PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG...

4
PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG KANILANG MGA PAARALAN. Panahon na upang mamuhunan ang BC para sa pampublikong edukasyon. M A S M A LILII T MA S M ARA M I N G O R A S M A S M A R A M I N G M G A P A RA SA O N E - O N - O N E S P E C IA L I S T T E A C H ER N A M G A K L A S E

Transcript of PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG...

Page 1: PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG …bctf.ca/uploadedFiles/Public/Publications/Brochures/FeedTheirMinds/FTM... · • kung may mga grupo sa iyong komunidad na kumikilos

PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG KANILANG MGA PAARALAN.

Panahon na upang mamuhunan ang BC para sa pampublikong edukasyon.

MAS M

ALI

LIIT

MAS

MAR

AMING

ORAS

MAS

MAR

AMIN

G MGA

PARA

SA ON

E-ON-O

NE

SP

ECIA

LIST

TEA

CHER

NA M

GA K

LASE

Page 2: PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG …bctf.ca/uploadedFiles/Public/Publications/Brochures/FeedTheirMinds/FTM... · • kung may mga grupo sa iyong komunidad na kumikilos

Pagpopondo para sa pampublikong edukasyon sa BCMga Hamon at Solusyon

Mas marami pang mga mag-aaral na daratingHamon: Ayon sa BC Stats, inaasahang dadami ng mahigit sa 28,200 ang mga school-age na mag-aaral sa mga classroom sa BC sa loob ng anim na taon.

Solusyon: Mamuhunan muli para sa ating mga classroom, upang ang mga bata sa BC ay makakuha ng karapat-dapat na pansin sa pamamagitan ng mas maliliit na mga klase.

Mas maraming mga klase para sa mga may higit na pangangailanganAng lahat ng mga guro ay nagtratrabaho para sa iba’t ibang mga mag-aaral, ang bawat isa ay may natatanging mga kasanayan, mga hamon, at mga pangangailangan.

Hamon: Dito sa BC, mahigit sa 16,000 mga klase ay may apat o higit pang mga mag-aaral na may espesyal na mga pangangailangan. Iyan ay isang-kapat na bahagi ng lahat ng mga klase. Halos 4,000 mga klase ay may pito o mahigit pang mga mag-aaral na may espesyal na mga pangangailangan! Kahanga-hanga ang pagkakaiba-iba (diversity) sa loob ng mga classroom ngunit kung walang sapat na suporta, mawawalan ng pagkakataon ang mga mag-aaral.

Hamon: Ang BC ay nabawasan ng halos isang-kapat ng ating mga specialist teacher nitong nakaraang 15 taon:

• 22% ng ating mga teacher sa ELL (dating ESL)

• 24% ng ating mga special education teacher

• 37% ng ating mga teacher-librarian.

Solusyon: Panahon na upang mag-hire ng karagdagang mga specialist teacher at siguraduhin na mayroon silang mga kakailanganing resources. Ang bawat isa ay makikinabang kapag ang bawat bata ay makakakuha ng karapat-dapat na suportang kailangan nila sa pag-aaral batay sa kanilang kakayahan at mga hamon.

MAS MALILIIT NA MGA KLASE

Page 3: PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG …bctf.ca/uploadedFiles/Public/Publications/Brochures/FeedTheirMinds/FTM... · • kung may mga grupo sa iyong komunidad na kumikilos

Ang mga pagbawas sa pondo na ipinataw sa mga school districtHamon: Ang mga school district sa BC ay sapilitang humanap ng “administrative savings” na $54 milyon sa kanilang 2015-16 at 2016-17 na mga budget. Ang epekto ng mga pagbabawas na ito ay 0.3% na pagbaba ng operating grant.

Ang mga pagbawas ay direktang makakaapekto sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglaki ng mga klase (class sizes), pagsasara ng mga programa, mas limitadong oras para sa mga education assistant, at mga library at iba pang mga serbisyong pangsuporta. Ang mas maliit na budget para sa school supplies ay mangangahulugan na ang mga mag-aaral ay gagamitin ang mga lipas na sa panahong libro, gayon din ang substandard science, fine arts, at sports equipment.

Ang mga magulang ay muling mapre-pressure na magdaos ng mga fundraising upang matustusan ang mga pagkukulang sa pagpondo sa paaralan.

Solusyon: Kailangan ng BC na dagdagan ang budget sa edukasyon ng 2.7% bawat taon upang mamintina ang pagpopondo sa bawat mag-aaral na nakaakma sa inflation at enrolment. May kakayahan ang pamahalaan na dagdagan ang pagpopondo para sa mga pampublikong serbisyo dahil mayroon itong budget surplus at reserve na ‘di kukulangin sa $1 bilyon.

Pagsasara ng mga paaralan at iba pang mga pagbawasHamon: Ang mga board ng edukasyon sa buong BC ay patuloy na napipilitang magsara ng mas maraming mga paaralan, bukod pa sa 240 na mga paaralang isinara nitong nakalipas na 15 taon.

Ang mga board ay napipilitan ring magbawas o mag-alis ng mga school bus, magdagdag ng mga bagong fee para sa transportasyon, bawasan ang paglilinis at pagmimintina ng paaralan, at ipagpaliban o kanselahin ang mga technology upgrade.

Solusyon: Panahon na upang kilalanin ng pamahalaan ang kahalagahan ng mga paaralan sa komunidad, at maghanap ng mga paraan upang panatilihing bukás ang mga ito, lalo na ngayon na ang enrolment sa probinsiya ay dumadami. Ang mga paaralan ang puso ng ating mga komunidad. Ang pagsasara ng mga ito ay magiging sanhi ng problema sa mga pamilya at nakakapinsala sa lokal na ekonomiya.

MAS MALILIIT NA MGA KLASE

Page 4: PAUNLARIN ANG KANILANG KAISIPAN. PONDOHAN ANG …bctf.ca/uploadedFiles/Public/Publications/Brochures/FeedTheirMinds/FTM... · • kung may mga grupo sa iyong komunidad na kumikilos

Isang mensahe mula sa BC Teachers’ Federation Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa kakulangan ng pagpopondo sa mga pampublikong paaralan sa BC, mangyaring bumisita sa visit bctf.ca at FundBCSchools.ca

Paano tayo maaaring magtulungan upang maibalik ang nararapat na pagpopondo sa ating mga

pampublikong paaralan?

Kausapin ang iba pang mga nakatira sa ating komunidad tungkol sa mga isyung makakaapekto sa kinabukasan ng ating mga anak, tulad ng:

• hindi sapat na suporta para sa iba’t ibang mga pangangailangan sa pag-aaral ng populasyon ng mga mag-aaral.

• mga isyu sa kalusugan at kaligtasan tulad seismic upgrades, kalidad ng hangin at tubig.• permanenteng pagsasara ng mga paaralan kung saan napipilitan ang mga mag-

aaral na magbiyahe o maglakad nang malayo at na nakakasama sa mga komunidad.• mga negatibong epekto ng kakulangan sa supplies, resources, at budget sa

pagmimintina sa mga paaralan.

Alamin:

• mula sa mga guro at iba pang staff ng paaralan kung paano nakakaapekto sa kanilang mga trabaho ang kakulangan ng pondo at kung paano ito maaaring makaapekto sa suportang ibinibigay nila sa kanilang mga mag-aaral.

• kung paano higit na mapre-pressure ang mga magulang na mag-fundraising upang punan ang mga pangangailangan na dulot ng kakulangan sa pondo.

• kung paano ang iyong mga lokal na trustees ng paaralan at mga MLA ay nakikipaglaban para sa makatarungang pagpopondo ng pampublikong edukasyon.

• kung may mga grupo sa iyong komunidad na kumikilos upang magkaroon ng higit na pagpopondo para sa mga paaralan, o kung may iba pang gustong sumali sa iyo para magsimula ng isang bagong grupo.

Sumulat, tumawag sa telepono, at gamitin ang social media upang:

• magpalaganap ng kamalayan sa tunay na mga isyu at kung bakit ang ating mga paaralan ay nangangailangan ng mas malaking pondo.

• igiit sa pamahalaan na pangunahing iprayoridad ang pangangailangan ng mga bata, at panatilihing malakas ang sistema ng ating pampublikong edukasyon.

MAS MARAMING MGA SPECIA

LIST T

EACHER

MAS MALILIIT NA MGA KLASE

[Filipino] April 2016