na nagreresulta sa pagbabago ng paghinga nito sa kanyang pagtulog . Ang mga kemikal na taglay sa usok ng sigarilyo ang isa sa itinuturong dahilan kung bakit nangyayari ang SIDS.

    Masamang Epekto sa Bata

    Lumalabas sa maraming pag-aaral na ang mga bata na may isa o parehong magulang na naninigarilyo ay mas madaling kapitan ng sakit. Ang baga ng mga batang ito ay hindi lumalaki ng sapat at tumitibay kumpara sa mga batang hindi nakakalanghap ng secondhand smoke. Kung kayat sila ay mas madaling magkaroon ng bronchitis at pulmonya. Madalas din silang makaranas ng ubo, sipon, hirap sa paghinga at may tunog na paghinga (wheezing).

    Ang secondhand smoke ay nakapagpapalala din ng sintomas ng allergy, lalo na ang hika. Maaaring maging sanhi din ito ng iritasyon sa mata, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagduduwal, pagdurugo ng ilong at impeksyon sa tenga. Ito ay isa rin sa itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng kanser ang mga bata, tulad ng leukemia, lymphomaat tumor sa utak.

    Ang batang lumalaki sa tahanang may maninigarilyo ay madalas din magkasakit. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng sakit sa puso sa pagtanda ay nagsisimula sa madalas na paglanghap ng usok habang bata pa lamang.

    Makakasama din ang pag-iwan ng sigarilyo, posporo, lighter, ashtray na may laman upos at abo dahil ang mga ito ay maaaring paglaruan ng bata at maging sanhi ng pagkalason, sakuna at sunog.

  • Masamang Epekto sa Kabataan

    Ayon sa mga pag-aaral, ang kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pito (7). Paano naman kasi, sadyang tinatarget ng industriya ng tobako ang kabataan sa pamamagitan ng ibat ibang uri ng patalastas, anunsyo, promosyon at pag-sponsor ng ibat ibang aktibidad na kinahihiligan ng kabataan. Binubulag din ng kumpanya ng sigarilyo ang kamalayan at isipan ng mga kabataan upang sila ay mahikayat na magsimula at tuluyang malulong sa masamang bisyo ng paninigarilyo.

    Pinapalabas ng industriya ng tobako na ang paninigarilyo ay uso, cool, macho, sexy o sosyal. Ngunit ang katotohanan ang paninigarilyo ng kabataan ay nagdudulot ng:

    Mabahongamoynghininga,buhokatdamit; Kawalanngpanlasaatpang-amoy; Pagkasiraopagkabulokngngipin,daliriatkuko; Pangungulubotngbalatatmabilisnapagtandanghitsura; Paghingalatmadalingpagkapagod; Problemangsekswal,tuladng: - pagbaba ng bilang ng itlog (ova) ng babae - mahirap o matagal na panahon na pagbubuntis ng babae - kawalan ng kakayahang tigasan o mapanatiling matigas ang ari ng lalaki - pagiging abnormal ng laki, dami o bilis kumilos ng punla (sperm) ng lalaki at - pagkabaog

    Masamang Epekto sa Kababaihan

    Ang paninigarilyo o madalas na paglanghap ng secondhand smoke ng kababaihan, lalo na ang mga nasa edad na pagdadalaga at pagbubuntis (reproductive age) ay may masamang epekto hindi lamang sa pansariling kalusugan kundi pati na rin sa kalusugan ng kanilang magiging anak. Mapanganib sa mga buntis ang paninigarilyo o ang madalas na paglanghap ng secondhand smoke dahil ito ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng kumplikasyon tulad ng pagdurugo, hindi maayos na pagkapit ng sanggol sa inunan (placenta), pagbubuntis sa anunangpunlay o sa iba pang parte sa labas ng matris(ectopic pregnancy), pagkamatay ng bata sa loob ngmatris (stillbirth), pagkalaglag, panganganak ng kulang sa buwan, mababang timbang ng sanggol at ang hindi pag-unlad ng baga ng sanggol sa sinapupunan.

    Ang mga sanggol na iniluwal ng mga naninigarilyong ina ay may mas mataas na antas ng panganib na mamatay bago ang kanilang unang kaarawan dahil sa sakit sa baga at paghinga.

    Ang paninigarilyo at paglanghap ng secondhand smoke ng kababaihan ay nagdudulot din ng mga kulubot sa mukha at pinapabilis ang pagtanda, kabilang na ang pagpapaaga ng dating ng menopause.

  • Tinatayang 8 sa 10 naninigarilyo ay gusto nang tigilan ang kanilang masamang bisyo. Sa kadahilanang ito ay isang adiksyon at may tinatawag na withdrawal symptoms, nahihirapan ang ilan tigilan ang paninigarilyo.

    Mahirap man, ngunit ito ay posibleng gawin. Ang tinatawag na Cold Turkey o ang biglaang pagtigil sa paninigarilyo ay ang sinasabing pinakamabuting paraan. Mapo-protektahan na ang sariling kalusugan, maililigtas pa ang kalusugan ng buong pamilya na naapektuhan ng secondhand smoke.

    Ang unang hakbang na dapat gawin ay magtalaga ng Quit Date o petsa kung kailan planong tigilan ang paninigarilyo. Habang hinihintay ang araw na iyon, gawin ang sumusunod:

    Itaponanglahatngsigarilyo,ashtray,lighteratibapanggamitsapaninigarilyosaloobngbahayatsasakyan.

    Kausapinangpamilya,kasamasabahayatkaibigansaplanomongitoupangmatulungankanilangipagpatuloyangpagtigil sa paninigarilyo.

    Planuhinkungpaanomohaharapinangmgalugaratsitwasyonnaalammongmauudyokkang magsigarilyo. Hanggat maaari ay iwasan mo muna ang mga ito sa loob ng ilang linggo.

    Tandaannaangpananabiksapaninigarilyoaylilipasdinmataposangilangminuto. Upang makalimutan ito, huminga ng malalim, uminom ng tubig, kumain ng candy o kayay maging abala sa paggawa ng ibang bagay.

    Handuganmoangsarilingmagandangbagay mula sa perang maiipon mo na pambili sana ng sigarilyo.

    Kungbumalikangpaninigarilyo,huwagmawalanngpag-asa. Normal lang ito, kung kayat sikapin mo muling tigilan ang paninigarilyo sa mga susunod na araw. Magiging matagumpay pa rin ang desisyon mong ito sa kinalaunan.

    PARA SA KALUSUGAN NG PAMILYA,ANG PANINIGARILYO AY TIGILAN NA

  • Sa magulang at bawat miyembro ng pamilya...

    Kungikawaynaninigarilyo,ihintomonaangmasamangbisyonaito.

    Kunghindimomapigilan,manigarilyokasalabasngbahayosasakyanatmalayosaibangtao, lalung-lalo na malayo sa mga bata.

    Angpagbubukasngbintanaopaninigarilyosakuwartooibangbahagingbahayayhindisapatnaproteksyonparamailayo mo ang usok ng sigarilyo sa mga bata at iba pang miyembro ng pamilya. Tandaan na ang usok ng sigarilyo ay kumakapit din sa ibat-ibang bagay tulad ng damit, kurtina o kasangkapan at ang epekto nito ay nakakasama din sa kalusugan.

    Huwagmongpahintulutanangbisitaoibangtaonamanigarilyosaloobngbahayosasakyan.

    Alisinlahatngsigarilyo,ashtray,lighteroibapanggamitsapaninigarilyosaloobngbahayosasakyan.

    Kungiiwanangmgamaliliitnabatasaisangdaycarecenter,siguraduhinghindipinapahintulutanangpaninigarilyosaloob, labas at paligid nito.

    Huwagdalhinangmgabatasamgalugarnapinapahintulutanmanigarilyo sa loob ng gusali.

    Huwagutusanangmaliliitnabataomenordeedadnabumili ng sigarilyo para sa iyo.

    Turuanangmgabatanalumayosa taong naninigarilyo.

    Pagsabihanoi-reportangmgasari-saristoreo iba pang tindahan na nagbebenta ng sigarilyo sa mga bata o kayay nagbibigay ng kung anu-anong bagay para sa promosyon ng sigarilyo sa mga kabataang wala pang 18 taong gulang.

    Suportahanangmgabatas,ordinansyaopatakaranna ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

  • Sa mga health at social workers ng komunidad...

    Ilistaangmgatahanan/pamilyanapinapahintulutanangpaninigarilyosaloobngbahayosasakayanatipaalamangmasamang epekto ng paninigarilyo at paglanghap ng usok ng sigarilyo sa kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.

    Mag-organisangpagtuturo,pagsasanayatibapangaktibidadsamgamiyembrongkomunidadtungkolsamasamangepekto ng paninigarilyo at paglanghap ng usok ng sigarilyo lalo na sa kalusugan ng kababaihan, sanggol at bata.

    Magbigayngpayosamgababaengnasamgaedadngpagdadalagaatpagbubuntis(reproductiveage),lalonaangmga buntis at mga bagong panganak na huwag manigarilyo o lumayo sa usok ng sigarilyo.

    Hikayatingangmgatatayatibapangmiyembrongpamilyanananinigarilyonatigilannaangmasamangbisyookayanaman ay huwag manigarilyo sa loob ng bahay at sasakyan lalo na sa harap ng mga kababaihan at mga bata.

    Turuanangmgabatanalumayosataongnaninigarilyo.

    Maghandanglistahanngmgasari-saristoresatibapangtindahannanagbebentangsigarilyoatiba pang produkto ng tobako, at ipaalam sa mga may-ari at tagabantay ng mga ito tungkol sa mga nakasaad na alituntunin sa Republic Acr 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003 na nagsasabing:

    - ang pinakamababang edad na pinapahintulutan bumili, magtinda at mabigyannganumangbagaysapromosyonngtobakoay18taonggulang;

    - ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pasilidad na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan o pangkawang-gawa at sa mga lugar na pinupuntahan ng mga kabataan tulad ng paaralan, dormitory, playground at iba pang palaruan.

    - ipinagbabawal din ang pagtitinda at pagbibigay ng anumang bagay sa promosyon ng sigarilyo at iba pang produkto ng tobako sa loob, labas at paligid ng mga lugar ng pinupuntahan ng mga kabataan na may layo na 100 metro o katumbas sa sukat ng tatlong basketball courts.

    MaglagayngmgakaratulangNOSMOKINGsaloobnggusaling mga pampublikong lugar at maging sa loob, labas at paligid ng mga lugar na pinupuntahan ng kabataan.

    Suportahanangmgabatas,ordinansyaopatakaranna ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.