SIYENSYA Atbp.

16
Siyensya atbp. UNANG ISYU OKTUBRE 2010 BAGONG BIDA Dating salot na water lily ngayo’y pinagkakakitaan na MAGAZINE FEATURE SCIENCE NEWS PERSONALITY PROFILE Rice Black Bugs Muling Sumalakay sa Cabuyao Kilalanin ang magiting na doktor ng bayan ng Orani PERSONALITY PROFILE Karagdagan pang komiks at trivia

description

16-page science magazine which includes a news article, a feature story, and a personality profile. Plus fun comics and trivia. This is my final output in DEVC 122 (Science Reporting)

Transcript of SIYENSYA Atbp.

Page 1: SIYENSYA Atbp.

Siyensyaatbp.

UNANG ISYU OKTUBRE 2010

BAGONG BIDADating salot na water lily

ngayo’y pinagkakakitaan na

MAGAZINE FEATURE

SCIENCE NEWS

PERSONALITY PROFILE

Rice Black Bugs MulingSumalakay sa Cabuyao

Kilalanin ang magiting na doktor ng bayan ng Orani

PERSONALITY PROFILE

Karagdagan pangkomiks at trivia

Page 2: SIYENSYA Atbp.
Page 3: SIYENSYA Atbp.

MGA NILALAMANSCIENCE NEWS04 Rice Black Bugs Sumalakay sa Cabuyao

07 BAGONG BIDA Dating salot na water lily ngayo’y pinagkakakitaan na

12 DOC MARLO Ang Magiting na Doktor ng Orani

07 TUKLASIN ANG SIYENSYA Komiks at trivia

MAGAZINE FEATURE

PERSONALITY PROFILE

HALINA’T MAGLIBANG

07

04

Lubos kong ikinagagalak na ipresenta ang unang isyu ng SIYENSYA atbp.Ang publikasyong ito ay ekslusibong nilikha para sa DEVC 122 (Science Reporting). Ito ay may 16 na pahina, siksik sa balita at impormasyon.

HALINA AT PATULOY NA TUKLASIN ANG SIYENSYA! Maraming Salamat po!

Siyensyaatbp.

MENSAHE MULA SA MAY-AKDA

14

Page 4: SIYENSYA Atbp.

4 SIYENSYA atbp.

RICE BLACK BUGSMuling sumalakay sa Cabuyao

“Rice black bugs? Isang kilong bigas lang ang katapat.niyan!”

Iyan ang katagang binitawan ng Municipal Agriculturist ng Cabuy-ao na si Luzviminda Ed-nalino nang ilunsad ang Operation Rice Black Bug o RBB nitong Oktu-bre upang sugpuin ang panibagong bulto ng mga rice black bugs na sumalakay sa Cabuyao.

Unang linggo ng Oktubre 2010 nang mapansin ng mga mag-sasaka mula sa Brgy. Marinig ang naglipanang black bugs sa kanilang mga pananim. Kasunod nito ang hinaing ng ilan namang magsasaka mula sa Brgy. Niugan ukol sa mabilis na pagdami ng black bugs sa ka-nilang lupang sakahan. Nagpatuloy ang malawakang pagsalanta ng mga black bugs na umabot hanggang sa mga barangay ng Sala at Banay-banay.

Bilang tugon sa muling pagbabalik ng mga salot na black bugs, inilunsad ng lokal na pama-halaan ng Cabuyao, sa pangun-guna ng Municipal Agricultural Office, ang programang Operation RBB. Ito ay naghihikayat sa mga magsasaka at sa mga komunidad na kasalukuyang apektado ng pag-atake ng rice black bugs, na sama-samang puksain ang mga peste sa pamamagitan ng mala-wakang paghuli sa mga ito. Sa

4 SIYENSYA atbp.

Page 5: SIYENSYA Atbp.

RICE B

LACK B

UGS

Life Cycle

isang kilo ng mahuhuling black bugs, kapalit nito ay isang kilo rin naman ng bigas.

Ayon kay Dr. Alberto Barrion, isang en-tomologist at pinuno ng Rice Black Bugs Proj-ect ng PhilRice Los Baños, ang mga rice black bugs ay maliliit at itim na insekto na hindi lalaki sa isang limang sentimo na barya, may hindi kanais-nais na amoy, at mabilis lumapit sa liwanag. Ang mga ito ay nabubuhay ng hang-gang 200 araw at may kakayahang mangitlog ng mahigit 600 sa kabuuan ng buhay nito. Kinakain ng mga pesteng ito ang ka-loob-looban at pinakailalim na parte ng palay hanggang sa maubos ang katas nito. Bago pa man ang panahon ng anihan ay inuubos na ng mga pesteng ito ang mga pananim na palay. Naiiwan na lamang ang mga dahon na kulay brown hanggang sa tuluyang mamatay. Mada-las silang mamugad sa mga lugar na hindi madaling makita ng mga magsasaka at agad na dumarami sa mga tanimang hindi sapat ang patubig, dagdag pa ni Dr. Barrion.

Bukod sa pagtugon sa Operation RBB, patuloy pa ring isinasagawa ng mga magsasaka sa Cabuyao ang light trapping at paggamit ng metarhizium anisopliae. Noon pa man ay gumagamit na ang magsasakang si Mang Ebok Jastillana ng metarhizium sa pagsugpo sa mga peste. Nang subukan naman niya ang light trapping kamakailan, mahigit 3 kilo ng black bugs ang kanyang nakuha.

“Mabisa talaga ang mga paraang ito para mapuksa ang mga pesteng black bugs,” dagdag pa niya

Noon lamang 2008 ay pinamugaran rin ng napakaraming black bugs ang mga barangay ng San Isidro, Gulod, at Mamatid sa Cabuyao.

SCIENCE NEWS

Black bug, Malayan black bug, Japanese rice black bug

COMMON NAME

Scotinophara coarctata (Fabricius), S. lu-rida (Burmeister), S. latiuscula Breddin

LATIN NAMES

BUGBURN caused by rice black bugs

Page 6: SIYENSYA Atbp.
Page 7: SIYENSYA Atbp.
Page 8: SIYENSYA Atbp.

MAGAZINE FEATURE

Page 9: SIYENSYA Atbp.

Ang dating salot na water lily, ngayo’y pinagkakakitaan na

Bagong Bida

MAGAZINE FEATURE

las-kwatro pa lang ng mad-aling-araw ay bumabangon na ang 48-taong gulang na mangingisdang si Mang

Gustin Herce upang umpisahan ang kanyang araw. Matapos uminom ng isang tasa ng mainit na kape at ku-main ng ilang piraso ng bagong-lu-tong pandesal, agad siyang umaalis ng bahay at tumutungo sa lawa. Katu-wang ang 25-taong gulang na anak na si Noli, pangingisda ang tanging ikinabubuhay ni Mang Gustin. Ngunit isang matinding balak-id ang palaging hinaharap ni Mang Gustin at ng mga tulad niyang nang-ingisda sa Lawa ng Laguna. Madalas silang umalma sa mga naglipanang water lily sa may lawa. Nagiging had-lang ito sa tuwing humuhuli sila ng isda. Nakabalandra ang sankatutak na water lily sa kanilang dinaraanan. Du-

Ang dating kontrabida, ngayon ay bida na.

A

9 SIYENSYA atbp.

Page 10: SIYENSYA Atbp.

10 SIYENSYA atbp.

ay naglalayong gawing kapaki-pakin-abang ang mga water lily at bigyan ng hanapbuhay ang mga mamamayan ng Cabuyao. Sa tulong ng Cabuyao Mu-nicipal Livelihood Development Office (MCLDO), naisakatuparan ang proyek-tong ito kung saan ang mga napiling out of school youth mismo ang lumilikha ng mga water lily handicrafts. Ayon sa Agricultural Technolo-gist ng MCLDO na si Bb. Kris Acay, na siya ring namumuno ng proyekto, malak-ing tulong ang Water Lily Project para sa mga out of school youth dahil dito sila natututong maghanapbuhay. “Nalilinis na natin ang lawa, nabibigyan pa natin ng pagkakakitaan ang ating mga mamamayan,” dagdag pa niya.

Paano ginagawa?

Isinalaysay ni Noli ang proseso ng paggawa ng handicrafts mula sa wa-ter lily.

. Una, kailangang kumuha ng magulang na tangkay ng water lily,

Noli. Tumigil si Noli sa kanyang pag-aar-al noong siya ay nasa ikalawang taon sa high school. Mula noon, tumutulong na lamang siya sa kanyang ama sa pang-ingisda. Nang magbinata ay namasada na si Noli ng tricycle na pag-aari ng isang mayamang negosyante sa kanil-ang barangay. Isang araw, may lumapit na isang kapitbahay ni Noli at nagtanong sa kanya kung nais niyang sumama rito at makilahok sa paggawa ng mga handi-crafts mula sa water lily. Noong una ay nagtataka siya kung paanong ang mga water lily ay nagagamit sa paggawa ng handicrafts. Kinalaunan, hindi na rin nag-atubili si Noli at tumugon sa paanyaya ng kapitbahay. Dumalo siya sa mga orien-tation at seminar na nagturo sa kanilang gumawa ng bag, tsinelas, dekorasyon sa bahay, at kung anu-ano pang produkto mula sa water lily. Dito na nagumpisa ang pagbabago ng pagtingin ni Noli sa dating inaakala niyang salot na water lily. Lubos na mainam ang Water Lily Project para sa bayan ng Cabuyao. Sa mga barangay na malapit sa lawa tulad ng Marinig, Bigaa, Butong, Gu-lod, Baclaran, at Mamatid, naglipana ang maraming water lily. Ang proyekto

mating naman noon ang bagyong On-doy at abot-bewang ang baha sa kanila. Tumagal ang pagbaha nang mahigit tatlong buwan. Sinisi rin ni Mang Gustin ang napakakapal na mga ugat ng water lily na siya umanong nagdulot ng matin-ding pagbaha. Ang halamang-dagat na ito ay matagal nang sakit sa ulo ni Mang Gustin at ng marami pang naninirahan malapit sa Lawa ng Laguna. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin para kay Mang Gustin, lalo na para sa kanyang anak na si Noli. Nito lamang Pebrero, napili ng lokal na pamahalaan si Noli upang makilahok sa paggawa ng handicrafts mula sa water lily. Ang dating itinuturing na salot na halamang-dagat, ngayo’y patok na ma-teryales na sa handicraft industry ng bayan ng Cabuyao sa Laguna.

Water Lily Project

Si Noli Herce ay isa sa 60 out of school youth ng Cabuyao na mas-werteng napabilang sa Livelihood and Emergency Accelerated Program o mas kilala bilang Water Lily Project. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Live-lihood and Emergency Employment Project (CLEEP) na inilunsad ng Depart-ment of Trade and Industry noong 2009, na naglalayong pag-ibayuhin ang pa-mumuhay sa mga lokal na komunidad sa Laguna. . Dahil kapos sa buhay, hindi na-gawang pagtapusin ni Mang Gustin si

MAGAZINE FEATURE

Page 11: SIYENSYA Atbp.

SIYENSYA atbp. 11

iyong berdeng-berde ang kulay. Sumu-nod, hinuhugasan ito gamit ang foam. Pagkatapos ay inilulubog ito sa tubig na may pinabulang sabong panlaba.

Ito ay pinatitiktik ng isang oras. Habang pinatitiktik, dapat ay magtim-pla ng isang baso ng sodium benzoate sa isang balde na may tubig. Hinahalo at kinakanaw ito gamit ang stick. Inila-lagay ang timpladong sodium benzoate sa isang malaking drum at hinaluan ng limang baldeng tubig (12 litro). Ibinaba-bad dito ang lily sa loob ng 12 oras o sa buong magdamag.

Makaraang ibabad nang mata-gal, ito ay hinahango at pinatitiktik muli ng isang oras. Ibababad itong muli sa panibagong solusyon. Ang solusyon ay pinaghalong limang baldeng tubig (12 litro) at isang baso ng zonrox. Hahanguin ito, itatali, patitiktikin at patutuyuin sa lilim sa loob ng isang araw. Pwede itong ibilad mula alas-otso hanggang alas-onse ng umaga, at alas-tres hanggang alas-singko ng hapon. Sa pagitan ay maaari itong pahanginan sa lilim.

Pagkatapos nito, mayroon nang maganda at maputing pinatuyong lily na handa nang gamitin sa paggawa ng handicrafts. Mula sa dating salot na wa-ter lily, nakagagawa si Noli at ang mga kasama niya ng mga bag, tsinelas, deko-rasyon sa bahay, sombrero, tray, lamp-shade, iba’t-ibang dekorasyon sa bahay, at marami pang iba.

Water Lily

Ang water hyacinth o mas kilala bilang water lily ay kabilang sa pamily-ang Nymphaeaceae. Ito ay isang hala-man na tumutubo sa tubig tabang. Kulay berde ito at madalas ay makikitang nag-kukumpulan sa gilid ng mga lawa at ng iba pang anyong tubig.

May humigit kumulang 70 spe-cies ng water lily na matatagpuan sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Panipsip ng maruming tubig

Bukod sa pagiging paboritong materyales sa paggawa ng handicrafts, ang water hyacinth ay natuklasan nito lamang bilang isang mabisang tagasip-sip ng dumi sa tubig.

Ayon kay Dr. Zafaralla, isang bi-ologist mula sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños na nakatuklas nito, ang maka-pal na ugat ng water lily ay nakatutu-long sa paglinis ng mga ilog at tubig na nahaluan ng maruruming kemikal. Ito ay nagsisilbing filter ng tubig na may kaukulang sistemang panlinis ng tubig.

Ito ang ginamit sa paglinis ng Mulawin Creek sa Los Baños.

Page 12: SIYENSYA Atbp.

Ang magiting na

doktor ng Orani

DOC MARLO

Siya ang tagapagtaguyod ng kanyang pamilya. Kay-od-marino siya sa pagta-trabaho araw- araw upang maibigay ang pangangai-langan ng kanyang pami-lya. Ang desisyon niya ang

siyang nananaig sa loob ng tahanan. Matatag man tulad ng isang pader kung ituring, hindi pa rin niya kayang itago ang kanyang kabaitan at kalambutan ng kanyang puso. Iyan si Dr. Marlo Zuñiga, ang doktor ng bayan ng Orani.

Ipinanganak noong Hulyo 17, 1959, si Dr. Zuñiga ay lumaki mula sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ina ay isang laban-dera samantalang ang kanyang ama ay isang mangingisda. Pan-ganay sa limang magkakapatid, nagsikap at nag-aral nang mabuti si Dr. Zuñiga. Hindi na nakapagta-takang nagtapos siya bilang Vale-dictorian sa Paaralang Elementa-rya ng Hilagang Orani. Sa ilalim ng scholarship ng isang pilantropo ay nakapag-aral ng sekondarya sa Jose Rizal Institute si Dok Marlo. Doon ay muli niyang pinatunayan ang kanyang galing noong siya ay muling nagtapos bilang Valedicto-rian.

Dahil kapos sa pera at hirap sa buhay, hindi na sana mag-aaral ng kolehiyo si Dok Marlo. Gayun-paman, kinakitaan siya ng husay at talino at pinag-aral ng isang pari na kasalukuyang nakadestino

sa Parokya ng Orani.

Nag-aral siya sa Unibersi-dad ng Santo Tomas at doon ay kumuha ng kursong medisina. Kailanman ay hindi niya pinang-arap maging doktor subalit dahil ito ang kursong gusto ng paring nagpapaaral sa kanya, ito ang kanyang kinuha. Nagtapos siya sa kursong medisina bilang isang cum laude. Sa kabutihang palad, siya ay nakapasa sa board exam na may iskor na 88.1%.

Noong makapasa at maku-ha niya ang kanyang lisensya ay nagsimulang manggamot si Dok Marlo. Maraming tao ang nagti-wala sa kanyang kakayahan na manggamot kung kaya’t ang ibang tao mula sa malayong lugar ay pumupunta pa sa bayan ng Ora-ni para lamang magpagamot sa kanya. Sa kabila ng lahat ng kan-yang tagumpay, nanatili pa ring

simpleng tao at malapit sa mahihirap si Dok Marlo. Sa katunayan nito, mahigit kalahati sa kanyang mga pasyente ay ginagamot niya nang libre. At ang gawaing ito ang nagsimula upang himukin ng taumbayan na patakbuhin si Dok Marlo bi-lang alkalde.

Taong 1994, nagpasya si Dok Marlo na tumakbo bil-ang alkalde ng Orani. Dahil tunay na malapit sa puso ng mga tao, idineklarang alkalde ng bayan ng Orani si Dok Marlo. Marahil ay pulitika ang naging paraan

upang makapaglingkod siya sa buong bayan. Ngunit pulitika rin ang bumigo sa kanyang puso at umagaw sa kanyang minamahal.

Noong panahong iyon, wala na raw sanang maihihiling pa si Dok Marlo bukod sa isang bagay; ang kamay ng kanyang pinakamamahal na babae. Ngunit dahil nagsimula na siyang gu-mawa ng pangalan sa larangan ng pulitika at naging magkalaban ang kanilang pamilya, tumutol ang angkan ng kanyang kasin-tahan sa kanya.

Hindi man nila ginusto ay pinaglayo sila ng tadhana. Nag-kahiwalay sila ng kanyang kasin-tahang si May Pascual. Dahil sa kasawian sa pag-ibig,madalas naging laman ng bar si Dok Mar-lo at doon niya nakilala si Mirla Santiago. Kinalaunan ay naging asawa niya ito. Nagbunga ang

12 SIYENSYA atbp.

Page 13: SIYENSYA Atbp.

Ang magiting na

doktor ng Orani

DOC MARLO

kanilang pagsasama ng tatlong supling; isang lalaki at dalawang babae.

Taong 2008 nang dumat-ing ang isa sa mga pinakamalak-ing pagsubok sa kanilang pamilya. Nagkaroon ng sakit na leukemia ang panganay nilang anak na la-laki. Nasa malubhang kalagayan na ito noong madiskubre kung kaya naman hindi na naagapan pa. Kinalaunan ay nabawian rin ito ng buhay.

“Bilang isang doktor, ma-sakit sa akin na hindi ko naisalba ang buhay ng sarili kong anak ganoong nagagawa kong isalba ang buhay ng iba kong pasyente. Sobrang sakit pero kinakailan-gan kong tanggapin. Wala akong magagawa dahil ito ang pinagka-loob sa amin,“ paglalahad ni Dok Marlo.

Dahil sa pagkawala ng anak, hindi naging maganda ang samahan nilang mag-asawa. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay sila. Sumama ang kanyang misis sa isang Ameri-kano. Doon ay natuklasan ni Dok Marlo na peke pala ang kanilang

kasal. Hindi naging madali para sa kanya at sa kanilang mga anak ang pangyayari. Ganoon pa man, sabi nga ng marami, “ kung may lungkot, may nakalaang kasiya-han pagkatapos nito.”

Isang taon matapos sil-ang maghiwalay na mag-asawa, m u l i n g nagk i ta si Dok Marlo at ang dati n i y a n g kat ipan na si May Pascual. “ F i r s t love nev-er dies,” s i y a n g patunay nang muli silang magkita at makaramdam pa rin ng pag-ibig para sa isa’t-isa. Nagpasya silang dalawa na ipagpagpatuloy ang naudlot nilang pag-iibigan.

Mistulang isang telenobela ang kanilang pag-iibigan. Simula noong sila ay magkahiwalay, hin-di na daw naisip ni Dok Marlo na magaganap pa ang lahat ng ito.

Noong nakaraang eleksyon ay nagpasya ulit na tumakbo bil-ang alkalde si Dok Marlo. Ngunit sa di- kabutihang palad, siya ay hin-di nanalo. Magkaganoon man ay malugod pa ring tinanggap ni Dok Marlo ang kanyang pagkatalo.

“Marahil ay gusto ng mga mamamayan na manggamot na lang ako. Baka raw kasi ma-pabayaan ko sil-ang mga pasyente ko kapag nanalo pa ko sa laran-gan ng pulitika,” pagbibiro ni Dok Marlo.

Sa karanasan ni Dok Marlo, pinatunayan lang niya na bato man siyang maituturing ay may kahinaan pa rin siyang taglay. Sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay, naging matatag siya sa pa-gharap sa mga hamon na hatid nito. Ang busilak niyang puso at matulunging gawi ang naghatid sa kanya tungo sa tagumpay.

Ang busilak ni-yang puso at matu-lunging gawi ang naghatid sa kanya tungo sa tagumpay.

SIYENSYA atbp. 13

PERSONALITY PROFILE

Page 14: SIYENSYA Atbp.

Tuklasin ang Siyensya

Alam mo ba?

Ang mga balyena ay dating nakatira sa lupa na lumi-pat na lamang sa tubig dahil nakasanayan na nila ito.

Gustong-gusto ng mga lamok ang amoy ng estrogen. Kaya naman mas madalas makagat ng lamok ang mga babae kesa lalaki.

Ang kidlat ay tatlong beses na mas mainit kaysa sa araw.

Ang kumukulong tubig ay mas mabilis magyelo kaysa

malamig na tubig.

Ang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo ay ang Rafflesia Arnoldii, na tumutubo nang kasinlaki ng payong.

www.sciensational.com

In Science the credit goes to the man who convinces the world, not to the man to whom the idea first occurred.

--Sir William Osler, Canadian physician

Science may have found a cure for most evils; but is has found no remedy for the worst of them all - the apathy of human beings.

--Helen Keller

Page 15: SIYENSYA Atbp.

Ko

mi

ks

Page 16: SIYENSYA Atbp.