PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

7
ISANG MAIKLING GABAY NA NAGBIBIGAY IMPORMASYON SA SITWASYON NG MGA PWD SA PILIPINAS AT SA TAMANG PAKIKITUNGO SA KANILA Isinagawa ni: Tang, Cara Varilla, Regina Villa, Kevin Yu, Daniel FIL 12 JJ

description

[VIEW IN FULLSCREEN] Isang Maikling Gabay na Nagbibigay Impormasyon sa Sitwasyon ng mga PWD sa Pilipinas at sa Tamang Pakikitungo Sa Kanila

Transcript of PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

Page 1: PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

   

ISANG MAIKLING GABAY NA NAGBIBIGAY IMPORMASYON SA SITWASYON NG MGA PWD SA

PILIPINAS AT SA TAMANG PAKIKITUNGO SA KANILA

Isinagawa ni: Tang, Cara

Varilla, Regina Villa, Kevin Yu, Daniel

FIL 12 JJ

Page 2: PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

ALAM NIYO BA? Ayon sa World Health Organization, umaabot ng 8.4 milyon o halos sampung porsiyento ng populasyon ang mga taong may disabilidad sa bansa, at kasangkot sa pinakamahihirap na pamilya ang siyamnapung anim na porisyento sa kanila. Sa mga ito: 

May disabilidad sa pananalita at pandinig = 33%  

May disabilidad sa pag-uugali at pagtututo = 32%  

May disabilidad sa paningin = 18%  

May ortopedik at pisikal na disabilidad = 17% ANONG MAGAGAWA MO?   1. KILALANIN ANG PWD.  

ANO ANG DISABILIDAD? Hindi ito: Ø  isang kaawa-awang personal na trahediya Ø  isang kapansanang nagiging hadlang sa paggagawa ng mga bagay na

nagagawa lamang ng isang ‘normal’ na tao  

Ayon sa United Nations Convention on the Rights of Disabled Persons (CRPD):  

“Disability is an evolving concept, resulting from the interaction between persons with impairments and attitudinal and environmental barriers that hinder their full and effective

participation in society on an equal basis with others.”      

   

SINO NAMAN ANG PWD (PERSON WITH DISABILITY)?  

Hindi siya: Ø  isang obhekto ng kawanggawa Ø  isang biktima ng kanyang kondisyon  

Ayon sa United Nations Convention on the Rights of Disabled Persons (CRPD):  

“Persons with disabilities (PWD) include those who have long-term physical, mental, intellectual or sensory impairments which in interaction with various barriers may hinder their full and

effective participation with society on an equal basis with others.”  

SAMAKATUWID…  

Ang PWD ay isang karaniwang tao at miyembro ng lipunan; ngunit hanggang sa kasalukuyan, nabubukod siya – hindi dahil sa kanyang disabilidad, pero dahil sa papaano tinatanggap at

pinakikitunguhan ng lipunan ang kundisyon niya.

Page 3: PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

  2. ALAMIN ANG MGA KARAPATAN NG MGA PWD’S AT IPAGTAGUYOD ANG MGA ITO.   Katulad ng sinabi ni Dating Pangulong Ramon Magsaysay: “ Those who have less in life

should have more in law.”  

MGA PANGUNAHING BATAS UKOL SA AKSESIBILIDAD SA PILIPINAS   a.  Republic Act 7277: Magna Carta For Disabled Persons

Ø  Republic Act 9442: "Magna Carta for Persons with Disability as Amended, and for other purposes "

Ø  Isang batas na naglalaan ng benepisyo para sa rehabilitasyon, kaunlaran at pagsasarili ng mga taong may disabilidad at tinitiyak ang karapatan nila sa trabaho, edukasyon, kapaligiran at politiko.

Ø  Dito itinatakda ang karapatan at responsibilidad hindi lang ng mga PWD’s, kung pati ng gobyerno at ng lipunan tungkol sa pakikitungo sa kanila. Ang batas na ito ang siyang naglaan ng legal na batayan para mailagay ang mga PWD’s sa parehong kategorya sa iba pang tao sa lipunan; at ang siyang hanggang ngayo’y nagiging batayan ng lahat ng kurso na aksyon ng bayan ukol sa mga PWD’s.

  *Alam mo ba? Hindi bababa sa 20% ang maaaring matawad ng mga PWD’s sa kahit anong moda ng transportasyon, establisimiyento, medisina, at serbisyong medical at dental na makukuha sa Pilipinas!

  b. BP 344: Accessibility Law

Ø  Inilalahad ng batas na ito ang mga alituntunin na kinakailanganin upang ipagtaguyod ng lahat ng mga pampublikong gusali at pasilidad upang ganap na maakses ng mga PWD’s ang mga ito

Ø  Walang anumang lisensya o permiso ang ipapahintulot sa mga kumpanya o establisimiyento na hindi nagtataguyod sa mga pangangailangang hinihiling ng batas na ito.  

*Maging mapanuri ka sa kapaligiran mo! Marami pang mga establisimiyento at moda ng transportasyon ngayon, katulad ng mga dyip at bus, ang hindi pa rin naglalaan para sa mga PWD’s sa kasalukuyan. Bagamat marami nang nagbago, hanggang ngayon, kulang-kulang pa rin ang aksesibilidad na ipinaglalaan para sa kanila.   *Ano ang kinalaman mo rito? Nahaharangan mo ba ang mga rampa para sa mga PWD? Ginagamit mo ba ang espasyong nakalaan para sa kanila sa banyo o kaya sa paradahan? Nagtatapon ka ba ng basura sa bangketa? Huwag maging insensitibo, laging maging mapanuri.

   

Page 4: PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

  3. MAGING MULAT SA SITWASYON NG MGA PWD SA IBA’T IBANG LARANGAN NG LIPUNAN.   Sa Media: Ø  Naoobserbahan mo ba na kaawa-awa at kung minsan kakatawa o abnormal

ang pangunahing imahen ng PWD na ipinapakita sa telebisyon? Ø  Kadalasang ginagamit rin bilang pang-akit ang mga PWD sa mga patalastas,

ayon sa “paawa” na epekto na kadalasang mayroon ng mga ito. Ø  Sa gayon, nagiging sangkapan ang PWD sa media upang makakita ito ng pera.

  Sa Larangan ng Impormasyon at Komunikasyon Ø  Kulang ang mga teknolohiya at serbisyong makatutulong sa mga PWD dito sa

Pilipinas. Ø  Bihirang-bihira ang mga programang pantelebisyon na mayroong sign language. Ø  Konting konti pa lamang ang mga librong nakasalin sa Braille. Hindi rin laganap sa

Pilipinas ang teknolohiyang kinakailangan nito. Ø  Marami pa ring PWD ang nahihirapan sa paggamit ng mga mobile devices.

Sa Mga Kumpanya Ø  Karamihan sa trabaho ng mga PWD ay makikita sa larangan ng pagbibigay-

serbisyo. Ø  Marami pa ring mga kumpaniyang bumabatikos sa kakayahan ng mga PWD. Ø  Dahil sa dami ng taong naghahanap ng trabaho ngayon, mas nahihirapan ang

mga PWD. Ø  Sa CSR ng mga kumpanya, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng sumasailalim na

motibo ng kita sa mga pagsisikap nito. Ø  Samakatuwid kadalasan, nakapokus sa hindi gaanong epektibong short term

praktis imbis na long term CSR ang ipinaglalaan ng mga kumpanya para sa lipunan at para na rin sa mga PWD’s.

   4. HUWAG MAGWALANG-BAHALA, MAGING SENSITIBO SA SARILING PAKIKITUNGO RIN SA MGA PWD.   ‘Di pa rin sigurado sa tamang pakikitungo sa kanila? Narito ang ilan sa mga mahahalagang palatandaang makakatulong sa iyo:

Maging sensitibo sa pagtratrato sa kanila Ø  Dapat ingatan ang pag-aabot-tulong sa mga PWD dahil maaaring mainsulto

sila. Ø  Iwasan ang paghawak sa mga kagamitan nila sapagkat maaaring hindi sila

komportable dito. Ø  Siguraduhing maayos at may respeto ang pakikitungo sa kanila.          

Page 5: PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

 

Magtanong bago tumulong Ø  Masaya ang mga PWD kapag tinatrato sila bilang normal na tao, kaya mag-abot

lamang ng tulong kung nakikitang nahihirapan na sila. Ø  Kapag kailangan nila ng tulong, tanungin muna kung ano ang gusto nilang tulong.

  Mag-isip bago magsalita

Ø  Kausapin ang PWD mismo kaysa sa kasamahang tumutulong sa kanya. Ø  Maging sensitibo at kung maaari, iwasan ang pagtatanong ukol sa kanilang

disabilidad.  

Huwag silang husgahan Ø  Huwag isipin na hindi nila kayang gawin ang mga bagay-bagay. Hindi dapat

minamaliit ang kanilang mga kakayahan. Ø  Marami silang kayang gawin na maaaring hindi mo inaakalang kaya pala.

       

SA GAYON…  

Kapag nakikita mo ang disabilidad, pero hindi ang tao…. Sino ang totoong bulag?

Kapag nagbibingi-bingihan ka lamang sa pagsasamo ng hustisya ng kapwa mo…

Sino ang totoong bingi?

Kapag hindi mo kinakausap ang kapwa mo at sa halip ay ipinagtabuyan mo siya… Sino ang may tama sa utak?

  At kapag hindi ka tumayo para sa karaptan ng lahat…

Sino ang totoong salanta?

[galing kay Tony Wong]

 

SINO NGAYON ANG TOTOONG MAY DISABILIDAD?  

Ang pakikitungo natin sa mga PWD’s ang siyang nagbibigay sa kanila ng kanilang disabilidad, at siya ring nagbibigay sa atin ng ating ‘disabilidad’. Maaari nating isipin na wala naman tayong ginagawang mali, ngunit huwag maging kampante. Laging maging

mapanuri at sensitibo sa mga aksyon natin. Huwag kalimutan na ang magiging kilos natin ang siyang magsisilbing susi sa mas magandang kinabukasan para sa LAHAT. At

nagisismula ang kinabukasang ito sa pagbabago ng pag-iisip natin sa mga PWD ngayon.

Page 6: PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan
Page 7: PWD: Persons With Disability, Patungo sa Wagas na Daan

 PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, MAAARING TUNGUHAN ANG MGA SUMUSUNOD NA NGO’S:

Tahanang Walang Hagdan

Nakatuon ang Tahanang Walang Hagdan sa pagtulong at sa rehabilitasyon ng mga PWD na naputulan ng paa o kamay. Layunin nila ang “Helping the PWD, Help

themselves”. (632) 655 4580

www.twh.org.ph

ASP - Autism Society of the Philippines Layunin ng ASP magpalaganap ng pampublikong kamalayan ukol sa “autism”, at

magpalaganap ng impormasyon ukol sa pangangalaga, edukasyon, at pagtatanggol sa mga naapektuhan nito.

(632) 929 8447 (632) 926 6941

www.autismsocietyphilippines.org

PFRD- Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled Ito ang pinakamatandang NGO na sumusuporta sa mga PWD. Hanggang

kasalukuyan, layunin pa rin itong buksan ang pampublikong kamalayan, habang binibigyang rehabilitasyon ang mga PWD na hawak nito

(632) 934 3407 www.pfrd.org.ph

LCDPFI- Leonard Chesire Disability Foundation Phils., Inc.

Pinaglalaban ng LCDPFI ang mga karapatan ng PWD katulad ng inklusibong edukasyon, at kapangyarihang ekonomikal. Mayroon din silang programa para sa

kabataan, “Young Voices.” (632) 421 0479 (632) 421 2107

www.lcdphilippinesfoundation.org/

Liliane Foundation Isang internasyonal na pundasyon ang Lilian Foundation na tumutulong sa mga

indibidwal para makaabot ang pangangailangan medikal, institusyonal at iba pa, sa pamamagitan ng suportang pinansyal.

(02) 726 5650 www.lilianefoundationphil.org

MCCID- Manila Christian Computer Institute for the Deaf College of Technology, Inc. Paaralang ang MCCID na nagtuturo sa mga PWD na may problema sa pandinig.

(632) 545 8179 (632) 468 8079

www.mccid.edu.ph

AKAP- Alyansa sa May Kapansanan Plano ng AKAP gawing malay ang mga PWD para kaya nilang mabuhay sa sarili

nilang kakayahan. Nagbibigay sila ng seminarya upang magturo ng mga paraan ng pagkita sa halip ng mga disabilidad.

(02) 426 3072 www.alaysamaykapansanan.org