Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

18
SALIGANG BATAS NG NASA-DCMI NAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORS AT DRIVERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC. PREYAMBULO Kami na mga kasapi ng NASA-DCMI, samahan ng mga mamamayang tsuper at operator na may ruta-Alabang, Cupang, Buli, Sucat ay nagbibigkis upang katawanin ng aming samahan ang pangkarapatang kagalingan at pangkabuhayan ay pinagtitibay ang saligang batas na ito. Artikulo I Pangalan at Tanggapan NASA-DCMI,(Nagkakaisang Samahan ng mga Dyipni Operators at Drivers ng Cupang Muntinlupa Inc.) ang pangalan ng aming Samahan na matatagpuan sa Montillano St., Estrelita Compound Alabang Muntinlupa City. Artikulo II Layunin at Adhikain Layunin ng pagtatag nito ay upang maging behikulo ang samahan para sa pagpapabuti ng aming pang kabuhayan, para sa aming pamilya at gayon din makatulong sa kaayusan ng ating Pamayanang Lokal ng Alabang at Municipal lungsod ng Muntinlupa sa pagsasaayos ng mga trapiko at pagiging disiplinado ng mga pasahero sa tamang sakayan tungo sa kanilang destinasyon batay sa aming ruta. Artikulo III Kasapi sa Samahan Seksyon 1 Ang mga Driver na may kaukulang membership form sa samahan NASA-DCMI Seksyon 2 Ang bawat kasapi ay marapat na magbayad ng membership fee at butaw sa pagsapi ayon sa itinakda ng Art.- VI Seksyon 3 Ng Saligang Batas na ito; at patuloy ng magbabayad ng butaw batay sa mga resolusyong napagkakaisahan.

Transcript of Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

Page 1: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

SALIGANG BATAS NG NASA-DCMINAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORS AT DRIVERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC.

PREYAMBULOKami na mga kasapi ng NASA-DCMI, samahan ng mga mamamayang

tsuper at operator na may ruta-Alabang, Cupang, Buli, Sucat ay nagbibigkis upang katawanin ng aming samahan ang pangkarapatang kagalingan at pangkabuhayan ay pinagtitibay ang saligang batas na ito.

Artikulo IPangalan at Tanggapan

NASA-DCMI,(Nagkakaisang Samahan ng mga Dyipni Operators at Drivers ng Cupang Muntinlupa Inc.) ang pangalan ng aming Samahan na matatagpuan sa Montillano St., Estrelita Compound Alabang Muntinlupa City.

Artikulo IILayunin at Adhikain

Layunin ng pagtatag nito ay upang maging behikulo ang samahan para sa pagpapabuti ng aming pang kabuhayan, para sa aming pamilya at gayon din makatulong sa kaayusan ng ating Pamayanang Lokal ng Alabang at Municipal lungsod ng Muntinlupa sa pagsasaayos ng mga trapiko at pagiging disiplinado ng mga pasahero sa tamang sakayan tungo sa kanilang destinasyon batay sa aming ruta.

Artikulo IIIKasapi sa Samahan

Seksyon 1 Ang mga Driver na may kaukulang membership form sa samahan NASA-DCMI

Seksyon 2 Ang bawat kasapi ay marapat na magbayad ng membership fee at butaw sa pagsapi ayon sa itinakda ng Art.- VI Seksyon 3 Ng Saligang Batas na ito; at patuloy ng magbabayad ng butaw batay sa mga resolusyong napagkakaisahan.

Seksyon 3 Ang sino mang kasapi ay may karapatang kusang tumiwalag sa samahan, magiging pormal lamang ang pagtitiwalag ng isang kasapi matapos nitong magsumite ng nakasulat na dahilan na ihahayag sa at aprubahan ng komiteng tagapagpagganap, simula sa araw ng kusang pagbibitiw ay inaalis ng samahan ang anumang proteksyon o benepisyo mula sa Samahan ang nasabing kasapi.

Artikulo IVMga Karapatan, at tungkulin ng Kasapi

Seksyon 1 Ang mga karapatan ng mga kasapi ng NASA-DCMIa. Dumalo at lumahok sa mga pulong at aktibidad ng samahan

Page 2: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

b. Lumahok sa paggawa ng mga desisyon, magmungkahi ng opinyon para sa mga kinauukulang mga komite batay sa tamang pamamaraan

k. Lumahok sa halalan at mahalal sa mga responsableng posisyon sa samahan.

Seksyon 2 Tungkulina. Ipatupad at tumupad sa Saligang Batas, mga Patakaran at

polisisya, na pinagkaisahan ng Samahanb. Ipalaganap ang layunin ng samahan sa kasamang kasapi at sa

mamamayang sineserbisyuhan ng ating Samahan batay sa ating hanapbuhay

k. Magbayad ng kaukulang pinansyang ipinatutupad ng Samahan “butaw o anumang kahalintulad na singilin na nakakatulong sa ating Samahan, hal. Ang pinansya para sa renta ng Terminal

Artikulo VPagtiwalag sa Kasapi

Seksyon 1 ang sinumang kasapi maaring itiwalag o ipawalambisa ang pagiging kasapi kung mapatunayang makagawa ito ng malubhang paglabag sa Saligang Batas; Patakaran at Tungkulin ng NASA- DCMI.

Seksyon 2 Ang sino mang opisyales ay maaaring itiwalag batay sa mga malulubhang paglabag na makakasira sa Samahan.

Seksyon 3 Ang Komiteng Tagapagpaganap ng NASA- DMCI ang tatanggap sa kasong isinasampa sa kasapio opisyales upang magsiyasat at sa proseso ng pagdinig ng kaso para kinauukulang kapasyahan.

Artikulo VIPananalapi

Seksyon 1 Ang NASA-DCMI ay pangunahing aasa sa sarili nitong pagsisikap upang makapagpasulpot ng pondo para tustusan ang mga pangangailangan nito. Sisinupin nito ang lahat ng pinansya at rekurso upang matugunan ang mga pangangailangang gastusin habang binabantayan ang anumang kalabisan sa gastusin ng samahan, sa pangangalaga ng ingat yaman

Seksyon 2 Ang pananalapi ng NASA-DCMI – pangunahing manggagaling sa butaw sa pagsapi, regular na butaw, singil sa bawat takbo, proyektong pampinansya at mga kontribusyon. Ang pondo ng Samahan ang pangunahing gagamitin sa mga gastusin sa pamamalakad, pagsasaayos ng dokumento at ibang transaksyon na may kaugnayan sa Samahan

Seksyon 3 Ang butaw sa pagsapi o memebership fee ay babayaran ng isang beses lamang na nagkakahalaga ng batay sa mga suusunod:A) Operator’s fee------------ P 5,000

Page 3: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

B) Drivers fee ---------------P 1,000 C) Transfer of Ownership --- P 1,500 D) New Unit Alabang / Sucat Franchise 10,000

Seksyon 4 Ang samahan ay maaaring maglunsad ng mga proyektong pampiyansa bilang karagdagang pondo na pantustos sa pamamalakad ng samahan.

Seksyon 5 Ang pinansya ay maaari ring makapangalap sa anyo ng solisitasyon, salapi man o kagamitan mula sa mga individual, basta’t kusang ipagkakaloob sa samahan na walang anumang kapalit.

Seksyon 6 Ang pagpapalabas ng pananalapi ng samaham ay nararapat na may pahintulot ng lupon, lalo’t higit kung malaking halaga. Ang paglabas ng maliit na piyansa ay maagap na ipaaabot sa lupon at ihanda ang mga kaukulang dokumento sa pinag gamitan.

Seksyon 7 Lahat ng tseke na ilalabas o iwinidraw ng samahan ay marapat na lagdaan ng alinman sa mga sumusunod: Pangulo, Pangalawang Pangulo, Ingat Yaman, Taga-suri

Artikilo VIIKongreso / Assembliya

Seksyon 1 Ang Pangkalahatang Pulong o Assembliya ang pinakamataas na tagapasya ng mga patakaran, programa at plano na binubuo ng mayora ng kasapian nito. (Officer of Member).

Seksyon 2 Ang Asembliya ang nagpapatibay ng mga panukalang inihahayag ng sino mang deligado o lupon hinggil sa mahahalagang usaping kaugnay sa mga plano at patakaran.

Seksyon 3 Magdaraos ng Asembliya o Pangkalahatang pulong 2 beses sa isang taon na pangungunahan ang pulong ng Pangulo at mga Opisyales.

Seksyon 4 Maaring maglunsad ng pangkalahatang pulong labis sa 2 beses batay sa pangangailangan pag sasaayos ng anumang usapin na susulpot.

Artikulo VIIILupon o Komiteng Tagapagpaganap

Seksyon 1 Ang Komiteng Tagapagpaganap ang siyang pangunahing magpapatupad ng magtitiyak sa mga patakaran, plano, at programa na pinagtibay ng Asembliya o General Meeting.

Seksyon 2 Ang Komiteng Tagapagpaganap ay bubuuin ng mga Pangulo, Pangalawang Pangulo, Kalihim, Ingat Yaman, Tagasuri, P.R.O.

Seksyon 3 Ang Komiteng Tagapagpaganap ay ang kapangyarihang humirang o mag- appoint ng kapalit sa mababakanteng posisyon na pagtitibayin ng Komiteng Tagapagpaganap at lupon ng Direktor.

Seksyon 4 Ang Komiteng Tagapagpaganap ay regular magpupulong minsan isang buwan o mas madalas kung kinakailangan lalo’t higit kung hindi makakapagpulong ang Lupong Tagpagpaganap (EB).

Page 4: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

Artikulo IXLupon ng mga Direktor

Seksyon 1 Ang lupon o Board of Directors ito ang nag-aaral / tagapagbalangkas (Board Resolution) ng mga patakaran, polisya, o anumang mga mungkahi para sa kaayusan ng samahan sa kanilang pangkabuhayan at ito’y pararatipikahin sa pangkalahatang kapulungan o kasapian.

Seksyon 2 Ang Mga lupon o BOD ang katutuwangin ng mga nasa lupong tagapagpaganap sa pangangasiwa sa mga komiteng bubuuin, para gumanap ang samahan batay sa kani-kanilang tungkulin na dapat ipatupad ng mga bawat komite.

Artikulo X

TUNGKULIN NG PAMUNUAN

Seksyon 1. Ang taga-Pangulo ang punong opisyal ng NASA-DCMI, Siya ang upisyal na kinatawan at tagapagsalita. Siya ang magpapatawag at nagpapatakbo ng mga pulong at deliberasyon ng Komiteng Tagapagpaganap at mga kasapi ng lupon o Board Member.

Ang taga-pangulo ng NASA-DCMI ang siyang taga-pagdaloy ng pulong na isasagawa ng samahan.tagapagtiyak din ito na naipapaatupad ng Lupong tagapagpaganap ang anumang kaisahan na nilalaman ng Saligang Batas.

Seksyon 2. Ang Pangalawang Tagapangulo ay gagampan bilang Tagapangulo kung ang huli'y hindi makarating Sa anumang Pulong, magkasakit, magbitiw sa tungkulin odi makagampan sa kanyang tungkulin. Maaari siyang bigyan ng ibang tungkulin o trabaho ng Komiteng Tagapagpaganap,

Ang Pangalawang Tagapangulo ang magiging kalihim ng Komite sa pangangasiwa ng samahan.

Seksyon 3. Ang Kalihim o secretary ang mangangasiwa sa mga mahahalagang dokumento na kailangan at gamit ng Samahan. Siya rin ang mag-iingat at magtatala ng lahat ng rekord, kasulatan, at katitikan ng pulong ng asembliya at Komiteng Tagapagpaganap.

Seksyon 4 Ang Ingat-yaman ang mangangalaga sa pondo, pananalapi at mga Pag-aari ng NASA-DCMI siya ang mangangasiwa sa

Page 5: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

Pagtanggap at paggasta ng pondo, at magtatago ng rekord ng lahat ng transaksyong pampinasya ng organisasyon. Mag-uulat siya minsan isang beses kada ika.anim na buwan hinggil sa pampinasyang kalagayan ng organisasyon sa Komiteng Tagapagpaganap at asembliya.

Ang Ingat-yaman ay tatayo rin bilang Kalihim. ng Komite sa Pinansya at Gawaing Sosyo-Ekonomiko siya rin ang mangangasiwa Sa pag-aaral sa at paglulunsad ng mga proyekto hinggil sa gawaing sosyo-ekonomiko.

Seksyon 5. Tagasuri o Auditor Magsagawa ng palagian pagsusuri sa kalagayang pampinansya, o pansamantalang pag-uulat sa pananalapi ng samahan. Magsumite sa lupon ng na-uulat na panalaping kalagayan ng Samahan. Gumampan ng iba pang tungkulin na iaatang ng lupon.

Artikulo XIHalalan

Seksyon 1 Ang regular na halalan ay idaraos tuwing pangalawang taon. Tuwing Nov.na ika lawang taon mula sa pagkakahalal ng pamunuan.

Seksyon 2 Ang halalan ay inaanunsyo 30 araw bago dumating sa takdang araw ng halalan.

Seksyon 3 Magbubuo ng komisyon sa halalan na binubuo ng 3 kagawad na hihirangin ng Lupong Tagapagpaganap at iraratipika ng konseho a. Magbubuo ng mga patakaran sa halalan. Sino-sino ang

nararapat mahalal.b. Sino-sino ang nararapat na hahalal.k. Kailan at Saan

Seksyon 4 Ang kasapian ay maaring magpatawag ng dagliang eleksyon o halalan sa pamamagitan ng petisyon para sa halalan na nilagdaan ng mahigit kalahati 50% ang bilang mg kasapian.

Artikulo XII Pagtitiwalag sa kagawad na may Katungkulan

Seksyon 1 Ang sinumang kagawad o pamunuan ay maaring itwalag sa posisyon batay sa isa o ilan sa mga sumusunod na kadahilanan:

a. Malubhang paglabag sa saligang Batas na ito.b. Paglustay at walang pahintulot na pagamit ng pondo ng samahanc. Pag-abandona ng mga gawain bilang inihalal na opisyasesd. Pagsasagawa ng mga desisyon at aksyon upang malagay sa

panganib ang samahan at mga kasapi nito.

Page 6: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

Seksyon 2 Ang isasampang kaso ng pagtititwalag ay kailangan susugan ng dalawamput limang porsyento (25%) ng kasapian.Seksyon 3 Ang taga-pangulo ay mag-aapoint ng investigating committee na binubuo ng 5 kagawad mula sa hanay ng Lupon, isusumite ang resulta ng imbestigasyon sa kapulungan ng pamunuan para sa pagdedesisyon sa kaso.

Seksyon 4 Sa kalagayang kung ang pangulo ang siyang sinampahan ng kaso ang kasunod na pinakamataas na upisyal ang siyang magtatalaga ng mga kagawad ng komite para sa pag-iimbestiga at gayon din ang proseso sa seksyon 3 ng artikulong ito.

Artikulo X111Pagtitibay at Pagkakabisa

Seksyon 1 Ang Saligang Batas na ito ay magkakabisa matapos Pagtibayin ng Asimbleya ng Nagkakaisang Samahan ng mga Dyipni Operators at Draybers ng Cupang Muntinlupa Inc.

Seksyon 2 Pinagtitibay nagayong ika- ____ ng ___________, 2007 Sa Montillano St.Estrellita Compound Alabang Muntinlupa City.

CERTIFIED CORRECT:

______________________________ Secretary

ATTESTED BY:___________________________ President

Page 7: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

LIST OF MEMBERS1.FELIPE MEDINA2. DANTE DATAY3.GOMER PAGSISIHAN4.DAVID CONSTANTINO5.EDGARDO DIMAYUGA6.JOSE RIANZORY7.ROBERTO PROTACIO8.JOEY MARTINEZ9.FERDINAND YATOR10.DICK BUNYI11.OSCAR DIAZ12.ARNOLD REYES13.CESAR MANUNDO14. FERNANDO BACORDO15.BONIFACIO SESMA16.FROLIN LARA17.RODEL MAGTIBAY18.MEL MADARANG19.ROGER TAMAYO20.ANTONIO MERY21.MANUEL NAZ22.SIMEON ACOBE23.LINO ELY24.ROBERTO RAYMUNDO25.DARWIN CALIMUTAN26.JESUS SOLOMON27.RICARDO BAGADIONG28.HERMIN CARIAGA29.BIEN TADLIP30.JERRY BALASARAS31.ADEL TOLENTINO32.DANTE MARANAN33.LEANDRO ANAM34.FRANCISCO LUCENA35.RUEL LOPENA36.ARNOLD PEREZ37.RICARDO PIL38.EMERD GONSALES39.NICK MANALO40.JESUS TADLIP41.NORBERTO GALSIM42.ALLAN FARAON43.MOISES ILAO44.FLORENCE LORICA

Page 8: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

45.RODOLFO SALUD46.ALFREDO RONGAVILLA47.MELCHOR MONTIL48.EDUARDO PRADO49.BONG REPONTE50.RIC FONTAMILLAS51.BAYANI PILAR52.GERMAN DE LA CRUZ53.MARIO CEMA54.BERNARD MOLDEZ55.GERARDO RONGAVILLA56.ALDWIN LOPENA57.GEORGE CALFO58.ENRICO UNISA 59.VITO LICUP.

Page 9: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

This is to certify this copy of attendance of the General membership Meeting of

NASA-DCMI, held last November 10, 2007 at Montillano St.Estrellita

Compound,Alabang Muntinlupa City.

This day ____ of _________________, 2007

Certified true and correct;

Francisco C. LucenaSecretary

Attested by:

Ruel L. LopenaPresident

NAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORSAT DRAYBERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC.

(NASA DCMI)“PAGKAKAISA para sa kaunlaran at DISIPLINA ng bawat isa”

Page 10: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

This is to certify this copy of Minutes of Meeting of the General membership

Meeting of NASA-DCMI, held last November 10, 2007 at Montillano St.Estrellita

Compound,Alabang Muntinlupa City.

This day ____ of _________________, 2007

Certified true and correct;

Francisco C. LucenaSecretary

Attested by:

Ruel L. LopenaPresident

NAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORSAT DRAYBERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC.

(NASA DCMI)“PAGKAKAISA para sa kaunlaran at DISIPLINA ng bawat isa”

Page 11: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

This is to certify this copy of List of Officers of the General membership Meeting

of NASA-DCMI, held last November 10, 2007 at Montillano St.Estrellita

Compound,Alabang Muntinlupa City.

This day ____ of _________________, 2007

Certified true and correct;

Francisco C. LucenaSecretary

Attested by:

Ruel L. LopenaPresident

NAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORSAT DRAYBERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC.

(NASA DCMI)“PAGKAKAISA para sa kaunlaran at DISIPLINA ng bawat isa”

Page 12: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

This is to certify this copy of General Membership Resolution of the General

membership Meeting of NASA-DCMI, held last November 10, 2007 at Montillano

St.Estrellita Compound,Alabang Muntinlupa City.

This day ____ of _________________, 2007

Certified true and correct;

Francisco C. LucenaSecretary

Attested by:

Ruel L. LopenaPresident

NAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORSAT DRAYBERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC.

(NASA DCMI)“PAGKAKAISA para sa kaunlaran at DISIPLINA ng bawat isa”

Page 13: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

This is to certify this copy of List of Members of the NASA-DCMI.

This day ____ of _________________, 2007

Certified true and correct;

Francisco C. LucenaSecretary

Attested by:

Ruel L. LopenaPresident

NAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORSAT DRAYBERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC.

(NASA DCMI)“PAGKAKAISA para sa kaunlaran at DISIPLINA ng bawat isa”

Page 14: Saligang Batas Ng Nasa Dcmi - 2

This is to certify this copy of Constitution and By Laws of the NASA-DCMI at

Montillano St.Estrellita Compound,Alabang Muntinlupa City.

This day ____ of _________________, 2007

Certified true and correct;

Francisco C. LucenaSecretary

Attested by:

Ruel L. LopenaPresident

NAGKAKAISANG SAMAHAN NG MGA DYIPNI OPERATORSAT DRAYBERS NG CUPANG MUNTINLUPA INC.

(NASA DCMI)“PAGKAKAISA para sa kaunlaran at DISIPLINA ng bawat isa”