Settlement Proposal
description
Transcript of Settlement Proposal
Bago ako magsimula, hayaan nyong aking ipaalala sa lahat na ang batas ay para sa lahat. Sabi nga ni
Alfredo Lim, “The law applies to all or none at all” Ang batas ay wala dapat pinipiling isa, dalawa, or
dalawampung tao man.
Kami ay pumapayag na hindi ituloy sa mataas na hukuman ang kasong harassment kung papaya ang
kabilang panig sa mga sumusunod na kondisyon:
1. Mananatiling nakapark ang isa naming sasakyan sa 3rd Street
2. Alisin ang mga paso na nakakasikip sa parking space
3. Payag kami na hindi alisin ang estante ni Aning basta’t payagan ang aming sasakyang makalabas
ng mapayapa at ng maayos at walang paguusap pa mula sa mga parokyano
Hanggang dito na lamang kami maaring makipayos. Kung hindi papayag ang kabilang panig, narito ang
mga implikasyon ng hindi nila pagpayag
1. Ipapagawa namin ang gaming garahe. Dapat i-clear ang daanan ng kotse. Lahat bawal mag-park
maging 4 wheeled vehicle pati ang mga motor at bisikleta. Pati ang mga sampayan, at mga paso
at pati mga halamang nakakasagabal sa pagpapark ng aming sasakyan sa garahe.
2. Ipapagawa lamang namin ang aming garahe kung ang neighborhood of 3rd Street ay muling
gagawa ng petisyon para mapaalis ang mga sasakyang nakapark sa lahat ng STREET nasasakop
ng Namayan! Nasasaklaw dito ang 4th Street, 3rd Street, 2nd Street, 1st Street, Claro Castaneda
Street, Dona Basilisa Yangco Street at lahat ng street na sakop ng hurisdiksyon ng Namayan.
Dahil hindi nararapat na ang isang implementation ay para sa iisang lugar lamang.
3. Itutuloy naming ang kasong harassment
Kayong mga nasa kabilang panig, tatanungin ko kayo ano ang masgusto nyo?
Ang payagan kaming mag-park ng maayos, at alisin lamang ang mga pasong nagpapasikip sa parking
space at hindi lahat ng paso ni aling nene, at pati ang estante ni Aning ay hindi aalisin ayon sa espiritu ng
pagbibigayan, at kapayapaan ng kaisipan ng bawat isa dahil walang kasong isasampa?
O Mas gusto nyong,
Alisin ang mga kasalukuyang pakinabang sa 3rd Street tulad ng pagaalaga ng mga halaman, ang
pagkakaroon ng kabuhayan, at maging mga tagapanagot sa lahat ng mamamayan ng Namayan na
nagpapark sa mga street ng Namayan. Kasabay pa nito ang mahabang proseso ng pagpunta sa mga
hearings, pagbayad ng iba’t ibang legal fees bukod pa dito ang pagbayad sa ibat ibang damages sakaling
mapatunayang may sala ayon sa sampang ikakaso.
Ibinibigay ko na sa inyo ang pagpapasya.