Rehiyonal na Panitikan bilang Pambansang Panitikan

1
Jemima Nicole S. Francisco 2012-22524 BSE major in English Rehiyonal na Panitikan bilang Pambansang Panitikan Tinalakay sa nasabing forum ang isyu tungkol sa Panitikan sa panahon ng K to 12. Ako ay nahuli sa pagdating sa nasabing forum ngunit ako ay maraming napulot na kaalaman sa nasabing konperensya. Ayon sa DepEd order 73 o ang batas na nagsasailalim sa K to 12, ang pamantayan ng pagtuturo sa isang bata ay ang mga sumusunod: mga kasanayang pampagkatuto, pagtataya at instruksiyon. Ito ang batayan na ibinigay ng DepEd na dapat sundin ng mga guro na magtuturo ng asignaturang Pilipino. Sinabi rin ng tagapagsalitang si Ginang Christy Chioco, ang DepEd na ang magbibigay ng learner’s material o kung ano ang ituturo sa mga bata pati na ang teacher’s guide o kung paano ituturo ang mga aralin sa mga estudyante. Ngunit sinabi niya rin na hindi dapat tayo kumahon sa learner’s material na ginawa ng DepEd, bagkus ay dapat tayong maghanap ng panibagong ituturo sa mga bata (halimbawa, kung ikaw ay magtuturo sa Cebu, ipakilala at ituro mo ang panitikan ng mga Cebuano) namas lalong magpapakilala sa kanila ng kanilang identidad bilang isang Pilipino. Ang mahalaga ay maabot ng mga bata ang mastery o pagkabihasa sa nasabing larangan, mapunan ang mga hinihiging pamantayan na ginawa ng DepEd at kanilang mapatunayan ito sa pamamagitan ng mga pagsusulit tulad ng diagnostic (not graded), formative (not graded) at summative (graded) exams. Ilan lamang ito sa mga nalaman ko sa nasabing talakayan. Dito ko rin nalaman na hindi na pala kailangang balikan ng isang bata ang isang taon ng kanyang naibagsak o ibinagsak na asignatura bagkus ay babalikan na lang niya kung anong quarter siya pumalya at pag ito ay kanyang naipasa, magiging maayos na ang lahat (DepEd’s Bridging Program). Dito ko rin nalaman na hindi mass promotion ang layunin na inilulunsad ng Dep Ed bagkus ay ang pagiging bihasa ng mga bata sa lahat ng kanilang mga asignatura; umulit man sila kung sila ay bumagsak o hindi. Ako ay natuwa bilang isang guro sa hinaharap sapagkat bukod sa marami akong nalaman at natutunan na magagamit ko sa aking pagtuturo ng asignaturang Pilipino, dito ko nalaman na hindi ko na kailangang kumahon sa curriculum na ibibigay ng DepEd. Maaari na akong kumuha ng ibang mga materyal na maaari kong gamitin sa pagtuturo basta’t ang mahalaga ay maging bihasa ang aking mga estudyante sa pagkatuto sa nasabing asignatura. Noong una ay hindi talaga ako sang-ayon sa K to 12 ngunit nang nalaman ko ang mga bagay na ito, nasabi ko sa aking sarili na, “Oo nga. Baka ito na ang solusyon sa problema sa aspetong pang- edukasyon sa ating bayan. Bakit hindi natin subukan ang pagbabagong ito?”. Bilang isang guro sa hinaharap, nararapat lamang na bukas ang aking pintuan sa mga maaaring maging pagbabago sa larangan ng edukasyon. At ito, itong pagbabagong ito, handa akong tanggapin ito at gawin ang lahat upang maging maganda ang kalalabasan ng pagbabagong ito hindi lang para sa akin kundi para na rin sa aking mga estudyante.

Transcript of Rehiyonal na Panitikan bilang Pambansang Panitikan

Page 1: Rehiyonal na Panitikan bilang Pambansang Panitikan

Jemima Nicole S. Francisco

2012-22524 BSE major in English

Rehiyonal na Panitikan bilang Pambansang Panitikan

Tinalakay sa nasabing forum ang isyu tungkol sa Panitikan sa panahon ng K to 12. Ako ay nahuli sa

pagdating sa nasabing forum ngunit ako ay maraming napulot na kaalaman sa nasabing konperensya. Ayon sa

DepEd order 73 o ang batas na nagsasailalim sa K to 12, ang pamantayan ng pagtuturo sa isang bata ay ang mga

sumusunod: mga kasanayang pampagkatuto, pagtataya at instruksiyon. Ito ang batayan na ibinigay ng DepEd na

dapat sundin ng mga guro na magtuturo ng asignaturang Pilipino. Sinabi rin ng tagapagsalitang si Ginang

Christy Chioco, ang DepEd na ang magbibigay ng learner’s material o kung ano ang ituturo sa mga bata pati na

ang teacher’s guide o kung paano ituturo ang mga aralin sa mga estudyante. Ngunit sinabi niya rin na hindi

dapat tayo kumahon sa learner’s material na ginawa ng DepEd, bagkus ay dapat tayong maghanap ng

panibagong ituturo sa mga bata (halimbawa, kung ikaw ay magtuturo sa Cebu, ipakilala at ituro mo ang

panitikan ng mga Cebuano) namas lalong magpapakilala sa kanila ng kanilang identidad bilang isang Pilipino.

Ang mahalaga ay maabot ng mga bata ang mastery o pagkabihasa sa nasabing larangan, mapunan ang mga

hinihiging pamantayan na ginawa ng DepEd at kanilang mapatunayan ito sa pamamagitan ng mga pagsusulit

tulad ng diagnostic (not graded), formative (not graded) at summative (graded) exams.

Ilan lamang ito sa mga nalaman ko sa nasabing talakayan. Dito ko rin nalaman na hindi na pala

kailangang balikan ng isang bata ang isang taon ng kanyang naibagsak o ibinagsak na asignatura bagkus ay

babalikan na lang niya kung anong quarter siya pumalya at pag ito ay kanyang naipasa, magiging maayos na

ang lahat (DepEd’s Bridging Program). Dito ko rin nalaman na hindi mass promotion ang layunin na

inilulunsad ng Dep Ed bagkus ay ang pagiging bihasa ng mga bata sa lahat ng kanilang mga asignatura; umulit

man sila kung sila ay bumagsak o hindi. Ako ay natuwa bilang isang guro sa hinaharap sapagkat bukod sa

marami akong nalaman at natutunan na magagamit ko sa aking pagtuturo ng asignaturang Pilipino, dito ko

nalaman na hindi ko na kailangang kumahon sa curriculum na ibibigay ng DepEd. Maaari na akong kumuha ng

ibang mga materyal na maaari kong gamitin sa pagtuturo basta’t ang mahalaga ay maging bihasa ang aking mga

estudyante sa pagkatuto sa nasabing asignatura. Noong una ay hindi talaga ako sang-ayon sa K to 12 ngunit

nang nalaman ko ang mga bagay na ito, nasabi ko sa aking sarili na, “Oo nga. Baka ito na ang solusyon sa

problema sa aspetong pang-edukasyon sa ating bayan. Bakit hindi natin subukan ang pagbabagong ito?”. Bilang

isang guro sa hinaharap, nararapat lamang na bukas ang aking pintuan sa mga maaaring maging pagbabago sa

larangan ng edukasyon. At ito, itong pagbabagong ito, handa akong tanggapin ito at gawin ang lahat upang

maging maganda ang kalalabasan ng pagbabagong ito hindi lang para sa akin kundi para na rin sa aking mga

estudyante.