!#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS...

16
!"#2 PEBRERO 2013 Pangingibang-bansa Mga Pangarap at Realidad

Transcript of !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS...

Page 1: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

!"#2 PEBRERO 2013

Pangingibang-bansaMga Pangarap at Realidad

Page 2: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?

Bisitahin ang www.jw.org/tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.

JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2013 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.

!"#2SA ISYUNG ITO

TA

MP

OK

NA

PA

KS

A

PANGINGIBANG-BANSAMga Pangarap at Realidad

PAHINA 6-9

3 PAGMAMASID SA DAIGDIG

4 TULONG PARA SA PAMILYAKung Paano Maiiwasan ang Pagtatalo

10 INTERBYUAng Paniniwala ng Isang Disenyadorng Robot

12 SULYAP SA NAKARAANPlato

14 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAAng Mahihirap

16 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Buntot ng Agama Lizard

s TINGNAN ONLINEwww.jw.org/tl

T I N - E D Y E R

TANONG NG MGA KABATAAN . . .ANO ANG DAPAT KONG MALAMANTUNGKOL SA PAGTE-TEXT?

Kung magiging maingat ka sapagte-text, maaaring magandangparaan ito para makipag-usap sa iba.Pero kung hindi ka magiging mai-ngat, maaaring masira nito angkaugnayan mo sa iba at ang reputa-syon mo. Basahin ang mga tip kungkanino makikipag-text, kung ano angite-text, at kung kailan magte-text.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA/TIN-EDYER)

M G A B ATA

Basahin ang isinalarawang mga ku-wento sa Bibliya. Gamitin ang mgaactivity para tulungan ang iyong mgaanak na madagdagan ang kanilangkaalaman sa mga karakter at mgapamantayang moral ng Bibliya.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA/MGA BATA)

Vol. 94, No. 2 / Monthly / TAGALOG

Limbag sa Bawat Isyu: 43,524,000 sa 98 Wika

r

r

Page 3: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

P A G M A M A S I D S A D A I G D I G

ESTADOS UNIDOS

Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansaang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense Council. Halimbawa, ti-natayang 7 porsiyento ng mga pananimang hindi na naaani, 17 porsiyento ngmga pagkain sa mga restawran at mgakapitirya ang hindi nakakain, at mga25 porsiyento ng mga pagkaing binibiling mga pamilya ang itinatapon nila.

ISRAEL

Ang mga batang “isinilang na may depektona nakita na sana sa check-up noong ipinag-bubuntis pa lang sila” ay hindi na makapag-sasampa ng demanda laban sa medikal namga awtoridad dahil sila’y “hinayaang ma-buhay,” ang ulat ng Haaretz.com. Pero puwe-deng magdemanda ang mga magulang dahil“hinayaang maisilang” ang bata, para humi-ngi ng kabayaran sa “karagdagang gastusinsa pagpapalaki ng anak na may kapansa-nan at sa lahat ng pangangailangan [nito] sabuong buhay niya.”

GRESYA

Ayon sa estadistika nainilabas ng Greek Min-istry of Health, 40 porsi-yento ang itinaas ng bi-lang ng nagpakamataysa Gresya sa unang li-mang buwan ng 2011,kumpara sa unang li-mang buwan ng 2010.Kasabay ito ng pagsisi-mula kamakailan ng kri-sis sa ekonomiya.

AUSTRALIA

Sa Australia, 8 sabawat 10 mag-asawaang nagsama munabago nagpakasal.

MADAGASCAR

Ang pinakamaliit na hunyango sa daigdig ay na-tuklasan kamakailan sa Madagascar. Lumalakiito nang hanggang 29 na milimetro, at ang ilansa pagkaliliit na hunyangong ito ay kasya sa dulong daliri ng tao. Dahil sa mga banta sa kani-lang likas na tirahan, ang hayop na ito ay nanga-nganib maubos.

Ch

am

ele

on

:Fra

nk

Gla

w/Zoolo

gis

ch

eS

taats

sam

mlu

ng

M¨ un

ch

en

/R

eu

ters

/N

ew

scom

Page 4: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

ANG DAHILAN

Di-pagkakaunawaan. Ganito ang inamin ng may-asawangsi Jillian:� “Kung minsan, may nasasabi ako sa mister kona iba sa talagang gusto kong sabihin. O sigurado ako namay sinabi ako sa kaniya, pero napanaginipan ko langpala iyon. Talagang nangyari iyon!”

Pagkakaiba. Gaanuman kayo magkabagay na mag-asawa, may panahon na magk

´akaiba pa rin kayo ng pana-

naw sa ilang bagay. Bakit? Dahil walang dalawang taoang magkaparehung-magkapareho—isang bagay na puwe-deng magdagdag ng kulay o magdulot ng tensiyon sa in-yong pagsasama. Sa maraming mag-asawa, nagdudulotito ng tensiyon.

Walang mabuting huwaran. “Laging nagtatalo ang mgamagulang ko at pinipintasan nila ang isa’t isa,” ang sabing misis na si Rachel, “kaya nang mag-asawa ako, ang pa-raan ng pakikipag-usap ko sa mister ko ay kagaya ng gina-gawa ng nanay ko sa tatay ko. Hindi rin ako marunong ru-mespeto.”

Mas malalim na dahilan. Kadalasan, ang isang mainitna pagtatalo ay may mas malalim na dahilan. Halimba-wa, ang isang pagtatalo na nagsimula sa pagsasabi ng“Lagi ka na lang late!” ay baka hindi naman talaga tungkolsa pagiging nasa oras, kundi dahil nadarama ng asawa naparang binabale-wala siya.

Anuman ang dahilan, ang madalas na pagtatalo ay pu-wedeng makasam

ˆa sa kalusugan at puwede pa ngang

mauwi sa diborsiyo. Kaya paano ninyo maiiwasan ang pag-tatalo?

�Binago ang ilang pangalan.

T U L O N G P A R A S A P A M I LY A � P A G - A A S A W A

Kung PaanoMaiiwasanangPagtatalo

ANG HAMON

Ikaw ba at ang iyongasawa ay hindi makapag-usap nang mahinahon? Pa-kiramdam mo ba’y parakang naglalakad sa isanglugar na may nakatanim namga bomba, anupat ingatna ingat ka sa pakikipag-usap dahil puwede itongmauwi sa mainitang pagta-talo anumang oras?

Kung oo, puwede itongmabago. Pero dapat momunang alamin kung bakitmadalas kayong magtalo.

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Page 5: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Para maiwasan ang pagtatalo, alamin ang pinakaugatnito. Kapag pareho kayong kalmado, gawin ang sumu-sunod.

1. Kumuha ng tig-isang papel at isulat kung ano anghuling pinagtalunan ninyo. Halimbawa, maaaring isulat ngasawang lalaki, “Maghapon mong kasama ang mga kaibi-gan mo at hindi mo man lang ako tinawagan.” Puwede na-mang isulat ng asawang babae, “Nagalit ka dahil binigyanko ng panahon ang mga kaibigan ko.”

2. Maging makatuwiran habang pinag-uusapan angmga sumusunod: Malaking bagay ba talaga ang pinagtata-lunan ninyo? O puwedeng palampasin na lang? Kung min-san, alang-alang sa kapayapaan, baka mas mabutingtanggapin na magkaiba kayo ng pananaw at takpan nalang iyon ng pag-ibig.—Simulain ng Bibliya: Kawikaan 17:9.

Kapag nakita ninyong maliit na bagay lang palaang pinagtatalunan ninyo, magsori sa isa’t isa at kalimu-tan na iyon.—Simulain ng Bibliya: Colosas 3:13, 14.

Pero kung para sa inyo o sa isa sa inyo ay seryosongbagay iyon, gawin ang susunod na hakbang.

3. Isulat kung ano ang nadama mo noong nagtatalo kayo,at ganoon din ang ipagawa sa iyong asawa. Halimbawa,puwedeng isulat ng asawang lalaki, “Pakiramdam ko, masgusto mong kasama ang mga kaibigan mo kaysa sa ’kin.”Puwede namang isulat ng asawang babae, “Pakiramdamko, tinatrato mo akong parang bata na kailangang lagingmagpaalam sa tatay niya.”

4. Magpalitan kayo ng papel at basahin ang isinulat nin-yo. Ano ang mas malalim na dahilan ng pagkainis ng asa-wa mo? Pag-usapan kung ano sana ang ginawa ninyopara ayusin ang problema nang hindi nagtatalo.—Simulainng Bibliya: Kawikaan 29:11.

5. Pag-usapan ang natutuhan ninyo sa aktibidad na ito.Paano ninyo magagamit ang natutuhan ninyo para malu-tas o maiwasang maulit ang isang pagtatalo? ˛

M G A S U S I N G T E K S TO

“Ang nagtatakip ng pagsalansangay naghahangad ng pag-ibig.”—Kawikaan 17:9.

“Patuloy ninyong pagtiisan angisa’t isa at lubusang patawarinang isa’t isa.”—Colosas 3:13.

“Inilalabas ng hangal ang ka-niyang buong espiritu, ngunitsiyang marunong ay nagpapana-tili nitong mahinahon hanggangsa huli.”—Kawikaan 29:11.

KAPAG NAGTALO KAYO . . .

Alamin ang ugat: Ano talagaang kailangan ninyo sa isa’t isakaya nagtalo kayo? Alamin angtunay na dahilan.

Balikan ang nangyari: Sa ha-lip na magtalo, ano sana ang gi-nawa ninyo para malutas ang pi-nakaugat ng problema?

Kapag maliit na bagay lang

ang pinagtatalunan ninyo,

magsori sa isa’t isa at kali-

mutan na iyon

Gumising! Pebrero 2013 5

Page 6: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

DESPERADO si George. Hindi sapat ang na-ilalaan niyang pagkain sa kaniyang pamil-

ya. Nagkakasakit din ang mga kapitbahay niya,at ang ilan ay parang mamamatay sa gutom.Pero mas maganda ang kalagayan sa kalap

´ıt

na bansa. Kaya naisip niya, ‘Mangingibang-bansa ako, maghahanap ng trabaho doon, atsaka ko pasusunurin ang pamilya ko para mag-kasama-sama kami.’

Nangangarap din si Patricia ng magandangbuhay sa ibang bansa. Wala siyang trabaho atwalang masyadong oportunidad sa kanilangbayan. Ipinasiya niyang maglakbay mula Nige-ria hanggang Algeria, para makarating ngSpain, kahit hindi niya alam kung gaano kade-likadong maglakbay sa Disyerto ng Sahara.“Buntis ako,” ang sabi niya, “at gusto kong ma-bigyan ng magandang buhay ang anak ko.”

Gusto naman ni Rachel na pumunta ng

Europa para guminhawa ang buhay niya. Na-walan siya ng trabaho sa Pilipinas, at ang sabing mga kamag-anak niya, madali raw makaku-ha ng trabaho sa ibang bansa bilang katulongsa bahay. Kaya nangutang siya para sa pama-sahe sa eroplano at nagpaalam sa kaniyangasawa’t anak. Nangako siya, “Sandali langakong mawawala, babalik din ako.”

Tinataya na mahigit 200 milyon katao, gayanina George, Patricia, at Rachel, ang nangi-bang-bansa nitong nakalipas na mga dekada.Ang ilan ay umaalis sa kanilang bansa dahilsa digmaan, likas na sakuna, o pag-uusig, perokaramihan ay para magkaroon ng mas magan-dang buhay. Ano ang mga nagiging problemang mga nangingibang-bansa? Nagiging masmaalwan ba talaga ang buhay nila? Kumustaang mga anak kapag iniwan sila ng magulang?Isaalang-alang ang sagot sa mga tanong na ito.

TA

MP

OK

NA

PA

KS

A

Pangingibang-bansaMga Pangarap at RealidadPARA SA MAS MAGANDANG BUHAY

Page 7: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

Ang unang hamon sa pangingibang-bansaay kadalasan nang ang pagbibiyahe mismo.Si George, na binanggit sa naunang artikulo, aynaglakbay ng daan-daang kilometro nang ha-los walang makain. “Napakahirap ng inabotnamin sa paglalakbay,” ang sabi niya. Mara-ming naglakbay ang hindi man lang nakaratingsa destinasyon nila.

Gustung-gusto ni Patricia na makapunta ngSpain. Kaya nagbiyahe siya sakay ng isang trakna ang ruta ay sa Disyerto ng Sahara. “Inabotng isang linggo ang biyahe namin mula Nigeriahanggang Algeria, at 25 kaming nagsiksikansa trak. Sa biyahe, marami kaming nakitangbangkay, pati mga taong naglalakad sa disyer-to anupat naghihintay na lang mamatay. Lumi-litaw na walang-awa silang iniwan doon ngilang drayber.”

Hindi tulad nina George at Patricia, nakapag-eroplano si Rachel patungong Europa, kungsaan may naghihintay na trabaho sa kaniya.Pero hindi niya naisip na mami-miss niya nanghusto ang kaniyang dalawang-ta

´ong-gulang na

anak na babae. “Sa tuwing makakakita ako ngisang nanay na nag-aalaga ng kaniyang baby,nadedepres ako,” ang sabi niya.

Nahirapang mag-adjust si George sa pinun-tahan niyang bansa. Ilang buwan din ang lumi-pas bago siya nakapagpadala ng pera sa ka-niyang pamilya. “Maraming gabi akong umiiyakdahil sa pangungulila at pagkasira ng loob,”ang sabi niya.

Pagkaraan ng ilang buwan sa Algeria, na-rating ni Patricia ang border ng Morocco.“Doon ko isinilang ang anak kong babae,” angsabi niya. “Kinailangan kong magtago mula samga nangingidnap ng mga babaing nandarayu-han para gawing prostitute. Nang makaiponako ng sapat na pera, nagbarko ako para ma-karating ng Spain kahit delikado ito. Medyo bu-lok na ang barkong sinakyan namin at hindi nakayang magsakay ng maraming pasahero. Pi-napasok ito ng tubig kaya kailangan namingsalukin ang tubig gamit ang aming sapatos!Nang makarating kami sa baybayin ng Spain,

pat´ang-pat

ˆa na ako at hindi ko na kayang mag-

lakad pa.”

Siyempre pa, hindi lang ang biyahe ang ka-ilangang pag-isipan ng mga nagpaplanong ma-ngibang-bansa. Dapat din nilang pag-isipanang posibleng maging problema sa wika atkultura, pati ang gastos at hirap ng pag-aaplay para maging citizen o permanentengresidente roon. Kapag hindi nila ito nagawa,kadalasan nang nahihirapan silang makapag-aral, makakuha ng magandang trabaho, maa-yos na pabahay, o medikal na serbisyo. Maaaridin silang mahirapang kumuha ng lisensiya sapagmamaneho o magbukas ng account sabangko. At ang masaklap nito, kadalasa’y sina-samantala ang mga ilegal na dayuhan—maaa-ring pinagtatrabaho nang napakababa ang su-weldo.

Kailangan ding isaalang-alang ang pera. Ta-laga bang ganoon kahalaga ang pera? Ganitoang matalinong payo ng Bibliya: “Huwag mongguluhin ang isip mo sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. Pagkat madalingmawala ang kayamanan, ito’y simbilis ng agilasa paglipad sa kalawakan.” (Kawikaan 23:4, 5,Magandang Balita Biblia) At tandaan na ang

PAGPUNTA AT PANINIRAHAN DOON

PA N G I N G I B A N G - B AYA NN O O N G U N A N G PA N A H O N

“Ang pangingibang-bayan . . . ay malaon nangginagawa para makaahon sa kahirapan,” ang isinu-lat ng ekonomistang si J. K. Galbraith. Ganiyan angginawa ng patriyarkang si Jacob, ang ama ng sinau-nang bansang Israel. Dahil sa isang taggutom sa Ca-naan, si Jacob at ang kaniyang sambahayan na bi-nubuo ng halos 70 katao ay lumipat sa Ehipto, kungsaan nanirahan sila nang matagal. (Genesis 42:1-5;45:9-11; 46:26, 27) Sa katunayan, doon na nama-tay si Jacob, at ang mga inapo niya ay nanatili roonnang mga 200 taon bago sila nakabalik sa Canaan.

Gumising! Pebrero 2013 7

Page 8: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

pinakamahahalagang bagay na kailangan na-tin ay hindi mabibili ng pera—pagmamahal, ka-panatagan, at pagkakaisa ng pamilya. Napaka-lungkot nga kapag hinayaan ng mga magulangna maging mas matimbang ang pera kaysasa pag-ibig nila sa isa’t isa o sa “likas na pag-mamahal” nila para sa kanilang mga anak!—2 Timoteo 3:1-3.

Mayroon din tayong espirituwal na panga-ngailangan. (Mateo 5:3) Kaya ginagawa ngresponsableng mga magulang ang lahat ngmakakaya nila para gampanan ang kanilangbigay-Diyos na pananagutang turuan angkanilang mga anak tungkol sa Diyos, sa kani-yang layunin, at sa kaniyang mga pamantayan.—Efeso 6:4.

“SA N A H I N D I N A L A N G S I L A N AG - A B ROA D ”

“Panganay ako sa tatlong magkakapatid na ba-bae, at siyam na taon ako nang pumunta si Nanaysa Europa,” ang sabi ni Airen, na taga-Pilipinas.“Pangako niya sa amin, maraming pagkain, ma-gandang iskul, at malaking bahay. Tandang-tandako pa nang umalis siya. Niyakap niya ako at sinabiniyang alagaan ko ang mga kapatid ko, sina Rheaat Shullamite. Iyak ako nang iyak noon.

“Pagkaraan ng apat na taon, sumunod si Tataykay Nanay. Noong kasama pa namin siya, lagiakong nakabuntot sa kaniya. Nang magpaalam nasiya sa amin, kumapit kami nang mahigpit sa kani-ya hanggang sa makasakay siya sa bus. Iyak nanaman ako nang iyak.”

Ganito naman ang naaalala ni Shullamite,ang bunso sa magkakapatid: “Siyam na taon palang si Ate Airen, siya na ang naging nanay ko. Si-nasabi ko sa kaniya ang mga problema ko, at ti-nuruan niya akong maglaba ng damit ko, mag-ayos

ng kama, at iba pa. Kung minsan kapag tinatawa-gan kami ng mga magulang namin, sinusubukankong sabihin sa kanila ang nadarama ko, pero anghirap. Pakiramdam ko, may mga panahon na hindinila ako naiintindihan.

“Madalas akong tinatanong ng mga tao kungnami-miss ko ba ang mga magulang ko. ‘Siyemprenaman,’ ang sagot ko. Pero sa totoo lang, hindi kona talaga naaalala ang nanay ko. Apat na taon palang ako nang umalis siya, at nasanay na akongwala siya.”

“Sa wakas, nang 16 anyos ako,” ang sabi niAiren, “sumunod kami sa mga magulang naminsa ibang bansa. Excited talaga ako! Pero pagda-ting doon, naramdaman kong malayo na ang loobnamin sa isa’t isa.”

Sinabi naman ni Rhea: “Sinasarili ko ang mgaproblema ko. Mahiyain ako at hindi expressive. SaPilipinas, kasama namin sa bahay ang tiyo at tiyanamin at ang tatlo nilang anak. Inaalagaan namannila kami, pero iba pa rin ang tunay na magulang.”

Bilang konklusyon, sinabi ni Airen: “Hindi kaminagkakaproblema noong mahirap lang ang pamilyanamin—hindi naman kami nagutom kahit kailan.Nagkaproblema lang kaming magkakapatid noongiwan na kami. Halos limang taon na ngayon mulanang magkasama-sama uli kami ng aming pamil-ya, pero ang hirap na tiniis namin noong magka-kahiwalay kami ay dala-dala pa rin namin sa amingpuso. Alam naming mahal kami ng mga magulangnamin, pero sana hindi na lang sila nag-abroad.”

Page 9: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

Iba’t iba ang kuwento ng mga nangingibang-bansa, pero ang epekto nito sa kanila ay ha-los nagkakatulad, gaya sa kaso nina George,Rachel, at Patricia, na nabanggit sa seryengito ng mga artikulo. Nahihirapan ang pamil-ya kapag nag-abroad ang asawa o ang magu-lang, at maaaring bumilang ng mga taonbago sila magkasama-sama uli. Sa kaso ngpamilya ni George, umabot iyon nang mahigitapat na taon.

Si Rachel ay umuwi sa Pilipinas para ku-nin ang kaniyang anak na nawalay sa kaniyanang halos limang taon. Nakarating namansi Patricia sa Spain kasama ang kaniyangbaby. “Siya lang ang pamilya ko, kaya inaala-gaan ko siyang mabuti,” ang sabi ni Patricia.

Marami sa mga nangingibang-bansa angdoon na nanirahan sa kabila ng kalungku-tan, pagbagsak ng ekonomiya, at matagal napanahong pagkawalay sa pamilya. Ang laking isinakripisyo nila, kaya kapag hindi silanagtagumpay, nahihirapan silang tanggapiniyon at nahihiya silang umuwi.

Si Allan, na taga-Pilipinas, ay hindi nahi-yang umuwi. Nakakuha siya ng magandangtrabaho sa Spain, pero pagkalipas ng 18 bu-wan, umuwi siya. “Miss na miss ko ang mag-ina ko,” ang sabi niya. “Ipinasiya kong hindina uli ako mag-a-abroad kung hindi ko silakasama. At ganoon nga ang ginawa naminnang maglaon. Ang pamilya ay mas mahala-ga kaysa sa pera.”

May isa pang bagay na mas mahalagakaysa sa pera, gaya ng nalaman ni Patricia.Nang magpunta siya ng Spain, dala-dala niyaang isang kopya ng “Bagong Tipan,” o Kristi-

yanong Griegong Kasulatan. “Para sa akin,suwerte ang aklat na ito,” ang sabi niya. “Ta-pos minsan, nakausap ko ang isang babaena isang Saksi ni Jehova. Dati, hindi ako inte-resadong makipag-usap sa kanila. Kaya ma-rami akong itinanong sa kaniya para maipa-kitang mali ang pinaniniwalaan niya. Perohindi ko akalaing maipaliliwanag niya angkaniyang paniniwala at masasagot ang mgatanong ko gamit ang Bibliya.”

Natutuhan ni Patricia na ang tunay nakaligayahan at ang tiyak na pag-asa sa hina-harap ay nakadepende, hindi sa pera o kungsaan ka nakatira, kundi sa kaalaman tungkolsa Diyos at sa mga layunin niya para saatin. (Juan 17:3) Isa pa, natutuhan ni Patri-cia na ang tunay na Diyos ay may pangalan—Jehova. (Awit 83:18) Nabasa rin niya sa Bi-bliya na malapit nang wakasan ng Diyos anglahat ng kahirapan sa pamamagitan ng ka-niyang Kaharian sa mga kamay ni Jesu-Kristo. (Daniel 7:13, 14) “Ililigtas [ni Jesus]ang dukha na humihingi ng tulong, gayundinang napipighati at ang sinumang walang ka-tulong. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwamula sa paniniil at mula sa karahasan,” angsabi sa Awit 72:12, 14.

Bakit hindi mo suriin ang Bibliya? Ang ak-lat na ito ng karunungan ng Diyos ay makatu-tulong sa iyo na magtakda ng tamang priyori-dad, gumawa ng matatalinong pasiya, atmaharap ang mga pagsubok nang may kaga-lakan at pag-asa.—Kawikaan 2:6-9, 20, 21. ˛

ISANG PAMILYANG MAGKAKASAMA—MAS MAHALAGAKAYSA SA PERA

Gumising! Pebrero 2013 9

Page 10: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

Ano ang kinalakhan mongrelihiyon?

Katoliko ang mga magulang ko,pero hindi sila nagsisimba. No-ong tin-edyer ako, naniwala akona walang Diyos. Naituro sa akinna ang buhay ay resulta ng ebo-lusyon at naniwala akong totooiyon. Pero kahit hindi ako nanini-wala na may isang Maylalang,alam kong mayroong nakahihigitsa atin. Para malaman ko iyon,

pinag-aralan ko ang Budismo,Hinduismo, at Taoismo, pero hin-di pa rin nito nasagot ang mgatanong ko.

Bakit ka naging interesado sasiyensiya?

Bata pa lang ako, mahilig na akosa mga makina. Binabaklas kopa nga ang mga laruan ko na de-makina at binubuo uli. Panay rinang tanong ko sa tatay ko, na

isang telecommunications engi-neer, kung paano gumagana angmga radyo at telepono.

Bilang isang siyentipiko,anong larangan sa siyensiyaang pinag-aaralan mo?

Nag-aral ako ng electronic en-gineering sa University of Genoa,at kumuha ako ng doctoral re-search tungkol sa pagdidisenyong robot. Ang espesyalisasyon ko

ay ang pag-aralan ang visualsystem ng tao at alamin kungpaano magagaya iyon sa pagdi-disenyo ng robot.

Bakit nagkainteres kangpag-aralan ang tungkol savisual system ng tao?

Napakasalimuot ng visualsystem ng tao. Hindi lang mataang sangkot dito kundi pati ang

pag-iinterpret sa mga nakikita

I N T E R B Y U � M A S S I M O T I S TA R E L L I

Ang Paniniwala ng Isang Disenyador ng Robot

Si Propesor Massimo Tistarelli ay isang siyentipiko saUniversity of Sassari sa Italy. Siya ay isang associate editorng tatlong internasyonal na magasin sa siyensiya at kasamangawtor ng mahigit isang daang inilathalang artikulo tungkol saresulta ng kanilang pagsasaliksik. Pinag-aaralan niya angkakayahan ng tao na makakilala ng mga mukha at makagawang mga simpleng bagay gaya ng pagsalo ng bola. Pagkatapos,nagdidisenyo siya ng mga robot na may visual system na gayang sa tao. Ininterbyu siya ng Gumising! tungkol sa kaniyangpaniniwala at sa kaniyang pagsasaliksik bilang siyentipiko.

Page 11: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

natin. Halimbawa, pansinin angnangyayari kapag sumasalo kang bola. Habang tumatakbo kapara saluhin ito, nakapokus anglente ng iyong mata sa hitsurang bola at itinatawid ito sa iyongretina. Depende sa galaw ngbola at ng iyong mata ang magi-ging galaw ng imahe ng bola saiyong retina. Karaniwan na, na-katutok ang mata mo sa bola.Kaya naiiwan sa retina ang ima-heng ito habang “gumagalaw”ang paligid.

Kasabay nito, kinakalkula ngiyong visual system ang bilis nggalaw ng bola at ang direksiyonnito. Sa retina mismo nagsisimu-la ang kalkulasyon habang tina-tantiya ng mata mo ang pagga-law ng bola mula sa paligid. Angmga signal mula sa retina ay iha-hatid ng optic nerve sa iyongutak para iproseso pa ang impor-masyon at iyon ang mag-uutossa iyo na saluhin ang bola. Tala-gang kamangha-mangha angmasalimuot na prosesong ito.

Ano ang nakakumbinsi saiyo na maniwala sa isangMaylalang?

Noong 1990, ilang buwan akosa Dublin, Ireland, para magsa-liksik sa Trinity College. Sa biya-he pauwi, napag-usapan naminng asawa kong si Barbara ang ki-nabukasan ng aming mga anak.Ipinasiya rin naming dalawin angate ko na isang Saksi ni Jehova.Binigyan niya ako ng aklat naLife—How Did It Get Here? ByEvolution or by Creation? na ini-lathala ng mga Saksi. Humangaako sa mahusay na pagkakasa-liksik sa aklat na ito. Bigla kong

naisip na basta ko na lang palatinanggap ang turo ng ebolusyonnang hindi man lang ito sinusu-ri. Akala ko, pinatutunayan ng re-kord ng mga fosil ang ebolu-syon. Hindi pala. Sa katunayan,miyentras sinusuri ko ang ebolu-syon, lalo lang akong nakukum-binsi na maganda lang pala angpaliwanag nito pero hindi namantotoo.

Pagkatapos, naisip ko ang pagdi-disenyo ko ng mga robot. Kaninobang disenyo ang ginagaya ko?Hindi ako kailanman makapagdi-disenyo ng robot na makasasa-lo ng bola na gaya ng nagagawanatin. Puwedeng iprograma angrobot para makasalo ito ng bola,pero ang magagawa lang nito aykung ano ang eksaktong naka-programa sa kaniya. Ang kakaya-han nating matuto ay di-hamakna nakahihigit sa nagagawa ngisang robot—pero kahit ang mgarobot ay may disenyador! Isalang ito sa maraming dahilankung bakit ako nakumbinsi namayroon ngang Disenyador angtao.

Bakit ka naging isangSaksi ni Jehova?

Ang isang dahilan ay nagustu-han namin ni Barbara ang kani-lang masusing paraan ng pag-aaral. Hangang-hanga ako sapagsasaliksik nila para sa kani-lang mga publikasyon. Madalingmagkainteres sa detalyadongpagsasaliksik ang mga taong

gaya ko na gustung-gustong ina-alam ang detalye ng mga ba-gay-bagay. Halimbawa, gayon nalang ang interes ko sa maraminghula, o prediksiyon, ng Bibliya.Sa pag-aaral ko sa mga iyon, na-kumbinsi akong ang Bibliya aytalagang mula sa Diyos. Noong1992, kami ni Barbara ay nabau-tismuhan bilang mga Saksi ni Je-hova.

Humina ba ang paniniwalamo sa Diyos dahil sa pag-aaral mo ng siyensiya?

Hindi. Lalo pa nga nitong pina-tibay ang paniniwala ko sa Diyos.Halimbawa, pansinin kung paa-no tayo nakakakilala ng mukha.Kahit ilang oras pa lang naisisi-lang ang isang sanggol, magaga-wa na niya ito. Madali nating ma-mukhaan ang isang kakilalakahit nasa gitna siya ng mara-ming tao. Puwede mo pa ngangmasabi kung masaya o malung-kot siya. Pero wala tayong kama-lay-malay na ang kakayahang itoay nagsasangkot ng napakabilisna pagpoproseso ng napakara-ming impormasyon.

Talagang kumbinsido ako na angvisual system ng tao ay isangmahalagang kaloob mula saDiyos na Jehova. Dahil sa mgakaloob niya, gaya ng Bibliya, gus-to kong pasalamatan siya at sa-bihin sa iba ang tungkol sa ka-niya. Lubos akong naniniwalana dapat siyang papurihan dahilsa kaniyang mga gawa. ˛

Naisip ko ang pagdidisenyo ko ngmga robot. Kanino bang disenyoang ginagaya ko?

Gumising! Pebrero 2013 11

Page 12: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

MATAPOS maglakbay sa mga rehiyon sa Mediteraneo at

sumali sa pulitika sa Siracusa, isang Griegong lunsod

sa Sicilia, bumalik si Plato sa Atenas, kung saan itinatag

niya ang Akademya. Ang Akademya, na sinasabing ang ka-

una-unahang unibersidad sa Europa, ay naging isang sen-

tro ng pagsasaliksik sa matematika at pilosopiya.

BAKIT DAPAT KANG MAGING INTERESADO RITO?

Malaki ang naging impluwensiya ng mga turo ni Plato

sa relihiyosong paniniwala ng milyun-milyon, pati na sa

mga nag-aangking Kristiyano, na karamiha’y nag-aakalang

ang mga paniniwalang ito ay batay sa Bibliya. Panguna-

hin sa mga turo ni Plato ang ideya na ang tao ay may imor-

tal na kaluluwa na nananatiling buh´ay pagkamatay ng ka-

tawan.

Gayon na lang ang interes ni Plato sa kabilang-buhay. Si-

nasabi ng aklat na Body and Soul in Ancient Philosophy na

“ang imortalidad ng kaluluwa ay isa sa paboritong paksa

ni Plato.” Talagang kumbinsido siya na “nananatiling buh´ay

ang kaluluwa pagkamatay ng katawan para tumanggap ng

gantimpala o parusa” sa kabilang-buhay, depende sa mga

ginawa ng isa noong nabubuhay pa siya sa lupa.�

� Bagaman pinalaganap ni Plato ang ideya na may imortal na kaluluwa, hindisiya ang kauna-unahang naniwala sa ideyang ito. Matagal na itong laganap sa mgapaganong relihiyon, kasali na ang sa Ehipto at Babilonya.

S U LY A P S A N A K A R A A N � P L AT O

PLATOSi Plato (mga 427-347 B.C.E.) ay isang paganongpilosopong Griego. Siya ay ipinanganak sa Atenassa isang maharlikang pamilya at may mataas napinag-aralan. Malaki ang naging impluwensiya sakaniya ng kilal

´ang pilosopo na si Socrates at ng

mga tagasunod ng matematiko at pilosopongsi Pythagoras.

ALAM MO BA?

( Si Plato ay itinuturing naisa sa pinakamaimpluwensiyangintelektuwal sa kasaysayan ngkulturang Kanluranin.

( Naging interesado siya sapulitika noong kabataan niya peronadismaya siya sa sistema nggobyerno.

( Sumulat siya ng mga akdasa mga paksang gaya ng etika,katarungan, karunungan,pagiging katamtaman, debosyon,kaluluwa, at kagitingan.

( Ang pinakakilal´ang estudyante

ni Plato ay si Aristotle, na nagingedukador, pilosopo, at siyentipiko.

Page 13: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

PAANO LUMAGANAP ANG MGA TURO NI PLATO?

Sa siyam na siglong pag-iral ng Akademya ni Plato, mula387 B.C.E. hanggang 529 C.E., napakalakas ng naging im-pluwensiya nito. Ang mga ideya ni Plato ay naging popularsa mga lupaing sakop ng Gresya at Roma. Pinaniwalaan itong pilosopong Judio na si Philo ng Alejandria, pati na ng ma-raming lider ng Sangkakristiyanuhan. Dahil dito, ang mgapaganong pilosopiya, kasali na ang imortalidad ng kaluluwa,ay unti-unting naging bahagi ng turo ng Judaismo at Kristiya-nismo.

“Ang teolohiya ng mga Kristiyano ay naimpluwensiyahan,sa paanuman, ng pilosopiyang Griego, pangunahin na ngturo ni Plato,” ang sabi ng The Anchor Bible Dictionary,“pero may ilang pilosopong Kristiyano na . . . angkop lang natawaging mga Kristiyanong Platonist.” Paghambingin ang si-nasabi ng sumusunod na mga akda.

Ayon kay Plato: “[Kapag namatay,] kung ano talaga angbumubuo sa atin, na tinatawag nating imortal na kaluluwa,ay paroroon sa ibang mga diyos, . . . para magsulit—isangbagay na buong-tapang na hinaharap ng mabubuti, pero lub-hang kinatatakutan ng masasama.”—Plato—Laws, Book XII.

Ang sabi ng Bibliya: Ang kaluluwa ay ang tao mismo oang buhay na taglay niya. Ang mga hayop man ay kaluluwa.Kapag namatay, hindi na umiiral ang kaluluwa.� Pansininang sumusunod na mga teksto sa Bibliya:

ˇ “Ang unang taong si Adan ay naging kaluluwang bu-h

´ay.”—1 Corinto 15:45.

ˇ “Sinabi ng Diyos: ‘Bukalan ang lupa ng mga kaluluwangbuh

´ay ayon sa kani-kanilang uri, maamong hayop at gu-

magalang hayop at mailap na hayop sa lupa.’ ”—Gene-sis 1:24.

ˇ “Mamatay nawa ang aking kaluluwa.”—Hukom 16:30.

ˇ “Ang kaluluwa na nagkakasala—iyon mismo ang mama-matay.”—Ezekiel 18:4.

Maliwanag, hindi itinuturo ng Bibliya na may humihiwalayna kaluluwa kapag namatay ang tao. Kaya tanungin ang sa-rili, ‘Ang mga pinaniniwalaan ko ba ay nakasalig sa Bibliya osa pilosopiya ni Plato?’ ˛

� Itinuturo ng Bibliya na ang mga patay ay parang natutulog lang, at naghihintayng pagkabuhay-muli. (Eclesiastes 9:5; Juan 11:11-14; Gawa 24:15) Kabaligtarannito, ang sinasabing imortal na kaluluwa ay hindi namamatay at hindi nangangaila-ngan ng pagkabuhay-muli.

“Ang imortalidad ng kaluluwa ay isasa paboritong paksa ni Plato.”—Body and Soul in Ancient Philosophy

“Ang paniniwala sa di-nama-matay na kaluluwa ay hindimakikita sa Bibliya.”—New Catholic Encyclopedia.

“Noon lamang matapos angpanahon ng Bibliya nagkaro-on ng maliwanag at matibayna paniniwala sa imortalidadng kaluluwa . . . at naging isasa mga pundasyon ng mgapananampalatayang Judio atKristiyano.” (Amin ang italiko.)—Encyclopaedia Judaica.

“Ang paniniwalang patuloy naumiiral ang kaluluwa mata-pos mabulok ang katawan ayisang pilosopikal o teolohikalna espekulasyon . . . at sama-katuwid nga’y hindi itinuturong Banal na Kasulatan.”—The Jewish Encyclopedia.

Gumising! Pebrero 2013 13

Page 14: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

KUNG PAANO NAGMAMALASAKIT ANG DIYOS Kapag dumaranas ngpaghihirap ang isang mananamba ng Diyos na Jehova, makikita angmalasakit ng Diyos sa iba’t ibang paraan. Isa rito ang maibiging supor-ta ng mga kapuwa Kristiyano.� Sinasabi sa Santiago 1:27: “Ang anyong pagsamba na malinis at walang dungis sa pangmalas ng atingDiyos at Ama ay ito: alagaan ang mga ulila at mga babaing balo sa ka-nilang kapighatian.”

Ang unang mga Kristiyano ay nagtulungan sa isa’t isa. Halimbawa,nang ihula na magkakaroon ng matinding taggutom sa Judea, angmga Kristiyano sa lunsod ng Antioquia sa Sirya ay nagpasiyang “mag-padala ng tulong bilang paglilingkod sa mga kapatid na nakatira saJudea.” (Gawa 11:28-30) Dahil dito, natugunan ang mga pangangaila-ngan ng mahihirap na Kristiyano. Sa kusang-loob na pagbibigay na ito,ipinakita ng mga Kristiyano ang kanilang pag-ibig.—1 Juan 3:18.

� Sa ilang lupain, ang gobyerno ay nagbibigay ng tulong sa mahihirap. Kung wala nito, angpangunahing dapat tumulong sa mahihirap ay ang kanilang mga kamag-anak.—1 Timoteo5:3, 4, 16.

A N G P A N G M A L A S N G B I B L I Y A � A N G M A H I H I R A P

A N G M A H I H I R A P

Nagmamalasakit ba ang Diyos sa mahihirap?

“Maging malaya nawa mulasa pag-ibig sa salapi ang

inyong paraan ng pamumu-hay . . . Sapagkat . . . sinabi

[ng Diyos]: ‘Hindi kita sa

anumang paraan iiwanni sa anumang paraan ay

pababayaan.’ ”

—Hebreo 13:5.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 15: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

TINUTULUNGAN TAYO NG DIYOS NA TULUNGAN ANG ATING SARILIGaya ng naranasan ng milyun-milyong tao, ang karunungan mula saBibliya ay praktikal at di-mapapantayan. Sinasabi sa Kawikaan 2:6, 7:“Si Jehova ay nagbibigay ng karunungan; sa kaniyang bibig ay nangga-galing ang kaalaman at kaunawaan. At para sa mga matuwid ay mag-iimbak siya ng praktikal na karunungan.” Kapag namumuhay ang mgatao kaayon ng karunungang iyan, nakikinabang sila.

Halimbawa, iniiwasan nila ang nakapipinsala at magastos na mga bi-syo, gaya ng pag-abuso sa droga at alak. (2 Corinto 7:1) Sinisikap dinnilang maging tapat at mas masikap at responsable, kaya naman masmadali silang makahanap ng trabaho o mas pinahahalagahan sila bi-lang mga empleado. Ayon sa Efeso 4:28: “Ang magnanakaw ay huwagnang magnakaw pa, kundi sa halip ay magtrabaho siya nang masikap,. . . upang may maipamahagi siya sa sinumang nangangailangan.”

MABUBUTING RESULTA Si Wilson, na taga-Ghana, ay contractual langsa trabaho at malapit na itong matapos. Noong huling araw niya satrabaho, habang naglilinis ng kotse ng managing director, nakakita ngpera si Wilson sa kompartment ng kotse. Sinabi sa kaniya ng superbi-sor na sa kaniya na lang ang pera. Pero tumanggi si Wilson. Isa siyangSaksi ni Jehova at hindi niya magagawang magnakaw. Sa halip, isina-uli niya ang pera sa may-ari. Imbes na matanggal si Wilson sa trabaho,naging permanente siya at nang maglao’y binigyan ng mas mataas naposisyon.

Sa France, natanggal si G´eraldine sa trabaho dahil ayaw ng amo niya

sa mga Saksi ni Jehova. Pero sinabi ng nanay ng amo niya sa anaknito na maling-mali ang desisyon niya. Sinabi niya, “Kung gusto mo ngempleadong mapagkakatiwalaan at seryoso sa trabaho, Saksi ni Jeho-va ang kunin mo.” Inalam ng amo ang tungkol sa mga Saksi, at ibina-lik si G

´eraldine sa kaniyang trabaho.

Nang maghirap si Sarah, isang nagsosolong ina sa South Africa, nada-ma niya ang pag-ibig ng kaniyang mga kapuwa Kristiyano. Naglaan silang pagkain at transportasyon sa kanilang mag-iina. Nang maglaon, si-nabi ng mga anak niya, “Ang dami naming magulang sa kongrega-syon.”

Marami pang ibang karanasan na tulad nito. Ipinaaalaala nito sa atinang sinasabi sa Kawikaan 1:33: “Kung tungkol sa sinumang nakikinigsa akin [kay Jehova], tatahan siya nang tiwasay.” Totoong-totoo ito! ˛

Ano ang puwedeng gawin ng mahihirap para bumuti angkalagayan nila?

“Ako, si Jehova, ang iyong

Diyos, ang Isa na nagtuturo

sa iyo upang makinabang

ka.”—Isaias 48:17, 18.

Talaga bang nakakatulong sa mahihirap ang karununganmula sa Bibliya?

“Ang karunungan ng Diyos

ay pinatutunayang matuwid

ng mga bunga nito.”

—Mateo 11:19, The New EnglishBible.

Gumising! Pebrero 2013 15

Page 16: !#2download.jw.org/files/media_magazines/77/g_TG_201302.pdfPAGMAMASID SA DAIGDIG ESTADOS UNIDOS Halos 40 porsiyento ng pagkain sa bansa ang nasasayang, ayon sa Natural Re-sources Defense

ANG agama lizard ay madaling na-katatalon patungo sa mga dingding.

Pero kapag madulas ang pinanggalinganniya, namamali ito ng talon. Gayunman,nagagawa pa rin niyang maka-landingnang maayos sa dingding. Bakit? Dahilsa kaniyang buntot.

Pag-isipan ito: Kapag tumatalon angagama mula sa magaspang na lugar—kung saan nakakakapit siya—pinatata-tag niya ang kaniyang katawan at pina-nanatiling nakababa ang kaniyang bun-tot para makatalon siya sa tamangposisyon. Kapag madulas naman ang pi-nanggalingan niya, nadudulas siya atnagkakamali ng talon. Pero habang nasaere, itinatama niya ang posisyon ng kani-yang katawan sa pamamagitan ng pag-papaling paitaas ng kaniyang buntot.Hindi simple ang prosesong ito. “Kaila-ngan ng [agama] lizard na mai-adjustnang tamang-tama ang posisyon ng ka-niyang buntot para manatili itong naka-patayo,” ang sabi ng isang report mulasa University of California, Berkeley. Mi-yentras mas madulas ang pinanggali-ngan niya, lalong kailangan niyang ipa-ling nang mas mataas ang kaniyangbuntot para maka-landing siya nang ma-ayos.

Ang kakayahang ito ng buntot ng aga-ma ay makatutulong sa mga inhinyerona makapagdisenyo ng mabilis pero di-sumesemplang na mga sasakyang ro-bot na magagamit sa paghahanap ngmga nakaligtas sa lindol o iba pang sa-kuna. “Ang mga robot ay hindi kasinliksiat kasintatag ng mga hayop,” ang sabing mananaliksik na si Thomas Libby,“kaya kapag nakapagdisenyo ng mga ro-bot na mas matatag, malaking pagsu-long ito.”

Ano sa palagay mo? Ang buntot bang agama lizard ay resulta ng ebolu-syon? O may nagdisenyo nito? ˛

M A Y N A G D I S E N Y O B A N I T O ?

AngBuntotngAgamaLizard

�A

riad

ne

Van

Zan

db

erg

en

g13 02-TGs

Libreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Mga artikulo at activitypara sa mga magulang,tin-edyer, at mga bata

Mababasa ang Bibliyaonline sa 50 wika

no

mq

p