Panahon ng-hapon

17
Panahon ng Hapon (1941-1944)

Transcript of Panahon ng-hapon

Page 1: Panahon ng-hapon

Panahon ng Hapon(1941-1944)

Page 2: Panahon ng-hapon

Naging makasaysayan ang Disyembre 7, 1941 sa araw na ito binomba ng Hapon ang Pearl

Harbor.

Page 3: Panahon ng-hapon
Page 4: Panahon ng-hapon

Disyembre 8, 1942 ang araw na nilusob ng Hapon ang Pilipinas.

Page 5: Panahon ng-hapon

Sa Maikling Kathang Tagalog ni Abadilla(1967:26)

Ang mga Hapones ay lumunsad sa baybayin ng Pilipinas, taglay ang Sandatang panlupig at proklomasyon ng kabutihan ng Pilipino at proklomasyong mahalin ang wikang pambansa at gamitin sa lahat ng pagkakataon samantalang pinagaralan naman ang Niponggo. Pinagutos na lahat ng bagay na katutubo’y kailangang pagyamanin sa Samasamang Kasaganaan sa Silangan Asya.

Nakita ng maaga ng mga mananakop, ang guwang sa kaisipan ng mga Pilipino at tinuruang umibig at magmahal sa tinubuan lupa.

.

Page 6: Panahon ng-hapon

Malaki ang impluwensyang nagawa ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas (1941-1942). Hindi lamang sa pamumuhay, pangkabuhayan kundi maging ang panitikan.

1942 ay simula ng pagsibol ng gintong panahon ng maikling kwento.

Page 7: Panahon ng-hapon

Samantala, ang Liwayway na noo’y nsa pangasiwa ng Hapones ay ang tanging magasing kumilala sa panitikan na likhang sining ng mga manunulat bilang tinig ng kanilang kilusan; dito naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, mananaysay at manunulat ng maikling kwento. Ito ang naging mabisang instrumento nina Antonio B. L. Rosales at Clodualdo del Mundo na maiparating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga Hapones.

Page 8: Panahon ng-hapon

1943 - Nagmatuwid ang mga patnugan ng Liwayway ang pinaguutos ng mga Hapones, at kung masusunod ito ng mga manunulat, makakalikha sila ng mga kathang magiging masagana sa katutubong kulay na napakahalaga sa panitikan.

Ang Lupong nasa pagpapayo ni Kin-iti Isikawa sina:

Jose Esperanza Cruz Clodualdo del MundoAgustin C. Fabian Francisco Icasiano

Arsenia R. Afan Buenaventura MedinaAntonio B.L. RosalesTeodorico C. Santos

Ang nagbigay sa ating panitikan ng Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943, aklat-katipunang nalimbag sa taon 1944.

Page 9: Panahon ng-hapon

Nilalaman ng Aklat-katipunan:

- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes- Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo- Lungsod Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales- Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda- May Umaga pang Daratal ni Serafin c. Gunigudo- Sumusikat pa ang Araw ni Gemilliano Pineda- Paghihintay ni Emilio Aguilar Cruz- Dugo at Utak ni Cornelio S. Reyes- Mga Yabag na Papalayo ni Lucia A. Castro- Tabak at Sampaguita ni Pilar R. Pablo- Madilim pa ang Umaga ni Teodora Agoncillo- Ikaw, Siya at Ako ni Brigido C. Batungbakal- May Uling sa Bukana ni Teotimo C. Buhain

Page 10: Panahon ng-hapon

- Bansot ni Aurora I. Cruz- Bahay sa Dilim ni Alfredo S. Enriquez- Ang Tao, ang kahoy at ang Bagyo ni Aristeo Florido- Nagmamadali ang Maynila ni Serafin C. Gunigundo- Si Ingkong Gaton at ang kanyang Kalakian ni Serafin

Segundo- Mga Bisig ni Amado S. Pagsanjan- Kadakilaan sa Tugatog ng Bundok ni Brigido C.

Batungbakal- Unang Pamumulaklak ni Hernando R. Ocampo- Ibon Mang May Layang Lumipad ni Amado S.

Pagsanjan- Sinag sa Dakong Silangan ni Macario Pineda- Mga Diyos ni Justiniano del Rosario- Luad ni Gloria Villaraza

Page 11: Panahon ng-hapon

• Ang 25 maikling kwento ay ipinasuri kina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda at Inigo Ed. Regalado - ang 3 haligi ng Panitikan Pilipino at pumili ng 3 pinakamahusay na maikling kwento. Ito ang Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes, Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo at Lungsod Ngayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales

• Sila ay pinagkalooban ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa Pamamagitan ng Kagawaran ng bansa sa Pagtuturo ng mga katibayan ng karangalan.

Page 12: Panahon ng-hapon

• Ang Paksa ng mga maikling kwentong nasulat noong Panahon ng Hapon ay karaniwang may damdaming makabayan ngunit maingat na hindi ito mahalata ng mga mananakop.

• Nabigyan diin din ang katutubong kulay, uri ng buhay ng panahong iyon, ang pananalat at ang kadahupan ng pang-araw-araw na buhay.

Page 13: Panahon ng-hapon

.

• Nang biglang naibalik ang kapayapaan nang Sakupin ng mga Amerikano ang Maynila ay muling sumibol ang Liwayway. Nabuhayan ng loob ang mga manunulat ng maikling kwento at nagsulpotan ang mga magasin gaya ng:Malaya ni Teodora Agoncillo na sinundan ng Ilang-ilang ni Inigo Ed.Regalado at Sinagtala ni Cloduldo del Mundo, Saga-saga ni Villanueva at ang Pag-asa ni Jacinto, Paruparo ni Cloduldo del Mundo, Hiwaga ni Antonio B.L. Rosales at Bulaklak ni Jose L. Santos.

• Ang Lahat ng magasin na ito ay Sandali lamang nangagsilitaw ngunit Tanging ang Liwayway lamang ang naging matatag.

• Ang Dekada ‘40 ay 10 taon ng maluwalhating paglalakbay ng manlilikha ng maikling kwento.

Page 14: Panahon ng-hapon

Ang Tula Noong Panahon ng Hapon

1. Karaniwan - tulang may sukat at tugma

Hal: Kayumanggi ni Ruben VegaAko’y kayumangging katulad ng ibaMay kinamihasna’t sariling panataDangal ang puhunang sa Baya’y pamanaDugo ang pangwilig kung Baya’y may dusa:O ang kinagisnan, sa Baya’y umasaBago ang sarili ay ang Bayan muna!

Ako’y maibigin sa tulo ng pawisMagpunla’t umani sa sariling bukid.Ihain sa kubong binalag ng bisigAng bunga ng aking dusa’t pasakitSa lawak ng buhay kayakap ang langit,Ang sipag at galak, laging magkatalik.

Page 15: Panahon ng-hapon

2. Malaya

Hal. Tula ni Idelfonso SantosAko’yPulotNg pukyutangDinalisay sa bulaklak;Tamis akong dumalisayHiging,Ng matanis na tugtugingNaglalambing

Ako’yLambotNg lamukot;Ng naluray sa silahisHinhin,YumiNg damdaming talulsalingSa ubod manNg mulawin,Sa garing at batong dapi.

Page 16: Panahon ng-hapon

Samantala, nakhiligan din ng mga makata ang haiku at tanaga

1. HaikuDalawang Haiku ni Gonzalo K. Flores

a. TutubiHila mo’y tabak…Ang bulaklak: nanginig!Sa paglapit mo.

b.AnyayaUlilang damoSa tahimik na ilog…Halika, sinta.

*Haiku maikling tulang may 3 taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5

Page 17: Panahon ng-hapon

2. Tanaga

a. PalayPalay siyang matinoNang humingi’y yumukoNguni’t muling tumayoNagkabunga ng ginto. b. KabibiKabibi, ano ka ba?May perlas, maganda ka;Kung idiit sa taingaNagbubuntung-hininga

c. Tag-initAlipatong lumapagSa lupa - nagkabitak,Sa kahoy – nalugayakSa Puso – nagalablab!

*Tanaga ay maikling tulang may apat na taludtof at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7.