Rizal's Monument Paco Park
description
Transcript of Rizal's Monument Paco Park
Ang Paco Park ay isang hardin na pasyalan, at minsang naging sementeryo sa
Maynila na itinatag ng mga Dominikano. Ito ay matatagpuan sa dulo ng kalye Padre
Fauna, Paco, Manila, Philippines. Isa sa mga naging libingan ito ng mga biktima ng
cholera outbreak noong 1800’s. Dahil sa mataas na mga pader ng parke, dito itinago ng
mga Hapon ang ilan sa mga armas nila noong Panahon ng Amerikano-Hapon.
Naging isa ito sa mga national’s park noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado
Macapagal. Naging sikat ito na lugar na maaaring pagdausan ng kasalan at handaan. Ang
simbahan ng Paco Park o ang The Chapel of St. Pancratius ay nasa pangangalaga ng San
Vicente de Paul Parish at mga paring Vicentian na nagpapangalaga din sa Adamson
University
Dito sa Paco Park inilibing ang tatlong paring martir, na sina Padre Gomez, Burgos, at
Zamora, at dito pansamantalang inilibing ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal. Noong pinatay si Rizal noong December 30, 1896, dito dinala ang kanyang mga
labi. Hinananap pa ng kanyang kapatid na si Narcisa ang kanyang labi sa iba’t ibang
lupalop ng Maynila at dito sa Paco Park niya nakita ang bagong bungkal na lupa na
binabantayan ng mga guardia sibil at kanyang nakumpirma sa isang janitor na si Rizal
nga ang nakalibing. Inutusan ni Narcisa ang janitor para lagyan ng palatandaan ang
kanyang libingan, sa pamamagitan ng pagsulat ng “RPJ”para hindi maalerto ang mga
guardia na ang libingan ay nadiskubre. Nang makuha ng pamilya ni Rizal, nilagay ang
kanyang labi sa “urn” na ginawa ni Teodoro Romualdo De Jesus at pansamantalang
nilagay sa bahay ng kanyang ina sa Binondo, Maynila. Paglipas ng panahon ay nilipat ito
sa Luneta Park.