Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan....

36
1 ANG BANAL NA MISA Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan. Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Sasagot ang mga tao: Amen. Tagapagdiwang: Sumainyo ang Kapayapaan. Sasagot ang mga tao: At sumaiyo rin. Manahimik ng ilang sandali. RITO NG PAGTATALAGA Tagapagdiwang: M ga kapatid, sa araw na ito ay sama sama tayo sa pagpupuri at

Transcript of Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan....

Page 1: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

1

ANG BANAL NA MISA

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan. Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:Amen.

Tagapagdiwang:Sumainyo ang Kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:At sumaiyo rin. Manahimik ng ilang sandali.

RITO NG PAGTATALAGA

Tagapagdiwang:

Mga kapatid, sa araw na ito ay sama sama tayo sa

pagpupuri atpagpapasa- lamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang patuloy niyang ipinagkakaloob sa atin bilang isang sambayanan ng Parokya ni San Juan Bautista. Sa misang ito, itatalaga natin ang inyong bagong Kura Paroko. Kaya bago natin ganapin ang pagtatalaga,

Page 2: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

2

atin munang basahin ang kanyang liham ng pagkakahirang para sa sambayanang ito.PAGBASA NG LIHAM NG PAGKAKAHIRANG

Ang Chancellor ng Diyosesis o sinumang pari na naatasang bumasa ay pupunta sa Ambo upang basahin ang liham ng Pagkakahirang ng Bagong Kura Paroko.

Pagkatapos ay susunod ang Pagpapahayag ng Pananampalataya.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Lalapit ang bagong Kura Paroko sa harap ng Kardina upang ipahayag ang kanyang pananampalataya, gayun din ang mga pangako noong siya ay inordinahan.

Kardinal o Kahalili ng Kardinal:

Habilin ko sa iyo,

minamahal kong kapatid na bilang Kura Paroko,maging mapagmahal kang ama,mapagkalingang pastolat mabuting guro ng iyong pamayananupang maakay mo sila kay Kristona siyang lakas at sigla mosa lahat ng tungkuling gagampanan mo.Sa harap ng bayan ng Diyos,ngayo’y bigkasin moang Pagpapahayag ng Pananampalataya.

Habang nagpapahayag ng pananampalataya, siya ay nakaluhod, at nakapatong ang kanyang kamay sa Aklat ng Mabuting Balita.

Page 3: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

3

Ako, si ______________, taglay ang matibay na pananampalataya, ay sumasampalataya at tinatanggap ang bawat isa at lahat ng nasa simbolo at pananampalataya gaya ng sumusunod:

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di-nakikita.

Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Diyos. Nagmula sa Ama, bago pa nagsimula ang panahon, Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag. Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Inianak, hindi nilikha. Kaisa sa pagka-Diyos sa Ama.

Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat, na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasan ay nanaog buhat sa langit.Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin, sa ilalim ng kapangyarihan ni Poncio Pilato; naghirap, namatay at inilibing.

Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhay at mga patay, at ang kaharian niya’y walang hanggan.

Page 4: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

4

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay buhay, nanggaling sa Ama at sa Anak, na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak. Nagsasalita sa pamamagitan ng mga propeta.

Sumasampalataya ako sa isang Iglesiyang Banal, Katolika at Apostolika. Kinikilala ko ang isang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.

Sinasampalatayanan ko ring matatag ang lahat ng napapaloob sa Salita ng Diyos, na sinulat o kaya’y isinalin sa Tradisyon at inihahandog ng Simbahan, sa pamamagitan ng maringal na kahatulan o kaya sa kaparaan ng Ordinario at pangkalahatang Magisteryo, bilang katotohanang ipinahayag ng Diyos at dapat sampalatayanan.

Matatag ko ring tinatanggap ang bawat isa at lahat na itinuro ng Iglesiya Katolika tungkol sa pananampalataya at magandang kaugalian.

Sa wakas, ako’y sumasang-ayon nang may kusang-loob na pagtalima sa isip at damdamin, sa mga aral na itinuturo ng Santo Papa o kaya ng Kapulungan ng mga Obispo, kung sila ay gumaganap ng tunay na Magisteryo, kahit na ipinahahayag ang mga aral na ito sa pamamagitan ng isang kautusang di natitiyak.

Page 5: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

5

Kapagdaka’y pipirmahan ng Bagong Kura Paroko at Obispo o ng kanyang kinatawan ang dokumento. Pagkatapos ay isusunod ang pagsasariwa ng Pangakong binigkas noong Ordinasyon.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay at hahawakan ito ng Obispo habang nagsasagawa ng mga pangako.

PAGSARIWA NG PANGAKONG BINIGKAS SAORDENASYON

Kardinal o Kahalili ng Kardinal:Mahal na kapatid,sa harap ng bayang ipinagkakatiwala sa iyo,ulitin mo ang mga pangakong binigkas mosa iyong ordenasyon.Nangangako ka ba, na sa tulong ng Espiritu Santo,ay gaganapin mong mabuti ang iyong tungkulinbilang kapanalig at kasama ng Obispo sa pangangalagasa kawan ng Panginoon?

Pari:Opo.

Kardinal o Kahalili ng Kardinal:Taos puso ka bang nagtitika na idaraos ang mga misteryo niKristo nang tapat at taimtim ayon sa diwa ng Santa Iglesia sa

Page 6: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

6

ikararangal ng Diyos at sa ikapagiging banal ng Kristiyano?

Pari:Opo.

Kardinal o Kahalili ng Kardinal:Ipinangangako mo bang gaganapin nang karapat-dapat atnang buong dunong ang pagpapahayag ng Ebanghelyo atang pagpapaliwanag ng Pananampalatayang Katoliko?

Pari:Opo.

Kardinal o Kahalili ng Kardinal:Handa ba ang iyong kalooban na ianib ang iyong sariliaraw-araw kay Kristo, ang Dakilang Pari, na naghandogng kanyang sarili pakundangan sa ating lahat bilang isangganap na hain sa Diyos Ama; at talaga bang ilalaan mo angiyong sarili sa Diyos sa ikaliligtas ng mga kaluluwa?

Pari:Opo.

Kardinal o Kahalili ng Kardinal:Ikaw ba ay nangangakong magiging magalang at

Page 7: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

7

masunurin sa akin at sa aking magiging kahalili?

Pari:Opo, nangangako ako.

Kardinal o Kahalili ng Kardinal:Nawa’y bigyang katuparan ng Diyos ang mabutinggawaing pinasimulan niya sa iyo.

Pari:Amen.

PAG-AABOT NG SUSI NG TABERNAKULOPAG-UUPO SA BAGONG KURA PAROKO

Ipagkakatiwala ng Tagapagdiwang sa bagong Kura Paroko ang Susi ng tabernakulo. At angbagong Kura Paroko ay iimbitahan na umupo sa upuang nakalaan sa kanya.Babatiin ng Tagapagdiwang ang bagong talagang bagong Kura Paroko.

GLORIA

PANALANGING PAMBUNGAD

Tagapagdiwang:Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit.

Ama naming makapangyarihan,

hinirang mo si San Juan Bautista upang ihanda ang bayan

Page 8: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

8

para sa Panginoong si Kristo.Ipagkaloob mong magalak sa Espiritu ang iyong bayan at patnubayan ang kalooban ng tanan sa daan ng kaligtasan at kapayapaan Sa pamamagitan ni HesukristoKasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat:Amen.

Tagapagpadaloy:Tayo’y magsiupo at makinig sa Salita ng Diyos.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA2. 1-15Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, may mag-asawang buhat

sa lipi ni Levi na nagkaanak ng lalaki. Napakaganda ng bata kaya’t tatlong buwang itinago ng ina. Nang hindi na ito maaaring itago pa, kumuha siya ng isang basket na yari sa tangkay ng tambo at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, isinilid niya rito ang bata at

Page 9: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

9

inilagay sa talahiban sa gilid ng ilog. Ang ate naman ng bata ay lumagay sa di kalayuan upang tingnan kung ano ang mangyayari. Maliligo noon sa ilog ang anak na babae ng Faraon. Natanaw niya ang basket kaya’t ito’y ipinakuha sa kanyang katulong na naglalakad-lakad naman sa tabing ilog. Nang maiabot sa kanya ang basket, inalis niya ang takip nito at nakita ang batang umiiyak. Naawa siya at kanyang nasabi, “Ito’y anak ng isang Hebrea.”Ang kapatid naman ng bata ay lumapit sa prinsesa at kanyang sinabi, “Kung ibig po ninyo, ihahanap ko kayo ng isang Hebreang mag-aalaga sa batang iyan.”“Sige, ihanap mo ako,” sagot ng prinsesa.Umalis ang batang babae at tinawag ang kanyang ina. Nang dumating ito, sinabi ng prinsesa, “Alagaan mo ang batang ito at uupahan kita.” Kinuha ng ina ang bata at inalagaan. Nang malaki na ang bata, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa, at siya’y itinuring na anak nito. Sinabi niya, “Napulot ko siya sa tubig, kaya Moises ang ipapangalan ko sa kanya.”

Nang binata na si Moises, dinalaw niya ang kanyang mga kababayan at nakita ang hirap na tinitiis ng mga ito dahil sa mabibigat na gawain. Nakita pa niyang sinasaktan ng isang Egipcio ang isang Hebreo. Luminga-linga siya. Nang walang makitang tao, pinatay niya ang Egipcio at ibinaon sa buhangin. Nagbalik siya kinabukasan at may nakita siyang dalawang Hebreong nag-aaway. Tinanong niya ang

Page 10: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

10

may kasalanan, “Bakit mo sinasaktan ang kapwa mo Hebreo?”“Sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang mangasiwa at humatol sa amin? Papatayin mo rin ba ako, tulad ng ginawa mo sa Egipcio?” ganting tanong nito sa kanya. Natakot si Moises nang marinig niya ito at noon niya nalaman na may nakakita pala sa ginawa niya sa Egipcio. Nakarating ang balita kay Faraon kaya ibig niyang ipapatay si Moises, ngunit ito’y nakatakas at nakarating sa Madian.

Ang Salita ng Diyos. Bayan:Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN69. 3,14,30-31,33-34Tugon:Dumulog tayo sa Diyos upang mabuhay nang lubos

Lumulubog ako sa burak at putik,at sa malaking along nagngangalit.

At sa ganang akin, ako’y dadalanginsa iyo, O Poon, sana’y iyong dingginsa mga panahon na iyong ibigin;dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,ang iyong pangakong pagtubos ay sundin.Naghihirap ako’t mahapdi ang sugat,O Diyos, itayo mo, ako ay iligtas. Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko’t pasasalamatan.

Kung makita ito niyong mga dukha,sila ay sasamba sa laki ng tuwa.

Page 11: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

11

Dinirinig ng Diyos ang may kailangan, Lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.

Tagapagpadaloy:Tayo’y magsitayo bilang paggalang sa Mabuting Balita ng Panginoon.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!Dinggin ninyong lahat ngayon ang tinig ng Panginoonsa loob na mahinahon. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA11. 20-24P: Sumainyo ang Panginoon.B: At sumainyo rin.P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoB: Papuri sa iyo, Panginoon.

Page 12: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

12

Noong panahong iyon, sinumbatan ni Hesus ang

mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan. “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hang-gang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana’y nanatili pa ito hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma. “

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Tagapagpadaloy:Magsiupo ang lahat.

HOMILIYAPANALANGIN NG BAYANTagapagdiwang:

Hindi madadaig sa kagandahang-loob ang Diyos. Sa

Page 13: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

13

takdang panahon, ipagkakaloob niya ang mga hangarin ngkanyang bayan. May pagtitiwalang sumamo tayo sa kanya,ating dalangin:Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y walang takot na ipahayag ang Ebanghelyo na ipinagkatiwala sa kanya ng Anak ni Maria, manalangin tayo.

Ang mga walang pananampalataya nawa’y lumapit sa Panginoon na Nagkatawang-tao upang iligtas ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo.

Sa ating mga ina nawa’y bigay natin ang nararapat na pagmamahal at paggalang na kailangan nila, manalangin tayo.

Sa tulong ni San Juan Bautista nawa’y maibalik sa kawan ang mga tumalikod sa pagtupad ng kanilang pananampalataya,manalangin tayo.

Para sa ating bagong Kura Paroko, nawa’y puspusin siya ng pagmamahal at biyaya ng Diyos sa kanyang pagkakahirang sa sambayanang ito. Patuloy nawa siyang maging halimbawa sa ating komunidad katulad ng mabuting pastol na nangangalaga sa kawan at sambayanan ng Diyos. Maipagpatuloy nawa niya ng buong pagmamahal ang mabubuting mithiin

Page 14: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

14

ng Diyos Ama para sa kanyang piniling bayan. Manalangin tayo.

Atin nawang tanggapin si Hesus sa Eukaristiya bilang Diyos na kapiling natin, manalangin tayo.

Tagapagdiwang:

Ama naming nasa Langit, puspusin mo kami ng

iyongEspiritu nang sa gayon ay salubungin namin ang amingTagapagligtas nang may galak at sigla. Hinihiling naminito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

B: Amen.

Tagapagpadaloy:Magsiupo ang lahat.

Page 15: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

15

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha. Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,

Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng Tagapagdiwang at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:Sa paghahalong ito ng alak at tubigkami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo

Page 16: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

16

na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,

Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handogupang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:O Diyos kong minamahal, kasalanan ko‘y hugasanat linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Page 17: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

17

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Tagapagpadaloy:Magsitayo ang lahat.

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:Tanggapin nawa ng Panginoonitong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalansa ating kapakinabanganat sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha,

tanggapin mo ang mga alay naming dito inihandasa iyong mga hapag ng banal mong dambana ngayong nagdiriwang kami ng parangal na nakatakda

Page 18: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

18

sa dakilang kapistahan ng nagturong darating at narito na nga si Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat:Amen.PANALANGIN NG PAGPUPURI ATPAGPAPASALAMAT

P: Sumainyo ang Panginoon.B: At sumainyo rin.P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B: Itinaas na namin sa Panginoon.P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B: Marapat na siya ay pasalamatan.

Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan,

tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatansa pamamagitan ni Hesukristona aming Panginoon.

Dinadakila namin ang pagtatalagasa pinili mong sa kanya’y manguna: ang tagapagbinyag na si San Juan Bautista.Sa lahat ng isinilang siya’y iyong itinangi at sa ligaya ng marami siya’y naging sanhi.Bago pa iluwal, kanya ng ikinagalak ang pagdating ng Tagapaglistas ng lahat.

Sa tanang propeta’y siya lang ang naghayag

Page 19: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

19

na narito ang Korderong sa lahat magliligtas.Siya pa rin ang tagapagbinyag na gumanap sa nagpabanal sa tubig t nag-utos magbinyagNa tapat niyang pinanindigan kahit dugo niya’y dumanak.

Kaya kaisa ng mga anghelna nagsisiawit ng papuri sa iyonang walang humpay sa kalangitan kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Page 20: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

20

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang

kabanalan.Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritugawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging

handog,Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang:

Page 21: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

21

TANGGAPIN NINYONG

LAHAT ITO AT KANIN:ITO ANG AKING KATAWANNA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba. Magpapatuloy ang Tagapagdiwang:

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:hinawakan niya ang kalis,muli ka niyang pinasalamatan,iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang:

TANGGAPIN NINYONG

LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGONG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOSPARA SA INYO AT PARA SA LAHATSA IKAPAGPAPATAWAD NG MGAKASALANAN.GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng Tagapagdiwang:

Page 22: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

22

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Tagapagpadaloy:Magsitayo ang lahat.

Si Kristo’y namatay!Si Kristo’y nabuhay!Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama, ginagawa namin

ngayon ang pag-alalasa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak kaya’t iniaalay namin sa iyoang tinapay na nagbibigay-buhayat ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kami’y nagpapasalamatdahil kami’y iyong minarapatna tumayo sa harap mopara maglingkod sa iyo.Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristoay mabuklod sa pagkakaisasa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Nakikipagmisa 1:

Ama, lingapin mo

ang iyong Simbahang

Page 23: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

23

laganap sa buong daigdig.Puspusin mo kami sa pag-ibigkaisa ni Francisco, na aming Papa at ni Luis Antonio na aming Obispo, ang kanyang katuwang na Obispo, at ng tanang kaparian.

Nakikipagmisa 2:

Alalahanin mo rin

ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay gayun din ang lahat ng mga pumanaw.Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahatna makasalo sa iyong buhay na walang wakas.Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,ng kanyang kabiyak ng puso, si San Jose,kaisa ng mga apostol, at ng lahat ng mga banalna namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.

Page 24: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

24

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag.

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,

KASAMA NIYA, AT SA KANYA ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO, DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,KASAMA NG ESPIRITU SANTOMAGPASAWALANG HANGGAN.

Ang mga tao ay magbubunyi:Amen.

Page 25: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

25

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Tagapagdiwang nang may magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos

at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

Illalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.Sambahin ang ngalan mo.Mapasaamin ang kaharian mo.Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal:Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan

Page 26: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

26

ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman! Amen.Pagkatapos, malakas na darasalin ng Tagapagdiwang nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,

sinabi mo sa iyong mga Apostol:“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalatayaat huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:Amen.

Ang Tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ant mga tao:At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Tagapagdiwang:Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Page 27: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

27

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng kapayapaan. Ang Tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan. Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabangang buhay na walang hanggan.Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling, pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”Magkadaop ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,at huwag mong ipahintulot

Page 28: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

28

na ako’y mawalay sa iyo kailanman.

Luluhod ang Tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.

Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristopara sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis at pabulong na magdarasal:Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:Katawan ni Kristo.

Page 29: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

29

Ang nakikinabang ay tutugon:Amen.

Samantalang nakikinabang ang Tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa pakikinabang.Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng Tagapagdiwang o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Tagapagdiwang, pabulong siyang magdarasal:Ama naming mapagmahal,ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa aminng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo. Pagkaraan, ang Tagapagdiwang ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Tagapagdiwang:Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,

Kaming nagsalo sa piging ng Kordero ay dumadalangin na iyong Sambayanang nagagalak sa pagsilang ni San Juan Bautista ay kumilala nawa sa ipinarangal niyang darating na gumanap ng aming panibagong pagsilang:si Hesukristo na aming Panginoon magpasawalang hanggan.

Page 30: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

30

Ang sambayanan ay tutugon:Amen.

PAGBABASBAS AT PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang Tagapagdiwang ay nakalahad ang mga kamay sa mga tao na magpapahayag:

Tagapagdiwang:Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:At sumaiyo rin.

Tagapagdiwang:Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:Amen.

Ang diyakono o ang Tagapagdiwang na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:

Page 31: Web viewANG BANAL NA MISA. Kapag natitipon na ... Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian

31

Humayo kayong taglay ang kapayapaan

upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

Sasagot ang mga tao:Salamat sa Diyos.

Kakantahin ang Pangwakas na Awit.