Panitikang Pinoy_ Mga Kwentong Bayan _ Folktales.pdf
-
Upload
jeny-ross-javier-malabanan -
Category
Documents
-
view
2.443 -
download
98
description
Transcript of Panitikang Pinoy_ Mga Kwentong Bayan _ Folktales.pdf
7/11/13 Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales
panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html 1/4
Mga koleksyon ng mga Panitikang Pilipino.
Panitikang Pinoy
Home Mga Epiko / Epic Mga Bugtong / Filipino Riddles Mga Salawikain / Proverbs Mga Kwentong Bayan / Folktales
Mga Talumpati / Filipino Speeches Mga Tula / Poems Mga Pabula
Mga Kwentong Bayan / Folktales
Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-
isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng
matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng
isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang
siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang
gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman
nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa
pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata
ng isang dosenang dumalagang manok.
Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang
mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng
iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya
sa kanyang ama ng kulungan para sa mga
manok niya. Higit sa karaniwang pag-
aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka
niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga,
sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito
ng pagpapainom ng gamot at pataba. At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng
araw na magkakaroon siya ng mga
inahing manok na magbibigay ng
maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa
dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.
Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At
kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok
sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito
Search
Search This Blog
There was an error in this gadget
Followers
1Ibahagi Higit Pa Susunod na Blog» Bumuo ng Blog Mag-sign in
7/11/13 Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales
panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html 2/4
Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay
maisakatuparan.
Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento
(Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.
84-85.
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.
Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at
mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na
Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
"Tingnan ninyo ako," wika ni Santol. "Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata."
"Daig kita," wika ni Mangga. "Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga
kaya maraming ibon sa aking mga sanga."
"Higit akong maganda," wika ni Kabalyero. "Bulaklak ko'y marami at pulang-pula.
Kahit malayo, ako ay kitang-kita na."
"Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,"
wika ni Niyog. "Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang
bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang
nagmumukhang kaawa-awa."
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang
pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa
hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.
Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.
Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento
(Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.
77-78.
sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.
Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang
gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili
siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad
siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang
pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.
Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Ang Punong Kawayan
Join this sitew ith Google Friend Connect
Members (1)
Already a member? Sign in
▼ 2011 (2)
▼ November (2)
Ano ang Panitikan
Mga Koleksyon
Blog Archive
Subscribe To
Posts
All Comments
Graxa
Enjoying life :)
View my complete profile
About Me
Follow by Email
Email address... Submit
Feedjit
7/11/13 Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales
panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html 3/4
Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong
kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan,
ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya
nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng
datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na
kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan
ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa
tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto
ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi
dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-
kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang
dalawang dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at
napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.
Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin
niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang
magmukhang bata ang asawa.
Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu,
binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling
nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida
ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim
niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang
datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya
nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang
manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.
"Kalbo! Kalbo, ako!" sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.
Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.
Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento
(Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.
80-81.
(source: http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-
kuwentong-bayan-folktales.190)
Nakalbo ang Datu
+1 Recommend this on Google
Live Traffic Feed
A visitor from Bagumbayan,Albay viewed "Panitikang Pinoy:Mga Kwentong Bayan /Folktales" 0 secs ago
A visitor from Pasig, Pampangaviewed "Panitikang Pinoy: MgaKwentong Bayan / Folktales" 1min ago
A visitor from Luisiana, Lagunaviewed "Panitikang Pinoy: MgaEpiko / Epic" 5 mins ago
A visitor from San Pedro, Lagunaviewed "Panitikang Pinoy: MgaKwentong Bayan / Folktales" 5mins ago
A visitor from Olongapo City,Olongapo viewed "PanitikangPinoy: Mga Kwentong Bayan /Folktales" 9 mins ago
A visitor from Las Piñas, Rizalviewed "Panitikang Pinoy: MgaKwentong Bayan / Folktales" 15mins ago
A visitor from San Juan, Batangasviewed "Panitikang Pinoy: MgaKwentong Bayan / Folktales" 16
mins ago
A visitor from Manila viewed"Panitikang Pinoy: MgaKwentong Bayan / Folktales" 23mins ago
A visitor from Sucat, Rizalviewed "Panitikang Pinoy: Mga
Trust Rating
Not Yet Rated
panitikangpnoy.blogspot.com
7/11/13 Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales
panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html 4/4
Home
Subscribe to: Posts (Atom)
Ano ang Panitikan
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Atito rin ang pin...
Mga Koleksyon
Mga koleksyon ng Panitikang Pilipino na magagamit sa mga proyekto at takdang aralin ng mga mag-aaral at iba pa.
Kila lang Mga Post
philippine literature Panitikang Pilipino Mga koleksyon ng mga Panitikang Pilipino Epiko Epic Bugtong Filipino Riddles SalawikainProverbs Kwentong Bayan Folktales Talumpati Tula Pabula (1)
philippine literature Panitikang Pilipino Mga koleksyon ng mga Panitikang Pilipino Epiko Epic Bugtong Filipino Riddles SalawikainProverbs Kwentong Bayan Folktales Talumpati Tula Poems Pabula (1)
Labels
Carol Banawa - Iingatan Ka Mp3
Musicaddict.com
107,348
Tota l Pageviews
pow ered by
Video Bar
graxa. Simple template. Template images by luoman. Powered by Blogger.