Simulan - lampara.sgp1.digitaloceanspaces.com
Transcript of Simulan - lampara.sgp1.digitaloceanspaces.com
F I L I P I N O 7 – M O D Y U L 1 ( 1 S T Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
Sukatin mo muna ang iyong kaalaman sa ating tatalakaying paksa sa pamamagitan ng pagsagot
learning targets na makikita sa ibaba, punan ng tsek ang kolum ng bago ang aralin na sumasalamin sa
sarili mong kapalagayan, babalikan mo ang pagkatapos ng aralin pagkatapos ang talakayan. Lagyan
ng tsek ang ( ) kung lubos na naunawaan, ( ) kung naunawaan at may nais gawan ng paglilinaw, at
( ) kung hindi lubos na nauwaan.
LEARNING TARGETS
Bago ang aralin Pagkatapos ng
aralin
1. Magagawa matukoy ang kahulugan at kahalagahan ng dula bilang
isang akdang pampanitikan Filipino.
2. Magagawa kong maisalaysay ang buod ng mga pangyayari sa
kwentong nabasa o napakinggan.
3. Magagawa kong magamit ang mga pangungusap na walang tiyak
na paksa sa pag gawa ng isang patalastas.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmiggiedg.wordpress.com
Simulan
Sa araling ito, makakapanood ka ng isang pagtatanghal na nagpapakita ng kaugalian at
paniniwala ng mga taga Mindanao. Kaya sisimulan mo ang araling ito sa pamamagitan ng
paghahayag sa iyong mga nabatid na kaugaliang Mindanaoan sa unang tatlong aralin.
Sa aralin din na ito, layunin mong maunawaan kung paano at bakit nagkaroon ng hidwaan
sa Mindanao buhat pa noong panahon ng mga katutubo hanggang sa kasalukuyan. Inaasahang
masasagot mo ang mga tanong na ito:
Paano nakaaambag sa kaguluhan sa Mindanao ang interes ng iba’t ibang tao sa Pilipinas? Bakit
mahalaga para sa mga Pilipino na alamin at makialam sa usapin ng Mindanao?
2 | P a g e F I L I P I N O 7 – M O D Y U L 1 ( 1 S T Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
PANUTO: Magbalik-tanaw sa mga naunang aralin na iyong isinagawa sa pamamagitan ng pagtugon
sa grapikong pantulong sa ibaba.
Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.
1. Ano ang natatangi sa mga kaugaliang ito kaya’t ito ang higit mong nabatid laban sa iba?
Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano mo nakikitang makabuluhan ang mga kaugaliang ito para sa lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit kailangang mabatid ng mga Pilipino ang mga kaugaliang ito ng mga taga- Mindanao?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ano nga ba ang DULA?
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng
Magandang araw! Ikaw, ay nasa huling bahagi na ng ating modyul, sa bahaging ito mag
babalik tanaw tayo sa mga natutunan mo sa naunang mga aralin. Kung handa
kana magpamalas ng iyong galing, sagutan ng buong husay ang mga nakahandang
Gawain sa ibaba.
TATLONG KAUGALIAAN NG MGA TAGA
MINDANAO NA IYONG NATUKLASAN
Alamin Mo!
Marahil may ilang bagay pang sumagi sa iyong isipan habang kinukundisyon mo ang
iyong sarili sa pag-aaral ng panitikang Pilipino buhat sa Mindanao. Mahalagang maisagawa
mo ang unang dalawang Gawain sa PAGTUKLAS dahil ang bahaging ito ay nag papakita na
lubos mong naunawaan ang kasaysayan ng Mindanao sa tulong ng mga naunang aralin.
Sa bahaging ito haharap ka sa serye ng mga gawaing gagabay, magpapayaman at
susubok sa iyong pag-unawa at pagpapahalaga kaugnay ng dulang Mindanaoan
F I L I P I N O 7 – M O D Y U L 1 ( 1 S T Q u a r t e r ) P a g e | 3
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri
ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang
iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood
na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
BAHAGI NG DULA
Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
SANGKAP NG DULA
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang
suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong
na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng
dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan
ang tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian
sa panig ng mga manonood.
ELEMENTO NG DULA
1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip;
sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid
na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-
interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor
sa iskrip.
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood
Ihanda ang sarili, panooring mabuti ang pagtatanghal ng sayaw na singkil. I-klik ang link na ito:
http://www.youtube.com/watch?v=_qG0bjUxWAk. Sa iyong panonood, kilatisin ang gawi ng
pangunahing mananayaw na lalake at babae sa kanilang pagtawid sa naguumpugang kawayan.Bisitahin
ang iyong LAMPARA at sagutin ang mga pamprosesong tanong kaugnay ng videong napanood.
4 | P a g e F I L I P I N O 7 – M O D Y U L 1 ( 1 S T Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Tara manuod upang Matuto
Panoorin ang dulang Arkat a Lawanen na hango sa mga epikong Darangan ng Mindanao
na itinanghal ng Sining Kambayoka ng Mindanao State University. Ang dulang ito ay may siyam na
bahagi na nagpapakita ng pagkakakilanlan sa kultura at tradisyon ng mga taga Mindanao. Matapos
mapanood ay ihanda ang sarili sa pagsagot ng mga nakahandang Gawain.
ARKAT A LAWANEN
Bahagi 1 http://www.youtube.com/watch?v=y2kWaeDzE70
Ipakikilala sa unang bahagi ang mahahalagang tauhan sa dula at paglalahad ng suliraning
itinakda sa dula.
Bahagi 2 http://www.youtube.com/watch?v=H9Ej0qDmexU
Sa bahaging ito inihayag ni Arkat a Lawanen ang kanyang pananaw ukol sa digmaan. Sa
bahagi ring ito inilahad ang may pakana ng suliranin sa dula.
Bahagi 3 http://www.youtube.com/watch?v=ngwgaLF9WtE
Dinakip ni Ayonan Salindagaw, isang masamang pinuno, si Arkat a Lawanen sa bahaging ito
ng dula.
Bahagi 4 http://www.youtube.com/watch?v=bRFjfe3cPWg
Sa bahaging ito ng dula natuklasan ng mga kapatid ni Arkat a Lawanan at ni Prinsipe
Mabaning ang pagkawala ni Arkat a Lawanen.
Bahagi 5 http://www.youtube.com/watch?v=hrCK7sv2eAc
Napagdesisyunan ni Mabaning na sagipin mula sa masasamang kamay ni Ayonan Salindagaw
si Arkat a Lawanen. Humingi siya ng basbas ng mga diyos at diyosa sa kalangitan.
Bahagi 6 http://www.youtube.com/watch?v=KJvb13SZ7ns
Matutunghayan sa bahaging ito ang epekto ng pagdakip kay Arkat a Lawanen hindi lamang sa
kanyang kaanak at kasintahan kundi pati sa mamamayan ng Bembaran.
Bahagi 7 http://www.youtube.com/watch?v=4ZPvLsbMTVg
Dumating sa Salindagaw si Mabaning sa kanyang paglalakbay upang sagipin ang sinisintang si
Arkat a Lawanen.
Bahagi 8 http://www.youtube.com/watch?v=td3uIOLHr5U
Nagkaharapan din si Mabaning at Salindagaw. Iginiit ni Mabaning na dapat niyang makuha si
Arkat a Lawanen saka nagsimula ang mainit na pagtatalo.
Bahagi 9 http://www.youtube.com/watch?v=4LiQFfRMTHY
Naganap sa bahaging ito ang kasukdulan ng dula, ang sagupaan ng mga mandirigma, at
resolusyon ng suliranin.
Upang lubos mong malaman ang lalim ng iyong natutunan batay sa iyong
napanood na dula, buksan muli ang iyong
LAMPARA sagutan ng buong husay ang gawain 1at 2. Matapos mong gawin ang
mga gawain na akin inihanda ay magpatuloy muli sa pag babasa, upang malaman mo
ang kahulugan ng isang pangungusap at matukoy ang mga halimbawa ng tinatawag na
pangungusap na walang paksa.
Kung handa kana, simulan mo na !
F I L I P I N O 7 – M O D Y U L 1 ( 1 S T Q u a r t e r ) P a g e | 5
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA
Anumang pangungusap o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri bastat may diwa at
mensaheng ipaabot. Itoy maituturing na pangungusap na walang paksa.
URI NG PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
Eksistensyal– may bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng katagang may
o mayroon. Na kahit dalawa o tatlong mga salita ang ginamit may diwang ipinaaabot
Sambitla– ito’y isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasan
isang ekspresyon ang pahayag.
Penomenal– nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang banggitin, may diwa nang
ipinaaabot na sapat upang mabigyang kahulugan ang pahayag.
Pagtawag- ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan ng isang tao ay may sapat na
kahulugang ipinaaabot. Ang tinawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos ang tumawag.
Paghanga– ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga
Pautos– salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot na diwa o mensahe kaya’t di
pwedeng di sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo madiin.
Pormularyong Panlipunan- ito ang mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyon: umaga,
tanghali, gabi.
Mga Halimbawa:
EKSISTENSYAL PAHANGA
SAMBITLA
PADAMDAM
PAMANAHON
PORMULARYONG
PANLIPUNAN/
PAGBATI
May bahaghari.
May masamang
mangyayari
May masamang
mangyayari
Ang ganda mo
talaga.
Kay ganda ng
tanawin.
Ang galing
sumayaw
Huwag!
Hindi!
Ano?
Aray!
Sunog.
Umuulan.
Dumidilim.
Bukas.
Gabi na.
Mabuhay!
Magandang gabi.
Salamat po.
Maligayang pagdating
Mahusay!
Natupad mo na ang inaasahang pagganap sa araling ito. Binabati kita sa iyong
husay sa pagsagot ng mga naunang gawain na aking inihanda . Upang lubos mong
malaman ang iyong natutunan batay sa ating aralin ay buksan muli ang iyong LAMPARA
sagutaan ng buong husay ang gawain 3 . Matapos mong gawin ang mga gawain na akin
inihanda ay magpatuloy muli sa pag sagot sa panapos na Gawain sa pahina 12 ng iyong
modyul. Pagkatapos ay muli mong balikan ang iyong learning targets. Ihanda ang sarili, huminga muna ng malalim. Simulan mo na!
6 | P a g e F I L I P I N O 7 – M O D Y U L 1 ( 1 S T Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
GUIDED GENERALIZATION:
PANUTO: Buhat sa mga akdang Pampanitikan ng mga taga Mindanao na tinalakay, sagutin ang mga
sumusunod na mahahalagang tanong sa pamamagitan ng pagpuno sa mga hinihingi sa talahanayan.
TALAHANAYANG PATNUBAY PARA SA PAGLALAHAT
TANONG TEKSTO 1 TEKSTO 2 TEKSTO 3
Paano maipapamalas
ang pang unawa sa
mga akdang
Pampanitikan ng
mga taga - Mindanao
Pamagat: Kwentong bayan MANIK BUANGSI
Pamagat: Maikling Kwento REGALO
Pamagat: Dula
ARKAT A LAWANEN
Sagot: Sagot: Sagot:
Pangsuportang Detalye Pangsuportang Detalye Pangsuportang Detalye
Dahilan: Dahilan: Dahilan:
Magkakaparehong ideya sa mga dahilang ipinahayag.
Paglalahat
F I L I P I N O 7 – M O D Y U L 1 ( 1 S T Q u a r t e r ) P a g e | 7
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
SANGGUNIAN:
Libro:
Julian et.al. Pinagyamang Pluma Ang Bagong Edisyon Baitang 7. KuwentongBayan: Ang
Munting Ibon. Pahina 17-24
Mercy T. Acosta. (2018 ). Banyuhay 7 . Bulacan : KLEAFS Publishing.
Duzman, R. E. (n.d.). Guzman, R. E. (2018). Yugto 7 Pinagsanib na wika at Panitikan.
Quezon City: the Library Publishing House ,Inc.
Internet:
Mulasa:https://selinemagtibay.wordpress.com/2016/12/01/uri-ng-pangungusap-na-walang-
paksa/
Mulasa:https://philnews.ph/2020/12/26/bahagi-ng-maikling-kwento-halimbawa-at-
kahulugan-nito/
Mulasa:https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-fables-mga-pabula-
lalapindigowa-i-kung-bakit-maliit-ang-beywang-ng-putakti-pabula-ng-maranao_1026.html
------------PAGTATAPOS NG MODYUL 1-------------