Pandiwa

13
Aspeto ng Pandiwa Inihanda ni: Bb. Jeri Mayah Asuncion

Transcript of Pandiwa

Page 1: Pandiwa

Aspeto ng Pandiwa

Inihanda ni:Bb. Jeri Mayah Asuncion

Page 2: Pandiwa
Page 3: Pandiwa

Ano ang Pandiwa?

Ito ay ang mga salitang nagsasaad

ng kilos o galaw.

Page 4: Pandiwa

Halimbawa:

takbo sumasayawlakad umiinomhugas umaawitlipad natutulogtalon lumalangoyhawak nagtatanimnuod lumalangoy

Page 5: Pandiwa

“Ang Mabuting Samaritano” (Lukas 10: 25-37) 

May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang

saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihs at nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan din ang isang

Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyamg lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay

na napadaan doo. Nakita niya ang hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga

sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan

doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, "Alagaan

mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik."

Page 6: Pandiwa

Set A Set B Set C

Lumakad Sinasabi Pagatatawanan

Dumating Nag-aaral Mangungulit

Sinabi Sasabihin  

Page 7: Pandiwa

Aspeto ng

Pandiwa

Page 8: Pandiwa

Tinatawag na nasa panahunang pangnagdaan ng pandiwa (perpektibo) ang salitang kilos na naganap na o nangyari na. Nakikilala rin ito sa tulong ng mga salitang tumutukoy sa panahon tulad ng kahapon, kagabi, kanina.

Halimbawa:

Tumulong ako kagabi sa nanay ko sa mga gawaing bahay.Nagdasal ako bago ako kumain.Ang pangulo ay umalis noong isang linggo.

Page 9: Pandiwa

        Ang salitang kilos na nagaganap pa lang ay tinatawag na nasa panahunang pangkasalukuyan ng pandiwa (imperpektibo).

Halimbawa:

Nanunuod ako ng tv ngayon.Iginagalang ko ang aking guro.Tumatawa ang bata sa atin.Ang paru-paro ay lumilipad.

Page 10: Pandiwa

Ang salitang kilos na magaganap pa lamang ay tinatawag na nasa panahunang magaganap ng pandiwa (kontemplatibo). Nakikilala ito sa tulong ng mga salitang tumutukoy sa panahon tulad ng: bukas, mamaya, sa isang linggo, sa isang taon at iba pa.

Halimbawa:

Maglilinis kami ng bahay sa linggo. Magluluto kami ng adobo bukas.Si Juan ay aalis mamayang gabi.

Page 11: Pandiwa

Pagsasanay Salungguhitan ang mga salitang nagpapakita ng kilos sa mga pangungusap. Tukuyin kung ano ang aspeto ng pandiwa ang mga salitang kilois na sinalungguhitan.

1. Papasok ako sa trabaho mamaya.2. Hindi siya gumawa ng kanyang takdang aralin kaya siya napagalitan.3. Marami ang nanonood ng Ina,Kapatid,Anak tuwing gabi.4. Ako ang nagtanim sa mga halamang iyon.5. Mapapakain ang nanalong mayor bukas.6. Palaging pumupunta si Alissa ditto sa bahay.7. Nagpahayag ng saloobin si Ana tungkol sa mga kumakalat na balita tungkol sa kanya.8. Naglalaro ang mga bata ng patintero.9. Nagalit si Mang Tomas sa anak dahil gabi na nang ito ay umuwi.10. Magtuturo ako balang araw.

Page 12: Pandiwa

Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap

Panuto: Bilugan ang mga pandiwa sa mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat  sa tamang hanay.1.    Nag-eehersisyo ang mga lalaki at babae.2.    Ang mga gamit ay inilipat ni Ador sa kabilang kuwarto.3.    Tatawagan kita mamayang gabi.4.    Sasamahan kita sa pagsimba sa Baclaran.5.    Mahusay na sumayaw ang pangkat sa harap ng mga panauhin.6.    Si Ron ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan.7.    Nakauwi nang ligtas si Lisa sa kanilang bayan.8.    Ang sanggol ay pinaliguan ng nanay.9.    Nagpapahinga sa ilalim ng puno si Edgar.10.  Aalis ka nga ba sa isang buwan ?

Page 13: Pandiwa

TAKDANG-ARALIN Bilugan ang pandiwang angkop sa aspektong ipinahihiwatig sa pangungusap.1.    ( Nakakita, Nakakakita, Makakakita ) ng bagong trabaho si tatay noong isang araw.2.    ( Isinulat, Isinusulat, Isusulat) ko sa iyo ang ano mang balitang aking makakalap tungkol sa nawawala mong kapatid.3.    ( Naglinis, Naglilinis, Maglilinis) kami mamaya bago dumating ang mga bisita ni nanay.4.    ( Binayaran, Binabayaran, Babayaran) ko na ang damit na iyan kanina kay Fely.5.    Araw-araw, (tinawagan, tinatawagan, tatawagan) ako ng aking kaibigan.