Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

35
0 University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences Department of Social Sciences Research Report Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ng Serbisyo? POLITICAL SCIENCE 198 Submitted by: FLORES, Ma. Genelyn P. 2008-16925 Submitted to: Prof. Fatima Castillo SS, 2011 - 2012

Transcript of Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

Page 1: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

0

University of the Philippines Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

Research Report

Sangguniang Kabataan,

Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ng Serbisyo?

POLITICAL SCIENCE 198

Submitted by:

FLORES, Ma. Genelyn P.

2008-16925

Submitted to:

Prof. Fatima Castillo

SS, 2011 - 2012

Page 2: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

1

Balangkas ng Nilalaman

I. Introduksyon

II. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura

III. Balangkas ng Pag Aanalisa

IV. Metodolohiya

V. Konsiderasyong Pang-Etika

VI. Mga Resulta

VII. Analysis

VIII. Konklusyon at Rekomendasyon

IX. Bibliyograpiya

X. Appendices

Page 3: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

2

PAGKILALA

Una sa lahat ng aking dapat pasalamatan ay si Papa God na naging dahilan ng

aking pageexist at pananatili sa mundo. Kung hindi niya ako ginawa ay di ako

makakapasok sa UP at di ko gagawin ang pag aaral na ito.

Salamat din sa aking mga magulang na sumuporta sa akin habang ginagawa

ang thesis na ito, sa cup noodles at sterilized milk na binili nyo para saken. At sa

pagpupursige saken na gawin at tapusin ang pag aaral na ito.

Sa mga kapatid ko, sila kuya Martin, kuya Bryan, Lawrence at Ella at kay Gwen

at kay baby Gian na pinapagalitan ako pag di ako gumagawa ng thesis at nakikinig pag

umaarte ako tungkol sa thesis.

Sa maunawain at mapag pasensya kong thesis adviser na si Ma‟am Fatima

Castillo, sobrang salamat po sa pag enlighten saken.

Sa mga kaibigan ko na nakaintindi sa kadamihan ng aking ginagawa kaya di na

nila ako kinukulit gumimik. Babawi ako sa inyo. Wait lang.

Sa mga blockmates ko na masipag na gumawa ng kanilang mga thesis kaya lalo

akong na pressure dahil nakikita ko sa facebook ang mga status nila na hirap na hirap

na sila habang ako ay nagbabasa lang ng sinusulat nila tungkol sa hinaing nilang ito.

Sa mga respondents na masipag na sinagutan ang mga survey ko at interview.

Salamat talaga sa oras na inilaan nyo para sa pag aaral kong ito.

Sa tumulong saken mag survey =”>. Salamat! Lilibre kita bukas ng dinner!

Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Mwahmwahtsuptsup <3

Page 4: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

3

I. Introduksyon

Ayon sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal, “Ang kabataan ay pag

asa ng bayan.” Masasabi natin na ang mga kabataan ay isang mahalagang salik para

sa pag unlad ng bansa sapagkat nasa kanilang mga kamay ang paghubog sa

hinaharap.

Ang ating bansa ay may liderato para sa kabataan na tinatawag na Sangguniang

Kabataan. Ang Sangguniang Kabataan ay organisasyon na kakatawan at maglilingkod

sa mga kabataan, layunin din ng Sangguniang Kabataan na isulong ang interes ng

mga kabataan at gumawa ng mga proyektong makabubuti para sa mga ito.

Ang Sangguniang Kabataan sa ngayon ay nahaharap sa positibo at negatibong

pag-kakakilala. Ang pangunahing tungkulin ng Sangguniang Kabataan ay ang

pagsulong sa kakayahan ng mga kabataan sa pamumuno sa pamamagitan ng

epektibong pagkatawan nito sa mga kapwa kabataan bilang isang youth leader. Nais

ng babasahing ito na tukuyin ang importansya ng Sangguniang Kabataan bilang

epektibong naghahatid ng representasyon sa mga kabataan. Ang pagsasaliksik na ito

ay magpopokus sa pag-alam sa kaluguran ng mga kabataan bilang mga

nakabebenipisyo sa representasyon na inihahatid ng Sangguniang Kabataan.

Importante ang pagtukoy sa kasagutan sa tanong na ito sapagkat dito ay malalaman

natin kung maayos bang naihahatid ng SK ang serbisyo na inaasahan sa kanila ng

mga kabataan.

Page 5: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

4

Pankalahatang katanungan:

Nakabebenipisyo ba ang mga kabataan sa representasyon na inihahatid ng

Sangguniang Kabataan?

Mga ispesipikong katanungan:

1. Paano kinakatawan ng SK ang mga kabataan sa gobyerno?

2. Maayos at epektibo bang maituturing ang pagkinatawan na ito?

3. Sa paningin ng mga kabataan ay epektibo ba nag SK bilang kinatawan ng mga ito?

4. Sa anong batayan masasabing epektibo ang representasyon na ginagawa ng SK?

II. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura

Ang mga kabataan sa pagunlad ng lipunan.

Minsang winika ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na “Ang

kabataan ay pag – asa ng bayan”, patunay lamang ito na mula noon pa man ay may

mataas na ekspektasyon na para sa kakayahan ng mga kabataan at sa mga bagay na

kaya nilang iambag sa ating lipunan. Ayon kay Ban Ki-moon ang secretary-general ng

United Nations “Youth should be given a chance to take an active part in the decision-

making of local, national and global levels.” (British Youth Council [BYC],n.d), nais nila

na bigyan ng pagkakataon na makiisa ang mga kabataan sa pagdedesisyon sa

pamamahala, ito ay sa paniniwala na malaki ang parte na gagampanan ng mga

kabataan dito. Ayon sa konstitusyon ng Ecuador, nakikita nila ang mga kabataan bilang

mga “strategic actors for the development of the country”, nangangahulugan ito na ang

mga kabataan para sa kanila ay mayroong malaking ginagampanang parte sa

pagunlad. Mahalagang makuha ang saloobin ng mga kabataan bilang sila ang mga

magpapatuloy ng mga proyektong isasagawa at mga susunod na lider panlipunan kaya

ngayon pa lamang ay dapat na silang ibilang sa mga hakbanging pangkaunlaran.

Page 6: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

5

Iba’t – ibang mukha ng representasyon sa mga kabataan sa iba’t – ibang panig ng

mundo.

Ayon kay Nutter (Pebrero, 2007), ang representasyon ng kabataan sa

pandaigdigang komperensya na tulad ng sa United Nations (UN) ay sadyang

makabuluhan. Maaaring naroroon ang kabataan dahil siya ay ipinadala ng isang Non

Government Organization (NGO) o dumadalo bilang delegado ng kanyang bansa. Ang

pagdalo ng mga kabataan sa mga malawakang pagpupulong ay nagbubukas sa

kanilang isipan at naghahasa sa kanila sa pagkatawan at pagpapahayag ng mga

layunin at ideolohiya ng kanilang bansa, mula sa perspektibo ng mga kabataan. Sa

murang edad ay nalilinang na ng mga ganitong komperensya ang kahusayan ng mga

kabataan na magpartisipa.

Mula naman sa Norwegian Ministry of Children and Equality (Agosto, 2011), sa

bansang Norway ay binibigyan ng malaking importansya ang kagalingan ng mga

kabataan. Mayroon silang mga batas at proyekto na lilinang sa kakayahan ng mga

kabataan at ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon nila ng mga organisasyon ng mga

kabataan o mga organisasyon na naka – sentro sa mga kabataan na nagbibigay ng

pagkakataon sa mga ito na ipahayag ang kanilang sarili at mapakinggan. Sila din ay

hinihikayat na makiisa sa pagdedesisyon na gagawin sa kanilang mga lokal na

pamahalaan. Isang magandang hakbang ang pagbibigay pansin sa pangangailangan

ng representasyon ng mga kabataan, dahil sa hakbang na ito ay higit na nanaisin ng

mga kabataan na makiisa sapagkat ang pagpapakita ng pamahalaan ng suporta sa

mga kabataan ay patunay na sila ay pakikinggan at hindi mababalewala.

Ang mga kabataan naman ng Morocco ay nagsusumikap sa pakikibaka upang

higit na bigyang pansin ng pamahalaan ang mga kabataan sa pamamagitan ng

pagbibigay ng tiyak na representasyon ng mga ito sa minorya, Siham Ali (Agosto,

2011). Isang mabisang paraan ng representasyon sa mga kabataan ay ang

pagkakaroon ng kumakatawan sa mga ito sa kongreso. Malaking tulong para sa mga

kabataan ang magkaroon ng lider sa minorya na magsusulong ng mga hangarin at

Page 7: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

6

kahusayan ng mga kabataan. Kaya naman ang mga kabataan ng Morocco ay handang

ipaglaban ang kanilang nais na tiyak na pagkatawan sa mga kabataan.

Ang Kabataan Partylist naman sa Pilipinas ay isang patunay na makabuluhan

ang pagkakaroon ng kumakatawan sa mga kabataan, Mayroong tiyak na gaganap sa

pagsusulong sa mga karapatan at pangangailangan ng mga kabataan, tulad na lamang

ng anti-„no permit, no exam‟ bill na ipinasa ng kongreso mula sa initiatibo ni Kabataan

Partylist Rep. Raymond Palatino. (Kabataan Partylist, n.d) Isang mainit na usapin para

sa mga mag aaral sa kolehiyo ang polisiyang „no permit, no exam‟, maraming kabataan

ang tiyak na apektado nito. Ang anti-„no permit, no exam‟ bill naman na isinulong ng

Kabataan Partylist kasama ang mga progresibong organisasyon ng mga kabataang

mag-aaral na agad naman inaprubahan ng minorya ay isang buhay na patunay na ang

boses ng kabataan ay sadyang mabisa, lalo na kung ito ay maayos na nairerepresenta

at ang kumakatawan ditto ay may matuwid na layunin para sa kagalingan ng mga

kabataan.

Pagkilala sa kahusayan ng mga kabataan: ang IYY at IYD

Dahil sa kinikilala ang kahusayan ng mga kabataan sa pakikilahok sa

pamamahala sa iba‟t ibang panig ng daigdig ay nabuo ang tinatawag na International

Youth Day o IYD. Ayon sa United Nations (Agosto, 2011) Ang International Youth Day

ay binuo upang kilalanin ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagunlad.

Kung papaanong ang mga kabataan ay nagtitipon upang bumuo ng magandang

hinaharap.

Kung mayroong araw na kumikilala sa kahusayan at mahalagang papel na

ginagampanan ng mga kabataan sa ating pag - unlad ay mayroon din naman tinatawag

na International Youth Year, kung saan ay isang buong taon na ipagdiriwang ang

pagsisikap ng mga kabataan na isulong ang kapayapaan at pagtagumpayan ang mga

hamon sa kanila. (National Youth Commission [NYC], 2010). Inilarawan din ni Shepherd

(sipi mula sa NYC, 2010) ang International Youth Year na pumapatungkol sa

“pagsulong ng buo at epektibong partisipasyon ng kabataan sa lahat ng aspeto ng

Page 8: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

7

lipunan”. Ang mga pagdiriwang na ito na kumikilala sa naiaambag ng mga kabataan sa

ating pagunlad ay sadyang nagdudulot ng higit na pagpupursige para sa mga kabataan

na makiisa sa mga layunin ng pamahalaan.

Sa makatuwid, ang representasyon ng mga kabataan hindi lamang sa Pilipinas

kundi pati na rin sa iba‟t ibang parte na daigdig ay kinikilala kaya nararapat lamang na

higit itong pagtibayin at paghusayan n gating mga kabataan.

Mga Balakid sa Representasyon ng Kabataan

Ayon sa datos mula sa organisasyong Youth Activism Project (Disyembre, 2010)

ay dalawampu‟t anim na bahagdan (26%) ng populasyon ng Amerika ang hindi

binibigyang pansin sapagkat ang dalawampu‟t anim na bahagdan na ito ng populasyon

ng Amerika ay mga kabataan. Maaaring may mga dahilan kung bakit hindi nabibigyang

pansin ang mga kabataang ito, tulad na lamang ng kakulangan sa representasyon.

Mula sa artikulo noong 2004 ng International Planned Parenthood Federation

(IPPF bilang daglat) ay mayroong tatlong uri o aspeto ng balakid sa representasyon ng

mga kabataan, ito ay maaaring personal, institusyonal at sosyo-kultural. Nakikitang

personal na balakid sa representasyon ang pagiging isang bata, sapagkat ang mga

kabataan ay likas na pabago-bago ang isipan o „ningas – kugon‟ na magaling lamang

sa simula ngunit hindi nakatatapos ng isang gawain. Sinuportahan naman ni Glib (sipi

mula kay Jeffs at Smith, 2011) ang ideyang ito at kanyang sinabi na ang mga kabataan

ay nakapokus lamang sa proseso ng pag gawa ng isang tungkulin at hindi na

binibigyang diin ang resulta ng gawain. Masasabing ang pagiging bata ng isang

indibidwal ay nagiging hadlang sa maayos nitong paghahatid serbisyo o representasyon

para sa mga kapwa kabataan. Ang ikalawang mukha ng balakid sa representasyon

naman ay sa anyo ng institusyon. Ang nakaugalian at dinidikta ng institusyon ay

nagiging sagabal sa representasyon ng mga kabataan, nalilimitahan ng institusyon ang

kakayahan ng kabataan sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga gawain sa mga ito

Page 9: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

8

kung saan ang mga gawain ay hindi lumilinang sa kahusayan ng kabataang lider.

Nakikita din bilang hadlang ang institusyon sa mga pangyayari na hindi nabibigyang

pansin ng kabataang lider ang magkakaibang uri ng kabataang kanyang

pinamumunuan at kinakatawan, tanging ang mga kabataan na nasa „social strata‟ na

kinabibilangan ng kabataang lider ang siyang nabibigyang pansin, karaniwan ang

ganitong tagpo sa lipunan na ang mga nakatatanda ang namimili ng kakatawan sa mga

kabataan at hindi ang mismong mga kabataan. Ang ikatlong anyo ng balakid sa

representasyon naman ay ang sosyo-kultural na aspeto, ayon sa IPPF (2004) ay

nagiging hadlang ang ekspektasyon ng mga tao lipunan sa representasyon ng

kabataan, sa karamihan ng lipunan sa mundo ay inaasahang ang mga kabataan ay

susunod at makikibagay lamang sa mga nakatatanda sapagkat ayon ang itinuturo ng

kanilang kultura. Tulad na lamang ng sinabi ni Cornelio (Enero, 2011) kung saan ay

sinipi na magandang halimbawa ang Sangguniang Kabataan bilang patunay na

nakahahadlang ang kultura at lipunan sa maayos na paghahaatid serbisyo ng

kabataan, dahil sa tinatanggap sa lipunan ang pagkakaroon ng kabataan ng sampung

bahagdan ng kubuang badyet bilang S.O.P. o standard operating procedure ay naging

basehan ito upang lumaganap ang korupsyon sa SK. Nangangahulugan lamang ito na

kung ano ang tinatanggap sa lipunan ay hindi laging tama.

Nakikita din bilang dahilan upang hindi makapagbigay ng maayos na

represesntasyon ang mga kabataan ay ang hindi pagkakaroon ng angkop na modelo o

role models ng mga ito. Walang nagiging maayos na batayan ang mga kabataan kung

papaano ba ang wasto na pagkatawan sa kapwa kabataan na pinamumunuan. Isang

dahilan ng kawalan ng wastong role models ay ang hindi pagkilala ng lipunan sa mga

kakayahan at tagumpay ng mga kabataan. (Hassan, Samater et. al.,2009)

Epektibong Pamamaraan sa Representasyon

Apatnapu at anim na bahagdan (46%) o halos kalahati naman ng populasyon ng

buong mundo ay mga kabataan edad labing-walo pababa. (Youth Activism Project,

Page 10: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

9

2010) Sa mga kabataang ito nakasalalay ang ating hinaharap kaya nararapat lamang

na sila ay ating bigyang pansin.

Ayon sa pag aaral na ginawa sa Africa ng Educational Quality Improvement

Program 3 (EQUIP3) noong 2009 ay sinasabing epektibong pamamaraan upang

isulong ang representasyon at partisipasyon sa mga kabataan ay sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng mga Youth Councils o konseho ng mga kabataan. Kailangan

magkaroon ng mekanismo na maglalayon na isulong ang ikabubuti ng mga kabataan,

mekanismo na kakatawan sa mga kabataan na ang pamunuan ay mula din sa mga

kabataan.

Isang halimbawa ng Youth Council ay ang Sangguniang Kabataan, Ang

Sangguniang Kabataan (SK) ay ang sangay ng local na pamahalaan na namamahala

sa kalinangan ng mga kabataan. Ang pangunahing layunin ng SK ay ang paunlarin ang

pangkalahatang kagalingan ng mga kabataan at upang hasain ang mga kabataan sa

pagpapatupad ng mga programa at stratehiya na naglalayon na magkamit ng wasto,

epektibo, may tiwala sa sarili, at may paninidigang kasapi ng lipunan. Ang Sangguniang

Kabataan ay ang pangunahing kasangkapan ng mga kabataan sa pagkamit ng mga

layuning sektoral. Ang representasyon ng kabataan ay ginwang possible ng

Sangguniang Kabataan.

Ayon sa case study sa iba‟t-ibang Youth Council sa iba‟t ibang parte ng Africa na

nailimbag sa Youth Councils: An Effective Way to Promote Youth Participation ay

binigyang diin kung papaano nakatutulong sa representasyon at partisipasyon ng mga

kabataan ang mga Youth Council na ito. Ilan sa mga ito ay ang Mulago Parish Youth

Council kung saan ang layunin nito ay mag organisa tungo sa pagkakaisa ng mga

kabataan at paglinang sa talento ng mga ito. Ang Mozambique National Youth Council

naman ay naglalayon na maging representante at tagapamagitan ng kabataan sa

pamahalaan. Ang Glocal Youth Parliament naman ay kumikilos upang ang lahat ng

pangangailangan at hinaing ng mga kabataan ay maipaabot sa policy making body at

sa pamahalaan sa paggawa ng mga programa. Layon din nito tipunin ang boses ng

mga kabataan at maging representante ng mga ito.

Page 11: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

10

Ang mga kabataan ay sadyang may masidhing pagnanais sa paglahok sa mga

hakbangin tungo sa pagunlad kaya‟t hindi maaaring sila ay mabalewala.

Ang pagsasaliksik na ito, tulad ng nabanggit ay magpopokus sa pag-alam sa

kaluguran ng mga kabataan bilang mga nakabebenipisyo sa representasyon na

inihahatid ng Sangguniang Kabataan. Importante ang pagtukoy sa kasagutan sa tanong

na ito sapagkat ditto ay malalaman natin kung maayos bang naihahatid ng SK ang

serbisyo na inaasahan sa kanila ng mga kabataan.

III. Balangkas ng Pag-aanalisa

Sa pamamagitan ng Neoliberalismo bilang teoretikal na lundayan ay nagpokus

ang pagsasaliksik na ito sa anyo, porma, at mga kailangan sa wastong representasyon

na ipapamalas ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan. Ipinaliliwanag sa

pagsasaliksik na ito ang kahalagahan ng representasyon sa ating lipunan lalo na para

sa mga kabataan. Ang teoryang Neoliberalismo ay nakatuon sa pagpapahalaga sa mga

indibidwal at mga karapatan nito ngunit hindi isinasantabi ang pang ekonomiyang

aspeto, nararapat pa rin na naroroon ang pang ekonomikong pagkakapantay-pantay.

Alam naman natin kung gaano kahalaga ang representasyon lalo na para sa mga

maliliit na uri at mga kabataan, tanging ang representasyon ang nagiging daan upang

sila ay mapakinggan at mapansin.

Ang representasyon ay inilalarawan bilang pagkilos sa ngalan ng isang tao o

grupo sa pamamagitan ng isa o higit pang kumakatawan. Ayon naman sa panulat mula

sa Michigan State University (n.d) ay laging kaakibat ng salitang representasyon ang

ideya na ito ay politikal. Sapagkat alam naman natin kung gaanong kalaganap sa

mundo ng pamamahala ang kabi-kabilang representasyon.

Isang uri ng representasyon na maituturing ay ang pagpartisipa o paglahok ng

mga kabataan sa mga decision making ng pamahalaan o ng mga institusyon. Ayon sa

United Nations (n.d) ay mahalagang nagkakaroon ang isang bansa ng delegado sa

Page 12: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

11

mga malawakang pagpupulong at pagdedesisyon na tulad ng ginagawa sa asembleya

sa UN upang higit na mahasa ang kahusayan ng isang indibidwal o kabataan sa pag

katawan sa kanyang nirerepresenta.

Isang uri ng representasyon sa mga kabataan ay ang pagkakaroon nito ng mga

kabataang lider na tumutugon sa kanilang pangangailangan at nagsisilbing

tagapamagitan at tagapaghatid ng mga hinaing sa nakatataas na konseho o

pamahalaan. Ang mga kabataang lider tulad ng Sangguniang Kabataan ay naghahatid

ng serbisyo na kailangan ng mga kapwa kabataan. Nakalulungkot man tanggapin

ngunit sa ating bansa ay sadyang mababalewala ang mga kabataan kung walang SK,

tanging mga proyektong tutugon sa nais ng electorate o mga botante na matatanda ang

may importasya. Maswerte na ang isang komunidad na makakatikim ng proyektong

pang kabataan isang beses sa isang taon tulad ng mga summer leagues . Kadalasan

din na hindi isinasaalang alang ang ikabubuti ng mga kabataan pagdating sa decision

making ng konseho o sa mga programa at proyekto na ilulunsad.

Nararapat lamang na ang kakatawan sa mga kabataan ay sadyang may

kakayahan na maghatid ng serbisyo at maging representante ng mga ito. Malaking

responsibilidad ang maging representante ng napakalaking bahagdan ng populasyon

ng mga kabataan, napakaraming ekspektasyon mula sa iyong mga paglilingkuran at

mga kritiko na laging susubaybay sa bawat hakbang na iyong tatahakin. Ang pagpili sa

representante ng mga kabataan ay mayroong mga karampatang alituntunin na dapat

sundin.

Para sa mga nais maging delegado sa United Nations mula sa bansang Germany

ay maaaring maging kinatawan sa pamamagitan ng apat na paraan; una ay ilalahad mo

ay iyong hangarin sa representasyon, pangalawa ay sasagutin ang mga katanungan na

kaugnay sa kahusayan ng kabataan at ang ikatlo ay ang panayam sa opisyal upang

ma-determina ang kahandaan sa pakikipagpalitan ng makabuluhang ideya at ang

ikaapat ay ang pagrepaso sa karanasan ng isang indibidwal (Vyzinkarova, 2010) Na

hindi naman nalalayo sa itinakdang alituntunin ng United Nations (Abril, 2006) kung

saan ay sinasabing bagamat iba – iba ang paraan ng bawat bansa sa pagpili ng

Page 13: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

12

representante ay sinasabi ng UN na nag pagpili sa kakatawan na kabataan ay

kadalasang ginagawa ng National Youth Council ng bawat bansa o maaari din naman

na sa pamamagitan ng aplikasyon na tulad ng nabanggit sa itaas.

Dapat lamang na suriin mabuti ang kakayahan ng kabataan na i-representa ang

kanyang mga kapwa kabataan at dalhin ang pangalan ng kanyang bansa sa

internasyonal na kumbensyon na tulad ng United Nations sapagkat ang mga desisyon

at proyekto na mabubuo ditto ay sadyang may malaking epekto sa bawat kabataan ng

bawat bansa.

Sa representasyon naman sa pamahalaan sa pamamagitan ng Sangguniang

Kabataan ay mayroon din mga ispesipikong batayan upang maging opisyal nito. Dahil

kabataan ang irerepresenta ng SK ay dapat magmumula din ang opisyal nito sa mga

kabataan kaya isa sa mga kwalipikasyon upang maging isang opisyal ng Sangguniang

Kabataan ay dapat may edad na labing-lima o higit pa ngunit hindi hihigit sa labing-

walo. Nararapat na isang Pilipino at naninirahan sa komunidad na nais pagsilbihan ng

hindi bababa sa isang taon. May kakayahang magbasa at magsulat at isang morally

upright na indibidwal.

Ang representasyon ay isang importanteng aspeto para sa mga kabataan. Ito ay

malaking benepisyo na maituturing na siyang natatamasa mula sa Sangguniang

Kabataan. Bilang tungkulin ng SK na kumatawan ng matiwasay para sa mga kabataan

ay nararapat lang na bigyang pansin ang wastong anyo, balakid at iba‟t ibang porma ng

representasyon.

Indikasyon ng epektibong pagkatawan ng SK

Mula sa isang pagaaral na pinamagatang The Impact of Youth Participation in

the Local Government Process The Sangguniang Kabataan Experience (2007) ay

naglahad ito ng mga indikasyon ng epektibong paghahatid serbisyo ng Sangguniang

Kabataan. Ayon dito ay masasabing epektibo ang SK kapag nagagawa ng SK na

Page 14: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

13

makipag-ugnayan sa mga ahensya maging pang lokal man ito o pang nasyunal, basta

at may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa tungo sa pag unlad

ng mga kabataan. Mahalagang isaisip ang kakayahan ng opisyal ng SK na humarap sa

iba‟t ibang uri ng indibidwal.

Epektibo din kapag ang SK ay nagagawang ipatupad ang mga resolusyon o

polisiyang naaayon sa batas na magdudulot ng magandang epekto sa mga kabataan.

Ayon pa rin sa aklat na The Impact of Youth Participation in the Local Government

Process The Sangguniang Kabataan Experience (2007), ang mga opisyal ng SK ay

nakagagawa ng mga ordinansa o resolusyon na makabuluhan at sadyang kapaki-

pakinabang para sa mga kabataan.

Isa pang indikasyon ng epektibong representasyon ng SK ay ang pagsasagawa

nito ng mga programa at polisiya na nakatuon sa pagpapaunlad ng sosyal, political,

ekonomikal, kultural, intelektwal, moral, spiritwal at pisikal na kaganapan ng mga

kabataan. Dapat lamang na nakatuon sa mga kabataan ang mga serbisyong ihahatid

ng Sangguniang Kabataan.

Ayon naman sa Sangguniang Kabataan Constitutions and By-Laws (2001) ay

dapat na magkaroon ng pakikipag ugnayan o madalas na pag – konsulta ang

Sangguniang Kabataan sa iba pang mga organisasyong pangkabataan sa isang

barangay at sa mga nasasakupan nitong mga kabataan o constituents nito kaugnay sa

mga proyektong ipatutupad nito at mga polisiya na nais gawin. Mahalaga na malaman

ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ang saloobin ng kanilang mga

pinaglilingkuran sapagkat ang Sangguniang Kabataan ay representasyon lamang ng

higit na malaking pangkat ng kabataan, ang Katipunan ng mga Kabataan.

IV. Metodolohiya

Layunin ng pag aaral na ito na ma-determina kung sa pananaw ba ng mga

kabataan ay maayos silang naikakatawan ng mga kabataang lider sa katauhan ng

Sangguniang Kabataan. Sinuri ng mananaliksik ang perspektiba ng mga kabataan

patungkol sa paghahatid ng serbisyo ng Sangguniang Kabataan sa kanila. Ang

Page 15: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

14

pagtukoy sa kakayahan ng mga kabataan na parte ng Sangguniang Kabataan na

maghatid ng serbisyo sa epektibong paraan ay maaaring isagawa sa iba‟t – ibang

pamamaraan. Ang metodolohiya ng pananaliksik na ito ay mayroong tatlong parte ; ang

a.) Pangangalap ng mga datos, b.) Pag analisa sa mga datos na nakalap, at c.)

Triangulation. Ang mga metodolohiyang ito ay hindi lamang naka – pokus sa pag sagot

kung papaano titipunin ang mga datos kundi nagpokus din sa mga angulo at isyu na

dapat ma-resolba.

Pangangalap ng mga datos

Para sa isang pananaliksik, dapat muna tukuyin kung ano ang mga datos ang

kakailanganin. Ang mananaliksik ay gumamit ng mga pagkukunang datos sa

pamamagitan ng Key Informant Interviews, Survey at Literature Review para sa pag

aaral na ito.

Para sa unang Data Set na isinagawa ng mananaliksik ay nagsagawa ito ng

panayam sa kasalukuyang pangalawang pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang

Kabataan ng Maynila. Naging madali ang pakikipag - ugnayan ng mananaliksik sa

informant sa pamamagitan ng pag gamit ng internet kung saan ang informant ay mabilis

na sumagot.

Ang pangalawang informant naman na nakapanayam ng mananaliksik ay isang

dating Sangguniang Kabataan chairman, siya ay naglingkod bilang Sangguniang

Kabataan chairman sa loob ng anim (6) na taon, sa kasalukuyan siya ay nasa kanyang

ikalawang termino sa pagiging miyembro ng konseho ng barangay. Mahalaga na

makuha ang perspektiba ng isang nakatatanda na may kaalaman sa mga proseso at

bagay – bagay patungkol sa Sangguniang Kabataan, at bilang isang dating lider ng

Sangguniang Kabataan at kasalukuyang parte pa rin ng konseho ng barangay ay

malaking kaisipan ang maiaambag ng informant2 sa pag aaral na ito patungkol sa

representasyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng Sangguniang Kabataan.

Page 16: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

15

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin napagbibigyan ang kahilingan ng

mananaliksik na pahintulutan sa isang panayam sa taga – pangulo ng Pederasyon

Sangguniang Kabataan sa Pilipinas na siya ding puno ng National Youth Commission o

maging sa Policy Division ng nasabing tanggapan.

Nagsagawa din ang Survey ang mananaliksik sa kalapit na barangay kung saan

ang mga may edad na 17 – 20 o mga kabataang parte ng kasalukuyang Sangguniang

Kabatan ay kinalap. Ang mga kasapi ng Sangguniang Kabataan ay may gulang na 15 –

17 ngunit dahil nasa ikalawang taon na ng panunungkulan ang Sangguniang Kabataan

ay kinalap ng mananaliksik ang mga kabataang may edad 17-20. Mahalaga na mabatid

ang saloobin ng mismong mga hinahatiran ng serbisyo ng Sangguniang Kabataan.

Dapat lamang na sa mga kabataan mismo magmula ang kasagutan kung sila ba sa

kanilang palagay ay maayos na naikakatawan ng Sangguniang Kabataan. Sa kanila

natin malalaman kung maayos bang nagagampanan ng mga opisyal ng Sangguniang

Kabataan ang kanilang tungkulin na irepresenta ang mga kabataan.

Sa survey na ginawa ng mananaliksik ay nagsama din siya ng mga respondents

na hindi botante o miyembro ng Sangguniang Kabataan upang mabatid ang pananaw

ng kabataang hindi miyembro ng Sangguniang Kabataan patungkol sa paghahatid ng

serbisyo ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan. Ang edad ng mga respondents na

ito ay 17 – 20 din.

Dahil sa walang tiyak na bilang ng mga kabataan na may edad 17 – 20 ang

bawat barangay sapagkat ang mananaliksik ay nagsama ng mga kabataang hindi

rehistradong botante ng Sangguniang Kabataan, napagdesisyunan ng mananaliksik na

magsagawa ng quota sampling. Batid ng mananaliksik na mayroon lamang maliliit na

bilang ng populasyon ng kabataan ang mga barangay sa Maynila sapagkat siya ay

isang dating parte ng Sangguniang Kabataan at alam niya na karaniwan lamang sa

barangay sa Maynila ang magkaroon ng maliit na populasyon ng kabataan kaya ang

mananaliksik ay nagsagawa ng survey sa dalawampu lamang na kabataan, botante

man o hindi.

Page 17: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

16

Isa sa mga limitasyon ng pananaliksik na ito ang lugar na nais pag aralan. Ang

pokus ng pananaliksik na ito ay matutuon sa mga Sangguniang Kabataan ng isang

tiyak na barangay sa Maynila, kaya ang pagsurvey ay limitado sa nasabing barangay

lamang. Ang mga barangay sa Maynila ay maliliit lamang kaya ang populasyon dito ay

maliliit lamang din. Sa isang barangay ay marami na ang 50 na bilang ng populasyon

ng mga kabataan at ang rehistrado dito ay kadalasang nasa tatlumpu (30) lamang.

Ang mananaliksik ay naging praktikal sa pagpili ng barangay na pagsasagawaan

ng survey. Bilang ang mananaliksik ay dating SK Chairman ay siniguro nito na ang

barangay na kanyang nais pag aralan ay malayo mula sa barangay na kanyang

tinitirhan at dating pinaglingkuran sapagkat nais ng mananaliksik na maiwasan ang bias

at conflict of interest sa pag aaral na ito. Sinadaya ng mananaliksik na hindi mabatid ng

mga kabataang respondent ang koneksyon niya sa Sangguniang Kabataan.

Mula sa mga nakalap na datos ay ating pag-aaralan ang kakayahan ng mga

kabataang opisyal ng SK na maghatid ng serbisyo sa mga kapawa nito kabataan at ang

pananaw at pagtugon ng mga kabataang nakatatanggap ng benepisyo ng mga opisyal

Sangguniang Kabataan na ating pag aaralan.

Pag – aanalisa ng mga datos na nakalap

Mula sa mga panayam na isinalin (transcribe) at sa mga survey na isinagawa ay

kinuha at nilipon ng mananaliksik ang mahahalagang impormasyon na maaaring

makuha at magamit sa pag aaral na ito. Sa mga na-transcribe na impormasyon ay

nagsagawa ang mananaliksik ng open coding upang makapaglapat ito ng mga saloobin

o kung ano man ang pagkakaintindi at komento nito sa mga detalye na ibinigay ng

respondent sa KII. Nagsagawa din ng cross case analaysis para sa mga datos na

inilahad ng mga respondents sa KII upang mapagtibay at maipagkumpara ang mga

kaisipan na inilahad ng mga impormante.

Pag-trayangula

Page 18: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

17

Tiniyak ng mananaliksik na tanging ang mga datos mula sa mga sagot ng

impormante sa KII na masasabing importante at may diwa lamang ang ginamit sa cross

case analysis sa pag aaral na ito at isinangguni ito sa naunang pagkalap ng mga

kaugnay na literature na isinagawa din ng mananaliksik.

V. Konsiderasyong Pang-Etika

Ang pakilahok ng mga respondents sa pananaliksik na ito ay naging malaking

tulong para sa katuparan ng pag aaral sa epektibong paghahatid serbisyo ng mga

opisyal ng Sangguniang Kabataan. Maaari din ito maging gabay para sa mga opisyal ng

Sangguniang Kabataan upang higit nilang pagbutihin ang kanilang pag-ganap sa

kanilang tungkulin.

Ang paksa, layunin ng pananaliksik, datos na kakailanganin at pamamaraan sa

pananaliksik ay maayos na ipinaliwanag ng researcher sa mga key informant o

respondent sa pamamagitan ng liham. Ang liham ay naglalayon na humingi ng permiso

na paunlakan ng mga respondent ang pagiging parte ng pagsasaliksik na ito.

Sinigurado ng mananaliksik sa kanyang mga respondents naman na ang pagiging

kompidensyal ng mga datos na makakalap ay isasagawa at tanging sa pang

akademikong gamit lamang ang mga datos na kanilang ibinigay.

Ipinaliwanag din ng mananaliksik na ang pagaaral na ito ay hindi sapilitan kaya‟t

ang mga respondents ay malaya na tumanggi o hindi ituloy ang partisipasyon sa

pagsasagawa ng pananaliksik sa oras na kanilang nanaisin.

Handa din na magbibigay ng kopya ang mananaliksik sa mga respondents na

interesado sa resulta ng pananaliksik na isinagawa. Para naman sa mga paglilinaw ay

binigayang diin ng mananaliksik na maaaring makipag-ugnayan ang respondent sa

mananaliksik sa pamamagitan ng mga detalye o mga numero na ibibigay ng

mananaliksik.

Page 19: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

18

Ang pananaliksik na ito ay nagkaroon ng consent form para sa mga respondents

na menor de edad o edad 17 pababa kung saan pati ang lagda ng magulang o

nakatatanda ay hiningi.

VI. Mga Resulta

Mula sa mga isinagawang survey sa mga kabataan sa isang barangay sa

Maynila at pakikipanayam ng mananaliksik sa isang dating SK chairman na ngayon ay

barangay kagawad at pangalawang pangulo ng pederasyon ng Sangguniang Kabataan

ng Maynila ay nasagot ang ating mga katanungan ispesipiko na siyang nagbigay

kalinawan sa pag aaral na ito.

Mga paraan ng pagkatawan ng SK sa mga kabataan

Napag – alaman sa pag aaral na ito na mayroong iba‟t ibang pamamaraan

upang masabing kinakatawan ng mga opisyales ng Sangguniang Kabataan sa

gobyerno ang mga kabataan. Naging pangunahing basehan ng mga kabataan upang

masabing sila ay maayos na narerepresenta ay ang pagsasagawa ng Sangguniang

Kabataan ng mga proyekto na nakatuon sa mga kabataan. Para sa mga kabataan ay

nangangahulugan ito na sila ay napapakinggan sa barangayan kaya‟t nabibigyan ng

mga karampatang badyet upang makagawa ng mga proyektong maka-kabataan. . At

ang madalas na pagkakaroon ng mga proyekto at aktibidad ay ang patunay nito. Nakita

din antin na isang paraan din ng pag representa ng Sangguniang Kabataan sa mga

nasasaklawan nitong kabataan ay ang pagkonsulta nito sa mga kabataan patungkol sa

susunod na mga hakbangin ng SK. Maging ang pagpaparating ng SK ng mga

hinaing,pangangailangan at saloobin ng mga kabataan sa mga pagpupulong sa

barangay ay isa ring porma ng representasyon ng SK sa mga kabataan. May ilang

kabataan din na nagsabi na sila ay kinakatawan ng Sangguniang Kabataan sa

gobyerno sa pamamagitan ng regular na pakikiisa ng opisyal ng SK sa mga

pagpupulong sa barangay.

Table 1

Page 20: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

19

Mga paraan upang maayos na narerepresenta ng SK ang mga Kabataan

Pagkatawan ng SK sa mga pagpupulong sa barangay

Pagsasagawa ng mga proyekto para sa kabataan

Pagkonsulta sa mga kabataan

Pagpaparating ng mga saloobin ng kabataan sa barangay

Paglulunsad ng SK ng mga fund raising para sa barangay

6 (30%) 16 (80%) 8 (40%) 7 (35%) 1 (5%)

Kaayusan at pagiging epektibo ng pagkatawan ng SK sa mga kabataan

Mula sa panayam na isinagawa ng mananaliksik ay masasabing epektibo at

maayos ang pagkatawan na ginagawa ng Sangguniang Kabataan para sa mga

kabataan. Naging patunay dito ang magandang feedback ng mga kabataan sa mga

proyekto ng SK at sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan mismo. Ayon na rin sa isa

nating respondent na isang mataas na opisyal sa pederasyon ng Sangguniang

Kabataan ng Maynila ay “Sa katunayan nga ay ako‟y gusto nang patakbuhin ng iba

naming kapit-bahay na maging Chairman sa susunod na eleksyon dahil sa nakikita

nilang naibibigay sa kanila ang dapat at nagagampanan ko ng maayos ang aking

tungkulin” , ito ay patunay na tiwala ang mga mamamayan sa serbisyo at pagkatawan

ng SK sa kanila.

Ang SK sa pananaw ng mga kabataan

Kung ang pananaw naman ng mga kabataan na hinahatiran ng serbisyo ng SK

ang aalamin patungkol sa kung epektibo ba ang Sangguniang Kabataan bilang

kinatawan ng mga ito ay narito ang tala mula sa survey na isinagawa ng mananaliksik

sa 20 kabataan;

Table 2.

Kaayusan at pagiging epektibo ng pagkatawan ng Sangguniang Kabataan

mula sa pananaw ng mga kabataan

Page 21: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

20

Table 1

Mahihinuha mula sa talang ito na para sa mga kabataan, kasapi man o hindi ng

SK ay epektibo ang Sangguniang Kabataan sa pagkatawan sa kanila. Makikitang lahat

ng kabataang rehistrado o parte ng Sangguniang Kabataan ay sumangayon na

epektibo ang SK bilang kinatawan nila samantalang 28.57 bahagdan naman ng mga

kabataang hindi parte ng SK o 7 mula sa sampung kabataan ang naniniwala din na

epektibo ang Sangguniang Kabataan sa pagrepresenta sa kanila. Makikita din na

mayroong dalawang kabataan o 10 bahagdan ng kabuuang populasyon ng ating

sinurvey ang hindi naniniwala na maayos silang naikakatawan ng SK at isang indibidwal

naman ang hindi niya tiyak kung epektibo ang Sangguniang Kabataan sa pagkatawan

sa mga tulad niyang kabataan.

Batayan na nagsasaad ng maayos na pagrepresenta ng SK

Mula sa mga nabanggit ng mga ininterview na kabataan na mga paraan ng

epektibong pagkatawan ng Sangguniang Kabataan sa kanila, ay iyon na mismo ay

OO HINDI UNDECIDED TOTAL

Kabataang Kasapi

ng Sangguniang

Kabataan (10)

10 (50 %)

0 (0 % )

0 (0 % )

10

Kabataang hindi

kasapi ng SK o

hindi rehistrado (10)

7 (28.57 %)

2 (10 %)

1 (5 %)

10

20

% = F/N x 100

N = (20) kabuuang bilang ng respondents

F = Frequency % = Bahagdan

Page 22: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

21

sapat na patunay na nakapaghahatid ng maayos na representasyon ang SK sa mga

kabataan, sapagkat mga kabataan mismo ang nakapaglalahad ng mga basehan ng

maayos na pagrepresenta ng Sangguniang Kabataan sa mga ito. Ayon sa mga

nakapanayam ng mananaliksik, mula sa unang impormante na dating SK chairman at

kasalukuyang nasa ikalawang termino ng pagiging kagawad ng barangay ay,

masasabing epektibo ang ginagawang representasyon ng Sangguniang Kabataan

sapagkat ang mga kabataang pinagseserbisyuhan at nirerepesenta nito ay maayos na

nakikiisa sa mga proyekto at pagpupulong na isinasagawa ng Sangguniang Kabataan.

Dahil nakikita ng mga kabataan na sila ay hindi naisasantabi ay nagiging masigasig ang

mga ito sa usaping pambarangay. Ayon naman sa isa pang impormante na

nakapanayam ng mananaliksik ay hindi nila inhini-hiwalay ang kanilang mga sarili sa

pagiging parte ng kabataan, “Kami mismo, ang SK council ng aming barangay ay

masasabing parte pa rin ng kabataan. Bilang parte ng kabataan, mas alam namin at

mas maiintindihan namin ang mga gusto at kailangan nilang mga proyekto na pwedeng

maisasagawa ng SK council.” Dahil may pagkakaisa ang mga opisyal ng Sangguniang

Kabataan at mga kabataang pinaglilingkuran ng mga ito ay higit na nagiging epektibo

ang pagkatawan ng SK sa mga ito.

Narito naman ang cross case analysis na isinagawa ng mananaliksik mula sa

kanyang panayam sa mga key informant.

Table 3

Informant 1 Informant 2

Paano masabi na epektibo

ang serbisyo ng

Sangguniang Kabataan

Ang mga aktibidad at

proyekto na kanilang

isinasagawa ay para sa

mga kabataan at ayon sa

batas.

Maganda ang feedback ng

mga nasasakupang

kabataan at tinatangkilik

ang mga proyekto at

aktibidad.

Gaano ka –satisfy ang mga Nagampanan naman ng Masasabi ko na satisfy ang

Page 23: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

22

kabataan sa

representasyon ng SK

maayos ng mga SK ang

kanilang tungkulin na

tumayo on behalf ng

kanyang mga kapwa

kabataan. Sa palagay ko ay

satisfied naman ang mga

kabataan sa serbisyong

yun ng SK.

mga kabataan sa serbisyo

namin, patunay dito ang

respetong ibinibigay sa

amin ng mga kabataan at

ang ngiti sa kanilang mga

mukha.

Sa papaanong paraan

mapagyayaman pa ang

pag katawan ng SK sa mga

kabataan

Sumunod sila sa saligang

batas, kung ano ang

nakasaad sa tungkulin na

simpaan nila ay gampanan

nila ng maigi at huwag

silang matakot manindigan.

Magkaroon ng paninindigan

sa iyong gusting magawa

para sa iyong kapwa dahil

ang mga kabataan ang

dapat na paglingkuran at

wala nang iba.

Sa iyong palagay, sapat na

bang dahilan na kailangan

ng kabataan ng

representasyon upang

mapigilan ang pagbuwag

sa SK?

Sapat na, dahil ang kabataan kapwa kabataan din ang nakakaalam ng damdamin at kabataan din ang dapat tumayo para sa kanila.

Sapat na pero kailangan pa rin patunayan ng SK na kaya talaga naming gampanan an gaming mga tungkulin at responsibilidad ng matapat bilang isang public servant sa murang edad.

Kahalagahan ng Epektibong Representasyon ng SK

Ayon sa aklat na The Impact of Youth Participation in the Local Government

Process The Sangguniang Kabataan Experience (2007) ay limitado lamang o hindi

alam ng publiko ang mga tungkulin ng Sangguniang Kabataan. Kaya ang pagtukoy sa

epektibong pag - katawan ng Sangguniang Kabataan ay magagamit upang maging

positibo ang pananaw ng publiko sa kaugnayan at kontribusyon ng Sangguniang

Page 24: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

23

Kabataan sa ating komunidad at sa mga kabataan. Ang pagpapakita na epektibo ang

representasyon ng SK ay magiging daan upang higit pang tangkilikin ang Sangguniang

Kabataan sa bawat barangay, kasabay ng pagtangkilik na ito ang pakikiisa ng

nakararami sa mga proyekto, polisiya, at programa ng SK. Higit na magiging masigasig

ang mga kabataan sa pakikiisa sa mga organisasyong tulad ng Sangguniang Kabataan.

VII. Analysis

Sa pamamagitan ng pagsasaliksik na ito ay malalaman natin kung ang pagtugon

ba ng mga kabataan tungo sa pagkatawan sa kanila ng Sangguniang Kabataan ay

positbo o negatibo. Malalaman din natin ang mga paraan kung papaano kinakatawan

ng SK ang mga kabataan sa nakakataas na konseho at ang pananaw ng mga kabataan

tungo sa mga pamamaraan na isinasagawa ng SK sa pagkatawan sa mga ito.

Mula sa mga resultang nakalap ay mahihinuha na ang mga kabataan ay

nagtitiwala pa rin sa kakayahan ng kapwa nila kabataan na sila ay ikatawan sa mga

barangayan. Napatunayan ito ng mga datos mula sa mga literatura na kinalap ng

mananaliksik, mga datos mula sa survey na isinagawa at sa mga pahayag ng mga

impormante sa KII.

VIII. Conclusion & Recommendations

Sa kabuuan ay masasabi mula sa pag aaral na ito na ang pangunahing

nakikitang paraan ng mga kabataan na porma ng representasyon sa kanila ng mga

opisyal ng Sangguniang Kabataan, ay ang regular na pagkakaroon ng mga aktibidad at

proyekto para sa kabataan. Ang regular na pagkakaroon ng mga proyektong pang-

kabataan ay patunay na epektibo ang Sangguniang Kabataan sa pagpa – parating sa

mga nakatataas na opisyal ng barangay ng mga nais at pangangailangan ng mga

kabataan. Pangalawang dahilan na nasabi ng mga kabataan na sila ay maayos na

narerepresenta ay ang pagkonsulta sa kanila ng mga opisyal ng Sangguniang

Kabataan patungkol sa susunod na mga proyekto na ilulunsad ng mga ito. Mahalagang

marinig mula mismo sa mga kabataan kung ano ang kanilang mga pangangailangan

Page 25: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

24

upang maayos na mailhad ito ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa nakatataas

na konseho, kaya importanteng malaman ng Sangguniang Kabataan ang saloobin ng

kanilang mga pinaglilingkuran, sa pamamagitan nito ay alam ng mga opisyales ng

Sangguniang Kabataan ang kanilang mga susunod na hakbangin. Naging isang

basehan din upang masabing naikakatawan ng Sangguniang Kabataan ang mga

kabataan ay dahil sa pagpaparating ng SK ng mga hinaing, pangangailangan at

saloobin ng mga kabataan sa mga pagpupulong sa barangay. Sa pamamagitan nito ay

masosolusyonan ang mga problema na idina-daing ng mga kabataan at maibibigay ang

mga pangangailangan ng mga ito.

Kung ang kaayusan at pagiging epektibo naman sa pagkatawan ang ng mga

opisyal ng Sangguniang Kabataan ay mailalagom mula sa mga datos na maituturing na

nakapaghahatid ng maayos na representasyon ang Sangguniang Kabataan sa mga

kapwa nito kabataan. Isang patunay ditto ang patuloy na pagtangkilik ng mga kabataan

sa mga opisyal ng SK at mga proyekto nito.

Ayon na rin sa mga kabataan ay epektibong entity ang Sangguniang Kabataan

upang itaas ang kanilang mga nais at ipaglaban ang nararapat para sa mga kabataan.

Naniniwala ang mga kabataan sa kakayahan ng Sangguniang Kabataan na ikatawan

sila sa barangay.

Ang mananaliksik ay hindi na magsasagawa ng anu pa mang rekomendasyon

kaugnay sa pag aaral na ito.

Page 26: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

25

IX. Pinagkunan (biblio)

Abletez, J.P. (1996). Sangguniang Kabataan: Youth in Service. Philippines: C.C.

Barredo Publishing.

American Psychological Association. Retrieved October 22, 2011, from

http://www.apa.org/monitor/jan03/principles.aspx

British Youth Council, (n.d). Young people and international development.

Retrieved September 2, 2011, from http://www.byc.org.uk/our-

programmes/international/international-youth-representation/young-people-and-

international-development.aspx

Cornelio, M., (2011, January). Youth and Social Accountability Challenge.

Retrieved November 2, 2011, from http://voices.ansa-eap.net/2011/01/youth-

and-social-accountability.html

Educational Quality Improvement Program 3 (n.d.). Youth Councils: An Effective

Way to Promote Youth Participation. Retrieved November 2, 2011, from

http://www.equip123.net/docs/e3-youthcouncils.pdf

Hassan, M., Samater, H. , et. al. (2009). Conference Report and Conclusions on

the London Somali Youth. Retrieved November 2, 2011, from

http://www.geog.ucl.ac.uk/research/mobility-identity-and-security/migration-

research-unit/pdfs/SYDRC%20May%20conference%20report.pdf

Jeffs, T., & Smith, M., (2011, September). The Problem of „Youth‟ for Youth

Work. Retrieved November 2, 2011, from

http://www.infed.org/archives/youth.htm

Kabataan Partylist. (n.d). House passes anti- “no permit-no exam” bill. Retrieved

August 31, 2011, from http://kabataanpartylist.com/blog/house-passes-anti-

%E2%80%9Cno-permit-no-exam%E2%80%9D-bill/

Page 27: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

26

International Planned Parenthood Federation (2004). Setting Standards for Youth

Particicpation. Retrieved November 2, 2011, from

http://www.ippf.org/NR/rdonlyres/DF423C28-F09C-4912-BE27

6C9970354EE5/0/Setstand_YouthPart.pdf

Marsh, D., & Stoker, G. (2002) Theory and Methods in Political Science: Second

Edition (Political Analysis). New York : Palgrave Macmillan.

Local Government Code of 1991, sec.428 chapter VIII. Retrieved November 2,

2011,from http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7160_1991.html

Michigan State University, (n.d.).What is “Representation” Retrieved November

2, 2011, from https://www.msu.edu/course/ams/280/represent.html

National Youth Commission. (2010, September). 12 August 2010-2011 -

International Year of Youth (IYY). Retrieved September 2, 2011, from

http://nyc.gov.ph/whats-new-at-national-youth-commission/nyc-updates/81-

youth/451-12-august-2010-2011-international-year-of-youth-iyy

Norwegian Ministry of Children and Equality. (n.d).Youth Representation.

Retrieved August 31, 2011, from

http://www.norway.ph/aboutnorway/society/Equal-

Opportunities/children/representation/

Nutter, L. (2007, February). Youth representation at the UN. Retrieved August

31, 2011, from http://sustainus.org/agents-of-change-blog/99-youth-

representation-at-the-un

Siham Ali. (2011, August). Moroccan youth push for political representation.

Retrieved September 2, 2011, from

http://www.magharebia.com/cocoon/awi/xhtml1/en_GB/features/awi/features/201

1/08/26/feature-02

SK Functions and Responsibilities. (n.d.) Retrieved March 24, 2012, from

http://www.scribd.com/doc/18178535/SK-Functions-and-Responsibilities-2

Page 28: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

27

Singson, J.F.F. (2001, May). The Primary Role of the Sangguniang Kabataan in

Youth Representation in Local Governments under the Barangay Level. :

Unpublished Master‟s Thesis

United Nations, (2006). A brief Guide to Youth Delegates to the United Nations

General Assembly. Retrieved November 2, 2011,from

http://www.un.org/esa/socdev/unyin/documents/ydguidee.pdf

United Nations. (n.d). On International Youth Day, UN celebrating young people‟s

role in ousting dictators. Retrieved August 31, 2011, from

http://www.un.org/apps/news/story.asp?NewsID=39285&Cr=youth&Cr1

United Nations. (n.d.). Youth Delegate Programme. Retrieved November 2,

2011,from

http://social.un.org/index/Youth/WhoWeAre/Youthdelegateprogramme.aspx

United Nations Children‟s Fund (UNICEF), 2007. The Impact of Youth

Participation in the Local Government Process The Sangguniang Kabataan

Experience. UNICEF - Makati

Vyzinkarova, D. (2010, July), Welcome to the UN Delegates. Retrieved

November 2, 2011,from http://youthdelegates.com/

Youth Activism Project, (2010). Retrieved November 2, 2011, from

http://youthactivismproject.org/?p=1#comment-62

Youth participation and representation in politics: Building a stronger democracy

in Ecuador, (2011, March). Retrieved August 31, 2011, from

http://www.idea.int/americas/ecuador/strong_democracy_ecuador.cfm

Page 29: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

28

XI. Appendices

Consent Form / Letter

Researcher: Flores, Ma. Genelyn P.

Contact Details : [email protected] / +639167485400

Magandang araw po!

Ako po ay isang mag aaral ng Agham Pampulitika mula sa Unibersidad ng

Pilipinas Maynila na nasa ika-apat na taon, na nagsasagawa ng isang pag aaral

patungkol sa kaluguran ng mga kabataan sa representasyon na hatid ng Sangguniang

Kabataan. Mahalaga na mabatid natin ang kaluguran ng mga kabataan sa serbisyong

inihahatid ng SK sapagkat sa pamamagitan nito ay matutukoy natin kung maayos bang

nagagampanan ng SK ang mga bagay na inaasahan sa kanila ng mga kabataan.Dahil

dito ay nais ko pong hingin ang inyong pakikiisa at positibong pagtugon sa nasabing

pag aaral. Kayo po ay magiging malaking tulong sa aking pagsasaliksik. Makasisiguro

po kayo na ang mga impormasyon na inyong ibibigay ay konpindesyal at mananatiling

sa pang akademikong gamit lamang. Maraming Salamat po.

Pangalan: ________________________ (confidential)

Edad: ___

Contact Detail/s : ___________________ (confidential)

Lagyan ng ekis (X)

____ 1. Kinukumpirma ko na aking nabasa ang mga Impormasyon para sa pananaliksik

na isasagawa.

____ 2.Naiintindihan ko na ang aking pagsali sa pananaliksik na ito ay boluntaryo at

maaari kong hindi ituloy ang partisipasyon sa anumang oras na aking nais.

____ 3. Ako ay sumasang-ayon na maging parte ng pagaaral na ito.

____4. Naiintindihan ko na anumang katanungan na hindi ko nais sagutin ay maari

kong iwanang blanko.

Page 30: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

29

__________________________ ________________

Lagda ng respondent Petsa

*Para sa mga menor de edad, Patnubay ng nakatatanda / magulang

____________________________ ________________ ________________

Lagda ng nakatatanda / magulang Relasyon sa Respondent Petsa

sa ibabaw ng pangalan

Page 31: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

30

Personal na Impormasyon

Pangalan: _______________________________

Edad: _______

Barangay na tinitirahan: _________________________

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ikaw ba ay kasapi ng Sangguniang Kabataan?

___ Oo ___ Hindi

*Ipaliwanag kung bakit o bakit hindi sumapi.

________________________________________________________________

____________

2. Bumoto ka ba sa nakaraang halalan ng Sangguniang Kabataan?

___ Oo ___ Hindi

3. Nakikiisa ka ba sa mga proyekto ng SK sa inyong barangay?

___ Oo ___ Hindi

* Bakit?

Page 32: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

31

________________________________________________________________

______________

4. Ano ang mga proyektong inilalatag/ inilatag ng inyong SK?

________________________________________________________________

_______________

________________________________________________________________

_______________

5. Bilang parte ng kabataan, sa iyo bang palagay ay maayos na nagagampanan ng

mga youth leader na SK ang kanilang tungkulin?

___ Oo ___ Hindi

Ipaliwanag ang sagot

________________________________________________________________

_________________

6. Maayos bang narerepresenta ng SK ang mga kabataang tulad mo?

___ Oo ___ Hindi

Page 33: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

32

7. Sa paanong paraan masasabing maayos na narerepresenta ng SK ang mga

kabataan? (bilugan kahit ilan)

a. Pagkatawan ng SK sa mga pagpupulong sa barangay.

b. Pagsasagawa ng mga proyekto na para sa mga kabataan.

c. Pagkonsulta sa mga kabataan ng mga susunod na proyekto na

isasagawa ng SK.

d. Pagpaparating ng mga hinaing at pangangailangan ng mga kabataan sa

nakatataas na konseho o sa barangay.

e. Paglulunsad ng SK ng mga fund raising na nakakatulong sa buong

barangay.

*karagdagan

_______________________________________________________________

________

Maraming salamat sa pakikiisa

Page 34: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

33

Pangalan: ________________________ (confidential)

Contact Detail/s : ___________________ (confidential)

Designation : _______________________

Researcher: Flores, Ma. Genelyn P.

Contact Details : [email protected] / +639167485400

Magandang araw po!

Ako po ay isang mag aaral ng Agham Pampulitika mula sa Unibersidad ng

Pilipinas Maynila na nasa ika-apat na taon, na nagsasagawa ng isang pag aaral

patungkol sa kaluguran ng mga kabataan sa representasyon na hatid ng Sangguniang

Kabataan. Mahalaga na mabatid natin ang kaluguran ng mga kabataan sa serbisyong

inihahatid ng SK sapagkat sa pamamagitan nito ay matutukoy natin kung maayos bang

nagagampanan ng SK ang mga bagay na inaasahan sa kanila ng mga kabataan.

Nais ko po sana kayong makapanayam bilang isang key informant, naniniwala

ako na ang inyong kaalaman ay magiging malaking tulong sa pag sagot sa mga

katanungan sa pag aaral na aking isinasagawa.

Ang inyong pakikiisa at positibong pagtugon sa nasabing pag aaral. ay magiging

malaking tulong sa aking pagsasaliksik. Anumang araw na inyong nanaisin magpa-

interbyu ay aking ikatutuwa. Makasisiguro po kayo na ang mga impormasyon na inyong

ibibigay ay konpindesyal at mananatiling sa pang akademikong gamit lamang.

Kung inyo din pong nanaisin ay ikatutuwa kong bigyan kayo ng kopya ng resulta

ng pag aaral na aking isinasagawa. Kalakip din po ditto ang kopya ng mga katanungan

na aking gagamitin sa panayam.

Maraming Salamat po.

Ako si _______________________________ ay sumasangayon na makiisa sa pag

aaral na ito bilang isang key informant at sumasangayon na irekord ang panayam.

Page 35: Sangguniang Kabataan, Gaano ka-epektibong nakapaghahatid ...

34

Key Informant Interview Questions

(Kung nararapat at inyong pauunlakan ay maari akong magkaroon ng mga follow up na

katanungan upang higit na malinaw ang mga kasagutan).

1. Sa papaanong paraan masasabi na epektibo ang paghahatid serbisyo ng isang

pampublikong tagapaglingkod (public servant)?

-Epektibo ba ang paglilingkod ng SK? Paano nasabi ito?

2. Epektibo ba ang representasyon ng SK sa mga kabataan? Ano ang basehan

upang masabing epektibo ang representasyon ng mga kabataan sa katauhan ng

SK?

3. Gaano ka-satisfy ang mga kabataan sa serbisyo ng SK?

4. Bukod sa kasalukuyang ginagawa ng mga opisyales ng SK, ano pa ang

tungkulin ng SK na dapat isagawa o ihatid para sa mga kabataan?

5. Sa papaanong paraan ma-enhance ang pagkatawan ng mga SK sa kabataan?

6. Sapat na bang dahilan na kailangan ng mga kabataan ang representasyon sa

upang mapigilan ang pagbuwag sa SK?