Sino Ka Ba

30
Sino Ka Ba, Jose Rizal? KORO Jose Rizal, Dr. Jose Rizal (Jose Rizal, Dr. Jose Rizal) Ikaw raw ay bayani ng bayan (Ang buhay mo’y pinag-aaralan) Kahit musmos alam ang iyong pangalan (Ang iyong dating ay parang si Superman) May monumento ka kahit saan (Kayrami-rami mong nalalaman) Ngunit sino ka, sino ka ba Sino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong singdunong mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong katulad mo Duktor, pintor, siruhano, arketekto, iskultor (Bata pa’y nanalo na ng tula at drama) Tunay bang kayrami nga ng alam mo (Nangolekta ng kayraming medalya) Mahusay na manunulat, manunula (Di lang henyo sa isip, pati sa puso pa) Kahit sa mga lengguwaheng banyaga (Nangolekta rin ng mga nobya) Italyano, Aleman, Pranses, Kastila (Nelly, Josephine, Gertrude Leonor, Leonor, Segunda at marami pang iba) Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong singdunong mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong katulad mo Ngunit sino ka, sino ka ba Sino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron bang Pinoy na kasinggaling mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron bang Pinoy na katulad mo Isinilang ang Kapatid Ko NENENG Isinilang ang kapatid ko Disinuebe ng buwang Hunyo Mil ocho cientos sesenta y uno Pagitan ng alas onse’t Alas dose ng gabi Nang niluwal yang si Jose Bago bumilog ang buwan Yan ang natatandaan Si ina ay lubhang nahirapan FRANCISCO Si Paciano at si Jose Tanging anak na lalake Ang siyam ay puro babae PACIANO Sampu silang kapatid ko Si Jose ang ikapito Sampung taon ang tanda ko

description

sino ka ba

Transcript of Sino Ka Ba

Sino Ka Ba, Jose Rizal? KORO Jose Rizal, Dr. Jose Rizal(Jose Rizal, Dr. Jose Rizal)Ikaw raw ay bayani ng bayan(Ang buhay mo’y pinag-aaralan) Kahit musmos alam ang iyong pangalan(Ang iyong dating ay parang si Superman)May monumento ka kahit saan(Kayrami-rami mong nalalaman) Ngunit sino ka, sino ka baSino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong singdunong moSino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong katulad mo Duktor, pintor, siruhano, arketekto, iskultor(Bata pa’y nanalo na ng tula at drama)Tunay bang kayrami nga ng alam mo(Nangolekta ng kayraming medalya) Mahusay na manunulat, manunula(Di lang henyo sa isip, pati sa puso pa)Kahit sa mga lengguwaheng banyaga(Nangolekta rin ng mga nobya) Italyano, Aleman, Pranses, Kastila(Nelly, Josephine, Gertrude Leonor,Leonor, Segunda at marami pang iba) Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong singdunong moSino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong katulad mo Ngunit sino ka, sino ka baSino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron bang Pinoy na kasinggaling moSino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron bang Pinoy na katulad mo 

Isinilang ang Kapatid Ko NENENG Isinilang ang kapatid ko Disinuebe ng buwang HunyoMil ocho cientos sesenta y uno Pagitan ng alas onse’t Alas dose ng gabiNang niluwal yang si Jose Bago bumilog ang buwanYan ang natatandaanSi ina ay lubhang nahirapan FRANCISCO Si Paciano at si JoseTanging anak na lalakeAng siyam ay puro babae PACIANO Sampu silang kapatid koSi Jose ang ikapitoSampung taon ang tanda ko FRANCISCO Siya’y lumaking masunurinTakot sa Dios, masimbahinSa ina nagsimula ng aralin TEODORA Mali-mali ang iyong pagbasaO inaantok ka lang baO naglalakbay na naman ang iyong isipan RIZAL Naaaliw lang po akoSa munting gamugamoPaikut-ikot sa apoyTuwang-tuwa, gustong-gusto TEODORA May kasaysayan ditoTungkol sa isang gamugamongMatigas ang ulo RIZAL Tulad ko po ba ang gamugamong iyanNa mahilig magtanongNg kung ano at kung saan TEODORA Shh.. Makinig ka na lang.. 

Gamugamong Munti TEODORA Gamugamong munti sa apoy ay naakitIna ay nangamba, binalaang huwag lumapitInit ng apoy na nakahahalinaInit ng tukso’y ang sa iyo humihila Sa dulot na liwanag ay huwag kang mahumalingSa dulot na liwanag ika’y aangkininGamugamong munti ay pailing-ilingAno kaya itong pinagkakait sa akin Paglisan ng ina, gamugamo ay nagpasyaUnti-unting lumapit sa apoy ng lamparaHabang lumalapit kanyang nadaramaKaysarap ng init, di dapat mangamba At siya nga’y binulag nitong kapusukanLumapit nang lumapit, walang pakundangan Kaysarap na init, biglaang bumagsikAt siya ay tinupok, singbilis ng saglit NENENG Ay anong sakit, anong hapdi ng sinapitAy anong lungkot, anong tindi, anong lupit RIZAL Gamugamong munti sa apoy ay nahalinaAng takot ng ina ay hindi nya alintanaInit ng apoy na nakahahalinaInit ng tukso’y sa kanya humila Ang dulot na liwanag nag-aalok ng initAng dulot na liwanag ay napakarikitGamugamong munti ay mapalad na rinTupok man ang pakpak, ang pangarap ay naangkin TEODORA Mayrong aral diyan na dapat mong matutunanSinag ng karunungan huwag gaanong lapitan RIZAL Ngunit ang liwanag ay napakarikitMatupok man ako, maluwalhati ang pait! Que Bobo Bobo PACIANO Madalas tuksuhin si JosePagkat ang ulo niya’y malakiMadalas biruin si PepengPepe Pepe, ulo ay higante

 BOY Pepeng tarat, Pepeng taratGIRL Lumalaki ang ulo kapag nagugulatRIZAL Paglaki ko makikita ninyoUlo ko’y gagawing monumento PACIANO Sa bayang Binyang nag-eskwelaNENENG Nag-aral ng Latin, pagsulat, pagbasaFRANCISCO Ngunit sa Binyang ay di sya masayaDoon ika niya’y di kaiga-igaya PACIANO Pinasok ko sa Ateneo de ManilaKailangan pang gumamit ng influenciaFRANCISCO At ang ginamit na apelyidoRizal sa halip na Mercado Dahil sa pagkasangkot sa kasoNi Burgos nitong si Paciano PACIANO At siya ay nangaseraSa bahay ni Doña PepayDoon pala kalabas-labasa’y Kalokohan ay panay KAKLASE1 Di siya gaanong magaling sa KastilaNang bagong dating sa Maynila KAKLASE2 Masyado itong maramdaminMasyado pating matampuhinKAKLASE3 Nang minsan siya’y napagdisketahanNg isang maestrong hibang Naku di maawat-awat si JoseNagmukmok araw at gabi MAESTRO Ay que bobo bobo boboKe bobo bobo bobo moAy que bobo bobo boboKe bobo bobo mo 

Nagtatangka pang mag-aralKung sumagot ay kaybagalEspañol na butal-butalBuhol-buhol, nauutal MAESTRO Ay que bobo bobo boboKe bobo bobo bobo moAy que bobo bobo boboKe bobo bobo mo KAKLASE Magtimpi ka Jose RizalHayaan nang siya’y magdadadaldalMatandang ya’y talagang hangalAt sadyang malupit ang asal RIZAL Siya ang que bobo bobo boboPagkat di nya nalalamangSiya pala ay que bobo boboAng maestrong timang Tingnan mo ang mga EspañolKahit na ang leksyon ay nasa EspañolPati na ang mga propesorPag nagtuturo ay Español Di pa rin nila nasasakyanAng leksyon di maintindihanSamantalang dehadong IndioSandali lang ay intiendidoSobresaliente ang grado RIZAL Sino ngayon ang katangi-tangiKAKLASE Mga puti ba o kayumanggiRIZAL Sino ngayon ang kapuri-puriKAKLASE At mas matino ang lahi RIZAL Sino ang tunay na mas mapurolMga Indio ba o mga EspañolSino ang tunay na mas matalasKitang-kita at namamalas LAHAT Sino ngayon ang que bobo boboPasalamat ka nga maestroAt kami’y di naging ke boboKahit ke bobo mo

Kalamba Hanggang Santa Cruz PACIANO Naroroon nag-aaral nang ina’y nasakdalNENENG Pinukol ng bintang na gawa-gawa langFRANCISCO Hipag ay nilason daw, muntik nang mamatayPACIANO At nagsipaglitaw mga lihim na kaaway TEODORA Kalamba hanggang Santa CruzPara akong kandilang nauuposDarang sa titig ng mga naawaAt hatid-hatid ng bulungang nangungutya Kalamba hanggang Santa CruzTinik na landas di matapus-taposSa bawat yapak puso’y nagdurugoSa bawat hingal kahihiya’y gumuguho RIZAL Ano’ng ginawa nila sa iyo, InaAkala ko’y kaibigan natin silaTinanggap ng buo sa ating tahananAng sukli sa inyo ika’y parusahan Ano’ng ginawa nila sa iyo, InaAkala ko’y kaibigan natin silaSa harap ng madla, hinamak, hiniyaParang isang kriminal, pinalakad, kinaladkad TEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORA Pagpapahirap na lubus-lubosRIZALAkala ko’y kaibigan natin sila PAMILYA Pagkamuhi sa atin, bakit ganun na langPagkamuhi nila’y parang walang hanggan TEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORA Puri’t pangalan ay binusabosRIZALAkala ko’y kaibigan natin sila 

PAMILYA Ang Korte Suprema sa wakas nagpasyaDoña Teodora, walang pagkakasala TEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, Ina Kalamba RIZAL KalambaLabis akong nangungulila, KalambaIlang patak ng luha ang Tumakas sa aking mataSa mga gabing naaalala kaBayan kong sinta KalambaAng lahat ng nilalaman nitong dibdibAng lahat ng tanawin mong Laging buhay sa aking isipLahat ng minahal, lahat ng dinasalLahat ay nagmula, dito nag-umpisaSa bayan kong sinta, Kalamba Damhin mo ang bighani ng MakilingHabang niyayapos ng takipsilimTuklasin ang hiwagang nililihimMay dilag bang sa puso mo’y nahihimbing Duda Ako KAIBIGAN1 Pabasa, pabasa ng tulang sinulatPatingin, patingin, diwa ba’y malawak?KAIBIGAN2 Ito ba’y gawa mo, sulat mo ba ito?KAIBIGAN1 Ang galing, ang husay kung talagang sa iyo LEONCIO Duda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoKamangha-mangha, kaylalim-lalim na tulaDi maaring isang bata ang gumawa, kaya 

Duda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoAng duda ko, ang may kathaIsang kilala’t batikang makata RIZALAno’ng akala mo, nangongopya akoLumikha ng tula ay di ko magawa?Ibig mo bang utak ko ay buksanNaroon ang tulang doon ko nilinang LEONCIO Duda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoAng duda ko, ang may kathaIsang kilala’t batikang makata RIZAL Ibig mo bang puso ko ay buksanNaroon ang tulang hinahangaan LEONCIO Duda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoAng duda ko, ang may kathaIsang kilala’t batikang makata RIZAL Ang duda ko, ang duda moAy isang inggit ng paring masungit LEONCIO Duda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nito RIZAL Padre Leoncio, dudang-duda rin akoKung tulang ganito ay magagawa mo BOTH Duda ako!

Abogado NENENG Kumusta, kumusta, kumustaIlang medalya na ang iyong nakolektaRIZAL Madalas ako’y may karamdamanNgunit marami na ring nakamtan PACIANO Kailangang magpatuloyKailangan pang mag-aralMagsunog, magsunog ng kilay Ano bang kurso’ng kukunin mo? RIZAL Mas makakatulong ako sa maraming taoKung ang kursong kukunin koKapatid na Paciano, ay pag-aabogado PACIANO Ahh abogado.. Abogado?! Ang abogado ritoAy hindi talaga totoong nag-aabogadoKontratista o maestroMagsasaka, hacienderoPero nunca abogado Mag-medisina, magsulat o magpintaOptalmolohiya, mata ni ina’y malabo naMag-inhinyero o kahit anong kursoPero huwag na huwag na huwag kangMaging abogado Saan kumikita ang abogadoSa pagtanggol ba ng panig ng tama o panlolokoTama ang pera kahit maliKapatid na Jose, kaya ba yan ng iyong budhi RIZAL Literatura ang tunay kong hiligMga tula at nobela ang tunay kong pag-ibig PACIANOSepulturero o tagatulak ng barkoPero huwag na huwag na huwag na huwag kangHuwag na huwag na huwag na huwag kangHuwag na huwag na huwag kangMaging abogado!

Leonor, Leonor

 CHENGGOY Pepe aking kaibiganTayo ay magsaya namanMahirap yang puro aralPuso’y pagbigyang minsan RIZAL Chenggoy aking kaibiganTandaan tiyakin mo langTiyaking sa tamang Leonor Iabot ang mga liham CHENGGOY Tamang Leonor, maling LeonorBaka magkabuhol-buholAng kay Leonor ay kay LeonorMedyo magulo, nakakaulol RIZAL Itong isa ay kay LeonorItong isa ay kay LeonorChenggoy aking kaibiganHuwag mong pagpalitin por favor CHENGGOY Riverang Leonor, Valenzuelang LeonorSino ba ang tunay mong inaamor? RIZAL Si Leonor.. Si Leonor.. Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor Tuwing na lang naririnig ang pangalangLeonor, LeonorMay kung anong lumulukso sa dibdib koLeonor, Leonor Tuwing ang mukha mo’y nasisilayanLeonor, LeonorMay kung anong tumutunaw sa tuhod koLeonor, Leonor Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor Sa paghimbing lagi kang panaginipLeonor, LeonorSa paggising lagi kang nasa isipLeonor, Leonor 

Tuwing nasasagap ko ang iyong tinigLeonor, LeonorMay awit na naririnig sa paligidLeonor, Leonor Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor Kapag natatabunan ng ulapAng nanonood na buransAng dilim ng matang Leonor, LeonorLaging kumikinang Kapag napupukaw ng hanginAng init ng katanghalianHalimuyak ng aking Leonor, LeonorLaging naiiwan Leonor, Leonor, Leonor, LeonorAng buong araw ko, ang buong buhay koAng buong mundo ko, Leonor, Leonor Leonor, Leonor, Leonor, LeonorPuso’t kaluluwa ko, isip at diwa koLahat ng ito, O Leonor, Leonor Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor

Dapat Ikaw INDIO Huwag po! Huwag po!ASAWA Maawa po kayoINDIO Huwag po! Huwag po!ASAWA Patawarin po ninyo GWARDYA Magbayad ng buwis o makalabosoDoon sa piitan mabubulok kayo PACIANO Huwag na, huwag na, maawa na kayoRIZAL Huwag na, huwag na, kuya Paciano PACIANO Sapagkat sinakop, sapagkat dinahasSapagkat ginahis ng bayang malakasItong ating baya’y bayang walang lakasBayang binusabos, bayang naghihirap

 RIZAL Huwag padalus-dalos, ingatan ang hakbangAt ang bawat balak dapat paghandaan PACIANO Isa sa atin dapat mangibang bayanDoon hasain sandatang karununganTalas ng utak ating panlalabanUpang ating baya’y bigyang katarungan RIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw PACIANO Ako’y di pwede dahil ako’y markadoGulo sa Cavite, naaalala moAko’y nasabit, muntik maarestoKay Burgos nadawit na kadormitoryo RIZAL Si Padre Burgos, Gomez at ZamoraAy ginarote kahit walang salaPACIANO Kaya dapat ikaw, di ka delikadoApelyido’y Rizal at hindi Mercado RIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw RIZAL Baka si ina lalong mag-alalaNi ayaw niyang ako’y mag-aral sa MaynilaPACIANO Ating ililihim, di niya malalamanTanging si Ate Neneng ang ating sasabihan RIZAL Saan kukuha ng malaking panggastosPACIANO Ako ang bahala, ako’ng magtutustosLaging alalahanin ang ating sumpaanAng isa sa atin maglingkod sa bayan RIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw

RIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw PACIANO Ating sumpaa’y sumpang walang hangganRIZAL Ibuhos ang buhay, sa bayan ilaan PACIANO Di mag-aasawaRIZAL Di mag-aasawa?!PACIANO Di mag-aasawaRIZAL Di mag-aasawa?! RIZAL Aba’y dapat ikaw!PACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw Taimis LEONOR Chenggoy aking kaibiganAno ang nalalaman moNasaan ang iyong kaibigang May-ari ng puso ko CHENGGOY Di ako magkakailaBaka lalo lang lumubhaSi Pepe’y umalis naMag-aaral sa España LEONOR Huwag mo akong biruinAno ba ang totooHuwag mo sanang laruin Ang tiwala’t pag-ibig ko CHENGGOY Leonor, Leonor, Leonor, LeonorPatawad ngunit ang totooLeonor, Leonor, Leonor, LeonorLumisan na si Pepe mo LEONOR Bakit ka ba lumisang di nagpaalamSino ba ako na basta mo na lang iniwananBakit pa ba nilihim ang iyong pag-alisDi man lang naisip na iiwa’y hinagpis 

Bakit pinagdamutan, bakit pinagtaguanKahit konting paalam, bakit mo pinagkait Ako ba ay nagkulang at dapat parusahanDi man lang dumaan, di man lang naglaanNg kahit kapirasong saglit Kahit na ilang ulit basahin ang iyong lihamNi kaunting pahiwatig walang nilalamanNang huli tayong magkita, akin pang naaalalaKinabukasan natin ang pinipinta Ano’ng kinabukasan, ano’ng maaasahanKung wala ka rin lang, para que, para saanBuhay ko ay walang kahulugan Bakit ka ba lumisang di nagpaalamParang ang pag-ibig ko’y walang kabuluhanBakit mo sa akin nilihim, ano ba ang iyong nais Sadya bang nais nang limutin si TaimisSadya bang nais nang limutin si TaimisSadya bang nais nang limutin si Taimis Di Na Nakapagpaalam RIZAL Di na nakapagpaalamKahit saglit man lamangNakapiling kang muli At nakausap sandaliNaalayan ng tula O awit na maikli Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamangNasilayan kang muliNadapuan ng ngitiNatapunan ng halikGiliw ko kahit munti Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamangPaliit nang paliitPalayo nang papayaLigayang kahapon lang Ay yakap-yakap ko Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamangPawala nang pawalaPalabo nang palaboAng pangakong pagsintang

Matapat na pagsuyo Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamang

España, España Sa loob ng barkong patungong Espanya. ESPAÑOLES Nasasabik sa kalamigangAming muling maramdamanAt ang iba’t iba mong klimangMalaon nang inaasam RIZAL Asahan mong panay reklamoAng iuuwi sa iyoGayong sila’y nagpasasaSa bayang di nila bansaAt nagkamal na ng husto LAHAT España, EspañaMga anak mo’y naririyan naEspaña, EspañaMadre mia, como esta? ESPAÑOLES O kaybilis ng pagbabagoO kaybilis ng iyong pulsoAng buhay na sibilisadoAng buhay ko sa piling mo RIZAL Dating muchacho’t panaderoAt pipitsuging sundaloSa pag-alis no dineroSa pagbalik Don TiburcioDaig pa ang may dukado LAHAT España, EspañaMga anak mo’y naririyan naEspaña, EspañaMadre mia, como esta? ESPAÑOLES Kami’y mistulang bagong gisingSa matagal na paghimbingKami’y salat sa bagong siningSa bagong dunong salat din RIZAL

Parang mga hayok na lawin Sa ganid kung ihahambingMga matang matatalimWalang ibang lunggatiinKundi bulsa ay punuin LAHAT España, EspañaMga anak mo’y naririyan naEspaña, EspañaMadre mia, como esta? Kaysarap isiping uuwi na rin!

Circulo Hispano-Filipino     Proyekto Circulo Hispano-Filipino LAHAT Simulan na natin at umpisahanPulong-pulong natin, ng ating samahanCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino ATAYDE Tayo ba’y kumpleto na’t nariritoREGIDOR Kailan pa ba naging tayo ay kumpleto LAHAT Circulo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino ATAYDE Maximo PaternoJAENA TulogATAYDE Graciano JaenaM.PATERNO SabogATAYDE Pedro Paterno, Dela Serna at Rizal ATAYDE Maximo ViolaLUNA ExcuseATAYDE At Juan LunaVIOLA PaosATAYDE Jugo, Sanciangco, Esquiveles at Vidal ATAYDE LeteLETE Si!ATAYDE ZaragosaZARAGOSA Hola!ATAYDE AguirreAGUIRRE Yow!

ATAYDE VillanuevaVILLANUEVA Moi! FIGUEROA AtaydeATAYDE Huh?! FigueroaFIGUEROA Achtung!ATAYDE RegidorREGIDOR Ole! MATATANDA Samahan ng mga katutubo at creoleMGA BATA Samahan ng mga Indio’t Español LAHAT Circulo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino LUNA Señor Atayde, ako’y may mungkahiATAYDE Teka muna, mabunying Juan LunaJAENA Pwede kaya na ako ang maunaESPAÑOL 1 Kayong bata, matatanda ang pakinggan PATERNO Punto de vistang kabataan Ang inyong kinakailanganESPAÑOL 2 MapusokUmuusokKonting kibot! LAHAT Samahan ng mga bata at matandaDi magkasundo, samaha’y sumasamaCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-FIlipino ATAYDE Koleksyon, koleksyon, bunutin ang sinuksokCirculo’y di iikot kung pera’y di papasok LAHAT Circulo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino JAENA Mga retirado, mga pensionadoKayo ang mag-ambag para sa CirculoLUNA

Kaming estudyante, kapos palagiKulang pa na pansugal at pangkape LAHAT Asosasyong walang kwenta ay itigil naWalang misyon, walang kusa at walang peraCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino RIZAL Huwag iwanan ang ating minimithiHuwag lumisan at magsama-samang muli LAHAT Circulo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino Simulan na natin at umpisahanSimulan ang di masimu-simulanCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-FIlipino Proyekto RIZAL Ako ay may proyekto, ako ay may mungkahiIsang libro.. LUNA Tungkol saan?RIZAL Tungkol sa ating lahi LAHAT Ano? Ano? Ano?RIZAL Teka, makinig kayo..LAHAT Si RIzal ay may proyektong isang libro RIZAL Mga sinulat ko at mga sinulat n’yoAy hiwa-hiwalay at walang epektoNgunit kung kolektahin at pagsasama-samahinIsisilang ang librong tungkol sa bayan natin ESPAÑOL 1 Teka, teka, yang libro, ano’ng kabuluhanBa’t ililimbag kwento ng ating bayan RIZAL Mundo’y walang alam kung saan ang bayan natinKung tagaroo’y unggoy o uhugin

 PATERNO Maganda! Maganda! Aba’y umpisahan naESPAÑOL 1 Nangangarap, nangangarap, Nangangarap kayo ESPAÑOL 2 Makaalis na nga at nang matigil naMga walang katuturang usapang ito RIZAL Kayo na lang ang aming tanging maaasahanBatang magigiting, kami rin ba’y iiwan? MGA BATA Kami’y sumasang-ayong gawin yang libroPero teka, mag-aliw-aliw muna tayo RIZAL Ay kayhirap-hirap pagsama-samahinJAENA Ay kayhirap-hirap pagbuklod-buklurinRIZAL Ay kayhirap-hirap nga namang intindihinLAHAT Nitong mga Indiong kababayan natin LUNA Nang magsimula’y punong-puno ng planoJAENA Nang maglaon na’y kanya-kanya, talo-taloRIZAL Panahon nang mabago ang ugali nitong IndioLAHAT May pag-asa pa kayang tayo ay magbago RIZAL May pag-asa pa kayaLAHAT May pag-asa pa kayaRIZAL May pag-asa pa kayang tayo ay magbago

Magdiwang! PATERNO Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champanNanalo, nagwagi Ang ating kababayan

Ang obra maestra ni Juan LunaIsa sa nanguna

 JAENA Ang Spoliarium?PATERNO Alin pa! JAENA Ilan ba’ng nakalaban ni Luna?LUNA Halos lahat ng pintor sa EuropaSikat na PransesItalyano’t OlandesMga bituin ng bellas artes JAENA Sabi sa inyo di patataloAng galing-galing ng FilipinoPATERNO Ang hatol ng lupon Ng magigiting na hukomMedalya de oro ang Spoliarium LAHAT Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champanNanalo, nagwagi Ang ating kababayan

Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champanNanalo, nagwagi Ang ating kababayan RIZAL Ika’y isang henyong FilipinoSikat ng araw ang tulad moHinahawi mo ang kadilimangKumukubli sa ating bayan Ipinakita at ipinamalasNa sa bansang FilipinasTaglay na kulturang nagniningningSa Europa’y maihahambing LAHAT Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champanNanalo, nagwagi Ang ating kababayan

LUNA Salamat, salamatAko’y nagagalakPuso’y umiindak

Para akong naiiyak Ang nilikha kong SpoliariumAy binuhusan ng dunongIsang marubdob na mensahengAking kinulayan ng emosyon Sa hilakbot ng kalawakanMay tinig ng kapighatianAwa’t hustisya’y hinihingiTinig ng naaapi LAHAT Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champanNanalo, nagwagi Ang ating kababayan

Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champanWala na, wala naWala na ang champan! Magdiwang! Magdiwang!Magdiwang! Magdiwang!Magdiwang! Magdiwang!Magdiwang! Willkommen BLUMENTRITT Ginoong Jose RizalAking ikinararangalNa kayo ay makilalang personal RIZAL Kami ma’y nasisiyahanHerr Blumentritt na kaibiganNg aming baya’t kayo’y nakamayan BLUMENTRITT Mga kaibigan ko Mula sa kabilang mundoDi ko akalaing kay bata pa nyo

Ang buong siyudad Sa inyo’y nag-aabangSampu ng peryodistang Ibig makipanayam GERMANS Willkommen! Willkommen!Herr Rizal, Willkommen!Willkommen, Herr Jose Rizal

 FILIPINOS Kami po ay karaniwangMga taong simple lamangDi naman dapat pagkaguluhan BLUMENTRITT Mga liham mo sa akinDunong na kaylalim-lalimKay Socrates ay maihahambing JOSE RIZAL Ako man ay humahangaSa iyo, Alemang DakilaNag-aaral ng sarili kong wika

At sa puso ko’t isipanDalubhasa kong kaibiganAsahang di ka lilisan kailanman GERMANS Willkommen! Willkommen!Herr Rizal, Willkommen!Willkommen, Herr Jose Rizal

Willkommen! Willkommen!Herr Rizal, Willkommen!Willkommen, Herr Jose Rizal

Utang VIOLA Tingnan mo ang iyong itsuraIka’y mukhang latang-lataTinakasan na nga yataNg dugo ang iyong mukhaTinamaan na ng salotAng iyong kaluluwaPati na ang iyong anino’yMapanglaw, namumutla Kahit na ika’y dilatTulog ang iyong mga mataMga bulate mo’yAtat na atat na na pumirmaPara kang manggang binuroO puntod na kinalburoAno ba? Ano ba!Ang nangyayari sa yo? RIZAL Mabigat pa kaysa riyanKaibigang MaximoAng sidhing dinaramdam

Sa loob ng dibdib koKailangan ng dagdagNa limangdaang pisoUpang maipalimbagAng sinulat kong libro VIOLA Ang Noli Me Tangere? Hayaan mong ika’y tulunganEto ang tatlong daanDalwang libong kopya rinAng maiimprenta niyan RIZAL Huwag na, huwag na MaximoYan ay perang ipon moHihingi na lang uli akoKay Kuya Paciano VIOLA Wala ka bang tiwalaSa sinulat mong libro?Ako nga ay hangang-hangaSa mga trabaho mo O, Jose RizalNakatitiyak akoPerang pahiram sa iyoAy mababayaran mo Nabasa Mo Na Ba ang Noli? KORO Nabasa mo na ba ang Noli?Nabasa mo na ba ang Noli?Ano ang iyong masasabi Sa Noli Me Tangere?

Masasaktan ang mga frayleMagpuputok ang mga frayleMatitiis kaya nila’ng Nobela ni Jose RIZAL Ano na nga ba ang nangyariSa pinadala ko sa España?VIOLA Ayaw padaanin sa AdwanaKailangan daw munang mabasa HIDALGO Ngunit sa Hongkong dumating naKinakalat ni Jose Basa

JAENA Ang opinyon ko ay wala paE, wala pa naman akong kopya KORO Nabasa mo na ba ang Noli?Nabasa mo na ba ang Noli?Ano ang iyong masasabi Sa Noli Me Tangere? Masasaktan ang mga frayleMagpuputok ang mga frayleMatitiis kaya nila’ng Nobela ni Jose CHENGGOY Liham mula sa isang frayleLaking galit sa iyo Pepe RIZAL (reading letter)Ikaw ay napaka ingratoKung ikaw man ay may reklamo Kami’y hamunin ng harapanDi ka namin tatakbuhanNgunit sa lihim na kamayBaka ka lang mapaslang CHENGGOY Si Regidor nabasa naMula sa Londres ang liham niyaKanyang sarili ay nakita Sa katauhan ni Ibarra Nagkalat ang mga polyetosAng Noli ay binabatikosPagkondena ay labis-labisNi Padre Font at Rodriguez VIOLA Si Del Pilar ay may pangontraPolyetos nila ay kinopyaAng argumento dun sa loobAy wikang Tagalog ARSOBISPO PAYOMula sa unibersidadComite espesyal ay buuinAng Noli ay masusing suriinKung ipagbawal at samsamin HIDALGO Doon sa Bazaar Gran BritañaDoon sa may Escolta

Mayron na ngang mga kopyaNagbebenta na sila PADRE FONT Eskandaloso! Heretico! Hindi lang yan, subersibo!Ang mungkahi ng komite Ay ipagbawal yang Noli Ipagbawal ang importasyonReproduksyon, sirkulasyon BARRENTES Kuro-kuro ng mga personaDun sa kanyang librong madramaAy kuro-kurong walang dudaNa kuro-kuro din niya RIZAL Hindi ang aking pagkataoMga tauhan sa aking libroHindi ako si IbarraAt si Ibarra’y di ako PADRE GARCIA Binasa kong paulit-ulitAng Noli at walang nasilipWalang base kahit ipilitAng kaso ni Padre Rodriguez Ang binatikos ni RizalAbuso ng indibidwalNangangasiwang tauhanHindi mismo ang Simbahan GOV. TERRERO Mga nag-uudyok sa akin Na ikaw daw ay usiginDi ko sila pinapansin Ngunit mungkahi ko’y dinggin Bayan ay muling lisaninBayan ay muling lisanin KORO Nabasa mo na ba ang Noli?Nabasa mo na ba ang Noli?Ano ang iyong masasabi Sa Noli Me Tangere?

Nagngingitngit ang mga frayleNananakit ang mga fraylePumuputok ang butseWala akong paki!

Indios Bravos DEL PILAR Ang lathalaing sariling atinSa wakas ay naimprenta rinReporma ay ating ipamahayagViva! La Solidaridad! Ito ang pahayagangMagsasabi ng totooIhayag sa buong mundo Indio’y hindi utak-tsonggo LAHAT Indios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos! RIZAL Mula ngayon ay manindigan Sa bagong kaisipanJAENA Hah ha! Mga Indiong mabababa Ngayon ay taas-baba DEL PILAR Mga Indiong mabababa Ang bansag na pangutyaRIZAL Bakit di natin gawin itong Bansag na dakila LAHAT Indios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos! RIZAL Mula ngayon di yuyukoTaas-noong nakatayoDEL PILAR Mula ngayon kayumanggi Ay kulay na itatangi JAENA Mas lalo nang ipaglaban Ating angking karapatanAt tayo’y itatanghal Na isang lahing marangal LAHAT Indios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos! 

Indolente RIZAL Kinukutya nila tayoTamad daw ang PilipinoHindi raw aasensoKung hindi magbabago JAENA Ano’ng ugaling babaguhinAng panghamak nila sa ‘tin?Na tayo’y lahing batuganMakupad, puro mangmang RIZAL/JAENA Indolente! Ignorante!Tayo raw walang silbiQue tamad e, que tanga eCochinos indecente! RIZAL Aba’y para namangDios ay kaylupit-lupitLumikha ng lahiNa kaypangit-pangit Aba’y para namangSa kulay lang ng balatAy isusumpa ka naAt di na aangat RIZAL/JAENA Indolente! Ignorante!Tayo raw walang silbiQue tamad e, que tanga eCochinos indecente! RIZAL Dadaganan ka naAt sasakluban paIipitin ka naAt pipilipitin pa Mga doña’y tingnan nyoOpisyales ng gobyernoZapaterong tinyenteAt matatabang frayle RIZAL/JAENA Indolente! Ignorante!Sila ang walang silbiAbusado! Peste! Leche!Cochinos indecente! 

Abusado! Peste! Leche!Cochinos indecente!Abusado! Peste! Leche!Cochinos indecente!

Sa Ulan, Sa Lamig, Sa Lungkot DEL PILAR Eto ang sabaw na mainitGising na Gracing, gising na GracingJAENA Kaysama-samang panaginipUmiinom ako’y di malasing-lasingRIZAL Puro ka biro Gracing DEL PILAR May balita ba sa Maynila?RIZAL Walang pagbabagoKayo, may balita ba kayo?JAENA Natatanggap ko ay puro sulatPuro salita, puro satsat Kumusta, kumusta, kumustaSa liham kaydalas n’yong tinatanongKalagayan nami’y ano naNais nyo bang malaman ang tugon Kaydalas nagdarahopSa gutom ay nanlalambotAng pighati sa puso ay nanunuot TRIO Sa ulan, sa lamig, sa lungkotNakayuko’t nangangatog ang tuhodSa ulan, sa lamig, sa lungkotNaghahanap ng ginhawang masasambot DEL PILAR Kumusta, kumusta, kumustaSa liham kaydalas ninyong binabanggitKatayuan nami’y ano naNais n’yo bang malaman ang pait O kay laking kahihiyanKaibiga’y di malapitanSa lamig, sa lungkot, sa ulan TRIO Sa ulan, sa lamig, sa lungkotMga bulsang walang madukut-dukotSa ulan, sa lamig, sa lungkot

Naglalakad, namumulot kahit upos RIZAL Kumusta, kumusta, kumustaSa liham kaydalas n’yong sinusulatBuhay buhay nami’y ano naNais n’yo bang malamang kaysalat Ang makabagong daigdigNagmimistulang liblibSa lungkot, sa ulan, sa lamig TRIO Sa ulan, sa lamig, sa lungkotNakayuko’t nangangatog ang tuhod Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Naghahanap ng ginhawang masasambot Sa ulan, sa lamig, sa lungkotMga bulsang walang madukut-dukotSa ulan, sa lamig, sa lungkotNaglalakad, namumulot kahit upos Kumusta, kumusta, kumustaHindi sa ayaw naming kayo’y lumihamKumusta, kumusta, kumustaKundi sa ayaw naming ipaalam..

Di Dapat Umibig JAENA Huwag tayong masyadong seryosoSa lungkot huwag patataloDEL PILAR Simple lang ang gamotKung di ka lubhang kuripot JAENA Ang lunas diyan ay pagsintaBakit di ka pa mag-asawaRIZAL Huwag n’yo akong biruinProblema ko’y sapin-sapin Bakit kaylapit sa akin ng pag-ibigDagling naaakit, agad naririnigTawag ng puso ay kaytamis na awitPaulit-ulit, hindi makaidlip MGA BABAE Bakit kaylapit sa akin ang pag-ibigBakit naakit agad itong dibdibPangalan niya ay kaytamis na himigPaulit-ulit, hindi makaidlip

 RIZAL Ako ay nangakong di pagagapiAng hibo ng puso’y isasantabiDi pabubuyo at di palulupigDi patutukso, di padadaig MGA BABAE Bakit kaylapit sa akin ang pag-ibigBakit naakit agad itong dibdibPangalan niya ay kaytamis na himigPaulit-ulit, hindi makaidlip RIZAL Bakit kaylapit sa akin ng pag-ibigDagling naaakit, agad naririnigTawag ng puso ay kaytamis na awitPaulit-ulit, hindi makaidlip MGA BABAE O kaysarap-sarap niyang sumintaWiniwika niya’y kaibang-kaibaPara kang lagi nang sinasambaNapakatangi, napakahalaga LAHAT Bakit kaylapit sa akin ng pag-ibigDusa’t pasakit ang tanging hatidRIZAL Bakit kasi nangakong di iibigDi dapat umibig, di dapat umibig MGA BABAE Di dapat umibig, di dapat umibigDi dapat umibig, di dapat umibigRIZAL Bakit kasi nangakong di iibigNagtarak ng tinik sa sariling dibdib Anong Uring Pagsinta? LEONOR Umalis siyang walang paalamNawala nang kaytagalWalang pasabi, walang lihamIto ba’y pagmamahal Siya pala’y nakabalik naBakit niya nililihimKung ano at nasaan siyaDi man lang iparating Anong uring pagsinta

Anong pag-ibig mayron siyaAnong uring pagsinta Ang naroon sa puso niya Anong uring pagsintaAnong pag-ibig mayron siyaParang mumunting bulaPagsalo’y nawawala Bakit pa ako umaasaUmaasang huwag sanaSana’y huwag na huwag nawaNa ako’y nilimot niya Bakit pa ako umaasaNangangarap nang gisingSa badha ng bituinNa kami’y kami pa rin Anong uring pagsintaAnong pag-ibig mayron siyaAnong uring pagsintaAng naroon sa puso niya Anong uring pagsintaAnong pag-ibig mayron siyaParang mumunting bulaPagsalo’y nawawala Bakit pa nananalangingNaroon pa ang pagsintaBakit di pa harapingSiya ay malayo na Bakit di pa aamininBakit di pa tanggaping Wala na siya, wala na siyaWala na siya, wala na siyaWala na siya, wala na siya..El Filibusterismo SIMOUN Ang aking misyon at hindi pa taposHayaan mo akong makikipagtuosHanda, mas mailap at mas mabagsikKay Simoun si Ibarra ay magbabalik RIZAL Oo, oo, itutuloy koAng makasaysayang kasaysayan ninyoOo, oo, palalalimin koMga tunggalia’t katanungan ninyo 

Saan at paano, kailan at gaanoBakit, kanino at sino ang sinoNobelang ito’y mas ganap, mas buoEl Filibusterismo JAENA Kayhusay, kaypino ng mga talataKaykinis, kayklaro ng mga katagaKaylawak, kaylalim ng iyong pandamaKaytalas, kaytining ng iyong pang-unawa O kayganda, kayhusay na aklatNgunit kulang pa, kulang pa, di pa sapatKung saan hahantong, kung ano ang pasyaKung iniisip mong iisipin nila.. Tiwangwang na tanong, alanganing bugtongAy kapos sa kailangan ng bayan ngayonIkaw ang gabay, ang mitsa, ang hudyatSagutin mo’ng lahat! Sayang Lang ang Laway MGA FRAYLE Mga walang modo, mga walanghiyaTayo pa ngayon ang mukhang masamaMatapos kumita sa ating lupainTayo pa, tayo pa ang mamasamain TAGA-CALAMBANagtaas na naman ang ating buwisTalaga ngang tayo’y lubhang ginigipitKung di raw magbayad, sila’y mang-uusigTayo ay lalayas sa tahana’t bukid MGA FRAYLE Ano’ng hinihintay, kumilos na ngayonMagpatumpik-tumpik di makakatulongIndio’y kastiguhin, bigyan na ng leksyonUpang kilalanin tayong Panginoon RIZAL/JAENA Sayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España bingi, walang tengaSayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España manhid, batong ina JAENA Patuloy na gapos itong FilipinasMga kababayan walang patid ang hirapAno ba ang silbi nitong pagsisikapMeron bang reporma na naipatupad RIZAL/JAENA

Sayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España bingi, walang tengaSayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España manhid, batong ina NENENG Tulungan n’yo kami, mga kababayanFRANCISCO Nilimas nila ang aming kasangkapan

TEODORA / PACIANOAng libro! Ang libro! / Matanda'y igalang!TAGA-KALAMBA Tayong maliliit ang isusunod naman MGA FRAYLE Tagumpay! Tagumpay ang ating misyon Ngayo’y magtatanda sino mang hahamonMalalim ang latay nitong ating leksyonMagsiluhod lahat, kami’y Panginoon RIZAL/JAENA Sayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España bingi, walang tengaSayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España manhid, batong ina JAENA Ang lahat ng hirap meron bang resultaLungkot, pagod, pawis, ito lang ang bunga?RIZAL Sayang lang ang laway, sayang lang ang tintaHalinang magbalot, tayo’y umuwi na!

Hongkong KORO Hongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayoHongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo TEODORA Salamat, sa wakas tayo’y samasamaPamilya’y nabuo, malayo sa dusaRIZAL Pero bakit ako’y binabagabag paTama kaya itong naging pasya KORO Hongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayoHongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo

 FRANCISCO Dumarami na ang iyong mga pasyenteDito sa Hongkong tila maglalagiRIZAL Hindi po Itay, ako po’y uuwiDi matitiis ng aking budhi TEODORA Bakit uuwi? Uuwi saan?Ano’ng uuwian, kaaway langFRANCISCO Wala na ang tahana’t ari-arianKamag-anak, kapitbahay, kaibigan KORO Hongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayoHongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo FRANCISCO Bakit uuwi pa, ligaya’y eto naTahanan, klinika at iyong pamilyaTEODORA Bakit uuwi pa, ano’ng iyong pakayIbig mo na yatang mamatay RIZAL Ano ba ang dapat na katakutanAno ba ang aking kasalananAng akin bang mga sinulatMalayo ba sa katotohanan TEODORA Ang mga frayle ay nasaktanSa sinulat mo, alam mo yan RIZAL Sinulat kong daing dapat lang dingginFRANCISCO Kung Indio’ng humiling ito ay krimen RIZAL Kung España ay may dangal at may baitDi magdadamot, di ipagkakaitTEODORA Buo na’ng isip mo, tumangis man akoAno’ng magagawa ng luha ko KORO Hongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayo

Hongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo RIZAL Ang buhay ko ay naroroonAng puso ko ay naroroonPangarap ko ay naroroonDapat lisanin ko ang Hongkong Narinig N'yo Na Ba? FILIPINOS Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, nagbalik si RizalNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba MGA FRAYLE Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, nagbalik si RizalAno’ng balak ng ating kalabang mortal FILIPINOS Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, nagbalik si RizalLiga’y itatayo, dito iluluwal MGA FRAYLE Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNagbalik si Rizal, kumilos ngayon dinHadlangan ang hangal, balak niya’y puksain FILIPINOS Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baSa Dapitan tinapon nila si RizalPinalalabas na siya’y isang kriminal LAHAT Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baMGA FRAYLE Tayo ay nanaig, tayo’y nagtagumpay LAHAT Narinig n’yo na ba, narinig n’yo ba baFILIPINOS Dapat nang tumindig, dapat nang sumuway! LAHAT (4 times)Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba

Dapitan

 RIZAL Dapitan..Ako ba’y dapat magmukmok Dahil tinapon sa sulokPalulunod sa hinagpisSa lungkot na labis-labis KORO Dapitan..May ilawan sa iyong isipSindihan mo’t maaalisPangungulila sa lamigMga gabi na ligalig Dapitan.. Dapitan.. Dapitan..Sa dibdib mo’y may tahananLigayang mauuwianKung mapadpad kahit saanKahit saan maparaan RIZAL Dapitan..Itatanim sa damdaminSa puso ko’y maghahardinAraw-araw pipitasin Ang iyong ganda Dapitan..Ang iyong buwan at bituinGabi-gabi kwikwintasinAlahas na magniningningSa aking mata KORO Dapitan..RIZAL Pinagtapunan kong Eden KORO Dapitan..RIZAL Kalungin mo’t patahanin KORO Dapitan..RIZAL Kapayapaan mo’y Ikumot mo sa akin KORO Dapitan..RIZAL Kapayapaan mo’y

Ikumot mo sa akin Karaniwang Araw TAGA-DAPITAN Kahit inaantokTama na’ng pahingaAt ang mga manok Ay tumilaok naUmigkas, umigtadLumikwas, lumiyadHumatsing, humikab Kahit nangangatogMag-inat ng brasoSa ginaw ng hamogMagbanat ng butoMagkamot ng katiUminom ng kapeTapos na ang gabi Isa na namang karaniwang arawNg mga karaniwang mortal nitong mundoIsa pa uling karaniwang arawDito sa munting matadhanang pulo RIZAL Magtayo ng poso At ng paaralanTumaya sa lotto At manalo minsanBumili ng lupaMagtanim, kumitaAt magkawanggawa Maglibot, mangalapMag-ikot, tumuklasNg mga halama’t Hayop na likasMakipagsulatanMakitunggalianSa mga kalaban Isa na namang karaniwang arawNg isang karaniwang mortal nitong mundoApat na taong karaniwang arawDito sa mundong bilangguang pulo TAGA-DAPITAN Mag-alaga ng bataLinis, saing, labaMangisda, magsaka At magpaka-amaMagmano sa pari

Mag-abuloy ontiPara di mabigti Kunin ang gitaraUmakyat ng ligawPag nakainom naKumanta, sumayawHanggang sa antukinAng Diyos ay purihinAt nakaraos din.. Sa isa na namang karaniwang arawNg mga karaniwang mortal nitong mundoIsa pa uling karaniwang arawDito sa munting matadhanang pulo RIZAL Gumawa ng gusaling MatutuluyanNg mga panauhing Galing kung saanNgunit maya’t mayaAy magpapakitaSa punong kastila Lumikha ng tula, Magsulat, magbasaGumawa ng talaManggamot ng mataMagluksa, magdusaMalamang patay naAng Leonor kong sinta Isa na namang karaniwang arawNg isang karaniwang mortal nitong mundoApat na taong karaniwang arawDito sa mundong bilangguang pulo TAGA-DAPITAN Minsa’y may dumatingDayuhang pasyentengMay kasamang dilagMaganda, marilagAt hindi nagtagalSiya ay napamahalSumigla si Rizal!

Estranghera sa Munting Pulo RIZAL Di ka kilala ngunit kakilalaDito sa dibdib di ka estrangheraKahit na ngayon lang tayo nagkita

Sa aking mata ay di ka banyagaParang noon pa minahal ka naNasa langit pa iniibig na kita TAGA-DAPITAN Estranghera, EstrangheraAno ba ang iyong dala-dalaEstranghera, EstrangheraAno ba ang iyong pinadarama JOSEPHINE Dito pala sa munting pulo Na kaylayu-layoDito pala naghihintayAng katambal na puso Dito pala sa munting puloSa sulok ng daigdigDito pala nagtatagoAng mailap na pag-ibig Dito pala matatagpuanAng munting tahananNg lagi nang bilog na buwanAt araw na walang hanggan Dito pala humahaponDito pala naroroonParuparong nagtitiponNaglalarong mga ibon RIZAL Tubig na tahimik ay iyong natinagPuso kong tulog napukaw ng liwanagTabing na sagabal iyong hinawiLumang panaginip kinalag ang taliMay kung anong himig na naririnigKay timyas na huni buhat sa dibdib TAGA-DAPITAN Estranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)Dito pala humahapon TAGA-DAPITAN Estranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)Dito pala naroroon TAGA-DAPITAN Estranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)Paruparong nagtitipon 

TAGA-DAPITAN Estranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)Naglalarong mga ibon TAGA-DAPITANDito sa aming munting pulo RIZAL/JOSEPHINEDito pala sa munting puloSa silong ng ulapDito pala mayayakapAng mga pangarap RIZAL/JOSEPHINE Dito pala sa munting puloTAGA-DAPITAN (counterpoint)Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Dito sa dulo ng dagatTAGA-DAPITAN (counterpoint)Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Dito pala makatatagpoTAGA-DAPITAN (counterpoint)Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINENg pagsingtang tapat

Rebolusyon RIZAL Ayaw ko ng himagsikanAng paggamit ng dahasHangga’t sana maiwasanHuwag digmaan ang landas Pighati at kasawianAng maghihirap ay bayanKayraming mauulilaMusmos na kaawa-awa Dahas, galit at pootAng wakas ay anong lungkotKayraming masasangkotMas masidhi, mas sigalot Ang pasyang padalus-dalosAng sa atin ay uubosKung walang kahandaan

Huwag makipagsapalaranIwaksi ang himagsikan! BONIFACIO Ngunit yan ang kailanganKung nais ay kalayaanDadaan sa pagdurusa’t Sakripisyo ang bayan Ito’y di na maiwasanTukoy na ang KatipunanDi man natin kagustuhanSaid na ang dahilan VALENZUELA 'Sa sandata tayo’y kulangMagtimpi,' kanyang sabiMayayamang kababayanDi pa natin kakampi BONIFACIO Ang dangal nati’y ibangonTapang at hindi hinahonAng kasalukuyang hamonNg kasaysaya’t panahonAy Rebolusyon!

Anong Uring Kalayaan? BONIFACIO Ibig mong ang baya’y magisingAyaw mong ikaw ay gisinginIbig mong ang baya’y pumiglasAyaw mong ikaw ay itakas Sa España ika’y nangako’t sumumpaOo na’t ikaw nga’y may isang salitaDatapwa’t alin nga ba ang mas matimbangAng pangako sa España o tungkulin sa bayan Ibig mong ang baya’y humakbangAyaw mong sila’y pamunuanIbig mong hustisya’y igiitAyaw mong ikaw ay madawit Tayo ba’y gagamutin ng sumugat sa atinTayo ba’y mumulatin ng bumulag sa atinTayo ba’y tutubusin ng sa ati’y umalipinAt bigyan ng halaga ng sa ati’y gumahasa Anong klaseng dignidadAnong klaseng katarunganAnong uring prinsipyo’t dangal

Anong klaseng pag-unladAnong klaseng kalayaanAnong uri, anong uri, Rizal? Di ba kaya ng masa dahil di pa handaO dahil sa sila ay ignorante’t dukhaMayayaman kamo ay dapat na kakampiHindi ba’t sila rin ang sa atin ay aapi Anong klaseng dignidadAnong klaseng katarunganAnong uring prinsipyo’t dangalAnong klaseng pag-unladAnong klaseng kalayaanAnong uri, anong uri, Rizal? Pag-ibig sa Tinubuang Lupa KATIPUNEROS Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at sa pagkadakilaGaya ng pag-ibig sa tinubuang lupaAling pag-ibig pa, wala na nga wala Walang mahalagang hindi ihahandogNg may pusong mahal sa bayang nagkupkopDugo, yaman, dunong, katiisa’t pagodBuhay may abuting magkalagot-lagot Hayo na kayo, kayong nangabuhaySa pag-asang lubos na kaginhawaanAt walang tinamo kundi kapaitanHayo na’t ibigin ang inaabang Bayan Kayong mga pusong kusang niyurakanNg daya at bagsik ng ganid na asalNgayon ay magbangon, Baya’y itangkakalAgawin sa kuko ng dayuhang sukaban Kayong mga dukhang walang tanging paladKundi ang mabuhay sa dalita’t hirapAmpunin ang Bayan kung nasa ay lunasPagkat ginhawa niya ay para sa lahat Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at sa pagkadakilaGaya ng pag-ibig sa tinubuang lupaAling pag-ibig pa, wala na nga wala Mabuhay ang Kalayaan!Mabuhay ang Pilipinas!Mabuhay si Jose Rizal!Kamatayan sa España!

Hatol OLIVE Batay sa mga nakasulat na mga dokumentoAt sa mga patotoo ng maraming testigoLumalabas na si Jose Rizal Mercado y Alonso Tirahan: Calamba, LagunaGulang: Tatlumpo’t limaManggagamot at binata, yan ang sabi niya Ay siyang pangunahing tagapag-organisaKataas-taasang pinuno at kaluluwaNg kilusang sa pamahalaan nakikipagdigma DE ALCOCER Sa pagsulat ng Noli Me TangereMGA FRAYLE Kamatayan!

DE ALCOCER Sa pagsulat ng El FilibusterismoMGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa pagiging Mason at ProtestanteMGA FRAYLE Kamatayan!

DE ALCOCER Sa paglait sa relihiyong KatolisismoMGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa makamandag na propagandaMGA FRAYLE Kamatayan!DE ALCOCER Sa pagtatag ng La Liga FilipinaMGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa pagtataguyod ng himagsikanMGA FRAYLE Kamatayan!DE ALCOCER Ang dapat ay kamatayan!MGA FRAYLE Kamatayan! TOGORES Maliwanag na napatunayan ng korteng itoAng mga pagkakasala ng akusadoDon Jose Rizal Mercado y AlonsoSumalangit nawa ang kaluluwa mo 

Maligayang Pasko MGA FRAYLE Maligayang paskoMasayang bagong taonMga bobong IndioKayganda ng panahon Maligayang paskoBago matapos ang taonAng bayani ninyo Ay aming ililitson Magdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanNatalo, nasawi Ang inyong kababayan Magdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanAting ipagbunyi Doon sa Bagumbayan Felices pascuas! Feliz año nuevo!Very merry krismas Mga Katipunero Maligayang pasko Mangmang na FilipinoSino ang magtatanggol Sa tagapagtanggol nyo Yea, Yesss! Anak Ko TEODORA Ang sanggol na yapus-yaposMinahal nang lubus-lubosInalagaan, kinumutanBinugawan ng lamok Ang paslit na akay-akayAng buhay ng aking buhayInawitan, tinuruanUpang inyong mailugmok? Papatayin ang anak koBabarilin ang anak koBakit, bakit, bakit Diyos ko 

Mga punglong kay lulupitItarak sa aking dibdibHuwag na lang, huwag na langHuwag na lang sa aking paslit Tatanggapin ng puso koAng lahat ng pahirap n’yo

Huwag lang saktanHuwag lang saktanHuwag lang saktanAng anak ko

Ultimo Adios RIZAL Ang lahat ng ito, ano ba ang saysayAno ang kapalit, dusa, sakit, lumbayIniwan kong lahat, ang lahat ng mahalSinikil ang pusong inalay sa bayan Ang lahat ng ito, ano ba ang silbiAng tinipon ko ba’y pawang pagsisisiSa lahat ng ito, ano’ng mapapalaBayan kong iiwan, magliwanag kaya Adios Patria adorada, region del sol queridaPerla del mar de oriente, nuestro perdido EdenA darte voy alegre la triste mustia vidaSi fuera mas brillante, mas fresca, mas floridaTambien por ti la diera, la diera por tu bien KORO Paalam Bayang hirang, lupang hitik sa arawPerlas ng Silanganan, aming naglahong EdenLugod kong iaalay lanta’t hapis na buhayNaging mas marilag man, sariwa’t mas mabunga’yHandog man din sa iyo, sa iyong ikagagaling Ensueño de mi vida, mi ardiente, vivo anheloSalud! te grita el alma, que pronto va a partirSalud! oh que es hermoso, caer por darte vueloMorir por darte vida, morir bajo tu cieloY en tu encantada tierra la eternidad dormir Mithi ng aking buhay, adhikang nagniningasMabuhay! hiyaw ng diwang handa nang maglakbayO kay timyas pumanaw, tamis ang kamatayanUpang ika’y mabuhay, maitanghal ka lamangSa iyong sinapupunan malaong hihimlay

 Adios, kapatid, magulang, kabiyak ng aking diwaKababatang kaibigan sa tahanang natangaySa nakakahapong araw, salamat at hihimlay naAdios, dayong magiliw, aking sinta’t ligayaMga mahal paalam, kapahingahang mamatay Adios, padres y hermanos, trozos del alma miaAmigos de la infancia en el perdido hogarDad gracias que descanso del fatigoso diaAdios, dulce extranjera, mi amiga, mi alegriaAdios, queridos seres, morir es descansar Reprise Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baO kayyaman-yaman ng iyong mundoSino ka ba Jose Rizal, sino ka baNapakadakilang pamana mo Jose Rizal, Dr. Jose Rizal (Jose Rizal, Dr. Jose Rizal)Ikaw nga ay bayani ng bayan(Kabayanihang dapat tularan) Nagpunyagi, nakibaka’t namatay(Naging sawi upang kami’y magtagumpay)Upang ang kalayaan mabuhay(At ang aming bansa’y magkamalay) Ngunit sino ka, sino ka baSino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baBuhay na bumuhay sa bayan koSino ka ba Jose Rizal, sino ka baSino ka ngayon sa bansang ito  Hayy natapos din, ehehe