Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

76
Pusong Walang Pag-Ibig Roman G. Reyes Members: Sarahmae Arzaga Cara Barcelona Christelle Coden Korina Dakis Beatriz Reyes Denise Serrano Patricia Wilwayco IV-1

description

filipino

Transcript of Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Page 1: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Pusong Walang Pag-Ibig

Roman G. Reyes

Members: Sarahmae ArzagaCara BarcelonaChristelle CodenKorina DakisBeatriz ReyesDenise SerranoPatricia Wilwayco IV-1

Page 2: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Tagpuantatlo ang pangunahing tagpuan:

lalawigan, bundok, at Maynila

Page 3: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

ang bawat lugar ay nagpakita ng bawat yugto ng pananakop sa Pilipinas at bawat yugto sa buhay ng mga tauhan

Page 4: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Tauhan1. Enrique sinusuportahan siya ng ibang tao

--- hindi nagsisikap na makahanap ng trabaho.

sinasayang ang kaniyang oras sa pagsusugal at pambababae

Page 5: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

wala malasakit sa kaniyang mag-ina; madalas wala sa bahay.

iniwan sina Loleng at Nene noong panahon ng giyera --- hindi bumalik nang matagal na panahon.

Page 6: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

2. Bb. Lolengnagbibigay halaga sa mga taong

tumutulong sa kaniya at sa kaniyang anak (i.e. G. Ricardo at Aling Nitang)

naniniwala sa pagkakaroon ng utang na loob at respeto para sa iba

Page 7: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

kahinaan ang pagsunod sa paghingi ni Enrique ng pera para sa pagsusugal

pumapayag lamang na sayangin ng asawa ang kanilang pera na nakalaan para sa kabuhayan ng kanilang pamilya; walang ginagawa upang patigilin ito

Page 8: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Tauhan3. Matandang Tikongnaniniwala na dapat mag-asawa na

ang kanyang anak na si Bb. Loleng upang mapanatag ang kalagayan nito bago siya mamatay.

kahinaan ang paraan ng pag-aalaga sa anak: pangingialam sa mga desisyon, pagpapakasal nang pilitan

Page 9: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

4. Mang Simonkumupkop kay Enrique:

mapagmalasakit sa anak at layon niyang mailayo ito sa pahamak

tinulungan niyang maipakasal si Enrique kay Loleng upang makaiwas ito sa mas malaki pang gulo

Page 10: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

mapagtiis ito sa ugali ng kaniyang ampon --- nagawa niyang isakripisyo ang tumana nilang mag-asawa para kay Enrique.

kahinaan niya ang kanyang labis na pagiging mapag-unawa --- naging dahilan ng pagkawala ng lupa nilang mag-asawa at ng kanilang kakulangan sa buhay.

Page 11: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Tauhan5. Aling Tolang asawa ni Mang Simon: nais

lamang makapamuhay nang tahimik kasama ang kaniyang pamilya sa kanilang tumana

Page 12: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

mapagtiis sa ugali ni Enrique: tutol ito sa ginawa ng asawang pangungutang para sa kasal ni Enrique ngunit wala na ring nagawa upang matubos muli ang kanilang lupa.

Page 13: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

maluwag sa pagdidisiplina at masyadong lapitin sa kaniyang anak-anakan

Page 14: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Tauhan6. Elisa Pangilagan (Nene) anak nina Enrique at Loleng: mapagmahal at masunurin

lumaking isang mabait na bata at matalinong estudyante

Page 15: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Nais makapag-aral upang maging kapakipakinabang sa kaniyang ina at upang masuklian ang kabaitan ng mag-asawang kumupkop sa kanila

Page 16: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

hindi mahirap para sa kaniyang isuko ang sariling interes at kaginhawaan na maaaring abusuhin ng iba.

Page 17: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

7. G. Ricardo at Aling Nitang

Naniniwala ang mag-asawa sa pagtulong sa kanilang kapwa nang walang pasubali

Page 18: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

maayos ang pagtrato sa ibang tao, lalo na sa mga naglilingkod para sa kanila

Page 19: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

tinulungan ang mag-inang Loleng at Nene upang maipundar ang sariling kabuhayan.

Page 20: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)
Page 21: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Buod Iminungkahi ni Matandang Tikong kay Bb. Loleng na mag-

asawa siya upang maging mapanatag ang kanyang loob sa kaalamang maipapaubaya niya ang anak niya sa isang mabuting lalaki.

Gusto ni Bb. Loleng kay Tone. Ngunit, gusto ni Matandang Tikong para kay Loleng si

Enrique. Pumayag si Loleng na magpakasal kay Enrique. Sinabi ni Enrique na tapat ang kanyang pag-ibig para kay

Loleng at handa siyang mapangasawa ito. Napagtanto ni Enrique na huwag na lang bumalik sa bahay

nina Tandang Tikong at manligaw na lamang ng ibang mga babae.

Page 22: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 2 Kumalat na ang balitang ikakasal na si Loleng. Si Tone’y nanghihinayang sapagkat

mapapasakamay ng taga-ibang nayon ang puso ng dalaga, sa halip na sa isang kakilala sa sariling bayan.

Nakausap ni Bb. Loleng ang kanyang kapitbahay na si Aling Buro at pinayuhan sa kanya na hindi madaling malaman ang totoong ugali ng dayuhan kumpara sa maaari nilang maging pagsasama ng isang kababayan.

Pananaw ni Loleng na wala na siyang ibang maaaring gawin sapagkat ang pagpapakasal niya ay kagustuhan ng kanyang ama.

Page 23: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 3 Ikinakahiya ni Enrique ang pakikilaguyo kay Bebe,

ngunit hindi niya magawang layuan ang babaeng iyon dahil malaki ang kanyang pakinabang.

Sinadya ni Ikeng si Isiang sa Tabing-bakod. Inanyayahan niya si Isiang na magtanan. Tinanggi ni Isiang sapagkat dapat ay magbigay

respeto si Ikeng sa kanyang mga magulang. Tumanggi si Ikeng dahil naisip niya ang mga iba

pang babaeng kanyang nililigawan.

Page 24: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 4 Pumunta si Enrique sa bahay ni Beheng ngunit

hindi niya nakita ni Beheng sapagkat pinagbawalan siya ng kanyang inang si Aling Basiang.

Nagpaalam na si Enrique. Bumalik siya sa hatinggabi kung saan tulog na

ang lahat upang sa gayon ay makausap niya si Beheng.

Sinubukan niyang pasukin ang sala mula sa silong ngunit nagising ang mga aso.

Nagising ang lahat kaya tumakbo na lamang si Enrique.

Page 25: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 5 Nagtitinda si Gunday ng sarisaring

pangpaluwagdibdib nang hinarana siya ni Ikeng ng matatamis na salita ng pag-ibig.

Pinutol lamang ni Gunday ang kanyang pagsasalita at sinabing makakapagtuloy siya sa iba.

Lumapit si Impong Ura, ang may-ari ng bahay kung saan naglulumagi si Ikeng tuwing namumulupo siya kina Isiang, kay Ikeng.

Page 26: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

May ipinapamigay na sulat si Isiang. Nakuha ng ama ni Isiang ang panyong

nalaglag ni Ikeng sa silong ng kanilang bahay.

Pinalo at minura si Isiang ng kanyang Ama.

Pinaparoon niya si Ikeng kina Matandang Ura at madadala siya ni Ikeng kung saan niya minamabuti.

Tutupdin ito ni Ikeng.

Page 27: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 6 Tumuloy si Enrique sa bahay ni Impong

Ura. Sumama si Isiang kay Enrique kahit saan. Nalaman ito ng Ama ni Isiang kaya sila ay

hinabol. Hindi na kaya ni Isiang tumakbo kaya

iniwan siya ni Ikeng at tumakbo ng palayo.

Page 28: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 7 Ipinasusundo ng Kapitan si Ikeng dahil

idinedemanda siya ni Kapitan Tiago sa salang pag-agaw at pagdahas ng babae.

Ipinakiya ni Ikeng sa Kapitan ang sulat na ibinigay sa kanya ni Isiang.

Binasa ito ng kapitan at naliwanagang inosente ang binatang iyon, ngunit dahil sa pinag-usapan na nila ni Kapitan Tiago ang isyung ito, binale-wala na lamang ito.

Page 29: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Dumating ang direktor na kaibigan ni Ikeng.

Wika ng direktor sa kapitan na pakawalan na sila at siya na ang bahala sa nagsakdal laban sa kanila.

Pinalaya si Ikeng. Nalaman ni Ikeng na si Bebe ang nagsabi

sa kapatid ni Isiang na magtatanan sila.

Page 30: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 8 Malungkot si Loleng sapagkat hindi na

bumalik si Enrique. Sinabi ni Matandang Tikong na papatayin

niya si Enrique sa oras na magkita silang muli.

Page 31: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 9 Hinahanap ng mga tauhan ni Mang Tiago

si Ikeng. Upang maitago at mailigtas kahit bahagya

si Enrique, naalala ni Mang Simon ang ipinangako ni Enrique na pagpapakasal kay Bb. Loleng.

Page 32: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 10 Pumunta si Enrique at Mang Simon sa

bahay ni Tomas, na kaibigan ni Enrique, para humingi ng tulong sa kasal niya kina Loleng.

Nagtaka si Tomas kung bakit natagalan sina Ikeng at Mang Simon.

Sinabi ni Ikeng na siya’y nagkasakit nang dalawang linggo at wala siyang mahanap na maaaring utusan.

Page 33: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 11 Pumunta si Mang Simon at Mang Pedro,

ang ama ni Tomas, sa tahanan ni Loleng upang makausap si Matandang Tikong.

Naunawaan ni Matandang Tikong ang pagkasakit ni Enrique bilang rason ng hindi niya pagbalik kay Loleng.

Pinapatuloy ni Matandang Tikong ang kasal.

Page 34: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 12 Ikakasal na si Enrique at si Loleng. Hindi na naalala ni Enrique ang lahat ng kanyang

mga babae; palibhasa’y si Loleng na lamang ang tanging nalabi sa kaniyang isip.

Galit si Aling Tolang kay Mang Simon dahil may utang sila na dalawapu’t pitong piso kina Tomas at Mang Pedro. Ayon kay Mang Simon, babayarin sila ni Ikeng pagkatapos ng kanilang pagkasal.

Kinasal na si Enrique at Bb. Loleng. Hindi na dumalaw si Enrique kina Mang Simon at

hindi rin niya binayaran ang kaniyang utang sa kanila.

Page 35: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 13 Nagdalang-tao na si Loleng. Nagsusugal at nagsasabong lamang si

Ikeng at pinabayaan niya ang kanyang mga tungkulin bilang asawa. Bunga nito, madalas mag-away ang dalawa.

Mula noong nag-away ang mag-asawa ay nagsimula nang magkasakit si Matandang Tikong.

Page 36: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Lumala ang kaniyang karamdaman at malapit na siyang mamatay.

Bago siya mamatay, humingi siya ng tawad kay Loleng dahil sa pagpilit niya na mag-kaasawa ito sa isang taong hindi niya mahal.

Namatay na si Matandang Tikong.

Page 37: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 14 Mayo noon at tatlong buwan na mula

noong mamatay ang ama ni Loleng at kabuwanan na ng nasa kaniyang tiyan.

Wala pa hanggang ngayon si Enrique. Lumala ang pagdaramdam ni Loleng kay

Enrique. Naramdaman ni Loleng na tila siya’y

manganganak na. Makailang saglit pa’y isang malusog at

magandang sanggol ang isinilang ni Loleng.

Page 38: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 15 Sa pagtatapos laro ng baraha nina Ikeng at

Tomas na umabot na ng kinaumagahan ay nagsiuwian na ang mga nakalaban nila.

Napaisip si Ikeng kung ano ang kanyang gagawin kung nagalit si Loleng sa kanyang pagsugal magdamag. Umabot na si Enrique sa kanilang bahay at nakitang nanganak na pala ang kanyang asawa.

Inamin naman ni Enrique na siya ay nagkasala at humingi ng tawad sa hindi pag-uwi nang maaga at idinahilan na hindi niya inakalang manganganak na si Loleng - naintindihan naman ito ni Loleng.

Page 39: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 16 Bininyagan na ang anak nina Loleng at

Ikeng at ito’y pinangalanang Elisa --- Nene ang palayaw.

Pinilit ni Ikeng ang asawa na isangla ang bukid nila para magkaroon ng panustos.

Araw at gabi pa ring nagsusugal si Ikeng. Bihira siyang makita ng kanyang mag-ina dahil dito.

Si Nene ay naging isang maganda at mabait na bata.

Page 40: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Si Enrique ay napadpad kung saan-saan. Naisip ni Ikeng na Hindi na nila malalamang siya’y may asawa na. Kaya naman, naisipan niyang sulatan muli si Isiang.

Si Isiang ay sabik na makita muli si Ikeng. Dahil sabik na sabik sa sugalan si Enrique,

iniwan niya ang Tabing-bakod at kinalimutan ang usapan nila ni Isiang.

Page 41: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 17Ikeng - naubos ang perang

kanyang naiponUmalis at iniwan ni Ikeng ang

kanyang pamilya.Nene- hindi nabigyan ng

magandang buhay ng kanyang mga magulang

Page 42: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 18 Ikalima ng Nobyembre, 1896. Ikeng - sasama sa lahat ng

kalalakihan upang mamundok. Sinabi niyang sila ay maghihimagsik laban sa mga Kastila

Patuloy ang mga araw nang paglusob sa bawat bayang may kasadores.

Page 43: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 19Sumabog na ang lahat ng

katipunan.Hindi na bumalik si Ikeng.Naghinagpis si Loleng sapagkat

nag-iisa siyang walang balita.Sinabi niya sa kanyang anak na si

Nene na patay na ang kanyang ama.

Page 44: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 20 Mayo 1898. Tahimik sa Pilipinas. Ito

ay dahil sa Kasunduan sa Biak na Bato

Umalis ang mga naghimagsik. Hindi tinupad ang mga kasunduan. Parating na ang mga Amerikano

upang diumano’y tulungan ang mga Pilipino.

Page 45: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 21 Hindi ikinatuwa ng mga Pilipino ay ang pagsalin

ng kapangyarihan ng pangulong siyudad sa mga Amerikano

Maraming bahay ang sinunog at naging abo. Sinunog, upang hindi na muling mapakinabangan ng mga Yankee at wala nang pagbalikan ang mga taong bayan.

Nawala si Nene. Hinanap ni Loleng ang anak. Tuluyan na ngang hindi natagpuan si Enrique Hindi bumalik si Ikeng sa kanilang bahay upang

agawin ang anak ni Kabesang Bino, si Beheng.

Page 46: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 22Nasakop ng mga Yankee ang

pulo ng Luzon sa Pilipinas.

Page 47: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 23 Tumahimik na ang pamamahala ng

pamahalaan ng Estados Unidos. Si Loleng naman ay patuloy pa ring

naghahanap kung saan-saan sa kanyang anak at asawa.

Ipinagbili ni Loleng ang kanilang bahay at lumuwas patungong Maynila.

Napagtanungan niya ang isang doctor, si Ricardo.

Page 48: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Isinama ng doktor si Loleng sa kanilang bahay at ipinakilala ang kanyang asawa.

Nagkuwento si Ricardo tungkol sa isang batang babae.

Sigurado si Loleng na si Nene ang batang iyon.

Malaki na ito, at hindi na tulad ng dati. Naging masaya ang pagtatagpo ng mag-

ina.

Page 49: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 24 Dahil sa maagang paglilingkod sa ibang

tao, maagang namulat si Nene sa mga gawaing-bahay.

Sa bahay na nina G. Ricardo at Aling Nitang namalagi ang mag-inang Nene at Loleng.

Ibinahagi ni Nene ang lahat ng kaniyang nalalaman ukol sa butihing mag-asawa. Inilahad niyang tunay na mabuti ang mag-asawa pati na ang mga magulang ni G.Ricardo.

Page 50: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Ang mag-ina ang naging magkatulong sa lahat ng gawaing-bahay.

Naisipan ni Loleng na ipakiusap sa mag-asawa na pahintulutang mag-aral si Nene kapalit ng kanilang buwanang suweldong anim na piso. Pinahintulutan ito ng mag-asawa.

Pinahintulutan din si Loleng na magbenta ng bibingka upang makapag-ipon para na rin sa pag-aaral ni Nene.

Page 51: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 25Pinagsabihan ni Loleng si Nene

na dapat siyang tumanaw ng utang na loob sa mag-asawa dahil sa kabutihang ipinakita sa kanila.

Page 52: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 26 Kalahatian ng daang San Roque Ikeng - gulgol sa kahabaan ang buhok,

matagpis ang katawan, putlain pa, nakabalanggot at wala mang sinelas

Nasalubong niya ang kanyang kaibigang barbero na si Tomas.

Naluha siya dahil ipinaghihinagpis niya ang hindi niya pagbalik sa kanyang asawa at anak.

Page 53: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Isiniwalat niya ang buong nangyari sa kaniya; ang pagkaagaw niya sa anak ni Kabesang Bino, at pagkakapahuli sa kanya nito kaya hinatulan siya ng apat na taong pagkakabilanggo.

Sinabi ni Tomas na makikita ni Ikeng ang kanyang mag-ina.

Nagpaalam na sina Ikeng at Tomas at naglakad patungo sa tinitirhan nina Loleng.

Nasagasaan si Ikeng ng isang automobil. Dinala siya kaagad sa Hospital San Pablo.

Page 54: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kabanata 27 Naaksidente si Ikeng sa daang Villalobos at

inilulan sa isang ambulansiya. Nalalapit na ang pagpapakasal ni Nene kay

Manuel. Dumating sina Tomas sa tinitirahan nina Loleng. Narinig na ni matandang Loleng ang nangyari sa

kaniyang asawa. Sa ospital, labis ang pagmamakaawa ni Ikeng sa

Diyos na makita niya ang kaniyang mag-ina bago siya mamatay.

Nakarating na sina Nene at Loleng sa kuwarto ni Ikeng.

Page 55: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Inamin ni Ikeng na malaki ang kaniyang naging pagkukulang at humingi siya ng tawad para sa lahat ng kaniyang mga kamalian.

Walang tigil ang pag-iyak ng mag-ina sa kaniyang tabi.

Hindi na muling nagsalita pa si Enrique. Ang pagkamatay ni Enrique ay pinagluksa ng

kaniyang mag-ina at ng ilang mga kaibigan. Wakas.

Page 56: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Suliraning PanlipunanBisyo katangiang taglay ng pangunahing tauhan sugal, sabong, pambababae hindi nagampanan ang mga responsibilidad

bilang asawa at anak naglaan ng oras para sa masasamang gawain sa

halip na magtrabaho dahil sa bisyo, nakakalimutan ng tao ang tunay

na mahalaga sa buhay: pamilya , pagmamahal, at kabuhayan

naghahatid lamang ng panandaliang kasiyahan, kaiba sa tunay na kaligayahang dulot ng pamilya at matiwasay na pamumuhay

Page 57: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Hindi Pagkilala Sa Isang Tao Nang Lubusan pinakasal ni Matandang Tikong si Bb. Loleng

kay Enrique hindi lubos na kilala ng matanda si Enrique hindi alam ng matanda ang mga bisyo ni

Enrique hindi naging mabuting asawa si Enrique kay

Loleng si Loleng ang nagdusa sa huli hindi nagampanan ni Enrique ang mga tungkulin

niya

Page 58: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Digmaan At Rebolusyon akda ay nakabatay sa mga pangyayari noong

panahon ng panankop nakibaka ang mga Pilipino laban sa mga

Kastila at Amerikano napilitang mamundok at sumapi sa

rebolusyon ang mga kalalakihan --- iniwang ulila ang mga asawa’t anak

nawalan ng kabuhayan/hanapbuhay ang marami; tumigil sa pag-aaral ang kabataan

nagdulot ng malaking pinsala sa buhay at sa bansa

Page 59: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Hindi Pagtupad Sa Pangako nagpangako si Enrique ng pag-ibig sa

iba’t ibang babae pinangakuan niya ng kasal si Loleng dapat ay itatanan niya si Isiang pagiging totoo ng isang tao pagkakaroon ng isang salita

Page 60: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kahalagahan Sa LipunanNaiimpluwensiyahan ang mga

mambabasa na maging mabuting mamamayan.

Nahihikayat ang mga mambabasa na iwasan ang pagkakaroon ng pusong walang pag-ibig.

Page 61: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kahalagahan Sa Lipunan Nahihikayat ang mga mambabasa na

gumalang at pahalagahan ang bawat miyembro ng pamilya.

Napapahalagahan ang kasaysayan ng bayan at ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng isang nobela.

Page 62: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Kahalagahan Sa Lipunan Nahihikayat ang mga mambabasa na

pahalagahan ang edukasyon.

Page 63: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Teoryang PampanitikanHumanismo

Teoryang Humanismo – Sinasabi na ang tao ang

pinakasentro ng daigdig.

Page 64: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Teoryang PampanitikanNakapokus sa katauhan nina

Enrique at Bb. Loleng.Ipinakita na ang tao ang

panginoon ng kaniyang kapalaran.

Page 65: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Teoryang PampanitikanEnrique -walang malasakit sa iba

kundi sa kaniyang sarili -Siya ang naging dahilan

ng sariling pagdurusa at pagsisisi sa huli.

Page 66: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Teoryang PampanitikanBb. Loleng -tumayo sa sarili

niyang paa upang mabuhay sila ng kaniyang anak.

-Nabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kaniyang anak at kanyiang sarili.

Page 67: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Teoryang PampanitikanIpinakita nila ang

kahalagahan ng paggawa ng mga desisyon sa buhay na maaaring magdulot ng ating pagbagsak o pagtagumpay

Page 68: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Naturalismo Teoryang Naturalismo –

Inilalarawan nito ang mundo bilang isang mabangis at walang awang lugar.

Page 69: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Inilahad ang masaklap at mabangis na digmaan na naranasan ng mga nasa nayon ng Pulong-gubat.

Page 70: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Ipinakita ang hirap na pinagdaanan ng mga lalaking nagsiakyat sa mga bundok at nakipagdigma sa mga dayuhan.

Page 71: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Nagmistulang walang awa ang mundo at kapalaran kina Loleng at Nene lalo na noong panahon ng digmaan.

Page 72: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Realismo Teoryang Realismo – mga karaniwang

paksa: mga isyung tulad ng kahirapan, karahasan, kamangmangan at bisyo

- Mas pumapanig ito sa realidad kaysa sa kagandahan.

- Makatotohanan ang mga paglalarawan nito sa mga nangyayari sa paligid.

Page 73: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Ang mga nangyari sa buhay nina Enrique at Loleng ay tunay na nagaganap sa buhay ng maraming Pilipino.

Page 74: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Nangyari ang mga marahas na rebolusyon na inilarawan sa kwento.

Page 75: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

Maraming Pilipino ang nahuhumaling sa sugal at iba pang mga bisyo.

Page 76: Pusong Walang Pag-Ibig.komento (1)

May mga batang lumalaki na wala ang ama sa bahay o ‘di kaya ay pinabayaan na nang tuluyan ng magulang.