PDF ng L Buwis

16
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika Bumalik sa TOP ng L Buwis L Buwis 1 Buwis (1) Pamumuhay at buwis Kahit anong nasyonalidad ay kinakailangang magbayad ng buwis tulad ng mga Hapon kapag sila ay mahigit nang isang taong naninirahan sa Japan at may takdang kinikita. Ating tandaan ang sistema ng pagbubuwis sa Japan (2) Mga uri ng buwis May dalawang uri ng buwis sa Japan: national tax, ang buwis na sinisingil ng bansa (Kokuzei), at local tax, ang buwis na sinisingil ng perepaktura at munisipalidad (Chihouzei). Isang halimbawa ng buwis na sinisingil ng bansa ay ang shotokuzei (income tax) samantalang ang mga halimbawa ng buwis na sinisingil ng perepaktura at munisipalidad ay ang juuminzei (residence tax), jidoushazei (vehicle tax) at iba pa. Sa loob naman ng bawat isang uri ng dalawang buwis na ito ay may dalawa pang uri depende sa paraan ng pagbayad: ang buwis na binabayarang diretso sa munisipyo o sa tanggapan ng tagapamahala ng buwis (tulad ng shotokuzei at juuminzei) at ang buwis na hindi binabayarang diretso sa mga opisinang ito ngunit binabayaran sa lahat ng paggagastos at pamimili (tulad ng shouhizei [consumption tax]). Buwis na binabayarang diretso Buwis na hindi binabayarang diretso Buwis na sinisingil ng bansa (kokuzei) income tax, corporation tax, inheritance tax, donation tax, etc. consumption tax, liquor tax, tobacco tax, tariff, stamp duty tax, etc. Buwis na sinisingil ng rehiyon (chihouzei) Buwis na sinisingil ng perepaktura (todoufukenzei) prefecture tax, business tax, vehicle tax, etc. regional consumption tax, prefectural tobacco tax, golf course use tax, etc. Buwis na sinisingil ng munisipyo (shichousonzei) municipality tax, property tax, light vehicle tax, etc. municipality tobacco tax, admission tax, etc..

Transcript of PDF ng L Buwis

Page 1: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

1 Buwis

(1) Pamumuhay at buwis

Kahit anong nasyonalidad ay kinakailangang magbayad ng buwis tulad ng mga Hapon kapag sila ay mahigit nang

isang taong naninirahan sa Japan at may takdang kinikita. Ating tandaan ang sistema ng pagbubuwis sa Japan

(2) Mga uri ng buwis

May dalawang uri ng buwis sa Japan: national tax, ang buwis na sinisingil ng bansa (Kokuzei), at local tax, ang

buwis na sinisingil ng perepaktura at munisipalidad (Chihouzei). Isang halimbawa ng buwis na sinisingil ng bansa ay

ang shotokuzei (income tax) samantalang ang mga halimbawa ng buwis na sinisingil ng perepaktura at

munisipalidad ay ang juuminzei (residence tax), jidoushazei (vehicle tax) at iba pa. Sa loob naman ng bawat isang

uri ng dalawang buwis na ito ay may dalawa pang uri depende sa paraan ng pagbayad: ang buwis na binabayarang

diretso sa munisipyo o sa tanggapan ng tagapamahala ng buwis (tulad ng shotokuzei at juuminzei) at ang buwis na

hindi binabayarang diretso sa mga opisinang ito ngunit binabayaran sa lahat ng paggagastos at pamimili (tulad ng

shouhizei [consumption tax]).

Buwis na binabayarang diretso Buwis na hindi

binabayarang diretso

Buwis na sinisingil ng bansa

(kokuzei)

income tax, corporation tax, inheritance tax,

donation tax, etc.

consumption tax, liquor tax,

tobacco tax, tariff, stamp

duty tax, etc.

Buwis na

sinisingil ng

rehiyon

(chihouzei)

Buwis na sinisingil

ng perepaktura

(todoufukenzei)

prefecture tax, business tax, vehicle tax, etc.

regional consumption tax,

prefectural tobacco tax, golf

course use tax, etc.

Buwis na sinisingil

ng munisipyo

(shichousonzei)

municipality tax, property tax, light vehicle

tax, etc.

municipality tobacco tax,

admission tax, etc..

Page 2: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

2 National tax (kokuzei)

Kokuzei ang tawag sa buwis na sinisingil ng bansa. Ang shotokuzei (income tax) at shouhizei (consumption tax) ay

mga halimbawa ng buwis na ito.

2-1 Income tax (shotokuzei)

(1) Ano ang tinatawag na income tax (shotokuzei)?

Ito ang buwis na binabayaran batay sa kinita sa loob ng isang taon (mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng

Disyembre) na kinakailangang ipagbigay-alam sa munisipyo o sa tanggapan ng tagapamahala ng buwis sa susunod

na taon mula ika 16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso (Tingnan ang (2) Final income tax return para sa mga

detalye). Gayunman, nag-iiba ang pangkat ng paniningil ng buwis at halaga kahit na parehong dayuhan batay kung

ang dayuhan ay isang residente o hindi residente.

● Ang itinuturing residente (resident) at hindi residente (non-resident)

Itinuturing residente ang isang dayuhan kung ang kanyang tirahan ay nasa Japan at mahigit na isang taon siyang

tuluyang naninirahan dito. Ang pangkat ng paniningil ng buwis at halaga na kinakailangang bayaran ng mga

residente ay tulad ng sa mga Japan.

Para naman sa mga hindi residente, ang buwis na kailangang bayaran ay karaniwang 20% ng kinikita.

● Paraan ng pagbayad ng buwis

Para sa mga mangangalakal, kinakailangang sariling kalkulahin ang halaga ng kinita, mga ginastos, halaga ng

buwis at iba pa at ipagbigay-alam sa tanggapan ng paniningil ng buwis. Ito ang tinatawag na final income tax return

(kakutei shinkoku).

Para naman sa mga pasahuring manggagawa na tumatanggap ng suweldo o bonus mula sa kumpanya, hindi na

kinakailangan ng final income tax return dahil kinakaltas na kaagad ito mula sa buwanang suweldo. Ito ang

tinatawag na withholding tax (gensen choushuu).

Page 3: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

2 National tax (kokuzei)

(2) Final income tax return (kakutei shinkoku)

● Ano ang tinatawag na final income tax return (kakutei shinkoku)?

Ang lahat ng taong hindi nababawasan ng buwis sa suweldo (tulad ng mga taong may sariling negosyo o nasa

agrikultura) ay kinakailangang magbigay-alam ng halaga ng babayarang buwis matapos ito kalkulahin batay sa

resulta ng pagkalkula ng kinita sa nakalipas na taong mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre. Ang mga

pasahuring manggagawa ay hindi na kinakailangan pang gawin ito. Gayunman, ang mga sumusunod ay

kinakailangang magpasa ng final income tax return:

・Kapag ang suweldo sa isang taong ay mahigit ng 20 milyones

・Kapag nakakakuha ng suweldo sa higit na dalawang lugar

Huwag kalimutang magtago ng kopya ng final income tax return dahil ito ay kinakailangan sa pagpapatuloy o

pagbabago ng pahintulot na manirahan sa Japan.

* Kapag may dependents sa sariling bansa, maari siyang makakuha ng kaltas para sa mga dependent (deduction

for dependents). Kahit na pasahuring manggagawa, basta’t hindi nakakaltasan para sa mga dependent ay

kinakailangang magpasa ng final income tax return.

[Para sa iba pang detalye] Hamamatsu City [Kanaru Hamamatsu] URL:

http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamaj/index.html (wikang Hapon)

http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamapo/index.html (wikang Portuges)

http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamaEng/index.html (wikang Ingles)

Page 4: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

●Ang mga kinakailangan sa final income tax return

Mga dokumentong kailangan Saan ipapasa Kailan ipapasa FeeKaragdagang

bayad

1 Form ng final income tax return o kakutei shinkoku (nasa

Tanggapan ng Tagapamahala ng Buwis o Tax Office)

2 Ang makakapagtunay ng kinita sa nakalipas na taon

(tulad ng withholding tax slip o mga resibo ng

pagbabayad)

3 ID card (tulad ng Residence Card o sertipiko ng pagiging

isang special permanet resident

4 Mga kailangang papeles para sa pagbabawas ng buwis

dahil sa dependents (tulad ng birth certificate ng

dependents na nasa sariling bansa o mga resibo ng

pagpapadala ng pera)

5 Mga kailangang papeles para sa pagbabawas ng buwis

dahil sa pagbayad ng insurance (tulad ng sertipiko ng

ibabawas na buwis dahil sa insurance)

6 Pantatak (inkan) o kaya ay pirma

etc.

Tanggapan ng

Tagapamahala

ng Buwis o Tax

Office

Mula ika-16 ng

Pebrero

hanggang

ika-15 ng Marso

ng taong iyon

Libre

Page 5: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

Form ng final income tax return A (Unang bahagi)

Mula sa Ahensya ng National Tax

Page 6: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

Form ng final income tax return A (Pangalawang bahagi)

Mula sa Ahensya ng National Tax

Page 7: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

2 National tax (kokuzei)

(3) Withholding tax (gensen choushuu) at ang sertipiko para sa withholding tax (gensen choushuu hyou)

Withholding tax (gensen choushuu) ang tawag sa pagbayad ng income tax sa pamamagitan ng pagkaltas ng

kumpanya sa buwanang suweldo. Nakasulat ang suma ng kinita sa isang taon mula Enero hanggang Disyembre at

ang binayarang buwis sa sertipiko para sa withholding tax na matatanggap mula sa pinapasukang kumpanya sa

Enero ng sumusunod na taon. Mangyari lamang na pag-ingatang itago ito.

Page 8: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

Sertipiko para sa withholding tax mula sa suweldo

Page 9: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

2 National tax (kokuzei)

(4) Pagsasaayos ng babayarang buwis sa katapusan ng taon (nenmatsu chousei)

● Ano ang nenmatsu chousei?

Dahil sa halaga ng suma ng kinita, sa binayarang mga buwis, at iba pa, ang binabawas na buwis sa inyong suweldo

buwan-buwan ay isasaayos tuwing katapusan ng taon. Kapag lumabas na kulang ang binayarang buwis, kailangan

itong bayaran. Ang magsasagawa ng paglakad nito ay ang pinapasukang kumpanya.

Kung sakaling isinilang ang inyong anak o kaya ay sumapi sa isang insurance pagkatapos ng pagsasaayos ng

babayarang buwis sa katapusan ng taon, maari muli itong ayusin hanggang sa ika-31 ng Enero sa sumusunod na

taon.

● Ang pagbalik ng binayarang buwis

Maaaring bumalik ang bahagi ng binayarang buwis hanggang sa limang taong nakalipas sa kung sino mang

nagpasa ng final income tax return (kakutei shinkoku) sa kasong may isinilang na anak at dumami ang dependents,

nagbayad ng malaking halaga sa pagpapagamot, o mababa ang kita dahil nagpa-part-time lamang.

Page 10: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

2 National tax (kokuzei)

2-2 Consumption tax (shouhizei)

Ito ang buwis na sinisingil sa lahat ng paggagastos, tulad ng pamimili sa supermarket. Ang halaga ng buwis ay 5%

(noong Disyembre 2012) at kasama na ito sa lahat ng mga presyong nakasulat sa mga bilihin at iba pang serbisyo.

Ang mga sumusunod na transaksyon ay hindi nangangailangan ng buwis:

• Bayad sa pag-uupa ng bahay

• Pagbili ng selyo, revenue stamps

• Serbisyo para sa kapakanan ng lipunan

• Babayaran sa eskwela at iba pa

Page 11: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

3 Local tax (chihouzei)

Ito ang buwis na sinisingil ng perepaktura o munisipalidad. Isang halimbawa nito ay ang buwis na batay sa kinita ng

nakalipas na taon na binabayaran sa tinitirahang perepaktura o munisipalidad mula ika-1 ng Enero. Ang isa pang

halimbawa ng local tax ay ang buwis ng sasakyan na binabayaran taun-taon sa ika-1 ng Abril ng mga taong may

sasakyan.

3-1 Residence tax (juuminzei)

(1) Ano ang tinatawag na residence tax (juuminzei)?

Ito ay binabayaran bilang isang mamamayan ng tinitirhang perepaktura o munisipalidad. Ito ay ibinubuo ng isang

takdang halaga ng buwis at bahagi ng income tax.

* Sa 23 na wards (ku) ng Tokyo, ang residence tax ay ibinubuo ng special ward residence tax at metropolitan tax. Sa

mga ibang rehiyon, ito ay ibinubuo ng prefectural tax at municipality tax.

(2) Ang pagpapahayag ng residence tax

Kinakailangang magpahayag ng residence tax ang kahit sinong may tirahan sa loob ng mga munisipalidad mula

ika-16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso sa nakatatakdang munisipyo. Ngunit ang mga sumusunod ay hindi

kailangang magpahayag:

• Mga taong walang suweldo o pensyon na nakuha ng nakaraang taon

• Mga taong nagpahayag ng income tax

• Mga taong hindi kailangang magpahayag ayon sa batas

Residents’ tax

(Buwis para sa

mga residente)

Buwis na

pantay-pantay na

pinapataw sa lahat

ng residente =

Takdang halaga ng buwis na

pipapataw sa isang tao na hindi

naapektuhan ng kanyang kita

Buwis na pantay-pantay

na pinapataw sa lahat ng

residente

Income tax

= +

Income tax = Buwis na pinapataw sa isang tao

batay sa kanyang kita

Page 12: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

(3) Paraan ng pagbayad ng residence tax (Ang tokubetsu choushuu at futsuu choushuu)

May dalawang paraan upang magbayad ng residence tax: ang tinatawag na tokubetsu choushuu at futsuu

choushuu.

Tokubetsu

choushuu

Ito ay isang paraan ng pagbabayad kung saan kikakaltas mula sa buwanang suweldo sa

pinapasukang kumpanya ang residence tax. Ito ay nababayaran sa ika-10 ng sumusunod na

buwan.

Futsuu

choushuu

Ito naman ay ang binabayaran ng mga may sariling negosyo, nasa agrikultura, at iba pa.

Makakatanggap ng paalala mula sa takdang munisipyo at apat na beses sa isang taon ito

binabayaran. Maaari itong bayaran sa kahit anong bangko o post office na malapit. Maari din itong

ipakaltas nang kusa mula sa bank account.

Page 13: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

4 Buwis para sa mga sasakyan

4-1 Buwis para sa mga pangkaraniwang sasakyan

Ang buwis para sa mga pangkaraniwang sasakyan ay buwis na sinisingil taun-taon ng ika-1 ng Abril sa mga taong

may sasakyan. Ipapadala ng munisipyo ang papel para sa pagbabayad ng buwis. Bayaran lamang ito sa bangko,

post office, at iba pa hanggang sa nakatakdang araw na nakasulat.

4-2 Buwis para sa mga maliliit na sasakyan (keijidousha)

Ito ay buwis na kailangang bayaran taun-taon ng ika-1 ng Abril ng mga taong nagmamay-ari ng maliliit na sasakyan.

Ipapadala ng munisipyo ang papel para sa pagbabayad ng buwis. Bayaran lamang ito sa bangko, post office, at iba

pa hanggang sa nakatakdang araw na nakasulat.

4-3 Mga iba pang buwis

Maliban sa buwis para sa pangkaraniwan at maliliit na sasakyan na bahagi ng local tax, mayroon ding tinatawag na

jidousha juuryouzei na bahagi naman ng national tax.

4-4 Paraan ng pagrehistro

Ang buwis para sa pangkaraniwan at maliliit na sasakyan ay kailangang bayaran ng kahit sinong nagmamay-ari ng

sasakyan simula sa ika-1 ng Abril. Kapag ibinigay o ibinenta ang sasakyan sa ibang tao, kapag hindi na gagamitin

ang sasakyan, o kapag nanakawan ng sasakyan, kinakailangang iparehistro ito sa nakatatakdang opisina. Kapag

hindi ito ginawa, habang buhay na magbabayad ng buwis para sa sasakyan.

Page 14: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

Mga uri ng sasakyan at mga naaayong buwis

Mula sa Tax Bureau ng Tokyo

Pangkaraniwang sasakyan

Maliliit na sasakyan 1

Maliliit na sasakyan 2

Kakaibang maliliit na sasakyan

Kakaibang malalaking sasakyan

May mga dalawang gulong

May mga mahigit sa

tatlong gulong

May mga dalawang

gulong

Buwis para sa pangkaraniwang

sasakyan

Buwis para sa pagbili ng

sasakyan

Buwis para sa maliliit na

sasakyan

Naaayong buwis Napapaloob sa uri ng

sasakyan

Mga uri ng sasakyan

Mga may mahigit sa

tatlong gulong

Property tax

Page 15: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

5 Patunay ng binayarang buwis (nouzei shoumeisho) at Patunay ng kita

(shotoku shoumeisho)

Kinakailangan ang dokumentong makakapagpatunay ng inyong kinita at binayarang buwis sa mga sumusunod na

okasyon: pagpapatuloy o pagbabago ng pahintulot na manirahan sa Japan, pagpasok ng anak sa day-care center,

paghanap o pag-aplay na makakuha ng public housing, at iba pa. Kapag kailangan ng mga dokumentong ito,

pumunta lamang sa munisipyo ng tinitirahang lugar simula ng ika-1 ng Enero sa taong iyon.

Maaari ding magamit ang kopya ng final income tax return (2-1(2)) para sa mga detalye) o sertipiko para sa

withholding tax (2-1(3)) para sa mga detalye) upang magpatunay ng kinita.

5-1 Paraan upang maiwasan ang dobleng pagbabayad ng buwis

Maraming kasong ginagamit ang kinita sa Japan upang magtayo ng negosyo o bumili ng lupa sa sariling bansa

ngunit posibleng maningil din ng buwis ang sariling bayan (dobleng pagbabayad ng buwis). Upang maiwasan ito,

may treaty na ginawa ang Japan at iba’t ibang bansa (tingnan ang susunod na table). Kailangan lang may

magpapatunay ng pagbayad ng buwis sa Japan at hindi na kailangan magbayad pa ulit ng buwis sa sariling bansa.

Page 16: PDF ng L Buwis

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng L Buwis

L Buwis

● Mga bansang kasali sa treaty upang maiwasan ang dobleng pagbayad ng buwis (Noong Oktubre, 2012)

Silangan,

Timog-Silangan

Asya

Indonesia

South Korea

Singapore

Thailand

China

Philippines

Brunei

Vietnam

Hongkong

Malaysia Europa

Australia

Netherlands

Switzerland

Sweden

Spain

Denmark

Germany

Norway

Finland

France

Begium

Luxemburg

The Isle of Man (※)

Silagang

Europa,

Ang

dating

Sobiyet

Union

Azerbaidjan

Armenia

Ukraine

Uzbekistan

Kazakhstan

Kyrgyz

Georgia

Slovakia

Tadzhikistan

Czech

Turkmenistan

Poland

Hungary

Bulgaria

Belarus

Moldova

Romania

Russia

Timog Asya

India

Sri Lanka

Pakistan

Bangladesh

Aprika Zambia

South Africa

Hilagang

Amerika

USA

Canada

Oseaniya

Australia

New Zealand

Fiji Malapit at

Gitnang

Silangan

Israel

Egypt

Saudi Arabia

Turkey

Gitna at

Timog

Amerika,

Caribbean

Brazil

Mexico

Bahamas

Bermuda (※)

Cayman Islands (※) Europa

Ireland

Britain

Italy

(64 na Bansa at Pook)

(※)ay ang may kaugnayan sa pagpalitan ng mga impormasyon tungkol sa buwis.

Pinaghalawan : Ministry of Finance