PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung...

24
1 READY ANCHORAGE AKING PANG-EMERHENSIYANG PLANO PANGALAN: TELEPONO: MGA TALA: Komisyonado ng Pamamahala ng Emerhensiya Joseph J. Esposito Ang patnubay na ito ay ginagamit nang may permiso ng NYC Emergency Management Bersiyon ng Abril 2017

Transcript of PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung...

Page 1: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

1

READY ANCHORAGE

AKING

PANG-EMERHENSIYANG

PLANO

PANGALAN: TELEPONO: MGA TALA:

Komisyonado ng

Pamamahala ng

Emerhensiya

Joseph J. Esposito

Ang patnubay na ito ay

ginagamit nang may permiso ng

NYC Emergency Management

Bersiyon ng Abril 2017

Page 2: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

AKING IMPORMASYON

Mangyaring ilimbag. Sa pagtingin

bilang isang PDF, i-click ang mga lugar

na nilagyan ng highlight upang i-type

ang impormasyon.

Pangalan:

Address:

Telepono sa Araw:

Telepono sa Gabi:

Cell Phone:

Email:

1

Page 3: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

3

May tatlong basikong hakbang upang

maging handa para sa emerhensiya:

GUMAWA NG PLANO

MAGTIPON NG

MGA SUPLAY

KUMUHA NG

IMPORMASYON

Isipin ang tungkol sa kung paano

maaaring makaapekto sa iyo ang mga

emerhensiya. Ang mga emerhensiya ay

maaaring mula sa mga pagkatumba

hanggang sa mga sunog sa bahay

hanggang sa mga lindol. Gamitin ang

patnubay na ito ngayon upang ilista

ang maaaring kailanganin mo sa

panahon ng emerhensiya.

Mangyaring kumpletuhin ang mga

seksyon na angkop sa iyong mga

pangangailangan.

2

Page 4: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

GUMAWA

NG PLANO

LUMIKHA NG ISANG NETWORK NG

SUPORTA SA EMERHENSIYA

Huwag haraping mag-isa ang isang emerhensiya.

Pasamahin ang hindi bababa sa dalawang tao sa iyong

network ng suporta sa emerhensiya — mga miyembro

ng pamilya, kaibigan, kapitbahayan, tagabigay ng pag-

aalaga, katrabaho, o mga miyembro ng mga grupong

pangkomunidad. Tandaan, magagawa mong tulungan

at aliwin ang isa't isa sa mga emerhensiya.

Sa isang emerhensiya ang ating network ay dapat:

Manatiling nakikipag-ugnayan.

Alamin kung saan matatagpuan ang iyong mga suplay

na pang-emerhensiya.

Alamin kung paano patatakbuhin ang iyong kagamitang

medikal at tutulungan kang dalhin sa kaligtasan.

Mga kontak sa network ng suporta sa emerhensiya:

Pangalan/Relasyon:

Telepono (bahay/trabaho/cell):

Email:

Pangalan/Relasyon:

Telepono (bahay/trabaho/cell):

Email:

Pumili ng isang labas-ng-lugar na kaibigan o kamag-

anak na matatawagan ng pamilya o mga kaibigan kapag

may kalamidad. Kung ang mga lokal na linya ng

telepono ay abala, ang mga tawag na pangmalayong

distansiya ay maaaring mas madaling gawin. Itong

labas-ng-lugar na kontak ay makakatulong sa iyo na

makipag-ugnayan sa mga kasama sa inyong network.

Labas-ng-lugar na kontak:

Pangalan/Relasyon:

Telepono (bahay/trabaho/cell):

Email:

3

Page 5: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

BUMUO NG PLANO

Impormasyong Pangkalusugan at Medikal

Gumawa ng plano na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan. Makipag-usap sa iyong (mga) doktor, parmasyutiko, at ibang mga tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iyong mga ispesipikong pangangailangan at kung paano tutugunan ang mga ito kapag may emerhensiya.

Gumawa ng litratong kopya ng iyong mga kontak sa emerhensiya at impormasyong pangkalusugan; panatilihin ito sa iyong pitaka o purse sa lahat ng oras.

Mahalagang impormasyong pangkalusugan at panligtas ng buhay:

Mga alerhiya:

Ibang mga kondisyong medikal:

Mahahalagang gamot at pang-araw-araw na

mga dosis:

Reseta ng salamin sa mata:

Tipo ng dugo:

Mga aparatong pangkomunikasyon:

Kagamitan:

Plano sa segurong pangkalusugan:

Gustong ospital:

Individual #/Group #:

Doktor/Espesyalista:

Telepono:

Doktor/Espesyalista:

Telepono:

Parmasya:

Address:

Lungsod:

Telepono/Fax:

4

Page 6: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

GUMAWA

NG PLANO

BUMUO

NG PLANO (IPINAGPAPATULOY)

Ang mga emerhensiya sa pampublikong kalusugan ay

maaaring mula sa sukdulang init hanggang sa pagkalat

ng sakit. Ang mga panganib na ito ay makakaapekto sa

lahat. Kung magkaroon ng emerhensiyang

pangkalusuggan:

◼ Manatili sa bahay kung may-sakit.

◼ Kung ikaw ay may matindi o lumalalang mga sintomas,

pumunta agad sa pang-emerhensiyang silid ng ospital o

tumawag sa 911.

◼ Madalas na hugasan ang mga kamay ng sabon o

nakabase-sa-alkohol na panlinis.

◼ Manood ng lokal na TV at makinig ng radyo para sa

mga pahayag ng mga opisyal na pangkalusugan.

◼ Makipag-ugnayan

Isama ang komunikasyon sa Iyong Plano

Mag-ukol ng panahon ngayon kung paano ka

makikipag-usap sa mga kaibigan o mga

manggagawang pang-emerhensiya sa isang

emerhensiya. Sa isang emerhensiya, ang iyong

pangkaraniwang paraan ng pakikipag-ugnayan ay

maaaring maapektuhan ng mga pagbabago sa

kapaligiran, ingay, pagtigil ng serbisyo o mga

pagkalito. Sa iyong pang-emerhensiyang plano ay

dapat kabilang ang magkakaibang paraan ng

pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao.

◼ Kung ikaw ay bingi o nahihirapang makarinig,

magsanay ng mga panghaliling paraan upang ipabatid

ang iyong mga pangangailangan, tulad ng sa

pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala,

tekstong mensahe, o ibang mga paraan.

◼ Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging

handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

pinakamahusay na mabibigyan ka ng patnubay.

5

Page 7: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

Makipag-ugnayan sa Ibang mga Tao

Isulat ang maiikling prase na makakatulong sa iyo sa

isang emerhensiya. Ang mga nauunang sinulatan na

kard o tekstong mensahe ay makakatulong sa iyo na

magbahagi ng impormasyon sa iyong network ng

suporta o mga tagatugon sa emerhensiya kapag may

isang matensiyon o hindi komportableng kalagayan.

Maaaring hindi ka magkaroon ng mahabang oras

upang maipabatid ang iyong mensahe. Sa mga prase

ay kabilang ang:

◼ Maaaring nahihirapan akong maintindihan ang

sinasabi mo sa akin. Mangyaring magsalita nang

dahan-dahan at gumamit ng mga simpleng pananalita

o larawan.

◼ Gumagamit ako ng isang aparato upang makipag-

ugnayan.

◼ Ako ay bingi at gumagamit ng American Sign Language.

◼ Mangyaring isulat ang mga direksiyon.

◼ Ako ay nagsasalita ng [ipasok ang wika sa ibaba].

Ang mga praseng isinulat mo nang maaga ay dapat

gamitin sa mga emerhensiya sa loob at labas ng iyong

bahay. Tiyakin na dala mo ito sa lahat ng oras. Kung

nahihirapan ka, humingi ng tulong sa pamilya, mga

kaibigan, o tagabigay ng pag-aalaga.

Nasa ibaba ang espasyo para sulatan mo ng iyong

mga sariling prase:

6

Page 8: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

GUMAWA

NG PLANO

ALAMIN KUNG PAANO

LUMIKAS

Mga Lugar ng Pagkikita

Alamin kung saan ka makikipagkita sa pamilya, mga

kaibigan, o tagabigay ng pag-aalaga pagkatapos ng isang

emerhensiya. Pumili ng dalawang lugar upang magkita-

kita: isa sa mismong labas ng bahay at isa sa labas ng

iyong kapitbahayan, tulad ng isang aklatan, sentro ng

komunidad, o lugar ng pagsamba.

Gawing isang gawi ang pag-alam sa mga labasan tuwing

ikaw ay nasa isang bagong lokasyon (halimbawa,

shopping mall, restoran, sinehan).

Lugar ng pagkikita na

malapit sa bahay:

Address:

Lugar ng pagkikita sa labas

ng kapitbahayan:

Address:

Lokal ng presinto ng pulisya:

Telepono at address:

◼ Lumikas agad kung nanganganib ang iyong buhay.

◼ Lumikas agad kung nakaamoy ka ng gas, o nakakita ng

usok o apoy.

◼ Tumawag sa 911 kung kailangan mo ng pang-

emerhensiyang tulong.

◼ Tandaan na makinig sa lokal na istasyon ng radyo at

TV, para sa pinakahuling impormasyon sa emerhensiya.

7

Page 9: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

Alamin Kung Saan ka Mananatili

Piliin ang mga kaibigan o pamilya kung saan ka

mananatili kung hindi ka makakatigil sa bahay.

Magagawa kong manatili sa:

Pangalan/Relasyon:

Address:

Telepono (bahay/trabaho/cell):

Email:

Pangalan/Relasyon:

Address:

Telepono (bahay/trabaho/cell):

Email:

Magpraktis na lumikas nang regular kasama ang mga

miyembro ng iyong sambahayan (kabilang ang iyong

mga pet at mga tagaserbisyong hayop) at isaalang-

alang ang iba't ibang kalagayan na maaaring kaharapin

mo, tulad ng mga nahaharangang landas o labasan.

Lahat ng residente ng mga gusaling may panlaban sa sunog ay hinihimok na gawin

ang mga sumusunod kung magkaroon ng sunog:

Kung ang sunog ay

nasa iyong

apartment:

◼ Umalis agad at

sarhan ang pinto sa

iyong likuran.

◼ Tumawag sa 911 sa

sandaling makalabas

ka sa apartment.

Kung ang sunog ay wala sa iyong apartment:

◼ Manatili sa iyong apartment.

◼ Tumawag sa 911; ipagbigay-alam sa opereytor na

ikaw ay naroon.

◼ Panatilihing nakasara ang iyong pinto. Kung ang usok

ay papasok sa iyong apartment, maglagay ng basang

tuwalya sa ilalim ng iyong pinto.

8

Page 10: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

GUMAWA NG PLANO

ALAMIN KUNG PAANO LUMIKAS (IPINAGPAPATULOY)

Transportasyon

Maging handang gumawa ng ibang mga plano sa transportasyon kung ang iyong bus o ibang mga paraan ng transportasyon ay hindi tumatakbo. Magpatala sa Nixle, ang libre, opisyal na programang komunikasyon sa emerhensiya ng Anchorage, para sa impormasyon tungkol sa mga nangyayaring emerhensiya at mga pagbabago sa mahahalagang serbisyo ng Lungsod.

Panghaliling Bus:

Panghaliling paraan ng paglalakbay:

Iba:

Tatawag ako ng (kaibigan):

Telepono (bahay/trabaho/cell):

Serbisyo ng taksi:

Telepono:

Tandaan: Kung kailangan mo lumikas mula sa iyong bahay sa isang emerhensiya at kailangan ng tulong, mangyaring tumawag sa 911.

Kung ang isang utos na paglikas ay inilabas, lumikas gaya ng itinagubilin. Maglaan ng karagdagang oras ng paglalakbay at isaalang-alang ang iyong mga pangangailangan.

Huwag kalimutang dalhin ang iyong mga nakokontrol na pet.

Ang mga taong may kapansanan o ibang mga pangangailangan ng akses o pagganap na walang ibang mga mapipili upang ligtas na lumikas ay makakahiling ng tulong sa transportasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa 911.

Depende sa iyong pangangailangan, ikaw ay maaaring dalhin sa:

Isang madaling mapupuntahang sentro ng paglikas sa isang madaling magagamit na sasakyan, O

Isang ospital sa labas ng sona ng paglikas sa pamamagitan ng ambulansiya.

9

Page 11: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

BUMUO NG

PLANO

Kung ikaw ay tinutulungan ng mga pang-

emerhensiyang serbisyo hindi ka makahihiling ng

transportasyon sa isang ispesipikong address.

Lumikas nang maaga kung umaasa ka sa mga

elebeytor upang makalabas ng iyong gusali. Ang mga

elebeytor ay maaaring hindi gumagana at maaaring

hindi nakahanda sa lahat ng oras.

Aking Planong Paglikas

Pagkanlong

Kung ang isang emerhensiya ay nag-aatas sa iyo na

lumikas o humahadlang sa iyo na manatili sa bahay,

isaalang-alang ang pagpunta sa isang hotel, bahay ng

isang kaibigan o kamag-anak o isang kanlungan.

Ang mga pang-emerhensiyang kanlungan ay

MAAARING itatag sa mga paaralan, mga gusali ng

Lungsod, at mga lugar ng pagsamba. Ang mga

kanlungan ay nagkakaloob ng BASIKONG pagkain,

tubig at mga suplay. Maging handang magdala ng

mga bagay na maaaring kailanganin mo, kabilang ang

espesyal na kagamitan (halimbawa, oksiheno, mga

pantulong sa mobilidad, mga baterya, atbp.). Ang

mga miyembro ng pamilya o mga miyembro ng iyong

network ng suporta sa emerhensiya ay maaaring

sumama sa iyo sa isang kanlungan.

Kung ikaw ay isang may-ari ng pet, ikanlong ang iyong

pet sa isang kennel o sa mga kaibigan o kamag-anak

sa labas ng lugar ng paglikas. Kung hindi mo magawa

ito, ang mga kanlungan ng pet ay itatatag, pagkatapos

ng unang paglikas. Mangyaring dalhin ang mga suplay

sa pangangalaga ng iyong pet, kabilang ang pagkain,

tali, pambuhat, at gamot.

Magdala ng mga suplay na panlinis ng iyong hayop.

Mga legal na pet lamang ang ipahihintulot. Ang

mga tagaserbisyong hayop ay laging

ipinahihintulot.

Ang mga kanlungan ay hindi ipinapasiya nang

nauuna dahil ang katangian ng mga kalamidad (mga

lindol, matinding panahon) ay ginagawang

imposibleng malaman kung ano ang magagamit

pagkaraan ng kalamidad.

10

Page 12: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

MAGTIPON NG MGA SUPLAY

MAGHANDA NG ISANG GO BAG

Ang lahat sa iyong sambahayan ay dapat magkaroon ng isang Go Bag— isang kalipunan ng mga bagay na gusto mo kung kailangan mong umalis agad. Ang iyong Go Bag ay dapat na matibay at madaling buhatin, tulad ng isang backpack o isang maliit na maletang may mga gulong.

Markahan ang mga bagay na taglay mo na at idagdag ang kakailanganin mo:

Nakaboteng tubig at hindi nabubulok na pagkain, tulad ng mga granola bar.

Mga kopya ng iyong mahahalagang dokumento sa isang waterproof na sisidlan (halimbawa, mga kard ng seguro, mga kard ng Medicare/Medicaid, photo ID, katunayan ng address, mga sertipiko ng kasal at kapanganakan, mga kopya ng kredito at mga kard ng ATM)

Lente, hand-crack o pinatatakbo-ng-baterya na radyong AM/FM, at mga ekstrang baterya

Listahan ng mga gamot na ginagamit mo, bakit mo ginagamit ang mga ito, at ang mga dosis ng mga ito

Impormasyon sa kontak para sa iyong sambahayan at mga miyembro ng iyong network ng suporta

Pera, sa maliliit na bill

Masusulatan at pluma

Pamalit na kagamitang medikal (halimbawa, mga salamin, baterya) at pangkarga

Aerosol na mga kit ng pagkumpuni ng gulong at/o pambomba ng gulong upang kumpunihin ang flat na silyang may gulong o mga gulong ng scooter

Mga suplay para sa iyong tagaserbisyong hayop o pet (halimbawa, pagkain, ekstrang tubig, mangkok, tali, panlinis, mga rekord ng pagbakuna, at mga gamot)

Mga bitbiting pangkarga ng cell phone

Ibang mga personal na bagay:

11

Page 13: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

1

12

READY NEW YORK

AKING

PANG-EMERHENSIYANG

PLANO

Office of Emergency Management

(Tanggapan sa Pamamahala sa

Emerhensiya) Department for the

Aging (Kagawaran ng Pagtanda)

Mayor’s Office for People with

Disabilities (Tanggapan ng Alkalde

para sa mga Taong May Kapansanan)

Michael R. Bloomberg, Alkalde

KIT NG UNANG LUNAS

TOO

TH

PA

STE

GRA

NO

LA B

AR

BA

TERY

A

BA

TERY

A

Page 14: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

MAGTIPON NG MGA SUPLAY

BUMUO NG ISANG KIT NG PANG-EMERHENSIYANG SUPLAY

Sa ilang emerhensiya, tulad ng mga bagyo ng taglamig at mga alon ng init, maaaring kailangan mong manatili sa bahay. Ang isang kit ng pang-emerhensiyang suplay ay dapat magtaglay ng sapat na suplay para sa hanggang pitong araw.

Markahan ang mga bagay na taglay mo na at idagdag ang kakailanganin mo:

Isang galon ng inuming tubig kada tao kada araw

Mga hindi nabubulok, nakahandang kainin na mga de-latang pagkain, at isang manwal na pambukas ng lata

Kit ng unang lunas

Mga gamot, kabilang ang isang listahan ng mga gamot na ginagamit mo, bakit mo ginagamit ang mga ito, at ang mga dosis ng mga ito

Lente o pinatatakbo ng baterya na parol, pinatatakbo ng baterya na radyong AM/FM, at mga ekstrang baterya, o wind-up na mga radyo na hindi nangangailangan ng mga baterya

Mga glow stick

Pito o kampana

Pamalit na kagamitang medikal, kung posible (halimbawa, oksiheno, gamot, baterya ng scooter, mga pantulong sa pandinig, pantulong sa mobilidad, salamin, maskara sa mukha, guwantes)

Istilo at mga serial number ng mga aparatong medikal (tulad ng mga pacemaker) at mga tagubilin sa paggamit

Ibang mga bagay:

13

Page 15: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

Isaalang-alang ang pagdagdag ng mga bagay na maaaring

kailanganin mo para sa mga emerhensiyang tulad ng mga bagyo

ng taglamig at mga alon ng init.

Mga suplay sa panahon ng taglamig:

Mga kumot, bag ng pagtulog, ekstrang diyaryo para sa insulasyon

Mga ekstrang mitten, medyas, bandana at sumbrero, kapote at

mga ekstrang damit

Ibang mga bagay:

Mga suplay sa mainit na panahon:

Magaan, maluwag na damit

Sunscreen (hindi bababa sa SPF 15)

Mga pang-emerhensiyang suplay sa paghahanda ng pagkain

kung mawala ang kuryente, tulad ng mga maitatapong plato,

baso, at iba pang gamit sa pagkain

Kung ikaw ay may sasakyan, isaalang-alang ang paggawa

ng isang kit ng pang-emerhensiyang suplay sa loob ng

kotse na kabilang ang:

Sako ng buhangin o kitty litter para sa pagkakaroon ng

traksiyon sa ilalim ng mga gulong, at isang maliit na pala

Set ng mga kadena ng gulong o mga mat ng traksiyon

Gumaganang jack at lug wrench, ekstrang gulong

Pangkaskas ng windshield at walis

Maliliit na kasangkapan (mga plier, wrench, screwdriver)

Mga booster cable

Matitingkad ang kulay na tela upang gamitin bilang bandera,

at mga flare o reflective triangle

14

Page 16: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

15

MAGTIPON

NG MGA

SUPLAY

BUMUO NG ISANG KIT NG PANG-

EMERHENSIYANG SUPLAY (IPINAGPAPATULOY)

KIT NG UNANG LUNAS

BA

TERY

A

BA

TERY

A

Page 17: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

16

Page 18: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

MAGTIPON

NG MGA

SUPLAY

BUMUO NG ISANG KIT NG PANG-

EMERHENSIYANG SUPLAY (IPINAGPAPATULOY)

Mga Natatanging Pagsasaalang-alang

Isaalang-alang ang pagdaragdag ng mga bagay sa iyong

mga pang-emerhensiyang suplay na pinakaangkop sa iyong

mga pangangailangan, kabilang ang mga pangangailangan

sa pagkain at paggamot.

Kung umaasa ka sa elektrikal na kagamitang medikal, kontakin

ang iyong kompanya ng suplay na medikal para sa

impormasyon tungkol sa isang pamalit na pinagkukunan ng

kuryente.

Kung umaasa ka sa kuryente para sa kagamitang

nagpapatuloy ng buhay, itanong sa iyong kompanya ng

utilidad kung ang iyong pinatatakbo ng kuryente na

kagamitang medikal ay ginagawa kang kuwalipikadong

ilista bilang isang parokyano ng kagamitang nagpapatuloy

ng buhay. Habang ang pagpaparehistro ay isang

mahalagang hakbang, dapat kang magkaroon ng isang

pamalit na pinagkukunan ng kuryente, tulad ng isang

baterya o tangke ng oksiheno na hindi nangangailangan

ng elektrisidad.

Kung umaasa ka sa oksiheno, kausapin ang iyong tagasuplay

ng oksiheno tungkol sa mga pang-emerhensiyang pamalit.

Kung tumatanggap ka ng mga napakahalagang

paggamot, tulad ng dialysis o chemotherapy, kausapin

ang iyong tagapagkaloob tungkol sa kung paano ka

patuloy na makakatanggap ng mga paggamot na ito

kapag may emerhensiya.

17

Page 19: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

Ang mga tao ay dapat laging manatiling alerto at

maging handa sa hindi inaasahan. Kung mangyari

ang isang likas na kalamidad o atake ng terorista,

mahalagang gawin ang mga sumusunod na hakbang

upang protektahan ang sarili.

Pakinggan ang mga pang-emerhensiyang opisyal para

sa mga tagubilin kung lilikas o mananatili sa lugar:

Kung ikaw ay pinalilikas, lumabas sa pinakamabilis na

paraang magagawa. Manatiling mababa sa sahig kung

magagawa mo. Kung ikaw ay nakasakay sa isang

pangmaramihang transportasyon tulad ng isang bus,

subway o tren at sinabihang lumikas, tandaang

makinig sa mga tagubiling ibinigay ng mga tauhan o

ibang mga tagatugon sa emerhensiya.

Kung ikaw ay pinatitigil sa kinalalagyan o “magkanlong

sa lugar,” huwag umalis hanggang sabihan ka na gawin

ito. Kandaduhan ang mga pinto, sarhan ang mga

bintana, air vent, at mga fireplace damper.

Maging Alerto at Umaksyon

Laging magkaroon ng kamalayan sa iyong paligid.

Kung may mapansin kang hindi pangkaraniwan, huwag

sarilinin ito; tiyaking iulat ito.

Kung nakakita o nakarinig ka ng anumang kahina-

hinalang aktibidad, tumawag sa 911.

Kung makakita ka ng bagahe o mga bag na naiwan sa mga

bus o sa mga pampublikong lugar, PeopleMover o APD.

Kung nakatanggap ka ng kahina-hinalang padala sa

koreo, huwag itong hawakan. Tumawag sa 911. Kung

nahawakan mo ang pakete, hugasan agad ang iyong

mga kamay ng sabon at tubig.

SA SANDALING MAKUMPLETO MO ANG

PATNUBAY NA ITO, IKAW AY ANCHORAGE

READY! MALIGAYANG PAGBATI!

18

Page 20: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

KUMUHA NG IMPORMASYON

MGA TAGATULONG SA ANCHORAGE

Municipality of Anchorage (Munisipalidad ng Anchorage) Office of Emergency Management (Tanggapan sa Pamamahala sa Emerhensya) http://www.muni.org/Departments/OEM/Pages/default.aspx

State of Alaska (Estado ng Alaska): Division of Homeland Security and Emergency Management (Dibisyon ng Seguridad ng Tinubuang-Bayan at Pamamahala sa Emerhensiya) (DHS&EM) https://ready.alaska.gov/

19

MGA TAGATULONG

Page 21: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

MANATILING MAY KAALAMAN

Anchorage Police Department (Kagawaran ng Pulisya ng Anchorage)

Facebook https://www.facebook.com/APDInfo

Twitter https://twitter.com/APDInfo

Website ng Munisipalidad http://www.muni.org/departments/police/pages/default.aspx

Anchorage Fire Department (Kagawaran ng Bumbero ng Anchorage)

Facebook https://www.facebook.com/pages/The-Anchorage-Fire-Department

Twitter https://twitter.com/afdinfo

Website ng Munisipalidad http://www.muni.org/departments/fire/pages/default.aspx

Office of Emergency Management (Tanggapan sa Pamamahala sa Emerhensya)

Facebook https://www.facebook.com/AnchorageOEM

Twitter https://twitter.com/Anchorage_OEM

Website ng Munisipalidad http://www.muni.org/departments/oem/pages/default.aspx

Linya ng mga Emerhensiyang Kondisyon: 907-343-4701

Lokal na Media

Alaska Dispatch News http://www.adn.com/

KFQD Radio (750 AM/103.7 FM) http://www.kfqd.com/

KNBA Radio (90.3 FM) http://knba.org/

KOAN Radio (1080 AM/95.1 FM) http://www.1080koan.com/

KTUU Channel 2 TV (NBC) http://www.ktuu.com/

KTVA Channel 11 TV (CBS) http://www.ktva.com/

KYUR Channel 13 TV (ABC) http://www.youralaskalink.com/

UTILIDAD

Chugach Electric

Iulat ang Pagkawala ng Kuryente

Sa Anchorage: 907-762-7888

http://www.chugachelectric.com/

Municipal Light & Power (ML&P)

Iulat ang Pagkawala ng Kuryente

Sa Anchorage: 907- 279-7671

http://www.mlandp.com/

ENSTAR

Natural Gas Company

Anchorage: 907-277-5551

Iulat ang isang posibleng singaw ng gas

1-844-SMELL GAS (1-844-763-5542)

Kung ang buhay o ari-arian ay nanganganib tumawag sa 9-1-1

https://www.enstarnaturalgas.com/

20

Page 22: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

KUMUHA NG IMPORMASYON (IPINAGPAPATULOY)

MGA DI-NAGTUTUBONG TAGAPAGKALOOB NG SERBISYO American Red Cross of Alaska 235 East 8th Avenue, Suite 200 Anchorage, AK 99501 Telepono: 907-646-5400 http://www.redcross.org/local/alaska

The Salvation Army Anchorage Corps 1701 C. Street, Anchorage, Alaska 99501 Telepono: 1-800-SAL-ARMY http://anchorage.salvationarmy.org/

Alaska 2-1-1 Kumonekta, kumuha ng mga sagot. Nagsisimula dito ang tulong. Tumawag sa 2-1-1 o 1-800-478-2221 Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 am hanggang 5:00 pm o bisitahin ang aming 24/7 kapag kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng tulong. Ito ay libre at kompidensiyal. Ang Alaska 2-1-1 ay isang serbisyo ng United Ways of Alaska.

AKING MGA TAGATULONG Idagdag ang iyong mahahalagang tagatulong at numero ng telepono rito.

Ginagamit nang may permiso mula sa ReadyNewYork

Gusto ng NYC Emergency Management na pasalamatan ang mga miyembro ng Access and Functional Needs Advisory Group para sa kanilang masipag na pagtatrabaho sa proyektong ito.

21

MGA TAGATULONG

Page 23: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

TUMANGGAP NG PAUNAWA!

KUMUHA NG NIXLE!

Magpatala ngayon nang LIBRE para sa opisyal na sistema ng paunawa sa emerhensiya ng Anchorage sa Nixle.com, o sa pamamagitan ng pag-text sa Zip Code ng Munisipalidad ng Anchorage sa 888-777

22

Gustong Tumanggap ng mga Alerto mula sa Iyong mga Lokal na Ahensiya?

I-TEXT ANG IYONG ZIP CODE SA 888777 PUMASOK

Tumanggap ng mga alerto para sa

Lubhang Masamang

Panahon

Mga Nangyayaring

Krimen

Matinding Trapiko

Mga Nawawalang

Tao

Mga Lokal na

Ginaganap

Page 24: PLANO...pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala, tekstong mensahe, o ibang mga paraan. Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano

MGA TALA

23