PUNTONG ALA-EH - batangascity.gov.ph · hanggang sa pagdiriwang ng City Fiesta sa ika-16 ng Enero....

5
Disyembre 2013 PUNTONG Opisyal na Pahayagan ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas Taon XIV Blg. 4 Disyembre 2013 www.batangascity.gov.ph MULING nagningning ang kapaligiran sa harap ng City Hall at Plaza Mabini sa pagsisimula ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod ng Batangas noong ika- 29 ng Nobyembre. Sa temang “May Sasaya Pa Ga”, muling pinailawan ni Mayor Eddie B. Dimacuha ang mga Chrismas lights at ibang dekorasyon sa hara ng City Hall. Sabay sabay na binuksan ang ilaw ng 30-feet tall Christmas tree na pinaiilaw ng 2000 LED lights, at ang Christmas lights sa Plaza Mabini at mga kalsada ng P. Burgos at Rizal Avenue. Kaugnay nito, Paskong Pinoy naman ang inatanghal ng Christmas Animated Display na mapapanood gabi gabi mula May Sasaya Pa Ga? 7:00 hanggang 9:00 ng gabi hanggang sa pagdiriwang ng City Fiesta sa ika-16 ng Enero. Sa pangatlong taon, dinarayo ang lungsod dahilan sa animated display na nagtatanghal ng iba’t ibang kuwento para sa mga bata. Sa taong ito, malaking atraksyon ang pagtatanghal ng pagsilang ng Nino Hesus na siyang puso ng kapaskuhan sa loob ng isang replica ng Immaculada Concepon Church. Nakatuon din ang palabas sa kuwento ng tapat na magsing-irog na nagnanais na magpakasal sa simbahan na kanilang inuturo, habang sila ay namamasyal sakay ng “kariton” na hila ng kalabaw. Inside Ala-Eh Festival Highlights sundan sa p.6 Animated Christmas Display, now on its third year, featuring the “Paskong Pinoy”, is a major attraction in Batangas City. Switching on of the 30-feet Christmas tree powered by 2,000 LED lights at Plaza Mabini amazes young and old alike.

Transcript of PUNTONG ALA-EH - batangascity.gov.ph · hanggang sa pagdiriwang ng City Fiesta sa ika-16 ng Enero....

Disyembre 2013

PUNTONG

ALA-EHOpisyal na Pahayagan ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas

Taon XIV Blg. 4 Disyembre 2013 www.batangascity.gov.ph

MULING nagningning ang kapaligiran sa harap ng City Hall at Plaza Mabini sa pagsisimula ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod ng Batangas noong ika-29 ng Nobyembre. Sa temang “May Sasaya Pa Ga”, muling pinailawan ni Mayor Eddie B. Dimacuha ang mga Chrismas lights at ibang dekorasyon sa hara ng City Hall.

Sabay sabay na binuksan ang ilaw ng 30-feet tall Christmas tree na pinaiilaw ng 2000 LED lights, at ang Christmas lights sa Plaza Mabini at mga kalsada ng P. Burgos at Rizal Avenue.

Kaugnay nito, Paskong Pinoy naman ang itinatanghal ng Christmas Animated Display na mapapanood gabi gabi mula

May Sasaya Pa Ga?7:00 hanggang 9:00 ng gabi hanggang sa pagdiriwang ng City Fiesta sa ika-16 ng Enero.

Sa pangatlong taon, dinarayo ang lungsod dahilan sa animated display na nagtatanghal ng iba’t ibang kuwento para sa mga bata. Sa taong ito, malaking atraksyon ang pagtatanghal ng pagsilang ng Nino Hesus na siyang puso ng kapaskuhan sa loob ng isang replica ng Immaculada Conception Church.

Nakatuon din ang palabas sa kuwento ng tapat na magsing-irog na nagnanais na magpakasal sa simbahan na kanilang itinuturo, habang sila ay namamasyal sakay ng “kariton” na hila ng kalabaw.

Inside Ala-Eh Festival Highlights

sundan sa p.6

Animated Christmas Display, now on its third year, featuring the “Paskong Pinoy”, is a major attraction in Batangas City.

Switching on of the 30-feet Christmastree powered by 2,000 LED lights at Plaza Mabini amazes young and old alike.

2

Mayor Eduardo B. DimacuhaChairman

Letty C. ChuaEditor

Angie J. Banuelos - Associate Editor

Marie V. Lualhati,Ronna E. Contreras,Jerson J. Sanchez, Liza P. Delos Reyes, Monina B. Fernandez

Writers

Bryan Casado - Photographer

Oscar Perez, Arthur Atienza, Alfred Aguilar, Janet A. Borja - Circulation

Atty. Victor Reginald A. DimacuhaPhillip Baroja

Eduardo V. Borbon Consultants

Puntong Ala-Eh is the official publication of the Batangas City Government, Public Information Office

Batangas City 4200Tel.: (043) 723 2344

e-mail: [email protected]

Puntong Ala-EhEditoryal

3

FAITH in God is stronger than storm surge Yolanda. Ito ang pinatunayan ng mga biktima ng Yolanda sa bahagi ng Tacloban City at Visayas. Ang paniniwala ng mga biktima sa kabutihan ng Diyos ang siyang nanaig upang sila ay muling makabangon.Sa gitna ng pagkawala ng kanilang tahanan at mahal sa buhay, andon pa rin ang kanilang pag-asa na matatapos din ang kanilang paghihirap. Ang paniniwala na ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Katunayan, pagkatapos ng isang buwan, may nababanaag na panibagong buhay sa kanilang lugal.Nakamamangha ang pagbuhos ng tulong mula sa ating mga kababayan at ng iba’t ibang lahi sa buong mundo. Isa itong positibong pangyayari na nakapagdudulot ng inspirasyon, na habang may buhay ay may pag-asa. Sa lungsod ng Batangas at karatig bayan, sa pangunguna ng Lipa Archdiocese Social Action Center (LASAC) at Sagip Kapamilya, bumaha ng truckloads ng donasyon buhat sa mga bukas palad. Naglaan naman ang pamahalaang lungsod ng Batangas ng P2.5 M mula sa calamity fund para sa mga Local Government Units ng Tacloban at Leyte at ng sinalanta ng lindol sa Bohol. Ang CSWDO ay nagsagawa rin ng pangangalap ng pondo at donation in kind. May mga opisina sa pamahalaang lokal ng Batangas na sa halip magdaos ng Christmas Party ay kanilang ibinigay ang kanilang pera para sa pang –exchange gift- sa mga biktima ng Yolanda. At nito lamang ika-10 ng Disyembre, ang First Gas Power Corporation (FGPC) ay nagsagawa ng Media for A Cause. Sa halip na magsagawa ng games at magarbong party, ito ay naging simple na lamang. Bawat media practitioner ay may dalang donation na basic commodities kapalit ang door prize mula sa naturang kompanya. Nagdonate rin ang FGPC ng P20,000.00 at kasama ang mga donation ng bawat mediaman, ito ay kanilang itinurn-over sa LASAC na siyang magdala nito sa mga biktima ng Yolanda. Nagbigay naman ng hiwalay na donasyon na P12,000.00 ang Batangas Press Club at ito ay inilagak din sa LASAC. Ilan lamang ito sa mga pangyayari na nagtaas ng kamalayan na ang pagtutulungan sa panahon ng krisis ay nanatili pa rin. Sa pagdiriwang ng ika-432 Foundation Day ng lalawigan ng Batangas nitong ika-8 ng Disyembre, na ang host ay ang Batangas City, ipinakita rin dito ang pagkakaisa ng mga bayan at siyudad sa lalawigan. Ani Governor Vilma Santos Recto, ito ay hindi pagsasaya sa gitna ng kalamidad, kundi ito ay pagsasama-sama tungo sa isang layunin na pag-isahin ang lalawigan at pasasalamat din dahilan sa walang mabigat na bagyo na nararanasan ang lungsod at lalawigan ng Batangas. Ani Mayor Eddie B. Dimacuha, isang eye-opener ang naganap sa Tacloban at karatig bayan nito. Maraming “lessons learned” na dapat isaalang-alang ang lungsod upang lalong mapangalagaan nito ang mga naninirahan dito. Sa kabuuan, wala pa ring sandata sa anumang unos kundi ang pagiging handa at ang matibay na pananalig sa Poong Lumikha.

EDITORIAL BOARD

MAY 15 pamilya na biktima ng bagyong Yolanda na dumating sa Batangas City noong ika-29 ng Nobyembre, ang tinutulungan ng City Social Welfare and De-velopment Office (CSWDO) sa kanilang mga pangunahing pan-gangailangan. Binubuo ito ng 49 na indibidwal mula Bislig, Tanauan at Tacloban City sa Leyte. Sila ay pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kamag-anak sa Ba-rangay Mabacong, Sitio Maalbo de la Paz, Pinamucan Proper, Tingga Itaas at Alangilan. Ayon kay Mila Española, hepe CSWDO, ang mga ito ay ini-report sa kanila ng mga barangay officials. Mula sa mga donasyon na tinanggap ng pamahalaang lokal, nahandugan sila ng basic commodities tulad ng pagkain at damit kasama ang mga school supplies. Pinayagan ding maka-pag enroll ang mga bata sa paaralan dito sapagkat may-roong direktiba ang Department of Education na tanggapin silang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dito kahit walang kauku-lang dokumento. Nabigyan din sila ng serbisyong medikal sa pamamagitan ng City Health Of-

fice. Ang Office of the City Veterinary and Agricultural Ser-vices naman ay nagkaloob ng livelihood training sa paggawa ng basahan, gamit ang mga ma-teryales na ibinigay ng CSWDO. Samantala, may limang indibidwal na ang umuwi sa Tacloban City sapagkat sila ay tinawagan ng kanilang pinag-tatrabahuhan. Sinagot ng Lipa Archdiocese Social Action Center (LASAC) ang kanilang pamasahe. Lubos naman ang pasasalamat ng mga biktima ng Yolanda. Ayon kay Maribel Abogado sa kanyang text mes-sage kay Espanola, “Kami ay nagpapasalamat sapagkat nag-ing maayos ang pagtanggap ninyo sa amin . Hindi ninyo kami pinabayaan.” Ipinaabot ni Espanola ang pasasalamat sa lahat na nagbigay ng cash donations na umabot sa humigit kumulang P72,000.00. Ani Espanola, pina-tunayang muli ng mga Batangue-no ang generosity of heart. Sa kasalukuyan ay bukas pa rin ang kanilang opisina sa pagtanggap ng cash at donation in kind para sa mga biktima ng Yolanda. (Monina B. Fernandez)

At the height of surmounting criticisms on the proposition to upgrade the city’s real property taxes, the Secretary to the Mayor and Chief of Staff, Atty. Reginald Dimacuha come to the rescue of the City administration and defended the proposal even in social media. This, in his effort to answer different allegations of unlikely happenings once the proposed updating of the RPT takes place. “Unlike the Provincial Government of Batangas, Lipa City and a great majority of local governments in the country, the Batangas City Government has NOT updated or revised its Real Property Assessment Ordinance for 20 years. All other LGUs update their assessments every three (3) years. Even then, the proposed 2014 Tax Revision Ordinance will still RESULT in LOWER real property taxes in Batangas City in comparison to the taxes in neighboring Bauan, San Pascual and Lipa City.

As they stand, Batangas City’s current assessment levels are unrealistic. The City Government must find revenue sources to better serve the needs of its people and to direct Batangas City’s development and inclusive growth. The increased revenues, after the revision, are aimed at meeting the nearly 100 new classrooms needed by Dep Ed’s K-12 Program; support for the program demands of the new senior high school levels; the complete renovation of Public Market 2 and 3 in Barangay Cuta, as well as the surrounding roads and drainage system; the construction of new roads, canals outfalls, seawalls, and other infrastructure projects in Batangas City; the development of the proposed ECOZONES - the new industrial and business centers to decongest the existing city center; and most especially, additional funds for the increasing demands

On Real Property Tax Valuation

sundan sa p. 3

of the city’s healthcare and scholarship programs. We all dream of a more developed Batangas City. We all aspire for a government that meets the challenges of development and is able to address the needs of its increasing number of people. Our goals cannot be met if we do not support our government’s revenue measures. We fail as one people if we allow political destabilisers to get the best of us. Nationalism requires that we do our part as responsible citizens and taxpayers. The development

of Batangas City - the ability of Government to respond to the needs of its people - depends NOT only on Government per se, but on the attitude of each one of us. He or she who demands much from government and yet is opposing government’s capacity to generate revenues is doing our people the greatest disservice. I still believe that the greater number of Batangueños are reasonable citizens and are responsible taxpayers.”(Republished from Pahayagang Balikas, November 25-December 1 Issue, with permission)

On Real Property... mula sa p. 3

PUNTONG

ALA-EH

Atty. Victor Reginald A. Dimacuha

Opinyon

BANAHIS Nagsagawa ng Donation DriveNAGSAGAWA ng Donation Drive ang Faculty and Employees Association (FEA) ng Batangas National Highschool (BANAHIS) para sa mga nasalanta ng super typhoon “Yolanda”. Ito ay ayon sa ulat at panayam kay G. Reymund Ferry, guro ng naturang paaralan. Ani Ferry humigit kumulang sa P33,000 ang galing sa mga sumusunod na departamento at opisina: English- P3,240; Social Studies- P5,000; Science and Technology- P3,000; MAPEH- P1,850; Mathematics- P5,025; Guidance- P600; Filipino- P3,200; TLE- P4,300; Values Education- P3,450; at employees- P3,800. Ang voluntary

contribution ng bawat isa ay mula P10 hanggang P200. Bukod sa re-packing ng relief goods, nakiisa rin ang mga empleyado at mga guro sa paglalaan ng oras para sa sama-samang pagdarasal o morning devotion para sa mga nasalanta ng bagyo. Ang BANAHIS ay sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Sonia C. Ebreo na tumatayong principal ng nasabing paaralan. Samantala may 1,200 canned goods at 1,600 noodles ang nalikom ng samahan ng mag-aaral sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga. Ayon pa rin kay Ferry ang mga donasyon ay inilagak ng FEA sa Sagip Kapamilya upang ibigay sa mga kinauukulan. (Jerson J. Sanchez)

15 Pamilya Mula Leyte Dumating sa Batangas City

Soft opening of the Bagong Pag-asa Transitional and Rehabilitation Building for the Needy. Cutting the ribbon are Former Mayor Vilma Abaya Dimacuha and City Administrator Phillip Baroja. Looking on are Fr. Nonie Dolor, CSWDO Chief, Mila Espanola and the City department heads. (Photo by: Arnel Cale)

At the flag ceremony, Mayor Dimacuha welcomes the victims of Yolanda. The said families who are now residing in their Batangueño relatives were also treated to a tour of the Plaza Mabini and entertainment from Day Care Children Talent Show winners. (Photo by: Sam Española)

1- Jessa Kristine Platon (Talisay)

2- Jeanne Delgado (Batangas City)

3- Krissandra Marie Abel (Lobo)

4- Aziel Joy De Sagun (Agoncillo)

5- Kia Credito (San Pascual)

6- Maria Kriselda Gomez (Ibaan)

7- Frances Deanne Paglinawan (Laurel)

8- Mary Grace Jumarang (Cuenca)

9- Janna Erra Perez (Padre Garcia)

10- Vivian Aquino (Calaca)

11- Patricia Inciong (Mataas na Kahoy)

12- Joanna Marie Rombana (Calatagan)

13- Camille Laylay ( Sto. Tomas)

14- Noriedel Francisco (Bauan)

15- Monique Mallari (Malvar)

16- Eloisa Panaligan (Balayan)

17- Lyza Dianne Hernandez (Taal)

18- Shekinah Grumo (Balete)

19- Melody Joy Lizardo (Tanauan City)

20- Marlene Eudora Gonda (San Jose)

21- Rhonalyn Dalisay (Mabini)

22- Michaela Mae Manalo (San Nicolas)

23- Louise May Laylo (Lipa City)

Mutya ng Batangas Pageant

Mutya ng Batangas 2013- Lyza Dianne Hernandez, Taal, 16, Highschool student, Our Lady of Caysasay Academy, Ms Teen Taal, pinakabata sa 23 kandidata; at Miss Personality (Radiant Skin, Placenta, Sun Cellular) at Best in Production Number Outfit na likha ni Nante Robles 1st runner up at Mutya ng Batangas Tourism at Best in Swimwear, Janna Erra Perez, Padre Garcia 2nd runner up at Mutya ng Batangas Kalikasan, Aziel Joy de Sagun, Agoncillo3rd runner up at Best in Long Gown- Louisa Mae Laylo, Lipa4th runner up, Krissandra Marie Abel, Lobo.Top Five Winners Special Awardees

Mutya ng Batangas with the Top Brass

2013

7Puntong Ala-Eh

ISINAGAWA ang isang Investment Forum na may titulong “Let’s Talk Business and Invest in Batangas City” sa pagtataguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod ng Batangas noong ika-11 ng Disyembre sa Makati City. Tampok sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr. Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium upang matugunan ang problema sa job-skills mismatch at mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Lumagda din sa MOA si Mayor Eddie Dimacuha at ang owner ng Philippine Azkals na si Dan Palami. Nakapaloob sa MOA na magagamit ng naturang koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Malaki naman ang magiging posibleng pakinabang ng paglagda sa MOA ng Department of Trade and Industry at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat dito naghahanap ang mga negosyante ng maaaring paglagakan ng kanilang capital lalo na iyong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. (Ronna Endaya Contreras)

Let’s Talk Business and Invest in Batangas CityWhy Invest in Batangas City?

SA nabanggit na business forum ay dinetalye ng Chief of Staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha sa pamamagitan ng isang makulay at informative na power point presentation, kung bakit sa Lungsod ng Batangas mamuhunan (Why Invest in Batangas City). Ilan dito ay ang proximity nito sa Manila, well-connected road network at pagkakaroon ng Batangas International Port. Sa port

aniya ay may average 15,000 passengers daily ang dumadaan dito papuntang Mindoro, Romblon at karatig isla. Kung kayat maaari itong maging source of tourist-related investments upang ma-tap na mag-stop-over muna sa lungsod. Malaking bagay din aniya ang pagiging Green City ng lungsod. Mahigpit na ipinatutupad dito ang mga batas sa pangangalaga ng kapaligiran tulad ng “No to plastic and styro”. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development policies katuwang ang USAID. Nakatayo na rin ang iba’t ibang imprastraktura tulad ng Batangas City Convention Centre, City Sports Coliseum, Oval at Track and Field at iba pang public venues na maaaring pagdausan ng malalaking functions ng business and

entertainment. “Very impressed” naman si Dr. Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, sa naturang business forum kaya’t nais nilang magtayo ng negosyo dito sa hinaharap. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad ng pagnenegosyo sa lungsod. Sila ay sina Congressman Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development

Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, President and Chief Operating Officer ng First Gen Corporation; Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company, Inc. (AG&P); Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas; at David Hinchliffe, Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado. Binati niya ang Batangas City sa layunin nitong maging world-class dahil sa conducive business climate at ang natural na kasipagan ng mga Batangueno. (Ronna Endaya Contreras)

Mayor Eddie B. Dimacuha turns over a symbolic key to USAID Deputy Assistant Ad-ministrator for Asia Gregory Beck for the latter’s continued support to Batangas City as one of the three (3) secondary cities along with Iloilo and Cagayan de Oro, which was given Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Looking on is the Chief of Staff, Atty. Victor Reginald Dimacuha. (Photo by Bryan Casado)

“Hindi na namin kailangan magpunta sa Divisoria, kasi andito na. Mura ang mga items dito. Two for P180.00 ang blouse.” -Angelica Asi, San Miguel “Sa hirap ng panahon ngayon, kailangang magtipid. Kaya natutuwa ako sa pagkakaroon ng tiangge pagkatapos naming magsimba ay maaari nang magshopping.” -Eric de Guzman, Sta. Rita Karsada “Hindi lamang matatagpuan ang mga murang paninda kundi maaari pang mag-enjoy sa mga rides at

FOLLOWING is a one-on-one interview with Mr. Emilio “Kay” de Quiros, the City Program Adviser of the United States Agency for International Development (USAID) in Batangas City.Q: Ano na po ang na-achieve ng partnership ng Batangas City at USAID?A: On the micro level, may Business One –Stop- Shop (BOSS) na tayo. Mas napabilis ang business permit and licensing process. Last year, nagawa ng 3 hours lamang, from 23 steps to 2 steps only. This January, inaasahan natin na magiging one hour lamang. Mabilis. It’s one way of attracting business. On the macro level, just last week, we were able to conduct a business forum, with 238 attendees, mostly presidents of banks and multi-national companies. Atty. RD was able to showcase the City as a good investment place, point by point. He identified specific opportunities, infra, heavy industries, tourism, agriculture, etc. for businesses to come in.Q: I understand, E-Hotels Group and E-International Group signified their intention to invest. A: Yes, I agree. In fact, Ms. Fely Ramos is always saying Hotel Pontefino is fully booked. Wala kasi na competitor at par with Pontefino’s services. Much welcome itong hotel investments. A lot of expats are locating in Batangas. For example, AG &P will be fully operational next year. Where do these expats stay? Not only that the American Chamber of Commerce are excited on utilizing the port and shipping facilities. There should be hotels at kaakibat din ng hotels

iyong mga malls and leisure complex near the port. The opportunities are really huge.Q: Is there a plan to develop and intensify tourism, to tap the 15,000 average passengers, passing daily through the port going to Mindoro, Romblon and adjacent island? A: Actually Atty. Rd explained this 3M passengers per year passing through, 3B cargo! Aside from malls, we should develop local tourism spots like Nagtuon Falls, Mt. Banoy, Sto. Domingo and Pagkilatan, which I heard will be the sight of the tallest statute of Mama Mary. A lot of opportunities for these passengers and pilgrims to stay for a while or longer, in Batangas City. Isa ring offshoot of the forum, is the partnership of the City with the Batangas City Business Club. This will serve as the focal organization where investors can inquire, with the help of the Local Economic and Investments Promotion Center (LEIPC) na isang opisina na itinayo ni Mayor Dimacuha to cater to investors.Q: What is the time frame of the City and the USAID ‘s partnership? A: Actually the CDI Invest Enabling Project is from 2013 to 2015, For three years. However, USAID is very much impressed with the gains Batangas City has achieved for the last two years. So there is a plan to continue the partnership. But this time aside from technical assistance, sectoral profiling, and business promotions, USAID is looking into providing infrastructure and other facilities to sustain what has been started by the project. Q.: Well, that’s fine. Thank you for this interview.

carousel. Makakapanood pa kami ng palabas ng Animated Display. “ -Nellie Piopongco, Balete“Lahat ay mabibili sa tiangge- pambahay, kurtina, kaldero, dekorasyon sa bahay at marami pang iba. At mayroon ding kakanin at fruit shakes, all in one roof!” -Marcing Mendoza, Tramo “Mabunga ang aming bagong taon dahilan sa patok ang bibingka at puto bumbong. Salamat at ibinabalik ng pamahalaan ang tiangge sa panahong ito.” -Melba Blanco, Balete

Kahanga-hanga ang Batangas City, dahil nadadala niya ang panoorin na hindi na kailangang pumunta ng Greenhills upang makakita ang aming mga anak ng Animated Display. - San Pascual resident Maganda ang Paskong Batangueno na makikita sa COD sa tagiliran ng City Hall. May sasaya pa ga, iyan talaga ang mararamdaman kapag naririnig ang Christmas carols at ang makikita ang malaking X’mas tree.” -Rose Espino, OCVAS “Nakatutuwa ang palabas ngayon dahil sa naipamumulat sa mga bata ang laro noon at ang pagiging payak at simpleng pamumuhay.

Ipinakikita rin ang noon at hanggang ngayon na pagiging relihiyoso ng mga Batangueno”.-Dr. Leoncia Sulit, Arrieta Subdivision “Ang tema ng Paskong Pinoy ang kauna-unahang tema ng COD Animation noong 1960’s at muling nirevive ng Batangas City. Congratulations kay Mayor Dimacuha!” -Senior Citizen “Maganda po at magaling po ang gumawa ng mga karakter. Masaya po. Feel na feel po ang Pasko.” -Glenda Arellano, Cuta “Ok lang. It makes you feel good and happy.” -Geraldine de los Reyes, Banaba West

Letty C. Chua

Feedback6

May Sasaya...mula sa p. 1

On Tiange What’s Up USAID?

Other Special AwardeesBest in Batangueña Costume Best in Talent, at Tribal Jungle Dance - Michaela Mae Manalo, San Nicolas; Best in Casual Wear at Ms Mags- Maria Kriselda Gomez, Ibaan; Miss Photogenic-Noriedel Francisco, Bauan; Miss Congeniality- Monique Mallari, Malvar;Mutya ng Charities- Mary Grace Jumarang, Cuenca; People’s Choice Award, On line Voting-Marlene Endora Gonda;People’s Choice Award- Kia Credito, San Pascual; at Best Hair and Make up Artist - Eddie Rosales, Padre Garcia.

Naging sentro rin ng katuwaan ang pag-uunahan ng dalawang bata sa palo sebo, isang larong Pinoy kung saan sa tuktok ng poste ng kawayan ay makukuha ang goodies na kanilang inaasam. Ipinakita rin ang pagmamano ng mga bata sa mga matatanda at ang sama-samang pagdarasal; kapang orasyon. Binuksan din ang Trade Fair o Tiangge sa P. Panganiban at P. Burgos Streets kung saan mabibili ng mura ang ibat-ibang uri ng paninda. Bagamat may pagsisikip ng trapiko, naging mainit pa rin ang pagtanggap ng mga mamimili dahil anila hindi na nila kailangang pumunta ng Divisoria para sa pamimili ng kanilang mga regalo. May 168 na stalls kung saan 45% nito ay taga lungsod ng

Batangas at dito ay 27% ay taga palengke. Ani Ms. Marietta Serrano, organizer, sila ay may mga papeles na binabayaran sa BIR bilang responsableng nagbabayad ng kanilang buwis. “ May permit din kami sa DTI at sa pamahalaang lokal ng Batangas. Ang paglalagay ng mga rides at carousel ay bahagi ng package ng inihahandog namin sa siyudad sa pagtatayo ng tiangge,” dagdag pa ni Serrano. Naglagay rin ang organizer ng tatlong portalets at walong streetsweepers para magmentena ng tiangge. Sa kabuuan, tunay na masaya at makulay ang pagdiriwang ng Pasko sa lungsod ng Batangas. (Ronna Endaya Contreras)

On Animated Display

Mutya ng Batangas...mula sa p. 5

NEWS BYTES29 Kawani Sumailalim sa ICS Training at Contingency PlanningBILANG paghahanda ng pamahalaang lokal ng Batangas sa mga kalamidad, sumailalim sa Incident Command System (ICS) Basic Training Course ang may 29 na key personnel at department heads noong ika-5 hanggang ika-7 ng Nobyembre sa Tagaytay City. Tinalakay ang mga topics na ICS Organization, Incident Management, Event and Planning at ang Transferring of Command and Demobilization. Pagkatapos ay dumalo naman sa Contingency Planning Formulation Workshop ang mga naturang kawani sa loob ng apat ng araw sa Teachers Conference Center noong ika-11 hanggang ika-15 ng Nobyembre.

ABC at ABAKA Naghalal ng Bagong Set of OfficersSA halalang isinagawa noong ika-9 ng Disyembre, ang mga sumusunod ang bagong pamunuan ng asosasyon ng mga punong barangay (ABC) at kagawad (ABAKA):Association of Barangay Councils (ABC) - President: Former Mayor Angelito Dondon A. Dimacuha (Brgy. 18); Vice President:Nelson Chavez (Libjo); Auditor: Flordeliza Antenor (Brgy. 24); and Board of Directors: Pastor Perez (Mahacot Silangan); Adriano Guico (San Miguel); Nelson Geron (Soro-soro Ibaba); Renato Gamboa, Jr. (Kumintang Ibaba); Michael Marasigan (Pinamucan Silangan); Maribel Santos (Maapaz); Nelia Manalo (Brgy. 11); and Digna Fajarito (Gulod Labac).

Association of Barangay Kagawad (ABAKA) Officers- President: Oliver Z. Macatangay (Pallocan West); Executive Vice President: Ramil S. Borbon (San Isidro); VP for External Affairs: Primo F. Anonuevo Jr. (San Isidro); VP for Internal Affairs: M i c h a e l C. Villena (Brgy. 20); Auditor: Wilfredo C. Ocampo (Bolbok); Public Relation Officers: Arnold M. Bughaw (Tinga Labac); Angelito A. Endrinal (Dela Paz Pulot); and Board of Directors: Zyril B. Manalo (Bilogo); Gloria D. Montalbo (Alangilan); Pedro D. Casapao (Sta. Clara); Meno P. Coliat (Soro-soro Ibaba); Lito C. Cueto (Gulod Itaas); Maria Irene B. Buno (Brgy. 6); Avelino N. Collera (San Agustin Silangan); Martbien M. Macalalad (Gulod Labac); Maria C. Rubia (Banaba West); and Leonardo G. Fampo (Ambulong). (Jerson J. Sanchez)

Ala-Eh Festival 2013

Thumbs up. To get a top view of the Street Dance and Festival Float Parade Governor Vi , Mayor Eddie and his wife Mayor Vilma A. Dimacuha stay at the City Hall Balcony. (Photos by: Edwin Zabarte PIO Province)

Out of 18 Floats, Calaca (1st) , Batangas City (2nd) and Alitagtag (3rd) won P75,000.00; P50,000.00; and P30,000.00 respectively. (Photos by: Bryan Casado)

1st Place 2nd Place 3rd Place

8

Street Dance Exhibition1st Place - Mahaguyog of Sto. Tomas (P200,000.00)2nd Place- Sugbuan of Nasugbu (P150,000.00) 3rd Place- Nata de Coco of Malvar ( P100,000.00) Parol Making Contest 1st Place- Taysan (P50,000.00)2nd Place -Batangas City (P30,000.00)

3rd Place- Calatagan (P20,000.00)

Best Booth 1st Place - Lobo (P75,000.00)2nd Place -Tanauan City (P50,000.00)3rd Place - Calaca (P30,000.00)

Best Managed Booths - Tuy and Taysan(P15,000.00 each)

Voices, Songs and Rhythms (Main Category)1st Place -Joel Alcaraz, Talisay (P100,000.00)2nd Place -Moon Amelle Bugtong, San Luis (P75,000.00)3rd Place -Milky Sheena Villaester, Nasugbu (P50,000.00)

Voices, Songs and Rhythms (Junior Category)1st Place-Keon Patrick Carlos Driz, Batangas City (P100,000.00)2nd Place -Lucas Garcia, Lipa City (P75,000.00)3rd Place-Maria Kristina Dolor, San Juan, Batangas (P50,000.00)