Pang uri by meekzel

28
Ma. Eleizel Gaso Tagapag-ulat

Transcript of Pang uri by meekzel

Ma. Eleizel Gaso

Tagapag-ulat

MASUNGIT ANG PANAHON

Masungit ang panahon. Maiitim ang mgaulap. Malamig ang hangin. Gumuguhit manaka-naka ang matatalim na kidlat sa langit.Napakatahimik ng buong paligid. Walangmaririnig na mahihinang huni ng mga ibon.Humahanap ng mga ligtas na silungan pati mgahayop. Madilim ang paligid. Babagsak na angmalakas na ulan.

MasungitNapakatahimik

Maiitim Matatalim

Mahihina MadilimMalakas

PANG- URI

Ang pang- uri ay salitang nagsasaad ngkatangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan,atbp., na tinutukoy ng pangngalan o panghalipna kasama nito sa loob ng pangungusap.

Ang pang-uri ay nagsasaad ng katangian omga salitang naglalarawan. Maaari itongsalitang-ugat at panlaping makauri.

1. Pang- uring nagbibigay-turing sa Pangngalan

Halimbawa:

1. Ang mabait na bata ay pinagpala.

2. Ang batang makulit ay aking kapatid.

3. Ang masunuring bata ay kinagigiliwan ko.

2. Pang- uring Nagbibigay-turing sa Panghalip

Halimbawa:

1. Kayong mayayabang ay iniiwasan ng mga

kaibigan.

2. Kaming mababait ay binibiyayaan ng Diyos.

3. Magtatagumpay kayong matatalinong

mag-aaral.

3. Pang-uring maaaring paksa ng isangPangungusap

Halimbawa:

1. Ang mababait ay pinupuri ng marami.

2. Ang matatapang ay hindi nagpapatalo sa

laban.

3. Ang mapagkunwari ay kinamumuhian ko.

4. Pang-uring maaaring isang kaganapangpansimuno ng isang pangungusap.

Halimbawa:

1. Malamig ang gabi.

2. Marumi ang kanyang damit.

3. Puti ang kanyang bestida.

5. Pang-uring maaaring nagsasaad ng bilangsa salitang binibigyang-turing nito.

Halimbawa:

1. Ang tatlong itlog ay nabasag.

2. Apat ang pumasa sa pagsusulit.

3. Ikalimang ranggo ang iyong kapatid.

Ang pang-uring ginamit na panuring ay iniuugnay sapangngalan o panghalip sa pamamagitan ng mgapang-angkop.

Mga Halimbawa:

1. Nasa grasya ng Diyos ang banal na tao.2. Magandang tanawin ang kanyang

iginuhit na larawan.3. Malamang pata ng baboy ang ipinaksiw

niya.

Gawain:Isulat kung PP kung ang pang-uring nasa panaklong ay panuring sapangngalan, PH kung panuring ng panghalip, PN kung pangngalan, KP kung kagamitang pansimuno at PB kung nagsasaad ng bilang

____1. (Masayahin) ang mga Pilipino.____2. (Mapagkawanggawa sila.____3. Ang (malamig) na hangin ay dumampi sa aking pisngi.____4.Sila ay (maunawain).____5. (Mahusay) na pintor sa Juan Luna.____6. (Masinop) siya sa gamit.____7. Mapapalad ang (mabubuti)____8. (Tatlong) itlog ang binili ko.____9. Pinagpapala ang mga (kapus-palad).____10. May (malambot) na puso para sa bata si Vanessa.

Gawain:Isulat kung PP kung ang pang-uring nasa panaklong ay panuring sapangngalan, PH kung panuring ng panghalip, PN kung pangngalan, KP kung kagamitang pansimuno at PB kung nagsasaad ng bilang

____1. (Masayahin) ang mga Pilipino.____2. (Mapagkawanggawa) sila.____3. Ang (malamig) na hangin ay dumampi sa aking pisngi.____4.Sila ay (maunawain).____5. (Mahusay) na pintor sa Juan Luna.____6. (Masinop) siya sa gamit.____7. Mapapalad ang (mabubuti)____8. (Tatlong) itlog ang binili ko.____9. Pinagpapala ang mga (kapus-palad).____10. May (malambot) na puso para sa bata si Vanessa.

Gawain:Isulat kung PP kung ang pang-uring nasa panaklong ay panuring sapangngalan, PH kung panuring ng panghalip, PN kung pangngalan, KP kung kagamitang pansimuno at PB kung nagsasaad ng bilang

KP 1. (Masayahin) ang mga Pilipino.PH 2. (Mapagkawanggawa) sila.PP 3. Ang (malamig) na hangin ay dumampi sa aking pisngi.PH 4.Sila ay (maunawain).PP 5. (Mahusay) na pintor sa Juan Luna.PH 6. (Masinop) siya sa gamit.KP 7. Mapapalad ang (mabubuti)KB 8. (Tatlong) itlog ang binili ko.PP 9. Pinagpapala ang mga (kapus-palad).PP 10. May (malambot) na puso para sa bata si Vanessa.

Kayarian ng Pang-uri

Mapapangkat sa apat na kayarian ang mga pang-uri:

Payak

Maylapi

Inuulit

Tambalan

1. PayakAng pang-uri ay nasa payak na kayarian kapag

binubuo ng isang salita o salitang-ugat.

Halimbawa:1. Ganda2. Lungkot3. Tigas

2. MaylapiIto’y pinagsamang panlapi at salitang-ugat.

Halimbawa:1. Maganda2. Malungkot3. Matigas

3. Inuulit

Ang salita ay maaaring inuulit ng buo o inuulit na ganap.

Maaari ring bahagi lamang ng isang salitang-ugat o tinatawag naparsyal ang pag-uulit.

Halimbawa:Pag-uulit na Ganap:

(ang) puti-putiputing-putimaputing-maputimaputi-puti

Pag-uulit na Di-ganap:(ang) liliitmaliliit

4. TambalanAng pang-uri ay tambalan kung ito’y binubuo ng

pinagsamang dalawang salita na maaaring may ikatlongkahulugan o mananatili ang kahulugan.

Halimbawa:

Karaniwang kahuluganTaus-puso bigyang-yamanBayad-utang hilis-kalamay

Patalinghagang kahuluganKalatog-pinggan ngising-asoBulang-gugo kapit-tuko

GAWAIN:Isulat ang pang-uri sa loob ng tamang kahon ayon sa kayarian nito.

isip-bata sobra abot-kamay tuloy-tuloy antukin bukod-tangi

payapa magalang gutom iba-iba bigay-todo mahiyain

kasimbait Una dakila kabit-kabit bukas-loob kasintibay

Luma pantay-pantay taos-puso mapanukso punit-punit masuwerte

puro malas palabiro araw-araw

PANG-URING PAYAK

PANG-URING TAMBALAN

PANG-URING MAYLAPI

PANG-URING INUULIT

PANG-URING PAYAK

Sobra payapa gutomUna dakila lumaPuro malas totoo

PANG-URING MAYLAPI

Antukin magalangMahiyain Kasimbaitkasintibay mapanuksomasuwerte palabiroMakabago nakahanda

nakahanda

PANG-URING INUULIT

Tuloy-tuloy Punit-punitIba-iba Araw-arawKabit-kabit Yuta-yutaPantay-pantay kaakit-akit

PANG-URING TAMBALAN

Isip-bata bukas-loobAbot-kamay taos-pusoBukod-tangi urong-sulongBigay-todo balat-sibuyas

KailananMay tatlong kailanan ang mga pang-uri:

Isahan

Dalawahan

Maramihan

1. IsahanAng pang-uri ay isahan kung nagsasaad ito ng isang

bilang ng salitang binibigyang-turing o inilalarawan.

Halimbawa:

1. Maligayang pamilya ang pamilyang malusog.2. Kapalagayang-loob ko siya.3. Pang-iniksyon iyan.

2. DalawahanNasa kailanang dalawahan ang pang-uri kung ito’y

nagbibigay- turing sa dalawa.

Halimbawa:

1. Magkasing-ganda sina Kris at Ana.2. Magkasimputi ang damit nina Janice at Jenny.3. Kapwa nurse ang anak niya.

3. Maramihan

Maramihan ang kailanan ng pang-uri kung ito’ynagbibigay-turing o naglalarawan ng higit sa dalawa.

Halimbawa:

1. Matatamis na mga prutas.

2. Magagandang binibini ang aking nakita

kagabi.

3. Magagalang na mga mag-aaral ang

sumalubong sa akin sa FUHS.

GAWAIN 3Isulat sa patlang ang titik I kung ang kailanan ng pang-uring

may salungguhit ay isahan, D kung ito ay dalawahan, at M kung itoay maramihan.

_____ 1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad._____ 2. Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok._____ 3. Malulusog ang mga alagang hayop ni Mang Berting._____ 4. Mahapdi pa rin ang sugat ni Henry sa tuhod._____ 5. Si Juan ay kasingkupad ni Jerry magtrabaho._____ 6. Ang mga mag-aaral ni Ginang Romero ay magagalang._____ 7. Kapwa malikhain ang kambal na sina Lauren at Louise._____ 8. Ang gamot na ininom ni Maricel ay mabisa._____ 9. Hindi sanay sa maginaw na klima ang mga hayop._____ 10. Maaanghang ang mga ulam dito sa Bikol.

GAWAIN 3Isulat sa patlang ang titik I kung ang kailanan ng pang-uring

may salungguhit ay isahan, D kung ito ay dalawahan, at M kung itoay maramihan.

D 1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad.I 2. Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.M 3. Malulusog ang mga alagang hayop ni Mang Berting.I 4. Mahapdi pa rin ang sugat ni Henry sa tuhod.D 5. Si Juan ay kasingkupad ni Jerry magtrabaho.M 6. Ang mga mag-aaral ni Ginang Romero ay magagalang.D 7. Kapwa malikhain ang kambal na sina Lauren at Louise.I 8. Ang gamot na ininom ni Maricel ay mabisa.I 9. Hindi sanay sa maginaw na klima ang mga hayop.M 10. Maaanghang ang mga ulam dito sa Bikol.