Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

30
Panahon ng mga Hapones

description

ppspnpnmh

Transcript of Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Page 1: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Panahon ng mga Hapones

Page 2: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Pansamantalang natigil ang mga palimbagan

Muling nabuksan ang lingguhang Liwayway

Sumunod sa Liwayway ang TalibaIpinagbawal ang mga magasing Ingles tulad ng Tribune at Free Press

Page 3: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Paksa ng mga akdang pampanitikan:

BUHAY LALAWIGAN

Page 4: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Naging maunlad at lubusang namulaklak sa panahon ng mga Hapones

Hindi binigyang pansin ng mga patnugot ang panlasa ng mga karaniwang mamamayan

Buhay lalawigan

Page 5: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

MGA URI NG AKDA:Dula

Sino Ba Kayo? ni Julian C. Balmaceda (Alpahol)

Pitong Taon ni Fidel Sicam

Libangan para sa mga tao upang makalimot sa kawalan at karahasan

Nagkaroon ng puwang sa lipunan at nangako ng magandang hinaharap

Page 6: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

Para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.

Page 7: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

•Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

Page 8: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

•Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.

Page 9: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

•Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.

Page 10: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Page 11: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

Ang isang manunulat ay likas na manunulat.

Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa.

Page 12: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Kapaligirang Pangkasaysayan ngbansang Hapon saPanahon ng Panitikan

Page 13: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

•Ang bansang Hapon ay malaki ang pagnanais nasiyang maghari sa buong Asya.•Lihim siyang pinalakas ng kanyang sandatahangpanlakas, ang hukbong dagat,katihan, atpanghimpapawid.•Layunin ng bansang Hapon ang maitaboy ang mgabansang Kanlurang sumasakop sa ibang bansa saAsya gaya ng Indonesia,Malaysia,Biyetnam atPilipinas.

Page 14: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panitikang Filipino noong Pananakop ng mga Hapones

Page 15: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

1941-1945 sinakop ng bansang Hapon ang Pilipinas Sa panahong ito nabalam ang umuunlad napanitikang

Filipino. Ipinapinid ng mga Hapon ang mgapahayagan Ang lingguhang Liwayway lamang ng mga Roces ang nagbukas ngunit nasa ilalim

ngpangangasiwa ng hapong si Kin-Ichi Ishikawa

Page 16: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Nagkaroon muli ng pagkakataong makapaglathalang mga kuwento at tula sa pahayagang Liwayway

Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gayang Tribune at Free Press

Sa panahong ito ang mga paksain sa mgakwento,dula,tula at iba pa ay ang buhay lalawigan

Tumpak tawaging panahon ng pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang tinutukoy na panahon ngHapon

Tinawag din nila itong “Gintong Panahon”

Page 17: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Mga Tula sa Panahong Ito

Pagkamakabayan o tungkol sa bayan Pag-ibig Kalikasan Buhay lalawigan o nayon Pananampalataya Sining

Page 18: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito

Page 19: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Haiku

Isang tulang may malayang taludturan na kinagiliwan ng mga Hapones.

Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.

Maikli lamang, ngunit hindi nagtataglay ng masaklaw at matalinhagang kahulugan.

Page 20: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Haiku

Halimbawa: 1. Palay

Palay siyang matino Nang Humangi’y yumuko, 2. Kabibi Kabibi, ano kaba? May perlas, maganda ka Kung diit sa tainga 3. Tag-init Alipatong lumapag Sa lupa- nagkabitak

Sa kahoy- nalugayak,Sa puso, naglagablab!

Page 21: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Tanaga Tulad ng Haiku, ito ay maikli lamang ngunit may sukat

at tugma. Ang bawat taludtod nito ay may pitong pantig. Nagtataglay din ng mga matalinhagang kahulugan.

Page 22: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Karaniwang Anyo

Ang katangian nito ay natalakay na sa panimulang pag-aaral ng aklat na ito.

Page 23: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Dula

Page 24: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Dula

Ang dulang tagalog ay nagtangkangbumangon upang magbigay ng kauntingaliw sa mga mamamayan.

Nangangailangan sila ng paglilibang upangmalimutan ang mga pangamba,pag-aalala at

iba’t ibang emosyong sumasanib sa kanilang katauhan.

Page 25: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Maikling Katha sa Panahon ng mga Hapon

Page 26: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang mga maikling katha nakatanggap ngparangal ay ang sumusunod:

Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes- unang gantimpala Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo-

ikalawang gantimpala Lunsod, Ngayon at Dagat-Dagatang ni N.V.M.

Gonzales-ikatlong gantimpala

Page 27: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ipinalimbag ang aklat na “25 Pinakamahusayna Kathang Filipino” may katangiangkatulad ng mga sumusunod:

Ang mga paksa ay matimpi. Ang mga pangyayari’y madula nguni’t di maligoy. Ang mga kwento ay walang balangkas. Ang mga paksa ay iba-iba, yaong nauukol sa

karaniwang karanasan at buhay ng mgatao. Ang mga paraang ginamit ay iba-iba.

Page 28: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang pagkakaroon ng mga malawak na paningin ng mga manunulat ay bakas nabakas sa kanilang mga sinulat.

Ang mga pangungusap na ginamit ay payak, isang bagay na nakapagpapaganda sa mga ito.

Page 29: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Dahil sa kakitiran ng mga paksain ng mga manunulat ay hindi nila maisiwalat nang matapat at malaya ang kanilang mga iniisip at dinaramdam na bunga ng karanasan ng mga tao nang panahong iyon.

Page 30: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Pananakop Ng Mga Hapones

Ang Panitikang Filipino Sa Wikang Ingles Ng Panahong Ito

Kung baga sa langit, naging makulimlim ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles noong panahon ng Hapon.

Salvador Lopez Francisco Icasiano Federico Mangahas Manuel Aguilla Carlos P. Romulo at Carlos Bulosan