Punong Barangay - fchc.files. · PDF filetinatamasa ng lahat, lalo na ng kababaihan, ang...

2
Website: http://fchc.multiply.com E-mail: [email protected] ED LARES HALL CARLOS P. GARCIA AVE. BRGY. UP CAMPUS FAMILY AND COMMUNITY HEALING CENTER “Malusog at panatag na tahanan tungo sa maunlad at mapayapang pamayanan.” Family and Community Healing Center Contact No. 426-97-79 FCHC FCHC FCHC Ang Family and Community Healing Center ay isang proyekto ng Brgy. UP Campus na nagbibigay ng serbisyo sa komuni- dad sa pamamagitan ng pakikinig at pagpapayo (counseling) sa mga indibidwal at pamilya na nakararanas ng iba’t ibang anyo ng karahasan laban sa kababaihan o VAW (Violence Against Women) sa loob ng tahanan at sa lipunan. Ang kara- hasang ito ay ibinubunga ng diskriminasyon laban sa kaba- baihan, nagdudulot ng paghihirap at nagpapababa ng pag- tingin at pagtrato sa kababaihan. Ang anyo ng karahasan na ito ay malinaw na paglabag sa legal at karapatang pantao ng mga kababaihan. Ninanais ng FCHC na labanan ang VAW, na isang malaking hadlang din sa ating pag-unlad tungo sa pagbuo ng isang pamayanang makatao, ligtas, payapa at kumikilala sa pag- kakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Nais ng FCHC na makatulong sa pagbubuo ng isang pamayanan kung saan tinatamasa ng lahat, lalo na ng kababaihan, ang kanilang mga karapatan. Ang mga karapatang ito ay nakasaa sa batas at sa maraming kasunduang internasyunal na nilagdaan ng pamahalaang Pilipinas maraming taon na ang nakalipas. Ang FCHC ay bukas mula Lunes hanggang Sabado: 8 ng umaga 12 ng tanghali; 1 ng hapon 5 ng hapon Punong Barangay: Isabelita P. Gravides Project Coordinator: Echel L. Escobal Counselors: Luz Cadiz Rizza Balagtas Vivian G. Agdeppa Ria G. Narvaez Arabia Acain Ella Arididon Joel Candano Visitor’s Information Personnel Annabelle A. Milos Ma. Teresa Basilides Ano ang FCHC? FCHC STAFF:

Transcript of Punong Barangay - fchc.files. · PDF filetinatamasa ng lahat, lalo na ng kababaihan, ang...

Page 1: Punong Barangay - fchc.files. · PDF filetinatamasa ng lahat, lalo na ng kababaihan, ang kanilang mga karapatan. ... mga kababaihan at ng kanilang mga anak na kadalasang biktima ng

Website: http://fchc.multiply.com

E-mail: [email protected]

ED LARES HALL CARLOS P. GARCIA AVE.

BRGY. UP CAMPUS

FAMILY AND COMMUNITY HEALING CENTER

“Malusog at panatag na tahanan tungo sa maunlad at

mapayapang pamayanan.”

Family and Community Healing Center

Contact No. 426-97-79

FCHCFCHCFCHC

Ang Family and Community Healing Center ay isang proyekto

ng Brgy. UP Campus na nagbibigay ng serbisyo sa komuni-

dad sa pamamagitan ng pakikinig at pagpapayo (counseling)

sa mga indibidwal at pamilya na nakararanas ng iba’t ibang

anyo ng karahasan laban sa kababaihan o VAW (Violence

Against Women) sa loob ng tahanan at sa lipunan. Ang kara-

hasang ito ay ibinubunga ng diskriminasyon laban sa kaba-

baihan, nagdudulot ng paghihirap at nagpapababa ng pag-

tingin at pagtrato sa kababaihan. Ang anyo ng karahasan na

ito ay malinaw na paglabag sa legal at karapatang pantao ng

mga kababaihan.

Ninanais ng FCHC na labanan ang VAW, na isang malaking

hadlang din sa ating pag-unlad tungo sa pagbuo ng isang

pamayanang makatao, ligtas, payapa at kumikilala sa pag-

kakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Nais ng FCHC na

makatulong sa pagbubuo ng isang pamayanan kung saan

tinatamasa ng lahat, lalo na ng kababaihan, ang kanilang

mga karapatan. Ang mga karapatang ito ay nakasaa sa batas

at sa maraming kasunduang internasyunal na nilagdaan ng

pamahalaang Pilipinas maraming taon na ang nakalipas.

Ang FCHC ay bukas mula Lunes hanggang Sabado:

8 ng umaga – 12 ng tanghali; 1 ng hapon – 5 ng hapon

Punong Barangay:

Isabelita P. Gravides

Project Coordinator:

Echel L. Escobal

Counselors:

Luz Cadiz Rizza Balagtas

Vivian G. Agdeppa Ria G. Narvaez

Arabia Acain Ella Arididon

Joel Candano

Visitor’s Information Personnel

Annabelle A. Milos Ma. Teresa Basilides

Ano ang FCHC?

FCHC STAFF:

Page 2: Punong Barangay - fchc.files. · PDF filetinatamasa ng lahat, lalo na ng kababaihan, ang kanilang mga karapatan. ... mga kababaihan at ng kanilang mga anak na kadalasang biktima ng

Iba’t ibang anyo ng VAW

Pisikal na karahasan – pisikal na aksyon ng pananakit; kabi-

lang dito ang pananakit at pambubugbog sa asawa o

anak sa tahanan o pampublikong lugar.

Emosyonal at sikolohikal na karahasan – mga akto o omi-

yon na maaring maging sanhi ng mental o emosyonal na

paghihirap ng biktima. Mga halimbawa ay ang pananakot,

panggugulo o pangliligalig, lihim na pagsubaybay, pagdu-

lot ng pinsala sa ari-arian, pamamahiya o panlilibak sa

publiko, paulit-ulit na berbal na pang-aabuso at pagtatak-

sil. Kabilang din ang sadyang pagpapakita sa biktima ng

pisikal, sekwal o sikolohikal na pang-aabuso sa pamilya

ng babae, o di kaya ay ang sadyang pagpapakita ng por-

nograpiya o pagpapakita ng pinsala sa alagang hayop.

Ang hindi nagpapahintulot na makita o mag-alaga sa

kanyang anak ay sikolohikal at emosyonal na abuso rin.

Pang-ekonomiyang karahasan – pagkontrol sa karapatang

maghanap-buhay at sa alokasyon ng kita at iba pang

rekurso; pamimilit na pasukin ang mga partikular na ga-

wain; pag-uudyok na mangutang; paglustay ng kita, mga

naipong pag-aari o kita, atbp.

Sekswal na karahasan - may iba’t ibang anyo ng sekswal na

karahasan, mula sa pamboboso, pagpipito, panunutsot at

iba pang anyo ng harassment, hanggang sa pangga-

gahasa. Isang halimbawa ang sapilitang pakikipagtalik sa

asawa na sa ilalim ng batas ngayon ay ipinagbabawal na

bilang panggagahasa (marital rape). Maaring pisikal

(pambubugbog), sikolohikal (pananakot) at/o pang-

ekonomiya (banta ng pang-ekonomikong paghihigpit) ang

anyo ng pamimilit. Panggagahasa rin ang sapilitang pag-

papagawa ng mga aktong sekswal. Kabilang din sa

sekswal na karahasan ang trafficking (pagbebenta ng

kababaihan) at prostitusyon.

Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act

(Republic Act 9262)

Ang RA 9262 o Anti-VAWC Act ay ang BATAS LABAN SA KABA-

BAIHAN AT KANILANG MGA ANAK. Ipinasa ito noong Pebrero

2004 at naisabatas noong Marso 8, 2004. Nais tugunan ng batas

na ito ang tahasang paglabag sa karapatang pantao at legal ng

mga kababaihan at ng kanilang mga anak na kadalasang biktima ng

karahasan.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan, may nata-

tanging batas na maaring gamitin ang mga kababaihan upang

matamasa ang kanilang mga karapatan at maipagtanggol ang

Kami sa FCHC ay …

bukas at handa sa harapang pakikinig at pag-unawa sa mga suliranin tungkol sa karahasan.

nagbibigay ng batayang impormasyon at impormal na edukas-yon tungkol sa VAW at sa mga batas at patakaran na maaring gamitin upang harapin at wakasan ito.

Nagbibigay din ang FCHC ng iba’t ibang pagsasanay tulad ng mga sumusunod:

pag-unawa sa VAW at pagpapataas ng kamulatan-tungkol sa isyung ito at sa karapatan ng mga kababaihan;

sekswal at reproduktibong kalusugan ng kababaihan;

mga oportunidad sa hanapbuhay;

malikhaing mga gawain para sa mga bata.

Makakaasa po kayo na ang lahat ng inyong idudulog sa FCHC ay ituturing na KONPIDENSYAL.

Ang VAW ay isang pangyayari na nagdudulot ng pisikal, sekswal at/o

sikolohikal, berbal, pang-ekonomiko na pagpapahirap sa kababaihan.

Kabilang din dito ang pamimilit, pagsikil sa kalayaan ng kababaihan,

at/o paggamit sa mga aktong ito bilang pananakot.

Nangyayari ang VAW sa alinmang sulok ng tahanan, pamayanan at

lipunan at sa iba’t ibang sector – may asawa man o wala, may anak

man o wala, mahirap man o mayaman, sa kanayunan o kalunsuran,

sa mga propesyunal, manggagawa, magsasaka, mangingisda, bata

man o matanda. Batay na rin sa mga ulat ng pamahalaan at iba’t

ibang pag-aaral, malinaw na mayroong mga akto ng karahasan na

tanging target ang kababaihan, ang pagkontrol halimbawa sa

kanilang pagkilos, pananalita, pamamahayag at iba pang aspeto ng

kanilang buhay.

Mga Serbisyo ng FCHC

kanilang mga sarili.

Iba pang batas na nakakatulong sa paglaban sa

diskriminasyon at sa VAW

RA 8353: An Act Expanding the Definition of the Crime of

Rape, Reclassifying the same as a Crime against Persons,

Amending for the Purpose Act No. 3815, as amended, oth-

erwise known as the Revised Penal Code, and for other

purposes

RA 9208: An Act to institute policies to eliminate the traffick-

ing in persons especially women and minors, establishing

the necessary institutional mechanisms for the protection

and support of trafficked persons, providing penalties for its

violations, and for other purposes.

RA 8505: An Act Providing Assistance and Protection for

Rape Victims, Establishing for the Purpose A Rape Crisis

Center in every Province and City, authorizing the Appro-

priation of Funds thereof, and for other Purposes.

RA 8972: An Act Providing for Benefits and Privileges to

Solo Parents and their Children, Appropriating Funds thereof

and for other Purposes.

May karapatan tayong lahat na isumbong ang pan-gyayari at humingi ng tulong mula sa awtoridad. Ang VAW na nangyayari sa tahanan ay labag sa batas, tulad din ng anumang akto ng karasahan sa mga pampublikong lugar.

Alamin ang legal at pantaong karapatan ng mga kaba-baihang Pilipino, kasama na ang mga batas at mga patakarang maaring gamitin sa pagtataguyod at pagtatanggol ng mga ito.

Kung tayo ay nakararanas ngayon ng VAW, kilalanin ang nangyayari sa atin at humingi ng tulong.

Maari kayong sumama sa mga pagtitipon ng FCHC at iba pang mga samahan na nagtataguyod ng in-yong mga karapatan.

Isulong ang pagkakapantay-pantay, paggalang, pag-mamahalan, pagmamalasakit sa kapwa sa tahanan at sa pamayanan.

Ano ang karahasan laban sa kababaihan o VAW at bakit may

natatanging pagbigay-pansin dito?

Ano ang maari nating gawin?